Ikalimang Pahina

Abala sa pagbabasa si Valerie ng biglang pumasok ang kanyang ama.

Agad syang napatingin sa relong nakasabit sa dingding.

Alas singko.

Mabilis na tumayo ang dalaga at sinalubong ang ama.

Kinuha nya ang kanang kamay nito at dinikit sa noo.

"Tay? bakit po ang aga nyo ? " tanong nya.

Ngumiti ng kimi si Mang Valerio, binagsak ang pagal na katawan sa lumang sofa.

"Medyo masakit itong binti ko. Baka maaksidente lang ako kapag pinilit ko pang bumyahe. " daing nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Agad syang pumwesto sa paanan ng ama at hinimas ang binti nito.

"Saan po Tay ? Eto ba ? " tanong nya.

Napangiwi si Mang Valerio ng masapul ng anak ang masakit na parte ng kanyang paa.

"D-dyan nga. Aray nakuuu." daing nya.

Masuyong minasahe ni Valerie ang binti ng ama.

"Lagi kasi kayong na nagbabasa pagkagaling nyo sa pasada. Baka napapasma na kayo eh. " pangaral nya.

Napangiti ng matipid si Mang Valerio.

"Nasan ang nanay mo ? " tanong nya.

"Sya daw ang susundo kay Bitoy. " sagot ng dalaga.

Eksakto namang pumasok ang nababatang kapatid ni Valerie.

Agad itong nagmano sa ama at tumabi ng upo.

"Tatay, may star ako. " pagmamalaki ng bunsong si Victoria.

Napangiti ng maluwang si Mang Valerio.

"Talaga ? Patingin nga si Tatay. " utos nya.

Dali daling pumasok sa loob ng maliit na silid ang bata at ilang saglit lang ay muli itong lumabas dala ang lumang bag.

Binagsak ng bata ang bag sa harap ng ama at walang sabi sabing kinalkal.

"Eto po. " pagmamalaki ng bunso.

Kinuha ni Mang Valerio ang papel ng anak at pinagmasdan.

Nakaramdam sya ng pagmamalaki ng makitang tadtad ng stars ang papel ng anak.

"Halika nga dito. " tawag ni Mang Valerio.

Agad na lumapit ang bunso at tumabi sa ama.

Kinapa ng ama ang bulsa at naglabas ng baryang sampung piso sabay abot sa bata.

Nanlaki ang mga mata ni Victoria.

"Wow !, si Tatay may sakit !. " biro nito.

Natawa ang ama pati na si Valerie.

"Premyo yan ni Tatay, kasi mataas ang grades mo. Dapat lagi kang ganyan. " pangaral nya.

Tumango tango ang bata.

"Tatay bibili lang ako. " excited na sabi nya.

"Bilisan mo at uuwi na si Nanay. Baka mapalo ka. " banta ni Valerie.

Lalong nagmadaling umalis ang bata.

Pero ilang saglit lang ay bigla itong pumasok ng nakasimangot.

"Oh bakit ? " tanong ni Mang Valerio.

"Si Nanay ayaw ako palabasin. " reklamo ng bata.

Eksaktong pumasok si Aling Vicky.

"Hapon na gagala ka pa ? " tanong nito.

Napanguso ang bunso at tumabi sa ama.

Natawa na lang sina Valerie at Mang Valerio.

"Binigyan ni Tatay ng pera kasi may star nga sya di ba? " paalala ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Aling Vicky ng makita ang asawa.

"Oh, aga mo ata. " sabi nya sabay tabi sa kabiyak.

Nginuso ni Mang Valerio ang paa na hinihilot ng anak.

"Umandar na naman. " nakangiting sabi nya.

"Buti umuwi ka na. Tama yang ginawa mo. Wag mo ng pipiliting bumyahe kapag masakit ang paa mo. Tingnan mo yung ginawa mo dati, muntik ka ng maaksidente. " pangaral ni Aling Vicky.

Inakbayan ni Mang Valerio ang asawa.

"Kaya nga po umuwi na di ba? Pero sayang yung kita, anak diinan mo pa nga ang paghilot. Baka sakaling mawala yung sakit. " impit na hiling nya.

Sinunod naman ni Valerie ang utos ng ama.

