Ikalabing anim na Pahina

"Tapos na ho ang visiting time. Bukas na lang ho kayo bumalik. " sabi ng gwardya.

Napahilamos sa mukha si Caleb.

Unti unti na syang naiirita pero naisip nyang lalo lamang silang di pagbibigyan nito kung sakaling gumawa o magsalita sya ng di maganda.

Nanlulumong naglakad sya pabalik sa mga kasama.

..

Napatakbo palapit si Coleen ng makita ang kapatid.

"Ano na kuya ? Okay na ba ? " tanong nya.

Napangiti ng malungkot si Caleb.

"Ayaw talaga hon, bukas na lang daw. " sabi nya.

Bumaha ang panlulumo sa mukha ng dalaga.

"P-pero gusto kong makita si Papa. " naiiyak na sabi nya.

Masuyong niyakap ni Caleb ang kapatid.

"Sssh, wag kang malungkot. May bukas pa. Babalik na lang tayo ha ? " pang aalo nya.

Umangat ang mukha ni Coleen at tinitigan ang kuya.

"Kuya, sa bahay ka sleep. " ungot nya.

Napangiti si Caleb at marahang tumango.

"Sure honey. Tara, puntahan na natin sina Val sa labas. " sagot nya.

Kiming napangiti si Coleen.

Magkaakbay silang lumabas sa lobby ng ospital at hinanap ang dalawang dalaga.

Nakita nila itong nakaupo sa gutter.

Bumungisngis si Coleen.

"Look at them kuya. Wala man lang silang arte sa katawan. Kahit saan pwede mo silang dalhin. " turo nya.

Tumango si Caleb.

"Yes. Matagal ko ng alam yan. Kaya nga sya ang pinili kong maging tutor mo. " nakangiting sabi nya at sabik na nilapitan ang dalawa.

..

"Oh andyan na pala sila. Naku mukhang malas ah, di ata sila nakapasok. " sabi ni Cheska.

"Oo nga. Gabi na rin kasi. Ang alam ko hanggang 8 lang sila ng gabi. Pero pwede pa naman bukas eh. " sagot ni Valerie.

Sabay silang tumayo at pinagpag ang pwet.

Nakangiting lumapit ang magkapatid.

"Di na sila nagpapasok ? " tanong agad ni Cheska.

Malungkot na tumango si Coleen.

"Oo eh, bawal na raw. " sagot nya.

"Don't worry Coleen, may bukas pa. Maghapon mong makakasama ang Papa mo. " nakangiting pang aalo ni Valerie.

Napangiti rin si Caleb.

"Yeah, yan nga ang sinabi ko sa kanya. Well, it's really getting late. You have to go home na. " sabi nya.

Hinatak ni Coleen ang manggas ng kapatid.

"Kuya hatid natin sila. " sambit nya.

"Of course. " agad na sagot ni Caleb.

Natawa sina Cheska at Valerie.

"Ihahatid nyo kami matapos namin kayong ihatid dito ? Yung totoo ? Naglalaro tayo ? " tanong ni Kakay.

Nagtawanan sila.

Pero hindi natawa si Caleb.

"I insist. Kelangan kong masigurong safe kayong makakauwi. Hindi ako mapapalagay kapag pinabayaan ko kayong bumyahe ng ganitong oras. " sabi nya.

Natigilan si Valerie.

"Di na kailangan Caleb. Malaki na kami at kaya na naming mag commute no. " sabi nya.

Pero umiling lang ang binata at nagpauna na sa paglalakad patungo sa sakayan.

Sumimangot si Valerie.

"Hmmp ! Yan talagang kuya mo. Kung anong maiisipan, basta na lang ginagawa ! " sabi nya.

Natawa si Coleen.

"That's kuya. Strikto sya when it comes to me. Nung nasa states pa kami, kahit ano nagagawa ko, as long as na kasama sya. Di rin ako basta basta makakapasyal kasama ang mga classmates ko, kailangan sasabihin ko sa kanya kung saan kami pupunta at kung sinu sino ang mga kasama ko. " nakangiting kwento nya.

Namangha si Cheska.

"Wow ah, daig pa nya ang tatay mo. " biro nya.

Pero biglang napangiti ng malungkot si Coleen.

"Maybe that's the reason. Iniisip nyang responsibilidad nya ako since na Papa left us. " bulong nya.

Agad na pinawi ni Valerie ang lungkot na nag aambang bumalot kay Coleen.

