Iginuhit Na Tadhana

Ang istoryang ito ay halaw sa malikot na pag-iisip ni pulandit. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ng mga pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya at ginamit para bigyang kulay lamang ang istorya.

Mga Tauhan

Alyssa – mahilig sa antiques na kasintahan ni Jc.
Jc – isang engineer, kasintahan ni Alyssa.
Trinidad – babaeng nakakulong sa kakaibang mundo sa loob ng larawan.
Juan – kasintahan ni Trinidad gumuhit ng larawan.
Senior Pancho – kumuha kay Trinidad upang maging asawa.
Macario – kaibigan ni Juan.
Paez – katiwala ni Don Pancho.
Aurora – tagapag alaga ni Trinidad.
John at Jake – barkada ni Jc.
Hindi Kilala – ama ni Trinidad.
Hindi Kilala – ina ni Juan

Mga Talasalitaan

Pinalis – inalis
Nakahuma – nakaimik
Pakli – sagot
Padaskol – padabog
Papiksi – mabilis na kumilos
Tigib – puno, apaw
Piho – sigurado
Talastas – alam
Di malirip – di maisip
Hintin – hintayin
Yumao – umalis
Ipininid – isinara
Sinaklot – napuno ng takot
Nanaghili – inggit, selos
Anluwage – karpintero
Talusaling – sensitibo
Maparool – mapahamak
Subyang – sugat
Naghihinawa – nagsasawa
Pinapagulap – nawala ang kislap ng mata
Salagimsim – naiisip na masamang mangyayari
Kaipala – kaya pala
Pita – hiling
Napapatda – napatulala
Alipala – kaagad
Salanggapang – pangahas
Naglimayon – namalagi
Pagtatalusira – pagtataksil
Hilahil – balisa
Dadatal – sasapitin ang hangganan
Sasago – sasabog
Pag gibik – pag hingi ng tulong

Tanghaling tapat kasabay ng walang hanggang init ng panahon ang init din ng katawan ni Jc. Panay ang yugyog ng king size bed niya sa loob ng kanyang condo.

“Ohhh! Sigeh pa hon!”seksing ungol ni Alyssa.

“Ohhh! Sarap mo hon! I can’t hold it.”anas ni Jc.

“No! Hon! You have to hold it. Malapit na ako. Ohh! Huwag mo uli akong bitinin. Ahhh!”habol hiningang wika ni Alyssa habang hawak hawak sa dalawang pisngi ng puwetan si Jc.

“Oohhhhh! Im cumming hon!!”

“No! Jc! Ahhh! Hold it! Just a little more! Please!”

“Ahahhhhh!! Umhppp!!”sambit ni Jc sabay hugot ng kanyang ari at pagsirit ng kanyang tamod sa puson ni Alyssa.

Ramdam ng babae ang pagsambulat ng mainit init na likido ni Jc sa kanyang puson. Muli na naman siyang hindi napatapos ng binata.

“Shit ka talaga Jc!”sabay tulak sa binata sa ibabaw niya sunod ang pagtagilid patalikod sa nobyo.

Yumakap sa tagiliran ni Alyssa si Jc. Ang kamay ay nasa bandang tiyan ng babae. Ang umagos na tamod ay hindi na alintana dahil sa inis. Pinalis naman ng dalaga ang kamay ng kasintahan at walang imik na nagbabadya sa mukha ang pagluha ngunit pigil.

“I-im sorry hon.”pang aalo ni Jc sa kasintahan.

Tumayo si Alyssa at hinagilap ang bra at isinuot. Padabog na kumuha din ng tissue sa patungan ng lampshade at pinunas sa puson. Pagkatapos masaid ang mainit na tamod ay padabog ding itinapon sa sahig ang tissue.

“Hindi ko na matagalan ang pagiging self-centered mo Jc.”galit na tugon ni Alyssa na ang kilay ay halos mag dugtong na.

Hindi agad nakahuma si Jc at nagbangon sa kama, napa upo sa bingit. Walang mahagilap ang kanyang isipan na muling irarason sa paulit ulit niyang pambibitin sa kasintahan. Hindi nagtagal ay muling nagsalita si Alyssa.

“Parang kapares na lang din ako ng mga parausan mong babae. There’s no love, pure lust. It’s not a love making anymore. Sarili mo lang ang iniisip mo.”yamot na sabi habang nag susuot ng panty.

