Ikalabing isang Pahina

Naalimpungatan si Valerie ng unti unting makaramdam ng pangangalay.

Dahan dahan nyang minulat ang mga mata at ininspekyon ang paligid.

Napakunot noo ang dalaga.

Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan.

"N-nasan ako ? " paos at mahinang tanong ni Valerie sa sarili.

Luminga linga pa sya.

Hanggang sa mahagip ng kanyang mga mata ang kama di kalayuan.

Muling napakunot ang noo ni Valerie.

"S-sino yon ? " tanong nya.

Mabilis syang nag isip.

Mula sa eskwela, naglalakad sya at sinusundan si Caleb hanggang sa makarating sila dito sa ospital.

Natigilan si Valerie ng maalala ang binata.

Naalala na nya ang lahat.

Pati ang pagtatapat ni Caleb ng saloobin nito patungkol sa sa abuela.

Pero ang mas nakakapanindig ng kanyang balahibo ay ang pagkakaalala sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang katawan.

Dahan dahang yumuko si Valerie.

Para lamang mapanganga dahil ang mismong mukha ni Caleb ang sumalubong sa kanya.

Nakapikit ang binata.

Mukhang tulog pa rin base sa nararamdaman nyang normal na paghinga.

Napalunok si Valerie.

"T-teka lang. C-caleb. Ang bigat mo. " bulong nya.

Pinilit nyang alisin ang mukha ng binata sa tapat mismo ng kanyang dibdib.

Ngunit lalo lamang lumala ang sitwasyon.

Mas humigpit ang mga brasong nakapalibot sa balakang ni Valerie.

"H-hoy. Wala ka sa bahay nyo. Hindi ako unan. " reklamo nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng ikiskis ni Caleb ang pisngi nito sa kanyang dibdib.

Ramdam nya ang pag iinit ng pisngi.

Biglang bumukas ang pinto ng banyo.

Nagtama ang paningin ni Valerie at ni Amy.

"T-tyang . " bulalas nya.

Napangiti si Amy.

"Oh iha. Gising ka na pala. " nakangiting sabi nya.

Napangiti ng kimi si Valerie.

"O-opo. " sagot nya.

"Buti hindi ka nangangalay ? Kanina pa kayo magkayakap ah. " tukso ni Amy.

Sukat sa sinabi ng babae, bumalikwas ng upo si Valerie dahilan para mahulog sa sofa si Caleb.

Nagulat ang binata.

"H-huh ? " tanging nasabi nya.

Bumungisngis si Amy.

"Ayos ka lang ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"A-anong nangyari ? " ganting tanong nya.

"Nahulog ka lang naman. " bungisngis na sagot nya.

"N-nahulog ? S-saan ? " tanong ni Caleb.

Nginuso ni Amy ang pinagbagsak ng binata.

Mabilis na lumingon si Caleb at nagulat sya ng makita si Valerie na pulang pula ang mga pisngi.

"V-val ? " takang tanong nya.

Sumimangot si Valerie.

"Val. Valvalin kita dyan eh. " bulong nya.

"Inano na naman kita ? " tanong ni Caleb.

Bwisit na inirapan ni Valerie ang binata.

"Gusto mong ako ang mang ano sayo ? " singhal nya.

Napakamot sa batok si Caleb.

"Kita mo to. Di ko naman inaano, tapos aanuhin ako. " sambit nya.

Humagikgik si Amy.

"Hephep, bago kayo magka anuhan. Kumain na muna kayo. Bumili ako ng cup noodles. " sabi nya.

Kakamot kamot na napatayo si Caleb.

Saglit syang nag inat ng katawan at pilit na inalala ang mga nangyari bago nakatulog.

"Hmm. Pakiramdam ko kanina, may kayakap akong anghel. Nakahiga daw ako sa malambot na unan, tapos bigla na lang akong lalagabog sa sahig. Tsk tsk. " sambit nya.

Natawa si Amy.

