Ika Dalawampu't Pitong Pahina

Napanganga si Yohan sa ginawang pagsuntok ni Romeo sa pinsan nyang si Serge.

Sa laki nito ay talagang kagulat gulat ang nangyari.

Marahil ay dahil sa kalasingan kaya mabilis na tumumba ang pinsan.

Tinapunan nya ng masamang tingin si Caleb.

"You'll pay for this. " banta nya.

Inosenteng tumingin ang binata.

"Bakit ako ? Eh di naman ako ang sumuntok ? " tanong nya.

Natigilan si Yohan at napatingin kay Romeo.

Nanlaki ang mga mata nya ng makitang kinukwelyuhan nito ang isa pa nyang pinsan.

"C-caleb, awatin mo sya. " pakiusap nya.

Napangiti si Caleb.

"Wala akong kakayahang awatin yan. Kung di ka naniniwala, i-try mo. " wika nya.

Dali daling tumayo si Yohan at hinawakan sa balikat ang binata.

"K-kuya, tama na po. " awat nya.

Kunot noong napatingin si Romeo kay Yohan.

"Hu u ? " tanong nya.

"P-pinsan ko po yan." wika ni Yohan.

"Ah ganun ba ? Tutulungan mo sya ? Sige dalawa kayo. " sabi ni Romeo.

Napaatras si Yohan sabay iling.

"H-hindi po kuya. Di ako lalaban. " bulong nya.

"Ay ganon ? Boring. Eh di sya na lang. " sambit ni Romeo at akmang susuntukin na ang binata.

Napapikit na lamang si Yohan.

Pero biglang nagsalita si Cheska.

"Kuya Rom, tama na po. " bulong nya.

Nabitin sa ere ang kamao ni Romeo at napatingin sa dalaga.

Kumunot ang noo nito.

"Nakita na kita before. " sabi nya.

Napalunok si Cheska at marahang tumango.

"O-oo, kaibigan ako ni Val. Kami yung hinatid nyo ni Tabar. " kwento nya.

Tiningnan ni Romeo mula ulo hanggang paa ang dalaga.

Bago binitawan ang kwelyo ng pinsan ni Yohan.

"Caleb, uwi na tayo. " sabi nya sabay pasok sa loob ng van.

Tumango si Caleb at hinawakan ang kamay ni Valerie.

Saglit nilang tinapunan ng tingin si Yohan bago pumasok sa sasakyan.

"Hoy Kakay, dyan ka na lang ? " tawag ni Valerie.

Tila galing sa magandang panaginip si Cheska.

Pagtingin nya sa mga kasama ay nasa loob na ito ng van.

Dali dali syang pumasok sa loob sabay sara ng pinto.

Nagkatitigan pa sina Caleb at Yohan bago paandarin ng binata ang sasakyan.

..

Tahimik na bumyahe ang lahat.

Maya maya ay binasag ni Caleb ang katahimikan.

"Ano bang ginagawa nyo sa bahay nina Yohan ? Akala ko nasa practie kayo ?" tanong nya.

Napatingin si Valerie sa binata.

"Inimbinahan nya kami ni Cheska. Birthday daw ng Nanay nya. " sagot nya.

"Nakikita ko nga. Mukhang nagkakasayahan kayo eh. " pasaring ni Caleb.

Natigilan si Valerie.

"Anong ibig mong sabihin ? " tanong nya.

Umiling lang ang binata at tiningnan si Romeo sa salamin.

"Kuya Rom. Salamat ha. " sabi nya.

Tumango lang ang binata at tinitigan si Cheska.

"Bakit pang tensed ka ? " tanong ni Romeo.

Napaigtad ang dalaga at mariing umiling.

"H-hindi ah. " mahinang sagot nya.

Ngumisi si Romeo at umusog ng upo palapit sa dalaga.

"Hmm, mabango ka. " bulong nya.

Nagtayuan ang mga balahibo ni Cheska.

"S-salamat po. " mahinang sabi nya.

