Ika labin-limang Pahina

"K-kuya ? " gulat na tanong ni Coleen.

Walang nakapagsalita.

Maging sina Valerie at Cheska ay natulalasa eksena.

Samantalang si Aling Vicky naman ay nagtatakang nagpalipat lipat ang tingin sa bisita at sa binatang bagong dating.

"Anyare ? Ay oo nga pala, magkapatid nga pala kayo ano ? " tanong nya.

Napalunok ng sunod sunod si Valerie at nahihiyang napatingin kay Coleen.

"C-coleen. " untag nya.

Di makapaniwalang napasulyap din ang dalaga sa kanya.

"V-val ? A-anong ibig sabihin nito ? " tanong nya.

Napangiwi si Valerie.

"A-ah, e-eh. " tanging nasabi nya.

Bumungisngis si Ria.

"Ay alam ko kasunod nyan ate. I - O - U ! " bibong sambit nya.

Natulala ang lahat at napatingin sa bata.

Natakot si Ria ng bumaling ang lahat ng atensyon sa kanya.

"B-bakit ? M-mali po ba ? " takot nyang tanong.

Napailing si Caleb at tumawa ng marahan.

Sinikap nyang pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng paghaplos sa ulo ng bata.

"No, hindi ka mali. Tama yung sinabi mo. Nagulat lang sila kasi di nila alam yung susunod. Tapos ikaw lang ang nakasagot. " pang uuto nya.

Nagliwanag ang mga mata ng bata.

"Weeee ? Ay ang bobo nila. Tinuro yun ni teacher eh. A-E-I-O-U. " inulit nya pa.

Napangiti lang ang binata at binaba si Ria.

"Galing galing mo talaga Ria. Sige dun ka muna. " sabi nya.

"Okay kuya. Ate Val, yung laway mo po tutulo na. " turo ng bata.

Mabilis na sinara ni Valerie ang bibig at pasimpleng pinunasan ang mga labi.

Pagkatapos ay pinandilatan si Caleb na pinipigil ang sarili sa pagtawa dahil sa sinabi ng kapatid.

Hinarap nya si Coleen na hanggang sa mga oras na ito ay bakas pa rin ang gulat sa mukha.

"Coleen. Are you okay ? " tanong nya.

Unti unting naningkit ang mga mata ng dalaga.

"Okay ? All this time, nagsisinungaling ka pala sakin. Sa lahat, bakit ikaw pa ? I thought I can trust you ! " sumbat nya.

Napaatras si Valerie.

Napayuko at hiyang hiya sa nangyari.

Nais nyang pangatwiranan ang kanyang panig ngunit wala syang salitang maapuhap.

..

Tila nakaramdam ng di maganda si Aling Vicky kaya dahan dahan syang tumayo.

"M-maghahanda lang ako ng makakakain. Kakay, samahan mo nga ako. " tawag nya.

Mabilis na tumayo si Cheska.

"Goodluck. " bulong nya sa kaibigan at sumunod na kay Aling Vicky patungo sa kusina.

Naiwan ang tatlo sa maliit na salas.

Nanatili si Caleb sa pinto habang magkatabing nakaupo sa kahoy na sofa sina Valerie at Coleen.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng tatlo.

Palipat lipat ang tingin ni Coleen sa dalawa.

"Now what ? Ikaw kuya ? I can barely sleep at night thinking where you might be, or what you're doing. K-kung kumakain ka ba ng tama, o nakakatulog ka ba ng maayos. But it looks like I'm worrying for nothing. At ikaw Val ? I shared my sentiments to you. A-akala ko tutulungan mo kong hanapin si kuya. Pero mukhang nuon mo pa pala pinagtatawanan ang mga drama ko. " sumbat nya.

Napaangat ang tingin ni Valerie sa dalaga.

"No Coleen, it's not true. H-hindi ko lang talaga kayang sabihin sayo ang lahat. " sabi nya.

"At bakit hindi ! Nagmukha akong tanga ! Ginawa nyo kong tanga ! " sigaw ni Coleen.