Hinawakan nya ang kamay ng dalaga at inakay na.

"Tara let's. Kita mo yung ilong ng kuya mo, umuusok na o. " turo nya.

"Oo nga oh. Tara na at baka paluin tayo nyan. " biro ni Cheska.

Napangiti si Coleen.

"Oy wag nyo namang asarin si kuya. Strikto lang talaga sya pagdating sa mga taong SPECIAL sa kanya. " paalala nya.

Natigilan si Valerie at unti unting napasimangot.

"Nicoleen. Wag mo kong sisimulan." banta nya.

Natawa ng malakas si Coleen.

"Why ? May nasabi ba akong masama ? Bebang ? " biro nya.

Agad na sumingit si Cheska.

"Teka teka. Anong meron ? Bakit ? " tanong nya.

Hinarap ni Coleen ang dalaga.

"Wala namang SPECIAL sa mga pinag uusapan namin. " sagot nya.

Kinalawit ni Valerie ang braso ni Coleen at hinatak palayo.

"Tara na. Gabi na. Daldal nyong dalawa. " nakasimangot na sabi nya.

Natawa ng malakas si Coleen habang tarantang humabol naman si Cheska.

..

"Bayad ho. Apat. " sabi ni Caleb.

Maluwag ang jeep kaya naman tabi tabi ang tatlong dalaga habang nasa kabilang side ang binata.

"Ang sarap palang no. Ang babait ng mga tao, kasi inaabot nila yung bayad ng nasa dulo. " manghang sabi ni Coleen.

Natawa si Cheska.

"Bakit ? Ngayon ka pa lang nakasakay ng jeep ? " tanong nya.

Nahihiyang tumango si Coleen.

"Third time, first nung nagpunta kami ni Val galing sa bahay. Then yung second nung papunta tayo sa hospital. Then ito na. " kwento nya.

"Eh tricycle ? " tanong ulit ni Cheska.

Umiling si Coleen.

"Di pa. Saan ba meron ? " tanong nya.

Napangiti si Cheska at tinuro si Valerie.

"Si Tyong, yung erpat ni Val, tricycle driver. " imporma nya.

Namangha si Coleen.

"Really Val ? Pasakay ako ! " excited na sabi nya.

Natawa si Valerie.

"Naku baka magsisi ka. Matatagtag ka tapos ang sikip sa loob. " pananakot nya.

Pero di nasiraan ng loob ang dalaga.

"I don't care. Hey kuya, nakasakay ka na sa tricycle ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Yup. Nakakain na rin ako ng fishballs at kikiam. " pang iinggit nya.

Napasimangot si Coleen.

"I hate you kuya. Sabi mo kapag umuwi tayo dito, yun ang una nating kakainin na street food ! " sumbat nya.

Natawa si Caleb.

"Mahina ka eh. Ang bagal mong sumunod saken eh. " sabi nya.

Umismid si Coleen.

"Ikaw ba namang bantayan 24 hours ni Lola kung di ka mahirapan. Ni passport ko nga di ko makita eh, kung di pa ako nagsinungaling kay Mom. Sabi ko pupunta kami ng Disney, ayun binigay agad agad. " sagot nya.

Natigil ang usapan ng apat ng huminto ang jeep.

Kita nilang may pasakay na tatlong lalaki.

Agad na nakadama ng kaba si Caleb kaya dali dali syang tumabi kay Valerie.

Nasa likod ng mismong driver si Cheska habang katabi nito ang kapatid.

Si Val ang nasa dulo kaya ito ang natabihan nya.

Nagtaka ang tatlong dalaga.

Nakaramdam ng kilig si Valerie pero nagtataka sya kung bakit lumipat ang binata sa tabi nya.

"Oh bakit ? " tanong nya.

Napangiti ng kimi si Caleb.

"W-wala. " sabi nya at pasimpleng tiningnan ang mga bagong pasok.

Lalong kinabahan ang binata ng magbulungan ang mga ito at tinuturo ang mga kasama nyang babae.

..

Sinundan ni Valerie ang tinitingnan ni Caleb.

Maging sya ay natigilan ng magtama ang mga mata nila ng isang lalaking bagong pasok.

Agad na nag iwas ng tingin si Valerie.

"C-caleb. " bulong nya.

Tumango ang binata.

"Sssh, don't panic. Baka kabahan yung dalawa. " pigil nya.

Marahang tumango si Valerie.

Napatingin si Coleen sa dalawa sabay ngiti.

