Ikaapat na Pahina

Gabi.

Tulad ng nakagawian, sabay sabay na naghahapunan ang mag anak ni Valerie.

Sa kabila ng payak na pamumuhay, sinisiguro nilang laging nagsasabay sa bawat hapunan.

Nagsisilbi na rin itong bonding para sa pamilya.

"Kamusta ang pag aaral anak ? " tanong ni Mang Valerio.

"Ayos naman po Tay. Medyo nagiging magastos nga lang pero kaya pa naman po. " sagot ng dalaga sa pagitan ng pagsubo.

Natahimik ang ama at nagpatuloy sa pagkain.

Sumingit si Aling Vicky.

"Ikaw Bitoy ? Baka puro ka pakikipagdaldalan lang ah. " bintang ng ina.

Ngumiti ang sumunod kay bata.

"Di po Nay. " sagot nito.

Napapangiting ginulo ni Mang Valerio ang buhok ng anak pagkuwa' binalingan ang bunso.

"Ikaw bunso ? Kamusta ang pag aaral ? " tanong nya.

Sumubo muna ng hotdog ang pinakabata bago ngumisi sa ama.

"Sisiw Tatay. " pagyayabang nito.

Nagkatinginan ang mag - asawa maging si Valerie pagkatapos ay sumambulat sila ng tawa.

"Wala ka ring angas no ? " tukso ni Aling Vicky.

Natawa lang ang bata at muling pinagpatuloy nag pagsubo.

Napangiti si Mang Valerio.

Ito ang gusto nya sa kanyang pamilya.

Kahit na minsan ay sumasala sila sa pagkain, hindi sya nakaririnig ng reklamo sa kahit sino sa mga ito.

Hindi sila nagkamali ng kabiyak sa pagpapalaki sa mga anak.

Masasabi nyang maswerte sya kahit papaano.

Sa kabila ng kahirapan, batid nyang katumbas ng mga ito'y bulto bultong kayamanan.

..

Matapos ang masayang hapunan, magkatuwang na iniimis nina Valerie at Aling Vicky ang lamesa habang ama at dalawang kapatid ay nanunuod ng telebisyon.

Napatingin si Aling Vicky sa anak.

"Nak, anu nga pala yung narinig kong pinag uusapan nyo ni Cheska kanina ? May raket kayo ? " tanong nya.

Natigilan sa paghuhugas ng plato si Valerie.

"P-po ? W-wala po yun Nay. " kinakabahang sagot nya.

Napasimangot ng bahagya si Val at sinisi ang kaibigan sa isip.

Masyado kasing malakas at matabil si Cheska.

Kanina ay nasa salas sila at sabay na gumagawa ng assignment ng bigla nitong buksan ang topic tungkol sa alok na tutorial ng kanilang adviser.

Tutol pa naman ang kanyang mga magulang na magtrabaho sya habang nag aaral.

Yun ngang pag papartime sa karinderya na pagmamay ari nina Cheska ay halos mag makaawa pa sya para payagan lamang.

Ngayon pa kayang maging sila ay walang kaide ideya kung anong ituturo o sino ang tuturan ?

..

Ngumiti si Aling Vicky.

"Nak naman. Paglilihiman mo pa ang Nanay ? " kunwaring nagtatampong tanong nito.

Nalukot ang mukha ni Valerie.

Eto na naman ang kanyang ina.

Alam na alam kasi nitong hindi sya makakatanggi kapag ginagamitan sya ng ganitong taktita.

Kinuha nya ang basahan at pinunsan ang basang kamay bago hinarap ang ina.

"N-nay. H-huwag po kayong maingay kay Tatay. " makaawa nya.

Kumunot ang noo ni Aling Vicky.

"At baket ? " tanong nito.

Lumapit si Valerie sa ina at pumwesto sa likod.

Pasimple nyang minasahe ang balikat ni Aling Vicky.

Nilingon ni Valerie ang ama na tumatawa habang nanunuod ng telebisyon pagkuwa'y hinatak ang upuan sa tabi ng ina.

Pinakatitigan ito sa mga mata.

"Nag offer po yung adviser namin ni Cheska. Mag tututor daw po kami. " mahinang sambit nya.

Lalong kumunot ang noo ni Aling Vicky.

"Di ba nag usap na tayo tungkol sa pag tatrabaho habang nag aaral ? " tanong nya.

Tumango tango si Valerie at hinawakan ang kamay ng ina.

