Ika Dalawampung Pahina

Matamang tinitigan ni Harriet ang panganay na anak.

Dahil sa ginawa nyang ito, para na rin syang nakipagtitigan sa pinakamamahal na kabiyak.

Nais nyang mamangha sa kung paano naipasa sa kanyang anak ang mapupungay na mga mata ng kanyang asawa.

Tulad nito, matangkad din si Caleb at mukhang may itataas pa.

"Sige lang anak. Anong sasabihin mo ? " tanong ni Harriet.

Sunod sunod na napalunok si Caleb.

Mabilis nyang pinagana ang pag iisip at tinantya ang sitwasyon.

Oras na para malaman ng ina ang kondisyon ng ama.

Hindi nya maaaring ipagdamot ang impormasyong ito dahil higit sa lahat, karapatan ito ng kanyang Mommy.

"It's a-about Daddy. " mahinang bulong nya.

Saglit na natulala si Harriet.

Dahan dahang kumalas ang kanyang mga braso na nakapalibot sa basang katawan ng anak.

"What about him ? " malamig nyang tugon.

"Galit ka pa rin sa kanya Mom ? " tanong ng binata.

Ginala ni Harriet ang paningin sa paligid.

Larawan ng karangyaan ang kanyang nakikita, ngunit kaakibat nito ay ang di maipaliwanag na kahungkagan.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin.

Dahil sa ginawa nyang pagyakap sa basang katawan ng anak, nabasa ng bahagya ang kanyang damit.

Wala sa loob na niyakap ni Harriet ang sarili.

"It's been a while iho. Nakalimutan ko na ang ama mo. " mahinang sambit nya.

Mabilis na umikot si Caleb at nagtungo sa harap ng ina.

"Mom. Look at me. Look into my eyes and tell me that you don't love Daddy anymore. " wika nya.

Natigilan si Harriet.

Pinilit nya ang sariling tumawa.

"W-what are you doing iho. Matulog ka na. Laging malinis ang room mo. Lagi ko yong pinapalinisan kay Lisa. " nakangiting sagot nya.

Pero umiling si Caleb at hinawakan ang kamay ng ina.

"Mommy. " masuyong tawag nya.

Umiwas ng tingin si Harriet.

Ngunit hinaplos ng binata ang kanyang pisngi kaya napilitan syang tumitig dito.

"W-what ? " tanong nya.

Ngumiti ng masuyo si Caleb.

"Tell me that you don't love Daddy. " bulong nya.

Napalunok si Harriet.

"Then what ? Kapag nagawa ko ba yon, kalilimutan mo na ang bagay na yan ? " tanong nya.

Marahang tumango ang binata.

Napalunok si Harriet.

"I d-don't love your Dad-, I don't. " mahinang sagot nya.

"What ? " nangingiting tanong ni Caleb.

Huminga ng malalim si Harriet.

"I LOVE YOUR DADDY ! Mahal ko pa ang ama mo ! Masaya ka na ? " sigaw nya.

Biglang niyakap ni Caleb ang ina.

"That's my Mom. Alam ko naman po yun eh. Kaya nga di ako sumuko at naglakas loob akong bumalik dito sa Pilipinas para alamin ang katotohanan. And guess what I've learned Mom. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Harriet.

"Anong katotohanan ang sinasabi mo ? " tanong nya.

Unti unting sumeryoso si Caleb.

"Sorry Mom pero narinig ko po kayong nagtatalo ni Lola. And I also heard from her na iniwan daw tayo ni Dad at pinagpalit sa pera. " sagot nya.

Natulala si Harriet.

Mabilis na naipon ang mga luha sa kanyang mga mata.

Muli na namang nanumbalik ang sakit ng araw na iyon.

- -

( Nakaraan )

Dali daling tinungo ni Harriet ang library kung saan laging tumatambay ang ina.

Pagtapat sa pinto ay walang sabi sabi nyang binuksan ito.

"Mom ! Where's Gab ? " tanong nya.

Mula sa pagpirma ang mga dokumento, umangat ang ulo ng isang may edad na babae.

Kumunot ang noo nito at tinitigan ang bagong dating.

"What are you talking about ? " tanong nito.

Tumiim ang bagang ni Harriet.

Mabibigat ang mga hakbang na pumasok sya sa loob at pabalagbag na sinara ang pinto.

Galit sya.

Galit na galit.

Kagagaling lamang nyang opisina.

Kung hindi pa sya tumawag para kamustahin mag aama, hindi pa nya malalaman na wala na dito ang kanyang asawa.

..

Sumandal ang kanyang ina sa upuan.

Ni hindi man lamang ito kinakitaan ng takot sa mukha.

Bagkus ay tila ngisi pa ang pumorma sa dulo ng mga labi.

"So, it's about your husband ? " tanong nito.

