Ika Dalawampu't Walong Pahina

Magkahawak kamay na muling bumaba sa hagdan ang bagong magkasintahan.

Di pa man sila nakababa ay biglang may tumili.

Pagtingin nila ay nakita nila si Coleen na nanlalaki ang mga mata.

"San kayo galing ? " tanong nya.

Natigilan ang dalawa.

"S-sa taas. " sagot ni Valerie.

Napanganga si Coleen.

"Sinong kasama nyo ? " muling tanong nya.

"Kami lang. " pag amin ni Caleb.

Nanlaki ang mga mata ni Coleen.

"HALA ! Anong ginawa nyo ! " sigaw nya.

Napatingin si Caleb sa nobya pagkatapos ay ngumisi sa kapatid.

Lalong napanganga si Coleen.

"Kailangang malaman ito ni Kakay ! " sigaw nya pagkatapos ay tumakbo palabas ng bahay.

Kinurot ni Valerie ang binata.

"Bakit di mo sinabi kung anong ginawa natin ? " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Anong gusto mong sabihin ko ? " balik tanong nya.

Napanguso si Valerie at inirapan ang nobyo.

"Ewan ko sayo. Baka kung anong isipin nila. " wika nya.

Ngumiti si Caleb at hinigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga.

"Then let's tell them. Sabihin natin na sinagot na kita. " biro nya.

Natawa si Valerie at kinurot ang braso ng binata.

"Kapal ng mukha mo. " sabi nya.

Hinuli ni Caleb ang kamay ng dalaga at masuyong hinalikan.

"Syempre joke lang yon. Pero sasabihin ko pa rin sa kanila tayo na. Please don't stop me. Gustong gusto kong ipagsigawan sa lahat na akin ka at wala ng makakaagaw pa. " bulong nya.

Napakagat labi si Valerie.

Napuno ng pagmamahal ang kanyang puso.

Wala sa sariling hinaplos nya ang pisngi ng binata.

"Same here baby. Kanina ko pa gustong gawin yan, nahihiya lang ako sa makakarinig. " ganting bulong nya.

Pinalibot ni Caleb ang mga kamay sa bewang ng kasintahan at pinakatitigan ito sa mga mata.

"Don't be shy. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

Huminga sya ng malalim at tumango.

Saglit syang bumwelo para sumigaw ng biglang may nagsipasukan sa pinto.

..

"Ayun sila ! " turo ni Coleen.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

"What is the meaning over here ? T-teka tama ba yung sinabi ko ? " tanong nya.

Natawa si Coleen at hinatak ang dalaga palapit sa magkasintahan.

Sabay nilang tinitigan mula ulo hanggang paa ang dalawa.

Kinalabit ni Cheska si Coleen.

"Ano sa tingin mo ? " tanong nya.

"May anumalya akong nakikita. " sagot ni Coleen.

Napangiti si Caleb at pinabayaan ang ginagawa ng kapatid.

Maging si Valerie ay natatawa sa kaibigan.

Tinuro ni Cheska ang mga kamay ng binata na nakapalibot sa bewang ni Val.

"Look at this sistah, ebidensya ito. Malinaw na may nangyayaring di natin nalalaman. " sabi nya.

Tumango tango si Coleen.

"Oh baka may nangyari na ? Na hindi natin alam at mukhang wala silang balak ipaalam. " sagot nya.

"Tama tama. Siguro may namagitan sa kanila. Saan mo kamo sila nakitang nanggaling ? " tanong ni Cheska.

Tinuro ni Coleen ang hagdan.

"Dun dun ! Galing sila sa taas. " sagot nya.

Tumingala si Cheska.

"Di ba nasabi mo na nasa labas ang lahat ng tao. May mga pumapasok ditong katulong nyo pero bibihira lamang iyon dahil naka served na ang mga pagkain sa labas. May something kaya silang ginawa ? " tanong nya.

"Baka nga. " mabilis na sagot ni Coleen.

Nagkatinginan sina Valerie at Caleb.

Pagkuwa'y bigla silang tumawa ng malakas.

"Ewan ko sa inyo. " sabi ni Val.

Naningkit ang mga mata ni Cheska.

