Ika Dalawampu't Apat na Pahina

Tulad ng napag usapan, matapos i-broadcast ni Valerie ang sariling damdamin para kay Caleb sa buong eskwelahan ay nagkasundo ang tatlo na sabay sabay magtungo sa ospital.

Para dalawin ang ama ng binata.

Malapit na sila ng huminto si Valerie at tumingin kay Caleb.

"Caleb. " tawag nya.

"Yes baby ? " nakangiting tanong ng binata.

Kinilig si Valerie sa narinig.

Agad nyang sinaway si Cheska sa pamamagitan ng pagdilat ng mga mata.

"S-sinong tao don ? " tanong nya.

Napaisip si Caleb pagkatapos ay ngumiti.

"Si Tyang pa rin. Saka si Coleen. Pati si Mommy. " sagot nya.

Natigilan si Valerie.

"M-mommy mo ? Okay na kayo ? " tanong nya.

Lalong napangiti si Caleb.

"Yup. " sagot nya.

"Wow ! Mabuti naman ! " singit ni Cheska.

"Yeah. " tanging nasabi ng binata.

Biglang kinalabit ni Cheska si Caleb.

"Psst, anong alam ng nanay mo tungkol sa kay Bebang ? " pabulong na tanong nya.

Napangiti si Caleb at tumingin kay Valerie.

"Tutor ni Coleen. Friend and classmate of mine. " sagot nya.

"Yun lang ? " tanong ulit ni Cheska.

Ngumisi si Caleb.

"At girlfriend ko. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

"Hala. Oy Bebang. Pinakilala ka pala ni Calebrador na syota ka daw nya. " kwento nya.

Natigilan si Valerie.

"H-ha ? WAAAAAAA. BAKET MO GINAWA YON ? " singhal nya.

"Baket ? Anong mali sa sinabi ko ? " tanong ni Caleb.

Napahawak sa ulo si Valerie.

"Eh di naman kita boyfriend eh. " wika nya.

Natigilan si Caleb.

"A-ah oo nga pala. S-sorry. Don't worry. Di ko naman talaga sinabi kay Mom na girlfriend kita. Binibiro lang kita. Tara na. " mahinang sabi nya.

Nagpaunang maglakad papasok ang binata.

Nagkatinginan ang magkaibigan.

"Yan, nagtampo tuloy. " pang aasar ni Cheska.

Napakagat labi si Valerie at hinabol ang binata.

"C-caleb. " tawag nya.

Lumingon si Caleb.

"Yo." sagot nya.

Napatingin sa malayo si Valerie.

"S-sorry. Di naman yun ang ibig kong sabihin eh. " sabi nya.

Ngumiti lang si Caleb.

"I know. Di mo naman talaga ako boyfriend eh. Sa ngayon hindi pa. " wika nya.

Natigilan si Valerie at napatingin sa binata.

"Hanep sa confindence. " pang aasar nya.

Ngumisi si Caleb.

"Talaga. Sa narinig at nakita ko kanina. Kulang na lang sagutin mo ko eh. " bulong nya.

Natulala si Valerie at unti unting napasimangot.

"Kakay ! " sigaw nya.

Agad na lumapit si Cheska.

"Oh. " tanong nya.

Pero bigla syang napangiwi ng kuritin ni Valerie sa braso.

"Kasalanan mo to ! " giit nya.

Napasimangot si Cheska.

"Ano bang sinasabi mo ? Nababaliw ka na ba ? " sagot nya.

Inirapan lang sya ni Valerie at tuloy tuloy ng pumasok sa loob.

Napailing na lang si Cheska.

"Di na naman ata nakainom ng gamot. " bulong nya at sumunod sa kaibigan.

Tatawa tawang sumunod na lang ang binata sa dalawa.

..

Akmang kakatok si Caleb ng awatin ni Valerie.

"T-teka. " sabi nya at hinatak si Cheska palayo.

"Ano ba ? " tanong ni Cheska.

Kagat labing tinitigan ni Valerie ang kaibigan.

