Ika Dalawampu't Tatlong Pahina

Nakangiting binaba ni Caleb ang cellphone.

Hindi pa man pormal na ipinakikilala sa mga magulang, ramdam nyang buong pusong matatanggap ng mga ito si Valerie.

Ng maalala ang dalaga, muling pumasok ang binata sa loob ng classroom.

Para lamang mapanganga sa eksenang nabungaran.

Si Valerie ay nakahiga sa plywood, habang si Yohan ay nakaluhod sa tabi nito at akmang hahalikan ang dalaga.

Di na nakapag isip si Caleb, dali dali syang sumingit sa mga kaklase nakapalibot sa dalawa at hinawakan ang isang kamay ni Valerie.

Buong pwersa nyang tinayo ang dalaga na ikinagulat ng lahat.

..

Gulat na napadilat si Valerie.

"C-caleb. " bulong nya.

Natigilan ang lahat.

Unang nakabawi si Yohan at galit na nilapitan ang binata.

"Ano bang problema mo ! " singhal nya.

Kunot noong hinarap ni Caleb si Yohan.

"As far as I remember, wala pa kayo dapat sa scene na yan. Bakit yan na agad ang pinapractice nyo ? " tanong nya.

Natigilan si Yohan at ngumisi.

"Kahit anong praktisin namin, wala kang pakealam. Dun ka na lang sa sulok at manuod. At saka bakit ka ba nakikialam ? Ano mo ba si Val ? Girlfriend mo ba sya ? " tanong nya.

Napalunok si Caleb at marahang tumingin sa dalaga.

Napayuko naman si Valerie.

Nais nyang kampihan si Caleb pero walang boses na lumabas sa kanyang mga bibig.

..

Marahang umiling si Caleb at dahan dahang binitawan ang kamay ng dalaga.

"H-hindi. " sagot nya.

Natawa si Yohan.

"Hindi naman pala. Kung makareact ka kala mo may relasyon kayo. Dun ka na nga. " taboy nya.

Napatiim bagang si Caleb.

Tinitigan nya sa mga mata si Yohan.

Kumuyom ang kanyang mga kamao pero wala syang magawa kundi umatras at maglakad patungo sa parteng likod ng silid.

..

Nakahinga ng maluwag si Valerie ng umatras si Caleb.

Hinarap nya si Yohan at nakiusap.

"Tama si Caleb, masyado pa tayong malayo sa part na yon. " sabi nya.

Umismid ang binata.

"Hah ! Nagpapaniwala ka dyan. Bahala kayo. Ok guys, scene 4 muna. " wika nya.

Kanya kanyang kilos ang lahat.

Naglakad si Cheska palapit kay Caleb.

"Huy. " tawag nya.

Lumingon ang binata.

"Oh ? " tanong nya.

"Kung makatingin ka kay Yohan, parang kakainin mo ah. " biro ni Cheska.

Natawa ng marahan si Caleb.

"Mag practice ka na don. " taboy nya.

Umiling si Cheska.

"Wala pa ako sa part na yan eh. " sagot nya.

Tumango tango si Caleb.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila.

Hanggang sa magsalitang muli si Cheska.

"Dapat kasi, tinanggap mo na yung alok na ikaw ang gawing bida. Para ikaw ang makahalik kay Val. " sambit nya.

Napahinga ng malalim si Caleb.

"Oo nga eh. Nakakapanghinayang pero wala naman akong magawa. Alam nyo naman ang sitwasyon ko. Kung ngayon nyo sana ako tinanong, malamang na papayag agad ako. " sabi nya.

Napangiti si Cheska.

"Mahal mo ba si Bebang ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb at napatingin sa dalaga.

"Why ? " tanong nya.

Nagkibit balikat lang si Cheska.

"Syempre, kaibigan ko sya. Matalik na kaibigan. Mula pa pagkabata, kami na ang magkasama. Alam ko kung kailan sya masaya at kung kailan sya malungkot. At masasabi kong masaya si Val nitong mga nakaraang araw. " kwento nya.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

"Talaga? Sa tingin mo dahil sa akin ? Sa tingin mo ba may pag asa ako sa kanya ? " tanong nya.

"Wala ako sa posisyon para magsalita tungkol sa mga ganyang bagay. Kaibigan lang ako ni Bebang. Sya pa rin ang dapat mong tanungin. " sagot ni Cheska.

"Sabagay. " tanging nasabi ni Caleb.

Ngumiti si Cheska.