"Anong meron ? Anong bago ? " tanong nya.

"Oo nga, bakit may payakap yakap na kayo ngayon ? " tanong din ni Coleen.

Napangiti ng maluwang ang dalawa.

Tiningnan ni Caleb si Valerie.

"Do the honor baby. Tell them. " bulong nya.

Tumango si Valerie at tiningnan sina Cheska at Coleen.

"K-kami na. " mahinang pag amin nya.

Napanganga ang dalawa.

Pabirong nilinis ni Cheska ang tenga.

"Ano raw ? Teka di ko narinig. " biro nya.

Natulala si Coleen at pinaglipat lipat ang tingin sa dalawa.

"Wee ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Yup sis. Sinagot ko na sya, nakulitan ako eh. " biro nya.

Natatawang pinalo ni Valerie ang braso ng kasintahan.

"Kapal nito. " sambit nya.

Natawa din si Caleb at binalingan ang kapatid.

"Hey. " tawag nya.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Coleen.

"I'm so happy for both of you. " bulong nya.

Niyakap ni Caleb ang kapatid.

"Yeah. I know na matatanggap mo sya. " sambit nya.

Maging si Cheska ay napangiti at niyakap ang kaibigan.

"Masaya ako para sa inyo Bebang. Sana'y dumami pa ang inyong lahi. " biro nya.

Natawa si Valerie at mahigpit na niyakap ang dalaga.

"Salamat Kakay. Sana'y makakita ka na rin ng lalahian mo. " ganting biro nya.

"Gaga nakakita na ako. Ayaw lang akong pansinin. " wika ni Cheska.

Nagtawanan silang dalawa.

Kumalas si Coleen sa pagkakayakap sa kapatid at pagkatapos ay binalingan si Valerie.

"So, ate na ang itatawag ko sayo ? " tanong nya.

Natawa si Valerie.

"Yuck. " biro nya.

Natawa din si Coleen ay binuka ang mga kamay.

Napangiti si Valerie.

Sinalubong nya ang dalaga ay mahigpit na niyakap.

"Thank you Coleen. Salamat sa pagtanggap mo. " sambit nya

Ngumiti si Coleen.

"Salamat din at napatino mo ang kuya ko. " bulong nya.

Natawa si Valerie at tumango.

"Oo nga sis eh. Medyo nahirapan din ako. Kala ko wala na syang pag asa. " bulong nya.

Humagikgik si Coleen.

"Well, at least ok na. Uuyyyy, congratz nga pala. " sambit nya.

Napangiti ng maluwang si Valerie at inabot ng yakap si Cheska.

"Group huggg. " biro nya.

..

Nakangiting pinagmasdan ni Caleb ang tatlong dalaga.

Punong puno ng galak ang kanyang puso sa mga oras na ito.

Nasa kalagitnaan sila ng pagsasaya ng biglang pumasok ang ina.

Kumalas ng yakap ang tatlo at nakangiting sinalubong si Harriet.

"Mommy. " tawag ni Coleen.

"Hi Tita. " bati ni Cheska.

Ngumiti lamang si Valerie.

Maging si Harriet ay napangiti sa tatlong dalaga paguwa'y binalingan ang binatang anak.

"Anak, we need to talk. " mahinang tawag nya.

Natigilan si Caleb.

"Tungkol saan Mom ? " tanong nya.

Sumeryoso ng tingin si Harriet sa anak.

"Mamaya na. " mahinang sagot nya.

Binalingan nya si Coleen.

"Anak, why don't you bring them outside ? Pakainin mo na sila. " nakangiting utos nya.

"Yes Mommy. " sagot ng dalaga.

Tumingin si Valerie sa kasintahan.

"Baby. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Sama ka muna sa kanila babe. Susunod na lang ako. " sambit nya.

"Okay. " sagot ni Valerie.

Pinagmasdan lang ni Harriet ang paglabas ng tatlong dalaga bago binalingan ang binatang anak.

"Follow me iho. " tawag nya.

Tumango si Caleb at sumunod sa ina.

Dumiretso sila sa library.

Agad na sinara ni Harriet ang pinto pagkapasok ng anak.

"Upo ka muna. " turo nya.