“Im sorry hon. Hindi na mauulit. Promise.”wika niya sa kasintahan.

“Promise!? Na naman? Ayoko na Jc. Sawang sawa na akong umasa sa mga pangako mo.”palinga linga na hinahanap ang bestida. Natanaw niya sa kabilang panig ng kama at umikot habang nagsasalita. Kasunod naman ang ulo ng binata sa paglakad ni Alyssa.

“Ang pangako mo noong 20 years old tayo magpapakasal na tayo sa edad mong 25. Then nun 25 ka na nangako ka uli next year. Tapos next year tapos next next year. Inabot kana ng 29 ang relasyon natin parang teenager pa rin. Grow up Jc. Mahigit isang dekada na akong umaasa na maging mature ka pero wala. Hanggang kailan ko ba panghahawakan ang mga pangako mo? Kapag uugod ugod na tayo?” tuloy tuloy na matigas na tinig pa rin ni Alyssa hanggang sa tumigil sa kinaroroonan ng damit.

“Eto na naman ba ang pagtatalunan natin? Paano nasingit sa usapan ang pagpapakasal sa nabiting sex?”mahinang tugon ng binata.

“Ano na ba ang pinaguusapan dito? Promises di ba? Hindi na sex.”pakli ni Alyssa.

“Bakit? Binging bingi ka na ba? Na ayaw mong tanggapin sa sarili mo na hindi kana teenager. Takot ka na matapos ang pagiging easy go lucky attitude mo at maging ganap na ama at asawa? Hindi pa tayo kasal kita na ang pagiging psychologically incapacitated mo.”sabay pulot ng pulang bestida at isinuot. Abot ito hanggang tuhod.

Lalo ng hindi nakahuma si Jc dahil sapol na sapol siya sa lahat ng binitawan ng kasintahan. Ang mga pangako niya na laging napapako ay hindi na niya malusutan sa pagkakataong iyon. Kasintahan na niya si Alyssa mula highschool kaya halos 13 years na silang magkasintahan na away bati dahil sa pagiging immature niya. Ang tanging nagawa niya ay yumuko at pagmasdan ang sahig.

Tinungo ni Alyssa ang closet at kinuha ang maliit na daffle bag at padaskol na isinilid ang mga damit niya. Hindi pa nagsasama ang dalawa subalit may mga personal na gamit si Alyssa sa condo ni Jc sa tuwing doon ito uuwi.

“Aminin mo na hindi mo ako mahal kaya ayaw mong matali sa akin. Wala ka ng ibang mairarason kung bat ayaw mo mag asawa kundi iyon lang. Financially stable? I don’t think so, baka gusto mo isa-isahin ko ang mga assets mo?”habang tuloy pa rin sa pag silid ng mga damit.

Hindi makasingit si Jc sa paglalabas ng sama ng loob ng kasintahan. Minabuti niyang hindi salubungin ang galit nito.

“Isa kang Mechanical Engineer sa isang Car company with monthly wages of 40 thousands pesos.”saksak muli ng damit.

“Meron kang 60 plus outlets of mineral refilling station at mga franchises.”sabay saksak muli ng damit na nakatingin sa nakayukong si Jc.

“Dalawang high class resort sa Laguna.”sabay hagis ng damit sa sahig ng makitang kay Jc ang nadampot.

“Dalawang townhouse sa Tagaytay—”

“Ekta-ektaryang lupang sakahan sa Bulacan at Bacolod.”saksak uli. Habang si Jc ay patuloy lang ang pagyuko habang nakaupo sa gilid ng kama.

“Extra income sa personal exhibits ng mga sculpture worth 30 to 100 thousands each statue sa hobby mong pag uukit.”muling padaskol na paglagay ng damit sa bag.

“Ops! Bago ko makalimutan—”Muli namang napaangat ang ulo ni Jc at napatingin sa nag aalburotong kasintahan. Patuloy ito sa pagsisiksik ng damit at pilit pinagkakasya.

“Inheritance sa lolo mo worth 20—”sabay sara ng zipper ng bag.

“Million.”biglang tingin kay Jc na isinenyas ang quote sign sa dalawang kamay gamit ang hintuturo at hinlalato.

“Pesos.”sabay upo sa stool na gamit ng binata kapag nag uukit habang padabog na binitawan ang daffle bag.

