Ika Dawalampu't Dalawang Pahina

Pulang pula ang mga pisngi ni Valerie habang bumababa ng hagdan.

Halos talunin na nya ang bawat baitang marating lamang ang ground floor.

Ramdam nya ang pagtitinginan ng mga kapwa estudyante.

Pati ang bulung bulungan ng mga ito.

Pero tiniis ni Valerie ang lahat at nagmamadaling nilapitan si Caleb.

"Ano bang problema mo ? " gigil na tanong nya.

Napangisi ang binata.

"Problema ? Wala no, ikaw ang may problema ngayon. " sambit nya.

Nag init ang mga pisngi ni Valerie dahil sa nanunuot na titig ni Caleb.

Di sya nakatiis kaya pasimple syang nagbaling ng tingin.

Pero napanganga ang dalaga ng makitang maraming estudyante ang nakapalibot sa kanila.

"H-hala. Anong meron ? " tanong nya.

Umugong ang bulungan.

"Yan ba si Valerie ? Ang gwapo naman nung lalake. " sabi ng isang babae.

"Oo nga eh, di sila bagay. " sambit pa ng isa.

Napakagat labi si Valerie at muling hinarap ang binata.

"T-tara na. " bulong nya.

Pero nagulat sya ng biglang akbayan ni Caleb.

"Sure, san mo gustong mag lunch ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie at napatingin sa kamay ng binata na nasa kanyang balikat.

Nais nyang alisin ito ngunit napatingin sya sa taong nakatingin sa kanila.

"C-caleb. " tanging nasabi nya.

"Sshh. Just act normal kase. Si Kakay ? " tanong ni Caleb.

Parang kabuteng biglang sumulpot si Cheska sa harap nila.

"San kayo pupunta ? " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Para kang mushroom ah. Sama ka ? " tanong nya.

Ngumisi si Cheska at sinulyapan ang kamay ni Caleb.

"Hindi na lang siguro. Uuwi na ako. Mag enjoy na lang kayo. " sagot nya.

Ngumiti si Caleb.

"Thank you Kakay. Uhm we have to go na. " sabi nya.

Tumango tango si Cheska.

"Oh sure. Hoy Caleb, wag kayong liliko ah. " biro nya.

Kumunot ang noo ng binata.

"Anong liliko ? " tanong nya.

Pero agad na sumingit si Valerie.

"Wala, nagbibiro lang yan. Tara na at nagiging celebrity na tayo dito. " singit nya.

Natawa na lang si Cheska ng pandilatan ng kaibigan.

Naglakad sila patungo sa gate pero di pa sila nakakalayo ng makarinig ng pagtawag sa pangalan ni Valerie.

"Val ! Wait !" boses ng lalake.

Napalingon ang tatlo at nakita nila si Yohan na patakbong lumalapit sa kanila.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Oh Yohan. " untag nya.

Hingal na napatingin si Yohan sa dalaga.

"San ka pupunta ? " tanong nya.

"Baket ? " balik tanong ni Valerie.

"Di ka pwedeng umalis, may practice pa tayo. " wika ni Yohan.

Natigilan si Valerie ng maalala ang nakatakdang ensayo para sa play.

Napatingin sya kay Caleb.

"C-caleb. " sabi nya.

Ngumiti ang binata.

"It's okay. Oo nga pala may play nga pala kayo. Uhm pare, is it okay kung mag lunch lang kami ? " tanong nya.

Walang emosyong tumango si Yohan.

"Sige. Pero kailangan nyong makabalik bago mag 1pm. Ikaw rin Cheska, baka umuwi ka rin ? " litanya nya.

Napasimangot si Cheska.

"Baket di ba ko pwedeng kumain ? " taray nya.

Napaatras si Yohan.

"Pwede naman. Pinapaalala ko lang na di pa kayo pwedeng umuwi. " sabi nya.

"Di na kami bata no. " sagot ni Cheska.

Napailing si Yohan.

