Ika Dalawampu't Anim na Pahina

"M-mama ? " halos hindi na narinig ni Harriet ang sariling tinig.

Saglit syang naparalisa ng marinig ang boses ng ina.

"Sino pa ba ? Leka't na batang to. Kanina pa ako tawag ng tawag sa bahay nyo, wala ka daw sabi ng mga katulong. Nasaan ka ba ? " tanong nito.

Natulala si Harriet.

Sari saring emosyon ang mabilis na nagsipasok sa kanyang puso.

"HARRIETA " malakas na tawag ng ina.

Napaigtad si Harriet

Muntik na nyang mabitawan ang cellphone sa gulat.

"P-po ? " kabadong tanong nya.

Sinaway nya ang sarili.

Para pa rin syang bata.

Kaunting taas lang ng boses ng ina ay nangangatog na sya sa takot.

"Anong Po ? Aysus, sagutin mo ang tanong ko, nasan ka ba ? " tanong nitong muli.

Nanginig ang kamay ni Harriet.

Mabilis syang nag isip.

Di nya alam kung sasabihin ba ang totoong kinaroroonan ?

O magsisinungaling na lamang ?

Sa huli, pinili ni Harriet ang pangalawa.

"N-nasa Tagaytay ako Ma. " sagot nya.

"Tagaytay ? Anong ginagawa mo dyan ? Sinong kasama ni Coleen sa inyo ? " tanong ng ina.

Natigilan si Harriet.

Nais sana nyang itago ang katotohanan pero natatakot syang magsinungaling sa ina.

Kaya sa huli, pikit mata syang sumagot.

"Si C-caleb po. " sagot nya.

Saglit na natahimik ang kabilang linya.

Maya maya ay huminga ng malalim ang matanda.

"Hmm. Nakita mo na pala ang anak mong suwail. Mabuti naman at nagkasundo na kayo ? " tanong nito.

Tumiim ang mga bagang ni Harriet.

"Hindi suwail si Caleb, Ma. Nagkataon lang na hindi nya gusto ang mga pinapagawa natin. " katwiran nya.

"Eh ano pa bang tawag mo don ? Walang utang na loob ? " tanong pa ng ina.

Naningkit ang mga mata ni Harriet.

"Ma, wag na po ninyong pakialam yung mga bata. Malalaki na sila. " sagot nya.

Tumawa ng malakas ang ina sa kabilang linya.

"Ano bang pinagsasabi mo Harrieta ? Hala at ihanda mo ang guest room nyo. May darating akong bisita dyan. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Harriet.

"Bisita ? Sino po ? " tanong nya.

"Abangan mo na lang sya dyan. Mabuti pang umuwi ka na bukas na bukas at nakakahiya kung walang sasalubong sa kanya. Tamang tama, nanduon si Calebrador. " sagot ng ina.

Natigilan si Harriet.

"T-teka Mama. W-wag nyong sabihin na si ano yan. " pinutol nya ang sasabihin.

"Di ko na kailangang sabihin dahil kilala mo na sya. Haha. Hindi na pwedeng hindi ito matuloy Harrieta. Nakapangako ako at hindi ako papayag na muli mo akong biguin. "

Nahindik si Harriet.

"W-wag nyong sabihin na itutuloy nyo pa rin ang plano ? " mahinang tanong nya.

Tumawa ang ina.

"Of course anak. Hay nako, bukas na lang tayong mag usap at marami pa akong ginagawa. Umuwi ka na. " utos nito.

"Mama ! " mariing tawag ni Harriet.

Naputol na ang linya.

Pakiramdam ni Harriet pati ang hininga nya ay naputol na rin.

Napatitig na lamang sya sa cellphone.

Kusang pumatak mga luha mula sa kanyang mga mata.

..

Kinabukasan.

Pagmulat pa lamang ng mga mata ni Valerie ay ang cellphone agad ang kanyang hinanap.

Natagpuan nya ito sa kanyang tabi kung saan nya nabitawan matapos ang mahabang pag uusap nila ni Caleb.

Di makapaniwala ang dalaga sa nararanasan.

Parang wala silang kabagutan ng binata.

Kung saan saan napupunta ang kanilang paksa na nauuwi din sa pagtawa.

Napailing na lang si Valerie.

Pagbukas ng cellphone ay di nya maiwasang mapangiti ng makitang may isa syang mensahe.

Agad na binuksan ng dalaga ang text.

Para lamang lalong mapangiti.

