Unang Pahina

Lumipas ang isang linggo mula ng mag umpisa ang klase.

Hindi pa rin pumapasok si Caleb na talagang ikipagtataka ni Valerie.

Ilang beses na rin nyang tinanong ang sarili kung bakit pa ba nya hinahanap ang binata.

Ngunit sa twing ginagawa nya ito ay wala syang maisagot.

Di nya maintindihan ang sarili.

Pero parang may kung ano sa binata na nais nyang malaman.

Marahil ay ang dahilan ng pag absent nito.

..

Lunes ng umaga.

Tulad ng ibang mga araw, sabay na pumasok sina Cheska at Valerie.

Naglalakad lamang sila mula bahay patungo sa eskwela.

Kung tutuusin ay medyo malayo ang distansyang ito ngunit pareho silang nanghihinayang sa pamasahe gayong maaari naman nilang lakarin.

Minsan ay may mga nakikita silang kaklase o schoolmate na nakasakay sa jeep at tinatawag sila.

Aminado silang nakakaramdam sila ng kaunting hiya at awa sa sarili pero ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila naging matalik na magkaibigan.

..

Tulad ng umagang iyon.

Habang naglalakad ay nag kukwentuhan ang dalawa para maibsan ang init at pagod na nararamdaman.

"Val, nagawa mo ba yung assignment natin sa Math ? " tanong ni Cheska.

Tumango si Valerie.

Nilabas nya ang panyo at dinampian ang leeg.

Pinagpapawisan na sya dahil sa tama ng sikat ng araw.

"Oo naman, alam mo namang masungit si Sir eh. Yari ako kapag di ko ginawa yon. " sabi nya.

Napaismid si Cheska.

"Bading naman yun si Sir, kunwari pa. " sabi nito.

Natawa si Valerie.

"Haha, bitter ka lang kasi di ka nya pinapansin. " biro niya.

Lalong sumimangot si Cheska.

"At bakit naman nya ako papansinin ? Nagpapapansin ba ako sa kanya ? " tanong nito.

Lumawak ang ngiti ni Valerie.

"Bakit ? Hindi mo sya type ? " tanong nya.

Natahimik si Cheska.

Nilabas ang sariling panyo at pinunasan ang sariling noo.

"Ano yon ? " tanong nya.

Lalong natawa si Valerie.

"Kunwari di mo narinig ? " biro nya.

Inabot ni Cheska ang tadyang ng kaibigan ay binigyan ng pinong kurot.

Tumatawang umiwas naman ang dalaga dahilan para may mabangga syang katawan.

Mabilis na lumayo si Valerie at humingi ng paumanhin.

Pero napanganga sya ng salubungin ng isang pares ng mga mata na akala nya ay hindi na nya masisilayan pa.

"I-ikaw ? " bulalas ni Valerie.

Napangiti ang binata.

"Yes ako nga. Gulat ka ? " tanong nito.

Natulala si Valerie ng sa unang pagkakataon ay nakita nyang ngumiti ang lalaki.

Kitang kita nya ang pantay pantay at puting ngipin nito.

Binuka nya ang bibig para kahit papaano ay isalba ang pagkatulala sa harap ng binata ngunit tila tinraydor sya ng sariling boses at walang namutawing salita sa kanyang mga labi.

"Well, good morning nga pala. " nakangiting bati ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Cheska at binalingan ang kaibigan.

"Sino yan sis ? Ex mo ? " tanong nya.

Natawa ang binata.

"Di no, kami pa rin hanggang ngayon. " sambit nito.

Nanlaki ang mga mata ni Cheska at hinarap ang bestfriend nya.

"Hoy !, bakit di mo sinasabi sakin na may dyowa ka na ? " sumbat nya.

Tulalang napatingin si Valerie sa kaibigan.

Tila di alam kung anong lenggwahe ang lumalabas sa bibig nito.