"Alam ko po Nay. Pero sayang kasi yung ibabayad nila. Pwede din yung pandagdag sa gastusin dito sa bahay. Gusto ko rin pong makatulong. " bulong nya.

Natahimik si Aling Vicky at pasimpleng nilingon ang kabiyak bago muling binalik ang tingin sa anak.

"Sa akin ay ayos lang anak. Pero ang Tatay mo. Alam mo namang ayaw nyang nagtatrabaho ka habang nag aaral. " paalala nya.

Humigpit ang hawak ng dalaga sa kamay ng ina.

"Alam na alam ko po yun Nay. Sasabihin ko naman po eh. " sabi nya.

Umismid si Aling Vicky.

"Kuuhh, kung di ko pa kayo narinig ni Kakay, siguradong hindi mo pa sasabihin yan sa amin. " nagtatampong wika nya.

Napangiti ng kimi si Valerie.

"Nanay naman eh. Pwede po ba naman yon ? Alam nyo namang love love ko kayo eh. " biro nya.

Muling umismid ang ina.

"Ano ba yang turorial na yan ? Anong gagawin mo ? " tanong nya.

Nakasilip ng pag asa si Valerie.

Inurong nya ang bangko para lalo silang magkalinawan ng ina.

"Ganito po kasi yon. Yung anak nung kumare ni Ma'am, mukhang nag bubulakbol lang. Eh di po ba exams na ? Kaya ginagawan nila ng paraan para makabahol. " paliwanag nya.

Tinantya ni Aling Vicky ang sitwasyon.

"P-pero hindi mo ba ipapaalam sa ama mo ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"B-baka po magalit si Tatay ? " ganting tanong nya.

Napatingin sila pareho kay Mang Valerio.

"Alam mong matampuhin yan. Kapag nalaman nyang nagtatrabaho ka, baka isipi nyang kinukulang sya pagpapaaral sayo. Alam mo naman yang Tatay mo. Masyadong sensitibo. " paalala ni Aling Vicky.

"Kaya nga po Nay, tulungan nyo po ako. " pasaklolo ng dalaga.

"Aba't bakit ako ? " tanggi ng ina.

Napangisi si Valerie.

"Syempre. Ikaw ang Nanay ko. Dapat tulungan nyo ko. " biro nya.

Natawa si Aling Vicky.

"Bahala ka. Problema mo yan. Hala't tapusin mo na ngang hugasin mo. Teka anak, ligtas ba yang pupuntahan mo ? Hephep, di pa kita pinapayagan. Sa tatay mo ikaw umapela. " natatawang sambit nya.

Natawa din si Valerie.

"Sinigurado naman po ni Ma'am. Ang sabi pa nga po nya, kung di daw kayo sigurado, pwede daw po syang sumaglit dito para ipagpaalam ako. Alam nyo na, kailangang sumipsip Nay. " biro nya.

Kumunot ang noo ni Aling Vicky.

"Ikaw ? Sisipsip ? Bakit ? Dun mo kinukuha yung grades mo ? " tanong nya.

Napailing si Valerie.

"Inay naman, para di mabiro. " natatawang sabi nya.

"Siguraduhin mo lang na nag aaral ka. Para din sa iyo yan eh. Wag ka na munang mag nobyo nobyo. Bata ka pa at marami pang oras para dyan. " pangaral ni Aling Vicky.

Naglungkot lungkutan ang dalaga.

"P-pero Nay, m-mahal ko po sya. " biro nya.

Natigilan si Aling Vicky sa narinig.

"A-anak ? M-may nobyo ka na ? " tanong nya.

Biglang humagikgik si Valerie.

"Joke joke joke !. " biro nya.

Nanlaki ang mga mata ni Aling Vicky at mabilis na kinurot sa tagiliran ang anak.

"Maloko ka talagang bata ka. Kinabahan ako sayo. " gigil na sabi nya.

Tawa ng tawa ang dalaga.

"Nay naman. Alam nyo naman pong pag aaral muna ang aatupagin ko bago yan. Di ba bibili pa tayo ng Mansyon ? Tapos pag aaralin ko pa sila Bitoy at Yangyang. " sabi nya.

Natigilan si Aling Vicky.

Sumeryoso.

"P-pasensya ka na kung sa tingin mo nakakabigat kami sayo. Hindi mo na tuloy magawa ang mga gusto mo. " sambit nya.

Napangiti si Valerie at niyakap ang ina.

"Nay. Ito po ang gusto ko. Ang maibalik ang mga nagawa nyo para sa akin. Kayo ang may kasalanan kung bakit lumaki ako na hindi maluho sa katawan. Pero nagpapasalamat po ako. Hindi ko naman kailangan nun eh. " sabi nya.