Lumapit si Caleb sa kapatid at hinawakan ito sa balikat.

"Honey. Please, be calm. " bulong nya.

Tumawa ng sarkastiko si Coleen at tinabig ang kamay ng kuya.

"Calm ? You want me to be calm ? And what ? Forget everything ? Ha kuya ? Ganun ba ? Ganun ba ang gusto mong gawin ko ? Ang kalimutan ang ginawa nyong dalawa sa akin ? Oh no kuya, that''s hard. " naiiyak na sabi nya.

Mahigpit na niyakap ni Caleb ang kapatid.

"Ssshh, honey. I'm sorry. It's all my fault. Don't blame Val for this. Ako ang nagsabi sa kanyang wag sabihin sayo ang lahat. " paliwanag nya.

Pinilit ni Coleen ang kumalas ngunit mahigpit ang pagkakayakap ng binata.

Kaya wala syang nagawa kundi ibuhos na lamang ang sama ng loob sa balikat nito.

Tulad ng dati.

Kapag may umaaway sa kanya, laging ang kuya Caleb nya ang kanyang takbuhan.

Kapag may masakit, sa kuya sya umaaray.

Kapag malungkot, si kuya ang nagpapasaya sa kanya.

Ngunit iba ang dahilan sa pagkakataong ito, dahil ang kuya nya mismo ang dahilan ng kanyang pagtangis.

..

Napansin ni Valerie na kalabisan na sya sa eksena.

Kaya dahan dahan syang umalis at tinungo ang ina sa salas.

Naabutan nya ang dalawang nakikinig sa drama sa labas.

"Hoy ! " panggugulat nya.

Tarantang nag ayos ang dalawa.

"K-kakay, yung juice ayos na ba ? " tanong ni Aling Vicky.

"A-aling juice Tyang ? Wala kayong juice ! " sumbat ni Cheska.

Napangiwi si Aling Vicky.

"W-wala ba ? T-tubig. Tubig dalian mo ! Dyan sa ref kumuha ka. " utos nya.

Hinawakan ni Valerie ang balikat ng ina.

"Nay, wala tayong ref. " sabi nya.

Natulala si Aling Vicky.

"O-oo nga. Hala magmadali ka nga at bumili ka sa tindahan ng maiinom. Naku naman. Natataranta ako. " sabi nya.

Nagkatinginan na lang ang magkaibigan at napailing.

..

Lumipas ang kalahating oras, pasimpleng sinilip ni Valerie ang magkapatid sa salas.

Nakita nyang magkayakap ang mga ito at mukhang umiiyak pa rin si Coleen.

Kinalabit ni Cheska ang kaibigan.

"Bebs, sa tingin mo, nasabi na ni Caleb yung sitwasyon ng tatay nila ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Malay ko. Magkasama tayo gaga. " sabi nya.

Nakisilip din si Cheska.

"Pero infairness, akala ko talaga mataray at matapobre si Coleen. Nagulat talaga ako kanina nung tawagin mo ko sa bahay. Magkasama kayo. " sabi nya.

"Sabi ko naman sayo, spoiled lang si Coleen. Pero mabait sya. Tulad ng kapatid nya. " pagtatanggol ni Valerie.

Napangisi si Cheska.

"Asus, wala namang masamang ugali si Caleb kapag ikaw ang tatanungin. Kahit ata mamaril na yan sa labas, sasabihin mong self defense lang ang nangyari. " tukso nya.

Napasimangot si Valerie at kinurot ang kaibigan.

"Shadap ! " sabi nya.

Bumungisngis lang si Cheska.

"Tara, mukhang okay na sila. Siguradong gutom na yan. " aya nya.

Tumango si Valerie at hinamig ang sarili.

Huminga muna sya ng malalim bago lakas loob na lumapit sa magkapatid.

"K-kain na tayo. " aya nya.

Napatingin si Coleen sa dalaga.

"Val. " tawag nya.

