Ikatlong Pahina

Ilang buwan ang lumipas, hindi naging magdali para kay Valerie at Cheska ang makipagsabayan sa ibang estudyante.

Hindi sa aspeto ng talino at sipag, kundi sa pinansyal na bahagi dahil puro projects ang kanilang ginagawa.

Kadalasan ay late silang nagpapasa lalo na si Valerie.

Said na said ang kanyang ipon nuong bakasyon.

Ayaw naman nyang basta basta na lamang manghingi sa mga magulang dahil bilang panganay, sya ang madalas na nakakakita at nakaririnig ng mga hinaing ng dalawa paukol sa hirap ng buhay.

Kaya tinitiis na lamang nya ang mababang marka.

Ngunit sa kabila ng problema sa mga aralin, hindi nakaligtas sa pansin ni Valerie ang minsanang pagpasok ng isang kaklase.

Si Caleb.

..

Tulad ng araw na iyon, idineklara ang nakatakda nilang pagsusulit para bukas.

Ngunit no show pa rin ang binata.

Kahit hindi malapit sa isa't isa, aminado si Valerie na nag aalala sya para sa pagaaral ni Caleb.

Ayaw nyang aminin sa kaibigan ang bagay na iyon dahil siguradong tutuksuhin lamang sya nito.

Napatingin si Valerie sa likod.

Bakante pa rin ang upuan ng binata.

Minsan ay isang beses isang linggo ito kung pumasok.

Pero dumarating sa puntong dalawang linggo ang palilipasin nito bago pumasok.

Napahinga ng malalim ang dalaga ng marinig ang pagtawag ng guro.

"Caleb Concepcion. Wala na naman si Caleb ? " tila hinayang din si Mrs. Senining.

Napatingin si Valerie sa guro.

Halos apat na buwan ng parang kabute si Caleb sa klase.

Pero mukhang walang balak si Mrs. Senining na ibagsak ito.

Parang naglalaro lamang ang binata.

..

"Absent na naman sya. " bulong ni Cheska.

Napaigtad si Valerie ng biglang magsalita ang kaibigan.

"H-ha ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng dalaga.

"Huh ? Tulala ka na naman ? Siguro iniisip mo na naman si Caleb no ? " tanong ni Cheska.

Napailing si Valerie.

"Eeewww. " kunwaring diring diring sabi nya.

Napangisi si Cheska.

"Sus, denial queen. Pero bakit parang walang balak si Ma'am na ibagsak si Caleb ? Kung yung ibang teacher, nuon pa sya walang record sa room natin. Pero si Mrs. Senining, matibay ang pananampalataya. " nakangiting biro nya.

Nagmangha si Valerie sa sinabi ng kaibigan.

Kanina lamang ay nasa isip nya ang parehong katanungan.

"Ewan ko nga eh. Parang kilala nya si Caleb ng personal. Sa tingin mo, bakit kaya sya absent ng absent ? " di nya mapigilang itanong.

"Aba malay ko, baka nag wowork sya ? " tanong ni Cheska.

Napaisip si Valerie.

"Baka nga, kaya di sya makapasok ng araw araw. Pero bakit pa sya nag enroll ? Eh kung alam naman nyang mag coconflict yun sa work nya ? " balik tanong nya.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Baka kakatanggap nya lang, ewan ko ba. Sumasakit lang ang ulo ko dyan. May exam pa tayo bukas. " sabi nya.

"Oo nga eh, second periodical na natin. Ang bilis ng panahon, ilang saglit na lang, gagraduate na tayo. " paalala ni Valerie.

Ngumiti si Cheska.

"Gagraduate ka ? Sure ka ? " biro nya.

Natawa si Valerie.

"Tanungin mong sarili mo, wag ako. " ganting biro nya.

Nagtawanan sila at lalo pang nag asaran.

..

Bago matapos ang klase, nagulat ang lahat lalo na si Valerie ng biglang pumasok si Caleb sa room.