"Malambot na unan ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Opo Tyang, ang lambot. Ang sarap yakapin. Tapos ang bango pa. Hmm. Parang naaamoy ko pa nga ata. " sagot nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie.

Kung hindi sya nagkakamali, sya ang napagkamalan ng binatang malambot nitong unan.

Ramdam nya pa ang mahigpit nitong yakap.

Dahil dito, inis na pinalo nya ang braso ng binata.

Nagulat si Caleb.

"Hoy ! Napraning ka na ? " tanong nya.

Sumimangot lang si Valerie.

Natawa si Amy.

"Eh kasi naman, sya lang naman ang ginawa mong unan habang natutulog ka. " imporma nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Tyang ! " bulalas nya.

Bumungisngis si Amy.

Natigilan si Caleb.

Sabay unti unting napangisi.

"Ikaw ba yon ? Hmm. Kaya pala malambot. Nahiga pala ako sa mga taba mo. " pang aasar nya.

Napanganga si Valerie sa narinig.

"A-ano ? Ulitin mo nga ? " tanong nya.

"Humiga ako sa'yo. " sambit ni Caleb.

"Hindi. Hindi yon. Ako mataba ? " paniniguro ni Valerie.

Natigilan si Caleb ng makita ang nakasimangot na mukha ng dalaga.

Dahan dahan syang napaatras.

"W-wala. S-sinong mataba? Ikaw ? Hindi no !. Ang sexy mo kaya. " pang uuto nya.

Tumayo si Valerie.

"Mataba. Ako ? Gusto mong sampulan kita ng sumo wrestling ? " banta nya.

Napailing iling si Caleb.

"Ayaw ko. T-tyang oh. " sumbong nya.

Natatawang pumagitna si Amy.

"Tama na yan. Naku kayong dalawa. Ngayong gising kayo, mortal kayong magkaaway. Pero kaninang natutulog kayo, naku, para kayong magnobyo. " tukso nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie at napatalikod.

"Kadiri. " sambit nya.

Napangisi si Caleb.

"Sinong naunang magising sa amin Tyang ? " tanong nya.

"Si Val. " mabilis na sagot ni Amy.

Lalong napangisi si Caleb.

Pasimple nyang kinapa ang katawan.

"Parang may nangyaring kalapastanganan sa akin ah. Hmm. " biro nya.

Marahas na napatingin si Valerie.

Daig nya pa ang torong nakakita ng pulang tela.

"Sinong lumapastangan sayo ? " tanong nya.

Natawa ng pilit si Caleb.

"A-ako. Sarili ko. S-saka yung mga lamok. " sagot nya.

"Akala ko ako eh. " nakaingos na sabi ni Valerie.

Natawa si Amy.

"Hindi pa man, mukhang under ka na agad sa magiging girlfriend mo Caleb. " naiiling na biro nya.

Napahinga ng malalim si Caleb.

"Sinabi nyo pa Tyang. Daig pa ang siga sa daan. Haaaayyyyy. " sambit nya.

"May sinasabi ka ? " tanong ni Valerie.

"W-wala. Sabi ko baka lumamig yung cup noodles. " sagot nya at mabilis na nilapitan ang mga pagkain.

..

Madilim na sa labas ng magpasyang umuwi si Valerie.

"Mag ingat kayo daan. Salamat ng marami sa pagpasyal iha. " sabi ni Amy.

Ngumiti si Valerie.

"Opo Tyang. Asahan nyo pong babalik ako para samahan kayo dito. " sabi nya.

Napangiti si Amy.

"Ang bait mo talaga. Sige at baka nag aalala na ang mga magulang mo. Caleb, siguraduhin mong makauwi si Val ng maayos. Ihatid mo sya hanggang sa pinto nila at humingi ka ng sorry sa parents nya kung bakit sya nalate ng uwi. " bilin nya.

Sumaludo pa si Caleb.

"Yes Ma'am. " biro nya.

Napangiti si Amy at hinarap ang dalaga.

"Iha. Salamat ulit. Mag iingat kayo. " sabi nya sabay yakap.