"Good morning world. Thanks for waking me up again. Thank God sa pagbibigay nyo po sa akin ng isa pang pagkakataon para ipadama sa babaeng pinakakamahal ko kung gaano sya kahalaga. Wooo. Oy Val ikaw naman ang magpasalamat kay Papa J paggising mo ha? Muah ! "

Abot tenga agad ang ngiti ni Valerie.

Dali dali syang tumipa ng reply sa binata.

"Hmm. Good Morning ! Salamat po Panginoon sa araw na ito. Yun lang po. :P Syempre joke lang yon. Maraming Salamat po sa pagbibigay nyo din sa akin ng chance na sabihin sa kanya na. na. na. Oops, saka na yon. " landi nya.

Napakagat labi si Valerie sa titig sa cellphone.

Inantay nyang mag send ang mensahe.

Di naman sya ng hintay ng matagal.

Siguradong gising na ang binata dahil marami pa itong aasikasuhin.

Akmang ibababa na nya ang cellphone ng bilga itong mag ring.

Pagtingin ni Valerie ay muli syang napangiti.

Dali dali nyang sinagot ang tawag.

"Good morning baby. " boses ni Caleb.

Kinilig hanggang buto ang dalaga.

"Good morning baby. Ang aga mong nagising ah ? " puri ni Val.

"Yep. I've so much to do. Marami pa kaming aasikasuhin dito. Uhm baby, what time kita susunduin ? " tanong ni Caleb.

"Wag na baby, kami na lang ang pupunta ni Kakay dyan after school. " wika ni Val.

"Bakit ka pa pupunta ng school ? It's saturday. " paalala ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"Remember our play ? May praktis kami. " sagot nya.

"Ay oo nga pala. Hmm, saan ang praktis ? " tanong ng binata.

Napaisip si Valerie.

"Ang alam ko, magkikita kita kami sa school. Then duon pa lang mag de-decide kung saan gaganapin. Why ? " tanong nya.

"I think masusundo kita. " wika ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"Talaga ? Di ka ba maaabala ? " tanong nya.

"Of course not. Mas okay na rin yon para kahit paano mabantayan kita. " sagot ng binata.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Bantayan ? Saan ? " tanong nya.

"W-wala. Baby I have to go. Nandito na yung sa catering. Ingat sa pagpunta sa practice ha ? " sambit ni Caleb.

Nagtataka man, napangiti na lang ang dalaga.

"Sure baby. Mag tetext agad ako sayo kapag nandun na ako. Ikaw rin, wag kang masyadong magpapagod ha ? " paalala nya.

"Sarap naman nyan. Hmm, have to go babe. Muah. " wika ni Caleb.

Napakagat labi si Valerie.

"M-muah. " sagot nya.

"Hmm, sana maging totoo na lang yung kiss mo. " bulong ni Caleb.

Napangiti ang dalaga.

"Malay mo, mamaya. " landi nya.

"Sinabi mo yan ah. " sabi ni Caleb.

"Oops, wala akong sinabi. " nakangiting wika ni Valerie.

Natawa si Caleb.

"I missed you already baby. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"I missed you too. Bye. " paalam nya.

"Bye. " sagot ni Caleb.

Nakangiting tinapos ni Valerie ang tawag.

Dinampot nya ang unan at pinaghahalikan.

"Hmm, Caleb. Hmmm Muah muah. " gigil na ungol nya.

Biglang may nagsalita.

"Ano yan anak ? Minamanyak mo yung unan habang pinagpapantasyahan si Caleb ? Yuck. " sabi ni Aling Vicky.

Natulala si Valerie at mabilis na inayos ang sarili.

"Bakit di kayo kumatok ? " nakasimangot na sabi nya.

"Hala, baka bukas yung pinto ? Helleeerrrr. Masumbong nga kay Caleb mamaya. " banta ni Aling Vicky.

Tumayo si Valerie at dali daling hinabol ang ina.

"NAY ! " sigaw nya.

Napatili si Aling Vicky sabay takbo palabas.

..

Sa eskwelahan.

Unti unti ng nakukumpleto ang buong grupo maliban kay Yohan.

Nakasimangot na tumayo si Cheska at nag inat.

"Ano na te ? Anong oras darating yung unggoy na leader natin ? " tanong nya.

Natawa si Valerie.

Kumunot ang noo ni Cheska at sinulyapan ang kaibigan.

"Hala ? Di affected kahit 1 hour na tayong naghihintay ? Teka nga, sino ba yang katext mo at parang pagngiti at pagtawa na lang ang kaya mong gawing expression ? " tanong nya.

Lalong natawa si Valerie.

"Para kang ewan. " sabi nya.

