Ikaanim na Pahina

Hati ang kalooban ni Valerie na ihakbang ang paa papasok sa mansyon ng mga Concepcion.

"M-magkapatid sila. " bulong nya.

Sari saring emosyon ang sumasakop sa kanyang pag iisip ng makarinig sya sitsit kung saan.

Napaangat ang tingin ni Valerie.

Sa di kalayuan ay nakita nya si Lisa na tila sya tinatawag.

Kunot noong lumapit ang dalaga sa katiwala.

"B-bakit ? " tanong ni Valerie.

"Nasan na si Senyorito ? " tanong ni Lisa.

Nagtaka si Valerie.

"Sinong senyorito ? " balik tanong nya.

"Si Senyorito Caleb. " sagot ni Lisa.

Natigilan si Valerie.

Bagama't alam na nya ang katotohanan, di pa rin makapaniwala ang dalaga.

Kahapon lang ay normal ang tingin nya sa binata, pero ngayon.

..

Bago pa masagot ni Valerie ang tanong ay nakarinig na sila ng mga yabag.

Agad na hinatak ni Lisa ang dalaga papasok sa kusina.

"A-aray. " reklamo nya.

"S-sorry. Excited lang. " bungisngis ni Lisa.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Excited saan ? " tanong nya.

Sinilip muna ni Lisa ang salas bago nagsalita.

"Dito, kasi bihira lang umuwi si Senyorito. At nangyayari lang yon kapag walang tao dito sa bahay. " sagot nito.

Nagtaka si Valerie.

"Bakit ? " tanong nya.

Natigilan si Lisa sa nasambit.

Imbes na sumagot, umalis sya sa bukana ng pinto at tinungo ang lababo.

Dinampot nya ang maruming plato at sinimulang hugasan.

Lumapit si Valerie sa babae at muling nag usisa.

"Ate Lisa. Bakit minsan lang sya umuuwi ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Lisa.

"Ang daldal ko talaga. " inis nyang sambit.

Natawa si Valerie.

"Slight lang. Pero bakit nga ate ? " tanong nyang muli.

Tiningnan muna ni Lisa ang pinto ng kusina bago hinarap ang dalaga.

"Magkagalit sila ni Senyora. " bulong nya.

Natigilan si Valerie.

Kumunot ang noo.

"Bakit ? " muli nyang tanong.

Nagkibit balikat si Lisa.

"Ewan ko kung dapat ko bang ikwento ito sa'yo. Pero dahil sa dito ka na rin nagtatrabaho, dapat na sigurong malaman mo ang sitwasyon. " sabi nya.

Agad na nagfocus si Valerie sa pakikinig.

Di nya maintindihan ang sarili pero talagang interesado sya sa kahit katiting na impormasyon tungkol kay Caleb.

Napakamisteryoso kasi ng binata.

..

"Kung mapapansin mo, magkamukha sina Coleen at Caleb. " bungad ni Lisa.

Natigilang muli si Valerie.

Bakit nga ba hindi nya agad napansin ang bagay na iyon.

Napailing na lamang sya bilang tugon sa sinabi ng katulong.

"Kasi kambal kami. " biglang singit ng boses.

Nabigla ang dalawa at agad napatingin sa bukana ng kusina.

Nakita nila si Caleb na nakasandal sa hamba.

Kinabahan si Lisa.

"S-senyorito, kakain na kayo ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb at umiling.

"Sabing Caleb na lang. Nasan si Yaya ? " tanong nya.

"N-nasa palengke ho. Namili ng pang hapunan. " kabadong sagot ni Lisa.

Nagkibit balikat lang ang binata at sinulyapan ang dalaga.

"It's past two already. Mag prepare ka na at gigisingin ko na si Coleen. " utos nya sabay alis.

Natulala si Valerie.

Parang may nagbago sa pakikitungo ng binata.

Parang hindi sya kilala nito.

