Ika Dawalampu't Isang Pahina

Napatingin sa isa't isa ang mag tyahin.

Nanlalaki ang mga mata at nakabukas ang mga bibig.

"T-tyang. " mahinang tawag ni Caleb.

Napalunok si Amy ng sunod sunod.

"C-caleb. P-pakikurot nga ako. " bulong nya.

Sumunod naman si Caleb at kinurot ang tyahin.

Napangiwi si Amy.

"M-masakit. Gising nga ako. " sabi nya.

"A-ako rin Tyang pakurot. " wika ni Caleb.

Ginawa naman ng dalaga ang inutos ng pamangkin.

Buong diin nyang kinurot ang braso nito dahilan para mapahiyaw ang binata.

"A-aray Tyang. " sambit nya.

Muli silang nagkatinginan.

Tumayo si Romeo.

"Ako pakurot din. " singit nya.

Pero di sya pinansin ng dalawa.

Biglang tumili si Amy.

"AAaaaahhhh, ATE ! si kuya gising na ! " sigaw nya.

Nagulat si Harriet at mabilis na tsinek ang kabiyak.

Nanlaki ang mga mata nya ng makitang kumibot ang ibabang labi nito.

"G-gabriel ? Mahal ko. Diyos ko salamat po. " naiiyak na sabi nya at muling niyakap ang asawa.

Napahiyaw din si Caleb.

"Tyang anong gagawin ko ? " tarantang sigaw nya.

"T-tawagin mo si Dok ! DALI ! " utos ni Amy.

Tarantang lumabas ng silid si Caleb.

Tinakbo nya ang nurse station at ipinaalam ang sitwasyon ng ama.

"Nurse ! yung sa room 404 po, gising na yung patient ! " imporma nya.

Natigilan ang nurse.

"Yung coma ? " tanong nya.

Tumango tango si Caleb.

"Opo ! " excited na sabi nya.

Tarantang tumayo ang nurse.

"Saglit lang ha ? Tatawagin ko lang sila Dok. " wika nya.

"S-sige po. " sagot ni Caleb.

Lakad takbo ang ginawa ng nurse habang si Caleb naman ay muling bumalik sa silid ng ama.

Pagdating nya ay nakita nyang magkayakap ang ina at tyahin.

"Maraming maraming salamat sayo Amy. Kung di dahil sayo ay di ko na alam ang kung anong nangyari sa kuya mo. " naiiyak na sabi ni Harriet.

"Wala yon ate. Kapatid ko si kuya kaya natural na tulungan ko sya. " nakangiti pero naluluhang sagot ni Amy.

Lumapit si Caleb sa ama.

Normal ang paghinga nito.

Di nya mapigilan ang pagluha.

"T-thank you po Lord. " bulong nya.

Biglang may yumakap sa likod ng binata.

"A-anak. " naiiyak na wika ni Harriet.

Napangiti si Caleb.

"Mommy. Siguradong matutuwa si Coleen kapag nalaman nyang gising na si Dad. " bulong nya at niyakap ng buong higpit ang ina.

"Thank you anak sa pagsasakripisyo. " bulong ni Harriet.

Napailing si Caleb.

"This is nothing compared sa mga naibigay nyo ni Dad. Maliit na bagay lang po ito. " sagot nya.

Lalong naiyak si Harriet.

"Napakaswerte ko sayo anak ko. Patawarin mo ko ha ? " sambit nya.

Ngumiti lang ang binata.

..

Napaiyak si Amy sa pagkakabati ng mag ina.

Wala sa sariling niyakap nya ang sarili.

"Nakakatouch sila. " bulong ni Romeo.

Tumango tango si Amy.

"Sinabi mo pa. Malaki ang naging sakripisyo ni Caleb dahil sa paghihiwalay ng parents nya. Dagdag pa ang kalagayan ng Daddy nya. Talagang marami syang pinagdaanan. " pilit nyang pinigilan ang pag iyak.

