Ika - labindawalang Pahina

Nakasimangot na nilibot ni Valerie ang paningin sa mga taong nasa harap.

Kasalukuyan silang nasa maliit na sala ng kanilang bahay.

Matapos ang nakagugulat na sinabi ng mga ito kanina, parang biglang sumakit ang ulo nya.

Naramdaman ni Valerie ang masuyong haplos ng ina sa kanyang tabi.

Napatingin sya dito.

Nahihiyang napangiti si Aling Vicky.

"A-anak. Pagpasensyahan mo na kami. Syempre, pati kami nagulat sa mga pangyayari. " paliwanag nya.

Napabuntong hininga si Valerie.

"Nanay naman kasi, ang hilig nyong magpapaniwala sa mga sabi sabi. Dapat hinintay nyo man lang akong makauwi. " sabi nya.

Sumingit si Mang Valerio.

"Pero anak, maghapon kang wala. Kanina pa daw tanghali nakauwi si Kakay, pero ikaw wala pa. Eh ang sabi nya, nagpaalam ka daw sa kanya na mauuna ka ng uuwi. Anong gusto mong isipin namin ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie ng maalala ang kaibigan.

Naniningkit ang mga matang tinitigan nya ito.

Napaatras si Cheska at nagtago sa gilid ng katabing binata.

"Nakakatakot sya Caleb oh. " bulong nya.

Natawa si Caleb.

Napatingin sa kanya ang lahat.

..

Tumikhim si Mang Valerio.

"Hindi mo ba ipapakilala sa amin ang, ang n-nobyo mo anak ? " mahinang tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Come again Tay ? Ano ko sya ? " balik tanong nya.

"Nobyo. H-hindi ba? " ganting tanong ng ama.

Napangisi si Cheska.

"Hindi pa Tyong, baka manliligaw pa lang. " biro nya.

Marahas na napatingin si Valerie sa kaibigan.

"Wag kang magsalita. Pasalamat ka at malayo ka sakin. " bulong nya.

Napaatras ulit si Cheska at natatawang nagtago sa gilid ng binata.

Ngumiti si Caleb at tumingin ng diretso sa ama ng dalaga.

"Hindi po ako boyfriend ng anak nyo. Hindi rin ho ako nanliligaw. " paglilinaw nya.

Natahimik ang lahat.

Sumingit si Aling Vicky.

"K-kaanu ano ka nitong anak namin ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Kaklase po ako nila Cheska at Val. " sagot nya.

Sumabat si Mang Valerio.

"Eh bakit kayo magkasama ? At bakit ngayon lang kayo ? " tanong nya.

Pasimpleng kinurot ni Valerie ang braso ng ama.

"Tatay. Wag nyong takutin. " bulong nya.

"Hindi ko naman tinatakot ah. Tinatanong ko lang. " katwiran ni Mang Valerio.

Napalabi lang si Valerie.

"Mamaya ko na lang ho sasabihin sa inyo kung bakit. " sabi nya.

Pero umiling si Caleb.

"No Val, it's okay. Let me explain. They have the right to know. " awat nya.

"Shadap kasi Val. Hayaan mong magpaliwanag si Caleb. " singit ni Cheska.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"You shadap ! " ganti nya.

Bumungisngis lang si Cheska.

Nagpatuloy si Caleb.

"Una po sa lahat, gusto ko pong humingi ng paumanhin kung ginabi na po si Val ng pag uwi. Uhm, para po sa kaalaman ninyo, ako po ang kapatid ni Coleen, yung estudyante ni Val. Kambal po kami. " paliwanag nya.

Nagulat ang mag asawa at nagkatinginan.

"Kung ganon, amo ka pala ng anak ko ? " tanong ng ina.

Umiling si Caleb.

"Naku hindi po. Kaklase po ako at kaibigan ni Val. Ganon lang po yun kasimple. " nakangiting sabi nya.

Tumikhim si Mang Valerio at binalingan ang anak.