Ngumiti si Valerie at gumati ng yakap sa babae.

"Wala pong anuman. Ayos lang po ba kayo dito ? " tanong nya.

"Wag mo kong alalahanin. Matutulog lang din ako dito eh. " biro ni Amy.

Napangiti sila sa isa't isa.

..

Sa daan.

Pangiti ngiti si Caleb.

Hindi nakatiis si Valerie kaya hinarap nya ang binata.

"Bakit ka ba ngiti ng ngiti ? Para kang aso ah. " pang aasar nya.

"Bakit ? Masama bang ngumiti ? " tanong ni Caleb.

Napasimangot si Valerie.

"Wala akong sinabing masama. Concern lang ako sa'yo. Baka may makasalubong tayo dyan mamaya tapos sabihan ka ng baliw. Ngumingiti ng mag isa. " sabi nya.

Lalong napangisi si Caleb.

"Concern ? Saken ? Hmm. " tukso nya.

Natigilan si Valerie.

"Oh baket ? " maaskad na tanong nya.

"Wala. " nakangiting sagot ni Caleb.

Nagpatuloy sila sa mabagal na paglalakad.

Patingin tingin si Caleb sa dalaga.

Kapag lilingon si Valerie ay mag iiwas ng tingin si Caleb sabay ngingiti.

Dahil dito, asar na huminto sa paglalakad si Valerie.

"Ano bang problema mo ? Nang aasar ka ba talaga ? " tanong nya.

"Bakit ba ? Ang highblood mo lagi saken. " sagot ni Caleb.

Natigilan si Valerie at nag iwas ng tingin.

Tama nag binata, parang syang bulkan na laging nakaambang sasagot sa twing magdidikit silang dalawa.

Hindi nya maintindihan ang sarili.

Mahaba ang kanyang pasensya, pero pagdating sa binata ay para lamang itong sinulid sa nipis.

Napahinga ng malalim si Caleb.

"Siguro hindi mo talaga ako gustong makasama. Oh baka asar ka talaga sa akin simula pa lang. P-pasensya ka na Val. Kung lagi na lang kitang naaasar. " malungkot na sabi nya.

Muling natigilan si Valerie.

Sinulyapan nya ang binata at napanganga ng makita ang malungkot na ekpresyon sa mukha nito.

"C-caleb. " bulong nya.

Dahan dahang lumapit ang binata.

Napaatras si Valerie pero bigla syang nakarinig ng busina ng paparating na sasakyan.

Mabilis ang naging reaksyon ni Caleb.

Agad nyang pinalibot ang isang braso sa balakang ng dalaga at hinatak ito papunta sa kanya.

Dahil sa ginawa ng binata, napayakap si Valerie sa katawan nito.

"Hoy !, tumingin nga kayo sa daan !. " sigaw ng driver.

Galit na sumigaw din si Caleb.

"Ikaw na nga ang munting makabangga, ikaw pa ang galit ! " ganting sigaw nya.

Kinumpas lang ng driver ang kamay nito at muling pinatakbo ang sasakyan.

Napabuga ng hangin si Caleb bago muling hinarap ang dalaga.

"Are you okay Val ? " tanong nya.

..

Natahimik si Valerie.

Hindi dahil sa muntik na syang mabangga kung dahil sa pagkakayakap ng binata sa kanya.

Di rin lingid sa kanyang kaalaman na nakapalibot ang kanyang braso sa leeg nito.

Napanganga ang dalaga ng maramdaman nya ang marahang paghagod ni Caleb sa kanyang likod.

"Sssh, wag kang matakot. Nasaktan ka ba ? " masuyong tanong ng binata.

Nag iinit ang pisnging tumango si Valerie.

Unti unting bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Natatakot syang maramdaman ito ni Caleb kaya kahit na labag sa kanyang loob, nilayo ni Valerie ang sarili.

Nakangiting tinitigan ng binata ang mukha ng dalaga.

"Ayos ka lang ? " tanong nya.