"Sssh, it's ok. Let the tears go. Makakatulong yan para kahit papaano ay maglubag ang loob mo. Isa pa, hindi naman yan luha ng pighati at kalungkutan kundi luha ng kaligayahan di ba? " masuyong bulong ni Romeo.

Impit na napaiyak si Amy.

Wala sa loob na niyakap nya ang katabing binata.

"T-tama ka. Masayang masaya ako para sa kanila. They deserved to be happy. Mababait ang pamilyang yan eh. " sabi nya sa pagitan ng pag iyak.

Masuyong hinagod ni Romeo ang likod ng dalaga.

"Nakikita ko nga. At naaamoy. " nakangising bulong nya.

"A-anong naaamoy ? " takang tanong ni Amy.

Umiling si Romeo.

"Naaamoy kong mababait sila. " banat nya at lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa dalagang guro.

Tumango tango si Amy.

"T-tama ka. Mabait talaga sila. " sagot nya.

"Hmm ang bango mo. " sa isip isip ni Romeo habang pasimpleng hinalik halikan ang leeg ng dalaga.

..

Nasa kalagitnaan ng drama ang lahat ng makarinig sila ng tatlong sunod sunod na katok.

Pagkatapos ay bumukas ang pinto.

Isa isang nagpasukan ang mga lalaki at babaeng nakaputi.

"Excuse us Ma'am, ichecheck lang po namin si Sir. " sabi ng isang lalake.

Napaatras ang mag ina.

Pinagmasdan nilang palibutan ng mga doktor at nurse ang kanilang padre de pamilya.

"Check the vitals. " utos ng isang babeng doktor.

Tuloy tuloy na kumilos ang mga ito.

"God, please. Help him. " dasal ni Harriet.

Niyakap ni Caleb ang ina.

"Stay strong Ma. Lalaban si Dad. " bulong nya.

Maya maya ay may nagsalita ang isang lalake.

"We have to transfer him sa ICU. " sabi nito.

Sumang ayon ang iba.

Agad na inasikaso ng mga nurse ang pasyente.

Nataranta si Caleb.

"D-doc bakit po ? " kinakabahang tanong nya.

Hinarap ng nagsalitang doktor ang binata.

"Iho, nasan ang Tita mo ? " tanong nito.

Sumingit si Harriet.

"Doc, ako po ang asawa nya. " singit nya.

Ngumiti ang doktor.

"Ah ok po. Ililipat lang po namin si sir sa ICU to do some tests. " sagot nito.

Nagsimulang kabahan si Harriet.

Muli na namang nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"ICU ? Is my husband okay ? " tanong nya.

"I cannot answer that now Ma'am. Maghintay na lang po tayo ng results. Excuse me. " sagot ng doktor at sumunod na sa mga kasamahan.

Akmang susunod si Harriet ng pigilan ng doktor.

"I suggest na dito na lang po kayo maghintay. Don't worry po, malakas si Sir. " nakangiting pigil nya.

"P-pero. Kailangan ako ng asawa ko. " katwiran ni Harriet.

Tumango ang doktor.

"I know Ma'am. Pero hindi rin naman po kayo makakapasok sa loob. So mas mabuting dito na lang po kayo. " sagot nito.

Napakagat labi na lang si Harriet at pinagmasdan ang paglabas ng doktor.

"It's okay Ma. Maghintay na lang po tayo. " bulong ng anak.

Marahang tumango ang ina.

Maya maya ay napatingin si Caleb sa Tyahin.

Nagulat sya ng makitang magkayakap ito at si Romeo.

"Hoy ! " tawag nya.

Napatingin si Amy sa pamangkin pagkatapos ay sa kayakap.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita si Romeo.

Tarantang kumalas sa pagkakayakap ang dalaga sabay layo.

Nagulat sya ng makitang wala ng nakahiga sa kama.

"Si Kuya ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Hala. Wala kang alam Tyang ? " tanong nya.

Umiling si Amy.

"Nasan na ? " tanong nyang muli.

"Gumalaw na nga sya di ba? Kaya dinala sya sa ICU. Grabe. Yung totoo, may sariling mundo kayo ? " tanong ni Caleb.