"Kakay. A-ano bang itsura ko ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Tao ? T-teka. Di ako sigurado. " biro nya.

Nalukot ang muha ni Valerie.

"Seryoso ako. " banta nya.

Humagikgik si Cheska at inayos ang buhok ng kaibigan.

"Ikaw naman kasi iha. Lagi kong sinasabi sayo na matuto kang maligo. Kita mo yang itsura mo. Tumutulo pa yang laway mo oh." muling biro nya.

"KAKAY ! " mahina ngunit madiing salita ni Valerie.

Lalong natawa si Cheska.

"Magpulbos ka naman day. " sabi nya.

"Magpupulbo ako sa harap ni Caleb ? Baka isipin nyang nagpapaganda ako ! " giit ni Valerie.

"Baket ? Hindi ba yon ang ginagawa mo ? Masyado kang nacoconcious sa itsura mo. Sino bang nasa loob bukod kay Coleen at Tyang Amy ? Si Mother Earth lang naman ni Caleb. " litanya ni Cheska.

Sumimangot si Valerie.

"Oo na ! Tutulungan mo ba ako o hinde ? " tanong nya.

"Tanong ba yan o banta ? Haha. Teka dyan ka lang. " sabi ni Cheska.

Lumapit sya kay Caleb.

"Calebrador. " tawag ni Cheska.

"Haha. Feel na feel mo talaga yung pangalan ko ah. Ano na ? Tutunganga na lang ba tayo dito ? " tanong ni Caleb.

Natawa si Cheska.

"Maganda naman yung name mo eh. Mag CR lang daw si Bebang. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Oh may CR sa loob. " sagot nya.

Biglang lumapit si Cheska sa binata.

"Eh baka natatae. Nakakahiya nga naman kung sa loob pa sya magsasabog ng sama ng loob di ba ? " bulong nya.

Natigilan si Caleb at tumingin kay Valerie.

"Val ? Are you okay ? Gusto mo daw magpunta sa CR ? " tanong nya.

Tumingin si Valerie kay Cheska.

Pasimpleng sumenyas ang kaibigan na tumango kaya napatango din si Valerie.

"O-oo. " sagot nya.

Ngumiti si Caleb.

"Sure sure. Bilisan nyo ha ? " malambing na sabi nya.

Tumango si Valerie at ngumiti din.

"Okay. " sagot nya.

Dali daling umalis ang dalawa.

Hinintay muna ni Caleb na mawala sa paningin ang magkaibigan bago kumatok.

..

Sa Cr.

Nakatitig lang si Valerie sa salamin.

Tumabi sa kanya si Cheska.

"Ano na ? " tanong nya.

Huminga ng malalim ang dalaga.

"Kinakabahan ako. " sabi nya.

"Baket ? " tanong ni Cheska.

"Ewan ko nga eh. Parang ayaw ko ng bumalik don. Uwi na lang tayo. " sagot ni Valerie.

"Ha ? Eh paano yan ? Alam na nilang nandito tayo. Malamang sinabi na yun ni Caleb. " wika ni Cheska.

Muling napahinga ng malalim si Valerie.

"Ano bang gagawin ko. " mahinang sabi nya.

"May dapat ka bang gawin ? " tanong ni Cheska.

"Baka kasi laitin lang ako ng nanay nya. " wika ni Valerie.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Laitin ? Bakit mo naman nasabi yon ? " tanong nya.

Napakagat labi si Valerie.

"Eh kasi mahirap lang kami. " sagot nya.

"Parang di naman nila gagawin yon. Kita mo nga yung magkapatid. Kahit na mayaman sila, mapagkumbaba sila at kasundo pa natin. Pati si Tyang boto sayo. Ikaw na nga lang itong choosy eh. " biro ni Cheska.

Napangiti ng mahinhin si Valerie.

"Bahala na. Salamat ha." sabi nya.

"Wala yon. Tara na at baka nagtataka na sila. Baka akala nila nag LBM ka na. " wika ni Cheska.

Nagtaka si Valerie.

"LBM ? Di naman ako nag CR ah. " sabi nya.

