Ika Labing Pitong Pahina

"So paano mga tropapits, dito na kami ni Tabachingching. Salamat sa paglibre sa pamasahe ha ? " sabi ni Romeo.

Tumango tango si Coleen.

"You're welcome kuya Rom. " ngiting ngiting sabi nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Ano bang nangyayari sa babaeng to ? " takang tanong nya.

Natawa si Darius at pasimpleng tinapik sa braso ang binata.

"Another victim of spade. " sambit nya.

Napatingin si Caleb.

"Anong sabi mo ? " tanong nya.

"Wala. Ang sabi ko, hatakin mo na yung kapatid mo at baka tokapin si Romeo, magahasa nya pa ng wala sa oras yan. " payo ni Tabar.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb at dali daling hinatak sa braso ang kapatid.

"Nicoleen ! Umuwi na tayo ! " utos nya.

Pero tila wala na sa huwisyo ang dalaga.

Nakatitig na lamang ito kay Romeo habang kausap si Darius.

"He's so gwapo talaga. " bubulong bulong na sabi nya.

Napailing si Caleb at inis na hinatak ang kapatid palayo sa dalawang alas.

Ngunit bago sya makalayo ay kinawayan nya muna ang mga ito.

"Salamat mga kuya ! " sigaw nya.

Napatingin si Romeo at Darius.

Gumanti ang mga ito ng kaway na may kasamang ngiti.

Pero sinamahan pa ni Romeo ng kindat na nagpalambot sa tuhod ni Coleen.

"Oh my God ! " sambit nya.

Asar na pinitik ni Caleb ang tenga ng kapatid.

"Mahiya ka ngang babae ka ! " mariing sabi nya.

Ngunit tila walang narinig si Coleen.

Nanatili syang nakatayo habang pinagmamasdan ang pagpasok ng dalawang binata sa kanya kanyang bakuran ng mga ito.

Partikular na kay Romeo.

..

Nagulat si Lisa ng pagbukas nya ng gate ay bumungad sa kanya ang magkapatid.

"Kamusta ate Lisa ? " bati ni Caleb.

Natigilan si Lisa at kabadong tiningnan ang binata.

"N-nandyan ang Mommy mo. " imporma nya.

Ngumiti si Caleb.

"It's okay ate. Ihahatid ko lang naman si Coleen. Aalis na rin ako. " sagot nya.

"Ah ganun ba ? Oh sige sige. Pasok ka na po senyorita. Kanina ka pa po hinahanap ng Mommy mo. " sabi ni Lisa.

Wala sa loob na humakbang papasok si Coleen.

Huminga ng malalim si Caleb at biglang niyakap ang kapatid.

"I love you sis. " bulong nya.

"I love you too kuya. You're the best kuya in the universe. " mabilis na responde ni Coleen.

Napangiti si Caleb.

"Sige matulog ka na. Babalikan na lang kita bukas. " sabi nya.

"Tabi tayo. " ungot ng dalaga.

"No honey. Nandyan si Mommy. " bulong ni Caleb.

"Okay lang yan. Dati naman tayong tabi matulog eh. " sambit ni Coleen.

Tumango tango si Caleb.

"Yeah. Hayaan mo sa susunod, tabi tayo. Sige na magpahinga ka na. " masuyong sabi nya.

Marahang kinalas ng binata ang pagkakayap nya sa kapatid.

Hinaplos nya ang pisngi nito at pinagmasdan ang maamong mukha.

Napangiti si Coleen.

"Pogi pogi kuya ko. " bulong nya.

Natawa ng mahina si Caleb.

"Oo na, alam mo kasing magkamukha tayo. Kaya kapag nasabihan ako ng gwapo, automatically, damay ka. " biro nya.

Humagikgik si Coleen.

"Pasok na tayo kuya. " aya nya.

"I can't honey. Alam mo namang hindi pwede. " sagot ng binata.

Natigilan si Coleen.

Tila nuon lang napagtanto ang sitwasyon.

"Si M-mommy. " sambit nya.

Tumango ng marahan si Caleb.

"Yeah. Sige na. Pasok ka na. " sabi nya.

Unti unting lumayo ang binata.

Hinalikan nya sa noo ang kapatid bago dahan dahang naglakad palayo.

"K-kuya. " bulong ni Coleen.