Napangisi si Romeo.

"Di ko sya masisisi. " biro nya sabay tawa.

Asar ni hinampas ni Amy ang braso ng binata.

"Bwisit ka. " inis na sabi nya.

Pero lalo lang nagtawanan ang dalawa.

..

Ilang oras ang lumipas.

"Tita, uuwi na po ako. " sabi ni Romeo.

Napatayo si Harriet.

"N-naku iho. Maraming maraming salamat sayo. " sabi nya at niyakap ang binata.

Ngumiti lang si Romeo.

"No problemo. Ganyan talaga ang ginagawa ng mga gwapo. " biro nya.

Napangiti si Harriet.

"Mag breakfast muna tayo bago ka umalis. " wika nya.

"Utang na lang Tita. May pasok pa po ako. Alam nyo naman na mahalaga sa akin ang edukasyon. Dahil naniniwala ako sa mga salitang iniwan ni Gat Jose Rizal na ang Kabataan ang Pag Asa ng bayan. Kaya gumawa tayo ng maraming bata. " nakangising sagot ni Romeo.

Bumunghalit sa tawa ang mag ina.

Maging si Amy ay di napigilan ang simpleng paghagikgik.

Lumapit si Harriet at hinalikan sa pisngi ang binata.

"Of course. Mag ingat ka sa pag uwi iho at pakisabi sa Mommy mo na sobrang thank you talaga. " bilin nya.

"Oki doki. " sagot ni Romeo.

Lumapit din si Caleb.

"Kuya, hatid na kita. " sabi nya.

"Ay kinilig ako bigla. " wika ni Romeo sabay yakap sa braso ng binata.

Natawa lang ang mag ina.

Napatingin si Romeo kay Amy.

"Tyang, ikaw ? " tanong nya.

Sumimangot ang dalagang guro.

"Oh baket ? " asik nya.

"Aba't. Pagkatapos kong ipagamit sayo ang katawan ko, tatarayan nyo ko ? " reklamo ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Amy.

"A-anong ipagamit ? Siraulo ka ! " hiyaw nya.

"Totoo naman ah. Wala kang mayakap kanina kaya pinagamit ko ang katawan ko. Ito naman. Nagulat nga ako ng bigla mo kong yakapin eh " sagot ni Romeo.

Namula ang mga pisngi ni Amy.

"Umuwi ka na ! " sambit nya.

Lumungkot ang mukha ni Romeo.

"Ganun lang ? Pagkatapos ng lahat ? Pagkatapos ng mga nangyari satin ? Ganito mo na lang ako ipagtabuyan ? A-ano bang nagawa ko ? " tanong nya.

Natigilan si Amy.

Sinikap nyang pigilin ang pagngiti.

"Ah ewan ko sayo ! " tanging nasabi nya.

Hinarap ni Romeo si Harriet.

"Tita, pakisabi na lang po sa kanya na di ko malilimutan ang namagitan sa amin. Lagi ko po itong iisipin. Babaunin hanggang sa pagtulog. " malungkot na bilin nya.

Humagikgik si Harriet.

"Maloloko ako sayong bata ka. Wag ka ng makulit at baka gulpihin ka na ni Amy. Hala at baka ma-late ka na. Balik ka ha? " sabi nya.

Umiling si Romeo.

"Dito ? Ayaw ko na po. " sabi nya.

Nagulat ang lahat.

"H-ha ? Ayaw mo na kaming bisitahin ? " tanong ni Caleb.

"Anong ayaw bisitahin ? Syempre gusto ko, pero di na dito. Baka mamayang gabi nakauwi na kayo sa bahay nyo. Eh di nganga ako kapag bumalik pa ako dito. " katwiran nya.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Harriet.

"M-mag dilang anghel ka sana iho. " sambit nya.

"Hay nako. Think positive Tita ! " bulalas ni Romeo.

Nakagat labi si Harriet sabay marahang tumango.

"S-sige. " sabi nya.

Ngumisi si Romeo at nagflying kiss kay Amy.