Pinigilan ni Harriet ang sumigaw.

Pilit syang nagpakahinahon.

"Anong ginawa mo sa kanya Ma ? " tanong nya.

Hinatak ng ina ang drawer ng mesa nito at naglabas ng isang sobre.

"Here. Iniwan ito ng asawa mo. " sabi nya.

Natigilan si Harriet.

Parang ahas ang tingin nya sa puting sobre.

"A-ano yan ? " tanong nya.

"Sobre. Sulat mula kay Gabriel. " sagot ng ina.

Napalunok si Harriet at dahan dahang kinuha ang sobre.

Pikit mata nyang binuksan at kinuha ang laman.

Isa nga itong sulat.

At base sa nakikita nya, sulat kamay nga ito ng kanyang asawa.

Mabilis na pinasadahan ni Harriet ang nilalaman ng sulat.

Ilang minuto ang lumipas, puno na ng luha ang kanyang mukha.

"H-hindi. " bulong nya.

Tumayo ang kanyang ina at lumapit.

Inalok nito ang mga bisig at mabilis na yumakap si Harriet dito.

"Tahan na anak. Sabi ko naman sayo, pera lang ang habol nya. " bulong ng ina.

"P-pero may mga anak kami ! " giit ni Harriet.

Hinagod ng ina ang kanyang likod at masuyong hinalikan ang buhok.

"I know. At alam kong mapapalaki mo sila ng maayos. Hindi mo kailangan ang asawa mo. Tahan na anak. " masuyong bulong nya.

Lumong lumo ang pakiramdam ni Harriet.

Binuhos nya sa dibdib ng ina ang lahat ng sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon.

Hindi nila alam, may isang pares ng mga mata at tenga ang nakikinig sa kanilang pag uusap.

- -

( Kasalukuyan )

"W-what are you talking about iho ? " tanong ni Harriet sa anak.

Ngumiti ng malungkot si Caleb.

"It's not true Mommy. Walang nakuhang pera si Dad. Naikwento na nya sakin ang lahat. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Harriet.

"A-anong sabi mo ? " tanong nya.

Inalalayan ni Caleb ang ina papasok sa bahay at naupo sa malawak na salas.

Saglit na pinatuyo ng binata ang basang katawan at binalabal sa katawan ang twalya.

"Naghintay si Dad. " tanging sagot nya.

Lalong kumunot ang noo ni Harriet.

"Naghintay ? Saan ? " tanong nya.

"Sayo. Sa atin. Akala daw nya, susunod tayo. Yun ang nilagay nya sa sulat. Yun ang totoong sulat ni Dad. " sagot ng binata.

Napanganga si Harriet.

Di makapaniwala sa rebelasyong hatid ng anak.

"T-totoo ba yan anak ? " tanong nya.

Marahang tumango si Caleb.

"Mula yan mismo kay Dad. Yan ang sinabi sa akin ni Tyang Amy. " sabi nya.

Natulala si Harriet.

"S-si Amy ? A-anong kinalaman ni Amy dito ? Natural kakampihan nya ang kapatid nya iho. " wika nya.

Pero umiling si Caleb.

"Pagkabalik na pagkabalik daw ni Dad, nagpagawa sya ng bahay. Pero yun ay galing sa ipon nya. Alam naman po natin na mahirap lang ang pinanggalingan ni Daddy. Dun po ako tumutuloy ngayon Mom. Sa bahay na pinagawa ni Dad. Para sayo. " sabi nya.

Muling natigilan si Harriet.

Hindi na nya namalayan ang pagpatak ng mga luha.

"Tinupad nya. Tinupad nya ang promise nya. " bulong nya.

"Yes Mom. Sabi ni Tyang, ilang taon din daw naghintay si Dad hanggang sa sumuko na sya dahil nawalan na daw sya ng kontak sa atin. Remember, lumipat tayo ng bahay after umalis ni Dad ? " paalala ng binata.

Napahawak sa bibig si Harriet para pigilan ang paghagulgol.

Naalala na nya ang araw na yon kung saan biglang nagdesisyon ang ina na lumipat ng ibang bansa.

Para daw hindi na sila magulo ng kanyang asawa.

Pero mukhang base sa kwento ng anak, ang dahilan ng kanilang paglipat ay para hindi na sila makita pa ng kanyang kabiyak.

Dahil sa ideyang iyon na pumasok sa kanyang isip, di na napigilan ni Harriet ang mapahagulgol.

"Ang tanga tanga ko ! " umiiyak nyang sabi.

Mabilis na niyakap ni Caleb ang ina.

Hinagod nya ang likod nito bilang pagbibigay suporta.

..

Makalipas ang ilang minuto, naisip ni Caleb na sabihin na ang talagang sitwasyon.

"Mom. " tawag nya.

Humihikbing umangat ang tingin ni Harriet.