Hinawakan ni Lisa ang kamay ng dalaga.

"Pasok ka na senyorita. Malamig na dito. " sambit nya.

Unti unting nangilid ang luha sa mga mata ni Coleen.

Pumiglas sya sa pagkakahawak ni Lisa at dinamba ang kapatid.

"Wag kang umalis kuya. Please please. " makaawa nya.

Napahinga ng malalim si Caleb.

"H-honey. I have to. W-walang kasama si Tyang sa pagbabantay. " bulong nya.

"S-sasama ako. " giit ni Coleen.

Napangiti si Caleb.

"Tomorrow. I'll promise you, susunduin kita dito. " sambit nya.

Pero nagpumilit si Coleen.

"NO ! Sabay tayo pupunta don ! " tila batang sigaw nya.

Nataranta si Caleb sa pagsigaw ng kapatid.

Agad nyang pinayapa ang pagsisintir nito.

"Ssshhh, wag kang maingay honey. Baka magising si Mom. " bulong nya.

"I don't care ! " singhal ni Coleen.

Maging si Lisa ay nataranta sa pagwawala ng among dalaga.

"S-senyorita. K-kakauwi lang po ng Mommy nyo, baka maabala sya sa pagpapahinga nya. " paalala nya.

Nanlisik ang mga mata ni Coleen.

Tiningala nya ang kwarto ng ina at umakmang sisigaw.

Pero naging maagap si Caleb at mabilis na tinakpan ang bibig ng kapatid.

"Dammit Coleen ! Ano bang ginagawa mo ? " galit na saway nya.

Pumiglas ang dalagita.

"Sleep here. Kung ayaw mo, sisigaw ako ! " banta nya.

Natigilan si Caleb.

"A-alam mong magkagalit kami ni Mom. " paalala nya.

Tumango si Coleen.

"I think it's about time na mag-usap kayo kuya. Kailangan nyang malaman ang tungkol kay Dad ! " giit nya.

"Sssh, bibig mo. " paalala ni Caleb.

"S-sorry. Pero just the same, karapatan din ni Mom ang malaman ang katotohanan. " sambit ni Coleen.

Napabuntong hininga ang binata.

Marahan nyang hinilot ang sentido dahil pakiramdam nya ay para na itong mabibiyak sa dami ng iniisip.

Tila nahimasmasan naman si Coleen sa nakikitang pagod sa mukha ng kapatid.

Mahigpit nya itong niyakap.

"S-sorry kuya. " bulong nya.

Ngumiti ng kimi si Caleb.

"It's okay honey. Strong si kuya di ba? " ganting bulong nya.

Lalong naiyak si Coleen sa narinig.

Wala syang nagawa kundi isubsob ang mukha sa dibdib nito.

..

Kahit hindi maintindihan ni Lisa ang nangyayari, sa nakikita nyang pagmamahalan sa pagitan ng magkapatid, di nya maiwasang pangiliran ng luha.

Pasimple syang suminghot.

"P-pumasok ka na po Senyorito. " singit nya.

Napatingin ang makapatid sa kasambahay.

"Eh nandyan nga si Mommy eh. " sagot ni Coleen.

"Yeah. Salamat na lang ate Lisa, baka magkasagutan pa kami eh. " saad ni Caleb.

Marahang pinahid ni Lisa ang mga luha sa kanyang mga mata at ngumiti sa magkapatid.

"Di naman kailangang malaman ng Mommy nyo na nandito ka Senyorito. Akong bahala. " suhestyon nya.

Natigilan ang dalawa.

"A-anong ibig nyong sabihin ate ? " tanong ni Caleb.

Ngumisi si Lisa.

"Magtago lang kayo. Sigurado namang late ng magigising ang Mommy nyo bukas dahil kakauwi nya lang galing Singapore di ba ? Pagod yon. Makakaalis ka na ulit Senyorito bago pa man sya magising. " sagot nya.

Napangiti ng maluwang si Coleen sa narinig.

"WOW ! Oo nga. Haha. Ang bright ni Ate Lisa ! " masayang sigaw nya.

Mabilis na tinakpan ni Caleb ang bibig ng kapatid.

"Sssshhhh, mawawalan ng silbi ang plano ni Ate kung magsisisigaw ka ! " singhal nya.

