Ikapitong Pahina

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Unti unti ng nasasanay si Valerie sa kanyang bagong routine.

Mula lunes hanggang biyernes, normal ang araw para sa kanya.

Ngunit nagiging komplikado lamang ito pagdating ng sabado at linggo kung saan kailangan nyang magtungo sa bahay nina Coleen para turuan ang dalaga.

..

Biyernes.

Katatapos lamang ng klase para sa araw na iyon at kasalukuyang nagliligpit ng gamit ang magkaibigang Valerie at Cheska.

"So, kamusta ang tutorial Val ? " nakangiting tanong ni Mrs. Senining.

Ngumiti si Valerie.

"Fifty fifty ma'am. Masaya na nakakainis. " pag amin nya.

Natawa ang guro.

"Well, base sa mga kwento mo tungkol sa ugali ni Coleen, di na ako nagtataka kung bakit ka naiinis. Pero yung parteng masaya, paki paliwanag. " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

Biglang bumungisngis si Cheska.

"Parang alam ko na po Ma'am. " singit nya.

Mabilis na dumapo sa braso ng kaibigan ang pamatay na kurot ni Valerie.

"Tumahimik kang bruha ka. " bulong nya.

Natatawang lumayo ang dalaga.

Napangiti ang guro.

"Come on, tell me. " kumbinsi nya.

Mabilis na nag - isip ng sagot si Valerie.

"Eh syempre po Ma'am, sumuwesldo po ako kaya kahit papaano ay nakakatulong ako sa gastos sa bahay. " sagot nya.

"Eh yung isang nakapag papasaya sayo ? " tukso ni Cheska.

Naningkit ang mga mata ni Valerie at sumimangot.

Napangiti ng maluwang si Mrs. Senining.

"That's the main reason kung bakit kayo ang kinuha ko. Pero since na di nga pwede si Cheska, ikaw na lang ang natira. Medyo spoiled si Coleen pero worth it naman ang pag titiis mo di ba? " tanong nya.

Tumango tango si Valerie.

"Opo. Kaya ko namang tiisin kahit papaano. Lately, nakikinig na sya. Mukhang naiintindhan na rin nya ang kahalagahan ng may pinag aralan. " sagot nya.

"Yeah, and I'm proud of you iha. Di mo talaga ako pinahiya sa kumare ko. " nakangiting pasasalamat ng guro.

Napangiti din si Valerie.

"Wala po yun Ma'am. P-pero may itatanong po sana ako. " sambit nya.

"Go ahead. " sagot ng guro.

Tumikhim muna si Valerie at binantaan ng tingin ang kaibigan bago nagsalita.

"S-si Caleb po ba ang nagrekomenda sa akin ? " tanong nya.

Humagikgik si Cheska.

Marahang tumango si Mrs. Senining.

"Yup. Actually, at first, I was surprised ng lumapit sya sa akin. Akala ko ay magpapalusot sya or ipapaliwanag kung bakit sya absent ng absent. Pero nagulat ako ng sabihin nya na kilala nya daw ako personally. Yun pala inaanak ko sya. Tsk tsk, ambilis ng panahon. " natatawang kwento nya.

"Kaya po pala di nyo sya nakilala nung first day of class. " naliwanagang singit ni Cheska.

Tumango si Mrs. Senining.

"Yes. Pero somehow, namumukhaan ko na sya. Well, tumatanda na siguro talaga ako. " biro nya.

Napangiti ang magkaibigan.

Pero biglang natigilan si Valerie ng maalala ang sinabi ng kasambahay ng mga ito na si Lisa tungkol sa di pagkakagalit ng mag ina.

Napatingin sya sa guro.

Ngalingaling tanungin ang bagay na iyon ngunit pinigilan nya ang sarili.

Malamang na walang alam si Mrs. Senining tungkol duon dahil siguradong personal ang dahilan o kung meron man itong alam, hindi sya sigurado kung sasabihin nito sa kany ang dahilan.

