Ikawalong Pahina

"Val, pano nga ulit yung formula para makuha yung measure ng angles? " tanong ni Coleen.

Pero bigla syang natigilan ng makita ang tutor na nakatingin sa kawalan.

Kumunot ang noo ng dalaga.

Binaba ang hawak na ballpen at kinumpas ang kamay sa harap mismo ng mukha ni Valerie.

Ngunit tulad ng inaasahan, tagus tagusan ang tingin nito.

Unti unting napangiti si Coleen.

Dahan dahan syang tumabi sa gilid ni Valerie at binulungan ito sa tenga.

"Ano bang iniisip mo ? " bulong nya.

Wala sa loob na sumagot si Valerie.

"Sya. " sagot nya.

Napangisi si Coleen.

"Sinong sya ? " tanong nya.

Akmang sasagot si Valerie ng biglang tumunog ang cellphone nya.

Nagulat ang dalaga.

Biglang napaatras.

Dahil sa nasa likod nya si Coleen, tinamaan ito sa ilong.

..

Napahiyaw si Coleen sa sakit.

"Awwwww. " sigaw nya.

Gulat na nilingon ni Valerie ang dalaga.

"C-coleen, sorry. Ano bang ginagawa mo dyan ? " tanong nya.

Napasimangot ang dalaga.

"Kanina pa ako nasa likod mo . " sagot nya.

Hinimas himas nya ang ilong pagkatapos ay pumwestong muli sa harap ni Valerie.

Di naman niatago ang gulat sa mukha nito sa narinig.

"Anong kanina pa ? " tanong ni Valerie.

Hinilot ni Coleen ang ilong.

"Kanina pa. As in kanina pa. " sagot nya.

"B-bakit di kita napansin na pumunta sa likod ko ? " tanong ni Valerie.

Unti unting napangisi si Coleen.

Nawala na ang sakit ng kanyang ilong.

"Kasi tulala ka. " sagot ng dalaga.

Natigilan si Valerie.

"A-ah. S-sorry. M-may iniisip lang ako. " tarantang sagot nya.

Ngumisi si Coleen.

"Ano bang iniisip mo ? O sino ? " tukso nya.

Pinilit ni Valerie ang tumawa.

"A-ano kasi. Y-yung assignment namin, di ko pa pala nagagawa. " palusot nya.

Lalong lumawak ang ngisi ni Coleen.

"Talaga ? Eh nung tinanong kita kanina, may sinabi kang pangalan ? " tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"P-pangalan ? A-ano bang sinasabi mo ? W-wala akong sinasabing pangalan no. " tanong nya.

Mabilis nyang inisip kung nasabi nya ba ang pangalan ni Caleb sa dalaga.

Tama.

Si Caleb ang iniisip nya kaya sya natulala.

Pero hinding hindi nya ito aaminin kaninuman. Lalo na sa mismong kapatid nito.

..

Natigilan sa pag iisip si Valerie ng marinig ang paghagikgik ni Coleen.

Napasimangot sya bilang tanda na hindi sya nakikipag biruan.

"Ano ba kasi yon ? " masungit na tanong ni Valerie.

Pero imbes na mailang, lalo lang bumungisngis ang dalaga.

"Wala naman. Nakakatawa ka kasi eh. Kita mo yang mukha mo, pulang pula. Uyyy, blushing. " tukso pa ni Coleen.

Lalong nag init ang mga pisngi ni Valerie.

Iniwas nya ang tingin at pilit na pinayapa ang sarili.

"T-tama na Coleen. May ginagawa pa tayo eh. " pag iwas nya.

Napangiti si Coleen.

"Okay. Pero mamaya ka sakin. Ay wait, may nagtext sayo di ba? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"Oo nga eh. P-pero wala pang nakakaalam na may cellphone na ako. " pag amin nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

Pero biglang nanlaki ang mga mata ng maalala ang kapatid.

"Oh !, maybe that's for me. Baka si kuya yan !. " bulalas nya.

"Oh eto, basahin mo. " inabot ni Valerie ang phone.

"Is it okay ? Pabasa lang ha ? " tanong ni Coleen.

Tumango si Valerie.

"Sure, phone mo yan eh. " sabi yan.

Sumimangot si Coleen.

"I told you, sa'yo na to eh. Wag na nga. " nagtatampong sabi nya.

Natawa si Valerie at tumango.

"Sige sige. Oo nga. Basahin mo na yung text. " sabi nya.