"A-anak. G-gusto kong samahan mo ako sa ama mo. Hihingi ako ng tawad. " sabi nya.

Marahang tumango si Caleb.

"Of course Mom. Pero hindi lang po yun ang gusto kong sabihin sa inyo. " imporma nya.

"A-ano pa ? " tanong ng ina.

Napalunok si Caleb.

"S-si Dad. " sabi nya.

"W-what happened to your Dad ? " tanong ni Harriet.

"You have to stay strong Mom. Nasa hospital si Dad. Comatose. " sambit ni Caleb.

Napanganga si Harriet.

"C-caleb. W-wag kang magbiro. " banta nya.

Umiling si Caleb.

"Hindi po magandang gawing biro ang tungkol sa ganuong bagay Mommy. At hinding hindi ko po gagawing biro ang bagay na iyon lalo na sa mga mahal ko sa buhay. " seryosong sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Harriet.

"NASAAN SYA ? Samahan mo ko Calebrador ! " sigaw nya.

"Tomorrow na po Mom. Bawal na po ang visitor sa mga oras na to. Nagpunta kami kanina ni Coleen pero di kami pinapasok. Ngayon lang din nya nalaman ang tungkol kay Dad. " imporma ng binata.

Napatutop sa bibig si Harriet.

"Ang anak ko. Anong ginawa ni Coleen ? " tanong nya.

"Of course umiyak ng umiyak. Pero wala kaming magawa kanina. Bukas na bukas, pupunta tayo Mom. " sagot ni Caleb.

"NO ! Ngayon ako pupunta ! Magbihis ka anak ! " sigaw ni Harriet.

Napangiwi si Caleb.

"Mommy. Bawal na nga po ang visitors. " sabi nya.

"Magbihis ka ! " utos ng ina.

Napaatras si Caleb.

"M-mom. " sambit nya.

"Magbibihis ka ba o ako ang pupuntang mag isa ? " hamon ni Harriet.

"Alam nyo ba kung saan ?" tanong ni Caleb.

Natigilan si Harriet.

Pero kinurot nya ang braso ng anak.

"Halika nga dito at ako ang magbibihis sayo " gigil nyang sabi.

Natawa si Caleb at umatras.

"Eto na nga po. Hayyyy, bahala nga kayo. Papauwiin din naman tayo eh. " sabi nya.

Naiiyak na napaupong muli si Harriet.

"B-bilisan mo na iho. Please. " sabi nya.

Natigilan si Caleb at mabilis na tumango.

"O-opo. Saglit lang po. " agad na sagot nya.

Nagmamadaling tumakbo si Caleb pabalik sa kwarto.

..

Halos wala pang limang minuto, nakapagpalit na ng damit si Caleb.

Pagbaba nya sa salas ay naabutan nya ang ina kaharap ang kanilang tatlong kasambahay kasama na ang driver.

"Kayo na muna ang bahala dito. Kapag nagising ang senyorita nyo, pakisabi na babalik din kami ng kuya nya. Wag kayong magpapapasok ng kung sino ha. " bilin ni Harriet.

Sabay sabay na tumango ang tatlong kasambahay.

Binalingan ng ina ang driver.

"Manong, ihanda nyo ulit yung kotse. " utos nito.

Hindi na nagtanong pa ang matanda.

Tumingin si Harriet sa anak.

"Tara na ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Kala mo talaga papapasukin tayo eh no. " biro nya.

Napasimangot si Harriet.

"PAPAPASUKIN TAYO ! " giit nya.

Napangiti si Caleb at inakbayan ang ina.

Namiss nya ang bagay na ito.

"Tara lets Mrs. Concepcion. " sabi nya.

Kahit na sari sari ang nararamdaman, nagawa pa ring ngumiti ni Harriet at niyakap ang isang braso sa bewang ng anak.

"Let's go Calebrador. " sagot nya.

Napangiwi na lang si Caleb.

..

Lulan ng kotse, biglang kinalabit ni Harriet ang driver.

"Manong, saglit lang ho. Pakitigil ho dyan sa bahay nina Mareng Alexa. " turo nya.

Tumango ang driver at hininto ang kotse sa tapat ng malaking bahay ng mga Di Carprio.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Anong gagawin natin dito Mom ? " tanong nya.

"Magpapatulong ako kay Pareng Primo. Siguradong papapasukin tayo kapag sinama natin sya. " desperadong sagot ni Harriet.

"P-pero Mom. It's 2: 30 in the morning. Baka kung anong sabihin nila. " pigil nya.

Tumitig si Harriet sa anak.

"Gagawin ko ang lahat. " sagot nya.

Natigilan si Caleb at napatango na lang.

Sabay silang lumabas ng kotse at naglakad patungo sa mababang gate.

Atubiling pinindot ng binata ang doorbell.