Tumango si Valerie.

"S-salamat. " sagot nya.

Napangiti lang si Caleb.

"Tara na ? Gabi na. " aya nya sabay lahad ng kamay.

Napasulyap si Valerie sa kamay ni Caleb pakuwa'y sa nakangiti nitong mukha.

Di na sya nag isip pa.

Dahan dahan nyang inabot ang mga kamay ng binata.

Napangiti si Caleb.

Napangiti din ng kimi si Valerie.

Muling namayani ang katahimikan hanggang sa magpasya silang maglakad.

"Nagugutom na ako. " sambit ni Caleb.

Tahimik lang si Valerie.

Huminto si Caleb sa paglalakad at hinarap ang dalaga.

"Ikaw ? Kain muna tayo bago ka umuwi. " aya nya.

"W-wag na. Gagastos ka pa. " sagot ni Valerie.

Ngumiti si Caleb.

"Dyan lang naman tayo sa turo turo. " natatawang sabi nya.

Natawa din si Valerie.

"K-kaw ang bahala. " sabi nya.

Napangiti lang muli si Caleb at hinigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga.

Muli silang naglakad at naghanap ng karinderyang makakainan.

..

Matapos ang masaganang pagkain, unti unting napalagay ang loob nina Valerie at Caleb sa isa't isa.

Halos parehas lang sila ng trip kaya hindi nila napansin ang paglipas ng oras.

Kinulang pa sila sa kwentuhan habang kumakain, kaya nagpasya silang mamasyal at tumambay sa parke.

Magkatabing naupo ang dalawa sa isang bench habang tahimik na nakatingin sa maliwanag na kalangitan.

"Alam mo, nung bata ako. Gusto kong makapunta sa buwan. " sambit ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"Ano namang gagawin mo don ? " tanong nya.

Nagkibit balikat ang binata.

"Wala lang. Para kasing ang sarap mamasyal don eh. " sabi nya.

Bumungisngis si Valerie.

"Sige, trip mo yan eh. " sabi nya.

Napangiti si Caleb.

"Ikaw ? Anong trip mo pagka graduate mo ? " tanong nya.

Napaisip si Valerie.

"Hmm. Gusto kong maging doktor. " sagot nya.

Natawa si Caleb.

"Kawawa naman ang magiging pasyente mo kung sakali. " biro nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"At bakit ? " tanong nya.

"Siguradong lagi mong sisigawan kapag hindi uminom ng gamot. " sagot ni Caleb.

"Oy hindi. " sabi ng dalaga.

"Wee ? Eh bakit sakin ? Lagi kang nakasigaw ? " tanong ng binata.

Natigilan si Valerie.

"Eh kasi pang asar ka eh. " sambit nya.

"Pikon ka kasi. " sagot naman ni Caleb.

Nagtawanan sila.

"Hindi naman ako pikon. Nagkakataon lang sigurong mainit ang ulo ko kapag nagkikita tayo. " katwiran ni Valerie.

"Wee ? Eh parang araw araw kang may mens eh. " biro pa ni Caleb.

Napasimangot si Valerie at hinampas ang braso ng binata.

"Praning. Hay nako. Uwi na nga ako, inaasar mo lang ako eh. " reklamo ng dalaga.

Natawa si Caleb.

"Sorry na. Dito muna tayo saglit. " request nya.

Natahimik lang ang dalaga.

..

Tinitigan nila ang maliwanag na buwan.

Hanggang sa biglang matawa si Caleb.

"Bakit ? " tanong ng dalaga.

Nginuso ni Caleb ang isang direksyon.

Napatingin si Valerie at maging sya ay natawa sa nakita.

May mag syotang nagyayakap at mukhang naghahalikan sa kasunod nilang bench.

"Kadiri, hindi na nakatiis. " sambit ng dalaga.

"Hayaan mo sila. Trip nila yan eh. Pero nakakawalang gana yung lalaki. " sabi ni Caleb.

"Bakit ? " tanong ni Valerie.