"Natatakot ka ba saken ? " tanong ni Romeo.

Nagkandailing iling ang dalaga.

"H-hindi po. B-bakit naman ako matatakot sayo ? " balik tanong nya.

Nagkibat balikat lang si Romeo.

"Ewan ko rin. Pwedeng mag request ? " tanong nya.

Napatingin si Cheska sa katabi.

"A-ano po ? " tanong nya.

"Matutulog sana ako, kaso gusto kong humiga. " sagot ni Romeo.

Napanganga na lang si Cheska ng biglang humiga ang binata sa kanyang kandungan.

Halos magtayuan ang mga balahibo nya dahil sa kilig.

..

Humimpil sa mismong tapat ng bahay nina Caleb ang sinasakyan.

Bumusina ang binata at maya maya ay lumabas mula sa loob ang isang kasambahay.

Binuksan nito ang gate at pinasok na ni Caleb ang van.

Mula sa pinto ay patakbong lumapit si Coleen.

"Yehey ! " sigaw nya.

Nakangiting bumaba si Valerie at niyakap ang dalaga.

"Kamusta ka na ? " tanong nya.

"Okay na okay. Teka ? Nasan si Kakay ? " tanong ni Coleen.

Binuksan ni Caleb ang isa pang pinto ng van.

Napanganga si Coleen sa nakita.

"S-si Kuya Rom yan ah. " bulong nya.

Tumango si Caleb.

"Yeah, kasama namin sya. " sagot nya.

Napatingin si Coleen kay Cheska.

Nakangisi ang dalaga.

"Inggit ka ? " tanong nya.

Napanguso si Coleen at kinalabit ang kapatid.

"Bakit sya nakahiga sa lap ni Kakay ? " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Eh inaantok daw sya eh. Teka nga, Kakay gisingin mo na yan. " sabi nya.

Yumuko si Cheska at marahang tinapik ang pisngi ni Romeo.

"Gising na pogi. " bulong nya.

Ngunit di nagising ang binata.

Tila nabatubalani si Cheska sa pagtitig sa maamo nitong mukha.

Dahan dahan nyang nilapit ang mukha at pinakatitigan itong mabuti.

Biglang dumilat si Romeo.

Natigilan silang pareho.

Pero mabilis na nag iwas ng tingin si Cheska.

Pulang pula ang kanyang mukha.

"N-nandito na tayo. " sabi nya.

"Saan ? " tanong ni Romeo.

"K-kina Caleb. " sagot ni Cheska.

Ngumiti si Romeo sabay bangon.

Minasahe nya ang batok.

"Napasarap yung tulog ko ah. " wika nya.

Napangiti lang ng mahinhin si Cheska.

Nauna syang bumaba sa van at sumunod ang binata.

"May party ba Caleb ? " tanong ni Romeo.

Tumango si Caleb.

"Yeah, pasasalamat sa paggaling ni Dad. Ay ngapala uuwi na si Daddy ngayon kuya Rom. " imporma nya.

Ngumisi si Romeo.

"Ano bang sabi ko ? Don't lose faith. Hmm, anong oras ang kainan ? " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Mamayang pagdating nila. On the way na sila Mommy. " sagot nya.

"Ah, sige. Maliligo muna ako. " sabi ni Romeo sabay labas ng gate.

..

Nagkaroon ng biglaang party sa bahay ng mga Concepcion.

Dumalo ang mga malalapit na kaibigan nito kabilang na ang pamilya Di Carprio.

Sa hardin nagtipon tipon ang lahat.

Tinawag ni Harriet ang atensyon ng mga bisita.

"Ladies and Gentlemen. Maraming maraming salamat sa pagpunta nyo. " bungad nya.

Napatingin ang lahat.

"Gusto kong pasalamatan ang Panginoon sa pagpapagaling nya sa aking pinakamamahal na si Gabriel. " sabi ni Harriet.

Nagpalakpakan ang mga bisita.

Napangiti si Gabriel na nakaupo sa isang wheelchair katabi ng asawa.