Natawa si Cheska at nagmamadaling lumabas ng banyo.

Kunot noong napasunod na lang si Valerie.

..

Nakailang katok si Caleb bago bumukas ang pinto.

Sumilip si Tyang at automatiko itong napangiti ng makita ang binata.

"ADOR ! " sigaw nya.

Napangiwi si Caleb at marahang humakbang papasok.

"Tyang, it's Caleb for Christ's sake. Where's Daddy ? " tanong nya.

Bumungisngis si Amy at muling sinara ang pinto.

"Pake mo ba ? Eh sa ADOR ang gusto kong itawag sayo eh. Nandyan na ang Daddy mo. " bulong nya.

Tumayo di kalayuan si Caleb.

Agad na napuno ng pagmamahal ang kanyang puso sa nabungarang tagpo.

Kasalukuyang nagsasalita si Coleen ng kung ano habang nakahiga sa tabi ng kanyang ama ang inang si Harriet.

Maya maya ay napatingin sa kanya ang kakambal.

Nanlaki ang mga mata nito at biglang tumayo.

"KUYAAA " tili ng dalaga.

Tumakbo si Coleen patungo sa kapatid at tumalon.

Tumatawang sinalo ni Caleb ang kambal.

"Oops, relax lang. Ako to. Di ako artista. " biro nya.

Humagikgik si Coleen.

"Mukha kang artista. Gising na si Dad. " excited nyang bulong.

Tumango si Caleb at binaba ang kapatid.

Sinulyapan nya ang ama.

Ayaw man nya pero talagang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Dahan dahan syang humakbang palapit sa kama.

"D-daddy. " bulong ng binata.

"A-anak ko. " mahinang tawag ni Gabriel.

Napangiti si Harriet at bumaba sa kama.

Humalik sya sa pisngi ng anak.

"Dahan dahan iho. Mahina pa ang Daddy mo. " bulong nya.

Tumango si Caleb at pinagmasdan ang ama.

"L-long time no see Dad. " biro nya.

Nangilid din ang luha sa mga mata ni Gabriel.

"O-oo nga anak eh. A-alam ko na ang lahat. P-patawarin mo sana ako. " mahinang sabi nya.

Umiling si Caleb at pasimpleng pinahid ang mga luha.

"You don't have to say sorry Dad. " sagot nya.

Inangat ni Gabriel ang kamay.

Agad naman itong hinawakan ni Caleb.

Ngumiti ang ama.

"N-napakaswerte ko sayo anak. M-maraming maraming salamat sa pagsasakripisyo mo. " mahinang sabi nya.

Muling umiling si Caleb.

"Sssshhh. Wala po yun Dad. Wag po kayong umiyak. Baka po makasama sa inyo. Mahina pa kayo. " paalala nya.

"M-malakas na ako. M-malakas na ako kasi sa wakas, natupad na rin ang hiling ko. Ang makumpleto ang pamilya ko. " naiiyak na sagot ni Gabriel.

Agad na lumapit si Harriet.

"Ano ka ba Gabriel ! Wag ka ngang ganyan. Magpalakas ka muna bago ka magdrama. " saway nya.

Maging si Coleen ay lumapit sa paanan ng ama.

"Si Daddy talaga. Nagkasakit lang naging drama actor na. Hay nako, ang pangit mong umiyak Dad. " biro nya.

Ngumiti si Gabriel.

"I-ito namang mga ito. S-syempre masaya ako kasi napakaswerte ko. M-may asawa akong maganda at mapagmahal. M-mga anak na magaganda at gwapo. A-ano pa bang mahihiling ko ? " sagot nya.

Napangiti si Harriet.

"Asus nambola pa. " sabi nya at niyakap ang asawa.

Napatingin si Coleen sa kapatid.

"Kuya, kala ko isasama mo sina Val ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb.

"Oo nga. Nag CR lang sila ni Kakay. " sagot nya.

"Ay oo nga anak, nasan si Valerie ? Teka nasan si Amy ? " tanong ni Harriet.