..

Biglang nakaramdam ng pagkapahiya si Valerie sa sarili.

Ano bang pinagpuputok ng butsi nya ?

Ano bang inaasahan nya sa muli nilang pagkikita ni Caleb ?

Batiin ?

Kamayan ?

Yakapin ?

Tila nanlamig si Valerie sa huling naisip.

Bakit sya yayakapin ng binata?

Ano ba sila ?

Napakaraming tanong.

Nonsense ang lahat ngunit paulit ulit nya pa ring iniisip ang mga kasagutan.

Nasa kalagitnaan sya ng pag iisip ng biglang may pumitik na daliri sa harap ng kanyang mukha.

Napaigtad si Valerie at nagtatakang napatingin kay Lisa.

"A-ate ? " untag nya.

Kunot noo ang babae.

"Ano ng nangyari sayo ? Natulala ka na ? Uuyyy, natulala ka kay Caleb ? " tukso nito.

Pakiramdam ni Valerie ay umakyat ang lahat ng kanyang dugo patungo sa pisngi.

Ramdam nyang bigla itong nag init kaya mabilis nyang hinamig ang katinuan.

"A-ano bang sinasabi mo ? pinilit nyang tumawa.

Pero nagmukha lang ito plastik.

"Sus ito naman. Ayos lang no. " nakangiting sabi ng babae.

Gumanti ng ngiti si Valerie.

Pero ngumisi pa si Lisa.

"Ayos lang matulala kay Caleb. Gwapo naman kasi. " dugtong nya.

Napanganga si Valerie at pilit na kinontra ang sinabi ng kasambahay.

"H-hindi naman yon ang dahilan. May iniisip lang ako. " sagot nya.

Tumawa lang si Lisa.

"Maghanda ka na daw. Saan ba kayo ? Sa study o sa kwarto ni Coleen ? Para alam ko kung saan ko ihahatid yung miryenda mamaya. " tanong nya.

Nagkibit balikat si Valerie.

"S-sa library na lang siguro. Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Coleen eh. " sagot nya.

Tumango tango si Lisa.

"Maski ako, sa ilang taon kong paninilbihan dito, bihira lang akong makapasok sa kwarto ng magkapatid na yon. Si Manang Perla ang naglilinis sa mga kwarto sa taas. Ako lang dito sa baba. " sabi nya.

"B-bakit ho ? " tanong ni Valerie.

Nagkibit balikat lang si Lisa.

"Ewan. Ang sabi lang ni Manang ay maselan ang pamilyang yan. Hala sige na at baka magalit na yung magkapatid. " taboy nya.

Napatango si Valerie.

Pero sa isip ay lalong nadagdagan ang mga tanong tungkol sa pamilya ni Caleb.

..

Sa library.

"So, the Trigonometry is simply about studying triangles and angles. " litanya ni Valerie.

Pero natigila sya ng makitang walang nakikinig sa kanya.

Nasa harap nya nga si Coleen pero nakapikit ito at tila nananaginip na kanina pa.

"Salita lang pala ako ng salita. Para akong sirang plaka samantalang itong tinuturuan ko, naghihilik na. " asar na bulong nya.

Ngali ngaling sabunutan ni Valerie ang natutulog na estudyante.

Pinigil na lamang nya ang inis at pasimpleng tinapik ang mesa.

"Ahem ahem. " untag ng dalaga.

Ngunit hindi pa rin natinag si Coleen.

Nakasandal ito sa upuan at nakapikit ang mga mata.

Rinig pa nya ang mabining paghilik ng dalaga.

"Ang gandang babae, naghihilik. " pang aasar na lang ni Valerie.

Sinara nya ang libro at huminga ng malalim.

Pero natigila nag pagbuga nya ng hangin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Caleb dala ang isang tray ng pagkain.

Muli, nabighani si Valerie sa taglay na kagwapuhan ng binata.