Itinakip nito ang dalawang palad sa mukha at humagulgol.

“Siguro iniisip mo na pera lang ang habol ko sayo kaya gusto kong makasal tayo.”pagtangis ni Alyssa.

Lumapit si Jc kahit hubo’t hubad pa at niyakap ang kasintahan.

“Alam mong hindi totoo yan. Hindi ko pinakikinabangan ang yaman ni Lolo. Lahat ng expenses galing sa pinaghirapan ko. Natin.”pang aalo ni Jc.

Kasal na lang ang maituturing na kulang sa kanilang relasyon. Pagdating sa pera ay wala silang problema at share pa sila ng account. Malaking problema ay ang walang sariling desisyon ni Jc at pabagu-bago ng isip.

“Kung talagang mahal mo ako, What keeps holding you back na lumagay sa tahimik Jc? Hindi mo nga din ako makuhang buntisin dahil sa natatakot kang panagutan ako.”humagulgol pa lalo si Alyssa.

“I don’t know honey. Maybe—” buntong hininga ng binata.

“I’m not ready yet?”mahinang tugon ng binata na halos pabulong. Nahihiya siya sa kanyang sagot na siguradong makakadagdag sa galit ng kasintahan.

“Not ready? For what reason? Financially stabled ka na at kahit gumatos ka ng 50,000 a day hindi mo mauubos ang pera mo sa buong buhay mo. Maybe we’re not meant to be Jc. Wala talaga akong makitang risonableng dahilan. Pagod na ako sa relasyon natin.”wika ng dalaga na pag hikbi na lang at tumigil na sa pag hagulgol. May otoridad na sa tinig nito.

“A-anong ibig mong sabihin hon?”

“I’m breaking up with you. From this day onward we’re through.” Pinal na tono ng dalaga.

“Hon—Please! Huwag kang padalus dalos. Pagusapan natin to.” Alo uli ni Jc habang ginagap ang kanang kamay ng dalaga.

“There’s nothing to talk about. Unless makita kong desidido kang bumuo ng pamilya.”biglang tayo ni Alyssa sabay palis ng kamay ni Jc tapos ay hiniklat ang daffle bag at papiksing tinungo ang pinto.

“Honey! Please! Honey! Okay! you win.”taas kamay sa ere ang dalawang kamay ni Jc.

Napatigil sa paglakad patungo sa pinto ang dalaga sabay napaharap sa kasintahan. Nag-hihintay na sabihin na pakakasalan siya at mag umpisang bumuo ng pamilya. Iyon ang matagal na niyang nais. Ang tanungin ng kasintahan na will you marry me? Na mabilis niyang sasagutin ng i do.

“Kung yan ang gusto mo, fine. Break na tayo. Lets finish our 13 years relationship.”wika ni Jc sabay umupo sa stool na kinauupuan kanina ni Alyssa at lumagok ng natirang wine kagabi.

Lalong namula sa galit ang pisngi ni Alyssa sa narinig.

“You’re pathetic!”sabay muling talikod at walang lingon likod na lumakad palabas ng kwarto at binalabag ang pag sara ng pinto.

Muling napahagulgol habang naglalakad hanggang sumakay ng elevator. Dala ang pait ng pakikipag hiwalay sa nobyo ay hindi naitago ang damdamin kahit sa mga kasabay niyang pababa sa isang high rise condominium.

“Are you okay miss?”tanong ng isang lalaking may edad sa dalaga ng mapansin ang pag hikbi nito.

Hindi siya sumagot at pag dating sa basement ay mabilis na sumakay at pinaandar ang kotse.

“Shit! Ano bang ginagawa ko?”sabay inihagis ni Jc ang isang champagne glass sa pader na may lamang kalahati pang red wine. Ang masaya nilang pagsasalo kagabi ay dagli na palang matatapos kinabukasan. Tumayo siya mula sa stool at tinungo ang shower. Hubu’t hubad siyang lumakad papuntang banyo na walang paki-alam sa mundo.

Itinapat ang sprinkler at mabilis pinaagos ang tubig sa kanyang buong katawan. Hindi nagtagal ay namalayan ang sarili na nakaluhod sa tiles at humahagulgol. Sinusuntok suntok ang pader ng banyo.