Baka makagalitan pa sya ng guro at sabihing hindi na dapat nya inaalam ang bagay na iyon dahil wala itong kinalaman sa kanyang trabaho.

..

Kinabukasan.

Tulad ng nakagawian, hinatid ni Mang Valerio ang anak hanggang sa tapat ng gate ng bahay ng mga Concepcion.

"Oh paano anak ? Sibat na ako. " paalam ng ama.

Tumango si Valerie.

"Sige po Tay, mag ingat po kayo. " sambit nya.

Ngumiti lamang si Mang Valerio at binuhay na ang makina.

Pero tila bigla itong may naalala.

"Ay syangapala anak, nakikita mo pa ba yung binatang nagbigay sa atin ng passes dito sa subdivision ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"H-hindi na po. Bakit po Tay ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Mang Valerio.

"Wala, nakwento ko kasi sa Nanay mo. Sabi nya eh pasalamatan ko daw ng personal dahil kung di dahil sa kanya, malamang na hanggang gate lang ako. " sagot nya.

Napangiti si Valerie.

"Oo nga po Tay eh. Hayaan nyo po at kapag nakita ko ulit sya, magpapasalamat po agad ako. " sabi nya.

Tumango tango ulit si Mang Valerio.

Binuhay ang makina at kinawayan ang anak pagkatapos ay pinasibad na palayo ang sinasakyang tricycle.

..

Nakangiting hinatid ni Valerie ng tingin si Mang Valerio habang papalayo ito.

Ng wala na sa kanyang paningin ang ama, pumihit patalikod si Valerie pero nagulat sya ng pagkatingala nya ay nakita nya sa bintana si Coleen.

Ngumiti siya sabay kinawayan ang dalaga, pero tulad ng lagi nitong ginagawa, inirapan lamang sya.

Napahinga ng malalim si Valerie.

Marahan syang pumasok sa bakal na gate at muli itong sinara.

Di na sya nagdoorbell dahil siguradong abala si Ate Lisa sa mga gawaing bahay.

Yun din naman ang instructions sa kanya kaya ito ang kanyang ginawa.

..

Dumiretso si Valerie sa salas.

Marahan syang umupo at inispeksyon ang mga dalang visual aids at gamit para sa kanyang patuturo sa araw na iyon.

Maya maya nakarinig sya ng mga yabag.

Pagtingin nya ay nakita nya si Coleen.

Tumango lamang ang dalaga at dumiretso na ito sa library.

Agad na inayos ni Valerie ang mga gamit pagkuwa'y dali daling sumunod sa dalaga.

..

Pagtapat sa pinto ng library, kumatok ng dalawang ulit si Valerie bago dahan dahang pinihit ang doorknob.

Marahan syang pumasok sa loob at muli itong sinara.

Nadatnan nyang kinakalikot ni Coleen ang cellphone nito.

Agad na nilapag ni Valerie ang mga gamit sa mesa.

Nilabas nya ang isang folder na naglalaman ng resulta ng pagsusulit ng dalaga nuong nakaraang linggo.

"What's that ? " tanong ni Coleen.

"Scores mo. " matipid na sagot ni Valerie.

Sinulyapan ni Coleen ang papel.

"Oh okay. " tanging sabi nya.

Huminga ng malalim si Valerie.

"Okay lang ? Wala ka man lang reaksyon ? " tanong nya.

Nagkibit balikat ang dalaga.

"Anong gusto mong sabihin ko ? " tanong nito.

"Di ka man lang nalungkot ng makita mo yang mga grades mo ? " kunot noong tanong ni Valerie.

Umiling si Coleen.

"I'm used to that. Lagi namang ganyan ang scores ko. " pag amin nito.

Nahindik si Valerie.

"And yet di ka man lang nag wo-worry ? " tanong nya.

Muling umiling si Coleen.

"Why ? Papasa naman ako. " sagot nya.

"P-pero pasang awa to. " nanghinayang si Valerie.