"Sinasabi ko lang. Sige balik na ko. Kitakits na lang ulit sa room. " sabi nya at naglakad pabalik.

Asar na binelatan ni Cheska ang binata.

"Napakabadtrip nyang crush mo Bebang ! " sambit nya.

Natigilan si Caleb at napatingin sa dalaga.

"Crush mo sya ? " tanong nya.

Maging si Valeriea ay natigilan sa narinig.

"H-ha ? " wala syang maisip na sabihin.

Tila nakahalata naman si Cheska kaya mabilis nyang tinama ang sinabi.

"Syempre, masipag kasing mag aral si Yohan. Consistent top student tapos president pa ng student council. San ka pa ? Kahit naman ako crush ko sya dati. " palusot nya.

Ngumiti ng kimi si Caleb at kakaakbay sa dalaga.

"Tara. Kain na tayo. Sama ka na rin Kakay. " aya nya sabay naglakad palayo.

Nagkatinginan na lang ang magkaibigan.

..

Sa pinakamalapit na fast food nagtungo ang tatlo.

Si Caleb ang pumila para sa kanila habang ang dalawang dalaga ang naghanap ng pwesto.

Ilang saglit lang ay buhat na ng binata ang isang tray kasunod ang isang crew na may hawak ding isa pang tray.

"Sorry for the wait. " nakangiting sambit nya.

Isa isang hinanda ni Caleb ang mga pagkain.

Matapos nito ay umupo sya sa tabi ni Cheska.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

Nainggit sya dahil ito ang katabi ng binata pero wala naman syang magawa.

"Salamat dito Caleb. " tanging nasabi nya.

Ngumiti si Caleb.

"Oh wala yan. Pasasalamt ko yan sa pagsama sama nyo sa akin sa pagbabantay kay Dad. " sagot nya.

"Uy kamusta na nga pala si Tyang ? " tanong ni Cheska.

Muling napangiti si Caleb.

"She's fine. Really fine. " sagot nya.

"Eh yung Daddy mo ? " tanong naman ni Valerie.

Lalong napangiti si Caleb.

"Well. Yan nga sana ang pinunta ko dito. Gusto kong personal nyong makita ang pagbabago kay Dad. " sagot nya.

Tila nacurious naman ang dalawa.

"May changes na ? " sabik na tanong ni Valerie.

Tumango tango si Caleb.

"Uhm, di naman ganun kalaki ang changes. Gumalaw lang naman sya. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ng magkaibigan.

"WOW ! " bulalas ni Cheska.

Di napigilan ni Valerie ang pangiliran ng luha.

Nahihiyang yumuko sya para pahirin ang mga ito pero natigilan sya ng abutan ng binata ng panyo.

"Here. " nakangiting sabi ni Caleb.

Napangiti ng kimi si Valerie at marahang pinunasan ang luha.

"T-thank you. " sagot nya.

"Ako ang dapat magpasalamat sa inyo. Hindi tayo magkaanu ano hindi kayo nangiming sumama at magbantay. " pasasalamat ng binata.

Ngumiti si Cheska.

"Para kang others Caleb. We're friends di ba ? " paalala nya.

Ngumiti rin si Caleb.

"Yeah, we're friends. Thank you pa rin. " sabi nya.

"Wala yon. Ganun talaga ang ginagawa ng magkakaibigan. " sambit ni Valerie.

Napatingin si Caleb sa dalaga.

"Salamat talaga. Pero duda akong si Kakay na lang ang magiging friend ko sa pagdating ng mga araw. " sabi nya.

Napanganga si Valerie.

"A-anong ibig mong sabihin ? A-ayaw mo kong maging kaibigan ? " tanong nya.

Natawa ng malakas si Cheska.

"Hayyy, pasensya ka na Caleb. Bopols yan eh. " sagot nya.

Napangiti lang si Caleb.

Napasimangot si Valerie at kinurot ang braso ng kaibigan.

"Magsama kayong dalawa. Ang bad nyo ! " taray nya.