Umupo si Caleb sa sofa at pinagmasdan si Harriet.

Kapansin pansin ang pagbabago ng mood nito.

Mula sa pagiging masaya, tila naging balisa ang ina.

"Mom ? Is there any problems ? " tanong nya.

..

Natigilan si Harriet at pinagmasdan ang anak.

Bakas ang kasiyahan sa mukha nito.

"Kamusta kayo ni Val ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Okay na okay Mom. Actually, kami na. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Harriet.

"Di ba girlfriend mo naman talaga sya ? " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Ikaw lang naman ang nagsabi nyan Mommy eh. Nahihiya nga ako kay Val nung napagkamalan nyo syang girlfriend ko. Buti na lang mabait yung isang yon. " sabi nya.

"Hala ! Nakakahiya naman kay Val yung mga sinabi ko. " sabi ni Harriet.

"Pero okay lang yon Mommy, tinama na nya yung akala nyo. " pagyayabang ni Caleb.

Napangiti si Harriet.

"Hmm, kaya pala ngiting ngiti ka. " puna nya.

"Yup ! Ang swerte ko sa kanya Mommy. Mabait na anak si Val, tapos mabuti ring kapatid at kaibigan. Nakita nyo naman po di ba? " tanong ni Caleb.

Tumango si Harriet.

"Oo anak. Kitang kita ko nga. Pero di rin naman sya lugi sayo. Mabait ka rin at responsable. Mabuting anak at kapatid. Gwapo pa. " biro nya.

Natawa si Caleb.

"Syempre, mana mana lang yan. Ay Mom, ano nga po pala yung sasabihin nyo ? " tanong nya.

Unti unting nawala ang ngiti sa mukha ni Harriet.

Tahimik syang umikot sa magarang mesa at binagsak ang katawan sa upuan.

Nilabas nya mula sa bulsa ang cellphone.

"Here. " sabi nya.

Kunot noong tumayo si Caleb at lumapit sa ina.

Dinampot nya ang cellphone.

"Anong gagawin ko dito Mom ? " tanong nya.

Hinilot ni Harriet ang sentido.

"Basahin mo yung text. " sagot nya.

Tahimik na sinunod ni Caleb ang inutos ng ina.

Saglit nyang kinalikot ang cellphone nito at pagkatapos ay muli na namang napakunot ang noo.

"Flight schedule to ah ? Sino to Mommy ? Galing ng Madrid ? T-teka. M-madrid ? Don't tell me na uuwi si Lola ? " tanong nya.

Umiling si Harriet.

"Hindi pa maaaring umuwi ang Lola mo anak. Marami syang inaasikaso sa kumpanya. " sagot nya.

"Pero kaninong flight sched to Mom ? " tanong ulit ni Caleb.

Napahinga ng malalim si Harriet at pinakatitigan ang anak.

"Kay Britney. " sagot nya.

Napanganga si Caleb sa narinig.

..

Tagumpay na natapos ang party.

Lahat ay masaya sa mga nangyari.

Kabilang na sina Valerie at Cheska.

"Talaga bang hindi na kayo pwedeng mag sleep over ? " tanong ni Coleen.

Napangiti si Valerie.

"Di kasi ako nakapag paalam eh. Don't worry, may next time pa naman. " sabi nya.

"Oo nga Coleen. Next time na lang. " sabat ni Cheska.

Malungkot na napatango si Coleen.

"Ay, ngapala. Baka pumasok na ako sa monday. " sabi nya.

Napangiti ang dalawa.

"Talaga ? Wow, sige sige. " tuwang wika ni Cheska.

Tumango tango si Coleen sabay ngisi.

"Nakapili na nga ako ng school eh. Ipapalakad ko na kay Mommy yung papers ko. " sabi nya.

"Talaga ? Good ! Anong school naman ang napili mo ? " tanong ni Valerie.

Lalong napangisi si Coleen.

"Secreet. Basta papasok na lang ako sa Monday. " landi nya.

Natawa na lang ang dalawa.

Napatingin sila sa papalabas na sina Caleb at ina nitong si Harriet.

Agad na lumapit ang binata sa kasintahan.

"Ready ? " tanong nya.

Tumango si Valerie at tinitigan si Caleb.