"So ? What's the matter ? " tanong ni Coleen.

"What's the matter ? It all matters. Dapat ginagawan mo ng paraan ang mababang grades mo. " pagkumbinsi ni Valerie.

Nag - inat ng braso si Coleen sabay muling kinalikot ang phone.

Napasimangot si Valerie.

"I told you not to bring your phone here. Istorbo lang yan eh. " paalala nya.

Nagkibit balikat lang si Coleen.

"Whatever. " sagot nya.

Pinigil ni Valerie ang mapamura.

Pinilit nyang ngumiti at nilahad ang kamay.

"Akina muna yan. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"And why? " tanong nya.

"Because we're about to start . " sagot ni Valerie.

"And so ? " tanong ni Coleen.

Di na tinago ni Valerie ang pagkayamot.

"And so ? Paano ka makakafocus kung may hawak kang phone ? " medyo tumaas ang boses nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Wag kang sumigaw. " banta nya.

"I'm s-sorry. Sige na kasi. " pakiusap ni Valerie.

"Say please. " nakangising sabi ni Coleen.

Napatiim bagang si Valerie.

"P-please. " inis na sabi nya.

"Parang labas sa ilong. " sabi ni Coleen.

Inis na inis na si Valerie, pero pilit syang nagpakahinahon.

Imbes na kunin ang cellphone ng dalaga, kinalikot na lamang nya ang mga dalang visual aids at naghanap ng maaaring sabitan.

Lumapit si Valerie sa kurtina at hinawi ito.

Duon nya sinipit ang dalang manila paper para sa pag aaral nila.

Matapos maihanda ang mga dapat ihanda, nilabas ni Valerie ang isang libro.

"Nasan yung notebook mo ? " tanong nya.

"Nasa room. " agad na sagot ni Coleen.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Bakit di mo dinala ? Alam mo namang may lesson tayo ngayon eh. " tanong nya.

Nagkibit balikat lang si Coleen.

"I forgot. Here, irerecord ko na lang yung sasabihin mo. " nakangiting sagot nito.

Sukat doon ay napikon si Valerie.

Sinara nya ang libro at inalis sa pagkakasabit ang visual aids.

"Fine! Eto ang gusto mo ? Kung ayaw mong mag aral, di kita pipilitin. Mahirap magturo sa taong ayaw matuto. " inis na sabi nya.

Napangisi si Coleen.

"Okay. Byeee. " tila pang aasar pa nito.

Napasimangot si Valerie, pero bigla syang may naalala.

Unti unti syang ngumiti.

Nagtaka naman si Coleen.

"Oh nabaliw ka na ? Bakit ka ngumingiti ? " tanong nya.

Napailing si Valerie at sinimulang iligpit ang mga gamit.

"Well, it looks like hindi na tayo magkikita from now on. " sabi nya.

Ngumiti din si Coleen.

"That's good news. Bye teacher." tila nang aasar na sagot nya.

Natawa ng sarkastiko si Valerie.

"Not just me. Dapat magpaalam ka na sa lahat. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"And why is that ? " tanong nya.

Nagkibit balikat lang si Valerie.

"Wala lang, naalala ko lang yung sinabi ng kuya mo. Di ba sabi nya, kapag di ka nag aral. Uuwi ka sa States. " paalala nya.

Natulala si Coleen.

Nagdiwang ang loob ni Valerie ng makita ang reaksyon ng dalaga.

Nagsimula na syang malakad patungo sa pinto.

"Bye Coleen. Take care of yourself always. " paalam nya.

Biglang napatayo si Coleen at hinabol ang dalaga.

"W-wait. " pigil nya.

Napangisi ng lihim si Valerie.

"Why ? " painosenteng tanong nya.

"D-don't go. " awat ni Coleen.

"Why ? Di ba ayaw mong mag aral ? Eh ano pang purpose ko dito ? Uuwi na lang ako. " sabi ni Valerie.

Natigilan si Coleen.

