Ikalawang Pahina

Dahan dahang lumapit si Valerie at pumwesto sa likod ng babaeng naglalaba.

Maingat na hindi gumagawa ng ingay.

Hinintay nya ang pagkakataong humarap ito.

At ilang saglit nga lang, pumihit ang babae at buong gilas na sumigaw si Valerie.

"Bulaga ! " sigaw nya.

Napatili ang babae at automatikong nahampas ang dalaga.

"Por Diyos por santo kang bata ka !. " sigaw nya.

Tawa ng tawa si Valerie at inabot ang kamay ina.

"Mano po Nay. " magalang na bati nya.

Nakasimangot na tumango si Aling Vicky.

"Kaawaan ka ng Diyos. Pumasok ka na sa loob. Nagluto ako ng suman. " sambit nito.

Pinagmasdan ni Valerie ang nilalabhan ng ina.

Marami rami ito kaya di maiwasang mapakunot ang kanyang noo.

"Mukhang marami rami na naman yan Nay ah. Sabi ko naman sa inyo na bawas bawasan nyo ng pagtanggap ng labahan sa kapitbahay. Sasakit na naman po yang braso nyo eh. " puna nya.

Napangiti ng bahagya si Aling Vicky.

"Nak may suman don, kumain ka muna. " pag iiba nito sa usapan.

Naningkit ang mga mata ni Valerie at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

Dire diretso sya sa isang silid at binagsak ang mga gamit sa kama.

Agad syang nag bihis ng pambahay at ng matapos ay mabilis ding lumabas.

Binalikan nya ang ina sa harap ng bahay.

"Nay, yung isang planggana ? " tanong nya sa ina.

"Naku itong batang to, kumain ka nga muna don. " utos ni Aling Vicky.

Umiling ang dalaga.

"Di pa ako nagugutom, nasan na po yung isang planggana ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim ang ina at napangiti.

"Nandun sa banyo. " turo nya.

Agad na kumilos si Valerie at muling pumasok sa loob ng bahay.

Diretso sya sa banyo at kinuha ang pakay.

Matapos ay muli syang bumalik sa ina at nilapag sa tabi nito ang planggana.

Inayos nya ang hose at pinuno ito ng tubig.

"Kayo po ba nag miryenda na ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti lamang ang ina, pinagpatuloy pa rin nito ang paglalaba.

Napabuntong hininga si Valerie at muling pumasok sa bahay.

Diretso sya sa maliit nilang kusina at binuksan ang mga nakatapik na plato.

Nakita nya ang tinutukoy na miryenda ng ina.

Binuhat nya ito at muling lumabas.

"Sabay na tayo Nay. " sabi ni Valerie.

Napailing na lang si Aling Vicky.

Kabisado nya ang anak, hindi ito titigil hangga't hindi sya kakain at sasabay dito.

Kaya imbes na umangal, kinuha nya ang isang tinidor at tinusok ang isang suman pagkatapos ay mabilis na sinubo.

Gumaya si Valerie.

Kumagat din sya sa suman at pagkatapos ay kumuha ng sabong bareta sa ina at nagsimula na ring maglaba.

..

Ilang saglit ang lumipas, abala na sa pagbabanlaw si Valerie ng biglang magtanong ang ina.

"Kamusta ang pag aaral anak ? " tanong ni Aling Vicky.

Napangiti si Valerie.

"Parehas pa rin ng dati, mahirap na masarap. " sagot nya.

Ngumiti ang ina.

"Walang pagbabago ? Graduating ka na ah. " paalala nya.

Tumango si Valerie.

"Uhm, siguro simula pa lang po kasi. Pero napapansin namin ni Cheska na marami agad kaming projects. Naubos yung ipon ko sa bangko. " biro nya.

Ang tinutukoy nyang bangko ay ang unggoy na alkansya.

Araw araw ay hinuhulugan nya ito kahit piso lamang mula sa kanyang baon.

Kahit pa sabihing maliit na halaga lamang ang naidadagdag nya, malaki ang naitutulong nito sa kanyang pag aaral.

Kadalasan, kapag may projects sila sa school ay dito sya kumuha at hindi na sya humihingi pa sa ina.

..

Bumaha ang lungkot sa mukha ni Aling Vicky.

"Nagamit nga pala ni Bitoy yung pera mo. Ipaalala mo nga sa akin sa sabado kapag makasingil ako. Ako na ang magbabayad. " sabi nya.