"Hala, ako pa ang parang ewan ? Hoy Val, mag iisa't kalahating oras na tayong nag hihintay dito. Eh kung pumunta na lang tayo kina Caleb ? " tanong ni Cheska.

Umiling si Valerie.

"Susunduin daw nya tayo. Nag-aayos pa daw sila don. " sagot nya.

"Wow, paano mo naman nalaman ? Ay ang shunga ko naman, si Caleb lang naman ang tinetext mo di ba? Bakit pa ba ako nagtatanong. Hmm, anong oras daw nya tayo susunduin ? " tanong ni Cheska.

"Mamaya pagtapos natin. " sagot ni Valerie.

Napatingin si Cheska sa mga kasama.

"Wala na atang praktis, magsiuwi na tayo. Maglalaba pa ako ng panty ko. " asar na sabi nya.

Natawa ang ilan nilang kasama kabilang na si Valerie.

"Mahiya ka nga. " saway nya.

Inis na hinawakan ni Cheska ang kamay ng kaibigan at pagkatapos ay hinatak.

"Tara na. Mamumuti ang mga mata natin dito sa kahihintay. " asar na aya nya.

Natatawang sumunod si Valerie.

Pero di pa sila nakakalayo ay nakasalubong nila si Yohan.

"Oh saan kayo pupunta ? " tanong nito.

Napasimangot si Cheska.

"Uuwi. Bakit may angal ka ? " taray nya.

Natigilan si Yohan at tumingin kay Valerie.

"T-teka. Bakit kayo uuwi ? " tanong nya.

"Eh kanina pa kaya kaming naghihintay sayo. Sabi mo ontime dapat pumunta pero ikaw pala itong wala sa oras. " sagot ni Valerie.

Napangiwi si Yohan.

"Ang tagal kasing matapos nung pinaluto ko eh. " sabi nya.

Nagkatinginan ang magkaibigan.

"Pake namin sa pinaluto mo ? Uuwi na kami. " sabi ni Cheska.

Pero humarang sa daan ang binata.

"Ches naman. Sayang yung effort ni Mommy sa bahay. " wika nya.

Napatingin si Cheska sa kaibigan pagkatapos ay kay Yohan.

"Anong effort ? " tanong nya.

Ngumiti ang binata.

"Sa bahay tayo mag papraktis. May dala akong sasakyan. " sabi nya.

Napanganga si Valerie.

"T-teka. Wala yan sa usapan Yohan. " sambit nya.

Napakamot sa batok si Yohan.

"S-sige na guys. Birthday kasi ng Mommy ko. Naghanda sya ng kaunti kasi ang alam nya ay may bisita ako. " sagot nito.

Napatingin si Valerie sa mga kaklase nila.

"Lahat kami ? " tanong nya.

Ngumiti si Yohan.

"Nope, actually dalawa lang kayo ni Cheska. " sabi nya.

Napanganga si Cheska.

"Hoy Yohan. Anong tingin mo sa mga yan ? Walang ginagawa sa kanila at basta mo na lang pinapunta dito ? Pagkatapos pauuwiin ng wala naman palang nagawa kahit isa ? " sumbat nya.

Tumango tango si Valerie.

"Tama si Cheska, pangit yung ganon Yohan. " sabi nya.

Napangiwi si Yohan at tiningnan ang mga kaklase.

"Marami rami pala. Baka di kasi tayo magkasya sa van eh. " wika nya.

"May dala kang sasakyan ? " tanong ni Cheska.

Ngumiti si Yohan.

"Yup, sa erpats ko. " sagot nya.

Napatingin si Valerie sa mga kaklase at pasimpleng binilang.

"16 ata tayo, marami nga. Eh kasi naman dapat may practice tayo eh. " sabi nya.

"Hmm, sorry na. Nawala sa isip ko eh. Anyway, pwede naman tayong magpractice ng isang set then punta uwi na. Yung gustong sumama, eh di sumama. Yung ayaw eh pwede ng umuwi. Bibigyan ko na lang sila ng pamasahe. " suhestyon ni Yohan.

Nagkatinginan ang magkaibigan.

Binalingan ni Valerie ang binata.

"Sabihin mo sa kanila yan. " utos nya.

Ngumiti si Yohan.

"Sige sige. Sa tingin ko wala namang sasama. Wait lang ha. " excited na wika nya.

Pinagmasdan ng dalawa ang pagtakbo ng binata patungo sa mga kaklase.

Kinalabit ni Valerie ang kaibigan.

"Sasama ba tayo ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Ewan ko sayo. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pang makipag kulitan kay Coleen kesa makipag plastikan sa nanay ni Yohan. " pag amin nya.