"Bebang, dulutan mo nga ng maiinom ang bisita mo. Nakakahiya ka namang tumanggap ng bisita. Hala bumili ka ng makakain !. " utos nya.

Natigilan si Caleb.

"A-ano hong tinawag nyo sa kanya ? " tanong nya.

Napangiwi si Valerie at mabilis na tumayo.

"S-sige, teka lang. Hoy bruha, samahan mo ako. " hinatak nya si Cheska.

Natawa lang ang dalaga.

"Nickname nya yon. " biro nya.

Pero napaaray sya ng makaramdam ng kurot mula sa kaibigan.

Binalingan ni Valerie ang binata.

"T-teka lang ha. Bibili lang ako ng ipanglalamon ko sayo. " sabi nya.

"Valeria ! Bibig mo nga !. " saway ng ina.

Napangiti si Caleb.

"Okay lang ho Ma'am. Sanay na po ako kay Val. Pero ano nga po ulit yung nickname nya? " nakangising tanong nya.

Kinuyom ni Valerie ang kamao at tinutok sa mukha ng binata.

"Kung gusto mo pang makauwi sa inyo, wag na wag mo kong tatawagin sa palayaw ko. " banta nya.

Napangisi si Caleb.

"Okay. Bebang. " sambit nya.

Bumungisngis si Cheska pati na si Aling Vicky.

Inis na binalingan ni Valerie ang kaibigan at hinatak na palabas ng bahay.

..

"Bwisit ka talaga !. " sinabunutan ni Valerie ang kaibigan.

Imbes na masaktan, humagikgik lang si Cheska.

"Bakit ba !. Aray naman Bebang, yung anit ko !. " reklamo nya.

Pinakawalan ni Valerie ang buhok ng kaibigan at pagkatapos ay nakasimangot na naglakad.

Mabilis na sumunod si Cheska.

"Ano ba kasing kinagagalit mo ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Ewan ko ba. P-parang marami silang mapag uusapan habang wala tayo. Mga sikreto ko. Alam mo naman si Inay. " sambit nya.

Napabungisngis si Cheska.

"Ayos lang yon, at least malalaman natin kung matuturn off si Caleb kapag nalaman nya ang mga baho mo. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Eh ano naman kung maturn off sya ? As if. " sabi nya.

Napangisi si Cheska.

"As if ano ? As if liligawan ka nya ? Disappointed ka ? " tukso nya.

"Siraulo ka. Sino bang nagpakulo na nagtanan ako ? " tanong ni Valerie.

Natahimik si Cheska.

"Andito na pala tayo. Tara bilisan natin at baka kung anu ano ng nalaman ni Caleb tungkol sa nakaraan mo. " pag iiba nya sa usapan.

Naningkit ang mga mata ni Valerie at kinurot ng pino sa braso ang kaibigan.

"Bakit pa nga ba ako nagtatanong, eh iisang tao lang naman ang suspect ko. " sabi nya.

Napangiwi si Cheska.

"A-aray Bebang. Para ka talagang mangkukulam ! Ang tulis ng kuko mo. " reklamo nya.

"Bakit mo sinabing nagtanan kami ? " tanong ni Valerie.

Natawa si Cheska.

"Hoy, hindi ko direktang sinabi. Kung hindi pa nga ako pupunta sa inyo, hindi ko pa malalamang hindi ka pa nakakauwi. Tapos ayun, tinanong ako ni Tyang kung nasan ka, syempre nagulat ako kasi ang paalam mong bruha ka, mauuna ka ng uuwi. Ngayon, sinong may kasalanan sa ating dalawa ? " tanong nya.

Natahimik si Valerie.

"S-sinundan ko si Caleb. " sabi nya.

Napapitik sa ere si Cheska.

"Sabi na eh. Basta talaga kay Caleb, nababaliw ka. Umamin ka nga, may gusto ka na ba sa kanya ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

Naalala nya ang muntik na nilang paghahalikan ni Caleb kanina sa parke.