Napangiti si Coleen at dinutdot ang phone.

"Ay, inquiries lang pala. Ay teka ano to ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Ano yan ? " tanong nya.

"Eto oh, number lang. Pabasa ako ah. " paalam ni Coleen.

"Sige lang. Ay teka ! " nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Pilit nyang inabot ang phone sa dalaga pero huli na, binasa ni Coleen ang mensahe.

"Ay si kuya lang pala to. May bago syang number. Tapos. Ay, teka. May something sa last text nya ahhh. " unti unting napangiti si Coleen.

Ramdam na ni Valerie ang pag iinit ng pisngi.

"W-wala yan. " tanggi nya.

"Forward ko lang yung number nya ah. " paalam ni Coleen.

Tumango si Valerie.

Napayuko dahil ngiting ngiti si Coleen.

Ilang saglit lang ay muling binalik ng dalaga ang phone.

"Okay na. " nakangising sabi ni Coleen.

Inabot ni Valerie ang phone at nilapag sa gilid.

Saglit silang natahimik.

Nakangisi pa rin si Coleen kaya di na nakatiis si Valerie.

"W-wala nga yon. " sabi nya.

"Okay. " nakangising sagot ni Coleen.

Nagtitigan silang dalawa.

"Ang kulit nito, wala nga yon eh. " sabi ni Valerie.

"Wala naman akong sinasabi ah. " nakangising sagot ni Coleen.

"Eh bakit ka nakangisi ? " tanong ni Valerie.

"Masama bang ngumisi ? " tanong ni Coleen.

Muli silang nagtitigan.

"Coleen stop. " banta ni Valerie.

"What ? " tanong ni Coleen.

"Yan. Wag mo kong titigan. " reklamo ni Valerie.

"Why ? You're so pretty eh. " pag amin ni Coleen.

Napasimangot si Valerie.

"Wag mo na akong utuin. " sabi nya.

"Di kita inuuto. Maganda ka naman talaga. " wika ni Coleen.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Hayyy. Bahala ka na nga. Ituloy na nga natin yung lesson. " pag iwas nya.

Nakangising nginuso ni Coleen ang wallclock.

"Gusto ko pa sana, kaso time na. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Oh no, di pa tayo tapos dito. " inis na sabi nya.

"Okay lang, bigyan mo na lang ako ng SPECIAL assignment. " nakangising tukso ni Coleen.

Napasimangot si Valerie.

"Stop na kasi !. " reklamo nya.

"What ? Nag sa - suggest lang naman ako. Para makabawi tayo sa mga nasayang na oras kanina, bigyan mo na lang ako ng SPECIAL assignment. " tukso pa ni Coleen.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Wag na, gets mo na naman eh. " sabi nya.

Tumango tango si Coleen.

"Magaling ka kasing magturo Val. " puri nya.

Ngumiti si Valerie.

"Thank you. Mabilis ka ring matuto. Dapat sayo pumapasok sa school eh. " pangaral nya.

Nagkibit balikat si Coleen.

"Yeah, naisip ko rin yan. Kailangan ko na sigurong pumasok. Ipapalakad ko na lang kay Mom yung papers ko. " sabi nya.

Lalong ngumiti si Valerie.

"That's good to hear. Ay teka, if papasok ka na. Ibig sabihin hindi na kita tuturuan ? " tanong nya.

Napaisip din si Coleen.

"Oo nga no. Ah basta, bahala na. Saka na natin yan pag usapan. Miryenda muna tayo. " aya nya.

Napangiti si Valerie at isa isa ng niligpit ang mga gamit.

"Game. " sagot nya.

Ngumisi si Coleen.

"Nagpaluto ako kay Ate Lisa ng SPECIAL miryenda. " tukso nya.

Biglang napasimangot si Valerie.

"Coleen !. " sigaw nya.

Bungisngis na lumabas ng silid si Coleen.

..

Masayang nag kukwentuhan ang dalawa ng biglang lumapit si Lisa dala ang cordless phone.

"Senyorita, Mommy nyo ho. " sabi ni Lisa.

Agad na inabot ni Coleen ang telepono.

"Thank you Ate Lisa. " sagot nya.

Ngumiti lang si Lisa at nagpaalam na.

Sinagot naman ni Coleen ang tawag.

"Mom. " sabi nya.

Napatingin si Valerie sa dalaga.

Habang tinitigan nya si Coleen, parang nakikita si Caleb.

Babaeng version nga lang.