Di nya maintindihan ang sarili ngunit tila may bumubulong sa kanya na may di tama sa binata.

"May problema ka ba baby? " bulong nya.

Natigilan si Caleb.

Pero mabilis syang ngumiti at umiling.

"W-wala. Bakit mo naman natanong yan ? " tanong nya.

Nagkibit balikat lang si Valerie.

"Wala lang din. " sagot nya.

"Tara na at ihahatid ko na kayo ni Kakay. " sabi ni Caleb.

Tumango si Valerie at binalingan ang ina ng binata.

"Mommy, uwi na po kami. " paalam nya.

Ngumiti si Harriet.

Niyakap nya ang dalaga at hinalikan sa pisngi.

"Salamat anak, mag iingay kayo sa daan ha ? " bilin nya.

"Opo opo. " mabilis na sagot ni Valerie.

Maging si Cheska ay niyakap din ni Harriet.

"Salamat din sayo Kakay. Oy Caleb, mag ingat sa pagmamaneho. " bilin nya sa anak.

Tumango si Caleb.

Nagpauna na syang sumakay sa van bago sumunod ang dalawa.

Binuksan ni Valerie ang binata at kinawayan si Coleen.

"Bye sis. " sambit nya.

"Bye Val, bye Kakay. See yah on Monday. " landi ni Coleen.

Natigilan ang dalawa sa sinabi ng dalaga.

..

Matapos ihatid ni Caleb ang dalawa, agad syang bumalik sa bahay.

Naabutan nyang bukas pa ang ilaw sa silid ng mga magulang kaya alam nyang di pa natutulog ang mga ito.

Bumusina ang binata ng dalawang ulit.

Di naman nagtagal ay lumabas ang isa nilang kasambahay.

Agad nitong binuksan ang gate.

Pinasok ni Caleb ang sasakyan at diniretso sa parking area.

Matapos patayin ang makina ay hinugot nya ang susi at lumabas ng van.

Dire diretso syang pumasok sa loob.

Ngunit natigilan si Caleb ng makarinig ng mga boses.

Napatingin sya sa salas at napanganga sa nakita.

"Caleb sweety ! " sigaw ng babae.

Napalunok si Caleb.

"B-britney. " mahinang tawag nya.

Agad na tumayo ang dalaga at tinakbo ang distansya.

Halos lundagin nya ang binata.

Mabilis nyang pinalibot ang mga braso sa leeg nito at akmang hahalik.

Mabuti na lamang at mabilis si Caleb.

Nagbaling sya ng tingin sa ina kaya sa pisngi tumama ang mga labi ng dalaga.

Napasimangot si Britney.

"Hanggang ngayon galit ka pa rin saken ? " tanong nya.

Umiling si Caleb at tinitigan ang dalaga.

"Of course not. Nakapag move on na ako Britney. " sagot nya.

Ngumuso si Britney.

"Eh bakit ang cold cold mo pa rin saken ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Kamusta ang byahe ? At anong ginagawa mo dito ? " diretso nyang tanong.

"Hmmp ! Tinext ko na yung flight sched ko pero bakit si Manong pa rin ang sumundo saken ? Akala ko ikaw ang susundo ? " tanong ni Britney.

Natawa si Caleb.

"Busy kami dito. " maiksing sagot nya.

"Busy ? Saan ? " tanong ng dalaga.

Napatingin si Caleb sa ina bilang paghingi ng permiso na sabihin ang kalagayan ng ama.

Marahan itong tumango kaya muli nyang binalingan ang babae.

"Busy kami sa pag aalaga kay Daddy. May sakit sya. " malumanay nyang sagot.

Natigilan si Britney.

"Si Tito Gabriel ? Nagkita na kayo ? How ? Nasan sya ? " sunod sunod na tanong nito.

Napangiti si Caleb.

"Nagpapahinga na sya sa taas. At mahabang istorya yon. Anyway, saan ka nga pala matutulog ? Gabi na ah. Delikado ang bumyahe. Di ito tulad ng Spain. " paalala nya.

Ngumiti ng matamis si Britney.

"Don't worry about me. May tutulugan akong safe at comfortable. " landi nya.