Lumikha iyon ng malakas na ingay.

Napangiwi si Caleb.

"M-mommy. Mukhang tulog pa sila. " sabi nya.

"Keep trying anak. Mababait ang pamilyang yan. Kaya for sure maiintindihan nila nag pakay natin. " sabi ni Harriet.

Tumango si Caleb at muling nagdoorbell.

Halos ilang minuto din silang naghintay bago pupungas pungas na lumabas ang isang babae.

"Anu pu yun ? " tanong nito.

Agad na ngumiti si Harriet.

"Pasensya na sa abala ha ? Gising na ba sila Alexa ? " tanong nya.

"Ay di pa pu. Mamaya pa yun alas sais. " sagot ng kasambahay.

Bumagsak ang mga balikat ni Harriet.

Pero sumingit si Caleb.

"Eh si Kuya Romeo ? Tulog po ba? " tanong nya.

Natigilan ang babae.

"Opo. May pasuk pa kasi sya. " sagot nito.

"P-pwede bang pakigising si Mareng Alexa ? Pakisabi namang importante lang oh. " pakiusap ni Harriet.

"Naku, baka kagalitan hu aku. " sagot ng kasambahay.

Hinawakan ni Harriet ang kamay ng babae at tinitigan sa mga mata.

"Parang awa mo na. Kailangan ko talaga silang makausap. " makaawa nya.

Maging si Caleb ay nakiusap na rin.

"Sige na po ate. Emergency lang po. Taga dyan lang kami sa kabilang block. Kaibigan po ako ni Kuya Rom. " sabi nya.

Tila naguluhan ang babae.

Pero dahil sa nakikita nyang pagpupursigi ng dalawa, napilitan syang tumango.

"S-sigi ho. Pasuk muna kayo at susubukan ku silang gisingin. " sabi nya.

Nakahinga ng maluwag ang mag ina.

"Salamat. Maraming maraming salamat. " naiiyak na sabi ni Harriet.

Ngumiti lang ang babae at nagpauna na sa pagpasok.

Nilingon ni Caleb ang driver.

"Manong pakihintay na lang po. " sabi nya.

"Sige lang po senyorito. " sagot ng matanda.

Agad na sumunod si Caleb sa ina.

..

"Saglit lang hu. " sabi ng babae.

"Naku salamat. Salamat ulit. " pasasalamat ni Harriet.

Ngumiti lamang ang kasambahay at umakyat na sa hagdan.

Binalingan ni Caleb ang ina.

"Ma, paano nyo nakilala si Attorney ? " tanong nya.

Ngumiti si Harriet.

"Kasama ko sa charity si Alexa. Mabait siya anak. Eh yung anak nila, paano mo nakilala ? " balik tanong nya.

Ngumiti din si Caleb.

"Kagabi lang po talaga kami nagkakilala Mommy. Galing kami ni Coleen sa Ospital ng pagtripan kami sa jeep ng mga lalake. " kwento nya.

Nanlaki ang mga mata ni Harriet.

"Whaat ? Anong nangyari ? " tanong nya.

Napangisi si Caleb.

Naalala nya ang muntikan na nilang paghahalikan ni Valerie.

Nais nyang ikwento ang buong pangyayari pero nahihiya sya sa ina.

Kaya naisip nyang laktawan ang eksenang iyon.

"Ayun po, buti na lang sumakay sila Kuya Romeo saka yung kaibigan nya na si Kuya Darius. Dyan lang po sila nakatira sa susunod na bahay. " kwento nya.

"Anong nangyari ? " tanong ng ina.

Napangiti si Caleb.

"To make the story short, niligtas kami nung dalawa. Tapos sabay sabay na po kaming umuwi. " sagot nya.

Nakahinga ng maluwang si Harriet.

"Sa susunod kasi anak, magkotse ka na. Magpasundo ka na lang. " pangaral nya.

Ngumiti ng kimi si Caleb.

"Remember Mom, di pa po tayo okay kagabi. " paalala nya.

Natigilan si Harriet at niyakap ang anak.

"I'm so sorry anak. Gustong gusto ko ng magsorry sayo pero di ko alam kung paano kita kokontakin. Lagi mo na lang kasi akong iniiwasan eh. " sabi nya.

"Sorry din po Mom. Ayaw ko lang kasing mamroblema pa kayo sakin eh. " sagot ni Caleb.

"Pwede ba yon ? Eh nanay mo ko. Speaking of paglalayas mo, saan ka kumukuha ng panggastos ? Sa trust fund mo no ? " tanong ni Harriet.

Napangisi si Caleb.

"Yes. Pero lately, di na ako umubra. " sabi nya.

Tumango si Harriet.

"Binlock ng Lola mo yung account mo. " sagot nya.