"Basta, wag mong kalilimutan na ligawan muna ang mga nakapaligid sa kanya. Para surewin ka na. " paalala nya.

Napangiti din si Caleb.

"Of course. Sisimulan ko sa pamilya nya. " sambit nya.

"Yup. At sa bestfriend nya. " biro ni Cheska.

Natawa si Caleb sa sinabi ng dalaga.

"Ganun ? At paano naman daw kita liligawan aber ? " tanong nya.

Napangisi si Cheska.

"Madali lang. Kausapin mo lang itong tyan ko. " turo nya.

Natatawang yumuko si Caleb at tinapat sa mismong tyan ni Cheska ang tenga nya.

"Hmm. Teka di ko marinig ang sinasabi nito. " biro nya.

Humagikgik si Cheska.

"Naibulong na nya sakin kanina. Gusto nya ng chocolates. " sambit nya.

"Ah ganun ba ? Oh sige. Anong chocolates naman daw? " pagsakay sa biro ng binata.

"Hmm, teka di nya naibulong sakin. Ikaw nga ang makinig. " natatawang utos ni Cheska.

Kunwari namang nakinig si Caleb.

"Ahhh, honey bar daw pwede na. " biro nya.

Tumatawang umiling si Cheska.

"HOY ! Sinungaling ka. Mura lang yon no ! Tag pipiso lang yon eh. " sambit nya.

"Eh sa yun ang narinig ko eh. " sabi ni Caleb.

Nagtawanan sila at patuloy na nagharutan.

..

Napatingin si Valerie sa direksyon ni Caleb.

Kumunot ang kanyang noo ng makitang magkatabi ito pati na si Cheska.

Nasa tapat ng tyan ng kaibigan ang binata at tila amang nakikinig sa sipa ng sanggol sa sinapupunan ng ina.

Natigilan si Valerie at tinitigan ang dalawa.

Mukhang nagkakasayahan ang mga ito base sa mga ngiti at kislap ng mga mata.

Hindi man gusto ng dalaga, mabilis na gumapang ang selos sa kanyang sistema.

Parang hindi tama ang ginagawa ng mga ito.

"Val " tawag ni Yohan.

Kumurap kurap si Valerie at tinitigan ang binatang nagsalita.

"H-ha ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Yohan.

"Ano bang nangyayari sayo ? Linya mo na. " sabi nito.

Takang napatingin si Valerie sa mga nasa paligid.

"A-ano ? " tanong nya.

Nagkatinginan ang lahat.

Ngumiti ng masuyo si Yohan.

"Pagod ka na ba ? " tanong nya.

Kahit tila hindi nya maunawaan ang nangyayari, walang nagawa ang dalaga kundi tumango.

"P-pasensya na ha ? " hinging paumanhin nya.

Umiling si Yohan.

"No its okay. It's past three na naman. Break muna tayo. Guys pahinga muna. " sabi nya.

Nag kanya kanyang kalas ang mga estudyante.

Samantalang si Valerie ay walang sabi sabing naglakad palapit sa dalawa.

"M-mukhang nagkakasayahan kayo ah. " singit nya.

Natigil sa pagtatawanan ang dalawa at napatingin sa dalaga.

Nakangiting tinuro ni Caleb si Cheska.

"Etong si Kakay eh. Andaming kalokohan. " sabi nya.

Umalma naman si Cheska.

"Ako pa ? Ako pa talaga ? Hoy Calebrador ! Yung promise mo ! " paalala nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Teka, anong promse ? " sabi nya.

"Aaayyyy, wag mong sabihing nagka amnesia ka bigla ? " natatawang tanong ni Cheska.

Biglang tumawa ang binata.

"Hahahaha, sige sige. Teka, parang di ko alam ang napasukan ko ah. " biro nya.

Malambing na kinurot ni Cheska ang binata na ikinatawa lang nito.

..

Nagpalipat lipat ang tingin ni Valerie sa dalawa.

Hindi talaga nya mapigilan ang pag ahon ng selos sa katawan.

Mabilis nyang sinaway ang sarili at pilit na ngumiti.

"A-ano bang promise yon ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Seecreeettt. " landi nya.

Natigilan si Valerie at napatingin sa binata.

"A-ah ganun ba ? Okay. " sabi nya.

"Tapos na kayo Bebs ? " tanong ni Cheska.

Tumango si Valerie.

"Break daw muna eh. " sagot nya.

"Hmm, buti naman. Marunong din palang magutom yang ungas na yan. " maasim na sabi ni Caleb.