Hanggang sa maramdaman nya ang pinong kurot ni Cheska sa braso.

Napangiwi si Valerie dahilan para muling manumbalik ang sariling katinuan.

"A-aray !. " angal nya.

"Anong aray ? Bakit di mo sinabi sakin na may boyfriend ka na ? " reklamo ni Cheska.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Huh ? Boyfriend ? Sino ? Saan ? Kelan ? Paano ? " sunod sunod na tanong nya.

Nginuso ni Cheska ang binatang nasa harap nila.

Sinundan ni Valerie ang tinuturo ng mahabang nguso ng kaibigan at muli syang napanganga ng makita ang binata.

"C-caleb ? " gulat na tanong nya.

Natawa ang binata.

"Yes, one and only. Miss me ? " biro nito.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Nawala na ang pagkatulala at agad na napalitan ng pagkairita.

"Hoy !, ang kapal naman ng mukha mo. At bakit kita mamimiss ? Sino ka ba ? " taray nya.

Lalong ngumiti ang lalaki.

Lumabas ang nag iisang dimple nito sa pisngi na nakapagpatulala na naman kay Valerie.

"Balita ko 1 week mo na daw akong hinahanap ah ? " tanong ni Caleb.

Napanganga si Valerie at mabilis na nalukot ang mukha.

"Sinong nagsabi non ? Pakidala mo nga dito at ng masintensyahan ko ng bitay. " singhal nya.

Napaatras si Caleb at pabirong pinunasan ang pisngi.

"Talsik mo lumalaway. Ang hilig mo talaga akong bigyan ng laway mo." natatawang biro nya.

Maging si Cheska ay natawa pero napangiwi sya ng kurutin ng kaibigan sa braso.

"Tara na nga !, malalate na tayo. Sayang ang ginising natin ng maaga para malate lang dahil sa isang unggoy na nakita natin sa daan. " sigaw ni Valerie sabay hatak sa kaibigan at naglakad na patungo sa gate ng campus.

Natatawang napatingin na lang si Caleb sa papalayong dalaga.

"Di nga talaga ako nagsising pumasok ngayon. You really amuse me Ms. Laway. " bulong nya at sumunod na sa dalawa.

..

Tumunog na ang bell.

First subject ngunit wala na dito ang atensyon ni Valerie kundi sa nilalang na nasa likod nya.

Di nya maintindihan ang pakiramdam pero parang may nakatutok na baril sa kanyang likuran.

Parang pinagtatawanan o inaasar sya ni Caleb.

Dinala nya ang pakiramdam na ito hanggang sa sandaling pumasok ang una nilang guro para sa araw na iyon.

Lumipas ang ilang oras, dalawang subject na ang nakalipas bago pumasok si Mrs. Senining, ang kanilang class adviser.

May hawak itong folder at agad na pumwesto harap.

"Good morning class. " bati ng guro.

Agad na tumayo ang mga estudyante at bumati ng magandang umaga sa teacher.

"Okay class, lumabas kayong lahat. " seryong sabi nito.

Nagulat ang mga estudyante.

Pero tumawa lang ang guro.

"Oh wag kayong matakot, di ako galit. Mag kakaroon tayo ng seating arrangement. " natatawang sabi nito.

Tumawa din ang iba at isa isa na nilang binitbit ang mga gamit pagkatapos ay lumabas ng silid.

Dahil dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Valerie na sulyapan ng pasimple si Caleb.

Tahimik na binitbit ng binata ang backpack nito ay isa sa mga naunang lumabas ng kwarto.

..

Napaismid si Valerie.

Di nya maintindihan ang sarili.

Ilang araw din nyang inantabayanan ang pagpasok ng binata pero ngayong nandito na ay parang sinisilihan naman ang pwet nya sa inis dito.

Lumapit sa kanya ang bestfriend.

"Loka, pupusta ako magkatabi na naman tayo. " nakangiting sabi ni Cheska.

Napangiti din si Valerie.