Bagamat tanggap niya sa sarili na marami siyang pagkukulang sa long time girlfriend ay hindi niya masabi kung ano ang nagpipigil sa kaniyang mga desisyon na tuparin ang nais ng kasintahan. Kung iisipin niyang mabuti sa katayuan niya sa buhay ay napaka simple lang ng hinihiling nitong kasal. Wala siyang problemang pinansiyal dahil sa magandang takbo ng kanyang trabaho at negosyo. Sigurado rin naman siya na si Alyssa ang gusto niyang maging asawa subalit pakiramdam niya ay laging may pumipigil sa bawat plano niya.

Alam niya sa sarili na si Alyssa lang ang mahal niya. Ito na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Wala ng ibang babae ang humigit pa sa katangian ng kanyang kasintahan. Matalino at magaling mag salita. Isa itong Curator sa isang malaking pribadong museo sa lungsod ng Maynila. Mahilig ito sa mga iba’t-ibang uri ng antiques kagaya niya.

Parehas silang mahilig sa sining tulad ng kanyang kamay na mahilig mag lilok. Tubo siyang Paete, Laguna kung saan ang talentong pag ukit ay isang ordinaryong bagay nalang doon. Nagpipinta rin siya ng mga larawan subalit mas malapit sa puso niya ang wood carvings.

Bukod tangi pang katangian ng kasintahan ay napaka ganda nito. Maamong mukha na may alun-along mahabang buhok na nakapanig sa kaliwa. Ang pares ng hinog na dibdib nito na mapang akit lalo na kapag hakab ang damit na suot sa katawan. Ang mga daliri na hugis kandila at mala gatas ang puti at bango. Ang ukab ng baywang na lalong pinaliit ng malapad at mabilog na balakang.

Wala na talaga siyang hahanapin pa at lahat ng katangiang pisikal ni Alyssa ay hindi niya nakita sa mga nakaka siping niyang magagandang modelo.

Hindi lingid kay Alyssa ang ginagawa ni Jc na pagpatol sa mamahaling mga modelo na hilig ng kanilang barkadahan subalit lahat ng iyon ay tiniis ng kasintahan alang-alang sa pagmamahal sa binata. Martir na nga kung ituring si Alyssa ng mga kaibigan nito dahil sa bigat ng pasakit na lagi ibinibigay ng kasintahan.

Tumayo si Jc sa pagkakaluhod at inabot ang pihitan ng shower. Unti unting inilakas ang hot hanggang sa makakaya ng katawan niya. Gusto niyang matauhan at gisingin ang katawan sa mga desisyong nagpapasakit kay Alyssa.

Bakit ba ako ganito?
Tanong niya sa sarili.

Batid niyang kumpleto na ang kanyang buhay. Magandang trabaho at matatag na negosyo ngunit pakiramdam niya ay may kulang. Malinaw sa isipan niyang si Alyssa ang kulang subalit nagugulat na lang siya sa mga desisyon niyang nagpapalayo sa loob ng kasintahan.

Pinatay niya ang shower. Ang balat niya ay halos masunog na at mapulang mapula. Humarap siya sa malaking salamin na nasa lababo. Pinagmasdan ang sarili. Tinitigan mata sa mata na parang ibang tao. Kapag kuwa’y sinuntok ang salamin na katapat ng repleksyon ng kanyang mukha.

Mabilis na umagos ang dugo sa kanyang kamao habang nakakapit ang dalawang kamay sa gilid ng marmol na lababo at muling napahagulgol. Ang hapdi at kirot ng sugat ay hindi alintana. Mas masakit sa kanya ang muli na namang nabigyan ng pasakit ang kanyang nobya.

Ilang minuto siyang nasa ganoong kalagayan ng marinig ang pag tunog ng kanyang cellphone sa labas. Nagbalik siya sa ulirat at mabilis na hinugasan ang sugat. Kumuha ng alcohol at betadine at ibinuhos sa kamaong sugatan sabay tinuyo at idinikit ang band-aid. Umaasa siyang si Alyssa ang tatawag dahil sa ganoon naman lagi kapag sila nag-aaway. Ito lagi ang tumatawag kahit siya ang may kasalanan.