Wala sa loob na hinawakan nya sa braso ang dalaga.

"W-wag. Dito ka lang. " pigil nya.

Binawi ni Valerie ang braso.

"Wala kang karapatang utusan ako kung ano ang gagawin ko. " taray nya.

Sumimangot si Coleen pero bigla din itong naging maamo.

"O-okay. M-mag aaral na ako. " sabi nya.

Umiling si Valerie.

"Sad to say, pagod na ako sa ugali mo. Isosoli ko na lang yung binayad ng nanay mo. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Coleen.

Nagsimula ng lumabas ng silid si Valerie.

Malapit na sya sa main door ng biglang humabol si Coleen at hinawakan sya sa braso.

"D-don't go. " pigil ng dalaga.

"Tama na Coleen. Sinasayang mo lang ang oras mo. " sagot ni Valerie.

Napahinga ng malalim si Coleen.

"I d-don't want to go back. P-please. " biglang sabi nito.

Natigilan si Valerie.

Tila may malungkot na ekspreson ang nagdaan sa magandang mukha ng dalaga.

O mas tamang sabihing takot ?

Nacurious ang dalaga.

Pero bigla syang natigilan ng maalala ang sinabi nito.

"Anong sinabi mo ? " tanong nya.

"I don't want to go back. Sa states. " sagot ni Coleen.

Umiling si Valerie.

"No, hindi yon. Yung sumunod. " utos nya.

Natigilan si Coleen.

Biglang sumimangot.

"Valerie. " tawag nya.

Napangisi si Valerie.

"Now you're saying my name. First time to. Pero wag mo kong paandaran, gusto kong ulitin mo yung huling sinabi mo kanina. " sabi nya.

Napalunok si Coleen.

Tila hirap na hirap ulitin ang salitang biglang nabitawan.

"P-please ? " mahinang sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Ano ulit? Di ko marinig. " biro nya.

Napasimangot si Coleen.

"Please ? " mas malakas na sabi nya.

"What ? " muling biro ni Valerie.

Nainis na si Coleen.

"Valerie naman eh. " asar na sabi nya.

Bumungisngis si Valerie.

"Haha, sige na nga. Pwede na yon kahit labas sa ilong. " natatawang sabi nya.

Umiling si Coleen.

"Di yon labas sa ilong. Seryoso ako. " sagot nya.

Natigilan si Valerie.

"G-ganun ba. Sige. Pero bago ako bumalik sa library para turuan ka, gusto kong sumunod ka sa mga rules ko . " sabi nya.

"Ayaw ko. " mabilis na sagot ni Coleen.

"Okay" agad na wika ni Valerie.

Napanganga ang dalaga at bumuntong hininga.

"O-okay. sagot ni Coleen.

Napangiti si Valerie.

"Good. First, makiking ka na sakin. " sambit nya.

Marahang tumango si Coleen.

"Second, no phones or any gadget na makakaistorbo sa pag aaral natin. " dagdag ni Valerie.

Inangat ni Coleen ang cellphone at biglang hinagis kung saan

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Hoy, baka masira !. " sigaw nya.

Nagkibit balikat lang si Coleen.

"Yun lang ba ? " tanong nya.

Tiningnan muna ni Valerie kung saan napunta ang cellphone.

Nakahinga sya ng maluwag ng makita itong nalaglag sa sofa.

"Siraulo ka. " inis na sabi niya.

Nagkibit balikat lang si Coleen.

"Wala na ba? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Valerie at pinilit ang sariling ngumiti.

Pagkatapos ay nilahad ang kamay.

Nagtaka si Coleen.

"What's that ? " tanong nya.

"Shaking hands. " sagot ni Valerie.

"What for ? " tanong ni Coleen.

"For our friendship. " mabilis na sagot ni Valerie.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"When ? How ? Paano nangyari yon ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie.

"That's the third rule. Treat me as your friend. " sagot nya.

Natulala si Coleen.

Ilang saglit din syang di nakapagsalita.