Napangiti din si Aling Vicky at hinalikan ang kamay ng anak.

"S-salamat naman kung ganuon. Basta mag aral ka lang. Yan ang hindi namin nagawa ng Itay mo kaya nagpupursige talaga kaming makatapos kayo. Syempre masakit sa amin na wala kayong pinag aralan. Magiging tulad namin kayong halos isang kahig isang tuka lang. Kung hindi ako tutulong sa kanya, hindi tayo aahon sa utang. " mahinang paliwanag ng ina.

Tinukod ni Valerie ang baba sa balikat ng ina.

"Alam ko po yun Nay. Kaya nga po nanghihinayang ako dun sa offer ni Ma'am. Biruin nyo, para na rin akong nag rereview kasi uulitin ko lang sa tuturuan namin ni Cheska yung mga pinag aralan namin ng araw na yon. Ganun kasimple. Tapos eto pa Nay, libre pamasahe at miryenda. Bayad pa kami. San ka pa ? " paliwanag din nya.

Napaisip si Aling Vicky.

Kinalas ang pagkakayakap ng anak at tinitigan ito sa mga mata.

"Bakit ? Ano ba yung tuturan nyo ? " tanong nya.

Natawa si Valerie.

"Si Nanay unli. Paulit ulit. Haha. Bulakbol nga po. Parang di ata seryoso sa pag aaral kaya ganun. " sagot nya.

"Haaayyy, kabataan nga naman. Kaya ikaw, dapat mag aral kang mabuti. Yan lang ang magiging sandata mo sa iyong paglaki. " pangaral ng ina.

Natawa lalo si Valerie.

"Ang tanong, lumaki ba ko ? " biro nya.

Natawa din si Aling Vicky.

"At least matalino at maganda. Wag na nating pag usapan yung tangkad. " biro din nya.

Nagtawanan sila pero natigilan si Valerie.

"Nay, paano si Tatay ? " tanong nya.

Natigilan din si Aling Vicky.

"Basta, wag na muna nating sabihin. Tingnan mo muna kung mabait ba yung tuturuan nyo. Tapos kapag okay ka na don, saka natin unti untiin sa kanya. " bulong nya.

"Ayos sa plano. Kapag nagkabukingan, wag nyo kong ilalalaglag ha ? " paninigurado ng dalaga.

"Bahala na si batman. " biro ni Aling Vicky.

Naghagikgikan silang mag ina at tinuloy na ang paglilinis ng kusina.

..

Kinabukasan.

Tulad ng dati, magkasabay na naglalakad papasok ang magkaibigang Valerie at Cheska.

Di pa sila nakakalayo ng buksan ni Valerie ang topic tungkol sa gagawin nilang pagtuturo.

"Sis, pinayagan ka ? " tanong nya.

Dahan dahang umiling si Cheska.

Nagulat si Valerie.

"Wee di nga ? " tanong nya.

Tumango ang dalaga.

"Ayaw ni Nanay, wala daw katulong sa karinderya. " sagot nito.

Di naitago ang panlulumo sa itsura ni Valerie.

"Ayy, ganun ba ? Sayang naman yung kita. " hinayang na sabi nya.

"Ikaw ? Pinayagan ka ba ?" tanong ni Cheska.

Tumango si Valerie.

"Oo, pero si Inay pa lang. Di pa alam ni Tatay. Pero mukhang di naman kailangan pang malaman kasi di na matutuloy. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Anong di matutuloy ? Bakit ? Ako lang naman ang di pinayagan ah. Loka, pumunta ka. " sabi nya.

"Ngek, ako lang mag isa ? Ayaw ko nga. Mamaya manyak yung tuturuan ko. " napapailing na sagot ni Valerie.

"Sira! eh di sana hindi na irerekomenda ni Ma'am yon. Saka kung manyak, sipain mo agad sa ano. " biro ni Cheska.

Natawa si Valerie pero umiling.

"Ewan. Pag iisipan ko muna siguro. Saka sasabihin ko kay Nanay na hindi ka pinayagan. " sagot nya.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Ikaw ang bahala. Pero sabi mo nga, sayang yung kita. Pwede naman kitang samahan don ngayon. Para makilatis ko rin kung manyak ba. Saka naiintriga kasi ako kung anong itsura at kung bakit hindi pumapasok sa school eh. " sabi nya.

