Ika - labintatlong Pahina

Umaga.

Abala sa pakikinig ang mga estudyante sa kanilang class adviser na si Mrs. Senining.

Pinag- uusapan nila nag nalalapit na foundation day ng kanilang eskwelahan.

"So, sa susunod na buwan ay gaganapin ang anibersaryo ng ating eskwelahan. At nagkaroon ng bunutan sa faculty kanina lang. Medyo minalas lang ako ng konti. " nakangiwing bungad ng guro.

Nacurious ang mga estudyante.

"Bakit po Ma'am ? " tanong ni Yohan.

Napakamot sa batok si Mrs. Senining.

"Well, how can I put this. Nabunot ko lang naman is a play. Gagawa tayo ng isang play. " sagot nya.

Sumingit ang isang estudyante.

"Play lang pala Ma'am eh. " sagot nya.

"Yeah, play lang. Nothing to be scared. It's just that, sa stage lang naman kayo magtatanghal. " sambit ni Mrs. Senining.

Napanganga ang halos lahat ng estudyante.

"S-stage ? B-bakit po dun Ma'am ? " tanong ni Cheska.

Napangisi ang guro.

"Malas nga di ba ? May mga guest na invited. Our mayor will be there too. Pati yung ibang graduates from this school " sagot nya.

Lalong nagulat ang mga estudyante.

Nagtaas ng kamay si Yohan.

"Ma'am, may we know what's the theme ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Mrs. Senining.

"Well, Since na natanong mo na. Our play will be one of Shakespeare's masterpiece. Romeo and Juliet. " sagot nya.

Nagkaroon ng bulung bulungan.

Kanya kanyang diskusyon ang mga estudyante.

Muling nagtaas ng kamay si Yohan.

"Ma'am, I think it's better if we plan it na po. Para mas ready tayo. " suhestyon nya.

Ngumiti ang guro.

"Yeah, of course iho. First, kailangan nating mag assign ng leader. Hmm. Mas maganda siguro kung botohan na lang. What you think ? " tanong nya.

Siniko ni Cheska ang kaibigan.

"Bebs, ikaw na lang mag leader. " sabi nya.

Nagkandailing agad ang dalaga.

"Ayoko nga ! Baka wala pang kahinatnan yung play natin kung ako ang mag le-leader. " biro nya.

Natawa din si Cheska.

"Ako na lang ? " tanong nya.

Napangisi si Valerie.

"Sige. Gusto mo yan ah. Ma'am, si Cheska may sinasabi po. " sabi nya.

Natatawang inawat ni Cheska ang kaibigan.

"Tangek biro lang. " wika nya.

Tumingin si Mrs. Senining sa magkaibigan.

Maya maya ay napangiti.

"Hmm, I think we have a Juliet here. " sabi nya.

Nacurious ang mga estudyante.

"Sino Ma'am ? " tanong ni Yohan.

Natatawang napailing na lang ang guro.

"Nope, biro lang. Kayo na ang bahala. Kayo na rin siguro ang mag assign kung sinong gagawin nyong leader. Bago kayo umuwi, pag usapan nyo na yan. If ever you need me, nasa faculty lang ako. So, goodluck kids. Make me proud. " nakangiting paalam nya.

Nagsitayuan ang mga estudyante para magpaalam sa guro.

"Byee Ma'am. " sabay sabay nilang bati.

Akamng lalabas na si Mrs. Senining ng bigla syang may naalala.

Muli nyang nilibot ang tingin sa buong silid.

"Muntik ko na nga palang makalimutan, the other section held by Mrs. Legazpi, may mga kakilala ba kayo don ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng ibang mga estudyante.

"Bakit po Ma'am ? " tanong ng isa.

Nagkibit balikat ang guro.

"Since na may invited tayong mga guest, they've decided to make the foundation a little bit more, uhm challenging. " sabi nya.

"What you mean Ma'am ? " tanong ni Yohan.

Sumeryoso ang mukha ni Mrs. Senining.

"Well, since nga na may mga honorable guests tayo, nag decide ang faculty na lagyan ng prize ang mananalo. " sagot nya.

Namangha ang mga estudyante.

Nagtaas ng kamay ang isa.

"Akala ko po Ma'am, tayo lang ang nakabunot ng play ? " tanong nya.

Tumango si Mrs. Senining.

"Yes iha, tayo lang. Pero hindi lang ako ang bumunot remember ? May nakabunot ng dance at singing. Kahit ano, basta maaliw daw ang mga guests. Pero nilagyan nga nila ng challenge, para daw pagbutihan ninyong lahat. " sagot nyang muli.