Hinawan ni Harriet ang kamay ng kabiyak at tinitigan ito sa mga mata.

"Mahal, alam kong marami akong kasalanan sayo. Hayaan mong bumawi ako sa mga pagkukulang ko. " bulong nya.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Gabriel at hinalikan ang kamay ng asawa.

"M-mahal na mahal kita. " mahinang wika nya.

"Mahal na mahal din kita mahal ko. " buong ni Harriet.

Napangiti ang lahat at pinagmasdan ang paglalambigan ng dalawa.

Muling nagsalita ang babae.

"Nais ko po uling pasalamatan ang panginoon sa pagbibigay nya sa akin ng dalawang mababait na anak. Lalong lalo na sa panganay ko. Caleb anak, maraming salamat sa mga sakripisyo mo. Napakaswerte namin ng Daddy mo sayo. " taos puso nyang sabi.

Tumingala si Caleb para pigilin ang luha.

Ngumiti sya sa ina at niyakap ito ng mahipigpit.

"Anything for the family Mom. Anything. " bulong nya.

..

Napangiti si Coleen.

Di sya nakakaramdam ng selos sa mga papuring natanggap ng kapatid.

Batid nya na tama ang ina, napakalaki ng sinakripisyo ni Caleb sa mga pangyayari.

Halos isugal nito ang sarili para lamang sa pag aalaga sa ama.

Bilang kapatid, proud na proud sya para sa kanyang kuya.

..

Naiiyak na kumalas ng yakap si Harriet at tinitigan ang anak.

"Salamat anak ko. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb at tumango.

Pagkuwa'y binalingan ang ama at niyakap din ito ng mahigpit.

"I love you Daddy. " bulong nya.

"M-mahal na mahal kita anak. S-salamat sa panginoon at ikaw ang naging anak ko. " mahinang sabi ni Gabriel.

Napailing si Caleb.

"Ako ang dapat magpasalamat Dad. Napakswerte namin sa inyo. Wala na pong iwanan ha ? " paniniyak nya.

Nailing si Gabriel.

"W-walang iwanan anak. H-hinding hindi ko na uulitin ang ginawa ko. " sabi nya.

Tumango si Caleb at tinapik sa balikat ang ama.

Muli syang bumalik sa mesa katabi ni Valerie.

Nilapitan ni Harriet ang hipag na si Amy.

"Ito pa ang isa sa pinagkakautangan ko. Sis, maraming salamat sa pagtitiis at pagsasakripisyo mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Maraming maraming salamat sis. " naiiyak na niyakap nya ang dalaga.

Napaiyak din si Amy.

"Walang anuman ate. " sagot nya.

Saglit na natahimik ang lahat at hinayaan ang dalawa na ibuhos ang emosyon.

Hanggang sa biglang natawa si Harriet at kumalas ng yakap.

"Nakakahiya. Marami nga palang tao. " bulong nya.

Natawa din si Amy at tumango.

"Mamaya na tayo magdramahan ate. " biro nya.

..

Napatingin si Harriet sa kaibigang si Alexa.

"Mare, malaki din ang utang ko sa inyo. Maraming salamat dahil hindi ka nag atubiling tulungan ako kahit sa alanganing oras. " sabi nya.

Ngumiti lang si Alexa at tumango.

Binalingan ni Harriet si Romeo.

"Romeo iho. " tawag nya.

Pero umungol lang ang binata.

"Tita, spare the drama please. " makaawa nya.

Binatukan ni Alexa ang anak.

Nagtawanan ang lahat.

Maging si Harriet ay natawa sabay tango.

"I know, I know. Ayaw mo ng drama, pero I have to thank you for all you've done iho. Napakalaking bagay ang ginawa mo. Kung hindi dahil sayo, baka inabutan na kami ng liwanag bago nakapasok sa ospital. Salamat din sa mga sinabi mo, dahil duon, lalo kaming nagkaroon ng pag asa. Tama ka nga iho, gumaling si Tito Gab mo. Tulad ng sinabi mong di mo na kami dadalawin sa ospital, dahil di rin naman sya magtatagal duon at makakauwi agad. Eto na si Tito Gab mo oh, malakas at lalo pang magpapalakas. " naiiyak na sabi nya.