Mabilis syang nag iwas ng tingin at pinagalitan ang sarili sa muntik na pagkatulala.

..

"How's tutorial ? " tanong ni Caleb.

Asar na nginuso ni Valerie ang kapatid nito.

Kumunot ang noo ni Caleb at mabilis na nilapag ang dalang tray sa mesa.

Nilapitan nya ang kapatid.

"What the. Kanina pa sya ganyan ? " kunot noong tanong nya.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Malay ko. " sagot nya.

Lalong kumunot ang noo ni Caleb.

"Anong malay mo ? You mean halos one hour na kayong magkaharap, di mo man lang napansin na tinulugan ka na ng estudyante mo ? " tanong nito.

Natigilan si Valerie.

Mabilis na umahon ang inis dahil sa tono ng boses ng binata.

"Anong gusto mong palabasin ? " mataray na tanong nya.

Tinukod ni Caleb ang kamay sa mesa at tinitigan ang dalaga.

"Ms. Laway. " sabi nito.

Napatayo si Valerie at tinukod din ang kamay sa mesa.

"Wag mo kong tawaging Ms. Laway, may pangalan ako. " gigil na sawata nya.

Tumiim ang mga bagang ni Caleb.

"Okay fine. Valerie, you we're hired to teach my sister. Pero paano mo sya matututo kung hindi sya nakikinig ? Eto ang estudyante mo oh, tulog !. " giit nito.

Natigilan si Valerie.

Tama ang binata.

Pero hindi.

"Ginagawa ko ang kaya ko. Hindi ko napansin na nakatulog sya. " katwiran nya.

Natawa ng plastik si Caleb.

"So kasalanan ko ? Eh dalawa na lang kayong nandito. " sabi nya.

"Sinabi ko bang kasalanan mo ? " balik tanong ni Valerie.

"Eh di kasalanan mo. " turo ni Caleb.

Inis na umatras si Valerie.

"Fine !, fine !. Kasalanan ko. Happy ? " singhal nya.

"Wag kang sumigaw. " mahinahong sagot ni Caleb.

Kumuyom ang mga kamao ni Valerie sa inis.

Di nya alam kung saan nanggagaling ang pagkairita pero talagang naaasar sya.

"Hindi ako sumisigaw. " diin ng dalaga.

"Wag kang magdabog." pang aasar ni Caleb.

Huminga ng malalim si Valerie.

Ramdam nya ang panginginig ng kalamnan.

Hindi nya maintindihan ang sarili ngunit para syang buntis na naglilihi ng mga oras na iyon.

"Umalis ka na nga " taboy ng dalaga.

Ngumisi si Caleb.

Pero hindi umalis.

Bagkus ay naupo sa sofa at nagdekwatro.

"Makikinig na rin ako. Remember, marami din akong dapat matutunan. " paalala nito.

Natigilan si Valerie.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong nya.

Napangiti si Caleb sabay tayo.

"Nakalimutan ko. Dapat din pala akong mag aral. So, dalawa na kaming tuturuan mo. " sabi nya.

Nataranta si Valerie.

"T-teka teka. Si Coleen lang ang usapan ah. " wika nya.

"Why ? Masama bang makisali ? " tanong ng binata.

"Oo. Kaya lumabas ka na. Bawal ang saling pusa. " mabilis na sagot ng dalaga.

Natawa si Caleb.

"Ang sungit mong teacher. " pang iinis nya.

Epektib naman dahil sumimangot agad si Valerie.

"Ang tamad mong estudyante. Absenero. " pang aasar nya.

"Pogi naman. " biro ng binata.

Umismid ang dalaga.

"Kapaaal ! " sagot nya.

"Bakit ? May mali ba sa sinabi ko ? Tell me Valerie, may boyfriend ka ba ? " tanong ni Caleb.

Napahinto si Valerie at mabilis na nag isip.

"M-meron ! " pagsisinungaling nya.