"Ako nga rin eh. Ang sarap kayang mag aral. Kung ako ang papipiliin, gusto kong estudyante na lang ako kesa nagbabanat ng buto. " katwiran ni Valerie.

Natawa si Cheska.

"Ayaw ko ngang habambuhay mag aral. Gusto ko ring mag asawa no. " biro nya.

"Asawa agad ? Di ba pwedeng boyfriend muna ? " ganting biro ni Valerie.

Napangisi si Cheska.

"Kung si Caleb ang magiging BF ko. Walang problema. " tukso nya.

Natigilan si Valerie.

"B-bakit ? H-huwag mong sabihing may crush ka kay Caleb ? " tanong nya.

Lalong ngumisi si Cheska.

"Bakit din ? Wala naman sigurong masama di ba? Single naman ako. Ewan ko lang sa kanya, pero malalaman natin yan mamaya kapag pumasok sya. Itatanong ko ng diretso. " sambit nya.

Napanganga si Valerie.

"S-seryoso ka ? " tanong nya.

"Baket ? May problema ka ba ? " nakangiting tanong ni Cheska.

Nagkandailing iling si Valerie.

"W-wala no. Hahaha. Goodluck. Tara bilisan natin, ang init na eh. " pag iiba nya ng usapan.

Naunang naglakad si Valerie at natatawang sumunod na lang si Cheska.

Sa isip isip ay lalo nya may nais kumpirmahin.

..

Dumating ang oras ng exam.

Pasimpleng lumingon si Valerie sa likod para tiyakin kung dumating na ba si Caleb.

Ngunit bigo syang makita ang binata.

Napahinga sya ng malalim.

Di nya maintindihan ang sarili pero nag aalala sya sa maaaring kahinatnan ng pag aaral na ito.

Pinilig nya ang ulo at nag focus na lamang sa pagsusulit.

Kailangan nyang magseryoso at alisin sa isip ang binata.

Pero hindi nya alam kung paano gagawin ang bagay na iyon.

..

Matapos ang pagsusulit, ipinapasa na ni Mrs. Senining ang mga papel.

Isa isa ng nagpaalam ang mga kaklase nila.

"Cheska, Valerie. Kamusta yung request ko ? " nakangiting tanong ng guro.

Nagkatinginan sina Cheska at Valerie.

"E-eh Ma'am. Ayaw po ng Nanay ko. Wala po kasi syang katulong sa kariderya. " malungkot na sagot ni Cheska.

Nalungkot din ang guro.

"Ay ganun ba? It's ok iha. Sayang lang kasi yung kita kaya gusto kong sa inyo ibigay. Pero kung hindi pala pwede, baka sa totoong teachers ko na lang din ibigay yung offer. Sayang kasi. Kayang kaya nyo pa namang dalawa. " paliwanag ni Mrs. Senining.

Nalungkot din si Valerie.

Sayang talaga ang kikitain kung sakali, pero wala syang magagawa dahil hindi maaari ang kanyang kaibigan.

..

Biglang tinuro ni Cheska si Valerie.

"Ma'am, si Val po. Pinayagan na ng Nanay nya. " turo nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at sinaway ang kaibigan.

"Ano ka ba !. " bulong ng dalaga.

Napatingin si Mrs. Senining sa kanya.

"Val ? Is that true ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie at marahang tumango.

"O-opo Ma'am. P-pero sabi nyo po dalawa di ba? Eh since na hindi na po pwede si Cheska, w-wala na po akong kasama. " katwiran nya.

Ngumiti si Mrs. Senining.

"Nope, I never said na kailangang dalawa. Ang sa akin lang ay gusto kong kayong dalawa ang kumita. Pero kahit ikaw lang Val eh kayang kaya mo na. Parang irereview mo lang yung pinag aralan nyo from here papunta sa tuturuan nyo. " paliwanag nya.

"Opo Ma'am. Kayang kaya ni Val yan. Yan pa. " singit ni Cheska pero napangiwi sya ng maramdaman ang kurot ng kaibigan.

Napakamot sa batok si Valerie.

"E-eh Ma'am, pwede pong magtanong ? S-sino po bang tuturuan ko ? " tanong nya.

Ngumiti ng matamis ang guro.

"Muntik ko ng makalimutan. Her name is Coleen. Same age nyo but she's so spoiled. Uhm, spoiled is not the word I guess. Rebel maybe. " sagot nya.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

Biglang tumunog ang cellphone ni Mrs. Senining.

Agad naman itong sinagot ng guro.