Ngumiti si Valerie.

"It's okay Coleen. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Sumunod lang ako sa utos ng kuya mo. Pasensya ka na talaga kung wala akong magawa ha ? Naisip ko rin kasi na hindi ako dapat manghimasok sa issue ng pamilya nyo. Baka masabihan pa ako ng makapal ang mukha. Ayaw ko naman ng ganon. Kaya kahit gustong gusto ko ng ituro yang ungas mong kapatid sayo, wala akong magawa. " litanya nya.

Biglang bumungisngis si Coleen.

"Pagamit ng CR. Dami mong sinasabi . " biro nya.

Napanganga si Valerie.

"Ay akala ko magso-sorry ka. " nahihiyang sabi nya.

Natawa si Coleen at tumayo.

Pagkatapos ay mahigpit na niyakap ang dalaga.

"Yeah, sorry sa mga sinabi ko. Nadala lang ako kasi ayaw ko ng ideyang lolokohin mo ko. " bulong nya.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

"Di ko naman talaga ginusto yon. Pero naisip kong mas makakabuti na rin kung ang kuya mo na ang magsabi ng lahat. Ayaw kong sabihan mo ng nakikialam eh. " sabi nya.

Umiling si Coleen.

"Wee wee na ko. " sabi nya.

Natawa si Valerie at inakay ang dalaga patungo sa banyo.

..

Nakangiting pinagmasdan ni Caleb ang dalawa.

Lumapit si Cheska at siniko ang binata.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo ? " tanong nya.

Lalong lumawak ang ngiti ni Caleb.

"Well. Masarap palang pagmasdan. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Ang alin ? Yung pwet ni Val ? " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Hindi no, pero dahil sa nasabi mo na, hmm. Maganda nga ang pwet ni Val. " ganting biro nya.

Nagtawanan ang dalawa.

"Ano nga kasi ? " tanong ni Cheska.

Napangiti si Caleb at dinampot ang mga dalang pagkain.

"Masarap pala sa pakiramdam kapag magkasundo ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay mo. " kumindat pa sya sabay naglakad papasok sa kusina.

Naiwan si Cheska na tulala at di agad na kapagsalita.

..

Habang nasa hapunan, kinausap ni Caleb ang kapatid sa isang tabi.

"Sis, yung bibig mo ha ? " banta nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Oh baket ? " tanong nya.

"Baka kasi maghanap ka ng mga sosyal na pagkain dito. Matuto kang magpasalamat. " sagot ng binata.

Napasimangot si Coleen.

"Ano namang tingin mo saken kuya ? Matapobre ? Heller ! " taray nya.

Napangiti si Caleb.

"Pinaunahan lang kita. Baka sabihin nila maarte tayo. " sabi nya.

"Ikaw kaya ang maarte, aysus. Val oh, si kuya. " sumbong ng dalaga.

Napatingin si Valerie sa magkapatid.

"Baket ? " tanong nya.

"Sabi ni kuya, ang ganda mo daw this day. " pagsisinungaling ni Coleen.

Natigilan si Valerie.

Mabilis syang tumalikod para itago ang pamumula ng mga pisngi.

Pero pinandilatan nya si Cheska na nagpipigl lang sa pagtawa.

"Oh Bebang, asikasuhin mong mga bisita mo. " utos ni Aling Vicky.

"Kayo po Nay ? " tanong ni Caleb.

Napangiti ang babae.

"Naku kanina pa kami tapos iho. Maaga talaga kaming kumakain at may byahe pa bukas ang Tatay nyo. " sabi nya.

Tumango tango si Caleb.

"Ah ganun ho ba ? Sige po. Salamat po. " wika nya.

"Sige kayo na ang bahala dito. Ako'y matutulog na at kanina pa gustong pumikit ng mga mata ko. Hoy Ria matulog ka na, hindi porke linggo bukas eh magpupuyat ka na rin. " sabi ni Aling Vicky.

Sumimangot ang bata.

"Nanay nuod pa ko. " ungot nya.

