Ako si Robert, Bobby ang tawag ng mga malalapit sa akin. 41 years old, married at may dalawang anak. Engineer by profession pero isa ding negosyante. Sa aking buhay may asawa, inaamin ko na may mga extra curricular sex activites ako pero dumadalang na sa ngayon. Napili kong ibahagi ang kuwento na ito dahil akala ko ay sa imahinasyon ko na lang mangyayari ang experience na ito. Pinalitan ko ang mga pangalan, lugar at ibang kaganapan for the protection of the persons involved sa kuwento na ito. 

Ang kuwento ko ay ang latest na sexcapade ko. Ito ay ang namagitan sa amin ng aking ex-secretary na si Tina. Si Tina ay secretary ko noong nagtratrabaho pa ako sa isa sa mga tanyag na construction company sa pinas. Si Tina ay 30 years old na ngayon, may asawa at dalawang anak. Inaanak ko pa sa binyag ang panganay na anak. Morena at flawless ang kutis ni Tina at mala Dina Zubiri ang beauty at kaseksihan pwera lang sa boobs na katamtaman lang ang laki nito. Sabi naman ng ibang kalalakihan sa opisina namin dati ay mas hawig siya sa starlet na si Danna Garcel. Maski nagkaanak na si Tina ay sexy pa din, hindi naman nalayo sa pangangatawan nya noong dalaga pa sya, mag iinit ka pa din kapag pinagmasdan mo sya.

Ng magkasama pa kami sa dati ko na kumpanya na yun ay may tinatago na akong pagnanasa sa kanya maski noong dalaga pa sya. Pero meron akong kaugalian na hindi gagawa ng kalokohan sa pinag tratrabahuan upang makaiwas sa tsismis at gulo. Mabait ako na boss kaya kinagigiliwan ako hindi lang ni Tina kundi sa buong departamento ko.  

Ng nakapag asawa si Tina ay napansin ko na nagbago ang style ng pananamit nya. Wala kasing office uniform sa kumpanya namin pero mahigpit na office attire dapat ang isuot. Binabati ko siya lagi na … 

“Wow ang sexy naman ng secretary ko” … 

“Bagay ba Sir” … 

“Oo naman akala ko kung sinong dalaga biro ko sa kanya” …  

“Syempre Sir, nag aayos alam nyo na baka kung saan saan tumingin si mister ko.”

Minsan binibiro ko pag halatang puyat … “Hmmm mukhang nakarami kayo kagabi ha” …

“Hindi nga nakarami eh, galing kasi sa inuman si mister kaya one round lang, napuyat ako dahil ginabi sa kahihintay sa kanya  … at nakatawang sinabi … “si Sir malisyoso”. 

Malambing din si Tina pero may konting pagka flirty kapag kabiruan ay mga lalaki sa opisina. Gaya ng sabi ko mabait akong boss, kaya palagay si Tina sa akin. May ugali syang natutulog sa sofa sa loob ng opisina ko kung lunch break dahil alam nya ang mga schedule ng mga meeting ko o kapag naka lunch out ako. 

Pero may ilang pagkakataon na napapabalik ako sa opisina ng lunch break. Inaabutan ko syang tulog na tulog at may pagkakataon na nalilis ang nakakumot na blazer nya at litaw na litaw ang makinis nyang hita at halos masilip ko na ang panty nya. Syempre parang ulam na nakahain ay talaga namang napapatitig ako ng matagal.

Minsan naman ay natutulog siya ng nakatagilid ang pagkaayos kaya kita ang kurbada ng katawan at hubog ng maumbok at bilugan nyang puwet. Ang puwet nya ang pinakapaborito na binabanggit ng mga kalalakihan sa opisina kapag nagkaka kuwentuhan sa inuman. Maski puno na ako ng libog at pagnanasa kay Tina ay nasa isip ko pa din ang pangako sa sarili na hindi tatalo ng kasama sa opisina at kumare ko din si Tina.

Apat na taon na yun mula ng lumipat ako ng kumpanya. Si Tina ay nandoon pa din sa kumpanya na yun pero hindi na kami nagkita dahil magkalayo din kami ng lugar sa Maynila, north ako at south sila. Ang komunikasyon lang namin ay tuwing mga pagbati sa telepono kung may okasyon, sa email at mga padala ng regalo sa inaanak ko. 

Hanggang isang araw, katatapos lang ng isang conference na dinaluhan ko sa isang hotel sa Davao. Habang may kausap at tinatapos ako na proposal sa isang negosyante malapit sa check in counter, napatingin ako sa isang babaeng nakatalikod dahil sa maumbok at bilugan niyang pwet. Mabilis ang aking mata sa mga ganoong bagay, hehehe. 

Hanggang hindi ko mainitndihan ang sinasabi ng kausap ko dahil narinig kong nakikiusap ang babae baka may bakante pa na kuwarto sa hotel na yun. Nahati tuloy ang aking atensyon sa aking mga kasama at sa babaeng may maumbok at bilugan na puwet. Pero mas nakikinig ako sa kasalukuyang kalagayan at suliranin ng sexy na babaeng nakatalikod sa akin. 

