Dead of Time Shattered Death Prologue - life value zero!

"huminahon ang lahat walang mang yayari kung paiiralin nyo ang init ng ulo mas lalo kayong hindi makakaligtas" sigaw ng isang lalaki sa mga taong nag kakagulo ng dahil sa isang malaking epedimic na tumama sa bansa kung saan sila naroroon.

"sir may mga papalapit na zombies kung nasan tayo ngayon" sigaw ng isang lalaki sa tumatayong kumander ng grupo nilang umaawat sa mga taong gusto ng tulong.

pinapuwesto ng lalaki ang ibang hawak nyang sundalo sa harap at ang utos nya ay shoot to kill ang mga zombies.

ng makita na ang mga zombies ay bumaril ang mga sundalong na ka puwesto sa harap pero wala etong nagawa dahil ng makita sila ng mga zombies ay mabilis etong tumakbo palapit sa kanila.

inabot ng mga zombies ang mga sundalo at ng makita eto ng mga taong humihinge ng tulong ay dali dali tumakbo ang mga taong humihinge ng tulong palayo para mabuhay.

pero huli na ang lahat maraming namatay at kung hindi man namatay ay nakagat ng zombies na ngayon ay marunong ng tumakbo.

"bilisan mo maabutan na nila tayo" sigaw ng lalaki sa kasama nyang babae dahil hinahabol sila ng apat na zombies.

kung mabilis ang pag takbo nila ay tinatapat din ng zombies ng bilis sa pag takbo ang dalawa kaya naman hindi nila eto matakasan ng tuluyan.

"hindi kuna kayang tumakbo" umiiyak na sigaw ng babae sa lalaki dahil malapit na silang maabutan ng apat na zombies sa pag takbo.

patuloy ang pag takbo ng dalawa ng biglang may lumabas na isang tao na nakasuot ng isang mahabang jacket na may hood.

sa pag labas ng taong nakahood ay ang pag bagsak ng apat na zombies sa sahig putol ang ulo ng apat na zombies.

patuloy parin sa pag takbo ang dalawang hinahabol ng zombies hindi alam na patay na ang apat na humahabol sa kanila.

napahinto ang dalawa ng makita ang humahabol sa kanila ay wala na sa likod kaya naman pumasok ang dalawa sa loob ng isang shop para mag pahinga.

binuksan ng lalaki ang ilaw ng makapasok sila sa loob ng shop at isang lalaki ang nakita nilang naka upo sa tapat ng mesa.

"sino kayo anong ginagawa nyo dito" tanong ng nakaupong lalaki sa dalawang pumasok.

"pumasok lang kami para makaligtas sa mga zombies na humahabol samin" sagot ng babae sa lalaking nag tanong.

"tinatanong ko kung anong pangalan nyo" sagot ng lalaki sa dalawang kakapasok lang sa shop kung saan sya naroon.

hindi sumagot ang dalawa sa tanong ng lalaking nakaupo at lumakad eto pa punta sa harapan ng lalaki.

masa ang tingin ng lalaki sa dalawa dahil sa hindi pag sagot ng dalawa sa tanong nya kaya tumayo ang lalaki at umatras ng kaunti.

lalapit sana ang lalaki sa dalawa upang kausapin eto ng masinsinan ng mapansin ng lalaki ang aninag nga tao sa likod ng dalawa.

salamin na nag sisilbing bintana ng shop kaya kita mo ang loob ng shop mula sa labas.

nabasag ang salamin na nasa likod ng dalawa at nadamba ng mga zombies ang lalaki pero ang kasama nito ay mabilis na nahatak ng lalaking nasa loob ng shop.

hinatak ng lalaki ang babae at mabilis silang lumabas ng shop para tumakbo palayo sa shop.

mabilis ang naging pag takbo ng dalawa at iniwanan ang lalaking kinakain ng mga zombies na naka pasok sa shop.

umiiyak ang babae dahil sa nakitang pag kamatay ng kasintahan at sya ay buhay gustong balikan ng babae ang kasintahan at samahan eto sa kamatayan pero ayaw syang bitawan ng lalaking nakita nila sa loob ng shop.

matapos ang pang yayaring yun ay mabilis lumipas ang anim na buwan at sa loob ng maikling panahon na yun ay mabilis nabawasan ang bilang ng tao sa malaking bansang kilala bilang pinaka malakas na bansa sa mundo.

"Eto ay isang panawagan kung meron mang buhay pa sa lugar na eto hinihiling kung sumagot kayo andito ako para tumulong sa inyo please sumagot kayo" panawagan ni erich mula sa kanyang sasakyan gamit ang two way radio.

ilang minutong nag antay si erich kung meron mang sasagot sa kanyang panawagan pero mukang bigo si erich sa inaasahang sagot na makukuha.

kaya muli nanamang pinaandar ni erich ang kotse pero patuloy parin ang panawagan nya para kung sakaling may sumagot ay madali syang makahinto.

pero bigo parin si erich dahil nakalabas na sya ng lugar na pinasok nya ay wala paring ang sagot na inaasahan nya mula sa kung sino pa ang buhay sa lugar kung nasaan sya ngayon.

paalis na si erich ng may makita syang dalawang tao na tumatakbo pa punta sa kanyang sasakyan.

isang lalaki at isang babae may hawak na baseball bat ang lalaki at ang babae ay bakal na tubo.

sa likod ng dalawa ay may anim na zombies na mabilis ang ginagawang pag habol sa dalawang tumatakbo para mabuhay.

bumaba si erich dala ang dalawang kutsilyo at ang katanang dala dala na ni erich sa pag punta sa bansang eto.

ng makababa at ng matantsa ni erich ang distansya ng anim na zombies ay binato ni erich ang dalawang kutsilyo na tumama sa ulo ng dalawang zombies na pumatay dito.

matapos bumaksak ang dalawang zombies ay tumakbo si erich palapit sa dalawang tumatakbo at nilagpasan ni erich ang dalawa.

nag taka ang dalawa kaya napahinto sila sa pag takbo at tinignan ang tumulong sa kanila dito nila nakita ang pag tapos ng babaing tumulong sa kanila sa apat na zombies na parang walang hirap.

gaya ng naka ugalian ng nakaraan ay pinunasan ni erich ang katanang ginamit sa pag patay sa apat na zombies at pinulot ang dalawang kutsilyo na binato sa dalawang zombies.

lumakad palapit si erich sa dalawang taong tinulungan nya at tinignan kung meron etong kagat sa kahit anong parte ng katawan nito.

ng makitang walang kagat ang dalawang taong tinulungang nya ay ngumiti si erich at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"sumakay na kayong dalawa at aalis na tayo" utos ni erich sa dalawang taong tinulungan nya na agad namang sumunod sa kanyang utos.

ng makasakay na ang dalawa ay mabilis pinaandar ni erich ang sasakyan para makaalis na sila sa lugar kung nasaan sila ngayon dahil sa nakita ni erich na may mga zombies na tumatakbo pa punta sa sasakyan nila.

mabilis ang naging pag takbo ng sasakyan kaya mabilis silang nakalayo sa lugar kung saan natagpuan ni erich ang dalawang bagong makakasama.

itutuloy...