Biglang nag init ang kanyang mga pisngi.

Mabilis nyang pilig ang ulo para iwasiwas ang alaalang iyon.

Nagtaka si Cheska.

"Anyare ? Nabuang ka na ? Dito oh, untog mo. " turo nya sa pader.

Napasimangot si Valerie.

"Ate pabili nga po ng. Teka. Ano bang ipapakain ko sa unggoy na yon ? " tanong nya.

Sinulyapan din ni Cheska ang mga tinda.

"Eto na lang Bebs, Lemon Square. " turo nya.

Napangiti si Valerie.

"Sige. Masarap yan. Ate, sampung lemon square nga po. " sabi nya.

Natawa si Cheska.

"Ang konti ha. " biro nya.

"Syempre, nakakahiya naman sayo kung di ka kakain eh. " ganting biro ni Valerie.

"Tama. Mahiya ka sa mga bisita mo. Samahan mo ng panulak." sambit ni Cheska.

"Aba talagang kapalmuks ka ha saka hindi ka bisita. Bwisita ka. Tara na nga at baka naikwento na ni Nanay ang talambuhay ng pamilya. " aya ni Valerie.

Natawa si Cheska at napatango.

..

Natigilan sa pagpasok ang dalawa ng marinig ng malulutong natawanan.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

"Anyare ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Gaga, magkasama tayo. Hmm. Mukhang magkasundo na yung parents mo pati na si Caleb. " nakangising sabi nya.

Natahimik si Valerie.

Nais nyang mapangiti dahil sa sinabi nito ngunit pinilit nyang kalmahin ang sarili.

Akmang papasok sya ng pigilan ng kaibigan.

Nagtaka si Valerie.

"Bakit ba ? " tanong nya.

"Ssshhh.. Makinig muna tayo. " sabi ni Cheska.

Sumenyas sya ng wag maingay sabay ikot sa gilid ng bahay kung saan nakapwesto ang bintana.

Kumunot ang noo ni Valerie.

Pero sumunod din sya kay Cheska.

Dahan dahan silang sumilip at eksaktong nasa likod sila ni Caleb.

..

"Ganyan talaga ang buhay iho. Dapat mong tatagan ang loob mo. Pasasan ba't makakaraos rin kayo. " sabi ni Aling Vicky.

Tumango si Caleb.

"Salamat po Nay Vicky. Ganun na nga po siguro, kailangang magtiis. Kahit na minsan, parang gusto ko ng sumuko. " sambit nya.

Nakaramdam ng awa si Valerie ng maalala ang sitwasyon ng binata.

Kinalabit sya ni Cheska.

"Anong nangyari kay Caleb ? Bakit ganyan ang usapan nila ? " mahinang tanong nya.

"Mamaya ko na ikukwento. Medyo mahaba, pero nasa ospital ang Tatay nya. Coma. " ganting bulong ni Valerie.

Napatakip sa bibit si Cheska.

"Aawww, kawawa naman. " bulong nya.

Tumango tango si Valerie.

"Yeah. Yun ang reason kung bakit sya laging absent. " imporma nya.

Muli silang nakinig.

..

"Ang tagal naman nung dalawang yon, parang napapaka layo ng tindahdan. " reklamo ni Mang Valerio.

Natawa si Caleb.

"Si Val pa. " sabi nya.

Sa labas ng binata, kumunot ang noo ni Valerie.

"Anong ibig mong sabihin na si "Si Val Pa " " tanong nya.

Natawa si Cheska.

"Hmm, mukhang may something na nangyari kanina ah. Hmm. " tukso nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"Walang nangyari !. " giit nya.

Natawa si Cheska.

Nagsalita si Mang Valerio.

"Batang yun talaga, baka nakipag away na naman sa daan. " sabi nya.

Natawa si Caleb.

"Nakipag away ho ? Pero mukhang di kayo nag aalala. " tanong nya.