Dire diretso nitong tinungo ang mesa ni Mrs. Senining at bumulong.

Napatingin ang guro sa klase.

"Okay class, bukas na lang ulit. Mag aral ng mabuti. Diretso na ng uwi. Mag ingat kayo sa daan. " sabi ng guro.

Nagkanya kanyang ayos ng gamit ang mga estudyante.

Ngunit hindi sina Valerie at Cheska.

Nanatili silang nakatingin sa dalawa.

"Bebs, sa tingin mo ?, anong pinag uusapan ng dalawa ? " tanong ni Cheska.

"Malay ko. " sagot ni Valerie.

"Parang magkakilala sila ng personal. " puna ni Cheska.

"Oo nga eh, kaya siguro hindi maibagsak ni Ma'am si Caleb ng basta basa. Kasi magkakilala sila. " sambit ni Valerie.

Biglang napatingin si Caleb sa pwesto ng dalaga.

Natigilan si Valerie at mabilis na nag iwas ng tingin.

Agad nyang niligpit ang mga gamit.

"H-hoy, di ka pa ba uuwi ? " tanong ni Valerie.

"Teka, hintayin mo naman ako. " sabi ni Cheska.

"S-sige, dito lang ako sa labas. " paalam ni Valerie at lumabas na ng kwarto.

Saglit pang nagtama ang paningin nila ni Caleb bago sya tuluyang makalabas.

..

Dumaan muna ng library ang magkaibigan para isauli ang hiniram nilang libro.

Naglalakad na sila palabas ng gate ng biglang makarinig ng pagtawag ang dalawa.

Paglingon nina Valerie at di maiwasang kumunot ang kanilang noo ng makitang patakbong lumalapit ang kanilang adviser na si Mrs. Senining.

"Ma'am ? " tanong ni Cheska.

Saglit munang bumawi ng hinga ang guro bago napangiti.

"Phew, buti naabutan ko kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap eh. " sabi nya.

Lalong nagtaka ang dalawa.

"B-bakit po ? " tanong ni Cheska.

Napangiti ang teacher.

"Don't worry, di ko kayo bibitayin. Halika muna kayo sa faculty. " aya nito.

Nagkatinginan ang magkaibigan bago tumango.

Nilakad nila ang pabalik sa faculty ng mga guro.

Ilang sandali ang lumipas, nasa pinto na ang magkaibigan ng biglang matigilan si Cheska.

"B-bebs, si Caleb oh. " turo nya sa loob.

Natigilan din si Valerie.

"A-anong ginagawa nya dyan ? " tanong nya.

"B-baka pinagsasabihan ni Ma'am. " sambit ni Cheska.

Napatingin sa kanila ang binata.

Mabils na nagbawi ng tingin si Valerie at binaling ito sa guro.

"Come inside girls. " utos ni Mrs. Senining.

Agad namang tumalima ang dalawa.

Tumayo sila sa tapat mismo ng nakaupong binata.

"Tita, Im going now. Bukas na lang po. " paalam ni Caleb.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

Parehong nagulat sa tinawag ng binata sa kanilang guro.

..

Tumango si Mrs. Senining, bago tinapik ang balikat ng binata.

"Mag ingat ka sa pag uwi. Paki kamusta mo na lang ako sa Nanay mo. " sabi nya.

Tumango rin ang binata.

"Sige po. " sabi nito bago nakayukong lumabas ng faculty.

Walang nagawa sina Cheska at Valerie kundi ihatid ng tingin ang binata.

Tumikhim ang guro.

"Ahem, so girls, have a sit. " turo nya sa silyang bakante.

Agad na napaupo ang dalawang dalaga.

"Siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag. Actually, ako ang tumawag sa inyo kasi yung inutusan ko eh hindi kayo mahagilap. " natatawang sabi ng guro.

Napangiti sina Valerie at Cheska.