Na excite ang iba.

"Magkano po ? " tanong ng isa.

Kinalkal ni Mrs. Senining ang dalang bag at naglabas ng isang sobre.

Binuksan nya ito at muling binasa.

"Ang mapipiling pagtatanggal sa araw ng anibersaryo ng eskwelahan ay makakatanggap ng halagang labin limang libong piso bilang pabuya. Hindi ito bayad para sa inyong ginawa, kundi kapalit ng inyong pagpupursigi para mapalawig ang inyong pagtutulungan at pakikisalamuha sa bawat isa. Nawa'y magkaroon ng patas at masayang kompetisyon para sa lahat. " sabi ng guro.

Nagkaroon ng bulung bulungan sa loob ng klase.

Kanya kanyang argumento sa narinig mula sa kanilang adviser.

Sumingit si Valerie.

"Ma'am. Ano pong meron kay Mrs. Legazpi ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim ang guro.

"Hayyy, wala lang. Narinig ko lang naman sila kanina bago ako magpunta dito. Pinagpaplanuhan na nila kung anong gagawin sa premyo. " sagot nya.

Napasimangot ang iba.

Maging sina Cheska ay nakaramdam ng inis.

"Wow ah, parang sure na silang sila ang mananalo. " sabi nya.

Tumango tango si Mrs. Senining.

"Yeah. Nakakainis man pero wala tayong magagawa. Kilala ko si Mrs. Legazpi, hindi kwestyon sa kanya yung premyo, kundi yung pagkapanalo. Achievement yon hind lang para sa section nila kundi para na rin mismo sa kanya bilang teacher. At ayon sa usap usapan, si Mrs. Legazpi daw ang tipo ng taong hindi basta basta nagpapatalo. Yung tipong gagawin ang lahat para lang manalo. Kahit pa gastusan nya ito mula sa sarili nyang bulsa. " dagdag pa nya.

Natahimik ang mga estudyante.

Nakaramdam ng lungkot at kawalan ng pag asa.

Napansin naman ni Mrs. Senining ang pagbabago ng mood ng kanyang mga alaga kaya agad nyang pinalakas ang loob ng mga ito.

"Hey hey hey. What's with the sad face ? Tapos na ba ang competition ? Wala pa di ba? Mahaba pa ang oras nyo. Wala kayong ibang gagawin kundi magtulungan at i-enjoy ang play. Wag nyong isipin ang premyo. Ang isipin nyo ay yung mabubuong samahan sa pagitan ng bawat isa sa inyo. Dun pa lang eh masasabi ko ng panalo na agad kayo. Kaya cheer up ! Dapat happy ! Bawal ang sad !. " biro nya.

Napangiti ang iba.

"So paano ? Bago kayo umuwi, pag usapan nyo na ang set up nyo. Mas maganda kung kumuha kayo ng mga mas may experience, like your ate or kuya. If ever na may kailangan kayo. Wag kayong mangingiming lumapit. Kahit ano, kahit pera basta kaya ko. Gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo pero wag nyong kalilimutan na i-enjoy. Good luck guys. Have a nice day. " paalam ng guro.

..

Maya maya ay lumabas na si Mrs. Senining sa classroom.

Tumayo si Yohan at naglakad patungo sa harap.

"As your class president, siguro naman hindi kayo magagalit kung ako na ang tatayong leader sa gagawin nating play ? " tanong nya.

Napaismid si Cheska.

"Nandyan ka na eh, ano pa nga bang magagawa namin ? " bulong nya.

Natawa si Valerie at pasimpleng sinaway ang kaibigan.

"Wag ka ngang maingay dyan. Ayos nga yan eh. Sya na ang mag lead para may chance tayo. " sabi nya.

"Chance ? Bakit ? Anong alam nyan ? Eh puro libro at computer lang ang inaatupag nyan eh. " sambit ni Cheska.

Hinarap ni Valerie ang kaibigan.

"So ? Ayos nga yon eh, at least marami syang alam. Di tulad mo na diring diring humawak ng libro. " pang aasar nya.

"Oy hindi ah. Ay Val, tawag ka ata. " bulong ni Cheska.

Napalingon si Valerie kay Yohan.

"Yes ? " tanong nya.

Ngumiti ang binata.

"Would you like to play Juliet ? " tanong nito.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"A-ayaw ko. Sa props na lang kami ni Cheska. " sagot nya.