Winagayway ni Valerie ang kamay sa harap ng dalaga.

"Helloooo, still there ? Coleen Concepcion. Nasa earth ka pa ba? " biro nya.

Napangiti si Coleen pero bigla nya itong binawi.

"O-okay. " sagot nya sabay inabot ang kamay.

Masayang kinuha ni Valerie ang palad ng dalaga at mahigpit na kinamayan.

"Yan ah, friends na tayo. Kaya wag mo na akong susungitan at papahirapan. Para din naman sa'yo ang ginagawa ko. " sabi nya.

Nagkibit balikat si Coleen.

"Okay. " maiksing sagot nya.

Napangiti si Valerie at nagsimula ng maglakad pabalik sa library.

"You know, di mo na kailangang itago yung ngiti no. Mas maganda ka lalo kapag nakasmile ka, kaya lagi kang ngingiti. " sabi nya sabay pasok sa kwarto.

Naiwan si Coleen na tulala.

Pero unti unti na ring ngumiti.

Pinilig ng dalaga ang ulo.

"Crazy. But she's kind. " bulong nya sabay sumunod na kay Valerie.

..

Ilang oras ang lumipas, napaangat ang mga kamay ni Coleen.

"Yes ! At last !. " sigaw nya.

Natawa si Valerie.

"See ? Walang mahirap. Hindi ka bobo tulad ng sinasabi mo kanina pa. At di ako naniniwalang bobo ka. " sabi nya.

Nagkibit balikat lang si Coleen.

"Whatever. Nagugutom na ako. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Sige, kain ka na. Ligpitin ko lang to. " sabi nya.

Tumayo si Coleen, pero di lumabas ng silid.

Tinitigan nya lamang si Valerie habang nagliligpit ng mga ginamit nila.

Nagtaka ang dalaga.

"Bakit ? " tanong ni Valerie.

Nagkibit balikat lang si Coleen.

"Nothing, it's just that. Uhm nothing. " sabi nya.

Tinigil ni Valerie ang ginagawa.

Nilapag nya ang hawak na manila paper at kinuha ang dalawang kamay ng dalaga.

Nabigla si Coleen.

Akmang babawiin nya ang mga kamay pero mahigpit itong hinawakan ni Valerie.

"W-what are you doing ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie.

"Come on, tell me. " sabi nya.

Nagtaka si Coleen.

"What ? Anong sasabihin ko sayo ? " tanong nya.

"Yan. Yang tanong sa isip mo. " sabi ni Valerie.

Tumawa ng plastik si Coleen.

"Ano ka ? Mind reader ? May power to read my thoughts ? " sambit nya.

Umiling si Valerie.

"Di mo kailangan ng kapangyarihan para mabasa ang isip ng isang tao. Kailangan mo lang maging concern sa kanya. " wika nya.

Lalong natawa si Coleen.

"Concern ? Ikaw ? Kelan ? Kanina ? Wow naman. " biro nya.

Pero ngumiti lang si Valerie.

"Mula ng turuan kita, naging concern na ako sa'yo. Pero bukod don, ito talaga ang ginagawa ng magkaibigan. Di friends na tayo ? So natural lang na maging concern ako sayo. " sabi nya.

Natulala si Coleen sa narinig.

Sari saring emosyon ang nagpapalit palit sa kanyang mukha.

Masayang nalilito.

Nagtaka si Valerie.

"Why ? What's bothering you ? You can tell it to me. Tara upo tayo. " aya nya.

Hinatak nya patungo sa sofa si Coleen.

Parang robot na nagpatangay ang dalaga.

..

"So ano na ? " tanong ni Valerie.

Tinitigan ni Coleen ang kamay nilang magkahugpong.

Napapangiti pero napapailing.

"F-friends. Are you sure ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Of course. Bakit naman ? " balik tanong nya.

Napailing si Coleen.

"W-wala lang. It's j-just that. I mean. " nabubulol na sagot nya.