"Ah, may friend ka nga pala dito sa Philippines. Well, pwede ka naming ipahatid kay Manong if you want. " sambit ni Caleb.

Umiling si Britney at niyakap ang isang braso ng binata.

"You don't have to do that. Since the house that I am talking about is this. Dito ako magstay hangga't matapos ang vacation ! Yehey ! " imporma nya.

Natigilan si Caleb at napatingin sa dalaga.

"H-ha ? D-dito ? " tanong nya.

Tumango tango si Britney.

"Yup yup yup. " sagot nya.

Mabilis na binalingan ni Caleb ang ina.

"Mom ? Totoo po ? " tanong nya.

Napayuko si Harriet.

Napatiim bagang si Caleb.

Sapat na ang ginawang pagyuko ng ina para patotohanan ang sinabi ng dalaga.

Muli nyang binalingan si Britney.

"Sinong nagsabi sayo na nandito ako ? " tanong nya.

Ngumiti ng maluwang ang dalaga.

"Si Lola ! " masiglang sagot nya.

Lalong napatiim bagang si Caleb.

Inalis nya ang brasong yakap ng dalaga at pagkuwa'y binalingan ang ina.

Lumapit sya dito at tumabi ng upo.

"Mom, I think kina Tyang muna ako matutulog." sabi nya.

Napaangat ang tingin ni Harriet sa anak.

"K-kahit na masakit sa akin ang mahiwalay ka anak, mas gugustuhin ko na sigurong malayo ka. Kesa naman mapilitan ka sa bagay na hindi mo gusto. Ayaw kong saklawan ang desisyon mo anak. " bulong nya.

Napangiti si Caleb sa ina.

"Okay lang po ba kahit na magalit sa inyo si Lola ? " panunubok nya.

Napakagat labi si Harriet.

"Darating din tayo dyan. Ang mahalaga ay wag magkaroon ng pagkakataon si Britney na makagawa ng paraan para ulitin ang dati nyang ginawa. " paalala nito.

Ng maalala ni Caleb ang kalokohang ginawa ni Britney nuon ay di nya maiwasang muling manumbalik ang galit sa dalaga.

Ngunit kataka takang hindi na ito ganuon kabigat.

Unti unting napangiti ang binata.

Nagtaka si Harriet.

"Why ? Bakit parang masaya ka pa ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb sa ina.

"I think wala na sa akin yung nangyari Mom. Although may galit pa rin po ako sa kanya, I think it's only my ego. Akala ko ay matatagalan ako bago makamove on. Pero mukhang may tumulong sa akin para gawin yon. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Harriet, pagkuwa'y napangiti ng magets ang nais ipahiwatig ng anak.

"Si Valerie. " sambit nya.

Lumawak ang pagngiti ni Caleb at tumango.

"Yeah. Malaki ang nagawa nyang tulong sakin. " sabi nya.

Tinitigan ni Harriet ang anak.

"Baka naman ginagawa mo lang syang panakip butas ? " tanong nya.

Ngumisi si Caleb.

"Hindi na po ako bata Mommy. Alam ko na ang nararamdaman ko. Kayo ang nagturo sa akin na wag na wag manggamit ng tao para sa sariling kapakanan. Kasalanan ko bang natutuhan ko yong pahalagahan ? " biro nya.

Natawa si Harriet at tinapik ang pisngi ng anak.

"Go anak. Tama nag desisyon mo na dun ka muna kay Tita Amy mo magstay. Dalaw dalawin mo na lang kami dito ng Daddy mo after mong pumasok sa school. " wika nya.

Tumango si Caleb.

"Right ! So paano Mommy, ihahatid ko muna itong bruhang to sa guest room. Si Coleen po ? " tanong nya.

"Hay nako yung batang yon. Hindi mapakali, naglalaro ng PSP. " sagot ng ina.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Why ? " tanong nya.

Natawa si Harriet.

"Nakita nyang naglalaro ng PSP si Romeo kanina. Tapos di ko alam kung saan na nagpunta yung apat na magkakaibigan, naiwan ni Romeo yung PSP nya. Ayun, pinagsasawaan ng kapatid mo. " sagot nya.

Napailing na lamang si Caleb.