Pero umangal na si Aling Vicky.

"Saka na ang kita. Baka lalo lang tayong mapagastos kapag pinilit mo. Mabuti na yan at makapag pahinga ka ng maaga aga. Bukas ka na bumawi Valerio. " sabi nya sabay tayo.

Pumasok sya sa munti nilang silid na mag asawa.

Ilang saglit lang ay may dala na syang bagong sando.

"Magpalit ka na muna ng damit. " utos nito.

Agad namang naghubad ng T-Shirt si Mang Valerio at pinalit ang binigay ng asawa.

"M-masakit talaga. " reklamo nya.

Naawa naman si Valerie sa ama..

"Nag pacheck up na po ba kayo ?" tanong nya.

Natawa si Mang Valerio.

"Rayuma ? Papacheck up mo pa? " natatawang sabi nya.

Ngunit hindi natawa ang dalaga.

"Anong problema dun Tay ? Dalawa kayo ni Nanay magpacheck up. " sabi nya.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"Bakit ako nasama ?" tanong ni Aling Vicky.

"Bakit Nay ? Yung braso nyo ? Manhid ? Di nakakaramdam ng sakit kapag naglalaba ? " sarkastikong sabi ng dalaga.

Wala sa loob na hinaplos ni Aling Vicky ang braso.

"Anak, kapag naglalaba lang naman ako sumasakit ito. Kapag wala akong ginagawa, waley. " biro nya.

"Sabi ko kasi sayo bawas bawasan mo ng paglalabada mo eh. " pangaral ni Mang Valerio.

Umismid si Aling Vicky.

"Kung hindi ako maglalaba, anong mangyayari satin ? Wag na tayong magmatigasan pa. Tulungan na lang tayo. " sagot nya.

Biglang may naalala si Valerie.

Pumasok sya sa munti nyang silid.

Dalawa ang silid sa bahay nila at hinati ng ama ang isa para may sariling syang kwarto.

Agad nyang hinagilap ang bag at ng makita ay kinalkal ang nasa loob.

Huminga muna ng malalim si Valerie bago nagpasyang lumabas dala ang puting sobre na bigay ng ina ni Coleen.

..

Paglabas ng dalaga sa silid, automatikong napatingin sa kanya ang mga magulang.

"Ano yan ? " tanong ni Mang Valerio.

Napatingin si Valerie sa ina, tila naghahanap ng pagsaklolo.

"P-para po sa inyo Tay. " abot nya.

Kunot noong tinanggap ni Mang Valerio ang sobre at dahan dahang sinilip ang loob.

Nanlaki ang mga mata ganap na masilayan ang laman nito.

"S-saan galing ito ? " tanong nya.

"S-sa trabaho ko po. " sagot ni Valerie.

Lalong lumamim ang kunot sa noo ng lalaki.

"Trabaho ? Kelan ? Saan ? Sinong nagsabing magtrabaho ka ? " sunod sunod na tanong nya.

Sinulyapan ni Valerie ang ina ngunit maging ito ay tila nabahag sa nagbabantang galit ng padre de pamilya.

"Valerie, tinatanong kita. " malamyos na sabi ni Mang Valerio.

Ngunit mas nanaiisin pa ni Valerie ang sumigaw ito.

Dahil ginamit na ng ama ang ganitong tono, ibig sabihin ay nagpipigil na ito ng galit.

..

Nangatal ang bibig ni Valerie.

Mabilis syang lumapit sa harap ng ama at niyakap ang hita nito.

"Tay, s-sorry po. " pag amin nya.

Napatiim bagang si Mang Valerio.

Muli nyang sinara ang sobre at binalik sa anak.

"Hindi ko kailangan nito. Sa lahat ng ayaw ko ay yung pinagsisinungalingan ako. Lalo na ng mga anak ko. " mapait na sabi nya.

Sinubukan ni Mang Valerio na tumayo, ngunit dahil sa umaatakeng rayuma, muli syang napaupo.

"V-valerio, wag ka na munang kumilos. " awat ni Aling Vicky.

"Isa ka pa ! Hindi gagalaw yang anak mo kung wala kang pahintulot. K-kaya ko pa naman kayong buhayin ah. " nagtatampong sabi ni Mang Valerio.