Ngumiti si Valerie.

"Gutom ka na no ? " biro nya.

Napanganga si Coleen pero unti unting tumango.

Natawa naman si Valerie.

"Sabi ko na, gutom lang yan. Sige na nga, pakain ako ha ? " bulong nya.

Natigilan si Coleen pero bigla syang natawa.

"Sure ! " masiglang sagot nya.

Natawa sila sa isa't isa.

Magkahawak kamay silang lumabas ng library.

..

Ilang saglit lang.

"Wag mo nga akong titigan. " reklamo ni Valerie.

Napangiti si Coleen.

"Sorry. " sagot nya.

Natawa lang si Valerie at nilapag ang cake.

"Ano ba kasi yon ? " tanong nya sabay pasimpleng nagpunas ng bibig.

Nagkibit balikat si Coleen.

"Nothing. " sagot nya.

Napahinga naman si Valerie.

"Hay. Kakalungkot naman. " kunwaring nagtatampong sabi nya.

"Why ? " takang tanong ni Coleen.

"Kasi akala ko friends na tayo. Pero mukhang di mo kayang sabihin sa akin yang nasa isip mo. Syempre gusto kitang tulungan. " sabi ni Valerie.

Natigilan si Coleen.

Nabigla sya ng muling hawakan ni Valerie ang kanyang mga kamay.

"Come on Coleen, you can trust me. " pangungumbinse nya.

Napahinga ng malalim si Coleen sabay ngiti ng kimi.

"K-kasi, y-your my first friend here. " sagot nya.

Nagtaka si Valerie.

"Oh ? Talaga ? Nice naman. Pero bakit ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Coleen.

"I don't know, maybe dahil na rin sa sama ng ugali ko. " sagot nya.

"Siguro nga. " mabilis na sagot ni Valerie.

Natigilan si Coleen.

Biglang tumawa si Valerie.

"Joke lang. " sabi nya.

Napangiti na lang din si Coleen.

"T-thank you. " wika nya.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

"Welcome, thank you din. " sabi nya.

"For what ? " takang tanong ni Coleen.

"For making me your friend. Nadagdagan ng isa ang friends ko, sosyal pa. " biro ni Valerie.

Natawa si Coleen.

"Baliw. " sambit nya.

"For the record, mas baliw ka. Itapon mo ba naman yung phone mo. " sagot ni Valerie.

Lalong natawa si Coleen.

"Phone lang yon eh. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"Yes, pero sayang. Alam kong lumaki ka sa karangyaan, pero dapat mo ring isipin na walang permanente sa mundo. You have to cherish every single thing you have. Baka kasi kapag wala na ito, magsisi ka na lang. " pangaral nya.

Napangiti si Coleen.

"Yes teacher. " biro nya.

Nagtawanan sila.

"Ikaw ? Where's your phone ? " tanong ni Coleen.

Natigil sa pagtawa si Valerie.

"Wala. Di ko kailangan yon. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Is that so ? May tao palang walang phone ? " tanong nya.

Nainsulto si Valerie.

"Yes, ako at marami pang iba. May mas importanteng bagay bukod dyan no. " nakasimangot na sagot nya.

"Hey, sorry. It's just that. Well, sorry. " hinging paumanhin ni Coleen.

Ngumiti si Valerie.

"Okay. " sagot nya.

"Ganun lang ? Ambilis mo palang magpatawad. " puna ni Coleen.

"Baket ? Wala ka namang ginawang dapat kong ikagalit ng isang taon. Para yun lang. " sabi ni Valerie.

Napangiti si Coleen.

Dinampot nya ang cellphone sabay abot kay Valerie.

"Here. " sabi nya.

Nagtaka si Valerie.

"Ano yan ? " tanong nya.

"Cellphone. " biro ni Coleen.

"Alam ko. Anong gagawin ko dyan ? " tanong ni Valerie.

Napangiti si Coleen.

"Kainin mo kung gusto mo. " biro nya.