"Kita mo naman, hinayaan nyang makita ng iba ang ginagawa nya dun sa girlfriend nya. Dapat irespeto nya ang babae. Dapat sa mas pribadong lugar nya ginawa yan. " sagot ng binata.

Napangiti si Valerie.

"Siguro ganyan din ang gagawin mo. " sabi nya.

Umiling si Caleb.

"Wala naman akong gagawan ng ganyan. " sagot nya.

"Wala daw. If I know, marami kang girls. " tukso ng dalaga.

Napangiti si Caleb.

"Masyado akong busy sa pag aalaga kay Dad. Wala pa akong panahon para sa pansariling interes. " sabi nya.

Natigilan si Valerie.

Hindi nya alam kung makakaramdam ng awa para binata dahil nawawalan na ito ng oras para gawin ang mga ginagaw ng mga kaedad nito.

Napansin ni Caleb na natahimik ang dalaga kaya marahan nya itong siniko.

"Uy. Natahimik ka na. " puna nya.

Napangiti lang si Valerie.

"W-wala. Akala ko bad boy ka. Kasi nangungupit ka. P-pero may dahilan pala. " sabi nya.

Natawa si Caleb.

"Nangungupit talaga ? " sabi nya.

Natawa din si Valerie.

"Ano pa bang tawag mo don ? Hmm. Wag mo sanang isipin na nakikialam ako, pero dapat sigurong malaman na ito ng Mommy mo. Karapatan nyang malaman ang lagay ng Daddy mo since na sya ang asawa. " sabi nya.

Natiglan si Caleb.

Natahimik.

Kinabahan si Valerie dahil baka na offend nya ang binata.

"S-sorry. " hinging paumanhin nya.

Ngumiti si Caleb.

"No. It's okay. Balak ko sanang sabihin sa kanila ang lahat oras na gumaling si Dad. P-pero mukhang tama ka. S-saka hindi ko na rin kaya ang gastos. " sabi nya.

"Mabait ka Caleb. Mabait kang anak. " pang aalo ni Valerie.

Lalong napangiti si Caleb.

"Salamat. Ikaw rin, mabait kang kaibigan. Alam ko namang sinundan mo ako dahil nag aalala ka kay Coleen. Tama ba ako ? " tanong nya.

Nagulat man, ngumiti na lang si Valerie.

"Yeah, si Coleen ang nakiusap sa akin na alamin ang kalagayan mo. At hindi ko alam kung ano ang ibabalita ko sa kanya oras na magkita kami. " sabi nya.

Napangiti si Caleb.

"Don't worry. Ako na ang magsasabi sa kanya. Karapatan nya ring makasama si Dad sa mga ganitong pagkakataon. " sambit nya.

Napangiti si Valerie.

"Talagang mabait ka Caleb. At masaya din akong sabihin sayo na gumaganda na ang grades ni Coleen. Siguro nga hindi na nya ako kailangan eh. " sabi nya.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

"Thank you very very much Val. Ikaw ang nagpabalik kay Coleen. You see, nahihirapan na akong pagsabay sabayin ang mga problema ko. Buti na lang at nandyan ka. " taos pusong pasasalamat nya.

"Wala yon. Masaya akong makatulong. " nakangiting sagot ni Valerie.

Nagkatitigan silang dalawa.

Namayani ang katahimikan.

"V-val. " pabulong natawag ni Caleb.

"Caleb. " sagot ni Valerie.

Dahan dahang naglapit ang kanilang mga mukha.

Dala ng kasabikan, unti unting napapikit ang mga mata ni Valerie.

Tanggap na nya ang maaaring maganap.

Ramdam nyang hindi nya pagsisisihan ang mangyayari.

Handa na sya para tanggapin ang unang halik.

Mula kay Caleb.

Pero lumagapak ang palad ng binata sa pisngi ng dalaga.

Napadilat bigla si Valerie at galit na napaaray.

"A-aray !. B-bakit mo ko sinampal !. " singhal nya.