Nabungisngis si Coleen at niyakap ang kapatid.

"Sorry na, excited lang. Tara na kuya. " sabi nya.

Napangiti na lang si Caleb at inakbayan ang kapatid.

"Sige na nga. Namiss ko ring makatabi ang only sister ko eh. Tara na po ate Lisa. " aya nya.

Napangiti rin si Lisa at mabilis na tumango.

..

Ilang minuto ang lumipas.

"Ayos lang ba kayo dito ? Wala na ba kayong ipag - uutos ? " tanong ni Lisa.

Ngumiti si Caleb.

"Wala na ate. Maraming maraming salamat po. Pahinga na rin kayo. " sagot nya.

"Wala yon. Kung may kailangan pa kayo, nasa baba lang ako. " sambit ni Lisa.

Tumango si Caleb.

"Sige po. Salamat po ulit. " paalam nya.

Nakangiting tumalikod si Lisa at bumaba na ng hagdan.

Dahan dahan namang sinara ni Caleb ang pinto.

Eksaktong lumabas ng banyo si Coleen.

"Si Ate Lisa ? " tanong nya.

"Bumalik na sa room niya. Matulog ka na kung gusto mong sumama sa pagbabantay bukas. " utos ni Caleb.

"Opo kuya. " biro ng dalaga.

Nagtawanan sila pero sinikap nilang wag makagawa ng ingay.

Tulad ng napag usapan, magkatabing nahiga sa kama ang magkapatid.

Yumakap si Coleen sa kuya at hinimlay ang ulo sa balikat nito.

"Kuya, namiss ko to. " lambing nya.

Napangiti si Caleb.

"Parang dati lang no ? Nung nasa states pa tayo. Halos gabi gabi tayong magkatabing matulog kahit na pinaghihiwalay na tayo ni Lola. " sabi nya.

"Yeah, KJ yon si Lola eh. " nasabi ni Coleen.

"Nauunawaan ko naman si Lola. Syempre, matanda na tayo. Pangit ng tingnan kung magkatabi pa rin tayong natutulog. " paliwanag ng binata.

Lumabi si Coleen.

"Ah basta, tabi pa rin tayo. " parang batang sabi nya.

Natawa si Caleb.

"Eh paano ka magkakaboyfriend nyan ? Para ka pa ring bata. " pang aasar nya.

Napanguso si Coleen.

Pero biglang tumunog ang cellphone nya na nakapatong sa mesa.

"Kuya paabot. " ungot ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Sino namang nagtetext sayo ng ganitong oras ng gabi ? " tanong nya.

Ngumisi si Coleen.

"Boylet. " sagot nya.

Lalong nagdikit ang mga kilay ni Caleb.

"Boylet ? As in boyfriend ? Sinong nagsabi sayo na pwede ka ng magboyfriend ? " tanong nya.

"Ako ! Malaki na ko noh ! " katwiran ng dalaga.

Inalis ni Caleb ang braso na ginagamit na unan ng kapatid sabay talikod.

"Okay. " nagtatampong sabi nya.

Natawa si Coleen at niyakap ang kapatid.

"Aysus. Nagselos ang kuya ko. Biro lang po. Wala pa sa isip ko ang magboyfriend no. " sabi nya.

"Eh sino yan ? " tanong ni Caleb.

"Ewan. Ikaw magbasa. " sabi ng dalaga.

Inabot naman ng binata ang cellphone sa mesa at tiningnan kung sino ang nag text.

"Eh number mo to eh. " takang sambit ni Caleb.

Napabangon si Coleen at dinamba ang cellphone.

"Weee ? Patingin nga ! " excited na sabi nya.

Inabot naman ng binata ang gadget.

"Oh, bakit nagtetext sayo yung sarili mong phone ? " tanong nya.

Biglang napangisi si Coleen.

"Hulaan mo kung sino to. " landi nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Aba't pinahirapan pa ko. Sino nga kase ? " tanong nya.

Bumungisngis si Coleen.

"Sino pa, eh di si SPECIAL someone mo ! " sagot nya.

Lalong kumunot ang noo ni Caleb.

"Special someone ? Si-, oh wait a minute. Is that ? " hindi na nya natapos ang sasabihin.

Pero lumawak na ang ngisi sa mukha ni Coleen.