Napangiti si Yohan at marahang lumapit sa magkaibigan.

Tiningnan nya ang mga kaklase.

"May tutol ba sa inyo kung si Valerie ang gagawin nating Juliet ? " tanong nya.

Marahas na napalingon si Valerie at ginala ang tingin sa paligid.

Walang tumutol.

Bagkus ang iba ay nag thumbs up pa at tumango.

"Tama si Val na lang. " sabi ng isa.

"Maganda naman si Val eh. " dagdag pa ng isa.

Napangisi si Yohan.

"See ? Majority wins Val. " sabi nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

Sinulyapan nya ang kaibigan.

"Hoy, tulungan mo nga ako. Hindi ako marunong umarte !. " bulong nya.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Lahat na sila nagdecide. As if may magagawa kami kung ayaw mo. " sabi nya.

Napaisip si Valerie.

Tinignan nya ang binata sa harap.

"Y-yohan. H-hindi kasi ako marunong umarte. Pwede bang iba na lang ? Sa props na lang kami ni Cheska. " sabi nya.

Ngumiti ng masuyo ang binata at hinawakan sa kamay si Valerie.

Nagulat ang dalaga sa ginawa nito.

Maging si Cheska ay napatingin sa mga kamay nilang magkahugpong.

"Val. Matalino ka at talentend. I'm sure na kaya mo yan. Just trust in yourself. For sure na magiging maganda ang play kung ikaw ang magiging bida. " malumanay na sabi ni Yohan.

Pasimpleng binawi ni Valerie ang kamay.

"P-pag iisipan ko muna. " sabi nya.

Ngumiti si Yohan at tumango.

"Sure. Pero sana bilisan mo para ma-set na natin yung practice. Right classmates ? " tanong nya.

Tumango ang mga kaklase nila.

Muling napaupo si Valerie at hinarap ang kaibigan.

"Kakay ! Anong gagawin ko ? " pabulong na tanong nya.

Nagkibit balikat lang si Cheska.

"Aba ewan ko. Karma yan sa mga pang aapi mo saken. " biro nya.

Napasimangot si Valerie.

"Sige, lokohin mo pa ko. Di ko na nga alam ang gagawin ko eh. " sabi nya.

Natawa si Cheska at tinawag si Yohan.

"Yohan, sino naman ang gaganap na Romeo ? " tanong nya.

Ngumiti si Yohan at inayos suot na polo.

Marahan pa syang tumikhim at pinapungay ang mga mata.

"Sino pa ba ? Ako lang naman ata ang babagay na Romeo dito sa classroom. For sure na hindi tatanggi ang mga kaklase natin. " sabi nya.

Natahimik si Cheska.

Natulala naman si Valerie.

Walang nagsalita.

Napangiti si Yohan.

"See ? Walang tumututol. So Val, wala akong gagawin mamaya. Pwede akong sumabay sa inyo ni Cheska para malaman ko ang bahay nyo. You know, para masanay na tayo sa company ng isa't isa at maging smooth ang pag arte natin. " sabi nya.

Napanganga na lang si Valerie.

"A-ah. M-may pupuntahan pa kami. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Yohan.

"Where ? Sasamahan ko na kayo. " wika nya.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

"Hoy ! Tulungan mo naman ako. " bulong nya.

Tiningnan ni Cheska ang binata.

"Siguro mas fair kung bukas na tayo mag decide kung sino ang gagawin nating Romeo. Kapag kumpleto na ang mga lalaki sa classroom. Para naman fair sa kanila di ba? " tanong nya.

Nagtaka ang iba.

"Wala namang absent ah ? " tanong ni Yohan.

Napatingin din si Valerie.

"Oo nga. Kumpleto ang boys. " bulong nya.

Ngumisi si Cheska.

"Nope. Nakakalimutan nyo na ba si Caleb ? Kaklase natin sya at hindi pa sya officialy drop. Right Val ? " tanong nya.

Dahan dahang napangiti si Valerie.

"T-tama. Si Caleb pa. Unfair sa kanya kung hindi natin sya isasali since na kaklase pa rin naman natin sya. " sagot nya.

Tinaas ni Yohan ang kamay.

"Caleb ? Sino ? Yung absenero ? Eh di mo nga alam kung papasok yon eh. Malay ba natin kung ano na ang nangyari dun sa unggoy na yon. " nakangising sabi nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie at mabilis na tumayo.

Isa isa nyang niligpit ang mga gamit.

"Tara na Ches. May dadaanan pa tayo. " sabi nya.