Nagtawanan lang ang dalawa at tinuloy na ang pagkain.

Matapos kumain ay saglit munang nagkwentuhan ang tatlo.

Naalala ni Valerie na dapat ay magda-date sila ng binata pero mukhang mapupurnada ito dahil sa hindi pa sya maaaring umalis.

Nais sana nyang sabihin na sa ibang araw na lang i-set ang date pero nahihiya syang buksan ang paksang iyon.

Ngunit tila talagang malakas ang radar ni Cheska.

Binalingan nito si Caleb.

"Ay Caleb, paano yan may practice pa kami ? " tanong nya.

"Oh ano naman ? " tanong din ng binata.

"Eh kala ko may Date kayo ni Bebang ? " paalala nya.

Napayuko si Valerie.

Pero tinalasan nya ang pandinig at inabangan ang isasagot ng binata.

Ngumiti lang si Caleb.

"Well, wala na kong magagawa about dyan. Studies first dapat. " sabi nya.

"So di na tuloy yung date nyo ? " nanghihinayang na tanong ni Cheska.

Kinalikot ni Valerie ang iniinom na softdrinks.

Pero ang dalawang tenga nya ay nananatiling nakaabang sa mga sasabihin ng binata.

Napahinga ng malalim si Caleb.

Pasimple nyang pinagmasdan si Valerie.

Pagkatapos ay malungkot na ngumiti.

"Di na nga siguro. " sagot nya.

Natulala si Valerie.

Bagama't walang relasyong namamagitan sa kanila ng binata, tila nais nyang maiyak sa mga oras na iyon.

Maging si Cheska ay nadismaya sa sinagot ng binata.

"Ganun na lang ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Anong ganun na lang ? " balik tanong nya.

"Porke may gagawin kami, di na kayo magda-date ? " asar na tanong ni Cheska.

Natawa si Caleb.

"Eh may gagawin nga kayo di ba? " tanong din nya.

"Ah ewan ko sayo. " inis na sagot ni Cheska.

"Oh bakit ka nagagalit ? " tanong ni Caleb.

"Para yun lang sumuko ka na agad ? " ganting tanong ni Cheska.

Hinawakan ni Valerie ang kamay ng kaibigan para patigilin ito.

Pero di nagpaawat si Cheska.

"Wala ka pala eh. " pang aasar nya.

Napangiti lang si Caleb at dumampot ng fries.

"Anong magagawa ko, maraming gagawin si Bebang ngayon. May ibang araw pa. " sabi nya.

"Ibang araw. T-teka. Ano kamo ? " tanong ni Cheska.

Maging si Valerie ay natigilan sa narinig.

Muling dumampot si Caleb ng isang fries at nilapit sa bibig ng dalaga.

Gulat na napanganga si Valerie.

Wala sa sariling kinain ang sinusubo ng binata.

Napakagat labi si Cheska sa kilig ng mapagtanto ang sinabi ni Caleb.

"You mean, sa ibang araw na lang kayo magde-date ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Yeah. Sabi ko nga sa'yo, ayaw kong nasisira ang studies ng baby ko. Kaya weekends na lang kami magde-date. Okay lang naman sayo yon di ba baby ? " malambing na tanong nya.

Si Cheska naman ang napanganga at napatingin sa kaibigan.

Yumuko si Valerie para itago ang pamumula ng mga pisngi.

Pero di nya kayang pigilan ang pagngiti.

"T-teka. Sinong baby ? " tanong nya.

Napangiti ng maluwang si Caleb at nginuso si Valerie.

Biglang napatili si Cheska.

"Aaaaaaayyeeeeeeeee. " tili nya.

Tarantang tinakpan ni Valerie ang bibig ng kaibigan.

"Baliw ! Wag ka dito mageskandalo ! " gigil na saway nya.

Natawa ng malakas si Cheska at pinagtuturo ang dalawa.

"Kayo. Kayong dalawa ay may lihim na hindi sinasabi. Hmm. Hoy Bebang, sinagot mo na ba to ? Kala ko ba friends pa lang kayo ? Ang daya nyo ! " sumbat nya.