Si Caleb naman ang natigilan.

Di inaasahan ang sagot ng dalaga.

"D-di nga ? " tanong nya.

Tumango si Valerie.

"Yes. Tingin mo naman saken ? Kaya shupiii. " pang aasar nya.

"Sus. For sure masakit lagi ang ulo non. At di hamak na mas gwapo ako. " ganting pang aasar ni Caleb.

Napasimangot si Valerie.

"Hah ! kapal mo talaga. Magtigil ka na nga! Di ka ba aalis ? " tanong nya.

Napangiti si Caleb.

"Sige na nga. Baka sumabog ka na eh. Teka gigisingin ko lang itong estudyante mo. " sabi nya.

Marahang inalog ng binata ang kapatid.

Umungol lang ito at unti unting nagbukas ng mga mata.

"W-why ? " tanong ni Coleen.

"Why ? Alam mo ba kung nasan ka ? " kunot noong tanong ni Caleb.

Napakunot noo din ang dalaga.

"In my room. " sagot nya.

"Engot, nasa library ka. At alam mo ba ang dapat mong ginagawa ? " tanong ulit ng binata.

"Sleeping. " sagot ni Coleen.

Asar na bumuntong hininga si Caleb.

Hinilamos nito ang palad sa mukha at muling hinarap ang kapatid.

"Coleen, naiinis na ako. " mariing sabi nya.

"Go ahead. " antok na sagot ng dalaga.

Napabungisngis si Valerie.

"Buti nga. " bulong nya.

Napatingin si Caleb sa kanya.

"What ? " tanong nito.

Umiling si Valerie.

"Wala. " nangingiting sagot nya.

"Baliw. " sambit ni Caleb.

"Mas baliw ka. " ganti ni Valerie.

Muling inalog ni Caleb ang kapatid.

"Hoy Coleen! Nasa labas si Romeo !. " sigaw nya.

Mabilis na nagmulat ng mga mata ang dalaga at mabilis na tumayo.

"Nasan ? Nasan ? " tanong nya.

Napaismid si Caleb.

"Yan, yan. Dyan ka magaling. Magaling kang mag ilusyon. " pang aasar nya.

Napasimangot si Coleen ng mapagtantong niloloko lamang sya ng kapatid.

"Bwisit ka !" singhal nya.

Ngunit hindi natinag ang binata.

"Hoy, di ba may tutorial ka ? Eh bakit ka naghihilik ? " tanong nya.

Muling napaupo ang dalaga.

"It's boring. " sagot nya.

"Anong boring ? Baket ? Para kanino to ? " tanong ni Caleb.

"Ewan ko. " sagot ni Coleen.

Asar na hinawakan ni Caleb sa balikat ang kapatid.

"Hindi ka magtitino ? " tanong nya.

"Bakit ba kasi ? " asar na tanong ni Coleen.

Tinuror ni Caleb si Valerie.

"May tutorial ka. Nakiusap ako sa teacher mo na bigyan ka ng special exam. At kapag hindi mo yon naipasa, sasabihin ko kay Mommy na ibalik ka sa states !. " singhal nya.

Natigilan si Valerie dahil sa pagtataas ng boses ng binata.

Maging si Coleen ay tila nahimasmasan sa narinig.

"Y-you can't do that. " sabi nya.

"Of course I can. Ako ang dahilan kung bakit ka nandito at ako rin ang magiging dahilan para pabalikin ka sa states. San ang gusto mo ? Duon o dito ? " tanong ni Caleb.

Kinusot ni Coleen ang mga mata at hinarap si Valerie.

"Let's go. " aya nya.

Napangiti si Valerie at tumango pero hinarang ni Caleb ang kamay.

"Hindi ka man lang magsosorry kasi nakatulog ka ? " tanong nya.

Napasimangot si Coleen at tiningala ang kapatid.

"Ano bang problema mo ? " tanong nya.