"Yup, the one and only. " sagot nya.

Napabangon si Caleb mula sa pagkakahiga.

"T-teka. P-paanong. B-bakit. " sunod sunod na tanong nya.

Lalong bumungisngis si Coleen.

"Oh, kinakamusta nya tayo. " inabot nya ang phone.

Tulalang napatitig si Caleb sa aparato.

"P-paanong napunta sa kanya ang sim mo ? " tanong nya.

"Binigay ko yung phone ko, kasi wala syang cp eh. " sagot ng dalaga.

Unti unting nanlaki ang mga mata ni Caleb.

"K-kailan mo pa binigay sa kanya ? " tanong nya.

Napangisi si Coleen.

"Matagal na. " maiksing sagot nya.

Sunod sunod na napalunok ng laway si Caleb.

"N-nagtext pa ako sayo. N-nabasa mo ba ? " tanong nya.

Tumango si Coleen.

"Yup, yung sinabi mong special sya sayo ? Nabasa ko yon. " sagot nya.

"B-binura mo after mong mabasa ? " tanong ng binata.

Napangisi ng maluwang si Coleen.

"Bakit ko buburahin ? Eh hindi naman na sakin yung phone ng mga oras nayon. Aksidente ko lang na nabasa yung text mo. " sagot nya.

Natigilan si Caleb.

Unti unting namutil ang pawis sa kanyang noo kahit na aircon ang buong kwarto.

"Y-you mean, nasa kanya na yung phone bago pa ako magtext ? " tanong nya.

Nakangiting tumango ang dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb at napakagat labi.

"P-patay. Nakakahiya. " bulong nya.

Natawa si Coleen at inagawa ang cellphone sa kapatid.

"Bakit ka mahihiya ? Eh mukhang mutual naman ang feelings nyo sa isa't isa. " tukso nya.

Napatingin si Caleb.

"M-mutual ? " tanong nya.

"Oy wag kang pa yummy kuya ha. Alam kong inlove ka kay Val. " sabi ng dalaga habang tumitipa ng text.

Napangiwi si Caleb.

"A-alam mo ? Paano ? " tanong nya.

Sinulyapan ni Coleen ang kapatid.

"Baka magkapatid tayo ? Di lang magkapatid, kambal pa. Malamang sa malamang. " sabi nya.

"O-oo nga no. T-teka, sabi mo mutual, you mean. P-pati sya ? " tanong ng binata.

Napangiti ng maluwang si Coleen.

"Yun ang nakikita ko. Bakit di mo sya tanungin ? Gusto mo ako na ang magtanong para sayo ? " tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb at mabilis na umiling.

"H-huwag ! Wag kang magkakamali ! " saway nya.

Pinakita ni Coleen ang cellphone.

"Parang ganito ? " sabi nya.

Kunot noong binasa ni Caleb ang text at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang nakasulat.

"May feelings ka ba kay kuya ? Oh my God Nicoleen ! Wag mong isend ! " pigil nya.

Pero huli na ang lahat, sent message na ang lumitaw.

..

Habang nagsusuklay, biglang tumunog ang cellphone ni Valerie.

Agad nyang dinampot ang aparato at napangiti ng makitang galing kay Coleen ang text.

Pero bigla syang napanganga ng makita ang mensahe.

"M-may feelings ka ba kay kuya ? " wala sa sariling inulit nya ang nakasulat.

Tila baliw na napangiti si Valerie.

Hindi na kailangan pa ng maraming senyales para sagutin ang nakasaad sa text.

Alam na alam nya ang sagot pero nahihiya syang aminin ito sa dalaga.

"Meron, galit, inis at gigil ! " pabirong sagot nya.

..

Sa kwarto ni Coleen, halos mag agawan ang magkapatid ng biglang tumunog ang cellphone.

"Ako na kuya ! " humagikgik ang dalaga.

Nakasimangot na nagpaubaya ang binata pero nilapit nya ang mukha sa gadget.

Sabay nilang binasa ang text ni Val.

"Meron, galit, inis at gigil ! " sambit ni Coleen.

Napangiti ng malungkot si Caleb.

"Tulad ng inaasahan kong isasagot nya. Matutulog na nga ako. " sabi nya sabay higa.