Mabilis na niyakap ni Valerie ang hita ng ama.

"Tatay. Hindi ko po minamaliit ang kakayahan nyo. Sa katunayan, humahanga po ako sa inyo kasi kahit na may nararamdaman kayong masakit, patuloy pa rin kayong nagtatrabaho para sa amin. Pero Tatay, kayo po ang nagpalaki sa akin. Tinuruan nyo po ako ng pagmamahal at mahal ko po kayo. Ayaw kong nakikita kayong nahihirapan kung meron naman akong magagawa. " paliwanag nya.

Natigilan si Mang Valerio.

Huminga sya ng malalim ngunit hindi nagsalita.

Sumingit na si ALing Vicky.

"Tama ang anak mo. Hindi sa kinakampihan ko sya. Ang akin lang, hindi na yan bata. Tumatanda na tayo Valerio, kailangan na nating tanggapin na nanghihina na rin tayo. Ayan ang anak mo, gustong gustong makatulong pero sinasaklawan mo ang kagustuhan nya. Baka kapag nagkapamilya na rin yan, ituro nya din sa magiging anak nya ang ganyang patakaran. Hindi ko sinasabing pangit ang ganon, pero nagmamalasakit yung bata, magagalit pa ba tayo ? " mahinang sambit nya.

Lalong niyakap ni Valerie ang hita ng ama.

"Tatay. Sorry na po. " hinging paumanhin nya.

Unti unti ng natutunaw ang galit sa puso ni Mang Valerio sa paglalambing ng anak.

Maging si Aling Vicky at di na nakatiis, niyakap na rin nya ang asawa.

"Pagbigyan mo na yung bata. Madali lang naman yung ginagawa nya at ligtas naman sya. Di ba anak ? " tanong nya.

Tumango tango si Valerie.

"Opo Tatay, saka sayang kasi yung kita. Medyo galante yung amo ko. " kwento nya.

Nanatiling tahimik si Mang Valerio.

Kinabahan na ang mag ina.

"Tatay ? " untag ni Valerie.

"Valerio ? " tawag ni Aling Vicky.

Napangiwi si Mang Valerio.

"A-ayos na. Sige na hindi na ako galit. Wag nyo lang akong patayin. Di na ako makahinga eh. " biro nya.

Agad namang kumalas sa mahigpit na pagkakayakap ang dalawa at tumawa.

"Si Tatay joker. Nagdadrama kami ni Nanay eh. " ganting biro ng dalaga.

Napangiti si Mang Valerio at hinaplos ang pisngi ng anak.

"Basta mag iingat ka lagi iha. Teka saan ba yang pinapasukan mo ? " tanong nya.

Napangiti rin si Valerie.

"Dun po sa subdivision malapit sa Mall. Grabe Tatay, ang gaganda ng mga bahay . " kwento nya.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"Kamusta nga pala yung kanina anak ? Mabait ba yung tuturuan mo ? " tanong ni Aling Vicky.

Natigilan si Valerie.

Kung sasabihin nyang masama ang ugali ni Coleen, baka bawiin ng ama ang pagpayag.

Pero ayaw na nyang magsinungaling sa mga ito.

"Sakto lang po. Medyo spoiled. " safe na sagot nya.

"Paanong sakto lang ? Parang coke ? " biro ni Mang Valerio.

Natawa ang mag ina.

"Korni mo. " sumbat ni Aling Vicky.

"Pogi naman. " biro ni Mang Valerio.

Inirapan lang sya ng asawa at binalingan ang anak.

"Eh yung ibang nandun sa bahay ? Mababait ba ? Makikisama kang mabuti ha ? Para hindi ka gawan na masama. " paalala nya.

Tumango tango si Valerie.

"Sa tingin ko Nay, walang problema sa iba. Yun lang tinuturuan ko mismo, masyadong spoiled eh. Andaming katulong. Saka di talaga daw pumapasok sa eskwela. " imporma ng dalaga.

"Kita mo nga yang mayayaman, sila itong biniyayaan para makapag aral, puro pasarap ang ginagawa. Kaya ikaw, mag aaral kang mabuti. Mas mabuti ng galing ka sa hirap pagkatapos ay yumaman gamit ang talino at sipag. Kesa naman yung mula mayaman, bumagsak dahil sa kapabayaan. " pangaral ni Aling Vicky.