Natawa bigla si Valerie.

"Sira ka. Di nga ? Anong gagawin ko dyan ? " tanong nya.

"Kunin mo na to, 4 ang cellphones ko. Sa'yo na itong isa para may magamit ka. " sagot ni Coleen.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Weeeee, loka ka di ko to tatanggihan !. " sigaw nya.

Natawa si Coleen.

"Kunin mo na nga eh. " sabi nya.

Pero ngumiti si Valerie.

"Biro lang, Di ko matatanggap yan Coleen. Baka kung anong isipin ng makakakita. No thanks, pero tulad ng sinabi ko. Di ko kailangan ng ganyan para mabuhay. Mas marami pang importante kesa dyan. " sabi nya.

Napangiti si Coleen.

"Wag ka ng mag speech. Kailangan mo na to ngayon kasi friends na tayo di ba? And this is my first gift to you. Now kung tatanggihan mo ang regalo ng isang kaibigan, syempre magtatampo ako. Kung ikaw ba magreregalo sa akin tapos tinanggihan ko, anong mararamdaman mo ? " mautak na tanong nya.

Napanganga si Valerie sabay simangot.

"Aba aba. Blackmail ang tawag dyan. Alam mo ba yon ? Ginagamitan mo ako ng blackmail. " sumbat nya.

Napangisi si Coleen.

"Call it whatever you like. Basta gusto kong tanggapin mo ito. Sige ka, kapag di mo to tinanggap, sisirain ko to sa harap mo. " banta nya.

Natulala lang si Valerie.

"S-siraulo ka. " bulong nya.

Inangat ni Coleen ang cellphone at akmang ihahampas sa sahig ng bigla syang awatin ng dalaga.

Ngumisi lang si Coleen at inabot ang cellphone.

"Sayo na lang din yung sim. Nandyan na yung number ko. " sabi nya.

Tulalang inabot ni Valerie ang cellphone.

"H-halatang bago pa. " bulong nya.

Umiling si Coleen.

"Luma na yan, last month ko pa yan binili. " sambit nya.

Napanganga na naman si Valerie.

"L-last month ? Luma ? Baliw ka ba talaga ? " bulalas nya.

Humagikgik si Coleen.

"You're cute when you're like that. So innocent. " biglang sabi nya.

Sinara ni Valerie ang bibig sabay simangot sa dalaga.

"Tigilan mo nga ako. Ikaw rin, maganda ka kapag ngumingiti. Ah tama na to. Salamat talaga Coleen dito ha ? " taos pusong sabi nya.

Tumango si Coleen.

"Okay. Finish your cake. Gusto mo pa ba? " tanong nya.

Umiling si Valerie sabay subo ng natitirang pagkain.

"Ayaw na. Nakakahiya na. Pero salamat ulit ha ? " sabi nya.

"Tama ng pasasalamat. Ikaw naman. " nakangiting sabi ni Coleen.

Uminom ng juice si Valerie pagkatapos ay pinakatitigan ang dalaga.

"I have to go. Gagabihin ko sa daan. Nakakatakot ibyahe itong phone mo. Masyadong revealing. " biro nya.

Natawa si Coleen.

Sinamahan nya ang dalaga hanggang gate.

"Take care will you ? " sabi nya.

Nakangiting tumango si Valerie.

"Thank you ulit. Bukas ha ? " tanong nya.

"Of course, see you tomorrow. " sagot ni Coleen.

Nakangiting naglakad palayo si Valerie.

Di makapaniwala sa transpormasyon ni Coleen.

Pero masaya sya sa nagawa.

At di sya nagsisisi sa ginawang pakikipag kaibigan dito.

..

Gabi.

Nanlalaki ang mga mata ni Aling Vicky at Cheska sa bagong cellphone ni Valerie.

"Wow talaga, ang kintab. " ungol ni Cheska.

"Oo nga, at tingnan mo to. M-may camera. " bulong ni Aling Vicky.

Manghang mangha ang dalawa.