Tumango si Cheska at iniligpit na rin ang mga gamit.

"Sige. Samahan mo muna ako sa CR, iihi lang ako. " wika nya.

Lumapit si Yohan.

"Val. San ka ba pupunta ? Samahan ko na kayo. " sabi nya.

Umiling si Valerie.

"Wag na Yohan. Umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka na ng nanay mo. " sarkastikong sabi nya.

Bumungisngis si Cheska.

Natigilan naman si Yohan.

"V-valerie naman. " tanging nasabi nya.

Hinawakan ni Valerie ang kamay ni Cheska.

"Tara na. " sabi nya.

Magkasabay na lumabas ng classroom ang dalawa.

Naiwan si Yohan na tulala.

Pero unti unting nagsalubong ang mga kilay nya dahil sa lantarang pagtanggi ng dalaga.

..

Sa ospital.

Isa isang kinwento ng magkaibigan ang mga kaganapan sa eskwelahan.

"Yun nga ! Kaya kailangan mong pumasok bukas kung ayaw mong mahawakan ng ibang kamay si Val ! " sambit ni Cheska.

Kinurot ni Valerie ang braso ng kaibigan.

"Ano bang sinasabi mo ? " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

"I can't promise. Kahit na ako ang mapiling Romeo, malalagay lang sa alanganin ang gagawin nating play. I have to stay here remember ? Walang kasama si Tyang kapag umalis ako para sa practice. " malungkot na sabi nya.

Nalungkot din si Valerie.

Naisip na nya ang sitwasyon ni Caleb pero hindi nya pa rin maiwasang makadama ng panghihinayang.

Ngunit hindi sumuko si Cheska.

"Kung gusto mo, ako ang papalit sa'yo habang nag papractice kayo. Hindi naman buong maghapon yon eh. Mga 2 to 4 hours lang per day siguro. Okay lang sa akin. " sabi nya.

Napangiti si Caleb.

"Salamat na lang Kakay. Pero ayaw kong maabala ka pa. Alam kong kasali ka rin sa Play. " sabi nya.

Napahinga ng malalim si Cheska.

"Haayyyy. Ano ba yan !. " bulalas ng dalaga.

Ngumiti ng malungkot si Valerie.

"Kamusta na si Tito Gab ? " tanong nya.

Malungkot ring napangiti si Caleb.

"Same old him. No changes. Pero stable pa rin ang vitals nya. Hindi pa lang nga sya nagigising. If ever namang magising sya, hindi ko rin alam kung saan ako kukuha ng pang opera at donor ng heart. " sabi nya.

Yumuko si Caleb at pasimpleng hinilot ang sentido.

Nagkatinginan sina Valerie Cheska.

Nakaramdam ng awa para sa binata.

..

Maya maya ay napansin ni Cheska na kalabisan na sya sa eksena.

Kaya mabilis syang nag isip ng dahilan.

"Teka nga. Nagugutom ako. Bibili lang ako ng makakakin ha ? " sabi nya sabay tayo.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

"Bilisan mo. Wag kang gumala at magdidilim na. " sabi nya.

Ngumisi si Cheska.

"Sigurado ka bang gusto mong bilisan ko ang pagbalik ? Ikaw Caleb ? " tanong nya.

Natawa ng mahina si Caleb.

"Tagalan mo. " sabi nya.

Kinilig si Cheska at tumango.

"Sige sige." sabi nya sabay nagmamadaling lumabas ng pinto.

Pero bago tuluyang isara ni Cheska ang pinto, nginitian nya muna ang mga kaibigan.

"Psst, wag gagawa ng milagro. Tandaan, ang matalinong pagpaplano ay nakakatulong sa maayos at masaganang pagpapamilya. " biro nya.

"Tse !. " singhal ni Valerie.

Natatawang sinara ni Cheska ang pinto.

..

Matapos lumabas ng dalaga, namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

Tanging ang pagtunog ng aparatong nakakabit sa katawan ng ama ni Caleb ang naririnig nila.

Hanggang sa basagin ni Valerie ang katahimikan.

"A-ahm. A-ayos ka lang ? " tanong nya.

Ngumiti ng kimi si Caleb.

"So far. Okay pa naman. " sabi nya.

"M-masakit ba yung ulo mo ? " tanong ng dalaga.

Umiling si Caleb.

"Nope. I'm fine. " sagot nya.

"W-wag ka ng magtago. Alam kong sa dami ng iniisip mo, parang sasabog na yang ulo mo. " sabi ni Valerie.