"Kita mo si kuya, di nakatiis oh. " tukso nya.

Natawa si Cheska.

"Oo nga eh. Pagbigyan mo na, pauwi na kami eh. " pagsakay nya.

Napasimangot si Valerie.

"Ang ingay nyo. " saway nya.

Humagikgik lang ang dalawa.

Biglang lumapit ang isang lalaki.

"Bayad oh. " sabi nito.

Agad na inabot ni Caleb ang bayad ngunit iniwas ito ng lalaki.

"Ayaw ko sayo, miss ganda, paabot ng bayad ko. " sabi nito.

Natigilan si Coleen.

Agad syang nagtago sa likod ni Valerie.

..

Nagtawanan ang dalawang lalaki na malapit sa pinto.

"Natakot sayo pare. " sabi ng isa.

Sumimangot ang lalaking nag aabot ng bayad.

"Ang yabang mo naman. Paabot lang eh. " asar na sabi nya.

Kabadong sumingit si Caleb.

"A-ako na ho kuya. " sabi nya.

Kumunot ang noo ng lalaki.

"Ang kulit mo naman boy. Sinabi ng ayaw ko sayo. Gusto ko si Miss ganda ang mag abot ng bayad ko. Kung ayaw nya, di kami magbabayad. " galit na sabi nito.

Umepal ang driver.

"Aba't loko ka pala eh. Bakit mo pinipilit yung bata ? Inaabot na nga nung isa oh. " sabi nya.

Napatingin ang lalaki sa matanda.

"Hoy tanda, wag ka ngang makialam dito !" sawata nya.

Natahimik ang matandang driver.

Nakaramdam ng takot ang pasaherong nasa harap.

"P-para na ho manong. " sabi nito.

Hininto naman ng driver ang jeep at hinintay na makababa ang babae.

Pagkababa nito ay hinarap nya ang mga magugulong pasahero at sinubukang kausapin ng maayos.

"Mga pare, wag naman kayong manggulo. Nag hahanapbuhay ako ng maayos eh. " pakiusap nito.

Biglang lumabas ang isang lalaki mula sa loob ng jeep at umikot patungo sa tabi ng driver.

"Tanda wag ka ng magulo, baka holdapin pa namin itong jeep mo. " banta nito.

Napaatras ang driver at napilitang tumahimik.

..

Muling kinulit ng isang lalaki si Coleen.

"Ano ba ? Nangangawit na ako ha ! " singhal nya.

Lakas loob na sumingit si Cheska.

"A-akina ho. " abot nya.

Napangisi ang lalaki.

"Pwede na to, maganda ka rin miss. " sabi nya.

Inabot ni Cheska ang pera pero bigla nya itong nabitawan ng himasin ng lalaki ang palad nya.

"Ay ! " gulat na sambit nya.

Naasar ang lalaki.

"Kita mo ng ginawa mo ! Pulutin mo yan ! " sigaw nito.

Napaatras si Cheska.

"E-eh kayo kasi eh. B-bakit ba kayo nanghihipo ? " takot na tanong nya.

Napangisi ang lalaki.

"Hipo na yon ? Di yun hipo miss, gusto mo bang mahipuan ? " tanong nya.

Nagtawanan ang mga lalaking kasama nito.

Yumuko si Caleb at isa isang dinampot ang mga nahulog na barya.

Pero biglang tinapik ng lalaki ang kamay nya.

"Hoy ! Sinong nagsabi sayong damputin mo yan ? " tanong nito.

Nilakasan ni Caleb ang loob at sinalubong ng tingin ang lalaki.

"Kuya, ako na hong magbabayad sa inyo. Wag nyo na lang pong guluhin itong mga kasama ko. " pakiusap nya.

Napangisi ang mga lalaki.

"Aba aba. Bakit kaanu ano mo ba yan ? Syota mo ba yang katabi mo ? Eh di sayo na yan, magaganda din naman itong dalawa eh. " sabi nya.

Napatiim bagang si Caleb.

"Kapatid ko ho itong isa, kaibigan ko naman yang nasa dulo. " sabi nya.

Napatangu tango ang lalaki.

"Eh yang katabi mo ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb at marahang napatingin kay Valerie.

Nagkatitigan sila ng dalaga.

Napangiti ng kimi si Caleb.

"Girlfriend ko ho. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie pero di sya nagsalita.

..

Sumabat ang lalaking nasa tabi ng driver.