Natawa si Valerie.

"Ang korni nyo Nay ah, ako nga ang nag prisinta na gamitin nya muna yung kalahati para dun sa field trip nila di ba ? Bakit kayo magbabayad ? Saka di naman kayo ang umutang di ba? " tanong nya.

"Syempre, di naman kayang ibalik agad ng kapatid mo yung pera. Alam mo namang sampu hanggang kinse lang ang baon non araw araw. Kumakain pa, at may mga bayarin din sa schools nya. " katwiran ng ina.

"Hayaan nyo na ho sya. Para matuto syang magbayad utang. " nakangising sabi ni Valerie.

Napailing na lamang si Aling Vicky at tinuloy na ang pagbabanlaw.

Maya maya ay may narinig sila tili.

Natawa ng bahagya ang mag ina.

"Yang kaibigan mo, parang kinakatay na naman. " sambit ni Aling Vicky.

"Nalaglag na naman po ata yung turnilyo sa utak. " biro ni Valerie.

Ilang saglit lang ay lumitaw si Cheska at tumabi sa kaibigan.

"Laba dami, labango. Hoy bruha, pasabay naman ng mga damit ko. " biro nya.

Napangisi si Valerie.

"Sige, dalhin mo dito. Bente pesos isang damit. " ganting biro nya.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

"Aba aba, talo mo pa si Tyang Vicky ah. Yayaman ka nyan ineng. " natatawang sabi nya.

Napangiti din si Aling Vicky.

"Sinong tao sa tindahan nyo Kakay ? " tanong nya.

Napangiwi si Cheska.

"Tyang !, it's Cheska. Laos na yung Kakay no!. " reklamo nya.

Napangisi si Valerie.

"Kakay, maganda naman ah. " biro nya.

"Maganda ng di hamak kesa sa Bebang. " paalala ni Cheska.

Nawala ang ngiti ni Valerie.

"Wag mong babanggitin yan sa school. " banta nya.

Unti unting napangisi si Cheska.

"At baket ? Dati na kitang tinatawag ng ganon sa school ah. Oops, oo nga pala, baka marinig ni Caleb. " mahinang sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

Bagama't mahina ito, pakiramdam nya ay biglang naging alerto ang kanyang buong sistema.

Napahigpit ang piga nya sa hawak ng damit at tinitigan ng masama si Cheska.

"Nakita mo tong panty na to ? Ganito ang gagawin ko sayo. " ganting bulong ni Valerie.

Buong pwersa nyang piniga ang panty hanggang sa halos mapunit na ito.

Napatingin si Aling Vicky sa anak.

"Bebang !. " sigaw ng ina.

Napangiwi si Valerie.

"N-nay, Valerie ho. " paalala nya.

"Bebang o Valerie, pareho lang yon. Yung panty !, anong ginagawa mo ? " tanong ng ina.

Tila natauhan si Valerie ng marinig ang sinabi ng ina.

Pagtingin nya sa hawak ay bigla nya itong nabitawan.

"S-sorry po. " kagat labing sabi ng dalaga.

Bumingisngis si Cheska sa tabi ng kaibigan.

"Narinig lang si Caleb, nataranta na. " bubulong bulong na sabi nya.

Pinandilatan ni Valerie ang kaibigan.

"Bakit ka nga ba nandito ? Sinong tao sa karinderya nyo ? " tanong nya.

Ngumisi si Cheska.

"Maaga kaming nagsara. Aalis si Inay bukas ng madaling araw. " sagot nya.

Natigilan si Valerie.

Suma sideline syang tindera sa karinderya na pagmamay ari ng kaibigan.

Kahit papaano ay inaabutan sya ng pera ng nanay nito pero mukhang mapupurnada ang kita nya ngayong araw dahil sa sinabi ni Cheska.

"B-bakit ? " di nya maiwasang itanong.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Ewan ko. Bakit di ka nag apply sa canteen ? " tanong nya.

Napanganga si Valeria at binantaan sa pamamagitan ng tingin ang kaibigan.

Ayaw ng tatay nya na nagtatrabaho sya.

Ang nais nito ay magfocus silang magkakapatid sa pag aaral.

Tila naunawaan naman ni Cheska ang nais nyang sabihin kaya mabilis nitong iniba ang usapan.