"Nasa library po kami. " sagot ni Valerie.

Napatango tango si Mrs. Senining.

"Ah kaya pala. Anyway, impressive ang academics nyong dalawa. " puna nito.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska bago pasimpleng napangiti.

"T-thank you po. " sabay nilang sagot.

Ngumiti ang guro.

"Pero napapansin ko, mukhang lagi kayong late magpasa ng projects. Yun din ang sinasabi ng ibang teachers nyo. Lalo ka na Valerie, running for Valedictorian ka pa naman. At ikaw Cheska, may honor ka rin sana pero kung ganyan ng ganyan ang gagawin nyo, mababawasan ang grades nyo at mawawala yung chance nyo. " imporma nito.

Natigilan sina Valerie at Cheska.

Malungkot silang pangiti sa isa't isa.

"W-wala po kaming magawa Ma'am. M-mahirap lang po kami. Saktuhan lang po ang kita ng mga parents namin kaya mahirap para sa amin ang makapagpasa ng maaga. " sagot ni Cheska.

Napayuko si Valerie.

Ramdam na ramdam nya ang panghihinayang dahil sa narinig na sinabi ng guro.

Kapag sinabi nya ito sa mga magulang, magagalit panigurado ang mga ito sa kanya.

Hindi dahil sa hindi nya makukuha ang pagiging valedictorian kundi dahil sa hindi pagsasabi ng totoo tungkol sa gastos sa eskwela.

Marahil ay magtatampo ang kanyang ina lalo na kanyang ama.

Dahil dito, napabuntong hininga ang dalaga.

..

"Val, Cheska. I know naman about that. Mahirap ang panahon ngayon. Bakit di kayo mag part time? " tanong ni Mrs. Senining.

Napatingin ang dalawa sa guro.

"A-ayaw ng Tatay ko . " sagot ni Valerie.

"Tumutulong po ako sa karinderya. Pero sakto lang din po yung kita namin eh kaya bihira lang akong maabutan ni Nanay. " sagot naman ni Cheska.

Napatango tango si Mrs. Senining.

"Hmm, siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo hinabol. Nakita nyo rin si Caleb dito sa faculty. " paalala nya.

Tumango ang dalawa.

"B-bakit po ba? " tanong ni Valerie.

Ngumiti ang guro.

"Gusto nyo ng part time ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng dalawa.

"H-hindi ko po alam Ma'am. " sagot ni Valerie.

Napaisip si Cheska.

"Ano pong part time Ma'am ? " tanong nya.

"Tutorial. Mag tu-tutor kayo. " nakangiting sabi ni Mrs. Senining.

Nagkatinginan sina Cheska at Valerie.

"S-sino pong tuturuan namin ? " tanong nila.

Napangiti ang guro.

"Same age as yours. Same year. Basta ituturo nyo lang yung mga napag aralan nyo. Three hours a day, every weekend. " dagdag impormasyon nya.

Napaisip si Cheska.

"Itatanong ko po sa Nanay ko Ma'am. " sabi nya.

Napatingin ang guro kay Valerie.

"Ikaw ? " tanong nya.

Napayuko ang dalaga.

"H-hindi ko po alam. T-tatanungin ko na lang din po siguro si Nanay. " sagot nya.

Tumango ang guro.

"Okay. Basta sabihin nyo agad sa akin yung sagot nyo ha ? Para masabi ko na sa kumare ko. " nakangiting sabi nya.

"Kumare nyo po ang tuturuan namin ? " tanong ni Cheska.

Natawa ang guro.

"Of course not, yung anak nya. " natatawang sagot nya.

Napangiti si Cheska.

"Eh Ma'am, wag po kayong magagalit ah. May s-sahod po ba ?. " nahihiyang tanong nya.

Tinapik ni Valerie ang kaibigan.

"Mahiya ka nga . " bulong nya.

Napangiti ang guro.