Napahinga ng malalim si Caleb at napangiti.

Nagkatitigan sila ni Valerie hanggang sa ang dalaga na ang nag iwas ng tingin.

"Wag mo nga akong titigan. " reklamo ng dalaga.

Natawa si Caleb.

"Baket ? " tanong nya.

"Basta. Ikaw kaya ang titigan, kung di ka mailang. " sagot ni Valerie.

"Eh di try mo. Kahit pa magtitigan tayo magdamag. Di ako magsasawa eh. " sabi ng binata.

Natigilan si Valerie sa narinig.

Unti unting gumapang ang kiliti sa kanyang katawan pero pilit nya itong sinawata.

"E-ewan ko sayo. Ano ba ? Di ba masakit yang ulo mo ? " tanong nya.

Hinilot ni Caleb ang sentido.

"Medyo. Baket ? May gamot ka ba dyan ? " balik tanong nya.

Umiling si Valerie.

"W-wala. " sabi nya.

Natawa si Caleb.

"Wala pala eh. " wika nya.

"P-pero marunong akong manghilot. " nahihiyang dagdag ng dalaga.

Natigilan si Caleb.

Pagkatapos ay unti unting napangisi.

"Buti naitanong mo Val. Kanina pa nga ito sobrang sakit eh. " sabi nya.

Napatingin si Valerie sa binata.

"Sabi mo medyo lang ? " tanong nya.

"Syempre pa-macho effect. Pero since na marunong kang manghilot, ano pa bang itatago ko ? " nakangiting tanong ni Caleb.

Natahimik si Valerie.

Umusog sya sa dulo ng sofa.

"Dito ka. " turo nya.

Agad na tumabi si Caleb sa dalaga.

"Ganito ? " tanong nya.

Nanigas si Valerie ng biglang humiga si Caleb sa kanyang kandungan.

"T-teka. " awat nya.

"Baket ? Mas madali mo kong mahihilot kapag ganito ang posisyon natin. Saka di pa ako mangangalay kasi malambot ang unan ko." nakangising sambit ng binata.

Napasimangot si Valerie at marahang tinapik ang pisngi ni Caleb.

"Wag kang malikot. Hihilutin lang kita. Wala ng iba. " sabi nya.

Tumango ang binata.

"Okay Bebang. " biro nya.

Muling tinapik ni Valerie ang pisngi ng binata.

"Sige, mang asar ka pa. " nakasimangot na sabi nya.

Natawa na lang si Caleb at pinikit na ang mga mata.

"Sure. Baby. " bulong nya.

Natigilan si Valerie.

Nais nyang tapikin muli ang pisngi ng binata pero napaisip sya.

Dapat ba syang magalit sa tinawag nito sa kanya ?

Pero alin duon ?

Yung Bebang ?

O yung huli ?

..

Biglang dumilat si Caleb.

"Huy, ano na ? " tanong nya.

Pilit nyang kinalma ang unti unting pagwawala ng puso at niyuko ang binata.

"Kunin mo yung bag ko. " utos nya.

"Bakit ? " tanong ni Caleb.

"May lotion dyan. Bilisan mo at baka magbago ang isip ko. " taray ng dalaga.

Ngumiti si Caleb at dali daling tumayo para kunin ang bag ni Valerie.

Pahablot na kinuha ng dalaga ang bag at hinalungkat.

Ng makita ang pakay, muli nyang inabot sa binata ang bag.

Agad namang binalik ni Caleb ang gamit ni Valerie sa mesa at nahigang muli sa sofa.

Dahan dahan nyang hinimlay ang ulo sa kandungan ng dalaga.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo ? ? " taray ni Valerie.

"Wala. " nakangiting iling ni Caleb.

Nakasimangot na binuksan ni Valerie ang lotion at naglagay ng kaunti sa mga palad.

Marahang pinikit na ni Caleb ang mga mata.

..

Saglit na nag atubili si Valerie.

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa gwapong mukha ni Caleb.

Sunod sunod syang napalunok.

"Bahala nya. " sabi nya sa sarili.

Dahan dahang dumampi ang mga daliri ng dalaga sa noo ng binata.

Napasinghap pa sila pareho sa tila kuryenteng biglang dumalot sa kanilang mga ugat.

"Ang sarap Val. " bulong ni Caleb.

Napangiti ng kimi si Valerie.

Di sya sumagot, bagkus ay lalong pinagbutihan ang ginagawang paghilot sa binata.