Napangiti ng tila nahihiya si Mang Valerio.

"Alam mo iho, dito sa lugar namin. Kilala na ang anak ko. Sya ang siga dito. " kwento nya.

"Talaga ho ? Paanong sya ang siga ? " tanong ni Caleb.

Natawa si Aling Vicky.

"Kadalasan, kapag may nag aaway. Kung hindi nadamay lang, sya ang nagsimula. " sagot nya.

Nahihiyang napayuko si Valerie.

Natatawa naman ng mahina si Cheska.

..

"Grabe po pala. Pero hindi na ako nabibigla, sa akin nga po. Lagi nya akong ginugulpi. " pag amin ni Caleb.

"Naku iho. Pag pasensyahan mo na ang anak ko ha ? " sambit ni Mang Valerio.

"Ayos lang po. Medyo nasasanay na ako sa kanya. " sabi ni Caleb.

Napasimangot si Valerie.

"Hindi ko naman sya gugulpihin kung walang dahilan. Boka nitong lalaking to. " bulong nya.

Lalong napahagikgik si Cheska.

"Relate kami ni Caleb. " sabi nya.

Napanguso lang si Valerie.

..

Maya maya ay nagulat sila ng pupungas pungas na lumabas ang bunsong kapatid ni Valerie na si Victoria.

"Nanay, wiwi ako. " sabi nya.

Napangiti si Aling Vicky.

"Naku itong batang ito. Dito. " aya nya.

Tinitigan ni Caleb ang bata at napangiti.

"Ang cute po nya. Anak nyo ? " tanong nya.

Tumango si Mang Valerio.

"Bunso. " sagot nya.

Ilang saglit lang ay bumalik na sina Aling Vicky at Victoria.

Napatingin ang bata sa binata at kumunot ang noo nito.

Biglang natawa si Caleb.

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Anong problema iho ? " tanong ni Aling Vicky.

Napangiti si Caleb.

"Wala po. Nagulat lang ako kasi parang si Valerie ang tumingin sakin. Magkamukha sila. " sabi nya.

Natawa si Mang Valerio.

"Tama ka. Ganyang ganyan ang itsura ni Valerie nung bata sya. Gusto mong makita ? " tanong nya.

Napangisi si Caleb.

"Sige po. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie sa narinig.

Agad syang umikot at nagtungo sa harap ng bahay.

"Hep hep. Anong balak nyong gawin ? " tanong ni Valerie.

Napatingin ang lahat sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang ? " tanong ni Mang Valerio.

"Trapik. " sagot ng dalaga.

Natawa si Caleb at hinarap si Aling Vicky.

"Nay Vicky, nasan na po yung litrato ni Val ? " tanong nya.

Mabilis na sumingit si Valerie.

"Anong litrato ang pinagsasabi mo ? Magtigil ka nga. " taray nya.

Napangisi lang si Caleb.

"Uy, lemon square. Sarap nyan Val. " sabi nya.

Npasimangot ang dalaga at tinitigan ang mga magulang.

"Wag kayong gagawa ng ikapapahiya ko. Please lang. " bulong nya sabay tungo sa kusina.

Mabilis na kumilos ang dalaga.

Nilagay nya sa plato ang nabiling pagkain at pagkatapos ay kumuha ng isang baso.

Sinalinan ng coke at mabilis na bumalik sa salas.

Pero napanganga sya ng makita ang hawak ni Caleb.

"Sya to ? " tanong ng binata.

"Oo, ako itong katabi nya. " si Cheska ang sumagot.

Biglang tumawa ang binata.

"Ang cute. Magkamukha nga sila ni Victoria. Anong nickname nya ? " tanong nya.

"Ria. " ang bata ang sumagot.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

Muli syang nag lipat lipat ng pahina at natulala.

"S-sya to ? " tanong nya.

Napanganga si Cheska.

"H-hala. Wag mong tingnan yan. " sambit nya.