Napangiti na lang si Romeo.

Hiyang hiya sa mga papuring natanggap.

Muling binatukan ni Alexa ang anak.

"Lapitan mo si Tita Harriet mo ! " bulong nya.

Napailing na lang si Romeo at lumapit sa ginang.

Bigla na lamang sya nitong sinugod ng yakap.

"S-salamat talaga iho. Salamat sa pagpapalakas mo sa mga loob namin. " bulong nito.

Napangiti lang si Romeo.

"You don't have to thank me that much Tita. Sinabi ko lang po kung anong sa tingin ko ay nararapat. Maliit na bagay iyon kumpara sa ginawang paglaban ni Tito Gab at sa pagsasakripisyo ni Caleb. You have a great family. Please, treasure it. " bulong nya.

Natulala si Harriet at tinitigan ang binata.

Lalo lamang naglandas ang mga luha sa kanyang mata.

"You have a great heart. Thank you. " bulong nya.

Ngumiti si Romeo.

Binalingan nya ang katabi nito.

"Tito. Kamusta po ? " tanong nya.

Luhaan ngunit masayang masaya ang mukha ni Gabriel.

"B-better than before iho. T-thank you, thank you, thank you. " mahina ngunit sunod sunod na pasasalamat nya.

Ngumisi si Romeo at tinuro ang amang si Primo.

"Look at that old man. That's my father. Mahilig yang maglaro ng chess. Marunong po ba kayo ? " tanong nya.

Tumango si Gabriel.

"M-marunong ako iho. P-pero di ako magaling. " mahinang sagot nya.

Natawa si Romeo.

"Don't worry Tito. Di rin naman yan magaling. " biro nya sabay tawa.

Natawa din si Gabriel sa sinabi ng binata.

..

Napuno ng kasiyahan ang puso ni Harriet dahil sa nakikitang pagtawa ng asawa.

Napatingin sya kay Valerie.

Napangiti at muling nagsalita.

"Syempre, makakalimutan ko ba namang pasalamatan ang napakagandang nobya ng aking anak. " bungad nya.

Napatingin ang lahat kay Valerie.

Namula ang mga pisngi ng dalaga at dali daling nagtago sa likod ni Caleb.

Nakangiting nilapitan ni Harriet ang dalaga at hinawakan sa kamay.

"Iha, come here. " bulong nya.

"M-mommy Harriet, wag na po. " nahihiyang bulong ni Valerie.

Ngumiti lang si Harriet at hinatak ang dalaga.

Walang nagawa si Valerie kundi magpatangay na lamang sa ginang.

Nagtungo sila sa tabi ng asawa nito.

"Guys, I want you to meet Valerie. Ang napakabait at napakagandang girlfriend ng anak ko. Sya ang walang sawang nagbantay kay Gabriel sa ospital ng walang reklamo. " pakilala nya.

Nagpalakpakan ang mga tao sa pangunguna ni Caleb.

Pulang pula ang mga pisngi ni Valerie.

Nahihiyang napangiti na lamang sya.

Nais nyang itama ang pag aakala nito na nobya sya ng binata ngunit ayaw nyang ipahiya ang babae.

At isa pa, masarap pala sa pakiramdam ang ipakilala at ipagmalaki ka ng mismong nanay ng iyong mahal.

"Enjoy the party ! " sigaw ni Harriet at pumailanlang na ang masayang tugtugan.

..

Sa kalagitnaan ng kasiyahan.

Tahimik at walang ingay na tinahak ng dalawang nilalang ang madilim na hagdan.

Dire diretso sila sa second floor.

Binuksan ni Caleb ang bintana at hinawi ang kurtina.

Namangha si Valerie sa nakita.

"Wow. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb at tumabi sa dalaga.