"Ikaw ang may problema, hindi ako. Ang usapan namin ni Mommy ay kung papasa ka sa exam at kapag hindi, alam mo na. " pananakot ng binata.

Inis na nagdabog ang dalaga.

Huminga ng malalim bago tumingin kay Valerie.

"S-sorry. " sabi nya.

Tumango tango si Valerie.

"It's okay. Sige continue na tayo. " sabi na lang nya.

Ngunit sumingit muli si Caleb.

"No, magmiryenda muna kayo. Pagkatapos ay saka na kayo mag aral. Coleen, wag mong pahirapan si Valerie. Tinutulungan ka nya. Pwede syang umalis dito kung kailan nya gusto at kung ayaw na nya sayo. At kapag nangyari yon. Hindi ako mangingiming pabalikin ka sa Ameica. Gets mo ? " tanong nya.

Umismid lamang ang dalaga.

"Good. See you tomorrow Val. " paalam ni Caleb.

Natulala si Valerie at wala sa loob na napatango.

Pinagmasdan na lamang nya ang binata habang papalabas ito ng silid.

..

Mabagal na naglalakad si Valerie pauwi.

Pakiramdam nya ay galing sya sa napakahabang byahe kahit na isang jeep lamang naman ang kanyang sinakyan.

Di nya maintindihan ang sarili.

Tila pagod na pagod ang kanyang katawan.

"Nandito na ko. " tamad na sabi ng dalaga.

"Ateeee. " sigaw ng bunsong kapatid na si Ria.

Lumabas si Aling Vicky mula sa kusina at sinalubong ang anak.

Agad na nagmano ang dalaga.

"Oh, eksakto ang uwi mo. Nakaluto na ako, gusto mo na bang kumain ? " tanong nya.

Umiling si Valerie.

"Andami kong kinain dun. Magpapahinga lang muna ako Nay. " tanggi nya.

Tumango ang kanyang ina.

"Sige kung ganon. Ria halika na dito at pagod si Ate. " tawag nya sa bunso.

Mabilis namang sumunod ang bata.

Ngumiti lang si Valerie.

Tamad na pumasok sya sa sariling silid at binagsak ang katawan sa kama.

Ipipikit na lamang nya ang mga mata ng marinig ang boses ng kaibigan sa labas.

"Wala pa si Bebang ? " tanong ni Cheska.

"Nandyan na, kararating lang. " sagot ni Aling Vicky.

Napahinga ng malalim si Valerie at agad na tinakpan ng unan ang mukha.

Ilang saglit lang ay dire diretso ng pumasok ang kaibigan sa kanyang silid.

"Hoy bruha, anong balita ? " tanong ni Cheska.

Umungol lang si Valerie.

Kunot noong inalis ni Cheska ang unan.

"Ano ? " tanong nya.

Bumuntong hininga si Valerie.

"Ayun. Nakakapagod. Ang sakit sa ulo. " sagot nya.

"Kwento ka naman. Sige na, kanina pa kita hinihintay eh. " makaawa ni Cheska.

Binuksan ni Valerie ang butones ng suot na blouse para maging presko ang pakiramdam bago nagkwento.

"Nagkita kami ni Caleb. " bungad nya.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

"Weee ? Di nga ? Saan ? " tanong nya.

"Sa bahay mismo. Kapatid sya ni Coleen. " dagdag ni Valerie.

Natulala si Cheska.

"Hala ! Mayaman sila ! Naku po. Akala ko mahirap lang sya. Pero wow. As in wow na wow. Mayaman ang boyfriend mo! " sigaw nya.

Agad na tinakpan ni Valerie ang bibig ng kaibigan.

"Baliw ka ? Boyfriend ? Gusto mong gulpihin ako ni Itay ? Siraulo ka. Wag mo nga akong asarin sa bwisit na yon. " inis na sabi nya.

Napahagikgik si Cheska at tumango.