"Ows ? Syota mo ba talaga yan ? Tanungin mo nga yung babae pare. " sabi nya.

Ngumisi ang lalaking nasa harap nina Caleb at tinanong si Valerie.

"Miss, syota mo ba to ? " tanong nya.

Napalunok si Valerie at pasimpleng napatingin kay Caleb.

"O-opo. " sagot nya.

"Syota daw, sige nga. Patunayan mo nga ! " sambit ng lalaki.

Natigilan si Valerie.

"A-ano hong ibig nyong sabihin ?" tanong nya.

Ngumisi ang lalaki.

"Maghalikan nga kayo. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata nina Valerie at Caleb.

Maging sina Cheska at Coleen ay natulala.

Di sila makapagsalita dahil sa takot.

"K-kuya. W-wag nyo namang bastusin yung mga kasama ko. " pakiusap ni Caleb.

Natawa ang mga lalaki.

"Bakit ? Sino bang nambabastos ? Para nagrerequest lang eh. Di ba mga pare ? " tanong nya.

Tumango ang mga kasama nito.

"W-wag na ho. " tanggi ni Caleb.

Kumunot ang noo ng lalaki.

"Siguro nagsisinungaling kayo. Di naman kayo magsyota eh. Kung di kayo magsyota, pwedeng dito ka boy at ako ang tatabi dyan ? " tanong nito.

Napanganga sina Cheska at Coleen.

Nais nilang saklolohan ang dalawa ngunit wala silang magawa dahil napipigilan sila ng takot.

..

Napatingin si Caleb kay Valerie.

Tila nagtatanong at nanghihingi ng permiso sa napipinto nyang gagawin.

Napalunok na lang si Valerie.

"S-sorry Val. " bulong ni Caleb.

Marahang tumango si Valerie.

"A-ayos lang Caleb. W-wala na tayong magagawa. P-pero smack lang ha ? F-first ko time ko eh. " bulong nya.

Natigilan si Caleb.

"T-talaga ? Y-you mean di ka pa nahahalikan ? " mahinang tanong nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie at marahang tumango.

Tila idinuyan sa alapaap si Caleb sa nakitang kumpirmasyon mula sa dalaga.

"S-sige. Smack lang. " bulong nya.

Nainis ang lalaki.

"Ano na ? Aysus. " asar na sabi nya.

Nataranta sina Caleb at Valerie.

Nagharap sila at nagtitigan.

"V-val. " bulong ni Caleb.

"C-caleb. " tawag ni Valerie.

Dahan dahang napapikit ang dalaga.

Kanina pa malakas na malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Pero nag iba na ang dahilan.

Kung kanina ay dahil sa takot, ngayon naman ay dahil sa kilig at antisipasyon sa maaaring mangyari.

..

Napahinga ng malalim si Caleb habang tinitigan ang mamula mulang labi ng dalaga.

Tiningnan nya ang mga kasama.

Maging ang mga ito ay tila nag aantay na rin sa maaaring mangyari.

Napalunok si Caleb at dahan dahang nilapit ang mukha sa mukha ni Valerie.

"V-val. " bulong nya at tuluyan ng pinikit ang mga mata.

Dahan dahan.

Ramdam na nila ang hininga ng isa't isa.

Lalo lamang nitong dinagdagan ang kaba ng dalawa.

Konting lapit pa.

Isang pulgada na lamang ang distansya ng mga labi nila.

Maging ang driver ay tila inabangan na lang din ang pagtatama ng mga labi ng kanyang pasahero.

..

Nilapit pa ni Caleb ang ulo.

Halos magtama na ang mga ilong nila ng dalaga.

"T-this is it . " bulong sa isip ni Valerie.

Tuluyan na nyang tinanggap ang sitwasyon.

Malapit ng maganap ang kanyang unang halik at masaya sya dahil galing ito sa lalaking naging espesyal sa kanya.

Ganuon din ang tingin ni Caleb.

Bagama't pangit ang dahilan, hindi nya ito alintana.

Ang mahalaga ay ang sitwasyon.

Konting lapit pa.

Malapit ng makuha ni Valerie ang first kiss nya ng biglang may magsalita.

"Ayos tong nasakyan ko. May live show. Wooo " boses ng lalaki.

"Ganda naman ng timing. Tangna tol, dito tayo. Dito dali. " sambit naman ng isa.

Napadilat sina Valerie at Caleb.

Kitang kita nila na halos gahibla na lamang ang distansya ng mga labi nila.