Natawa si Cheska at tumayo.

Nilahad nya ang palad sa binata.

"Pengeng pera. Bibili ako ng miryenda natin. " sabi nya.

Nakangiting naglabas ng pitaka si Caleb.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska ng silipin ang wallet ng binata.

"WOW ! Puro tatlong ulo Bebang oh ! " turo nya.

Natatawang iniwas ni Caleb ang wallet at naglabas ng isandaan.

"May Roxas dito. Kala mo ah. " sabi nya.

Napangiti si Cheska.

"Anong sayo Bebs ? " tanong nya.

Pinilit ni Valerie ang mapangiti.

"K-kahit ano na lang. " malamyang sagot nya.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Anyare sayo ? " tanong nya.

Tarantang umiling si Valerie.

"W-wala. Ikaw Caleb ? " tanong nya sa binata.

"Kahit ano na lang. " panggagaya ni Caleb.

Natawa si Cheska.

"Magkano ba yung kahit ano ? Tsk. Ewan ko sa inyo. Dyan na nga kayo ! " sabi nya.

Natawa si Caleb.

"Ingat ka ha. " lambing nya.

Tumango si Cheska at pinakita ang muscle.

"Opkors ! " biro nya at tuluyan ng lumabas ng silid.

..

Natatawa pa rin si Caleb.

"Siraulo talaga yang kaibigan mo . " sabi nya.

Ngunit hindi sumagot si Valerie.

Nanatili syang nakikiramdam sa binata.

Kumunot ang noo ni Caleb at binalingan ang dalaga.

"Huy. " untag nya.

"O-oh ? " sagot ni Valerie.

"Anong nangyayar sayo ? Pagod ka na ba ? " tanong ni Caleb.

Ngumiti ng kimi si Valerie.

"S-siguro nga. " sagot nya.

"Gusto mo uwi na tayo ? Kakausapin ko na lang si Yohan na bukas na lang ituloy. " wika ni Caleb.

Marahang umiling si Valerie.

"H-hindi, okay lang ako. " sagot nya.

"Sure ka ? " tanong ng binata.

Tumango na lang ang dalaga.

"Yeah. " maiksing sagot nya.

"Okay. " wika ni Caleb.

Nangibabaw sa kanila ang katahimikan.

Hanggang sa maalala ni Caleb ang napag usapan nila ni Cheska.

"Ay ngapala baby. " lambing nya.

Napangiti si Valerie at tumingin sa binata.

"Oh ? " tanong nya.

"Since na matagal na kayong magkakilala ni Kakay, alam na alam nyo na ang gusto at ayaw ng isa't isa di ba? " tanong ni Caleb.

Kunot noong tumango si Valerie.

"M-medyo. Bakit ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Balak ko sanang regaluhan si Kakay. Magtatanong sana ako kung anong mga gusto nya. " sabi nya.

Natigilan si Valerie.

"B-bakit mo sya reregaluhan ? " tanong nya.

"Gusto ko kasi syang ligawan. " sagot ng binata.

Gimbal na natulala si Valerie sa narinig.

Di nya akalaing maririnig nya ang ganung mga salita mula sa binata.

"B-bakit si Kakay ? " naiiyak na tanong ng dalaga.

"Bakit ? Eh kaibigan mo sya di ba? " tanong ni Caleb.

Napayuko ang dalaga at natahimik.

Daig nya pa ang dinukot ang puso at piniga sa mismong tapat nya.

Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Pilit nya itong tinago sa binata kaya dali dali syang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto.

..

Nagulat si Caleb sa ginawa ni Valerie.

Akmang hahabulin nya ang dalaga ng biglang lumitaw si Cheska bitbit ang mga pinamili nitong pagkain.

"HOY ! " gulat na hiyaw ng dalaga.

Muntik na silang magbanggaan.

"S-sorry. " sabi nya.

"Ano bang problema mo ? " tanong ni Cheska.

"Si Val. Bigla syang tumakbo. " turo ni Caleb.

Napatingin si Cheska at hallway.

"Oo nga. Nakasalubong ko. Baka natatae. " natatawang sabi nya.

"Ewan ko. Pero parang may nasabi akong mali. " sabi ni Caleb.

Natigilan si Cheska.

"A-ano bang sinabi mo ? " tanong nya.

Mabilis na pinagana ni Caleb ang isip at binalikan ang mga napag usapan nila ng dalaga.