Ito ang lagi nilang senaryong magkaibigan.

Dahil sa halos magkasunod nilang apelyido, lagi silang magkatabi.

Ilang saglit lang matapos ihilera ng maayos ang mga upuan, isa isa ng tinawag ng guro ang mga estudyante.

"Cheska Calderon, dito ka iha. " turo ng guro.

Napangiti si Valerie dahil nakita nya ang susunod na upuan, malapit ito sa bintana kaya nakasisiguro syang presko ang atmospera.

Binitbit nya na ang ilang gamit ay hinanda ang sarili dahil siguradong sya na ang susunod na tatawagin.

Kaya ng makita nyang nakaupo na si Cheska sa silya nito ay lumapit na sya sa guro.

"Valerie Cayabyab, dun ka iha sa tabi ni Cheska. " turo ni Mrs. Senining.

Lumawak ang ngiti sa mukha ni Valerie at pumasok sa loob.

Nag apir sila ng kaibigan at binagsak na nya ang gamit sa silya.

Huminga sya ng malalim at nilanghap ang sariwang hanging pumapasok sa bintana.

Pero bigla syang natigilan ng marinig ang pangalan ng estudyanteng sumunod sa kanya.

"Caleb Concepcion, dun ka sa likod ni Valerie. " sabi ng guro.

Marahas na napalingon si Valerie at nagtama ang paningin nila ng binata.

Unti unting sumilay ang ngisi sa mukha nito habang lumalapit sa kanya.

"Nagtagpo na naman tayo Ms. Laway. " sambit ni Caleb.

Napanganga si Valerie pero mabilis nyang tinakpan ang bibig.

"Kapag minamalas ka nga naman. " malakas na sabi nya.

Bumungisngis si Cheska pero pinandilatan lang sya ng kaibigan.

Hanggang sa isa isa ng pumasok ang mga kaklase nila.

Inabangan ni Valeri ang crush nyang si Yohan at nanlumo sya ng makitang nasa kabilang dulo ito.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga.

"Ang layo ni Yohan sis. " bulong ni Cheska.

Tumango si Valerie.

"Kita ko nga, lagi namang ganyan. Every year na lang. Pero mukhang mas pangit ngayong taon. " maasim na bulong nya.

Nagtaka si Cheska pero bigla syang nahagikgik ng makitang tapunan ng matalim na tingin ng kaibigan ang binata sa likod nito.

..

Recess.

Hindi na kailangan pang lumabas nina Valerie at Cheska dahil may baon silang kanin at ulam.

Grade six pa lamang sila ay lagi na silang magkatabi kaya nagkasundo silang sabay ng magbaon para tipid.

Habang kumakain ay napatingin si Cheska sa likod at nakita nyang tahimik na nakatingin lamang si Caleb sa bintana.

Kinalabit ni Cheska ang kaibigan at napatingin ito sa kanya.

"Oh bakit ? " tanong ni Valerie sa pagitan ng pagnguya.

Pasimpleng nginuso ni Cheska ang binata.

Napatingin naman si Valerie at lalong kumunot ang noo.

"Oh anong meron ? " tanong nya.

"Di sya kakain ? " tanong ni Cheska.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Aba malay ko. Di naman ako ang nanay nyan. " asar na sabi nya.

Natawa ng mahina si Cheska.

"Kawawa naman. Baka walang baon ? " tanong nya.

Binaba ni Valerie ang hawak na kutsara at tinidor sabay abot ng baong tubig sa paanan.

Saglit syang uminom at muli itong tinakpan bago seryoso ang mukhang nilingon si Caleb sa likod.

"Hoy, bakit di ka kumakain ? " mataray na tanong nya.

Napatingin ang binata at ngumiti ng matamis.

"Diet. " maiksing sagot nito.

Natawa si Cheska pero hindi si Valerie.

"Wag ka ng maarte, wala kang baon ? Eto hati na lang tayo. " sabi nya.