Tarantang naghiwalay ang dalawa.

Kabado at mabilis na mabilis ang tibok ng puso.

Nakaramdam ng panghihinayang sina Cheska at Coleen dahil sa pagpurnada ng kissing scene.

Napatingin sila sa dahilan ng lahat.

Pero napanganga si Coleen sa nakita.

"K-kuya Rom ? " bulalas nya.

Gulat na napatingin si Caleb sa bagong pasahero.

"Kuya Romeo ! " sigaw nya.

Maging si Valerie ay nagulat.

"Romeo ! " sambit nya.

Si Cheska naman ay napanganga.

"A-ace of Spades. Ace of Diamonds. " bulong nya.

Napaatras si Romeo.

"Hala dyusko. Tumatanda na ata ako. Di ko kayo kilala. Nakakatakot sumakay dito pre, tara baba na tayo. " banat nya.

Natawa si Darius at hinatak ang kaibigan.

"Gago, wala na nga tayong masakyan eh. Kanina pa tayo dyan. " pigil nya.

Napatingin si Romeo sa tatlong dalaga sabay kalabit sa kaibigan.

"Tol, nag je-jeep din pala ang mga anghel ? Kita mo oh. " turo nya.

Napatingin din si Darius.

"Oo nga no. Ang ganda ng gabi natin tol kahit na medyo masakit itong katawan ko. Akin na yung isa. " bulong nya.

Biglang binatukan ni Romeo ang kapatid.

"Tarantado ka minu minuto. Gusto mong ma-combo ni Ekang ? Magkakasala ka lang dyan kapatid ko. Ako na ang aako ng kasalanan, akin silang tatlo. " sabi nya.

Nagtawanan ang dalawa.

Asar na sumingit ang lalaking nanggugulo.

Tinapik nya si Darius sa braso.

"HOY ! Ang iingay nyo !, naudlot tuloy yung halikan nila. " singhal nya.

Natigilan si Tabar at biglang nangisay.

Nataranta ang lalaki.

"A-anong nangyari dyan ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Romeo.

"San nyo huling hinawak yang kamay nyo ? " balik tanong nya.

Nagtaka ang lalaki at napatingin sa kamay.

"B-bakit ? Anong meron sa kamay ko ? " muling tanong nito.

Napailing iling si Romeo at tinitigan ang lalaki.

"Ganito kasi itong kaibigan ko. Inaatake ng sakit kapag nadidikitan ng mga maruruming bagay. " sabi nya.

Napanganga ang lalaki sa narinig.

Biglang humagikgik si Coleen at Cheska.

Maging si Valerie ay natulala sa sinabi ni Romeo.

..

"Tado yan pare ah ! Mayabang yan ! " sigaw nung nasa dulo.

Nalukot ang mukha ng lalaki at nag amba ng suntok kay Darius pero mabilis na sumeryoso ang dalawa.

"Try mo kuya, kakatapos lang naming makipaglandian sa mga tambay kanina. Pero pwede pa naman kami eh. " sabi ni Darius.

Napatingin ang lahat sa itsura ng dalawa.

Dahil sa tama ng ilaw ng jeep, nuon lamang nila napansin na marungis ang damit ng mga ito at puro galos at pasa sa mukha.

"Masikip dito tol, tara sa labas. Manong wag kayong umalis ha. Isang oras na kaming nag aantay ng jeep eh. Haharutin lang namin itong dalawang to. " seryosong sabi ni Romeo.

Biglang sumingit si Coleen.

"K-kuya Rom. K-kasama din nila yung nasa harap. " turo nya.

Napangisi si Romeo.

"Ang ganda mo. Pero bata ka pa, ka age mo lang ata si Chichi. Pero anyway, okay lang kahit tatlo sila. Tatlong alaxan lang din katumbas nyan. " natatawang sabi nya at bumaba na ng jeep.

Sumunod na bumaba si Darius.

Biglang binatukan ni Romeo ang isang lalaki.

"Hoy, ano na ? Late na oh. Yari na naman ako sa nanay ko ! " singhal nya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Darius.

Napangiwi sya ng makita ang caller.

"R-rom, si Mommy. " turo nya.

Maging si Romeo ay nataranta at muling binatukan ang lalaki sa loob.

"Hoy labas na tangna nyo. Labas na please. " makaawa nya.

Nagkatinginan ang mga lalaki.

"A-ano pare ? " pabulong na tanong ng isa.