"Oh hi mare. Ay oo, don't worry. Ihahatid ko na lang sila dyan mamaya. Sure sure. Okay, see you later. " sabi nito sabay putol sa tawag.

Napatingin si Mrs. Senining sa dalawang dalaga.

"So. Mas mabuti pa ay tingnan mo muna Valerie yung place at para mameet mo na rin yung tuturuan mo. Tara na ? " aya nya.

Nagkatinginang muli ang magkaibigan bago mabilis na sinilid ni Cheska ang mga gamit.

"Game Ma'am !. " masiglang sabi nya.

Napangiti na lamang ng kimi si Valerie.

Parang may kung anong pumipigil sa kanyang katawan na tumuloy.

..

Mula sa eskwelahan, sumakay ng jeep ang tatlo.

Kumain ng dalawampung minuto ang byahe bago pumara ang guro.

Pagbaba nila ay bumungad sa magkaibigan ang bukana ng isang subdivision.

"Mayaman. " mahinang puna ni Cheska.

Tahimik lamang na napatango si Valerie.

Sumunod ang magkaibigan sa guro patungo sa gate ngunit dumistansya sila.

Sinalubong naman agad sila ng isang gwardya.

"Saan po tayo Ma'am ? " tanong nito.

Ngumiti si Mrs. Senining.

"Kay Mrs. Concepcion. Pakisabi na lang na nandito na kami. " nakangiting sabi nya.

Tumango ang gwardya at pumasok sa guard house.

Ilang saglit lang ay muli itong lumabas.

"Okay na daw po Ma'am. Diretso na po kayo. Check ko lang po yung mga bag kung pwede. " magalang na sabi nito.

Agad namang binuksan ni Mrs. Senining ang dalang bag para ipakita dito.

Tinawag nya ang dalawang dalaga para ipakita din ang sa kanila.

Napabulong si Cheska.

"Ang higpit pala. " bulong nya.

Ngumiti lamang ang gwardya.

"Pasensya na iha. May mga importante kasing tao na nakatira sa loob kaya ganito ang security dito. " nakangiting sagot nya.

Nahiya si Cheska.

"S-sorry po. " sabi nya.

Tumawa lang si Valerie.

"Yan, daldal mo kase. " pang aasar nya.

..

Naglakad papasok ng subdivision ang tatlo..

Di maiwasang mapanganga ng magkaibigan sa naggagandahang bahay na dinadaanan nila.

"Bebs, tingnan mo !. " impit na tili ni Cheska.

Kumunot ang noo ni Valerie at sinundan ng tingin ang tinuturo ng kaibigan.

Sa di kalayuan ay may apat na binatang naglilinis ng kotseng may sari saring kulay.

"Oh anong meron ? " tanong nya.

Inalog ni Cheska ang kaibigan.

"Tao ka ba? Di mo nakikita ? Ang gugwapo !. " mahinang tili nya.

Natawa si Valerie at nilampasan ang kaibigan.

"Sus, tao lang yan. " sabi nya at binilisan ang lakad.

Agad namang umagapay si Cheska pero palingon lingon pa rin sa apat na binata.

..

Ilang saglit lang, huminto sa isang malaking bahay si Mrs. Senining.

Pinindot nito ang doorbell at saglit na naghintay.

Maya maya ay may isang unipormadong maid ang nagbukas ng gate.

"Ay si Ma'am Jean. Nasa loob na po si Ma'am. Pasok po kayo. " sagot ng kasambahay.

Ngumiti si Mrs. Senining at nilingon ang dalawang dalaga.

Agad namang bumuntot sina Valerie at Cheska sa likod ng guro.

..

Malawak na bakuran ang tumambad sa paningin ng dalawa.

Manghang mangha sila at hindi nila napigilang maibulalas ito.

"W-wow. Pangarap ko ring magkaroon ng pool. " bulong ni Cheska.

Tumango si Valerie.

"Ako rin Kay. Kapag yumaman ako, ganito ang ipapagawa ko. " nangangarap na sabi nya.

"Mag asawa ka ng mayaman. " bulong ni Cheska.

"Hindi ko kailangang iasa sa magiging asawa ko. Tutuparin ko ang sarili kong pangarap. " determinadong sagot ni Valerie.

Napangiti lang si Cheska at tinuloy ang pasimpleng paglilibot ng mga mata sa paligid.

Pero napabaling ang tingin nila ng biglang may magsalita.

"Jean !" tili ng babaeng lumabas mula sa maindoor.

Napangiti naman si Mrs. Senining.