"Bye bye. " sabi nya.

Namula ang mga pisngi ni Amy sa ginawa ng binata.

..

Dahil sa ayaw umalis ni Harriet ng ospital, naisip nilang magpa order na lamang para sa kanilang almusal.

Habang nag hihintay, napatingin si Caleb sa cellphone ng ina.

Bigla syang napangisi.

"Ma, peram ng phone. " sabi nya.

"Here anak. " inabot naman ni Harriet.

Lumayo ng konti si Caleb pagkatapos ay tumipa ng text.

..

Katatapos lamang maligo ni Valerie ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Automatiko syang napangiti.

Nagmamadaling dinampot nya ang aparato at tiningnan kung tama ang kanyang hinala.

Pero nawala ang kanyang ngiti ng makitang number lamang ang nag text.

"Sino naman kaya itong ke aga aga. " inis na sambit nya.

Binuksan ni Valerie ang mensahe.

Simpleng "Good Morning" lang ang nakalagay.

Hindi pinansin ng dalaga ang text.

Pinagpatuloy nya lang ang pagbibihis.

Hanggang sa muling tumunog ang phone.

Agad na dinampot ni Valerie ang aparato sa pag aakalang mula na ito sa binata.

Pero muli syang napasimangot ng makitang mula na naman ito sa numero.

"I missed you ? " basa ng dalaga sa mensahe.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Sino ba tong mokong na to ? " asar na tanong nya.

Agad tumipa ng reply ang dalaga.

"Sino ka po ? " tanong nya.

..

Napangisi si Caleb ng makita ang reply ng dalaga.

Agad syang nagtext.

"Just an admirer " sagot nya sabay ngiti.

..

Abala sa pagpupunas ng buhok si Valerie ng muling tumunog ang cellphone.

Agad nyang binasa ang text para lamang mapasimangot.

"Just an admirer ? Admirer your face ! " reply nya.

..

Biglang tumawa ng malakas si Caleb.

Nagulat ang Tyahin at Ina.

"Anyare ? " tanong ni Amy.

"Anak ? " tanong naman ni Harriet.

Umiling si Caleb.

"Wala po. Natawa lang ako sa text. " sagot nya.

Muling tumipa ng reply ang binata.

..

Habang nagsusuklay napatingin si Valerie sa cellphone.

Binasa nya ang text.

"Grabe, ang aga aga ang sungit ng baby ko. " aniya.

Kumunot ang noo ng dalaga.

Pero unti unti syang napangiti.

"CALEBRADOR ! " reply nya.

..

Napahinto ang pag kakamustahan nina maghipag ng mapatingin si Harriet sa anak.

"Sis, ano na bang nangyari sa anak ko ? " tanong nya.

Napatingin din si Amy sa pamangkin.

Halos makita na ang gums ni Caleb kakangiti.

Kulang na lamang ay mapunit ang pisngi nito.

"Hay nako ate, hayaan mo na yan. Malamang si Valerie ang katext nyan. " sabi ni Amy.

Kumunot ang noo ni Harriet.

"Valerie ? Who's Valerie? " tanong nya.

"Valerie, ah ewan. Nagulat na lang ako ng minsan syang isama nyang anak mo. Sa tingin ko girlfriend nya. " sagot ni Amy.

Nanlaki ang mga mata ni Harriet.

"Girlfriend ? May nobya na ang anak ko ? Bakit hindi ko to alam ? " sunod sunod na tanong nya.

Natawa si Amy.

"Mabait si Val ate. Minsan silang dalawa ang nagbabantay kay Kuya kapag pumapasok ako sa school. " paliwanag nya.

Natahimik si Harriet at pinagmasdan ang anak na parang baliw kung makangiti.

"Ganun ba ? Pero sana naman pinakilala nya sa akin. Di ko naman sya pagbabawalan eh. " nagtatampong sabi nya.

"Malay mo bumubwelo lang ang anak mo ate. Ay ang alam ko pupunta sila dito mamaya. Makikilala mo na rin sya. " sambit ni Amy.