"Ako nga rin eh. Pero mamaya pa daw tayo masusundo ni Caleb. " sambit ni Valerie.

"Text mo nga kung pwede ng pumunta. Tumulong na lang tayo sa pagprepare. " sabi ni Cheska.

Kinuha ni Valerie ang cellphone at nag text.

Di sya naghintay ng matagal at nakatanggap din ng sagot mula sa binata.

Agad na binasa ng dalaga ang reply.

"Wala daw sila sa bahay. Nasa restaurant at tinitingnan yung mga pagkain. " sagot ni Valerie.

Napasimangot si Cheska.

"Anong oras daw nya tayo susunduin ? Tanong mo kase. " utos nya.

Biglang binatukan ni Valerie ang kaibigan.

"Makautos ka wagas ah. " sabi nya pero nagtext rin naman.

Maya maya ay muling nakatanggap ng reply ang dalaga.

"4 pa daw. " basa nya.

Napanganga ang dalawa.

"Ha ? Alas kwatro ? Eh mag aalas diyes pa lang Bebang ! " gulat na sabi ni Cheska.

"Alam ko gaga. So paano yan ? Uwi na tayo ? " tanong ni Valerie.

"Bakit ako ang tinatanong mo ? Sabihin mo kay Yohan na dito na lang tayo magpraktis. " sagot ni Cheska.

Tumango si Valerie at sabay silang sumali sa grupo.

Naabutan nila itong nagtatawanan sa pangunguna ni Yohan.

"Yohan. " tawag ni Valerie.

Napangiti ang binata.

"Yes ? " tanong nya.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

"Ano ng plano ? " tanong nya.

"Ah, nag decide sila na sa Monday na lang daw ituloy yung practice. Bale ibabalik ko na lang yung pamasahe nila plus pang miryenda. " sagot ng binata.

Namangha si Cheska.

"Wow. Yaman. " sabi nya.

Ngumiti si Yohan.

"Di naman. Sinusubukan ko lang ibalik yung perwsiyong naidulot ko sa kanila. Di ba guys ? So paano ? Mauna na kami ha? Sure kayong ayaw nyong sumama ? " tanong nya.

Umiling ang lahat.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"So, di na rin kami tuloy ? " tanong nya.

Nagkandailing iling si Yohan.

"No no no. Tuloy na tuloy pa rin tayo. Please Val. Ineexpect kayo ni Mommy. Lalo ka na." sabi nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Me ? Why me ? " tanong nya.

Nahihiyang napangiti si Yohan.

"K-kasi sabi ko, dadalhin ko yung crush ko. " bulong nya.

Natigilan si Valerie at nakaramdam ng pagkailang.

Pasimple nyang siniko si Cheska.

Agad namang nakahalata ang kaibigan.

"Ah eh Yohan. Baka saglit lang din kami. May lakad pa kami ni Val eh. " singit nya.

Natigilan si Yohan.

Pero maya maya ay napangiti sya ng malungkot.

"It's okay. At least pupunta kayo. Ayos na yon. " sabi nya.

Nakaramdam ng kakaiba si Valerie pero pilit nya itong isinantabi.

..

Sa bahay nina Yohan.

Nagulat sina Valerie at Cheska ng makitang marami palang bisita.

"Hoy Yohan, akala ko ba konti lang ang tao ? " tanong ni Cheska.

Napakamot sa batok ang binata.

"Eh konti pa lang yan ng umalis ako kanina eh. Hayaan mo na, mga kamag anak ko lang naman yan. " sabi nya at hininto na ang van.

Dali daling lumabas si Yohan at umikot para pagbuksan ng pinto si Valerie.

Napatingin lang ang dalaga sa kaibigan.

"S-salamat. " sabi nya.

Ngumiti si Yohan.

"My pleasure. Tara ? " aya nya sabay abot ng siko.

Pero maagap na hinatak ni Cheska ang kaibigan.

"Tara na at ng makakain na. " biro nya.

Napakamot sa batok si Yohan at pinilit ang sariling ngumiti.

"Ikaw talaga Ches. Tara na nga. After you ladies. " magalang na sabi nya.

Nagkibit balikat na lang ang magkaibigan at pagkatapos ay pumasok na sa loob.

..

Pagpasok sa loob ng tatlo, dire diretsong naglakad si Yohan.

"Tara girls. Dito. " akay nya.

May nasalubong silang may edad na babae.

"Hey Yohan. San ka galing ? " tanong nito.

Ngumiti ang binata.

"Hello Tita. Sinundo ko lang po sila. " sagot nya.