Natulala si Valerie.

"Bwisit ka talaga Caleb. Anong tinitingnan mo ? " tanong nya.

"Eto. Naliligo ka. " turo ng binata.

Napanganga ang dalaga.

Agad syang lumapit at nilapag sa lamesita ang mga dalaga.

Pagkatapos ay inagaw nya ang album sa binata at inalam kung ano ang tinitingnan nito.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng makitang picture nya ito habang naliligo nuong bata pa sya.

..

Ramdam ng dalaga ang pag iinit ng mga pisngi.

Nagdadabog na pumasok sya sa kwarto at binalik ang album.

Sinimangutan nya ang inang natatawa sa isang sulok.

"Nilaglag nyo ko Nay. " tampong sabi nya.

Natawa si Aling Vicky.

"Hindi ako nag abot. Si Ria. " sabi nya.

Napasimangot ang dalaga at tiningnan ang bunsong kapatid na nasa tabi ni Caleb.

"Close agad ? Hoy Ria, dito ka nga. " taray nya.

"Ayaw ko. " sabi ng bata.

Lalong nainis si Valerie.

Pinagbuntungan nya ng asar si Caleb.

"Hoy, gabi na. " sambit nya.

"Anak ano ka ba ? Bakit mo pinapaalis ang bisita mo ? " tanong ni Mang Valerio.

Napangiti lang si Caleb.

"No it's okay. Gabi na rin po. Babaunin ko na lang itong lemon square. " sabi nya sabay binulsa ang pagkain.

"Pasensya ka na iho sa anak ko . " naiiling na sabi ni Mang Valerio.

"Naku wala po yun. Salamat po sa pagtanggap. " sabi ng binata.

Ngumiti si Aling Vicky.

"Mag iingat ka sa daan anak, babalik ka ha ? " tanonng nya.

Napabungisngis si Cheska.

"Close na agad. " bulong nya.

Pinandilatan lang sya ni Valerie.

..

"Anak, ihatid mo si Caleb hanggang sa labasan. Baka mapagtripan ng mga tambay. " utos ni Mang Valerio.

Padabog na tumayo si Valerie.

"Bilisan mo. " taray nya.

Natawa lang si Caleb.

"Uwi na ako Ria. Sa susunod na lang. " paalam nya.

"Balik ka kuya. " sabi ng bata.

"Oo naman. Anong gusto mong pasalubong ? " tanong ni Caleb.

Nagliwanag ang mga mata ng bata.

"Doll ! " mabilis na sagot nya.

"Ria !. " saway ni Valerie.

Napangiti si Caleb.

"Don't worry Val, it's okay. Meron si Ate Coleen sa bahay na malaking doll. " sabi nya.

Kumunot ang noo ng bata.

"Kulin ? " tanong nya.

"Yes. Ate Coleen, kapatid ko sya. Kukunin ko lang tapos bibigay ko sayo. " sabi ni Caleb.

"Baka galit sya. " sabi ni Ria.

Umiling si Caleb.

"No. Kasi malaki na si Ate Coleen. Tsaka di na nya nilalaro yun eh. Kaya sayo na lang. " sabi nya.

Napangiti si Ria.

"Yehey ! Sige kuya. Ingat po. " bibong sabi ng bata sabay halik sa pisngi ng binata.

Napangiti si Caleb.

Masuyo nyang ginulo ang buhok ng bata.

"Nakakamiss ang magkaroon ng bata sa bahay. Anyway, salamat po ulit sa pagtanggap at pasensya na po kung ginabi na ng uwi si Val. " sabi nya.

"Wala yun iho. Sa susunod ay magpapaalam na lang kayo para hindi kami nag aalala. " pangaral ni Mang Valerio.

Tumango si Caleb.

"Opo. Biglaan lang kasi ang nangyari pero makakaasa po kayong hindi ko pababayaan si Valerie. Salamat po ulit. " sabi nya.

Siniko ni Cheska ang kaibigan.