"Sige. Para makilatis. " sagot ng ina.

..

Lumipas ang isang oras, nakatanggap ng tawag si Harriet mula sa anak na si Coleen.

Dahil sa si Caleb ang may hawak ng cellphone, sya ang nakasagot sa tawag.

"Yes ? What can I do for you ? " biro nya.

Agad namang nabosesan ng dalaga ang kapatid.

"KUYAAAAAAAAAAAAAA, ang DAYA nyo !. Ang DAYA DAYA Nyo ! " sigaw ng dalaga.

Agad nilayo ni Caleb ang cellphone sa tenga sabay tawa.

"Wag ako ang sisihin mo, si Mommy. " sabi nya.

Natahimik si Coleen.

Nuon lang nya na realize na ang kapatid nga ang may hawak ng phone.

"T-teka, bakit mo hawak ang phone ni Mommy ? " tanong nya.

Ngumisi ng maluwang si Caleb.

"What you think ? " balik tanong nya.

Biglang tumili si Coleen.

"WWWWWWWWWWWWAAAAAAAA, bati na kayo ni Mom ? Yehhheeeeyyy !!!, ay wait nasan kayo ? " tanong nya ulit.

"Dito kay Dad. " sagot ni Caleb.

"OOOOOOOOOOHHHHHHHH myyy, bakit nandyan na kayo ! Ang daya daya nyo talaga ! " hiyaw ni Coleen.

Tawa ng tawa si Caleb.

Napatingin sa kanya ang ina at tyahin.

"Anak ? Sino ba yan ? " tanong ni Harriet.

"Si Coleen po Mommy. " sagot ng binata.

"Oh gising na pala ang prinsesa. " sambit ng ina.

Tumango si Caleb.

"Yes Mom, at nagwawala po sya. " natatawang sambit nya.

"Why ? " tanong ni Harriet.

"Di daw natin sya ginising. " sagot ni Caleb.

Napangiti si Harriet.

"Tawagan mo si Manong anak, pakisabi sunduin si Coleen sa bahay. " sabi nya.

Napangiti din si Caleb.

"Sure Mom. Oh narinig mo yon ? Maligo ka na at tatawagan ko si Manong, sumunod ka na daw dito. " sabi nya.

Biglang nagtitili si Coleen.

"Yahooo Yahoo. Sige sige kuya. Love love love. " sabi nya.

"I love you too sister. Sige na at tatawagan ko pa si Manong. " sabi ng binata.

"Okay kuya. Byeeeee. Muaahhh. " excited na sigaw ng dalaga.

Napangiti na lang si Caleb at tinapos na ang tawag sabay tinawagan ang driver para ipasundo ang kapatid.

..

Samantala.

Kunot noong napatingin si Cheska sa kaibigan.

Para itong baliw na titingin sa cellphone sabay ngingiti.

"Sis, tawag ka ni Ma'am oh. " biro nya.

Mabilis na tinago ni Valerie ang cellphone sabay tayo.

"Yes Ma'am ? " tanong nya.

Napatingin ang lahat ng estudyante sa dalaga.

Nagulat si Mrs. Senining.

"Yes Val ? Is there any problem ? " tanong nito.

Napanganga si Valerie.

"A-akala ko tawag nyo po ako. " nahihiyang sabi nya.

Ngumiti ang guro.

"No iha. May pinapasulat ako. " sagot nito.

Napangiwi si Valerie at pasimpleng sinipa ang sapatos ng kaibigan.

"A-ah ok po. " nahihiyang muli syang umupo.

Pinandilatan nya si Cheska na halatang nagpipigil tumawa.

..

Matapos ang klase, nakatikim ng kurot si Cheska mula kay Valerie.

"Bwisit ka ! Ang hilig mo kong ipahamak ! " inis na sabi nya.

Natatawang umiwas naman ang dalaga.

"Para ka kasing tanga eh. Sino bang katext mo ? " tanong nya.

Nawala ang inis ni Valerie ng maalala ang katext.

"Seecreeettt. " sabi nya.