Pulang pula nag pisngi ni Valerie.

"Kapag di ka tumigil, sasabunutan kita ! " banta nya.

Natawa lang si Caleb at muling sinubuan ng fries ang dalaga.

"Wag ka ng kumontra baby. Sanayin na natin si Kakay. " sabi nya.

Lalong namilipit sa kilig si Cheska.

"Aayyeeeee, shet parang gusto kong maglupasay ! " biro nya.

Pinandilatan ni Valerie ang binata.

"Tumigil ka nga ! Kita mo pinagtitinginan na tayo ! " giit nya.

Napangiti lang si Caleb sabay kindat.

"I don't care. " bulong nya.

Muling tumili si Cheska dahilan para lapitan sila ng gwardya at patahimikin.

..

Tulad ng napag usapan, matapos kumain ng tanghalian ay muling bumalik sa eskwelahan ang tatlo.

Nagpasya si Caleb na sumama at manuod na lalong ikinakilig ng dalawa.

Pero natigilan si Valerie ng maalala na baka maturn off ang binata sa pangit nyang pag arte.

Kaya hinarap nya ito at tinitigan.

"H-hindi ka ba hinahanap sa ospital ? " tanong nya.

Napaisip si Caleb.

"Oo nga no. Dapat mamayang hapon nandun na ko. " sagot nya.

"S-sige. Uwi ka na. " taboy ni Valerie.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Baket pinapauwi mo na ko ? Ayaw mo na ba kong makasama ? " tanong nya.

Kagat labing umiling si Valerie.

"B-baka hinahanap ka na kase. " palusot nya.

Sumingit si Cheska.

"Uwi ka na daw, baka makita mo kung gaano sya kapangit umarte. " pang aasar nya.

Napasimangot si Valerie at tinapunan ng masamang tingin ang kaibigan.

"Papansin. " sambit nya.

Tatawa tawang lumayo si Cheska.

Ngumiti naman si Caleb.

"Yun ba ang dahilan ? Don't worry. Pangit din naman akong umarte. Parehas lang tayo. " sabi nya.

Napanguso lang ang dalaga.

"W-wag mo kong pagtatawanan ha ? " bulong nya.

Tumango si Caleb.

"Promise. " ganting bulong nya.

Unti unting napangiti si Valerie.

"S-sige. " pagpayag nya.

Nagkatitigan silang dalawa at parehong napangiti.

..

Naupo si Caleb sa pinakasulok ng classroom at pinagmasdan ang paghahanda ng mga kaklase para sa gaganaping ensayo.

Di nya inaalis ang tingin kay Yohan.

Ng marinig ang sinabi ni Cheska na dati pala itong crush ni Valerie, parang bigla syang nakaramdam ng di maipaliwanag na inis sa binata.

Bawat pagkilos nito at simpleng pagkausap sa dalaga ay binibigyan nya ng malisya.

Di nya maintindihan ang sarili.

Hindi naman sya ganito.

Walang ginawang masama sa kanya si Yohan pero ang turing nya dito ay isang kaaway.

Di rin nya mapigilang ipagkumpara ang sarili sa binata.

Gwapo si Yohan.

Halos singtangkad din nya ito.

"Mas pogi ako sayo. " wala sa loob na bulong nya.

Napahinga ng malalim si Caleb.

Pinilig nya ang ulo at pilit winaksi ang masamang pag iisip tungkol sa binata.

Biglang nagring ang kanyang cellphone.

Dali dali nyang kinuha ito mula sa bulsa at napangiti ng makita ang numero ng kapatid.

Nagpasya syang lumabas ng classroom dahil sa ingay.

"Kuling ! " biro nya.

"Tse ! Kuyaaaa, bakit ang tagal nyo ? Sabi mo dadalhin mo si Val dito ? Gusto na syang makilala ni Mommy ! " sunod sunod na sambit ng dalaga.