Napangiti si Mang Valerio.

"Sige iha. Basta aalagaan mong sarili mo. Teka bakit parang andami nitong pera mo? Ano to sahod ? Eh unang araw mo pa lang kamo. " tanong nya.

Napangiti si Valerie.

"Yan ang maganda sa kanila Tatay. Hindi nila iniintindi yung pera, basta magawa lang nila ang gusto nila. Parang bonus yan kasi tinanggap ko yung offer. " sabi nya.

Natigilan si Aling Vicky.

"Kung binigyan ka ng bonus dahil lang sa pagtanggap mo, ibig sabihin mahirap turuan yung sinasabi mong tuturan mo. Naku anak, baka saktan ka non. " nag aalalang sabi nya.

Maging si Mang Valerio ay tila nabahala.

"Tama ang Nanay mo. Baka samantalahin non ang posisyon mo. Porke sinasahuran ka lang nila. " sabi nya.

Ngumisi si Valerie at pinakita ang braso.

"Subukan nya. Iuumpog ko sya dito sa muscles ko. " taray ng dalaga.

Nagkatinginan na lang ang mag asawa sabay tawa ng malakas.

..

Dumating ang araw ng sabado.

Nakahanda na si Valerie sa pagpunta kina Coleen ng marinig ang pamilyar na tunog ng motor ng ama.

Ilang saglit lang ay pumasok na nga si Mang Valerio.

"Paalis ka na ? " tanong nito.

Tumango ang dalaga.

"May masakit na naman Tay ? " tanong nya.

Umiling ang ama.

"Ihahatid kita. Para alam ko kung saan ka papasok. Mabuti na yung sigurado kesa nganga. " sambit nya.

Natawa si Valerie.

"Tatay, sayang yung pasada. Saka kumain po muna kayo. " sabi nya.

Umiling ang lalaki.

"Mamaya na paghatid ko sayo. Wag ka ng umangal. Tara na. " aya nito.

Nagkibit balikat na lamang si Valerie.

Kipkip ang mga gamit, nagpauna na syang lumabas ng bahay.

..

Sakay ng tricycle, binagtas ng mag ama ang daan patungo sa bahay nina Coleen.

Tulad ng inaasahan, hinarang sila sa gate pa lamang ng subdivision.

Agad na bumaba ang dalaga para ipakita ang gatepass.

"Saan ho ? " tanong ng gwardya.

"Concepcion po. " sagot ni Valerie.

Tumango tango ang gwardya.

"Hindi yan pwede sa loob. " turo nito sa tricycle.

Natigilan si Mang Valerio.

Agad syang lumapit sa gwardya at nakiusap.

"Baka pwedeng maihatid itong anak ko pare ? Mainit kasing araw o, baka pagpawisan. " sabi nya.

"Pasensya na pare. Trabaho lang. Sana maunawaan mo. " magalang na sagot ng gwardya.

Nalungkot si Mang Valerio.

"Paano anak ? Ayaw eh. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Sige Tay, maglalakad na lang po ako. Mag ingat po kayo sa pag uwi. " paalam ng dalaga.

Huminga ng malalim si Mang Valerio at tinapik sa balikat ang anak.

"Mag iingat ka rin iha. Sige dito muna ako. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

Nagsimula na syang maglakad ng bigla silang mapatingin sa papalabas na bisikleta.

Dumiretso ito sa nakausap nilang gwardya at tila may inabot na plato.

"Salamat Sir Romeo. Sa uulitin. " masayang sagot ng gwardya sa binatang dumating.

"Sige lang koya, wag mong ubusin agad. Nako, impatso abot mo nyan. Si Mommy ang nagluto eh. Alam mo naman yon, lahat ng niluluto, lampas sa panlasa ng normal na tao. " biro ni Romeo.

Humagalpak ng tawa ang gwardya.

Napatingin ang binata kay Valerie.

"Ano yan ? " tanong ni Romeo.

"Ah. Sa mga Concepcion. " sagot ng gwardya.

"Oh eh bakit di pa pumapasok ? " tanong ng binata.

