Ika labing walong Pahina

"Hello Val ? Still there ? " tawag ni Caleb mula sa cellphone.

Narinig ito ni Valerie pero di nya magawang magsalita.

Maraming syang nais sabihin at itanong sa binata, ngunit tila naglock na ang kanyang panga at permanente na itong nakangiti.

Mabuti na lamang at walang nakakakita sa kanya dahil siguradong uulanin sya ng katakut takot na pang aasar.

..

"Val ? Anyare ? " muling tawag ni Caleb.

Huminga ng malalim si Valerie at pilit na kinalma ang sarili.

Hinawakan nya ang dibdib at parang tangang kinausap ang puso.

"Please, wag ka namang magwala. " pakiusap nya.

Ngunit maging ang kanyang puso ay tila nagdidiwang sa narinig mula sa binata.

Parang nais nitong tumalon palabas ng dibdib at magsasayaw sa saliw ng maharot na musika.

..

Tiningnan ni Caleb ang kapatid sa kanyang tabi.

"Wala na ata ? Ayaw magsalita eh. " sabi nya.

"Nako kuya, andyan lang yan. Syempre kung ako ang nasa kalagayan nya, malamang na matutulala din ako. Umamin ka ba naman sa kanya eh. Tapos nabuking mo pa sya. Hala, baka nga bumubula na yung bibig nyan sa kilig eh. " pang aasar ni Coleen na tinapat sa cellphone ang bibig para marinig ng dalaga sa kabilang linya.

Biglang nagsalita si Valerie para idepensa ang sarili.

"Hoy Coleen ! Grabe ka naman, di naman bumubula ang bibig ko no ! " mataray na sagot nya.

Napangisi si Coleen.

"Eh ano lang ? Namimilipit ka lang dyan sa kilig ? " pang aasar pa nya.

..

Napasimangot si Valerie.

Tila may magic si Coleen at nagagawa nitong mabasa ang kanyang mga galaw.

"Ewan ko sa inyo. Pinagtitripan nyo ko ! Ibababa ko na nga to ! " pilit nyang tinatakpang ng inis ang boses para hindi sya asarin ng dalaga.

Agad namang nagsalita si Caleb.

"Hey wait. Hindi kita pinagtitripan no. Totoo yung sinabi ko. " singit nya.

Muling natulala si Valerie.

"A-ano nga ulit yung sinabi mo ? " tanong nya.

"Na gusto kita. " mabilis na sagot ni Caleb.

Pinatulis ni Valerie ang nguso, hindi dahil sa naiinis sya kundi dahil sa ayaw nyang magkorteng ang ngiti sa kanyang bibig.

"Ewan ko sayo. " bulong nya.

"Eh ikaw ? Totoo ba yung sinabi mo ? " masuyong tanong ni Caleb.

Tuluyan ng pinakawalan ni Valerie ang ngiti.

"Wala akong sinabi. " sagot nya.

"Ganun ba ? Coleen, paki play nga yung sinabi nya kanina. Dun sa part na inamin nya ang pagsinta nya sa pogi mong kuya. " sabi ni Caleb.

Agad namang nagsalita si Coleen.

"Right away ! " mabilis na sagot ng dalaga.

Napapikit si Valerie.

Kinagat nya ang ibabang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman.

"Wala kayong ebidensya. " pakikipag asaran nya.

Natawa si Caleb.

"Talaga lang ha ? Final answer mo na ba yan baby ? " tanong nya.

Parang idinuyan sa alapaap si Valerie sa narinig na endearment mula sa binata.

Nais nyang ipaulit ang sinabi nito pero nahihiya syang mag request.

"Baket ? " tanong nya.

"Kasi, kung talagang buo sa paninindigan mo na wala kang sinabi na gusto mo rin ako. Pwede ko sigurong ipasuri sa mga eksperto itong recorded voice mo. " sabi ni Caleb.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Sino naman yang eksperto na yan ? " tanong nya.

"Sino pa, eh di sina Kakay pati na family mo. " mabilis na sagot ni Caleb.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Calebrador ! " sigaw nya.

..

Sa kabilang linya.

Biglang bumunghalit ng tawa si Coleen sa narinig na tinawag ni Valerie sa kapatid.

"HAHAHAHAHAHA, nice one Val. Kung makita mo yung pagngiwi ni kuya nung binanggit mo yung name nya. Para panlaban sa engkanto yung pangalan nya. HAHAHAHAHA " tawa ng tawa ang dalaga.

Di maiwasang mapailing ni Caleb.