Natatawa na lang si Valerie.

"Kamusta ang pakikitungo ni Coleen sayo anak ? " tanong ni Mang Valerio.

Napangiti si Valerie.

"Ayos na po Tay. Bumait na sya sa akin. " sagot nya.

Napangiti ang ama.

"Salamat naman at mapapanatag na ang loob ko." sabi nya.

Sumingit si Cheska.

"Anong ginawa mo Bebs ? " tanong nya.

"Kinaibigan ko lang sya. Yun lang pala ang sikreto. " sagot ni Valerie.

"Ahhh, kinaibigan mo sya para di ka nya pahirapan sa pagtuturo ? " tanong ni Cheska.

Natigilan si Valerie at kinapa ang sarili.

Yun nga lang ba ang dahilan ?

"Hindi. Gusto ko talaga syang maging kaibigan. At mukhang kailangan nya talaga ng kaibigan. Lagi syang nag iisa sa bahay nila. Ang laki laki tapos kokonti ang nakatira. " puna ni Valerie.

Tumango tango si Cheska.

Pero bigla itong ngumisi.

"Kinaibigan mo ba sya dahil kay. " putol nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Pinandilatan nya ang kaibigan para bigyan ito ng babala.

Natatawang umatras naman si Cheska at muling inisyoso ang bagong cellphone ng dalaga.

..

Gabi.

Di makatulog si Valerie.

Marami syang iniisip dagdag pa ang kasabikan sa bagong cellphone.

Adik na adik na sya sa laro nitong Temple Run ng biglang tumunog.

Nataranta si Valerie.

Di alam kung paano sasagutin ang tawag.

Nakailang ring din bago ito tuluyang huminto.

Nanghinayang si Valerie.

Para siguro kay Coleen ang tawag na iyon.

"Bukas ko na lang sasabihin, magpapaturo na rin ako sa kanya. " kibit balikat na bulong nya.

Akmang ipagpapatuloy nyang muli ang paglalaro ng muling tumunog ang cellphone.

Pero sa pagkakataong ito ay text na lang ang dahilan.

Sinubukang buksan ni Valerie ang mensahe.

Pero bigla syang nagsisi dahil baka para ito kay Coleen.

Nakaramdam ng hiya si Valerie sa pagbukas ng mensahe ng iba.

Isasara na sana nya ang text ng biglang may mahagip ang kanyang mga mata.

Natulala si Valerie at mabilis na binasa ang mensahe.

"It's me Caleb. Save my new number. Na trace na ni Lola yung luma ko. Di ko alam kung sinong nagsabi, eh tatlo lang kayong nakakaalam ng number ko. I bet it's Mom. That's why ikaw na lang ang tinext ko for my new number. Don't you ever tell it to Mom. Take care always sis, love you. And P.S., wag mong pahirapan yung teacher mo. She's special to me. Text me when Mom's going abroad. Uuwi ulit ako dyan. I love you sis. " sabi sa text.

Napanganga si Valerie.

Kahit siguro sabugan sya ng bomba ay di nya iindahin.

"S-special daw. " bulong nya.

Di nya maintindihan ang sarili pero bigla syang inatake ng di maipaliwanag na kiliti.

Kahit ayaw nya ay unti unting pumorma ng ngiti ang kanyang mga labi.

"Special. Special daw ako. " paulit ulit nyang sabi.

Humiga si Valerie sa kama at paulit ulit na binasa ang mensahe ni Caleb.

Hanggang sa mapatingin sya sa oras sa taas ng cellphone.

"Alas onse na !. " gulat na bulalas nya.

Mag iisang oras na syang nakatitig sa text ni Caleb.

Dahil sa bwisit, sinuksok ni Valerie ang cellphone sa bag.

Nahiga sya sa kama at pinikit ang mga mata.

Pero huli na.

Kabisado na nya ang text ng binata.

"Special. Eeeeeerrrrr. Matulog ka na special !. " inis nyang bulong.