"Anong nood ? Aba't alas otso na oh !. " turo ng ina.

Agad na nagpasaklolo si Ria kay Caleb.

"Kuya, nuod pa tayo. " sabi nya.

Napangiti na lang ang binata.

"Ria, makinig ka sa nanay mo. Para mabilis kang lumaki. " katwiran nya.

Napasimangot ang bata at kumapit na sa ina.

"Dyan na kayo. Coleen iha, wag kang mahihiya. " sabi ni Aling Vicky.

Agad na ngumiti ang dalaga.

"Naku salamat po. " sagot nya.

Ngumiti lang si Aling Vicky at pagkatapos ay kinarga na ang bunsong anak.

Nagpapaawa pa si Ria na tumingin sa mga nasa kusina bago tuluyang pumasok sa kwarto.

..

"Kain ng kain Coleen. " nakangiting sabi ni Valerie.

Nag thumbs up si Coleen.

"Ang sarap, ano nga tawag dito ? " tanong nya.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

"Patsam. " sagot ng dalawa.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Patsam ? Parang ngayon ko lang narinig yon ah. " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Patsam means patsamba tsamba. Wag kang maniwala sa dalawang yan. Pinakbet yan. Puro fine dining kasi ang alam mo. " pang aasar ng binata.

Inirapan lang ni Coleen ang kapatid at muling sumubo.

"Grabe, masisira ang diet ko. " sabi nya.

"Anong diet diet ? Di uso yan dito. " natatawang sagot ni Valerie.

"Kahit di ka na magdiet, sexy ka pa rin Val. " puri ni Caleb.

Natigilan ang dalaga.

Agad nyang sinulyapan ang kaibigan.

"Wag kang magsasalita. " banta nya.

Natawa si Cheska.

"Hoy ! wag kang paranoid. Kumakain ako eh. " sabi nya.

Napasimangot si Valerie at pinandilatan si Coleen.

"Isa ka pa. Ang hirap ng ganito, dalawa na kayong nang aasar. " reklamo nya.

Napangiti si Caleb.

"Wala naman kasing nang aasar sayo eh. " sabi nya.

"Shadap " sawata ni Valerie.

Nagtawanan sila.

Nakangiting inabot ni Caleb ang pitsel at nilagyan ang baso ng kapatid.

"Mahiya ka naman. " biro nya.

"Sarap eh. Saka sabi ni Val wag daw akong mahiya. " sagot ni Coleen.

Natawa si Valerie.

"Tama. Sige kain ng kain hangga't may kakainin. " aya nya.

Pero biglang natigilan si Coleen.

"Val, sino si Bebang ? ' tanong nya.

Nasamid si Valerie sa narinig.

Agad nyang winarningan ang dalawa na walang magsasalita.

Pero huli na ang lahat, nag duet pa ang dalawa sa pagsagot.

"Sya !. " sabay na sabi nina Caleb at Cheska with matching turo pa sa kanya.

Natahimik si Coleen at pasimpleng pinunasan ang bibig.

"So, ikaw si Bebang ? Nickname mo yon. " tanong nya.

Marahang tumango si Valerie.

Pinigil ni Coleen ang sarili.

"P-pengeng tubig kuya. " ungot nya.

Mabilis na kumilos si Caleb.

Kilala nya ang kapatid, kaya agad syang sumunod.

Agad namang uminom si Coleen.

Nakailang lagok sya ng tubig bago ito binaba sa mesa.

Pagkatapos ay muling tinitigan si Valerie.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ! Dami kong tawa, mga 7 ay 8 na. HAHAHAHAHAHA " bumunghalit ng tawa ang dalaga.

Napasimangot si Valerie.

"Sige tawa, mabulunan ka sana. " sabi nya.

Tinakpan ni Coleen ang bibig pero muli lang syang natawa.

Marahas na napatingin si Valerie sa dalawang nag kanulo sa kanya.

"Hoy Coleen, etong si Cheska, alam mo bang nickname nito ? " pandadamay nya.