"Hmm, oops sorry. Of course meron. Let's say, 100 per hour so that will be 300 per day, depende pa yon kapag nagkasarapan kayo ng pagtuturo at lumampas pa sa takdang oras. Pwedeng 5 hours since na 2 ng hapon ang start ng tutorial. So pwede kayong kumita ng 500 per day plus miryenda at pamasahe. " paliwanag nya.

Nanlaki ang mga mata ng dawalang dalaga.

"Wee ? " di makapaniwalang tanong ni Cheska.

Natawa si Mrs. Senining.

"Sa tanda kong ito, magjojoke pa ba ako ? If you want, kakausapin ko ang parents nyo para payagan kayong dalawa. Ay wait, since na dalawa kayo. Baka tumawad yung kumare ko. Ok lang ba sa inyo ? " tanong nya.

Napangiti si Cheska.

"Oks na oks lang po. Ikaw Bebs ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Pero Ma'am, bakit po kami ? " tanong nya.

Ngumiti ang guro.

"Well, di naman siguro nakakagulat. Matataas ang academics nyo at duon mahina yung anak ng kumare ko. At isa pa, personal request ka ng anak nya. " sagot nito.

Kumunot ang noo ni Valerie ng makitang nakatingin sa kanya ang guro.

"A-ako po ? " tanong nya na may kasama pang turo sa sarili.

Tumango si Mrs. Senining.

"Yup. So you better go home and tell your parents about my proposal. If di sila kumbinsido, pupuntahan ko kayo sa bahay nyo para ipagpaalam kayo ng personal. It that okay ? " tanong nya.

Napangiti si Cheska.

"Okay lang po. " sagot nya.

"How bout you Val ? " tanong ni Mrs. Senining.

Napangiti ng kimi si Valerie.

"T-tatanong ko po muna Ma'am. " sagot nya.

Tumango ang guro.

"Okay, go home na. Ay wait, Thursday nga pala tomorrow right ? " tanong nya.

Tumango ang dalawang dalaga.

"Opo. " sagot ni Valerie.

"Naisip ko lang, maybe you can start tutoring him tomorrow afternoon. Para makahabol sya sa exams di ba? " tanong ng guro.

Nagkatinginan sina Valerie at Cheska.

"D-di po namin alam Ma'am. " sagot ni Valerie.

Napatango ang guro.

"Sige, see you tomorrow then. Basta dapat bukas may sagot na kayo ha ? " nakangiting sabi nya.

Napangiti ang dalawa at nagpaalam na sa teacher.

..

"Sa tingin mo Bebs, sino kayang tuturuan natin ? " tanong ni Cheska.

Kasalukuyan silang naglalakad pauwi.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Ewan ko. Pero nagtataka talaga ako, bakit ako ang personal request ? Kilala ko kaya sya ?" tanong nya.

Ngumisi si Cheska.

"Baka kilala ka nya or nakita ka nya. Tapos nagka crush sayo. Di malayo yon ah. " sagot nya.

Napaismid si Valerie.

"Ah basta, bahala na. Sayang yung kikitain. Sana payagan ako ni Inay. " sabi nya.

"Ako di ko alam. Kulang kami sa tindera sa karinderya eh. Baka di ako payagan. " malungkot na sabi ni Cheska.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

"Hala !, wala akong kasama !. " sabi nya.

"Sana payagan din ako. Sideline din yon saka mas malakit ang kita. Safe yun sigurado kasi si Ma'am mismo ang nagrekomenda. " sabi ni Cheska.

Tumango si Valerie.

"Basta dapat dalawa tayo, kapag di ka pinayagan, di na rin ako pupunta. Manigas si Ma'am. " biro nya.

Nagtawanan sila.

"Pero sino kayang tuturuan natin ? " tanong ni Cheska.

"Ewan ko nga. Bukas pa natin malalaman. " sagot ni Valerie.

Natahimik na lang ang dalawa at parehong napaisip.

ITUTULOY !!!