"Di ka daw pababayaan. " bulong nya.

Kinilig si Valerie sa sinabi ng binata pero pilit nya itong tinago.

"Tumahimik ka nga !. " pabulong na saway nya.

..

Tulad ng inutos ng ama, hinatid nina Valerie at Cheska ang binata hanggang sa sakayan ng jeep.

"May sakay dyan papuntang ospital. " turo ni Valerie.

Ngumiti si Caleb.

"Yeah, alam ko na. Salamat sa paghatid. " sabi nya.

"Hoy Caleb. Mayaman ka pala. " sambit ni Cheska.

Ngumiti lamang ang binata.

"Hindi naman. " sabi nya.

Napatingin si Caleb kay Valerie.

Napatingin din ang dalaga sa binata.

Ngumisi si Cheska at pasimpleng umatras para bigyan ng privacy ang dalawa.

..

"Val. Uwi na ako. " bulong ni Caleb.

Tumango si Valerie.

"S-sige. M-mag iingat ka sa daan. " sambit nya.

Napangiti si Caleb.

"Napakaganda ng pamilya mo Val. Kaya pala medyo mabait ka. " biro nya.

"Medyo lang ? " nakasimangot na tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Yeah, lagi mo kasi akong sinusungitan eh. " sabi nya.

Napanguso si Valerie.

Maagap na pinigilan ng binata ang dagala.

"Don't do that. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Ang alin ? " tanong nya.

"Yan. Yung pag poute ng lips mo. " sabi ni Caleb.

"Bakit ? " tanong ni Valerie.

"Because you're too damn cute. " sagot ng binata.

Natulala si Valerie sa narinig.

Ramdam nya ang pamumula ng mga pisngi.

Mabilis syang nag iwas ng tingin.

"B-bolero ka talaga. Umuwi ka na nga. " sabi nya.

Napangiti si Caleb.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng biglang hawakan ng binata ang mga kamay nya.

"C-caleb. " tanging nasabi nya.

Nilibot nya ang tingin sa paligid para hanapin si Cheska.

Pero kataka takang wala ito sa paligid.

Nagtama ang tingin nila ng binata.

"B-baka may makakita. " sabi nya.

Pilit nyang binabawi ang mga kamay pero mahigpit itong hinawakan ng binata.

"Bebang. " bulong nya.

Napasimangot si Valerie.

"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan. " sabi nya.

"Why ? " tanong ng binata.

"Ang pangit eh. " sabi ni Valerie.

"Pero sinu sino lang ang tumatawag sayo ng ganyan ? " tanong ni Caleb.

"Sa bahay lang at si Cheska. " sabi ni Valerie.

"See ? Mga close lang sayo ang tumatawag sayo nyan. You mean hindi kita pwedeng tawagin sa nickname mo kasi hindi naman tayo close ? " tila nagtatampong tanong ni Caleb.

Natigilan si Valerie.

Pero unti unti syang napasimangot.

"Sige, paandaran mo ko ng mga banat mo. " sabi nya.

Ngumisi si Caleb.

"So hindi ba pwede? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Haaayyy. Sige na nga, pero siguraduhin mong walang nakakarinig ha !. " banta nya.

Ngumiti si Caleb.

"Don't worry. Mapapalitan na rin ang pagtawag ko sa'yo. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Huh ? Anong ibig mong sabihin ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

Inangat nya ang isang kamay para haplusin ang pisngi ng dalaga.

"Malay mo. Dumating yung time na from Bebang, to Baby. " bulong nya.

Napanganga si Valerie.

Halos tumulo ang laway nya sa gulat sa sinabi ng binata.

Nag triple ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Di sya makatingin ng diretso sa mga mata ni Caleb dahil natatakot syang mabasa nito ang kanyang nararamdaman.

"Val. " masuyong tawag ng binata.

"B-bakit ? " mahinang tanong ni Valerie.

"Uuwi na ako. " sambit ni Caleb.