Napatingin ang babae sa magkaibigan.

"Hmm, sino yan ? Friends ? Sino dyan ang girlfriend mo ? " biro nito.

Natawa si Yohan.

"Tita talaga. Anyway Tita, this is Valerie and Cheska. Girls, this is my aunt Steph. Sister sya ni Mommy. " pakilala nya.

Bilang paggalang, ngumiti ng matamis ang dalawa.

"Hello po. " sabay nilang sabi.

Ngumiti lang din ang babae.

"Papasukin mo sila sa loob. Nandun ang mommy mo. " utos nito.

Tumango si Yohan.

"Sure Tita. Excuse us. " sabi nya.

"Go ahead iho. " sagot ng babae.

Yumuko lamang ang magkaibigan at pagkatapos ay sumunod na sa binata.

..

Pagpasok sa loob ay di mapigilang mamangha ng dalawa.

"Infairness, maganda ang design. Tunay kaya ang mga gamit ? " bulong ni Cheska.

Kinurot ni Valerie ang kaibigan.

"Magtigil ka. " saway nya.

Natawa si Cheska.

"Parang kakaiba no ? Kung ganito kayaman sina Yohan, bakit sa public school sya nag aaral ? " tanong nya.

"Naisip ko nga yan kanina pa. Pero ewan ko, wala akong pake. " taray ni Valerie.

Biglang huminto si Yohan.

"Guys, meet my mom. " sabi nya.

Napatingin ang dalawa sa papalapit na babae.

"Happy Birthday po. " sabay na bati ng dalawa.

Ngumiti ito.

"Sino sa kanila anak ? " tanong nya.

Napakamot sa batok si Yohan at tinuro si Valerie.

"Val, meet my Mother. Yazmin Ynares. Mom, Valerie and her friend Cheska. " pakilala nya.

Ngumiti ang ina ni Yohan.

"Nice to meet you. Finally, Valerie. Hmm, magaling pumili ng nobya ang anak ko. " sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"P-po ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Yazmin.

"Why iha ? " tanong nito.

"Magkaklase lang po sila. " singit ni Cheska.

"What ? Yohan, mali ba ako ? " tanong ng ina.

Nataranta si Yohan at mabilis na nag isip ng palusot.

"A-ah, M-mom. Nanliligaw pa lang po ako. " bulong nya.

Napatango tango ang babae.

"Ah, ganun ba ? Hmm iha. Wag mo ng pahirapan ang anak ko ha ? " biro nya.

Pinilit ni Valerie ang mapangiti.

..

Hinintay munang makaalis ng dalaga ang babae bago galit na hinarap si Yohan.

"Uuwi na kami. " gigil na sabi ni Valerie.

Nataranta si Yohan.

"Val. Wait, let me explain. Nag assume lang si Mommy. " sabi nya.

"Wala akong pake. Uuwi na kame oh magwawala kami dito ? " tanong ni Valerie.

Natakot si Yohan.

"Sure sure. Pero please, kakarating lang natin. Just spare a little more time please ? Nagmamakaawa ako. Lalabas akong kahiya hiya sa pamilya. " bulong nya.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

Umiling ito.

Napahinga ng malalim ang dalaga at tinitigan ang nagmamakaawang binata.

"S-sige. 30 minutes. " sagot nya.

Ngumiti si Yohan.

"Thank you so much. You're an angel. " sabi nya at hinawakan ang kamay ng dalaga.

Pero mabilis na binawi ni Valerie ang kamay.

"Penge kaming pagkain. Nagugutom na kami. " biro nya.

Natawa si Yohan at minuwestra ang daan.

"Here, here. " sabi nya.

Hinawakan ni Valerie ang kaibigan at nagpauna sa paglalakad.

..

Ang isang kalahating oras ay naging isang oras.

Dahil sa pagmamakaawa ni Yohan.

Napatingin si Valerie sa cellphone.

Kanina pa kating kati ang kanyang kamay na tawagan o itext si Caleb.

Kasalukuyan silang nasa isang mahabang mesa.

Kumakain kasama ang mga pinsan ng binata.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

Napapalibutan ito ng dalawang pinsan ni Yohan.

Halata sa mukha nito ang pagkairita.

Sinubukan nyang tawagin ang dalaga ngunit dahil sa lakas ng tawanan at tugtog ay di kataka takang wala itong marinig.

Napatingin si Valerie sa cellphone.

Di na sya nakatiis.

"Yohan, nasan ang Cr ? " tanong nya.

Ngumiti ang binata.

"Sasamahan na kita. " sabi nya.