Kumunot ang noo ni Gabriel.

"S-sinong Valerie ? " mahinang tanong nya.

Napangiti ng maluwang ang mag ina.

"Girlfriend ng anak mo ! " pambubuko ni Harriet.

Ngumiti si Gabriel at tumingin sa binata.

"A-aba. M-mukhang matagal nga talaga akong nakatulog ah. M-may nobya na ang anak ko. N-nasan na ba at ng makilala. " sabi nya.

Napakamot sa batok si Caleb.

"Si Mommy talaga. Di pa nga po ako sinasagot eh. " nahihiyang pag amin nya.

"Ahaha kawawa. " pang aasar ni Coleen.

"Hoy Coleen, wag mo ngang asarin ang kuya mo. Dapat i-cheer mo sya. " saway ni Harriet.

Tumawa lang ang dalaga.

"Nasan ba si Tyang ? " tanong nya.

Bigla silang nakarinig ng katok.

"Baka sila na yan. " mabilis na sabi ni Caleb at naglakad patungo sa pinto.

..

Palapit na sa silid ang magkaibigan ng makarinig sila ng tawag.

"Cheska ! Val ! " boses babae.

Paglingon ng dalawa ay automatiko silang napangiti ng makita si Amy.

May dala itong supot ng tinapay.

"San po kayo galing ? " tanong ni Valerie.

Tinaas ni Amy ang dala.

"Bumili ako ng pagkain. Pero props lang to kasi gusto kong makapagsolo yung mag anak sa loob. " nakangiting sagot nya.

"Penge ako Tyang. " kinalkal ni Cheska ang dala ng babae.

Natawa si Amy at inabot sa dalaga ang dala.

"Oh ayan. Sabi ni Caleb galing daw kayo sa CR. May LBM ka daw Val ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"LBM ? Wala po ! " tanggi nya.

"Eh sabi ni Caleb nagloloko daw ang tyan mo. " wika ni Amy.

Napangiwi si Cheska at dahan dahang umatras.

Pero huli na dahil nahawakan na sya sa braso ni Valerie.

"So, dinahilan mo pala kay Caleb na nagloloko ang tyan ko. " sabi nya.

Natawa si Cheska.

"Eh para mabilis syang pumayag. Kesa sabihin ko na gusto mong magpaganda. Oh ha. " palusot nya.

Napangiti si Amy.

"Bakit ka naman magpapaganda Val ? Eh maganda ka na naman ? " tanong nya.

"Eh kasi po Tyang, kinakabahan sya. Baka daw laitin sya ng Mommy ni Caleb. " si Cheska ang sumagot.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at kinurot ang kaibigan.

"Ang daldal mo talaga ! " gigil na sabi nya.

Tumawa lang si Cheska at nagtago sa likod ng babae.

Hinawakan ni Amy ang kamay ni Valerie.

"Val, kung inaalala mong baka laitin ka ni Ate Harriet. Ako na mismo ang nagsasabi sayo, wala kang dapat ipag alala. Mula pa ng ligawan sya ni Kuya, nakita ko na kay Ate Harriet ang pagiging mapagkumbaba. Wala yang arte sa katawan. Kahit pa sabihing galing sya sa primera klaseng pamilya. " paliwanag nya.

Napayuko si Valerie.

"S-sorry po. " sabi nya.

Ngumiti si Amy.

"Wag kang humingi ng tawad. Sa tingin ko ay normal na pakiramdam yan ng mga babae kapag makakaharap nila ang Nanay ng mga boyfriends nila. " sambit nya.

Umangat ang tingin ni Valerie.

"H-hindi ko pa po sya boyfriend. " pag amin nya.

Kumunot ang noo ni Amy.

"Ha ? Di pa kayo ? Di pa kayo sa lagay na yan ? " tanong nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie at pasimpleng napangiti.

"H-hindi pa po talaga. Pero malapit na. " bulong nya.

Napangiti lang si Amy.

"Akala ko talaga kayo na. Mahina pala itong pamangkin ko. Anyway, pasok na tayo sa loob. Siguro naman nakapag kamustahan na sila. " sabi nya at tuluyan ng kumatok.