"I know Mom. Alam ko namang di mo gagawin sakin yun eh. Pasensya na rin po kung nagalaw ko yung perang inipon nyo para sakin ha ? Kailangan eh. " paliwanag ng binata.

Natigilan si Harriet.

"Sa D-daddy mo ba ginastos yung pera ? " tanong nya.

Marahang tumango si Caleb.

"Opo, naubos po kasi yung perang inipon ni Dad sa pagstay nya sa hospital. Eh di naman ganun kalaki yung sahod ni Tyang para tustusan yung gastos. Ayun po, ginamit ko yung pera. Nung una ayaw nya kasi daw po baka magalit kayo. Pero ininsist ko, sabi ko kung di ko gagawin yon, baka malagay sa alanganin si Dad. " paliwanag pa nya.

Muling napaiyak si Harriet at mahigpit na niyakap ang anak.

"Napakalaki pala ng sakripisyo mo anak ko. Patawarin mo si Mommy ha ? " naiiyak na sabi nya.

Ngumiti lang si Caleb.

"It's okay Mom. Gagawin ko rin po ang lahat para kay Dad at sa pamilya natin. " sabi nya.

Humagulgol si Harriet sa dibdib ng anak.

Maya maya ay nakarinig sila ng mga yabag.

Agad na inayos ni Harriet ang sarili sabay tayo.

"Mare. " tawag nya.

..

Kahit bagong gising, tila dyosang bumababa ng hagdan si Alexa.

Nakaroba lamang ang babae.

Matamis na ngiti ang sinalubong nito sa mag ina.

"Mare. Anong problema ? " tanong nito.

Agad na nagyakap ang dalawang babae.

Di na napigilan ni Harriet ang emosyon, naiyak sya sa balikat ng kaibigan.

"Mare, p-pasensya ka na sa abala ha ? Hihingi lang sana ako ng tulong. " sabi nya.

Umiling si Alexa.

"Ano bang sinasabi mong abala ? Mabuti nga at dito ka nagpunta. Anong problema ? Upo tayo. " turo nya sa sofa.

Agad na umupo si Harriet at tinuro si Caleb.

"Mare anak ko, panganay. Naalala mo yung kambal ko ? " tanong nya.

Ngumiti si Alexa.

"Naku ito ba yon ? Ang laki pala at ang gwapo ! " puri nya.

Pinilit ni Harriet ang mapangiti.

"Mana sa ama. Hala Caleb magmano ka sa Tita Alexa. " utos nya.

Agad na tumayo si Caleb at inabot ang kamay ni Alexa.

"Magandang umaga po Tita. " magalang na bati nya.

"Magandang umaga din iho. Anong gusto nyong kainin ? Teka at magpapahanda ako ng almusal. " sabi ni Alexa.

Umiling si Harriet at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng babae.

"M-mare. Magpapasama sana ako sa ospital sa mister mo. Nakakahiya pero wala na akong choice. Di na daw nagpapapasok eh. " naiiyak na sabi nya.

Kumunot ang noo ni Alexa.

"O-ospital ? Sinong nandon ? " tanong nya.

Napakagat labi si Harriet.

"A-asawa ko. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Alexa.

"Oh God. Pero wala pa si Primo. Kasama sya ng Presidente sa Singapore. Bukas pa ng gabi ang uwi nya. " malungkot na sabi nya.

Natulala si Harriet at pinigilan ang sariling umiyak.

"G-ganun ba ? S-sige ayos lang. Pasensya na talaga ha ? Nagising pa tuloy kita. " naiiyak na wika nya.

Natigilan si Alexa at ngali ngali na ring umiyak.

"Wait me here " sabi nya.

Bigla syang tumayo at tumakbo paakyat sa hagdan.

Nagkatinginan sina Harriet at Caleb.

Maya maya ay nakarinig sila ng pagtatalo sa parteng itaas ng bahay.

Hanggang sa makita nilang nakangiting bumababa si Alexa.

"Saglit lang Mare. " sabi nya.

Nagtaka si Harriet.

"B-bakit ? " tanong nya.

Ngumiti lang si Alexa at tumingala.

"20 seconds ! " sigaw nya.

Pati si Caleb ay nagtaka.

"A-anong meron ? " bulong nya sa ina.

Pinunasan ni Harriet ang mga luha at nagkibit balikat.

..

Ilang saglit lang ay muling sumigaw si Alexa.

"5 seconds. Kapag di ka pa bumaba, hindi mo na makikita ang PSP mo. " sigaw nito.

Bigla silang nakarinig ng lagabog.

Napatingala ang lahat ng pupungas pungas na lumitaw si Romeo.

"Isusumbong kita kay Daddy " banta nya.

Umismid si Alexa.

"Gusto mo pagulungin ko pa yung Tatay mo sa harap mo eh. " pagyayabang nya.

Napasimangot si Romeo.