Maging si Coleen ay nalungkot sa sagot ni Valerie.

Batid nyang pareho lang ang nararamdaman ng dalawa at tanging pride lamang ang pumipigil sa mga ito.

Kailangan nyang gumawa ng paraan.

..

Sa kwarto ni Valerie.

Nakasandal sya sa headboard ng kama at nakatitig sa cellphone na binigay ni Coleen.

Hinihintay ang reply ng dalaga.

Pero hindi ito nagreply, bagkus ay tumawag.

Agad na sinagot ni Valerie ang tawag ng kaibigan.

"Hello. " sabi nya.

"Hi sis. " masiglang bati ni Coleen.

Napangiti si Valerie.

"Hello ! Okay ka lang dyan ? " tanong nya.

"Yup, ikaw ? " balik tanong ni Coleen.

"Okay lang, eto nakahiga na. Nagpapaantok na lang. " sagot ni Valerie.

"Hmm, si Kakay ? " tanong ni Coleen.

"Oh, malamang tulog na yon. Uhm, yung kuya mo ? mahinang tanong ni Valerie.

Napangiti ng maluwang si Coleen at sinulyapan ang nakatikod na kapatid.

"Ah, okay lang sya. Bakit ? Miss mo ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"A-ano bang sinasabi mo, nasan sya ? " tanong nya.

"Ewan ko, di mo naman sya namimiss di ba? So kahit di ko na sagutin yang tanong mo, okay lang di ba? " tukso ni Coleen.

Napasimangot si Valerie.

"Okay lang kahit wag mo ng sagutin. Hmmp. " taray nya.

Napangiti ng maluwang si Coleen at tumahimik.

Natahimik din si Valerie sa kabilang linya pero di sya nakatiis.

"Nasan ba kasi sya ? " tanong nya.

Natawa si Coleen.

"Bakit ba ? Malamang nasa ospital yon o kaya sa bahay nina Tyang Amy. " sagot nya.

"Di mo man lang inalam kung okay lang sya ? Baka di pa nakakauwi yon. O kaya napano na sa daan, naku wag naman po sana. Knock on wood. " sunod sunod na sabi ni Valerie.

Lalong napangiti si Coleen.

"Okay lang yon, si kuya pa. Tinext ko naman sya eh. Sabi ko tinanong kita kung may feelings ka sa kanya. " sabi nya.

Napanganga si Valerie.

"H-ha? Sinabi mo ba yung sagot ko ? B-biro lang yon eh. " mahinang sabi nya.

..

Sa kwarto ni Coleen.

Napangisi ang dalaga at pasimpleng tinapik sa balikat ang kapatid.

Kunot noong lumingon si Caleb.

"Oh ? " tanong nya.

Sumenyas si Coleen na huwag maingay.

Ni-loudspeaker nya ang phone at patuloy na nakipag-usap sa dalaga.

"Biro lang ? Hala, sabi ko pa naman galit at gigil ka sa kanya. Dinagdagan ko pa na hindi mo sya namimiss. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"H-hala ! Si Coleen naman eh. Syempre joke lang yon ! " sambit nya.

Napangisi si Coleen.

Nacurious naman si Caleb at bumangon.

Lumapit sya sa kapatid at nakinig sa pag uusap ng dalawa.

"Eh paano yan ? Okay lang siguro yon. Tutal mukhang yun naman ang totoo di ba? " tanong nya.

..

Sa kabilang linya.

Napakagat labi si Valerie.

"H-hindi no. " bulong nya.

"What you mean na hindi ? Alin ang mali sa sinabi ko ? " tanong ni Coleen.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Nasan ba ang kuya mo ? Itext mo naman sya o kaya tawagin tapos tanungin mo kung okay lang ba sya don. Pero wag mong sabihin na ako ang nagpapatanong. " sabi nya.

"Why ? " tanong ni Coleen.

Napangiwi si Valerie.

Unti unti na syang nakakaramdam ng pagkailang.

"B-basta. " sabi nya.

"Ay, eh di wag na lang. Gusto mo ikaw na lang ang magsabi, tutal may number ka naman ni kuya di ba? Nag text sya sayo di ba? Wag mong sabihing binura mo na. " wika ni Coleen.

Umiling si Valerie.

"H-hindi, nandito pa rin yung text nya. " pag amin nya.