"Alam mo namang di pwede ang tricycle sa loob. Pagagalitan ako ng Tyuhin mo. " sambit ng gwardya.

Nagtama ang paningin ni Romeo at Mang Valerio.

Ngumisi ang binata pagkuwa'y tinapik ang balikat ng gwardya.

"Kuha ka na lang ng tubig sa bahay. Saka si Tatay, papasukin mo na pati yung traysikol nya. " sabi nya.

Natigilan ang gwardya.

"Ayan ka na naman, tapos ilalaglag mo na naman ako sa kanila eh. " angal nito.

Ngumisi ang binata.

"Ikaw koya, di ka makamove on. Forget about the past and live happily today. In tagalog, papasukin mo na sila. " biro nya.

Tinapik nito ang balikat ng gwardya sabay sumaludo kay Mang Valerio.

"Sige koya. Uwi na ako. Natatae na naman ako bwisit. " inis na sabi ng binata sabay pumidal na palayo.

Pinigilan ni Valerie ang matawa.

Maging si Mang Valerio at namamangha sa binata.

Kakamot kamot na lumapit ang gwardya sa bakal na harap at inangat ito.

"Pasok na daw kayo. " sambit nya.

Agad na sumakay ng tricycle ang mag ama.

"S-salamat pare. " sabi ni Mang Valerio.

Ngumiti lamang ang gwardya.

"Basta labas na lang kayo agad pare. Kasi baka masita ako. " pakiusap nya.

Tumango ng marami si Mang Valerio.

"Sige pare. Saglit lang to. Ihahatid ko lang itong anak ko tapos alis na agad ako. " sabi nya.

Ngumiti ang gwardya at binaba ng muli ang harang.

Masayang pinaandar ni Mang Valerio ang tricycle papasok ng subdivision.

"Saan tayo anak ? " tanong nya.

"Dun Tay, liko ka don tapos pangalawang bahay. " sagot ng dalaga.

..

Ilang saglit, manghang tiningala ni Mang Valerio ang bahay ng mga Concepcion.

"Palasyo ba to ? " tanong nya.

Napabungisngis si Valerie.

"Sabi ko sa inyo eh. Maaga pa ako. " puna nya.

"Mas mabuti na yung maaga. Oh sya sya, aalis na ako. Wag nating sirain yung tiwala nung gwardya. Dapat ikaw rin. Makisama ka sa mga nandyan ha? Wag kang gagalaw ng mga gamit. " paalala ng ama.

Tumango tango si Valerie.

"Sige na Tay. Baka magalit na si Nanay kapag wala syang kasabay sa tanghalian. " biro nya.

Natawa din ang ama.

"Oo nga eh. Sige na nga. " sabi nya.

Hinalikan ni Mang Valerio sa noo ang anak pagkatapos ay pinasibad na palayo ang tricycle.

Nakangiting pinagmasdan ni Valerie ang ama at ng mawala ito sa kanyang paningin, diniinan nya ang doorbell.

Ilang saglit lang ay lumabas ang nakaunipormeng maid.

"Ay ikaw pala Val. Pasok ka. Maaga ka ah. " puna nito.

Ngumiti si Valerie.

"Opo. Mainit kasi, magpapalamig muna ako dito. " biro nya.

Natawa ang kasambahay.

"Kaso natutulog pa si Senyorita. " imporma nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Tulog pa ? Ala una ? " gulat na tanong nya.

Tumango tango ang babae.

"Kadalasan, alas singko o kaya alas syete ang gising non. Kakauwi lang ng batang yon kaninang alas onse. Naku. " sabi nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"Alas dos ang tutorial namin. Kailangan nyang magising kung hindi, tuturuan ko sya kahit tulog !. " determinadong sabi nya.

Natawa ang babae.

"Kaya pala nakapasa ka. Ako nga pala si Lisa. Tawagin mo na lang akong Ate Lisa. " pakilala nito.

Ngumiti si Valerie.

"Sige Ate, dun muna ako sa library. Si Ma'am Harriet ? " tanong nya.

Bumaha ang lungkot sa mukha ni Lisa.

"Nasa business trip. Di ko alam kung sa Hongkong o Singapore. Baka sa lunes na yung uwi non. " sagot nya.