"Harriet !" ganting tili ng guro sabay takbo palapit at mahigpit na nagyakap.

Nagulat sina Valerie at Cheska sa inasal ng kanilang teacher.

Napangiti sila sa isa't isa.

"Matagal sigurong di nagkita. " puna ni Valerie.

Tumango si Cheska.

..

Napatingin sa kanila si Harriet.

"Sila ba ? " tanong nito.

Tumango si Mrs. Senining.

"Yup, pero isa na lang ang magtututor. Kasi di na pwede yung isa. Right Val ? " nakangiting tanong nito.

Naipit si Valerie.

Wala syang nagawa kundi tumango kahit na hindi pa nila napag uusapan ang kanyang pag sang ayon.

"O-opo. " napilitang sagot nya.

Napangiti si Harriet.

"Come inside. Para naman makilala na nya ang tuturuan nya. Pero Jean, sigurado ka bang kakayanin nya si Coleen ? " bulong nito.

Tumango si Mrs. Senining.

"Diskarte na nya yan. I'm sure na magagawan nya ng paraan ang anak mo. " buo ang tiwalang sagot nya.

Nagkibit balikat na lang ang babae at nag pauna ng pumasok sa magarang bahay.

..

Ilang saglit ang lumipas.

Nakaupo na sa magarang salas ang lahat.

"Wait lang ha. Tatawagin ko lang si Coleen. " sabi ni Harriet.

Napangiti na lang sila at pinagmasdan ang pagakyat ng babae sa hagdan.

Ng mawala sa paningin ng dalaga ang babae, agad nyang nilapitan ang guro.

"Ma'am, sabi nyo po titingnan pa lang natin ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti ng malungkot si Jean.

"I'm so sorry Val. Gusto ko kasi talagang ikaw ang magturo sa kanya. Sayang kasi talaga ang kikitain mo. Kesa mag part time ka sa mga fast food. Malit na yung kita, pagod ka pa. Samantalang dito, libre na ang lahat. Para ka pang nag aaral ulit. " katwiran nya.

"Tama si Ma'am, Val. Try mo na lang muna. Kung di mo kaya, pero tingin ko kaya mo eh. " biro ni Cheska.

Natawa sila ng guro pero nanatiling tahimik si Valerie.

"Relax iha. I'm sure na kaya mo to. If ever na ayaw mo na, just tell me para makahanap agad ako ng kapalit. " sagot ng guro.

Marahang tumango si Valerie.

Natigila ang usapan nila ng marinig ng kalampag.

Napatingin silang lahat sa hagdan.

Padabog na bumababa ang isang magandang babae kasunod ang ina nito.

..

Nakangiting lumapit sa kanila si Harriet.

"Sorry sa paghihintay. This is Coleen. Coleen anak, remember Tita Jean ? " tanong nya.

Tila tamad na tumango ang dalaga.

"Hi." maiksing bati nito.

Napangiti si Mrs. Senining.

"Hello Coleen, ang laki mo na. Dalagang dalaga ka na at ang ganda ganda mo pa. " puri nya.

Ngumiti ng tipid si Coleen.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

..

"Mare, sino sa kanila ang magtuturo ? " nakangiting tanong ni Harriet.

"Ay oo nga pala. Eto si Valerie. Val, meet Harriet and Coleen. " pakilala ni Mrs. Senining.

Magalang na yumuko si Valerie pero natigilan sya ng iabot ni Harriet ang kamay nito.

"Nice to meet you iha. I can't believe ng sabihin ni Jean sa akin na same age lang ni Coleen ang magtuturo sa kanya. Pero I know Jean, hindi ako ipapahiya nyan. " puri nya.

Napangiti lang si Valerie.

"S-salamat po. " sagot nya at inabot ang kamay ng ginang.

Napatingin si Harriet sa anak.

"Iha, greet your new teacher. " utos nya.

Napaismid si Coleen at nagtapon ng pilit na ngiti.

"Hello. Nice meeting you. " mabilis nitong sambit.

Ngumiti si Valerie.

"N-nice meeting you too. S-sana magkasundo tayo. " kinakabahang wika nya.

"I bet. " bulong ni Coleen.

Mabilis na sinaway ni Harriet ang anak.

"Coleen !. " bulong nya.

Umirap lang ang dalaga at inayos ang buhok.

Nahihiyang napatingin naman si Harriet sa kaibigan.

"Kelan sila mag start ? " tanong nya.