"Oh come on. Bakit pa nga ba ako nagtanong eh kilala ko naman kung sino yan. Pupunta ba tayo sa ospital mamaya ? " tanong ni Cheska.

Napangiti si Valerie.

"Yup. " sagot nya.

"Sabi ko nga. " sambit ni Cheska.

Lumapit si Yohan sa dalawa.

"Hey, kabisado mo na ba yung lines mo Val ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie at napatingin sa binata.

"Ah, h-hindi pa gaano eh. " sagot nya.

Ngumiti si Yohan.

"It's okay. Gusto mo bang magpraktis tayo mamaya ? " tanong nya.

"Eh di ba may praktis tayo mamaya ? " tanong ni Cheska.

"I mean, pa-praktisin namin ni Val yung lines namin. " sagot ni Yohan.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong nya.

Ngumiti si Yohan.

"Mamaya sa bahay ko. Gusto mo after natin dito sa school, magpractice tayo. Malapit lang naman eh. " aya nya.

Napangiwi ng pasimple si Valerie.

Agad nyang kinalabit ang kaibigan para humingi ng saklolo.

Mabilis namang nakaunawa si Cheska.

"Ay sayang, may lakad kami mamaya. " singit nya.

Kumunot ang noo ni Yohan.

"Where ? Samahan ko na kayo. " alok nya.

Ngumiti si Cheska.

"Sige sis, sama natin sya kina Caleb. " sabi nya.

Natigilan si Yohan ng marinig ang pangalan ng binata.

"Caleb ? Caleb Concepcion ? " tanong nya.

Tumango si Cheska.

"Yup. Pupunta kami sa kanila. " sabi nya.

"Totoo ba yon Val ? " tanong ni Yohan.

Nakangiting tumango si Valerie.

"Yeah. " sagot nya.

"I can't believe it. Babae pa ang dadalaw sa bahay ng lalake ? " tanong ni Yohan.

Nagkatinginan ang dalawa.

Natawa ng pasimple si Cheska.

"Eh wala eh. Ganun talaga kapag pogi yung guy. " pang aasar nya.

Tinago ni Yohan ang pag kairita.

"Anyway, sana makabisado mo na yung lines mo Val. Ayaw ko ng paulit ulit at makakalimutin. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Eh paano yan ? Makakalimutin ako ? Ano kaya kung palitan mo na lang ako ? " tanong nya.

Natigilan si Yohan at biglang ngumiti.

"No ! Of course okay lang yun no. Practice ka lang. Sige dun muna ako sa ibang member natin. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Okay. Pero okay lang din sakin if papalitan mo na ako. Baka kasi magkalat lang ako. Mas magandang sabihin mo na habang maaga pa. " wika nya.

Umiling iling si Yohan.

"NO ! Basta alam kong kaya mo yan. Sige ingat na lang kayo mamaya. " sabi nya at umalis na.

Nagkatinginan na lang ang magkaibigan.

Pilit nilang tinago ang pagtawa para hindi makita ng binata.

..

Tanghali, halos katatapos lang ng klase ng biglang mag ring ang phone ni Valerie.

Pagtingin nya ay halos malaglag ang panga nya ng makitang numero muli ang tumatawag.

Agad nya itong sinagot.

"H-hello ? " sabi ni Valerie.

"Hello baby. " boses ni Caleb.

Napapikit si Valerie ng marinig ang boses ng binata.

"H-hi baby. " malambing na sagot nya sabay kurot sa katabing si Cheska.

"A-aray ! Ano ba ! " reklamo ng kaibigan.

Natawa si Valerie ng lumayo si Cheska at pinagpatuloy ang pagsusulat.

Muling nagsalita si Caleb.

"Where are you my baby ? " tanong nya.

Kinilig na naman si Valerie.

Pero wala na syang makurot kaya kinagat na lamang nya ang ibabang labi.

"N-nandito pa sa room. " sagot nya.

"Aahh, labasan nyo na di ba ? " tanong ni Caleb.

"Yeah, pero may tinatapos lang si Cheska. " sagot ng dalaga.