"Pwede ? Wag mong babanggitin ng madalas yung name ko ? Nakakawala ng appettite eh . " biro nya.

Tumawa si Valerie.

"Haha, eh sa yun ang name mo. Saka ang cute nga eh. Ang sarap ulit ulitin. CALEBRADOR !" pang iinis nya.

Napangiti si Caleb.

Imbes na mainis ay tila musika sa kanyang pandinig ang boses ng dalaga.

Para sa kanya, ang pagtawa ni Valerie ay ang pinakamalambing na pagtawa na kanyang narinig.

Ramdam nya ang pangungulila sa dalaga sa mga oras na ito.

Parang nais nyang lumabas ng bahay at sugurin ito sa kanila.

..

"Oh bakit di ka na nagsalita ? " tanong ni Valerie.

Si Coleen ang sumagot.

"Nagdaydream na si kuya. Kaw kasi Val eh. Masyado mo syang pinakilig. " biro nya.

Natawa din si Valerie.

"Hala, anong nakakakilig sa sinabi ko ? Eh inaasar ko nga sya. " sabi nya.

"Ganyan talaga pag inlababo. Yeeeee, sabihin nyo lang kung matutulog na ako. Para pwede na kayong maglandian. " biro ni Coleen.

Napangiti si Valerie.

"Wag kang matutulog, baka kung anong sabihin sakin ng kuya mo. Atleast kapag gising ka, may saksi. " ganting biro nya.

"Haha, I'm so happy for you two. Sige marunong din naman akong makahalata. Di ako tulad ni Kuya Rom na nuknukan ng epal. Marunong din akong makisama. Go Kuya, Go sis ! Paggising ko dapat may pamangkin na ko ha. HAHA. " sambit ng dalaga.

Di maiwasang matouch ni Valerie.

Hindi pa man sila ng kapatid nito ay tanggap na sya.

"T-thank you sis sa pagtanggap. " wala sa loob na sabi nya.

Biglang tumili si Coleen.

"Hala kuya ! Thanks daw sa pagtanggap oh ! It means na tinatanggap na nya yung idea na magiging magkapatid kami ! WAAAAA MAmamatay ako sa kilig sa inyong dalawa. Dapat dito recorded talaga. Weeeeeeeeeeeeeeeeeeee " sambulat ng dalaga.

Namula ang mga pisngi ni Valerie.

Pero di na nya binawi ang sinabi dahil wala namang mali.

Naisatinig lamang nya ang kanyang nararamdaman kaya wala naman sigurong masama.

..

Tila napagkit na sa mga labi ni Caleb ang pagngiti.

Sinaway nya ang kapatid.

"Sssh, honey wag kang maingay. Baka magising si Mom. Sige ka. " saway nya.

Tumigil si Coleen sa kakatili pero nananatili syang gumugulong.

"Grabe grabe grabeeeeee. " impit na tili nya.

Natatawa si Caleb.

Masayang masaya ang pakiramdam nya.

Parang matagal na panahon na rin na di nya nararanasan ang ganitong pakiramdam.

"Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas. " masuyong sambit ni Caleb.

Ngumisi si Coleen.

"Huussss, gusto nyo lang magsolo ni Val eh. Pero okay lang. Masaya ako para sayo kuya. Sige matutulog na ako. I love you kuya. " lambing nya at hinalikan sa pisngi ang kapatid.

Napangiti si Caleb.

"I love you too sis. Sweetdreams. " sabi nya.

Nakangiting humiga si Coleen.

Tumalikod sya sa kapatid at niyakap ang isang malaking unan.

..

"Anyare na ? " tanong ni Valerie.

"Pinatulog ko lang si Coleen. Ang ingay kasi eh. Istorbo. " sabi ni Caleb.

Natawa si Valerie.

"Grabe, di naman sya istorbo. Ang cute nga nya eh. " sabi nya.

"Yeah, tuwang tuwa kasi sya. Mukhang magkakaroon na sya ng kapatid na babae. " bulong ni Caleb.

Natigilan si Valerie.

Nais nyang sumigaw pero pinigilan nya ang sarili dahil tulog na ang mga tao sa kanila.

Pinili na lamang nyang yakapin ang isang unan at duon ibuhos ang kilig.

"Ok lang naman sakin eh. Gusto ko rin syang maging sister. " sabi nya.

"Really ? Mangyayari lang yon kapag kinasal na tayo. " wika ni Caleb.

Tila automatikong nakapagkit na sa mga labi ni Valerie ang ngiti.