"Wala naman akong masamang sinabi. May tinanong lang ako sa kanya about sayo. " pag amin nya.

Napanganga si Cheska.

Napatingin sya sa daang tinahak ni Valerie at biglang tumawa ng malakas.

"BWAHAHAHAHAHA. Sige sige. Carry ko na to. Hawakan mo nga to at hahanapin ko yung bruha. " sabi nya at inabot ang mga pagkain.

"Sure ka ? Sama ko. " giit ng binata.

Umiling si Cheska.

"Dyan ka na lang. Ay ganito na lang, kunin mo yung mga gamit namin tapos kita tayo sa covered court. Sabihin mo kay Yohan na sumama ang pakiramdam ni Val. " utos nya.

Tumango tango si Caleb.

"Sige sige. " sagot nya at nagmamadaling pumasok sa loob para hanapin si Yohan.

Nakangising pumihit patalikod si Cheska at sinimulang hanapin ang kaibigan.

..

Di na napigilan ni Valerie ang emosyon.

Impit syang napaiyak sa tabi ng isang puno.

"B-bakit si Kakay ! " sambit nya.

Biglang may nagsalita sa likod.

"Kase mas maganda ako sayo. " boses babae.

Gulat na napalingon si Valerie at nakita nya si Cheska na nakangisi.

Taranta nyang pinahid ang mga luha.

"A-anong ginagawa mo dito ? " seryosong tanong nya.

Nakangising lumapit si Cheska at hinawakan sa balikat ang kaibigan.

Pero winaksi lamang ni Valerie ang kamay nya.

Sukat duon ay tumawa ng malakas ang dalaga.

"HAHAHAHAHAHAHA Confirmed ! " tawa nya.

Asar na lumingon si Valerie at sinabunutan ang kaibigan.

"TRAYDOR ! " bintang nya.

Tumigil sa kakatawa si Cheska at tinitigan ang kaibigan.

"Bebang ? Ako traydor ? Kelan pa ? " tanong nya

Natigilan si Valerie.

Dahan dahan nyang inalis ang mga kamay sa buhok ng kaibigan at matalim itong tinitigan.

"Kanina lang ! " sumbat nya.

Seryosong nakipagtitigan si Cheska.

"Bawiin mong sinabi mo . " utos nya.

"At bakit ? " galit na sagot ni Valerie.

Naningkit ang mga mata ni Cheska.

"Dahil sa lahat, alam mong ayaw na ayaw kong sinasabihan ng traydor ! " sigaw nya.

Natigilan si Valerie.

Alam nya ang bagay na iyon pero dahil sa sakit na nararamdaman ay di na nya napigilan ang sarili.

Ng maalala ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito ay muling nagliyab ang emosyon sa kanyang puso.

"Pero ginawa mo ! " sumbat nya.

Tumiim ang mga bagang ni Cheska pero natigilan sya ng makitang papalapit si Caleb.

Imbes na magalit, napangiti ng lihim ang dalaga.

"Ano bang ginawa ko ? " tanong nya.

Asar na pinahid ni Valerie ang mga luha.

"Wag ka ngang magpakainosente Kakay. Kung nuon mo pa sinabi na may gusto ka kay Caleb, sana di na tayo umabot sa ganito ! " sigaw nya.

"Sino bang nagsabi sayo na may gusto ako ? At saka anong sabi mo ? May gusto rin ako ? Rin ? So inaamin mo na may gusto ka kay Caleb ? Nagseselos ka sakin ?" sunod sunod na tanong ni Cheska.

Gigil na sinabunutan ni Valerie ang kaibigan.

"OO ! Nagseselos ako sayo ! Wag na wag kang makakadikit kay CALEB kasi kakalbuhin kitaaaaa !!!" sigaw nya.

Pero napangisi si Cheska ng maramdamang walang pwersa ang pagsabunot ng kaibigan.

Para lamang itong naglalambing.

Kaya imbes na magalit, tumawa pa sya ng malakas.

"HAHAHAHA, buking ka na bruha. ! " sambit nya.

Natigil sa pagsabunot si Valerie at tinitigan ang kaibigan.

"Ano bang sinasabi mo ? " tanong nya.

Nginuso ni Cheska ang likod ng dalaga.

Mabilis namang lumingon si Valerie at duon nya lang napagtanto kung nasaan sila.

Marami ng tao ang nasa likod nila.

Mga kapwa estudyante na mukhang nacurious kung ano bang pinag aawayan nilang magkaibigan.