Napangiti lalo si Caleb.

"Baka mamaya pa kami makapunta dyan. May play ang section namin at si Val ang bida. They have to practice pa Honey. " sagot nya.

"Aaaawwwww. What time kayo makakapunta ? " tanong ni Coleen.

Napatingin si Caleb sa relos.

"I don't know. Maybe 4 or 5. Depende daw yung practice sa mood ng leader eh. " maasim na sagot nya sabay tingin kay Yohan ng masama.

"Ganun ba ? Ay kuya, may good news kami. " excited na iniba ni Coleen ang usapan.

Nacurious naman si Caleb.

"What's that ? " tanong nya.

"Si Dad ! Nagising na talaga sya ! Nakausap na rin namin sya ! " sigaw ng dalaga.

Natulala si Caleb.

Bagama't nanghihinayang sya dahil wala sya sa tabi ng ama ng eksaktong magising ito, hindi pa rin ito nakabawas sa sayang mabilis na pumuno sa kanyang puso.

"T-thank God. Thank you po. " usal nya.

"Yeah ! Sabi ni Mom, baka hanggang tomorrow na lang daw dito si Dad. Baka bukas ay iuwi na sya sa house at dun na lang sya magpapagaling. " dagdag ni Coleen.

Nangilid ang mga luha sa mata ni Caleb.

"R-really ? C-can I talk to Mom ? " pakiusap nya.

"Oh wait. Mom si kuya. " sambit ni Coleen.

Ilang saglit lang ay naiiyak na nagsalita si Harriet.

"Anak. " tawag nya.

"Mommy. Kamusta po si Dad ? " tanong ni Caleb.

"Super okay na ang Daddy mo iho. Nagulat sya ng makita nya ko pero he's so fine right now. Kausap sya ng mga doktor. They're checking his vitals. Kanina ka pa nya hinahanap." naiiyak na sagot ng ina.

Napangiti si Caleb at tumingala.

"Thank you po. Thank you po sa biyaya Panginoon. Mamaya po darating kami. " taos pusong pasasalamat nya.

"Thanks talaga sa Diyos anak. Binigyan nya pa tayo ng isang pagkakataon na makasama ang Daddy nyo. Di natin ito sasayangin. " sambit ni Harriet.

Tumango tango si Caleb.

"Yes Mom. Dapat po ata tayong magpamisa. " suhestyon nya.

"Naisip ko nga rin yan anak. Siguro bukas kapag nakauwi na ang Dad mo. Kailangan mo munang umuwi ngayon iho sa bahay. Okay lang ba ? You need to prepare our room. " excited na utos ni Harriet.

Ngumiti ng maluwang si Caleb.

"No problem Mom. How bout Coleen ? " tanong nya.

Natawa ng mahina ang ina.

"Ayun, nasa tabi ng Daddy mo. Sya ang sumasagot sa mga doktor kahit na wala syang kaalam alam. Kala mo talaga sya yung pasyente eh. " natatawang kwento nya.

Natawa din si Caleb.

"That's Coleen for sure. We all know kung gaano sya ka Daddy's girl. " sabi nya.

Maging si Harriet ay natawa.

"Yeah. At may sinasabi nga itong kapatid mo eh. " sambit ng ina.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Ano naman daw po ? " tanong nya.

"Kinwento nya kung gaano kabait ang tutor nya. At kung gaano ito nakaapekto sa pag-aaral ng kapatid mo. She's even asking me na kung pwede daw bang mag enroll dyan mismo sa school kung saan ka naka enroll. Hmm. Napakalaki ng ipinagbago ng kapatid mo anak ko. " kwento ni Harriet.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

"Well. What can I say ? " tanging nasabi nya.

"Anak. Do me a favor. " sambit ng ina.

"Sure Mommy. Anything for you. " sagot ni Caleb.

"I want Valerie here. Right now. " madiing utos ng ina.

Natulala si Caleb.

Pero unti unting pumorma ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Sure. " sagot ng binata.

ITUTULOY !!!