..

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at dumungaw si Caleb.

Napatingin sya sa tyahin.

"Tyang, san ba kayo galing ? " tanong nya.

Ngumiti si Amy.

"Bumili lang ng tinapay. " sagot nya.

Umatras si Caleb para bigyang daan ang mga bagong dating.

Dire diretsong pumasok si Amy sa loob.

Naiwan ang dalawa sa labas.

Napatingin si Caleb sa magkaibigan.

"Pasok na. " nakangiting aya nya.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

"Una ka. " bulong ni Valerie.

"Hala bakit ako ? Ako ba ang syota ? " tanong ni Cheska at tinulak ang dalaga.

Nagulat si Valerie sa ginawa ng kaibigan.

Dahil sa ginawa ni Cheska, bumangga si Valerie sa mismong katawan ni Caleb.

"Nice Kakay. " bulong ng binata.

Nag thumbs up si Cheska at pumasok na rin.

Sya na ang nagsara ng pinto.

..

"Tara. " aya ni Caleb.

Hinawakan nya ang kamay ni Valerie.

Napatingin ang lahat sa mga bagong dating.

"Guys, may bisita tayo. " bungad ni Caleb.

"VAL ! " sigaw ni Coleen at lumapit sa dalaga.

Napangiti si Valerie.

"Kamusta ka na ? " tanong nya.

"Okay na okay. Lalo na ngayon at gising na si Dad ! " masiglang pagkukwento ni Coleen.

Marahang lumapit si Harriet sa dalaga.

"Valerie iha. Long time no see. " bati nya.

Natigilan si Valerie ng makaharap ang ina ni Caleb.

"M-magandang hapon po. " nahihiyang bati nya.

Ngumiti si Harriet.

"Anak, mahiyain pala itong si Val eh. " biro nya.

Napangiti si Caleb.

"Akala nyo lang yan Mom. Maya maya lalabas na rin ang tunay na anyo nyan. " biro nya.

Pasimpleng kinurot ni Valerie ang braso ng binata.

"Anong ibig mong sabihin ? " taray nya.

Natatawang umatras si Caleb at nilapitan ang ama.

"Val dito. " tawag nya.

Natigilang muli si Valerie.

Alumpihit syang lumapit sa kama.

"Dad, sya po si Valerie. Sya ang madalas na kasama kong nagbabantay sa inyo. Val, this is my father. Gabriel Concepcion. " pakilala ni Caleb.

Nahihiyang ngumiti si Valerie.

"M-magandang hapon po. " bati nya.

Ngumiti si Gabriel at binistahan ang dalaga.

"M-magaling pumili ang anak ko. M-mana ka sakin. " biro nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie at pasimpleng ngumiti.

Ngising ngisi si Caleb.

"Of course Dad. Pipili ba naman ako ng kung sino lang ? Syempre yung dabest na ! " biro nya.

"Bola. " singit ni Valerie.

Natawa ng mahina si Gabriel.

"M-maraming maraming salamat iha sa pagbabantay mo ha ? H-hindi ko alam kung paano ako makapagpapasalamat sayo. " mahinang sabi nya.

Umiling si Valerie at ngumiti.

"Wala po yon. Uhm, isa lang po ang hihilingin ko. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Gabriel.

"A-ano yon iha ? B-basta kaya ko. " tanong nya.

Ngumiti ng matamis si Valerie.

"Magpalakas po kayo at magpagaling. " bulong ng dalaga.

Natawa si Gabriel at tinapik ang balikat ng anak.

"Kapag pinakawalan mo yan, magagalit ako sayo. " banta nya.

Ngumiti si Caleb at tinitigan ang ama.

"Hindi mo na kailangang sabihin yan Dad. Hindi ko po sya pakakawalan. " bulong nya.

..

Matapos ang masayang kamustahan, nagpasya si Harriet na umorder ng pagkain.

Si Coleen ang inatasan nyang tumawag sa pinakamalapit na restaurant.