Pero malaki ang pagkakahawig ng dalawa.

Napangiti ng lihim si Valerie.

"Ganito pala itsura nung ungas na yon kapag mahaba ang buhok. " bulong nya.

"H-hindi ko po alam Mom. Unattended yung phone nya. " biglang sabi ni Coleen.

Napatingin si Valerie sa dalaga.

Pinagmasdan nya ito habang nakikipag usap sa ina.

"Yes Mom, hayaan nyo kapag nagtext or tumawag saken. Ipapaalam ko agad kay Lola. Okay, ingat kayo dyan. Love you Mom. Bye. " paalam ng dalaga.

Bumuntong hininga si Coleen sabay lapag ng phone sa gilid.

..

Nacu-curious man, hindi na nagtangka pang magtanong ni Valerie.

Batid nyang personal na issue na ito ng pamilya at wala syang karapatang makialam.

Pero ang hindi nya matiis ay ang tila pagbabago ng mood ni Coleen.

"O-okay ka lang ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti si Coleen.

Ngunit halatang pinilit lamang.

"Yeah. " sagot nya.

Hinawakan ni Valerie ang kamay ng dalaga.

"Tulad ng sabi ko sa'yo, kaibigan mo ko. Kaya kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Wag lang pera. " biro nya.

Napangiti si Coleen.

"No, I'm fine. " sagot nya.

Ngumiti din si Valerie.

"Okay. Just the same, nandito lang ako. " sabi nya.

Huminga ng malalim si Coleen at ginantihan ang paghawak ni Valerie sa kamay nya.

"Ayos lang ako, pero si Kuya. " sabi nya.

Natigilan si Valerie.

"A-anong nangyari sa kuya mo ? " tanong nya.

"I don't know. I really don't. Tumawag si Mom para itanong kung may bago daw bang contact si kuya. Pero di ba sabi nya sa text, wag daw ipaalam ? Di ba Special ? " tukso ni Coleen.

Napasimangot si Valerie.

"Ikaw babae ka, may problema na nga, nakukuha mo pang mang asar. " reklamo nya.

Bumungisngis si Coleen.

"Actually, wala pa namang problema talaga. May natuklasan lang si Mom na nakakaduda. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Ano yon ? " tanong nya.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Coleen.

"Alam mo na naman na si Mommy ang nagtatrabaho sa para sa pamilya. Workaholic sya actually at ito ang dahilan kung bakit bihira lang kaming magkita. Lagi syang out of town, or minsan out of country. Ni hindi na nga sya nakakadalo sa mga school events namin ni Kuya kaya parang nawalan na rin kami ng ganang mag aral. " kwento nya.

Nabigla si Valerie sa narinig.

Akala nya ay masaya ang pamilyang kinalakhan nina Coleen at Caleb at tanging ang mga ito lamang ang nagbibigay ng problema sa mga magulang.

Yun pala ay may pinaghuhugutan ang dalawa.

Kakulangan sa kalinga.

"Pero bumabawi ka na ngayon di ba? " masuyong tanong ni Valerie.

Napangiti si Coleen.

"Yeah, thanks to you. " sabi nya.

Umiling si Valerie.

"It's nothing. We're friends eh. " wika nya.

Na touch si Coleen.

"Salamat talaga at dumating ka. Kung hindi, baka napariwa na ako. " pasasalamat nya.

Napangiti lang si Valerie.

"Wala sabi yon eh. Teka, ano ng nangyari sa kuya mo ? " di nya matiis na itanong.

Napangisi si Coleen.

"So, special din sya sayo ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

Biglang napasimangot.

"Wag na nga. " reklamo nya.

Natawa si Coleen.

"Ito naman, masyadong pikon. Ayun nga, habang nagtatrabaho si Mommy, lumaki kami ni Kuya sa poder ni Lola. Mommy ni Mommy. Sobrang strict. De numero ang mga galaw namin ni Kuya. Nakakatakot syang magalit. Konting mali, sumisigaw sya. " nawala ang ngisi sa mga labi ng dalaga.

"Talaga ? Kawawa naman kayo. " sabi ni Valerie.

"Yeah. Di nakatiis si kuya sa higpit ni Lola. You see, may trust fund kami ni kuya from mommy. Ipon nya yon if ever daw na gusto naming magsarili. Ginamit yun ni Kuya para umuwi dito sa Pilipinas. " kwento ni Coleen.

Napanganga si Valerie.

"Wow. Ang lakas naman ng loob nya. " manghang sabi nya.