Tumango si Valerie at nilapitan ang kaibigan.

Pasimple nya itong binulungan.

"Samahan mo ko. " bulong nya.

Agad na tumayo si Cheska.

"Wait lang ha ? Sasamahan ko lang itong friend ko . "sabi nya.

"Oh, bilisan mo Cheska honey. Marami pa akong ikukwento sayo. " sabi ng isang pinsan ni Yohan.

Pinilit ni Cheska ang mapangiti pero pagtalikod ay nandilat ang mga mata nya.

"Honey your face. " gigil na bulong nya.

..

Sa loob ng bahay.

"Here's my room. You can use my bathroom. " sabi ni Yohan.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Lasing ka na ? " tanong nya.

Ngumiti ang binata.

"Course not. " sagot nya.

Napasimangot lang si Valerie.

"Sinong maghahatid sa amin pabalik ng school ? " tanong nya.

"Why ? Kaya ko pa naman eh. " sagot ni Yohan.

Padabog na pumasok si Valerie sa banyo.

Mabilis namang humarang si Cheska sa pinto.

Natawa si Yohan at naupo sa kama.

"Tindi mo namang magbantay. " biro nya.

Sukat duon ay naasar si Cheska.

"Yohan, di ka na nakakatuwa. " banta nya.

Natawa si Yohan.

"Whoaahh. Nakakatakot ka talaga Cheska. Pero okay lang yan, hmm. Mukhang type ka ni Kuya Serge ah. Swerte mo. " sabi nya sabay ngisi.

Nagtayuan ang mga balahibo ni Cheska ng maalala ang pangalan ng katabi.

"Ganun ba ? Sorry sya, may boyfriend na ko. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Yohan.

"Huh ? Meron na ? Sino ? " tanong nya.

"None of your business. " taray ni Cheska.

Napailing si Yohan at humiga sa kama.

"Anyway, okay lang sa kanya kahit may boyfriend ka. Kilala ko yung pinsan kong yon. What he wants is what he gets. Di na ako magugulat kung one day ay maging kayo na. " sabi nya.

Lalong nanggalaiti si Cheska sa asar.

"In his dreams. Hoy Val di ka pa ba tapos ? Tawagan mo na nga si Caleb at ng makauwi na tayo. " sabi nya.

Biglang napabangon si Yohan ng marinig ang pangalan ng binata.

Nagsalubong ang kanyang kilay.

"Teka teka. Bakit nyo naman sya tatawagan ? " tanong nya.

Ngumisi si Cheska.

"Magpapasundo, bingi ka ? " pang aasar nya.

Napatiim bagang si Yohan.

Saglit syang nakipagtitigan sa dalaga bago asar na lumabas ng kwarto.

Natawa si Cheska at muling kinatok si Valerie.

"Val, wala na. " sabi nya.

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang dalaga.

"Nasan na yung unggoy na yon ? " tanong nya.

"Lumabas. Sabi ko tatawagan mo si Caleb eh. " natatawang sabi ni Cheska.

"Ha ! Tinawagan ko na. " sabi ni Valerie.

Natuwa si Cheska.

"Wee ? Di nga ? Alam mo ba itong address nila ? " tanong nya.

Umiling si Valerie.

"Hindi, pero nabasa ko yung arko kanina bago tayo pumasok ng subdivision. Sinabi ko kay Caleb. " sagot nya.

"Sana alam nya to. Pero di ba kailangan ng mga ID sa ganitong subdiviosion ? Para yung kila Caleb. " paalala ni Cheska.

Nakapagat labi si Valerie.

"Oo nga eh. B-bahala na syang dumiskarte. " sambit nya.

..

Nagpasyang bumaba ang dalawa at pormal na magpaalam sa ina ni Yohan tanda ng paggalang.

Nakita nila itong kausap yung tita ng binata.

Lumapit ang dalawa.

Agad na ngumiti ang nanay ni Yohan sa kanila.

"Hi girls. Having fun ? " tanong nito.

Alumpihit na napangiti si Valerie.

"Y-yes Ma'am. Thank you po sa pag invite. " bungad nya.

"Ohh, it's nothing iha. Anything for my son. " nakangiting sagot nito.

Napangiting si Valerie kay Cheska.

Nilakasan nya ang loob at sinabi na ang pakay.

"A-ah Ma'am. " tawag nya.

"No. You can call me Mom too. " biro ng babae.

Nanayo ang balahibo ni Valerie sa narinig.

Naalala nya ang Mommy ni Caleb.

Parehas ng sinabi ang mga ito pero magkaibang magkaiba ang naramdaman nya.