"Kasal agad ? Di ka pa sinasagot eh. " bulong nya.

Rinig nya ang pagtawa ni Caleb.

"Di pa ba? Eh umamin ka na eh. " sabi nya.

"Eh ano ? Ang lagay eh ganun ganun na lang ? " tanong ni Valerie.

"Hmm, syempre hindi. Ikaw ang masusunod. Kahit anong ipagawa mo saken. Basta wag lang yung buwis buhay ha ? Gusto ko pang maranasan ang sarap ng buhay kasama ka. " lambing ni Caleb.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

Kinagat nya ang unan at impit na tumili.

Ilang segundo din ang lumipas bago sya nakasagot sa sinabi ng binata.

"H-hindi naman aabot sa ganun. " sabi nya.

"Hmm, ano bang gusto mong gawin ko ? Gusto mong ipagsiwagan ko sa harap ng maraming tao na mahal kita ? " tanong ni Caleb.

Nabigla si Valerie narinig.

Parang di nya inaasahan na aabot sa pagmamahal ang nararamdaman ni Caleb sa kanya.

Parang di kapani paniwala na ang isang tulad nito ay iibig sa isang tulad nya.

"C-caleb. " sabi nya.

"Yes I know, nakakabigla no ? Maski ako nagugulat din sa nararamdaman ko. Pero yun ang totoo, ayaw kong magpakaipokrito. Ayaw kong lokohin ang sarili ko. " sabi ng binata.

Sunod sunod na napalunok si Valerie.

"B-baka nabibigla ka lang. Baka sinasabi mo lang yan kasi ako ang nakakasama mo sa mga problema mo. " malungkot na sabi nya.

"Tulad ng sinabi ko sayo, ayaw kong lokohin ang sarili ko. Matanda na ako Val, alam ko na kung ano ang kahulugan ng pagmamahal. Saka wag mo naman akong maliitin, hindi dahil sa ikaw ang nakakasama ko at nakakaramay sa mga problema ko, mahal na kita. Hindi ako ganun Val. Masaya ako kapag kasama kita. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ako ngumingiti. Kapag di tayo magkasama, parang gusto kong hilahin ang oras para lang muli kitang makita. " litanya ng binata.

Di maiwasang mangilid ang luha sa mga mata ni Valerie.

"C-caleb. " bulong nya.

"Are you crying ? " tanong ni Caleb.

"N-no. " palusot nya.

"Sssh, wag kang magpalusot. Please, don't cry. I will do my best to make you smile. " taos pusong sabi ng binata.

Lalong naiyak si Valerie.

"M-mayaman kayo. Mahirap lang kami. H-hindi ako matatanggap ng Mommy mo. " sabi nya.

"Trust me. Sa lahat ng tao, si Mommy ang alam kong makakaunawa sa atin. Mabait ang nanay ko, tulad ng mga magulang mo. " sagot ni Caleb.

Huminga ng malalim si Valerie at tumingala.

"T-thank you. " bulong nya.

"For what ? " tanong ni Caleb.

"Di yon para sayo no. " taray ng dalaga.

"Ay, sorry. " malungkot ang boses ng binata.

Napangiti si Valerie.

"Para yon kay Papa J. " sabi nya.

"Oh bakit ? " tanong ni Caleb.

Ngumiti ng maluwang si Valerie.

"Kasi umabsent ka. " sagot nya.

"Anong konek ? " tanong ni Caleb.

"Kasi nung umabsent ka, inalam ko yung dahilan. Alam kong matalino ka pero nagtataka ako kung bakit parang ayaw mong mag aral. Then nalaman ko ang dahilan. Kaya tayo magkausap ngayon. " malambing na sagot nya.

Natahimik si Caleb.

Ilang sandali din ang lumipas bago sya nagsalita.

"It's destiny. Nakatadhana ka na sakin. " bulong nya.

Napangiti si Valerie ng matamis.

"Well, siguro nga. Uhm, si Coleen ba tulog na ? " tanong nya.

"Yeah. Why ? " tanong ni Caleb.

"Wala lang. Gusto ko lang ding magpasalamat sa kanya. " sagot ni Valerie.

"Ah. May next time pa naman. " nakangiting sabi ni Caleb.

"Okay. " wika ni Valerie.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

Marami silang nais sabihin pero ayaw nilang biglain ang isa't isa kaya pinili na lamang nilang damahin ang katahimikan.

"Val. " bulong ni Caleb.

"Yes ? " ganting bulong ni Valerie.

Huminga ng malalim ang binata.