Tumango si Coleen.

"Yeah. Nagulat na lang kami, akala namin nasa school sya pero yun pala. Nasa airport na sya at papunta na nga dito. " pag amin nya.

"Eh yung Lola mo ? Anong ginawa ? " tanong ni Valerie.

"Inutusan nya si Mommy na pabalikin si Kuya. So, pumunta si Mommy dito. Pero biglang nagbago ang desisyon ni Mommy, ayaw na rin nyang bumalik sa states with Lola. " sagot ni Coleen.

"Good for her. At least nakatakas na sya sa poder ng Lola mo. " komento ni Valerie.

Tumango si Coleen.

"Pero ako naman ang naiwan. " malungkot na sabi nya.

Nalungkot din si Valerie.

"Awww. Oo nga, anong nangyari sayo ? Di ka nakasunod ? " tanong nya.

"Actually, 1 year pa bago ako nakasunod. This summer lang. Kung di pa nagmakaawa si Kuya kay Mommy na pagbakasyunin ako dito, di pa papayag si Lola. " kwento pa ni Coleen.

"Wow. Kaya pala ganun na lang ang takot mong bumalik sa states. S-sorry ha ? Nagamit ko pa yon para lang makinig ka sakin. " paghingi ng tawad ni Valerie.

Ngumiti si Coleen.

"It's okay. Alam ko namang para din sakin yun eh. " sabi nya.

"Salamat naman at naunawaan mo ako. Ngapala, anong nangyari sa kuya mo ? " tanong ni Valerie.

"Excited ka talagang malaman ? " tukso ni Coleen.

Napasimangot si Valerie.

"Coleen naman eh. " reklamo nya.

Napabungisngis si Coleen.

"Mas gusto kita kesa sa mestisang hilaw na yon. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Mestisang hilaw ? " takang tanong nya.

"Yeah, si Britney. " sagot ni Coleen.

Natigilan si Valerie.

"At sino naman yon ? " tanong nya.

"Nirereto ni Lola kay Kuya. " mabilis na sagot ni Coleen.

Natulala si Valerie.

Parang may di nakikitang kamay ang dumakot sa puso nya at pinigilan ito sa pagtibok.

"A-ah. A-ayos yun. " tulalang sagot nya.

"Anong ayos don ? Dapat mapigilan yon !, isa si Britney sa mga dahilan kung bakit umalis ng states si Kuya !. " tarantang wika ni Coleen.

"K-kung ayaw ng kuya mo, di sya mapipilit ng Lola mo. Di ba minsan na syang sumuway, bakit di nya gawin ulit ? " tanong ni Valerie.

Napahinga ng malalim si Coleen.

"Sana nga ganun kadali yon. " sabi nya.

Hinawakan ni Valerie ang balikat ng dalaga.

"Wag kang masyadong mag worry para sa kuya mo. Kaya nya ang sarili nya. " payo nya.

Ngumiti ng malungkot si Coleen.

"Last time na nandito sya, may sinabi sya sa aking sorpresa. Sabi nya ibibigay daw nya yon sa birthday ko as a gift. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Mabait pala yung kuya mo eh. " sabi nya.

Tumango si Coleen.

"Yeah. Spoiled ako kay Kuya. Sya ang sumasalo kapag pinapagalitan ako ni Lola. Masaya ako at magkasama na kami ulit. Pero lately, parang nag iiba na si kuya. Nagiging masikreto na sya sa akin. " malungkot na pag amin nya.

"B-baka may sorpresa nga sya sayo. " pang aalo ni Valerie.

"Yes. Ganyan sya kapag may nilulutong kung ano. Pero nahihiya ako kasi wala man lang akong maibigay sa kanya. " sambit ni Coleen.

Natawa si Valerie.

"Yun lang ? Regaluhan mo na lang. " sabi nya.

"Ng ano ? " tanong ni Coleen.

Natigilan si Valerie.

"Uhm, gamit. Damit. Kahit ano. Choosy pa ba sya ? Sya na nga ang reregaluhan ? " biro nya.

Napangiti si Coleen at napayuko.

Agad na hinaplos ni Valerie ang likod ng dalaga.

"Wag ka ng malungkot, nandito naman ako eh. " pang aalo nya.

Unti unting nag angat ng tingin si Coleen.

Nakangisi.

Napaatras si Valerie.

"Hephep. Anong mukha yan ? Parang may balak kang masama para sa sambayanang Pilipino ah. " sumbat nya.