Pinakita ni Caleb ang palad.

"Lamok. " sabi nya.

Natigilan si Valerie.

Nag init ang mga pisngi at mabilis na nag iwas ng tingin.

"Bwisit. " bulong nya.

"Ha ? " tanong ni Caleb.

Nakasimangot na tumayo ang dalaga.

"Wala !. Ang sabi ko, malamok na dito kaya iuwi mo na ako. " sigaw nya.

"G-galit ka ? " tanong ni Caleb.

"HINDI !. Tuwang tuwa nga ako sa pagkakasampal mo eh. " reklamo ng dalaga.

"Sorry. Alangan namang pabayaan ko lang ? " tanong ng binata.

Inis na sinabunutan ni Valerie si Caleb.

"Nakakabwisit ka ! Wag ka ng magtanong ! " singhal nya.

Naguguluhan man, tiniis na lang ni Caleb ang ginagawa ng dalaga hanggang sa mapagod ito.

"T-tara na ? " aya ng binata.

Inis na nag pauna na ng paglalakad si Valerie.

Taranta namang humabol si Caleb.

..

Tulad ng napag kasunduan, hinatid ni Caleb ang dalaga hanggang sa bahay nito.

"So, dito ka pala nakatira. " sabi nya.

Tumango si Valerie.

"Yeah. So paano, dito na ako. Babalik ka pa ba sa ospital ? " tanong nya.

"Oo. Sasamahan ko si Tyang. Sige, alis na ko. " paalam ng binata.

Ngumiti ng kimi si Valerie.

Ramdam nya pa ang kahihiyang dinanas sa sarili.

"S-sige. Mag iingat ka. " sabi nya.

Ngumiti din si Caleb.

Pumihit na sya at akmang maglalakad pabalik ng bigla silang makarinig ng sigaw.

"Diyos ko ! Valerio ang anak mo ! Bumalik na !. " boses ng babae.

Sabay na napatingin sina Valerie at Caleb sa pinanggalingan ng tinig.

Pero napanganga sila ng biglang maglabasan ang mga tao sa kanila.

Lalong nagulat si Valerie dahil maging ang pamilya ni Cheska ay nanggaling din sa loob.

"A-anong nangyari ? " takang tanong nya.

Si Cheska ay mabilis na nilapitan ang kaibigan.

"Saan ka ba nanggaling bruha ka ? Alalang alala na kami sayo ! " singhal nito.

Napaatras si Valerie.

"T-teka. B-bakit parang susugod kayo sa gyera ? " tanong nya.

Biglang sumingit si Aling Vicky.

"Anak ? Ayos ka lang ba ? Bakit mo naman ginawa yon. " naiiyak na tanong nito.

Lalong naguluhan si Valerie.

"A-anong ginawa ko ? T-teka. Ipaliwanag nyo nga kung anong nangyayari !. " sambit nya.

Galit na nilapitan ni Mang Valerio si Caleb na hindi pa rin nakakaalis.

"Hoy ! Ang lakas ng loob mong magpunta dito ! Anong ginawa mo sa anak ko ? Sabihin mo ! " sigaw nya.

Napaatras si Caleb.

"H-ho ? Wala po akong ginagawang masama. " sagot nya.

"Tay ! Ano bang ginagawa nyo ? Ano bang nangyayari dito ? " gulong gulong tanong ni Valerie.

Si Cheska ang sumagot sa tanong.

"May balitang nakarating dito kanina. May nakakita daw sa inyo ni Caleb na naglalakad papunta kung saan. " sabi nya.

"Oh ? Anong masama don ? Para naglalakad lang ? " tanong ni Valerie.

Biglang tumawa si Cheska.

"Mukhang mali ang tsismis. Hindi sila nagtanan. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb at Valerie sa narinig.

"TANAN ? " sabay pa nilang tanong.

"Sinong nagtanan ? " tanong ni Valerie.

Tinuro ni Cheska silang dalawa.

"Kayo daw. " sabi nya.