"Aba't bakit ako ang tinatanong mo ? Di naman ako ang magpapasweldo sa kanya. " biro ni Mrs. Senining.

Natawa si Harriet.

"Ay oo nga pala. Anyway iha, kelan mo gustong mag umpisa ? " nakangiting tanong nya.

Natigilan si Valerie at tumingin sa guro.

Ngumiti lang si Mrs. Senining.

"K-kayo po. " nahihiyang sagot ni Valerie.

Ngumiti din si Harriet.

"Naku mahiyain ito Jean. Pwede ka bang magsimula na ngayon ?" tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"P-po ? " tanong nya.

Natawa si Harriet.

"Yan kasi sabi mo akong bahala eh. Okay lang naman kahit ngayon ka magstart. Parang mag pakilala lang kayo ni Coleen sa isa't isa tapos sa saturday na yung start ng turorial nyo. Okay ba? " tanong nya.

Napatingin si Valerie sa guro at kaibigan.

Pero walang sumagot sa mga ito.

Kabadong ngumiti sya at marahang tumango.

"S-sige po. " mahinang sagot ng dalaga.

Napangiti si Harriet.

"Good. Dun na lang kayo sa library. Iha, samahan mo si Val sa library. Sunod ka nalang sa kanya iha, don't worry dito lang kami at magchichikahan. " utos ng ginang.

Tila tamad na tumayo si Coleen.

Tinapunan nya ng tingin si Valerie.

Agad namang nakuha ng dalaga ang nais ni Coleen kaya mabilis syang tumayo at tiningnan ang kaibigan at guro.

"Kaya mo yan sis. " bulong ni Cheska.

"Sige na iha, hihintayin ka namin. " sambit ni Mrs. Senining.

Tumango si Valerie at mabilis na sumunod kay Coleen.

..

Tinahak nila ang pasilyo.

Ilang saglit lang ay huminto si Coleen sa tapat ng isang pinto at tila tamad itong binuksan.

Agad na lumapit si Valerie.

Natulala ng makita ang loob.

"Wow. " di nya mapigilang sambitin.

Naupo si Coleen sa mahabang sofa.

Tila nabatubalani naman si Valerie.

"Ahem. Tatayo ka na lang ba dyan ?" tanong ni Coleen.

Nagulat si Valerie.

"H-ha ? " tarantang sagot nya.

Umismid si Coleen.

"Nerd. " bulong nya pero umabot ito sa pandinig ng dalaga.

Nakaramdam ng inis si Valerie pero pilit nya itong binalewala.

Tinuro nya ang isang bakanteng silya.

"P-pwedeng maupo dito ? " tanong nya.

Pinaikot ni Coleen ang eyeballs.

"As if I care ?" bulong ng dalaga.

Lalong nainis si Valerie.

Isa isa nyang nilabas ang notebook.

"Saan ka ba natapos ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Ang sabi ni Mom, magpapakilala lang tayo sa isa't isa. Then why are you asking me that ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

Mabilis syang tumango at muling binalik ang mga kwaderno sa bag.

"Oo nga pala. Uhm, ako si Valerie Cayabyab. And you're ? " nakangiting tanong nya.

"Coleen nga di ba? Paulit ulit ? " inis na tanong ng dalaga.

Napangiti pa rin si Valerie.

"I mean, what's your full name ? " tanong nya.

Tamad na bumuntong hininga si Coleen.

"Coleen Concepcion. " mabilis nitong sagot.

Natigilan si Valerie ng marinig ang apelyido nito.

Napansin naman ito ni Coleen.

"Why ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie at nailing.

"W-wala. Kaapelyido mo lang yung kakilala ko. " sabi nya.

Tumango tango si Coleen at naghikab.

"Okay na siguro ito. I'm going to sleep na, may gig pa kami mamaya. " sabi nya.

Ngumiti lang si Valerie.

"S-sige. Sa sabado na lang ulit. " sabi nya.

Tumango lang dalaga at tumayo na.

Pero bigla itong pumihit paharap kay Valerie.

"Lilinawin ko lang sa'yo. Ayaw ko ng inuuto utusan ako. Is that clear ?" mataray na tanong ni Coleen.

Napaatras si Valerie pero marahan din syang napatango.

Ngumiti ng matamis si Coleen.

"Good. Kapag ganyan ka, magkakasundo tayo. Kapag nakaharap si Mommy, kunwari friends tayo. Okay ?" tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"S-sige. " sagot nya.

Lumawak ang ngisi si Coleen.

"Okay ka pala eh. Sige uwi ka na. " utos nito.