"Ah okay. Pupunta ka ba sa hospital ? " tanong ng binata.

"Yup, why ? Ayaw mo ba ? " tanong ni Valerie.

"Ayaw ko. " wika ni Caleb.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Baket naman ? " tanong nya.

"Eh sa ayaw ko eh. " sabi ng binata.

Napasimangot si Valerie.

"Eh di wag ! " sabi nya.

Biglang tumawa si Caleb.

"Anong gagawin mo ? " tanong nya.

"Eh di uuwi ! " mabilis na sagot ni Valerie.

"Wag muna. " sabi ng binata.

"Bakit pake mo ba ? " taray ng dalaga.

"Date muna tayo. " sagot ni Caleb.

Napanganga na lang si Valerie.

"Weeeee. " tanging nasabi nya.

"Why ? Ayaw mo ba ? " tila nagtampo ang binata.

Napangiti ng matamis si Valerie.

"Okay okay. Pero sa isang kondisyon. " landi nya.

"Anything basta kaya ko. Ano yon ? " tanong ni Caleb.

"Sunduin mo ko. " lambing ng dalaga.

"Of course. " sagot ni Caleb.

Humagikgik si Valerie.

"Sunduin mo ko here in 10 minutes. " hamon nya.

Biglang natahimik si Caleb.

Lalong bumungisngis si Valerie.

"Di mo kaya no ? Eh di walang date ! " biro nya.

Napatingin si Cheska sa kaibigan ng marinig ang sinabi nito.

Dali dali syang lumapit at nakinig.

"It's okay. Yun lang ba ? " tanong ni Caleb.

"Asuusssss, as if kaya mong pumunta dito within 10 minutes. " sabi ni Valerie.

"What if I can ? " tanong ni Caleb.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

"Eh di DATE ! " sabi nya.

"Madali lang yun baby. Paano mo malalaman na nandito na ko ? " tanong ng binata.

Napangiti si Valerie at sinulyapan ang kaibigan.

Ngumisi si Cheska.

"Isigaw mo yung name nya Caleb ! " singit nya.

"Oh narinig mo si Cheska, isigaw mo daw yung name ko. Huh ! kaya mo ba ? Di mo kaya no ! Wala ka pala eh ! " pang aasar ni Valerie.

Biglang namatay ang tawag.

Nadismaya ang mag kaibigan.

"Ay sayang. " nanghinayang si Valerie.

"Ano bang sabi nya ? " tanong ni Cheska.

"Inaaya nya nga ako ng date. " kinikilig na kwento ni Valerie.

Maging si Cheska ay kinilig.

"Owwss ? Eh bakit nagpakipot ka pa. If I know kanina ka pa namimilit dyan. " pang aasar nya.

"Syempre pakipot konti no ! Mamaya sabihin nya kaladkarin ako. " katwiran ni Valerie.

"Eh paano yan ngayon ? Baka di nya kaya yung pinapagawa mo kaya pinatay nya yung call ? " sabi ni Cheska.

Nalungkot si Valerie sa sinabi ng kaibigan.

"Di ka pa ba tapos sa ginagawa mo ? " tanong nya.

"Matatapos na. Konti na lang - T-teka. Wala ka bang naririnig ? " tanong ni Cheska.

Kumunot ang noo ni Valerie at tinalasan ang pandinig.

Hanggang biglang manlaki ang mga mata nya at unti unting mapanganga.

"Oh my GOD ! " sambit ng dalaga.

Nagkatinginan ang magkaibigan.

Bigla syang tumakbo palabas ng classroom at dinungaw ang ground floor.

Marami na ring estudyante ang nag iipon at nakatingin din sa ibaba.

Duon nila nakita ang isang binata na sumisigaw.

"VALERIEEEEEEEEEEEEEEEEE, NANDITO NA KOOO. BUMABA KA NA DITO at MAG DATE NA TAYO ! " sigaw ni Caleb.

Halos malaglag ang panga ni Valerie sa nakita.

ITUTULOY !!!