Kay Harriet ay tuwa at saya, dito sa Mommy ni Yohan ay disgusto.

Pero di pinakita ni Valerie ang totoong nararamdaman.

Bagkus ay pinilit nya ang sariling ngumiti at sinabi na ang pakay.

"M-magpapaalam na po sana kami. " sabi nya.

Natigilan si Yazmin at kumunot ang noo.

"Why too early ? May nasabi ba akong di mo nagustuhan ? Teka nasan ba si Yohan ? Nag away ba kayo ? Come hanapin natin sya. " aya nito.

Nagkandailing si Valerie.

"H-hindi po. M-medyo sumama lang po ang pakiramdam ng friend ko. " pambebenta nya kay Cheska.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

Napatingin si Yazmin kay Cheska.

"Is that true iha ? " tanong nito.

Ngumiwi si Cheska.

"O-opo. Fact na fact po. " biro nya.

"You can rest upstairs. Pasasamahan ko kayo sa maids. " suhestyon ng babae.

Mabilis na umiling si Valerie.

"S-sorry po. Tumawag na po ako sa amin. Anytime po susunduin na kami. " pag amin nya.

Nalungkot si Yazmin.

"Awwhhh. Sayang naman. Anyway, take care ha ? Balik kayo ulit dito whenever you want . " sabi nya.

Ngumiti ang dalawa.

"Opo. " sabay nilang sagot.

..

Palabas na sa gate ang magkaibigan ng salubungin nina Yohan kasama ang dalawang pinsan nito.

"Hey honey, saan ka pupunta ? " tanong ni Serge.

Nalukot ang mukha ni Cheska.

"Sa langit, sama ka ? May topada kami ni San Pedro mamaya. " asar na sagot nya.

Natawa ang magpinsan.

Lumapit si Yohan kay Valerie.

"Talaga bang uuwi na kayo ? Ihahatid ko na kayo. " sabi nya.

Umiling ang dalaga sabay ngiti.

"No it's okay. " sagot nya.

Napasipol ang isang pinsan ni Yohan.

"Wala pala tong si insan eh. Kala ko ba syota mo yan ? " tanong nito.

Ngumiti lang ang binata.

"Val, wag mo naman akong ipahiya. " bulong nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"Tama na Yohan. Hindi ka na makakaulit sa amin ni Cheska. " sambit nya.

"Val, please. Nakatingin si Mommy oh. " bulong ni Yohan.

Napasimangot si Cheska at hinatak ang kaibigan.

"Tara na Val, sa entrance na lang tayo mag abang. Baka di nakapasok sina Caleb eh. " sabi nya.

Natawa si Yohan.

"Di talaga makakapasok yon. Sinabihan ko yung guard na wag magpapasok ng pulubs. " biro nya.

Nagtawanan ang mga pinsan ng binata.

Napasimangot si Valerie.

Akmang magsasalita sya ng biglang may bumusina.

May humintong itim na SUV sa tabi ng dalaga.

Napaatras si Valerie sa gulat.

Bumukas ang pinto at bumaba si Caleb.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska sa tuwa.

"CALEBRADOR ! " sigaw nya sabay yakap sa binata.

Napangiwi si Caleb.

"Kakay naman. " bulong nya.

Tawa ng tawa si Cheska.

"Sayo to ? " tanong nya sabay turo sa van.

Umiling si Caleb.

"Hindi, hiniram ko lang yan. " sagot nya.

Bagama't nagulat nakuha pang tumawa ng malakas ni Yohan.

"Yan ? Magkakaron ng ganyang sasakyan ? Haha. Sorry pare ha, di sa minamaliit kita. Pero wala sa karakas mo ang magkaroon ng ganyan. But I must admit napahanga mo ko ng konti ha. Saan mo ninenok to ? Baka naman pinapamaneho lang sayo yan ng amo mo ? " panlalait nya.

Ngumiti lang is Caleb at nagkibit balikat.

"Hiniram ko lang yan. Wala talaga akong sasakyan. " pag amin nya.

Lumapit si Cheska sa binata.

"Sa Mommy mo to ? " bulong nya.

"Nope, sakin to. " ganting bulong ni Caleb.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

Magsasalita sana sya ng pigilan ni Caleb.

"Sshh, di na need para ipagyabang yan. Pasok ka na. " bulong nya.

Napangiti si Cheska ay akmang sasakay ng biglang humarang ang pinsan ni Yohan.

"Whoa, not so fast. Wala bang goodbye kiss ? " tanong nito.

Napaatras si Cheska at nagtago sa likod ni Caleb.