"Magsasampa kami ng kaso. " sagot ng binata.

Tumaas ang isang kilay ni Alexa.

"Anong kaso ? " tanong nya.

"Article 282 ng Revised Penal Code. Grave threat " nakasimangot na sagot ni Romeo.

Natawa si Alexa.

"Wala kang ibidinsya. " wika nya.

Natawa din si Romeo pero bigla syang natigilan ng may makitang ibang tao.

"Ay. Visitors. " sabi nya.

Kumaway si Caleb.

"Kuya Rom. " tawag nya.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"Oy loverboy. Kamusta ? Yung syota mo ? " tanong nya.

Nagtaka si Harriet at napatingin sa anak.

"Loverboy ? Ikaw ? Syota ? Sino ? " sunod sunod na tanong nya.

Nataranta si Caleb at umiling.

"J-joker talaga yan Mom. " bulong nya.

Napangiti si Alexa at tumabi kay Harriet.

"Mare, sasamahan kayo ng anak ko sa ospital. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Romeo.

"My goodness gracious super califragi eklavu. What are you talking talking about mother ? " tanong nya.

Humagikgik si Alexa.

"You heard me right my son. Sasamahan mo sila sa hospital kasi wala si Father Earth mo. " utos nya.

Napasimangot si Romeo.

"Isang magandang rason kung bakit ko gagawin yon. " sabi nya.

"Kasi sinabi ko. " maiksing sagot ni Alexa.

Napangiwi si Romeo at inirapan ang ina.

..

Binalingan ni Alexa si Harriet.

"Mare, sige na at susunod ako mamaya. Wala kasing maiiwan dito eh. " sabi nya.

Nagdalawang isip si Harriet.

"S-sya ang sasama ? S-sigurado ka ? " paniniyak nya.

Nakangiting tumango si Alexa.

"Yup. Don't worry, maipapasok kayo ng anak ko kahit saan ninyo pumasok. " bulong nya.

Napatingin si Harriet kay Romeo na nakapikit sa sofa.

"P-pero. " sabi nya.

Hinawakan ng mahigpit ni Alexa sa kamay ang babae.

"Mare, magmadali na kayo. " sabi nya.

"S-sige. T-tara na anak. " tawag ni Harriet

Tumayo naman si Caleb at inalalayan ang ina.

Kinuha ni Alexa ang isang unan at binato ang anak.

"Bilisan mo na. " utos nya.

Pupungas pungas na tumayo si Romeo at nagpaunang lumabas ng bahay.

Pero sumitsit si Alexa.

"Hoy. " tawag nya.

Umungol si Romeo at muling bumalik palapit sa ina.

Niyakap nya ito at binigyan ng matamis na halik sa pisngi.

"Love you Mother Earth. " sabi nya.

"Love you more baby. " lambing ni Alexa.

Muling nagpaunang lumabas ng bahay si Romeo.

Napangiti si Harriet sa mag ina.

"Ang sweet nyo pala. " puna nya.

Ngumiti din si Alexa.

"Yeah. Sisiga siga lang ang mag ama ko, pero kapag nandito sila. Para silang tupang walang kasing amo. " bungisngis nya.

Natawa si Caleb at niyakap ang ina.

"Salamat po Tita Alexa. Alis na po kami. " paalam nya.

"Wala yon iho. Mag iingat kayo sa byahe. " sambit ni Alexa.

..

Sabay sabay na nagtungo sa kotse ang tatlo.

Kinawayan nila si Alexa bago tuluyang pinausad ang sasakyan.

Naupo sa harap si Romeo katabi ng driver.

Sinabi ni Caleb ang pupuntahan at namang tumango ang butihing matanda.

"Maraming maraming salamat ha Romeo ? " sabi ni Harriet.

Ngumiti lang ang binata.

"Ayos lang po Tita. Basta papakainin nyo ko ha. " wika nya.

Napangiti si Harriet at agad na tumango tango.

"Sure sure. Saan mo gusto ? Anong gusto mo ? " agad na tanong nya.

"Mamaya na po. " nakangiting sagot ni Romeo.

Ngumiti lang din si Harriet.

..

Dahil sa dis oras ng gabi, naging madali para sa kanila ang bumyahe pabalik ng ospital.

Agad na bumaba ang tatlo.

"Magpapark lang po ako Senyora. " sabi ng driver.

Tumango si Harriet at naglabas ng pera.

"Eto ho Manong, mag almusal muna kayo. " utos nya.

Napangiti ang driver at tinanggap ang limang daan.

"Mamaya na lang yung sukli. " sagot nya.

"Sa inyo na ho. " sambit ni Harriet.

Nabigla ang driver at nagpasalamat.

"Salamat po Senyora. " sagot nya.

Ngumiti lang si Harriet at niyakap ang anak.

Naglakad sila papasok sa ospital.