Namangha naman si Valerie.

"Nung isang araw lang kausap ko sya, tapos ngayon nasa ibang bansa na ? Wow naman. " gulat na sabi nya.

Natawa si Lisa.

"Ganyan talaga ang mayayaman. Kapag gusto nilang lumabas ng bansa, makakalabas sila agad agad. Kahit saan sila magpunta, makakapunta sila. " paliwanag nya.

Tumango tango si Valerie.

"Eh di walang tao dito ngayon ? " tanong nya.

"Oo, ay nandyan si Senyorito. " sagot ni Lisa.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Senyorito ? " tanong nya.

Nagtaka si Lisa.

"Oo, di mo ba kilala ? Akala ko sya ang nagrekomenda sayo ? " balik tanong nya.

Nuon naalala ni Valerie ang sinabi ng guro.

"Oo nga! Ang sabi ni Ma'am, nirekomenda daw ako ng anak ni Ma'am Harriet. Akala ko si Coleen yon. Pero ngayon ko lang sya nakita at base sa pagkikita namin nuong isang araw, di rin nya ako kilala. " nagtatakang sabi nya.

Akmang magsasalita pa sana si Lisa ng bigla silang makarinig ng lagaslas ng tubig.

Tila may isang bagay na humagis patungo rito.

"S-sino yon ? " tanong ni Valerie.

Ngumisi si Lisa.

"Si Senyorito. Tara tingnan mo kung kilala mo." aya nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng bigla syang hatakin ng babae patungo sa kung saang parte ng bahay.

Umikot sila sa gilid at nilampasan ang tila hardin.

Hanggang sa makarating sila sa pool area.

Nagitla si Valerie ng mapansin ang isang lalaking lumalangoy paroo't parito.

Agad nyang binawi ang kamay kay Lisa.

"N-nakakahiya !, baka makita tayo. " bulong ni Valerie.

Napangiti si Lisa.

"Akala ko kasi gusto mo syang makita eh. Teka yung ginagawa ko. Saglit nga lang. " sabi nya.

Nagmamadaling umalis ang babae at naiwan si Valerie sa likod ng malagong halaman.

Nais na sana nyang umalis.

Ngunit tila may bumubulong sa gilid ng kanyang utak at nagsasabing wag muna.

Alamin muna kung sino ba ang lalaking ito na maaaring dahilan kung bakit sya nandito ngayon.

..

Nakailang balik pa ang lalaki bago ito nagpasyang tumigil.

Natalikod ito sa pwesto ni Valerie.

"Humarap ka na please. " bulong nya.

Ngunit bigla syang napatili ng biglang may bumusina sa labas ng bahay.

Agad na nagtago si Valerie sa likod ng halaman.

Tinakpang mabuti ang bibig.

Mabilis na mabilis ang tibok ng kanyang puso dahil siguradong narinig ng lalaki ang kanyang pagtili.

Saglit nyang pinalipas ang sandali.

Ng sa tingin nya ay maaari na syang lumabas, dahan dahan syang tumayo at nilingon ang pool area.

Pero wala na ang lalaki.

Kunot noong nilibot ni Valerie ang tingin.

Ngunit bigo syang mahagilap ito.

Hanggang sa magpasya syang pumihit patalikod, para lamang muling mapatili.

"Hello Ms. Laway. " nakangising tawag ng binata.

Natulala si Valerie.

Napanganga.

Umipon ng boses at pinilit itong ilabas sa bibig.

"C-caleb. " bulong ng dalaga.

Pinitik ni Caleb ang ilong ng ni Valerie sabay talikod at pumasok na sa bahay.

"We meet again Ms. Laway. Relax ka lang dyan at magbibihis lang ako. " sabi nito.

Napalunok si Valerie ng sundan ng tingin ang papalayong binata.

Gulat na gulat sa katotohanang si Caleb ay ang isang anak ng kanyang amo.

Ang taong nagrekomenda sa kanya para gampanan ang pagtuturo sa mismong kapatid nito.

Bigla ang pagragasa ng sari saring emosyon sa kanyang isipan.

"W-we meet again. Classmate. " wala sa loob na sambit nya.

ITUTULOY !!!