Napanganga si Cheska at maagap na tinakpan ang bibig ni Valerie.

Pero si Caleb ang nagsalita.

"Her nickname is Kakay. " singit nya.

Natigilan ulit si Coleen.

"Kuya tubig. " ungot nya.

Pero inagaw ni Cheska ang pitsel.

"Wala na, ubos na. " sabi nya.

Ngunit hindi nito napigilan ang pagtawa ng dalaga.

"HAHAHAHAHAH, dami ko ring tawa. Mga 8 din. HAHAHAHAHAHA " sabi ni Coleen.

Napasimangot si Cheska.

"Daldal mo naman. " paninisi nya kay Caleb.

Natawa lang ang binata.

Ilang saglit bago humupa ang tawanan, hinihimas ni Coleen ang tyan sabay tingin sa kapatid.

Napangisi.

"Etong si kuya, alam nyo ba na nickname nya lang ang Caleb ? " siwalat nya.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb.

"Nicoleen ! " banta nya.

Nacurious ang dalawa.

"So nickname lang pala ang Caleb ? " tanong ni Valerie.

Tumango si Coleen.

"Yup, like me. Nicoleen ang wholename ko. It's a greek name which means, victory. " imporma nya.

Napatango tango ang dalawa.

"Eh yang kuya mo ? " tanong ni Cheska.

"Coleen, you better shut your mouth. " banta ni Caleb.

"Bakit ba ? Ang epal mo ha. " singit ni Valerie.

Napangisi si Coleen.

"Kuya, it's not fair. Bakit ka ba natatakot ? " tanong nya.

Napayuko si Caleb.

"Bahala ka sa buhay mo. Dalawin ka sana ni Lolo. " sabi nya.

Bumungisngis si Coleen.

"I don't care. Gusto ko nga yon para maisumbong kita eh. " ganti nya.

Hinarap ni Valerie ang dalaga.

"Anong fullname ng kuya mo ? " tanong nya.

Lumawak ang ngisi ni Coleen.

"It's Calebrador. Sinunod yung name nya sa name ni Lolo Ador. Yung Daddy ni Daddy " sagot nya.

Napanganga sina Valerie at Cheska.

"C-calebrador ? R-really ? " tanong ni Val.

"P-parang karburador. " dagdag ni Cheska.

Nagkatinginan sila at di na nagpigil pa.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAAHA " malakas na tawa ni Valerie.

Si Cheska ay napahawak sa panga.

"HAHAHAHAHAHAHA. " bulalas nya.

Tinakpan ni Caleb ang tenga.

"Diyos ko, konti na lang po iiyak na ako. " drama nya.

Napalabas si Ria mula sa silid.

"Ate yung tawa mo daw mahadera. " sabi ng bata.

Pero wala pa ring epekto ito sa dalaga, patuloy pa rin silang tumatawa.

..

Natapos ang masayang hapunan na nauwi lang sa matinding tawanan.

Sama sama silang naglinis at pagkatapos ay nagpahangin sa tapat ng bahay nina Valerie.

Huminga ng malalim si Coleen.

"Ang sarap pala dito sa inyo. Mahangin. " puri nya.

Napangiti ang dalawa.

"Kala mo lang masarap dito, kadalasan puro gulo. Pero masasanay ka rin. " sagot ni Cheska.

Napangiti si Valerie.

"Tama, sanayan lang naman yan eh. Kami nga ang naiinggit sayo. Kahit anong gusto mo, nakukuha mo. " sabi nya.

Malungkot na ngumiti si Coleen.

"Yan ang akala nyo. Kung ako ang papipiliin, yung buong pamilya o kayamanan. Di na ako magdadalawang isip pa, duon ako sa buo at masayang pamilya. " wika nya.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

"Siguro nga wala talagang perpektong bagay sa mundo. Dapat na lang nating tanggapin at ipagpasalamat na wala tayong sakit o kapansanan. " sabi ni Val.

Napangiti si Cheska sabay tayo.