"Di rin ako natanggap. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Bakit ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Ayaw nila ng magandang tindera. Baka magkagulo daw sa pila. " biro na lamang nito.

Natawa silang magkaibigan.

..

Dahil sa kawalan ng ginagawa, tumulong na si Cheska sa pagbabanlaw ng mga labahin sa kabila ng pagtutol ni Aling Vicky.

Dahil dito ay mabilis silang nakatapos.

"Anong ginagawa ng nanay mo ? " tanong ni Cheska.

"Nagluluto na siguro, alas singko na rin eh. " sagot ni Valerie.

"Oh di mo ba susunduin si Isang ? " tanong ni Cheska.

"Sige, tara samahan mo ko. " aya ni Valerie.

Napangiti si Cheska.

"Tricycle tayo. " sabi nya.

"Ayuunnn, kaya pala nag aaya, may hidden agenda ka pala. " pang aasar ni Valerie.

Namula ang mga pisngi ni Cheska.

"At least di ako tulad mo. Pa hard to get pa. " ganting pang aasar nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Anong hard to get ? Kanino ? " tanong nya.

Ngumisi si Cheska.

"Kay Caleb. " maiksing sagot nya.

Napaismid si Valerie.

"Sus !, kala ko naman kung sino. Wala akong gusto don no. Parang kabute yon eh, lulubog lilitaw. Nakita mo ngang di na bumalik pagkatapos ng recess kanina. " paalala nya.

"Oo nga eh, san nga kaya nagpunta yung mokong na yon ?" tanong ni Cheska.

"Ma at Pa, malay ko at pake ko ? " taray ni Valerie.

Napangisi si Cheska.

"Bakit parang umuusok yang ilong mo ? Aahh, siguro nagagalit ka kasi di man lang nagpaalam sayo no ? " tanong nito.

Natigilan si Valerie.

"H-hindi ah, tara na nga !. " inis na sabi nya at pumasok na sa loob ng bahay para magpaalam sa ina.

Naiwan si Cheska sa labas na humahagikgik ng mahina.

..

Maya maya ay naglalakad na ang dalawa patungo eskwelahan ng bunsong kapatid ni Valerie.

Pasimpleng siniko ng dalaga ang kaibigan dahil halos mabali ang leeg nito sa tuwing makakarinig ng tunog ng tricycle.

"Para kang tanga dyan. " inis na puna ni Valerie.

"Bakit ba? " tanong ni Cheska.

"Hay nako, ano bang nagustuhan mo kay Raul ? Eh parang di naman seryoso sa buhay yon. " wika ni Valerie.

Napatigil sa paglalakad si Cheska at kumunot ang noo.

"Bakit mo nasabi yan ? " tanong nya.

Hinarap ni Valerie ang kaibigan.

"Sis, alam mong nuon pa, di na ako boto sa kanya. Lolokohin ka lang non. " paalala nya.

"Bakit mo nasabi ? " ulit na tanong ni Cheska.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Simple lang, nakita ko syang backride si Twinkle. Nakayakap pa sa kanya. Sa tingin mo, kung seryoso sya sayo, bakit sya magbabackride ng iba ? " tanong nya.

Natigilan si Cheska.

"K-kelan mo nakita ? " tanong nya.

"Nuong isang araw. " mabilis na sagot ni Valerie.

Napayuko si Cheska.

Maya maya ay umangat ang tingin nito sa kaibigan.

"Yan bang impormasyon mo eh, pawang katotohanan ? " tanong nya.

Napasimangot si Valerie.

"As if may mapapala ako. Pero syempre, kaibigan kita. Bestfriend, kapatid na nga ang turing ko sayo kaya ayaw kong matulad ka lang sa ibang syota nya. Saka isa pa, nag cho-chongke si Raul !. " paalalang nyang muli.

"Astig nga eh. " biro ni Cheska.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at nagsimulang maglakad.

Natatawang sumunod si Cheska sa kaibigan at niyakap ito sa likod.

"Biro lang, ito naman. Sige, di ko na sya papansinin. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Sis, di ako against sa kahit sinong magustuhan mo. Pero wag na si Raul, kasi wala syang magandang idudulot sayo. Baka mabuntis ka lang nya tapos iwanan, paano na yung pangarap mong maging flight stewardess ? " tanong nya.

Napangiti din si Cheska.