Napatitig si Caleb sa mga mata ng dalaga.

Naaasiwang umiwas naman ng tingin si Valerie.

Ngumiti si Caleb.

"Anong ulam mo ? " tanong nya.

Pinakita ni Valerie ang baon.

"Hotdog lang eh. " sabi nya.

Ngumisi si Caleb.

"Mahilig ka pala sa hotdog. " biro nya.

Nasamid si Cheska habang kumakain kaya mabilis nyang kinuha ang baong tubig.

Sumimangot si Valerie at tumalikod.

"Kung ayaw mo, wag mo !. Mamatay ka sana sa gutom. " singhal nya.

Natawa si Cheska pero natigil sya ng kurutin ng kaibigan.

Si Caleb naman ay tumayo at walang sabi sabing kinuha ang kutsara ni Valerie.

Pagkatapos ay sumandok ng kanin mula sa baunan ng dalaga.

Di pa nakuntento ay kinuha din nya ang tinidor ni Valerie at tinusok ang isang hotdog pagkatapos ay kumagat.

Matapos nito ay kinuha ni Caleb ang tubig ng dalaga at walang sabi sabing uminom.

"Sarap ah. Salamat. " nakangiting sabi ng binata habang ngumunguya.

Natulala na lamang sina Cheska at Valerie.

Napatingin sa kutsara at tinidor na ginamit ng binata.

"S-sis. " gulat na bulong ni Cheska.

Napasimangot si Valerie.

Akmang tatalakan nya ang binata pero nagulat sya ng wala na ito sa likod.

"Oh nasan na yon ? " tanong nya.

Napatingin sila sa pinto at nakita nila si Caleb na papalabas ng classroom dala ang backpack nito.

Napatitig na lamang si Valerie sa kutsara at tinidor na ginamit ni Caleb.

Nagtatalo ang isip ng dalaga kung gagamitin pa ba nya ito.

Napatingin sya sa kaibigan.

"Oh ubusin mo na yang pagkain mo. " sita ni Cheska.

Natigilan si Valerie.

Di nya maisaboses ang nasa isip dahil baka tuksuhin lamang sya ng kaibigan.

Napahinga na lamang sya ng malalim at hinawakan ang kutsara't tinidor bago pinagpatuloy ang pagkain.

Pikit matang ginamit ang mga ginamit din ng binata hanggang sa maubos na ang baon.

Habang umiinom ay di na pinigilan ni Cheska ang sarili.

"Para kayong magsyota sis. " biro nya.

Nasamid si Valerie at tinapunan ng matalim na tingin ang kaibigan.

"Wala lang akong magamit, alangang magkamay ako ? " taray nya.

Pero lalong bumungisngis si Cheska.

"Easy, puso mo. Parang first kiss nyo no ? " tukso nito.

Inis na binaba ni Valerie ang tubig at niligpit na ang pinagkainan.

Pilit winawaksi sa isip ang biro ng kaibigan.

..

Lumipas ang ilang oras.

Hindi na bumalik si Caleb mula ng umalis ito kanina.

Natapos na't lahat ang klase ay wala pa rin ang binata.

Pauwi na ang magkaibgan ng hindi mapigilan ni Cheska ang sarili.

"Di na sya bumalik no ? " tanong nya.

Umismid si Valerie.

"Eh ano ? Marami ng utang sakin yung lalaking yon " sambit nya.

Natawa si Cheska.

"Pero sis, aminin mo. Ang gwapo nya. Kanina nga natulala ako. Kala ko artista, susme kaklase pala natin !. " tili nito.

Lalong sumimangot si Valerie.

"Gwapo ? Yon ? eh mukhang unggoy kapag ngumingiti ? Di malayong magbigti. " sambit nya.

Nagtawanan silang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit ang isip ni Valerie at muli na namang sinakop ng binata.

"Umabsent na naman sya. " naiiling nyang bulong.