"Bebs, uwi muna ako. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"Sige. " sagot nya.

"Ay uwi ka na ? " tanong ni Coleen.

Tumango si Cheska.

"Oo, bukas na lang ulit. Sama ako kay Val sa ospital. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Agad nyang pinandilatan ang kaibigan.

Maging si Cheska ay nabigla sa sinabi.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Ospital ? Anong gagawin mo don ? Sinong pupuntahan nyo ? " tanong nya.

Eksaktong lumabas si Caleb mula sa loob.

"Oy Coleen, gabi na. Di pa ba tayo uuwi ? " tanong nya.

Napatingin si Coleen sa kapatid.

"Kuya, may dinadalaw daw sila sa hospital. Kilala mo ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb sabay tingin kay Valerie.

Walang nagawa ang dalaga kundi yumuko na lang.

Nahihiyang nagsalita si Cheska.

"S-sorry Caleb. Nadulas ako. " bulong nya.

Napahinga ng malalim si Caleb sabay ngiti.

"It's okay Kakay. Anyway, balak ko na rin namang sabihin sa kanya. Unfair kay Coleen kung mananatiling lihim ang kalagayan ni Dad. " sagot nya.

Napatayo si Coleen sa narinig.

"K-kalagayan ni Dad ? Anong nangyari kay Daddy ? " tanong nya.

Hinawakan ni Caleb ang balikat ng kapatid.

"Coleen, may sasabihin ako sayo. Pero wag kang mabibigla. " sabi nya.

Napalunok ang dalaga.

"A-ano yan kuya ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Caleb at tinitigan sa mga mata ang kapatid.

"S-si Dad. N-nasa hospital sya. Matagal na. " pag amin nya.

Mahina lamang ang pagkakasabi ng binata, pero daig pa nito ang pagsigaw sa mga tenga ni Coleen.

Di na nya napigilan ang sarili, unti unting nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Is t-that true ? " naiiyak nyang tanong.

Sumingit si Valerie.

"Coleen, hindi nagbibiro ang kuya mo. Kaya kami nahihirapang sabihin sayo ang sitwasyon, dahil ayaw naming biglain ka. " paliwanag nya.

Dumagdag pa si Cheska.

"Tama sila, at saka di ata magandang gawing biro ang ganon. " sabi nya.

Nanghihinang napaupo sa mahabang upuan si Coleen at tinakpan ang mukha ng mga kamay.

Duon nya ibinuhos ang labis labis na emosyong mabilis na bumalot sa kanyang pagkatao.

Awang awa si Caleb sa kapatid.

Batid nya ang pagmamahal nito sa kanilang ama dahil papa's girl si Coleen.

Kaya nauunawaan nya ang reaksyon nito.

Ngunit malaki na ang kapatid nya.

Kailangan nitong magpakatatag.

Bagama't pati sya ay naiiyak, pinili nyang yakapin ang kapatid para ipaalam ditong nandito lang sya at handang dumamay.

..

Matagal na minuto ang lumipas.

Hindi na nakuhang umuwi ni Cheska.

Pinalibutan na lamang nila ang magkapatid at binigyan ng suporta.

Hanggang sa naiiyak na inangat ni Coleen ang mukha.

Tinitigan ang mga mata ng kapatid.

"K-kuya. " tawag nya.

"Yes honey. " sagot ni Caleb.

"I w-want so see Papa." tila batang request ni Coleen.

Napangiti ng malungkot ang binata.

"Of course. Of course. Matutuwa syang malaman na darating ka na. But you have to be strong. " paalala nya.

Tumango tango ang dalaga.

"I w-will. P-please kuya. I want to see Papa. " bulong nya sabay yakap sa kapatid.

Hinagod ni Caleb ang likod ni Coleen.

"Yes. Pupunta tayo ngayon din. " sagot nya.

Nagkatinginan sina Cheska at Valerie.

"Sasama kame. " sabay nilang sabi.

Napangiti na lang si Caleb at taimtim na nagpasalamat.