Hanggang sa unti unti ng narelax ang mga kamay nya.

"Masakit pa ba? " tanong ng dalaga.

Ngumiti si Caleb.

Nanatiling nakapikit.

"Magaan ang kamay mo Val. Di tulad ni Tyang. Pero parehas kayo na magaspang ang mga kamay. " sabi nya.

Natigilan si Valerie.

Napasimangot dahil akala nya ay inaasar sya ng binata.

"Eh di ikaw na may malambot na kamay. " sabi nya.

Nakangiting umiling si Caleb.

"Wag kang magalit sa sinabi ko Val. Papuri yon. " sabi nya.

Kumunot ang noo ng dalaga.

"Papuri ? Anong kapuri puri kapag sinabihan ka ng magaspang na kamay ?" tanong nya.

Dinilat ni Caleb ang mga mata at tinitigan ang mga mata ng dalaga.

"Si Mom, kahit na lumaki sya sa mayamang pamilya, magaspang ang kamay nya. You know why ? " tanong ng binata.

Umiling si Valerie at nakipagtitigan.

"Bakit ? " balikt tanong nya.

Hinuli ni Caleb ang mga kamay ni Valerie at dinala sa pisngi.

Natulala ang dalaga.

Ngunit hindi sya makapagsalita.

"Kasi, si Mom ang gumagawa ng gawing bahay para sa amin ni Coleen. Sya ang nagluluto at naglalaba. Hindi nya kami pinapaubaya sa mga katulong nuon. Kaya magaspang ang mga kamay nya. Minsan, nagkwento sa akin ni Dad ang tungkol dito. Sinabi nya na maalaga daw talaga si Mom. Yun ang isa sa mga minahal ni Daddy. Dahil kahit na mayaman sila Mommy, hindi sya nangingiming maglaba at magluto para kay Dad. " kwento nya.

Namangha si Valerie.

"Wow. " sabi nya.

Ngumiti si Caleb.

"Sabi ni Dad, isa daw sa magandang katangian ng isang babae ang may magaspang na kamay. Kasi mapagmahal daw ang mga yon. Isa yon sa mga minahal ni Daddy na katangian ni Mommy. At mukhang may nakita na akong katulad ni Mom. " bulong nya.

Natulala si Valerie ng marahang dampian ng halik ni Caleb ang kanyang palad.

Pasimple syang napalunok.

Para matutuyuan ata sya ng laway sa ginagawa ng binata.

Ngunit hindi nya ito sinasaway.

Ni hindi nya binabawi ang mga kamay di tulad ng ginawa nya kay Yohan kani kanina lamang.

"Val. " marahang tawag ni Caleb.

"O-oh ? " tanong ng dalaga.

Ngumiti ang binata.

"Tuloy mo na yung hilot mo. Ang sarap eh. " sabi nya.

Napangiti si Valerie at marahang tumango.

"Sige. Pikit ka ulit. " bulong nya.

Nagkangitian sila.

Marahang pinikit ni Caleb ang mga mata habang tinuloy na ni Valerie ang paghilot sa noo at sentido ng binata.

..

Sa labas ng pinto.

Halos mapatid na ang litid nina Amy at Cheska sa kakapigil ng pagtili.

"Ayeeeee, sigurado ka bang di pa sila ? Bakit ganyan ? " tanong ni Amy.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Ewan ko nga po Tyang. Baka tinataguan lang din ako ng bruhang yan. Hay ewan ko ba. Kahit sinong makakita sa kanila, iisipin na magsyota sila eh. " sagot nya.

Tumango tango si Amy.

Marahan nyang sinara ang pinto.

"Oh uuwi na ba kayo ? Kumain ka na ba ? " tanong nya.

Ngumisi si Cheska.

"Bibili sana ako ng pagkain eh. " sabi nya.

Natawa si Amy.

"Pero inuna mo munang mamboso ? " tanong nya.

Natawa ng mahina si Cheska.

"Haha. Kakakilig grabe. Para akong nanunuod ng telenovela. " sabi nya.

Kumapit si Amy sa braso ng dalaga.

"Ay nako sinabi mo pa, may ipapakita ako sayo. Kinunan ko sila ng litrato nuong nakaraan. Ayyy talagang sobrang cute nila. Tara ipapakita ko sayo. Iwan na muna natin yung dalawa. " sabi nya.

Napangiti si Cheska at tumango.

"Sige po. " tanging sagot nya.

Sabay silang nagtungo sa canteen.

ITUTULOY !!!