Lalong napangisi si Coleen.

"Sambayanang Pilipino agad ? Di ba pwedeng sa'yo muna ? " sagot nya.

Lalong napaatras si Valerie.

"Yan !, yan ang sinasabi ko. Magtigil ka Coleen !. " singhal nya.

Natawa si Coleen.

"Akala ko nandyan ka lagi para saken ? " tanong nya.

Napasimangot si Valerie.

"Parang nabigla lang ata ako. " sabi nya.

Nalungkot ang mukha ni Coleen.

"Y-you mean, di pala taos sa puso mo ang tulungan ako ? " tampong tanong nya.

Lalong nagsimangot si Valerie.

"Yan, ganyan nga. Gamitan mo ko ng paawa effect. Ano ba kasi yon ? " tanong nya.

Muling nanumbalik ang masayang aura ni Coleen.

"Basta. Saka ko na lang sasabihin sa'yo kapag confirmed ko na. " sabi nya.

"Why do I have this feeling na ako ang kawawa dyan ? " asar na tanong ni Valerie.

Bumungisngis lang si Coleen.

"Don't worry. Di ka mamamatay dito. " biro nya.

"Talaga lang ha. Pero wait lang, ano bang nangyari sa kuya mo ? Oh wag mo ng bigyan ng ibang meaning, curious lang ako. " sabi ni Valerie.

Napangiti si Coleen.

"Defensive. Anyway, ayun nga. Pinalitan kasi ni Mom yung perang nagamit ni Kuya. " imporma nya.

"So ? Good news yun ah. Bakit parang bothered ka ? " tanong ni Valerie.

"Sabi kasi ni Mom, chineck daw nya kung ilan pa yung kailangan para mag 5 million yung pera namin ni kuya. " pag amin ni Coleen.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"F-five million ? Hati kayo don ? " tanong nya.

Umiling si Coleen.

"Nope, tig five kami. " sagot nya.

Napahawak sa puso si Valerie.

Kinuha nya ang baso ng juice at mabilis na uminom.

"Pwede na pala kitang kidnapin. Yayaman ako sa'yo !. " biro nya.

Natawa si Coleen.

"Siraulo ka talaga. " sabi nya.

Napangiti si Valerie.

"Swerte nyo. Yung iba, nagpapakamatay para magkapera. Kayong magkapatid, pa easy easy lang. " tila inggit na sabi nya.

Tila nahiya si Coleen.

"G-ganun ba ? " sabi nya.

"Uy wala akong ibig sabihin dun ah. Ang akin lang, sana wag nyong sayangin yung mga resources na meron kayo. " tarantang bawi ni Valerie.

Ngumiti si Coleen.

"Don't worry. I'll put that in mind. Balak ko ngang magtayo ng business. Pero saka na yon. Si Kuya muna ang isipin natin. " sabi nya.

"Ano ba kasing nangyari sa kuya mo ? " tanong ni Valerie.

"Di ko talaga alam. Pero sabi ni Mom tinawagan nga daw nya yung bank. Dun nya nalaman na lately daw, kumuha ulit ng pera si kuya. " kwento ni Coleen.

Natigilan si Valerie.

"B-baka kailangan nya ng pang gastos. " pagtatanggol nya sa binata.

Napailing si Coleen.

"May allowance si Kuya. Kayang gastusan non kahit araw araw kayong magdate. " biro nya.

Nabigla na naman si Valerie sabay simangot.

"Chismis yan ah. " inis na sabi nya.

Napabungisngis si Coleen.

"Denial pa kasi. " bulong nya.

"Ano yon ? " nakasimangot na tanong ni Valerie.

Natawa si Coleen.

"Wala po.

Di na lang pinansin ni Valerie ang sinabi ng dalaga at pilit na inisip ang maaaring pagkagastusan ng binata.

"Dyusko. Ewan ko sa inyong magkapatid. Ano naman kaya ang gagawin ng kuya mo sa perang kinuha nya ?" tanong nya.

Nagkibit balikat si Coleen.

"I don't know. Pero medyo malaki ang kinuha nya ngayon. " sabi ng dalaga.

"Magkano ? " tanong ni Valerie.

"1 million. " sagot ni Coleen.

Napanganga na lang si Valerie sa gulat.

Hinawakan nya ang baso ng juice pero wala na itong laman.

"Ateee Lisaaaa. T-tubig. T-tubigggg.. " sigaw ng dalaga.