Inalis ni Valerie ang kamay sa bibig ng kaibigan at nahiga.

"Kwento ka pa. " pangungulit ni Cheska.

Kinuha ni Valerie ang isang unan at niyakap.

"Yun nga. Mayaman pala si Caleb at sya ang nagreto sa atin. Nagulat talaga ako kanina nung makita ko sya. Kambal pala sila ni Coleen. " imporma nya.

Napapitik sa ere si Cheska.

"Sabi na ! May kamukha yung bruhang yon eh. So anong feeling na mayaman pala ang crush mo ? " tukso nya.

Napasimangot si Valerie.

"Gago. May kaya lang sina Yohan. " sagot nya.

Ngumisi si Cheska.

"Si Yohan ba ang tinutukoy ko ? " muling tukso nya.

"Sino ? " tanong ni Valerie.

"Si Caleb. " mabilis na sagot ni Cheska.

Napasimangot lalo si Valerie at tinalikuran ang kaibigan.

"Ewan ko sayo. Baka ikaw ang may crush don. " asar na sabi nya.

"Crush ko nga sya. " agad na pag amin ni Cheka.

Napalingon si Valerie sa kaibigan.

"W-weh ? " di makapaniwalang sambit nya.

Natawa si Cheska.

"Joke lang no. Wag kang magselos. Di ko sya aagawin sayo. " biro nya.

Sumimangot si Valerie.

"Umalis ka na nga. " asar na sabi nya.

"Haha, galit na galit ka kapag si Caleb ang pinag uusapan. " biro ni Cheska.

Umiusmid si Valerie.

"Pano, lagi mo kong inaasar. " sagot nya.

"Yun na nga eh. Asar lang, kung di totoo, bakit ka nagagalit ? " tanong ni Cheska.

Natigilan si Valerie.

May katwiran ang kaibigan pero ayaw nyang magpatalo.

"Syempre nakakasawa. Baka may makarinig sayo. " katwiran nya.

Ngumiti lang si Cheska.

"Uhum. Wala na bang kwento ? " tanong nya.

"Wala na. Tsupi na at iidlip ako. " pagtataboy ni Valerie.

Napangiti lang si Cheska at tumayo.

"Sige sige. Parang gusto ko na tuloy sumama sayo bukas. Tsk, kainis kasi si Nanay eh. Uwi na ako Bebs. " paalam nya.

"Go. Ingat sa malayong paglalakbay. " biro ni Valerie.

"Salamat. Susulatan kita. " ganting biro ni Cheska.

Nagtawanan sila.

Ilang saglit lang ay mag isa na naman si Valerie.

Muling binalikan ang mga nangyari kanina.

Di pa rin sya maka move-on sa nangyaring sagutan nila ni Caleb.

Pero infairness, ito ang pinakamahaba at matagal na usapan nila ng binata bagama't walang saysay.

Natagpuan na lamang ni Valerie ang sariling ngumingiti na parang tanga.

Agad nyang sinaway ang sarili.

"Wag mo na nga syang isipin !. " pangaral nya sa sarili sabay mariing pinikit ang mga mata.

Pero tila nang aasar namang lalong nabuhay sa isip ng dalaga ang imahe ng gwapong mukha ni Caleb.

Mabilis na dumilat ng mga mata si Valerie.

"Grrrr.. " inis na sigaw nya.

Biglang pumasok ang bunsong kapatid.

"Ate ? " takang tanong nito.

Natawa si Valerie.

"W-wala. Shoo. " taboy nya.

Kunot noong lumabas ang kapatid.

Napangiti na lamang si Valerie at dinampot ang unan.

Mariin nya itong niyakap at muling pinikit ang mga mata.

Muli, ang imahe ni Caleb ang kanyang nakita.

Pero di na nya sinaway ang sarili.

Hinayaan na lamang nyang tangayin ang kamalayan sa dako paroon.