Ngunit tulad ng inaasahan, hinarap sila sa pinto pa lamang.

"Di na po pwede. " sabi ng guard.

Natigilan si Harriet at binalingan si Romeo.

"Iho. " tawag nya.

Ngumiti ang binata.

Lumapit sya sa guard.

"Alam nyo bang sikat na artista ako kuya ? " biglang sabi nya.

Natulala ang gwardya at binistahan ang binata.

"Weeee ? Di kita kilala. Saka kahit artista ka, di pa rin pwede. Mamaya pa ang oras ng bisita. Alas otso. " litanya nito.

Sumimangot si Romeo.

"Suplado ka ha. Teka nga. " bulong nya.

Hinarap ng binata ang mag ina.

"Saglit lang guys. Tita peram po ng phone. " request ni Romeo.

Agad na nilabas ni Harriet ang phone.

Lumayo ng konti si Romeo sabay nagsimulang magdial.

Ilang saglit na nagpabalik balik ang binata bago ngumisi at nagsalita.

"UNCLEEE !!! Hoy wag mong ibaba ! " sigaw nya.

Natigilan sina Harriet at Caleb.

Maging ang gwardya ay nacurious kung sino ang kausap ng binata.

Kita nilang para itong nakikipagtalo.

Pero maya maya ay tumawa.

"BWAHAHAHA. Huli ka. Sige na kase. Okay okay. " sabi ni Romeo sabay lumapit sa gwardya.

Inabot nya ang phone.

Nagsalubong ang kilay ng guard.

"Ano yan ? " tanong nya.

"Cellphone, pwede kang makipag usap sa pamamagitan ng gadget na yan. " pamimilosopo ni Romeo.

Napasimangot ang gwardya.

"Alam kong cellphone yan. Pero bakit mo binibigay saken ? " tanong nya.

"Di akin to, so bakit ko ibibigay sa inyo ? May gustong kumausap sayo koya. " sabi ni Romeo.

"Ayoko. " sagot ng gwardya.

"Aba't talagang suplado. Uncle ayaw. " sabi ni Romeo.

Tumango tango ang binata.

Maya maya ay ngumisi.

"Kapag di nyo daw sya kinausap, magkaka almoranas kayo sa pwet. " sabi ni Romeo.

Pinigilan ni Harriet at Caleb ang matawa.

Sumimangot muli ang gwardya at inagaw ang cellphone.

"Akina nga. Hello ? " sagot nya.

Pero nawala ang pagkasimangot ng gwardya at napalitan ng ngiti.

"Sige ser. Yes ser. Pamangkin nyo pala to. Yes ser. Monggoloyd kasi ang galaw eh. Haha. Sige ser salamat. Aasahan ko ho yan. " sabi nya.

Nakangiting binalik ng gwardya ang cellphone kay Romeo.

"Sumunod kayo saken. " sabi nya at tinawag ang isa pang gwardyang kasama.

Napangisi ng maluwang si Romeo.

..

"Hanggang dito na lang ako Ma'am. Kapag may problema, nasa pwesto lang ako. Pasok na lang kayo sa loob para di na kayo masita. " bulong ng gwardya.

Napayuko si Caleb at nagpasalamat.

"Maraming salamat kuya. " sabi nya.

Tinapik ng gwardya si Romeo.

"Siraulo ka. " wika nito.

Natawa ang binata.

"Mamaya manong dadalhan kita ng almusal. " sambit nya.

Ngumiti ang gwardya.

"Sige sige. Salamat. " sagot nito at umalis na.

Napatingin si Harriet kay Romeo.

"Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero lubos akong nagpapasalamat iho. " taos pusong sabi nya.

"Wala ho yon. Anong room ba Caleb ? " tanong ng binata.

"Tara. " sagot ni Caleb.

"Kita mo to, tinanong ko kung anong room, sinagot ako ng tara ? Pinoy talaga eh. " natatawang wika ni Romeo.

Napangiti lang si Harriet at sumunod na sila sa anak.

Ilang saglit ang lumipas, tumigil si Caleb sa tapat ng isang pinto at hinarap ang ina.

"Ma, ready ka na po ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Harriet.

Bagama't naiiyak, pinigilan nya ang sarili.

"R-ready. " mahinang sagot nya.

Hinawakan ni Caleb ang doorknob pero umepal si Romeo.

"Ako ? Di mo tatanungin ? " tanong nya.

Natulala si Caleb at napakamot sa batok.

"Ewan ko sayo " sabi nya at tuluyan ng binuksan ang pinto.

Pumasok si Caleb kasunod ng ina.

Tumingin muna si Romeo sa paligid bago paatras na pumasok.

"Clear. " parang tangang bulong nya.

..

Naabutan nilang nakalatag ang isang comforter at natutulog ang isang babae.