May lumapit at bumati sa kausap ko kaya nalingant ang atensyon nito mula sa akin. Lumingon pa kanan ang ulo ng babae at nakita ko ang mukha. Si Tina pala, ang aking dating sekretarya. Nangiti na lang ako sa aking sarili dahil talagang ang puwet nya ay takaw pansin dati pa. Eksakto naman na nagpaalam na ang aking kausap, nagkamay kami at naghiwalay. Nakita ko si Tina na papunta sa mga upuan sa lobby at mukhang hindi mapalagay. 

Lumakad ako patungo ko sa kinauupuan nya. Lalo naging sexy dahil nag slim ng konti mula noong huli ko siyang nakita, at parang mas bata pa syang tignan sa edad nyang trenta. 

“Tina, what a surprise at dito pa kita makikita.”

“ Ay, sir Bobby kayo pala.” (hindi ko nakasanayan na tawagin syang kumare at ganun din sya na Sir pa din ang tawag sa akin). 

“O kumusta na, at huwag mo na akong tawagin sir dahil hindi na tayo mag officemate, magkumare at kumpare nga tayo ang ngiti ko sa kanya.”

“Eh, sir pa din kita forever dahil ikaw na siguro ang pinaka favorite kong boss.”

“Hahaha baka magselos si Rod nyan.” (Si Rod ang pumalit sa akin ng mag resign ako.) 

“Eh Sir, may problema ako, natrapik ako kaninang madaling araw dahil may aksidente kaya hindi ako nakasakay sa pang umaga na flight, ngayong hapon na ako nakasakay. Naibigay na sa iba yung kuwarto na pina reserve ng office.”

“Basta kasi ganitong peak season dapat bayaran kasi agad ng opisina maski pa suki na tayo sa hotel na ito.”

“Oo nga sir, eh hindi alam sa office na may international conference, sports event at nag kasabay sabay ang seminars.” 

Mabilis gumana ang isip ko basta nga naman kalibugan ang naramdaman. “Tina, kung okay lang sa iyo at hindi mo mamasamain ay pwede ka sa tinutuluyan ko, dito rin sa hotel na ito, dalawa ang kuwarto.”

Nag isip muna siya sandali ... “O sige Sir Thank you kaysa maghintay ako sa wala at pagod na din ako. Bukas din ay hahanap ako ng matutuluyan ko.” 

“Hanggang kailan ka ba dito, sabi ko.”

“Two days lang seminar ko at kinabukasan pa ng Thursday ng hapon flight ko pabalik ng Manila sir.”

“O, walang problema kung hindi ka maiilang ay puwede ka ng mg stay at huwag na lumipat bukas dahil hanggang Friday pa ako dito. Yung kasama ko kasi na businessman ay kanina pa lumipad pa Maynila at hindi din ako makalipat ng single bed na room dahil fully booked nga.”

“Good boy ka naman sir di ba at matitipid ko yung hotel allowance ko.”

“Hahahah” ang tawa ko, “sige tayo na kung okay pala sa iyo.”

Nag elevator na kami, tuloy ang usapan at kumustahan hanggang sa narating namin ni Tina ang unit ko at kami ay pumasok. 

“Dito ka na sa kuwarto ko at mas malaki.”

“Naku sir, nakakahiya doon na lang ako sa kabilang kuwarto, okay lang maski maliit.”

“Hindi, para di ka mailang at may sarili ding banyo ang kuwarto.”

“Nakakahiya man pero kung mapilit kayo eh.”

Ganun na nga nangyari, linipat ko ang aking mga gamit at si Tina ang gumamit ng kuwarto ko. Ng nakahiga ako ay di ako makatulog, nag iinit ang pakiramdam ko dahil lalong naging katakam takam si Tina. Binibigyan ko pa ng dahilan na hindi ko na sya kaopisina, pwede ko ng patulan kung sakali maski kumare ko pa sya. Medyo napuyat tuloy ako sa kaiisip kung paano ko makaka score kay Tina, nag aalangan kasi ako at baka bitin madiskartehan sa dalawang araw. 

Kinabukasan ng hapon habang patapos na ang aking conference ay tinawagan ko si Tina. “Kumusta Tina?” ... “Okay naman Sir, nandito na ako sa kuwarto mo, gusto ko sanang magluto e wala naman lulutuin sa ref mo.” ... “Hahaha, hindi ako nagluluto kasi, magbihis ka at sa labas tayo mag dinner.” ... “Aba, mas type yun Sir.”

Walking distance lang ang lugar ng conference ko kaya nakarating din ako agad sa hotel. Nakapasok ako ng unit at kumatok ako sa kuwarto nya, ng walang sumagot ay binuksan ko ang pinto. Narinig ko na lumalagaslas ang tubig ng shower sa banyo, naliligo si Tina. Minabuti ko din na lumabas ng kuwarto at maghanda. 

Naligo na rin ako sa banyo malapit sa kitchen at ng makatapos ay lumabas. Medyo nagkagulatan kami ni Tina kasi nasa labas na sya ng kuwarto. Napatingin sya sa akin dahil nakatapis lang ako. Ako din naman ay napatanga sandali sa kaseksihan nya, tight fit na maong suot nya pero napatuon ako sa nakabakat na camel toe.

Nagbiro na lang ako … “o kita mo kung ikaw ang nasa kabilang kuwarto ikaw sana ang nakitang nakatapis ngayon.” 

“Ay sus si Sir naman, okay lang naman kung makitaan akong nakatapis, hindi naman hubad yun di ba.” 

Napangiti na lang ako kay Tina.

TBC ....