Pero ang masaklap nito, kasama si Caleb sa crowd.

Ngising ngisi ang binata.

Hawak nito ang mga pagkain pati na ang mga gamit nilang magkaibigan.

Biglang lumingon si Caleb sa mga kapwa estudyante.

"Kayo na mismo ang nakarinig. Nagseselos sya kasi gusto nya ako. " sambit nya.

Naghiyawan ang mga tao.

Pulang pula ang mga pisngi ni Valerie.

"K-kakay. " tawag nya.

"Oh ? " natatawang sagot ni Cheska.

"Sinet - up nyo ko ? " mahinang tanong ni Valerie.

"Gaga, ikaw ang nagset up sa sarili mo. Puro ka kasi hinala. " sagot ni Cheska.

Napangiwi si Valerie.

Hiyang hiyang nagtago sya sa likod ng kaibigan.

"Kakay, alis na tayo. " bulong nya.

"As you wish. Hoy Caleb ! Follow us. " tawag ni Cheska at kinoberak ang kaibigan palabas ng campus.

Natatawang sumunod si Caleb.

Tila lalo pang nadagdagan ang pagmamahal para sa dalaga dahil sa mga sinabi at inakto nito.

..

Huminga ng malalim si Valerie pagkalabas ng eskwelahan.

Bigla syang sumigaw ng ubod ng lakas na ikinagulat ng lahat.

"AAAAAAHHHHHH " sigaw ng dalaga.

Natatawang tinakpan ni Cheska ang bibig ng kaibigan.

"Pasensya na po kayo, may sakit po kasi itong kaibigan ko. Pasensya na po ulit. " hinging paumanhin nya sa mga taong dumaraan.

Asar na inalis ni Valerie ang kamay ni Cheska.

"Di ko alam kung kaibigan talaga kita eh. " sabi nya.

"Oh bakit na naman ? " nakangiting tanong ni Cheska.

Sumimangot si Valerie at inirapan ang papalapit na si Caleb.

"Dahil sa nangyari, lalong lalakas ang loob ng unggoy na yan. " bulong nya.

"Eh bakit ? Sino bang may kasalanan ? Ikaw itong nagsisigaw at bigla na lang nag hysterical sa tabi ng puno. Dyusko Bebang, sikat na sikat ka na sa campus. " biro ni Cheska.

Natawa ng mahina si Valerie.

"Nakakahiya. " sabi nya.

"Buti alam mo. May sayad ka kase. " biro pa ni Cheska.

Nakangiting lumapit si Caleb sa dalawa.

Inabot nya ang bag ni Cheska.

"Oh . " sabi ng binata.

"Thank you Caleb. " malambing na wika ni Cheska at humilig sa braso ng binata.

Napasimangot ng lihim si Valerie.

Pinandilatan nya ang kaibigan pero tumawa lang ito.

"Papa Caleb. Narinig mo ba lahat ng sinabi nya ? " tanong ni Cheska.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

"Di naman lahat. " sabi nya.

Natahimik si Valerie at nakahinga ng kaunti.

Muling nagsalita si Cheska.

"Ano lang yung inabutan mo ? " tanong nya.

Ngumisi si Caleb.

"Dun sa part na sinabunutan ka nya. Kabisado ko pa nga yung sinabi nya eh. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at asar na inirapan ang dalawa.

"Ewan ko sa inyo. " sabi nya at pilit kinuha ang bag sa binata.

Pero di ito binigay ni Caleb.

"Ako ng magdadala. " lambing nya.

Natigilan si Valerie.

Kinilig sa simpleng gestures ng binata pero talagang nahihiya sya sa mga ginawa nya kanina kaya napayuko na lamang sya.

"Bahala ka. Hoy Kakay, san ka pupunta ? " tanong nya.

"Sasama ako sa inyo. Baka mag apartel kayo eh. " sagot ni Cheska.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"What's that ? " tanong nya.

Kinalawit ni Valerie ang leeg ng kaibigan at inakay.

"Don't mind her. She didn't know what she's talking about. " pabirong sagot ng dalaga.

Natawa si Cheska.

"Grabe english mo sis. Kahit di ako yung nagsalita, nagdugo pa rin yung ilong ko oh. " biro nya.

Natawa din si Valerie.

"Gaga, alalayan mo ko. Nahihilo ako. " bulong niya.

Nagtawanan silang dalawa at magkahawak kamay na naglakad.

Napailing na lamang si Caleb at sumunod.

ITUTULOY !!!