"Oo nga eh, baka majontes ako ng maaga. Saka na muna ang love. " sabi nya.

"Tama. " mabilis na sang ayon ni Valerie.

Pero natawa si Cheska.

"Saka na muna ang love sa buhay ko, pero di ka kasali don. May Caleb ka na eh. " tukso nito.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Puro ka Caleb !, siguro ikaw ang may crush don? " ganting tukso nya.

Napangisi si Cheska.

"Sige, sakin na lang sya. " mabilis na sagot ng dalaga.

Natigilan si Valerie.

Saglit syang natahimik ng biglang tumawa ng malakas si Cheska.

"Joke lang, ito naman nagtampo agad. Di ko aagawin yung papa mo. " biro nya.

"Tumigil ka nga !, wala akong gusto don no. Wala pa sa isip ko yang ganyan. " seryosong sagot ni Valerie.

Napangiti lang si Cheska.

"Eh kung manligaw sayo ? " tanong nya.

Tila nakarinig ng magandang awitin si Valerie ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

Pero mabilis nya itong winaksi at sumimangot.

"As if, eh di nga non makumpleto ang isang linggo sa eskwela. Laging absent !. " reklamo nya.

"Oo nga eh, paano mabubuo ang lovelife nyo kung di nya mabuo ang limang araw na pagpasok sa school ? " biro ni Cheska.

Kinurot ni Valerie ng pino ang kaibigan.

Natatawang umiwas si Cheska.

"Pero infairness sis, gwapo talaga si Caleb di ba? " tanong nya.

Natigilan si Valerie at binilisan lalo ang paglalakad.

Agad namang umagapay si Cheska.

"Hoy, dahan dahan naman, excited ? " tanong nya.

"Tsk tsk, ambagal mo. Baka makalabas na sila Vanessa eh. " sagot ni Valerie.

"Hello !, ang aga natin eh. 30 minutes pa kaya bago sila maglabasan. " katwiran ni Cheska.

Natahimik lang si Valerie sa pag aakalang titigilan na sya ng kaibigan sa kakatukso sa binata.

Ngunit di pa rin ito nagpaawat.

"Napansin ko ngang maraming tumitingin sa kanya sa room. Pero parang ngayon ko lang sya nakita, mukhang di sya dito nag third year no ? " tanong ni Cheska.

"Ewan ko, wala akong time para sa mga ganyan. " sagot ni Valerie.

Natawa si Cheska.

"Lagi naman. Pero kay Yohan, meron ? " tukso nya.

Napangiti si Valerie.

"Yan, si Yohan na lang ang pag usapan natin. " sagot nya.

"Sige, sinong mas gwapo ? Yohan o Caleb ? " tanong ni Cheska.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Pass. " sagot nya.

Natawa si Cheska.

"Pass na nga, obvious ang sagot. Mapag iiwanan yang Yohan mo pag kagwapuhan ang pag uusapan. " tukso nya.

Sumimangot si Valerie.

"Gwapo din si Yohan !. " reklamo nya.

Lalong napangisi si Cheska.

"So, nagagwapuhan ka nga kay Caleb ? Improving ka na sis, dati walang gwapo sayo kundi si Yohan lang. " tukso nyang muli.

Ramdam ni Valerie ang pamumula ng mga pisngi.

Lalo nyang binilisan ang paglalakad hanggang sa makarating sa gate ng eskwelahan ng kapatid.

Dito din sila nag aral ng elementarya ni Cheska kaya kilala sila ng guard.

Kahit na hindi pa pwedeng pumasok ang mga sundo, mabilis na nakasingit ang dalawang dalaga papasok.

..

Tulad ng sinabi ng kaibigan, maaga pa sila ng halos bente minutos.

Kaya tumambay na lang sila sa tapat ng room ng kapatid.

"Sis, balita ko matalino din si Caleb ah. Base dun sa essay na ginawa nyo nung first day. " sabi ni Cheska.

Natahimik si Valerie.

"Infairness, parang may ibubuga nga. " sabi nya.

"Pero absent lagi, di uubra kahit anong talino nya kapag ganyan. " puna ni Cheska.

Tumango si Valerie.

"Alam mo naman ang ayaw ko di ba ? Yung pabaya sa pag aaral. " sabi nya.

Unti unting napangisi si Cheska.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at mabilis na iniba ang usapan.

"A-ah, n-nagawa mo na yung assignment sa English ? " tanong nya.