Binalingan ni Valerie si Yohan.

"Yohan, lasing na yung pinsan mo. Uuwi na kami ano ka ba ? " tanong nya.

Pero nagkibit balikat lang ang binata.

Asar na hinablot ni Valerie ang kamay ni Cheska sabay tinabig ang pinsan ni Yohan.

Pinilit nilang sumakay sa van pero sumali pa ang isang pinsan ng binata.

"Mga pare, paraanin nyo na sila. " kalmadong sabi ni Caleb.

Tumawa si Serge at dinuro ang binata.

"Sino ba to Yohan ? Ang angas ng dating nito ah. Arbor ko na to. " sabi nya.

Palihim na napangisi si Yohan.

"Classmate ko yan kuya Serge. " wika nya.

"Saan ? Dun sa eskwelahan nyo ? Yung sa pang mahirap ? Di ko rin alam itong trip ni Auntie Yaz eh. Pinag aral ka ba naman sa eskwelahan na kayo mismo ang may ari. Eh natural na ikaw lagi talaga ang mamamayagpag don. " sabi ni Serge sabay tawa ng malakas.

Nagimbal sina Valerie at Cheska.

"T-talaga ? Sa inyo yung school ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti si Yohan sabay kamot sa batok.

"Well, di naman talaga. Public school yon eh. Sa government yon, lasing lang yan si Kuya Serge. " sambit nya.

Tumawa ng malakas si Serge.

"Haha, ay oo nga pala. Sikreto nga pala yon. Pero maiba ako, itong honey ko di pa humahalik sa akin eh. " sabi nya.

Huminga ng malalim si Caleb.

"Pare, paraanin mo na naman oh. " pakiusap nya.

Natawa lang si Serge at tinulak ang binata.

"Papalag ka ba ? " tanong nya.

Napatiim bagang si Caleb sabay tingin kay Valerie.

Nagtago ang dalawang dalaga sa likod ng binata.

"Baby, okay ka lang ba ? " tanong ni Caleb.

Ngumiti si Valerie at niyakap ang isang braso ng binata.

"Buti na lang at dumating ka agad. " bulong nya.

"Oo nga Caleb, buti na lang . Pero mukhang di pa tayo papaalisin ng mga to. Badtrip. " asar na sabi ni Cheska.

Natawa ng mahina si Caleb.

"Makakaalis tayo. Teka lang at gigisingin ko si Kuya Rom. " wika nya.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

"Si K-kuya Rom ? As in Romeo ng Kwadro Alas ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb sabay bukas ng pinto.

Tumambad sa kanila ang natutulog na binata.

Napanganga si Cheska.

"Whoaaaa. Kahit tulog, napakagwapo pa rin nya. " wala sa sariling wika nya.

"Alam mo bang nadampot ko lang yan sa daan ? Wala daw syang pamasahe kaya sinabay ko na. " natatawang kwento ni Caleb.

Natawa din si Valerie.

"Yan ? Walang pamasahe ? Eh ang yaman yaman nyan. " sambit nya.

Nagkibit balikat lang si Caleb.

"Eh sa trip nya yan eh. Sa tanghaling tapat gumagala. Haha. So paano, sakay na kayo. " sabi nya.

Ngumiti ang magkaibigan at magkahawak kamay na sumakay sa van.

Pero muli silang hinarang ng dalawang pinsan ni Yohan.

"Kukulit talaga. " gigil na bulong ni Cheska.

Ngumisi si Caleb at biglang sinampal ang pisngi ni Romeo.

Gulat na napabalikwas ng bangon ang binata.

Napatingin ito kay Caleb.

Kumunot ang noo sabay biglang hinablot ang kwelyo.

Napahiyaw si Valerie.

"Kuya Rom ! " sigaw nya.

Naningkit ang mata ni Romeo.

"Sino ka para gisingin ako ? " tanong nya.

Ngumisi si Caleb.

"Hindi ako ang gumising sayo kuya Rom. " sabi nya.

"Sino ? " tanong ni Romeo.

Nginuso ni Caleb ang mga pinsan ni Yohan.

Napalingon si Romeo sa dalawang nakaharang sa pinto ng van.

Binitawan nya si Caleb sabay lumapit sa dalawa.

"Sino dito Caleb ? " tanong nya.

"Yung matangkad kuya Rom. " turo ni Caleb.

Di pa natatapos ang salita ni Caleb ay lumipad na ang kamao ng binata.

Bagsak sa semento si Serge.

Napahiyaw na lang si Yohan sa gulat.

ITUTULOY !!!