Habang tumatawag ang dalaga, nilapitan ni Harriet si Valerie.

"Iha, samahan mo nga ako sa canteen at may bibilhin lang ako. " sabi nya.

"Ako na ate. " agaw ni Amy.

Ngumiti si Harriet.

"Magpahinga ka na lang dyan Amy. Saglit lang kami. " wika nya.

Nagkibit balikat lang si Amy.

Nakangiting tumayo si Valerie.

"Sige po. " sagot nya.

Humawak si Harriet sa braso ng dalaga at magkasabay silang lumabas ng silid.

Di nagtagal ay nakarating sa canteen ang dalawa.

"Anong gusto mo iha ? " tanong ni Harriet.

"Naku, busog pa po ako Tita. " sagot ng dalaga.

Tumango si Harriet.

"Tubig na lang. Tutal nagpa-order nga pala ako. " sabi nya.

Matapos bumili ng tubig, naupo ang dalawa sa isang mesa.

Tinitigan ni Harriet ang dalaga.

"Valerie. Di ko alam kung paano ako makapagpapasalamat sayo sa mga ginawa mo. Unang una na sa tapat mong pagtuturo kay Coleen. Pangalawa ay ang pagtulong sa anak ko sa pagbabantay dito sa asawa ko. " pasasalamat nya.

Ngumiti ng matamis si Valerie.

"Wala po yon Tita. " tanging sagot nya.

"Di pwedeng wala. Napakalaking tulong ang nagawa mo. Una na nga kay Coleen. Alam naman natin na pasaway sya at tamad mag aral. Nangyari yan ng maghiwalay kami ng Daddy nya. Marami ng nag tutor dyan pero lahat ay umayaw dahil sa ugali nya. Pero di ko alam kung anong ginawa mo at naibalik mo sya sa dati. " sabi ni Harriet.

"Kinaibigan ko lang po si Coleen. Nakikita ko po kasing lagi syang walang kasama sa bahay nyo. Alam ko pong nalulungkot sya at kailangan nya ng kaibigan kaya inoffer ko ang sarili ko. " sagot ni Valerie.

Ngumiti si Harriet.

"Salamat talaga. Kasalanan ko rin kung bakit sya nagkaganyan. Naging abala ako sa trabaho. Sa kagustuhan kong kalimutan ang ginawa ng asawa ko, nakalimutan ko ring may anak ako. Mabuti na lang talaga at ikaw ang nakuhang tutor ni Jane. " sambit nya.

"Actually Tita, si Caleb po ang nag recommend saken. " imporma ni Valerie.

Nabigla si Harriet.

"Talaga ? Pasalamat talaga ako sa anak kong yan. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"Mabait si Caleb at responsable. Madali syang lapitan at matulungin sa kapwa. " tila wala sa sariling wika nya.

Napangiti ng maluwang si Harriet.

"Anak ko nga yan. Mukhang puring puri mo sya ah. " biro nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie.

"S-sinasabi ko lang po ang nakikita ko. " mahinang sabi nya.

Natawa si Harriet.

"Ito naman. Kita mo yang mukha mo pulang pula na. Anyway, salamat din sa pagbabantay mo sa asawa ko ha ? " sabi nya.

"W-wala po yun. " nahihiyang sagot ni Valerie.

Hinawakan ni Harriet ang kamay ng dalaga at tinitigan.

"And lastly, salamat at dumating ka sa buhay ng anak ko. Bilang ina, gusto ko ang mga bagay na makakabuti kay Caleb. At hinding hindi ako tututol sayo. " seryosong sabi nya.

Nag init ang mga pisngi ni Valerie.

"T-tita. " tanging sabi nya.

Ngumiti si Harriet.

"Favor iha. " sambit nya.

"A-ano po ? " tanong ni Valerie.

"I don't want you to call me Tita. " sagot ni Harriet.

Natigilan si Valerie.

"B-bakit po ? " tanong nya.

Ngumiti ng maluwang si Harriet.

"Call me Mommy. " sagot nya.

ITUTULOY !!!