Pero di dito napako ang atensyon ni Harriet, kundi sa lalaking nakahiga sa kama.

"M-mahal ko. " bulong nya.

Nabitawan ni Harriet ang hawak na bag at wala sa sariling naglakad palapit sa kabiyak.

"G-gabriel. Mahal ko. " parang baliw na bulong nya.

Lumapit ang ina sa kama at pinagmasdan ang kalunos lunos na itsura ng asawa.

Maraming tubo ang nakakabit sa katawan nito.

Malaki na rin ang ipinayat ng kabiyak pero hinding hindi pa rin nagbabago ang intensidad ng kanyang pagmamahal tungo dito.

Sa kabila ng panahon at sa napakaraming hamong dumating, mahal na mahal pa rin nya ang asawa.

Hindi na pinigilan ni Harriet ang emosyon.

Buong pait syang tumangis sa tabi ng kabiyak. Pinalibot nya ang isang braso sa katawan nito at pilit na kinausap.

"Gabrieeellll. " sigaw ng ina

Sukat duon ay nagising si Amy.

Taranta itong napatayo pero biglang matigilan ng makitang maraming tao sa silid.

Lalo syang natulala ng makita ang babaeng umiiyak sa tabi ng kanyang kapatid.

"A-ate. " sambit nya.

Pero di lumingon si Harriet.

Wala syang pakialam sa paligid, tanging ang kabiyak ang mahalaga.

Akmang lalapit si Caleb para awatin ang ina pero may humawak sa kanyang braso.

Paglingon nya ay nakita nya ang seryosong mukha ni Romeo.

"Hayaan muna natin sya. " sabi nito.

Wala sa sariling tumango ang binata.

Wala syang nagawa kundi pagmasdan ang ina habang tinatangisan nito ang ama.

Maging ang kagigising na si Amy ay di mapigilan ang pagluha.

Kahit na halos wala pa sya sa tamang huwisyo at di nya alam kung paanong napunta ang mga ito sa silid.

..

"U-upo ka muna kuya Rom. " turo ni Caleb sa maliit na sofa.

Tumango si Romeo at binagsak ang katawan sa maliit na upuan.

Minasahe nya ang sentido at pinagmasdan ang mag asawa.

Pero may napansin syang kakaiba.

"Caleb. " tawag nya.

Kunot noong lumapit si Caleb sa binata.

"Oh ? " tanong nya.

Tinuro ni Romeo ang pasyente.

"Anong sakit ng Tatay mo ? " tanong nya.

Malungkot na napabuntong hininga si Caleb.

"Heart failure. Dala ng paglalasing daw eh. Pero dati na daw palang mahina ang puso ni Dad. Nadagdagan lang ng pag inom nya. " sagot nya.

Tumango tango si Romeo.

"Ilang araw na kayo dito ? " tanong nya.

Ngumiti ng malungkot si Caleb.

"Months na kuya. Almost half a year. " sagot nyang muli.

Nagtaka si Romeo.

"Nakausap mo ba ang tatay mo ? " tanong nya.

Umiling si Caleb.

"Nope, dito ko na sila naabutan ni Tyang. Ay syangapala, Tyang si Romeo po. Kapitbahay namin at kaibigan ko. Kuya Rom, si Tyang Amy. Tita ko at kapatid ni Dad. " pakilala nya.

Agad namang lumapit si Amy at inabot ang kamay.

"Paano kayong nakapasok dito ? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Kasi pogi ako Tyang. " sagot nya.

Natawa si Amy.

"Nakikita ko nga. " sabi nya.

Ngumisi si Romeo at kinuha ang papel na nasa dulo ng kama ng pasyente.

"Eto yung records nya di ba? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Yup. Pati yung mga pinapasok na gamot. " sagot nya.

Tumango tango din si Romeo.

Pero bigla syang napahinto sa pagbabasa.

"Ay nako, puro english. Yoko na. " asar na sabi nya at akmang ibabalik na ang papel ng biglang matigilan.

Kinalabit nya si Caleb.

"Psst, nakalagay dito, comatose ang tatay mo. " sabi ni Romeo.

Tumango ang binata.

"Yup. Di ko ba nasabi ? After nyang madala dito, sabi ni Tyang, 2 weeks daw di na nagising si Dad. " malungkot na sagot nya.

Kumunot ang noo ni Romeo at tinitigan ang pasyente.

Napansin naman ito ni Amy kaya nagtanong sya sa binata.

"Baket ? " tanong nya.

Tinuro ni Romeo ang pasyente.

"Kung comatose sya. Bakit gumagalaw yung kamay nya ? " tanong nya.

Natigilan ang mag tyahin at dahan dahang tiningnan ang tinuturo ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata nila ng makitang gumalaw ang isang daliri nito.

Wala sa loob na nagkatinginan ang dalawa.

ITUTULOY !!!