"Alam ko, yung may Special something. Hahaha. Kadiri talaga si kuya. " sambit ni Coleen.

Napangiti ng kimi si Valerie.

"Sweet nga eh. " bulong nya.

..

Sa kwarto ni Coleen.

Pinigilan ni Caleb ang mapangiti.

"Uy narinig ko yon. Sweet si Kuya ? " tanong ng dalaga.

Rinig nila ang pagbuntong hininga ni Valerie.

"O-oo. Responsable pa saka maaasahan. Kita mo naman na kinakaya nya ang sitwasyon ng Daddy mo. " sagot nya.

Napangiti ng maluwang si Coleen.

"Pasikat lang yon. Masama ang ugali ni Kuya noh. Laging nang aasar. Saka tamad. " paninira nya.

Umalma si Caleb dahil taliwas iyon ng mga ugali nya.

Pero sumenyas si Coleen na wag syang magulo kaya pinili nyang manahimik na lang at makinig.

..

Sa kwarto ni Valerie.

Nagkandailing iling ang dalaga.

"That's not true ! Mabait ang kuya mo. Maasahan. Saka m-malambing pa. " pag amin nya.

"Hmm, kung makapagsalita ka, parang crush mo si kuya. " biglang banat ni Coleen.

Natigilan si Valerie.

Nais nyang tumanggi at pagtakpan ang nararamdaman pero naisip nyang kung itatago nya ito ng itatago, malamang na mabaliw sya.

Alam nyang delikado ang pag amin ng nararamdaman sa mismong kapatid ni Caleb, pero hindi nya maintindihan ang sarili sa mga oras na iyon.

Parang nais nyang isambulat ang kanyang saloobin at si Coleen ang tanging taong makikinig sa mga sentimyento nya.

Huminga ng malalim si Valerie.

Ngumiti at tinanggap na sa sarili ang nararamdaman.

"S-siguro nga. " pag amin nya.

..

Sa kwarto ni Coleen.

Di na napigilan ng dalaga ang impit na pagtili.

"Ayyyeeeeee, umamin ka rin ! Huli ka ! " tili nya.

Bagama't di maitago ang ngiti sa mukha ni Caleb, sinaway nya ang kapatid sa pangambang baka magising ang kanilang ina na nasa tabi tapat lamang ng kanilang kwarto.

"W-wag mong sasabihin yan sa kapatid mo. Siguradong aasarin ako non, o kaya b-baka mailang sya. " mahinang sabi ni Valerie.

Hinamig ni Coleen ang sarili at sinabunutan ang kapatid.

"Syempre hindi no. Di ko na kailangang gawin yon. " sabi nya.

..

Sa kwarto ni Valerie.

Di rin maiwasang mapangiti ng dalaga.

Sa wakas ay naamin na rin nya ang feelings para kay Caleb at masaya sya na sa mismong kapatid nito nya unang nasabi ang nararamdaman.

Pero bigla syang natigilan ng mapag isipan ang huli nitong sinabi.

"A-ano kamo ? B-bakit di mo na kailangang gawin yon ? " tanong nya.

"Kasi alam na ni kuya. " mabilis na sagot ni Coleen.

Napanganga si Valerie at pinilit ang sariling tumawa.

"Ikaw talagang bruha ka. W-wag mo nga akong biruin. Eto nga't ninenerbyos na eh. " inis na sabi nya.

"No, i'm not joking. Alam na ni kuya ang sinabi mo, at sa maniwala ka o hindi, parehas lang kayo ng sinabi kani kanina lang. " pag amin ni Coleen.

Napanganga si Valerie.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong nya.

Ilang segundo ang lumipas bago may nagsalita sa kabilang linya.

"Ang ibig sabihin ni Coleen, parehas lang tayo ng nararamdaman. Nauna lang akong umamin sa kanya. " boses ni Caleb.

Natulala si Valerie at unti unting nanlaki ang mga mata.

"C-caleb. " bulong nya.

"Yes baby. It's me. Gusto din kita at wala ka ng takas sakin dahil recorded ang sinabi mo. " sambit ng binata.

Dahan dahang binaba ni Valerie ang cellphone sa kama.

Sinubsob nya ang mukha sa unan at ubod ng lakas na tumili.

ITUTULOY !!!