"W-wala. " sabi nya.

Wala sa loob na napangiti si Valerie.

"Caleb. " bulong nya.

"Yes ? " sagot ng binata.

"Wala. " panggagaya ni Valerie.

Natawa si Caleb.

"Gaya gaya. " sabi nya.

"Pake mo. Walang basagan ng trip. " nakangiting sabi ni Valerie.

Napangiti ng matamis si Caleb.

"It's late. May pasok ka pa tomorrow. " masuyong sabi nya.

"Okay. Matulog ka na rin. " wika ni Valerie.

"Sige mauna ka na. Dito lang muna ako. " sabi ni Caleb.

"Why ? Di ka pa ba inaantok ? " tanong ng dalaga.

"Inaantok na rin, pero babantayan muna kita. Hanggang sa makatulog ka. " banat ng binata.

Halos mawasak ang pisngi ni Valerie dahil sa lawak ng kanyang pagngiti sa sinabi nito.

"Dami mong alam. Sige na matulog ka na rin. " tanging nasabi nya.

"Hmm, gusto mo sabay tayo ? " tanong ni Caleb.

"Okay lang. " pacute na sabi ni Valerie.

"Okay lang ? Parang napipilitan ka lang. Wag na nga. " kunwaring nagtatampong wika ni Caleb.

Napangiting muli si Valerie.

"Sus, nagtampo pa. Oh sige, sabay na tayong matulog. " sabi nya.

"Kunwari tabi tayo. " bulong ni Caleb.

Kinilig si Valerie pero pinigil nya ang sariling tumili.

"Ewan ko sayo. Dami mo talagang paandar eh. " sabi nya.

"Ayaw mo ba akong makatabi ? " tanong ni Caleb.

Napangiti ng lauwang si Valerie.

"Ayaw kong katabi ang malikot matulog. " sabi nya.

"Paano yan ? Di ko malikot ? So papayag kang ng tabi tayo ? " tanong ng binata.

"Ewan. Matutulog na ako. " sambit ng dalaga.

"Ganun ba? Sige sa sahig na lang ako. " malungkot ang boses ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"Dami mong arte, tabihan mo na ko. " pagalit na sabi nya.

"YES ! Tabi kaming matulog. Usog ka baby, yakapin kita. " bulong ni Caleb.

Halos tumulo na ang laway ni Valerie dahil sa ayaw mawala ng ngiti sa kanyang mga labi.

"S-sige. Wag kang manghipo ah. " banta nya.

"Sure. Pero okay lang kahit hipuan mo ko. " banat ni Caleb.

"Mukha mo. Matulog ka na nga ! " sambit ni Valerie.

"Biro lang. Tara tulog na tayo. Goodnight baby. Sweetdreams. " bulong nya.

"Goodnight. Sweetdreams din. " sagot ni Valerie.

Biglang bumuntong hininga si Caleb.

"Hayy. Ang dry naman ng goodnight mo. " pahabol nya.

"Hmmp. Ano bang gusto mo ? " tanong ni Valerie.

"Sige okay na yon. Ayaw ko namang dinidiktahan ko pa kung anong gagawin mo. Goodnight na po. " nagtatampong paalam ni Caleb.

Humagikgik si Valerie.

"Tampururot. Hmm. Goodnight baby. Sweetdreams. " malambing na sabi nya.

"Parang napipilitan lang. " sambit ni Caleb.

"Choosy ka pa ? " taray ng dalaga.

Agad namang bumawi si Caleb.

"Hindi. Okay na yon. Goodnight baby. Teka teka. Dapat may kiss ah. " pahabol nya.

Napangiti na naman si Valerie.

"Dami mong request ah " reklamo kunwari nya.

"Talaga naman eh. Kiss muna bago tulog. " pagdedemand ni Caleb.

"Pwersahan na to ah. " biro ng dalaga.

"Ayaw mo ba ? Sige okay lang. " nagtatampong tanong ni Caleb.

"Nagdrama pa. Oh sige na. Muah ! " sagot ni Valerie.

"Sarap. Saan yon ? " tanong ng binata.

"Syempre sa pisngi ! " sagot ni Valerie.

"Ay, akala ko sa lips. " napabuntong hininga pa si Caleb.

"Oy ayaw ko no. " awat ng dalaga.

"S-sorry. Napasobra na ata ako. " mabilis na sabi ni Caleb.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

"Ayaw ko sa phone. " pahabol nya.

Natulala na lang si Caleb at di nakapagsalita sa narinig mula sa dalaga.

ITUTULOY !!!