Umiling si Cheska.

"Kokopya na lang ako sayo. Pero kahit na ganon, ayaw mo sa pabaya sa pag-aaral ? Hayaan mo at mabigyan ko ng warning si Caleb pag pumasok sya bukas. " tukso nya.

Pero napangiwi si Cheska ng maramdaman ang pinong kirot ni Valerie sa kanyang braso.

"S-subukan mo lang. " banta ng dalaga.

Natatawang umiwas si Cheska.

"Ikaw, para kang nanay ko. Konting mali ko, nakakurot sa singit. " reklamo ng dalaga.

Pero di tumawa si Valerie.

"Eh kasi ang kulit mo !, ang daldal mo pa. " sagot nya.

Napangisi si Cheska.

"Ano bang mali sa sinabi ko ? Inuulit ko lang naman yung sinabi mo eh. Ayaw mo sa pabaya sa pag aaral ? Meaning, sumasagi sa isip mo na liligawan ka nya ? " tukso nya.

Napasimangot si Valerie.

"Tama na kase, mamaya kakabanggit mo sa pangalan nya, lumitaw yung unggoy na yon. " reklamo nya.

Pero napanganga si Cheska.

"A-anong sabi mo ? " tanong nya.

Nagtaka si Valerie.

"Ano na namang arte yan ? Ang sabi ko, baka kakabanggit mo sa pangalan ni Caleb, lumitaw sya bigla. " sagot nya.

Pero di nagsalita si Cheska.

Bagkus ay dahan dahan nitong nginuso ang likod ni Valerie.

Kumunot ang noo ng dalaga.

Dahan dahan syang lumingon para lamang matulala dahil sumayad ang ilong nya sa malapad na dibdib.

Inangat ni Valerie ang paningin at di nya maiwasang mapanganga ng salubungin ang mga matang iyon.

"C-caleb. " usal ng dalaga.

Napangiti si Caleb.

"Yes ? " tanong nito.

Napalunok si Valerie at dahan dahang tumalikod.

"L-lalabas na ata sila." pag iiba nya.

"Anong ginagawa mo dito Caleb ?" tanong ni Cheska.

Nagkibit balikat ang binata.

"May dinalaw lang. Kayo ?" sbi nya.

Napangiti si Cheska.

"Sumusundo. " sagot ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Caleb at napatingin kay Valerie.

"Sinong sinusundo mo ? Anak mo ? " biro nito.

Napanganga si Valerie at marahas na nilingon ang binata.

"Mukha ba akong may anak ? " taray nya.

Ngumisi si Caleb.

"Depende, kapag lagi kang nakasimangot, malamang sa malamang. " sagot nito.

Napabungisngis si Cheska pero pinandilatan lamang sya ng kaibigan.

"Hoy !, Mr. Absenero, tumabi tabi ka nga at baka magulpi kita. " banta ni Valerie.

"Katakot ka naman, makaalis na nga. " malungkot na sabi ni Caleb sabay lakad palayo.

Natigilan si Valerie.

Nais nyang pigilan ang binata ngunit di nya alam ang sasabihin.

Pero biglang lumingon si Caleb.

"Kitakits bukas, ang sarap pumasok kapag ikaw ang kaklase ko. " sigaw nito.

Pakiramdam ni Valerie ay umakyat ang lahat ng dugo patungo sa kanyang mukha.

Ramdam nya ang nanunuksong ngiti at mata ni Cheska pero ayaw pansinin ito.

Pinagmasdan na lamang nya ang papalayong binata hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.

Nuon lamang nakahinga ng maluwang si Valerie.

"Wag kang magsasalita Kakay, kung ayaw mong kumalat ang mabaho mong pangalan sa room. " banta nya.

Ngunit di natakot si Cheska.

"Wag mo kong pagbantaan Bebang, parehas lang tayong may mabahong sikreto. " ganting tukso nya.

Unti unting napangiti si Valerie.

"Sige, magkasundo tayong wag ng pag usapan tungkol sa mabahong sikreto natin. " sabi nya.

Tumango si Cheska.

"Good. Si Caleb ang pag usapan natin. " sabi ng dalaga.

"Shut up !. " gigil na awat ni Valerie.

Napabungisngis si Cheska.

Pinili na lamang nyang wag masyadong asarin ang kaibigan dahil baka mapikon ito.