"Coleen had a great crush on Romeo. Die hard fan sya ng Kwadro Alas. Remember yung tatlong pogi na kaibigan ni Kuya Rom ? Sila ang bumubuo ng Four Aces. " kwento nya.

Tumango tango si Harriet.

"Alam ko na yan. Nakwento na sa akin ni Mareng Alexa. Bale parang extension ng friendships ng mga tatay nila ang Kwadro Alas. Well, sounds childish pero nakakacurious eh no ? " tanong nya.

"Actually, yan din po ang naisip ko. Pero di naman sila mga isip bata. Ay teka, mali ata ako. Haha, isip bata nga pala yung apat. Ewan ko ba dyan kay Coleen, alam na nyang babaero si Kuya Rom, ayaw pa rin paawat. " naiiling na sabi ni Caleb.

Napangiti si Harriet at hinaplos ang pisngi ng anak.

"Typical older brother ka talaga. Lagi mong inaalala ang kapakanan ng kapatid mo. Hayaan mo na sya. Sa nakikita ko naman, hindi si Romeo ang tipo ng nananamantala sa mga may gusto sa kanya. Saka family friend natin sila anak. " sabi nya.

Nagkibit balikat lang si Caleb.

"Ewan ko lang. Di ko gusto ang pagiging babaero ni Kuya Romeo, pero kung hindi sya ganun, botong boto ako sa kanya para kay Nicoleen. " sambit nya.

Napangiti si Harriet at tumango.

Akmang magsasalita sya ng padabog na naupo si Britney sa harap nila.

"Nakalimutan nyo na ko ? " nakasimangot na tanong nito.

Napatingin ang mag ina sa bisita.

"Muntik na. " bulong ni Harriet.

Natawa si Caleb.

"So dito ka mag stay ? " tanong nya.

Tumango si Britney.

"Yeah. " sabi nya.

Ngumiti si Caleb at tumayo.

Binuhat nya ang mga gamit ng dalaga.

"Come, I'll show you your room. " aya nya.

Agad na sumilay ang ngiti sa mukha ni Britney.

Dali dali syang tumayo at kumapit sa braso ng binata.

"Okay. Goodnight Mommy Harriet. See you tomorrow. " excited na sabi ng dalaga sabay halik sa pisngi ni Hariet.

Tumango lang ang babae.

Pinagmasdan nya ang pag akyat ng dalawa sa hagdan.

Kita nya ang parang tukong pagkapit ni Britney sa braso ng anak.

Napahinga ng malalim si Harriet.

Bagama't nalulungkot sa desisyon ng anak na manirahan pansamantala sa Tyahin, naisip nyang ito ang mas nararapat dahil sa alam na alam nya ang kapasidad ni Britney.

May nakaraan ang dalawa na hindi na dapat maituloy pa.

At iyon ang pinangangambahan nyang mangyari.

Paano na lamang si Valerie na nobya ng anak ?

Hindi pa man nagsisimula ang mga ito, tila may makapal at maitim na ulap na ang nagbabadyang tumakip sa maliwanag nilang relasyon.

Naningkit ang mga mata ni Harriet.

Dahil sa pagtira ni Britney sa mansyon, at sa nakaraan nito sa kanyang anak, hindi malabong pangibabawan ng selos si Valerie.

"I'm starting to hate you Ma. " bulong nya.

Napatiim bagang si Harriet.

Hindi dapat nya maramdaman ang poot sa ina.

Ngunit sa sunod sunod na kasalanan nito sa kanyang pamilya, parang nais na nyang isipin na hindi anak kundi ari arian ang turing nito sa kanya.

Para sa negosyo at pansariling interes, gagawin ng ina ang lahat makuha lamang ang gusto.

Sinandal ni Harriet ang likod sa sofa.

Marahan nyang pinasadahan ng hilot ang sentido dahil nagsisimula na naman itong kumirot.

Napakaraming ideya ang pumapasok sa kanyang utak.

Lahat ay negatibo at kontra sa kaligayahan ng mga miyembro ng kanyang pamilya.

At ito ay kagagawan lamang ng iisang tao.

Ang kanyang ina.

Si Doña Constance Salvatorre.

ITUTULOY !!!