Nag angat ng tingin si Valerie.

Di nya maintindihan pero parang nakaramdam sya ng panghihinayang sa sinabi nito.

"S-sige. M-mag iingat ka. " sabi nya.

Nakangiting tumango si Caleb.

Inangat nya pa ang isang kamay at kinulong ang mukha ng dalaga.

"You're so pretty. Goodnight, baby. " bulong nya sabay pikit.

Nanlalaki ang mga mata ni Valerie ng marinig ang sinabi nito.

Pero mas nagulat sya sa unti unting paglapit ng mukha ng binata.

Nataranta si Valerie.

Di nya alam ang gagawin.

Kitang kita nya ang dahan dahang pagsasara ng distansya sa pagitan ng mga mukha nila.

Hanggang sa wala na syang nagawa kundi ipikit na lamang ang mga mata at tanggapin ang matagal na rin nyang inaasam na mangyari.

Naging tila mabagal ang pag ikot ng mundo sa pagitan ng dalawa.

Dahan dahan.

Naglapit ang kanilang mga labi.

..

Mula sa malayo, halos sumayad na sa lupa ang panga ni Cheska.

Di nya akalain na may unawaan na ang dalawa at mukhang maghahalikan pa.

"G-grabe. Ang dami ko atang hindi alam. " bulong nya.

Maging sya ay mabilis na rin ang tibok ng puso.

Masaya sya para sa kaibigan.

Mukhang makukuha na nito ang unang halik.

"G-go Bebang. Laplapin mo . " bulong nya.

..

Unti unti ng naiinis si Valerie.

"Ang tagal ah. " bulong nya.

Ngunit ang halik sa labi na kanyang inaasahan ay nauwi sa noo.

Mabilis na dumilat ang dalaga at nakita nyang nakatingin sa kanya si Caleb.

"Tapos na ? " di nya mapigilang sambitin.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"O-oo. B-bakit ? G-galit ka ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Valerie.

Pilit na pinayapa ang sarili.

"Hindi. " sagot nya.

"Hindi ? Bakit parang nakasimangot ka ? " tanong ni Caleb.

Nabwisit si Valerie.

"HINDI NGA AKO GALIT. " mariing sabi nya.

Napaatras si Caleb.

"Hindi ko talaga masakyan yang trip mo. Uuwi na ako. " sabi nya.

"Mabuti pa nga !. Shupi ! Bwisit. " sambit ni Valerie.

Napangiwi si Caleb.

"Sala sa init, sala sa lamig. Bahala ka na nga. " sabi nya sabay naglakad patungo sa sakayan.

Napasimangot si Valerie.

"Ingat. " inis na sigaw nya.

Lumingon si Caleb.

Napangiti.

"Val. Yung sinabi ko kanina sa mga magulang mo. " sabi nya.

"O bakit ? " tanong ni Valerie.

"Sabi ko sa kanila, hindi mo ako boyfriend. Hindi rin ako nanliligaw sayo di ba ? " balik tanong ni Caleb.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Alam ko. Wag mo ng ipaulit ulit pa. " malungkot na sabi nya.

Ngumiti si Caleb.

"Totoo yon, hindi ako nanliligaw sayo. Sa ngayon. Hindi pa. Sige uwi na ako. " sigaw niya sabay takbo palayo.

Natulala si Valerie sa narinig.

Ramdam nyang tila nabuhayan na naman ang kanyang katawan dahil sa sinabi nito.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong nya.

Ngunit nakalayo na ang binata.

Nagulat si Valerie ng biglang may magsalita sa kanyang likuran.

"Sa ngayon, hindi pa sya nanliligaw. Pero baka bukas. Malay natin. Grabe. Andami mong ikukwento sakin bruha ka. Sa inyo ako matutulog ngayon. " sabi ni Cheska.

Tulalang napatingin lang si Valerie sa kaibigan.

Pero unti unti syang napangisi sabay damba kay Cheska.