"Nagustuhan mo ba ? " tanong nya.

Tumango tango si Valerie.

"Ang ganda dito. " wika nya.

"Yeah. Ito ang paborito kong lugar sa bahay. Bukod sa garden. " sagot ni Caleb.

Napangiti si Valerie at tinanaw ang paligid.

Kita nila ang ilang mga bahay pati na ang pool sa ibaba.

Sa kabilang gilid ay tanaw nila ang hardin kung saan nagkakasayahan ang lahat.

Huminga ng malalim si Valerie.

"Napakatahimik dito. Di mo aakalaing may nangyayaring party sa gilid. " biro nya.

Natawa si Caleb at tiningnan ang nangyayaring kasiyahan pagkatapos ay tumitig sa dalaga.

"Thank you Val. " sabi nya.

"Saan ? " nakangiting tanong ni Valerie.

Dahan dahang lumapit si Caleb.

Napalunok si Valerie pero sinalubong nya ang titig ng binata.

Napangiti sila sa isa't isa.

Kinuha ni Caleb ang kamay ng dalaga at dinala sa bibig.

Marahan nya itong dinampian ng halik.

"Sa lahat ng ginawa mo. " bulong nya.

Napalunok si Valerie.

Halos maduling sya sa pagtitig sa mga mata ng binata.

"W-wala yon. " mahinang sagot nya.

Ngumiti si Caleb.

Dahan dahan pa syang lumapit hanggang sa halos gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha nila.

"Baby. " bulong nya.

..

Napalunok si Valerie.

"This is it. Yes ! " sa isip isip nya.

Pakiramdam ng dalaga ay biglang namigat ang kanyang mga mata.

Marahan nya itong pinikit at hinintay ang pinakaasam na pangyayari.

..

Napangiti si Caleb ng makitang tanggap ni Valerie ang nalalapit na pagdampi ng kanilang mga labi.

Nais nyang sakupin agad agad ang mga labi ng dalaga.

Ngunit natatakot syang matakot o mailang ito.

Bilang respeto, dahan dahang nilapit ni Caleb ang mukha.

Hanggang sa halos gahibla na lamang ang distansya na natitira sa kanila.

"Baby, please open your eyes. " bulong nya.

Nagmulat ng mga mata si Valerie.

Nagulat sya ng makita ang mga mata ni Caleb na nasa mismong harap ng mga mata nya.

"B-baby. " ganting bulong ng dalaga.

Ngumiti si Caleb.

"I love you. " bulong nya sabay dinampian ng halik ang makipit na labi ni Valerie.

Automatikong napapikit ang dalawa.

Ninamnam ang matamis na sandali.

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo.

Pakiramdam nil ay silang dalawa lamang ang natitirang gising.

Napakatahimik.

Napakagaan.

..

Limang segundo lamang ang tinagal ng halik.

Ngunit pakiramdam ng dalawa ay parang limang taon silang nakulong sa mundong sila lamang ang nakakaalam.

Dahan dahan silang naghiwalay.

Dinilat ni Caleb ang mga mata at pinagmasdan ang babaeng pinakamahahal.

Nakapikit pa rin si Valerie.

"Baby. " tawag ni Caleb.

Nagmulat ng mga mata ang dalaga.

Ang nakangiting mukha ng binata ang bumungad sa kanyang paningin.

Namula ang kanyang pisngi at nag iwas ng tingin.

Natawa si Caleb.

Hinawakan nya ang baba ng dalaga at marahang pinaling paharap sa kanya.

"Why ? " nakangiti nyang tanong.

Napangiti ng kimi si Valerie.

Ramdam nya ang pag iinit ng mga pisngi.

"Sarap. " biro nya.

Natawa ng malakas si Caleb.

Binuka nya ang mga bisig at kinulong ang dalaga.

"Thank you for coming into my life. " bulong nya.

Natigilan si Valerie.

Unti unting namuo ang luha sa kanyang mga mata.