"M-mukhang lalaban eh. Puro galos oh, halatang galing sa rambol. " sagot ng isa.

Biglang sumigaw ang isang kasama nila na nasa harap.

"Mauna na ako sa inyo ! " sigaw nito at dali daling tumakbo palayo.

Tarantang nagsibabaan ang dalawa at sumunod sa kasama.

Nanlaki ang mga mata nina Romeo at Darius.

"Pare tumatakbo ! " sigaw ni Tabar.

"Pigilan mo ! Pigilan mo ! " sambit ni Romeo at nakipag patintero sa huling lalaki.

Bigla itong lumuhod.

"Sorry na. Sorry na. " makaawa nito.

Nagkatinginan sina Romeo at Darius.

"Boring na. Tara uwi na tayo. " sabi ni Romeo sabay sakay sa jeep.

Sumunod naman si Darius sa kaibigan.

..

"Tara na manong. " sambit ni Romeo.

Tila natauhan ang driver at napangiti.

"S-salamat mga iho. " pasasalamat nya.

Kumunot ang noo ni Darius.

"Baket ? Anong meron ? Bakit nagpapasalamat kayo ? " tanong nya.

Sumingit si Cheska.

"Pinipilit nung mga yon na paghalikin sila eh. " turo nya sa kay Caleb at Valerie.

Napatingin si Romeo sa dalawa.

"Oh eh ano ? Magsyota naman kayo di ba? " tanong nya.

Napakamot sa batok si Caleb.

"I wish. " bulong nya.

"Sana." bulong ni Valerie.

"Ano daw ? " tanong ni Romeo.

"Ewan ko tol. Weird ang mga tao dito. " sagot ni Darius.

Napatitig si Romeo kay Valerie.

"Teka teka. Kilala ko to tol. " turo nya.

Napangiti si Valerie.

"Ako nga yun kuya. " sabi nya.

"Sino yan pare ? " tanong ni Darius.

Napapitik pa sa ere si Romeo.

"Eto yung bida dun sa napanuod namin ni Potpot na porn. Kita mo inamin na nya di ba? " biglang banat nya.

Napanganga si Valerie.

Bumunghalit ng tawa si Cheska at Caleb.

Asar na inirapan ni Valerie ang binata.

"Siraulo. Kalimutan mo na nga yung sinabi ko . " singhal nya.

Natawa si Coleen at biglang tumabi kay Romeo.

"Mga kuya, kapitbahay nyo kami. " imporma nya.

Nabigla ang dalawang alas.

"Oh ? Kelan pa ? " tanong ni Darius.

Natawa si Caleb.

"Matagal na kuya. Sa kabilang block kami. " sagot nya.

"Oh. So neighborhood pala tayo ? " tanong ni Romeo.

Tumango tango si Coleen.

"Yes Yes. " sagot nya.

Napangisi si Romeo.

"Sige, sasabay na kami sa inyo. Sagot nyo na pamasahe namin ah. " sabi nya.

Napanganga na lang ang lahat sa sinabi ng binata.

Napailing na lang si Caleb at naglabas ng pera.

"Manong bayad ho. " sabi nya.

Pero umiling ang driver.

"Libre na yang dalawa. Salamat ulit ha. " sabi nito.

Ngunit inagaw ni Romeo ang pera at pilit na binigay sa matanda.

"Manong, kapag hindi nyo tinanggap itong bayad nya, magtatawag pa ako ng mga pasahero, sasabihin ko na libre ang byahe nyo. " banta nya.

Napailing na lang ang matanda at tinanggap na rin ang pera.

"Ikaw naman, nagpapasalamat lang eh. " sabi nya.

Napangiti si Romeo.

"Ayos na yung salita manong. Wag nyo ng bawasan ang kita nyo. Wala sa akin ang pera. Galante ako. " pagmamalaki nya.

Pero bigla syang binatukan ni Darius.

"Kapal nito pota. Eh di mo naman pera yan. " sabi nya.

Napasimangot na lang si Romeo at pinagmasdan sina Valerie at Caleb.

"Hoy kadiri kayo. Wag kayong magtitigan. " sumbat nya.

Tarantang naghiwalay ng tingin ang dalawa at pinilit ang sariling tumawa ng plastik.

Kahit na sa loob loob nila ay nais nilang gulpihin si Romeo dahil sa ginawa nitong pagsira sa romantic moment ng nilang dalawa.

ITUTULOY !!!