Tumango si Valerie at kinipkip ang bag.

Agad syang lumabas ng library at bumalik sa salas.

..

Inabutan nyang masayang nagkukwentuhan ang tatlo.

"Oh tapos na kayo ?" nakangiting tanong ni Harriet.

Marahang tumango si Valerie at pinilit ang sariling ngumiti.

"O-opo. Sa sabado na lang daw po kami ulit magkita. " sabi nya.

Biglang may nagsalita sa likod nya.

"Mabait si Valerie, Mom. Mukhang magkakasundo kami. " nakangising sambit ni Coleen sabay yakap sa likod ng ina.

Natuwa naman si Harriet.

"Really ? That's good news iha. Sige sige. Wait me here Val ha ? " tanong nya sabay nagmamadaling umakyat sa hagdan.

Kunot noong napaupo si Valerie sa tabi ni Cheska.

Excited namang nagtanong ang kaibigan nya.

"Sis, anyare ? "tanong nito.

Nagkibit balikat lang si Valerie.

Ayaw nyang siraan ang anak ng kaibigan ng guro kaya tinago nya ang inis kay Coleen.

Maya maya ay muling bumaba si Harriet.

Inabot nito ang hawak na sobra kay Valerie.

Nagtatakang napatanong ang dalaga.

"A-ano po to ? " tanong nya.

Ngumiti si Harriet.

"Advance pay iha. Kasi nagustuhan ka ng anak ko. " natutuwang sabi nya.

Natigilan si Valerie at napatingin kay Coleen.

Umismid lang ang dalaga at umakyat na sa hagdan.

..

Matapos ang isang oras na kwentuhan, nagpasya ng magpaalam ang tatlo kay Harriet.

Pinatawag naman ng babae ang driver nito at inutusang ihatid hanggang sakayan ang tatlo.

Dahil iba ang daan ng guro, hindi na ito sumabay sa dalawa pauwi.

Habang naglalakad ay di na nakapagpigil si Valerie.

"Grrr !!!. " tili nya.

Wala syang pakialam kung may makarinig mang ibang tao sa kanya.

Gigil na gigil sya kay Coleen pero wala syang magawa dahil kailangan nya ng perang ibibigay ng ina nito.

Nagulat si Cheska sa inasal ng kaibigan.

"Hala, nabaliw na. " natatawang sabi nya.

Asar na naglakad si Valerie.

Tumatawang umagapay sa kanya ang kaibigan.

"Hoy, anong nangyari sayo ? " tanong ni Cheska.

Di sumagot si Valerie, bagkus ay mabilis syang pumasok sa bahay nila at hinagis ang bag sa maliit na sofa.

Inis syang umupo.

Sumunod naman si Cheska.

"Hoy, anong problema mo ? " tanong nya.

"Si Coleen !. " sigaw ni Valerie.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Oh ? Anong problema ? Mukha namang mabait ah. Magkasundo nga daw kayo di ba? " tanong nya.

Napasimangot si Valerie.

"Hah !, ang yabang non at ang arte. Sinabi nya lang yon para di na ako palitan ng nanay nya. Alam na alam nya kasing pwede nya akong kayan kayanan. " asar nyang sagot.

Nagulat si Cheska.

"Ha? Di nga ? Sabihin natin kay Ma'am bukas. !" suhestyon nya.

Umiling si Valerie.

"Wag. Kung inaakala nyang uubra sya sa akin. Humanda sya. Pahihirapan ko sya. Grrr. " gigil nyang sambit.

Natawa si Cheska.

"Go Bebang. Ngapala, anong laman nung sobre ? Pera yun di ba? Magkano ? " excited nitong tanong.

Natigilan si Valerie at nawala ang galit sa mukha.

Mabilis nyang dinampot ang bag at hinagilap ang sobre.

Ng makita ay dahan dahan nya itong pinintahan.

Biglang natulala si Valerie ng makita ang laman.

Nacurious si Cheska kaya inagaw nya ang sobre sa kaibigan at nilabas ang pera para bilangin pero maging sya ay nabigla.

"L-limang libo Bebang. " gulat na sambit ni Cheska.

Nagkatinginan silang dalawa.

"B-baka magkasundo nga kami ni Coleen. Sa tingin mo ? " wala sa loob na bigkas ni Valerie.

Natulala si Cheska pagkuwa'y sumabog ng tawa.

Maging si Valerie ay di na napigilan ang sarili.

Tumawa silang magkaibigan na parang baliw.

ITUTULOY !!!