Umangat ang kanyang mga kamay at pinalibot sa katawan ng binata.

"A-ako rin. S-salamat sa pagdating mo. " bulong nya.

Kapwa sila natahimik.

Tila nuon lamang nila narinig ang masayang tugtugan mula sa bakuran.

"I love you. " bulong ni Caleb.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

"M-mahal din kita Caleb. " ganting bulong nya.

Natigilan si Caleb sa narinig.

Nilayo nya ng kaunti ang dalaga at pinakatitigan sa mukha.

"A-ano kamo ? " tanong nya.

Ngiting ngiti si Valerie.

"Wala. " biro nya.

"Weee ? Did you just say that you love me ? " tanong ng binata.

"Tagalog please. " biro pa ni Valerie.

Natawa si Caleb.

"Sinabi mo bang mahal mo ko ? " tanong nya.

Napangiti ng matamis si Valerie.

"Wala kang ibidinsya. " landi nya.

"Meron, nakarecord na dito. " tinuro ni Caleb ang puso.

Lalong napangiti si Valerie.

"Ganun ba ? Oh di meron nga siguro akong sinabi. " biro nya.

Ngumiti ng masuyo si Caleb at hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"Say it again. " bulong nya.

Tinitigan ni Valerie ang mga mata ng binata at binuka ang bibig.

"MA-HAL KI-TA. " mabagal na sambit nya.

"Tayo na ? " tanong ni Caleb.

"G-ganun na nga siguro. " bulong ni Valerie.

Napahiyaw si Caleb sa tuwa.

"WOOO HOOO, SINAGOT NA NYA KOOO ! " sigaw nya.

Nagulat si Valerie at mabilis na tinakpan ang bibig ng binata.

"HOY ! wag kang mag wild ! " natatawang awat nya.

Napangiti na lang si Caleb at niyakap ng mahigpit ang dalaga.

"Thank you so much baby. Ipinapangako kong mamahalin kita for the rest of my life until the next next next life. Kung meron man. I love you !" sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"Same here. I love you too. " ganting bulong nya.

Saglit silang nagtitigan at muling nagsalo sa isang matamis na halik.

..

Sa malayo, impit na pumipiglas si Romeo.

Tatawa tawang hinatak ng tatlong alas ang kaibigan at dinala sa liwanag.

Matapos makalayo ay binitawan nila ang binata.

Inis na pinagkukurot ni Romeo ang dede ng tatlo.

"Kainis kayo mga sisters ! Nakaisang kuha lang ako oh ! " turo nya.

Natawa si Rhoi.

"Ang landi landi mo kase. Kita mong moment na nila yon, manggugulo ka pa. " sabi nya.

"Patingin nga ng kuha mo sister. " sabi ni Aldrin.

Sabay sabay nilang tiningnan ang kuhang picture ni Romeo kung saan magkayakap sina Caleb at Valerie sa terrace at mainit na pinagsasaluhan ang una nilang halik.

Pero napanganga ang lahat ng wala silang makita.

"Nasan na ? Marunong ka ba nyan talaga ? " tanong ni Darius.

"Gago, sira ata itong camera mo. " sumbat ni Romeo.

Napasimangot si Darius at inagaw ang camera.

Pero bigla syang tumawa ng makitang nakapatay pa ito.

"Hoy saksakan ka ng engot, kita mong naka off pa oh. " turo nya.

Nagtroll face si Romeo.

"Sinadya ko yan. Nakapa-BAD nyo kasing tatlo. Biruin nyo, moment nung dalawa tapos pipicturan nyo ? Have manners guys. Eh kung sa inyo kaya gawin yon ? My Goodness. Ako na lang talaga ang may ginintiuang puso sa ating apat. Halika kayong tatlo, sumunod kayo sa akin para mapunta kayo sa tamang daan. " sabi nya sabay naglakad palabas.

Nagkatinginan ang tatlong alas.

Napangiti sa isa't isa pagkatapos ay sabay sabay na dinamba ang kaibigan.

ITUTULOY !!!