Dagli siyang lumabas ng banyo subalit nawala na ang pagtunog ng cellphone. Tiningnan niya kung sino subalit muli siyang madismaya na si John lang pala. Bestfriend niya si John na isa ring Mechanical engineer subalit sa ibang kumpanya. Simula highschool ay sanggang dikit na silang tatlo kasama si Jake. Isang dentista na may sariling clinic. Triple J kung tawagin sila ng kanilang guro ng highschool dahil magkakasama sila palagi sa lahat ng trouble. Maging si Alyssa noon ay paminsan minsan napapasama sa kalokohan nila dahil sa kasintahan na ito ni Jc simula third year highschool.

Pagdating nila ng kolehiyo ay tanging si Jake lang ang napahiwalay sa grupo dahil sa iba ang napiling kurso. Lahat sila ay pumasok sa isang kolehiyo sa u-belt. Si John at Jc na kumuha ng engineering, si Jake na kumuha ng dentistry at si Alyssa na kumuha ng Fine Arts. Pamilyado na si Jake at silang dalawa na lang ni John ang binata at mas kadikit niya kaysa kay Jake dahil sa madalas niya din ito kasama ng nag aaral ng kolehiyo. Kahit pa sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang hilig nila sa paggamit ng mga mamahaling babaeng bayaran. Malamang ay yayain na naman siya ni John kaya napatawag ito.

Nagbihis siya ng boxer short at sando at humiga sa kanyang kama. Magtatanghalian na subalit wala pa rin siyang nararamdamang gutom kaya para malibang ay binuksan ang kanyang 55” 4k tv kasabay ang bluray player. Umikot ang kung ano mang movie ang isinalang nila kagabi ni Alyssa.

Action movie na agad niyang pinas forward sa naputol na scene kinagabihan lang. Ang dagundong ng kanyang mga tower at surround speakers ay parang hindi nanunuot sa kanyang tainga at ang pinapanood ay hindi rumerehistro sa kanyang utak. Nakaramdam na naman siya ng pagkainip sa pagkakatitig sa kanyang tv. Mas nanuot pa sa kanyang tainga ang muling pag tunog ng kanyang cellphone. Mabilis niyang dinampot at inapuhap ang remote at pinindot ang mute button pagkatapos ay sinagot muli ang pagtawag ni John.

“Hello bro, busy ba?? Kanina pa kita tinatawagan ah.”tinig ni John sa kabilang linya.

“Naliligo lang ako tol. Napatawag ka?”rason tanong ni Jc.

“Napagusapan namin kagabi ni Jake na gumimik mamaya. Tinawagan kasi ako nong manager ng isang club sa Parañaque kahapon, may mga bagong modelo daw pre at sa atin unang ibibigay. Ano game?”yaya ni John.

Bahagyang nagkaroon ng ilang sandaling dead air dahil sa walang maitugon si Jc. Wala siyang gana na mag liwaliw dahil sa estado ng kanilang relasyon ni Alyssa.

“Hello pre, ano?”tanong muli ni John sa kabilang linya.

“Next time na lang siguro pare.” pagtanggi niya sa alok ng kaibigan.

“Why naman tol? Bihira lang to. May problema ba? Nag away na naman ba kayo ni Alyssa?”sunod sunod na tanong ni John.

Sa tagal nilang magkaibigan ay ramdam na ni John na sa boses pa lang ni Jc ay may dinadamdam na ito. Bukod pa na lagi itong hingahan ng sama ng loob ng binata.

“Nakipag break na kasi sakin si Alyssa tol.” malamyang tugon ni Jc sa kaibigan.

“Dont worry bro. Hindi ka pa ba sanay? Twice, trice o baka higit pa na sinabi niyang break na kayo pero naayos pa din naman. Give her some space pre. Im sure hindi sasayangin ni Alyssa ang haba ng pinagsamahan niyo. Babalik din yon ng ilang araw lang bro.” wika ni John.

“Upset na naman tol, naopen na naman ang usapang kasal.”tugon ni Jc.

“Hayaan mo na muna tol. Ikaw ang lalaki dapat ikaw ang magdala ng relasyon niyo. Pairalin mo ang pride. Pag sinabi mong hindi, hindi talaga. Kaya nga ayoko pang mag asawa eh.”humahalakhak na sagot ni John.

Napagisipan niya ang sinabi ng kaibigan. Mataas nga ang kanyang pride at dapat siya ang mag domina ng relasyon nila.

“Don’t let you down bro. Ano magmumukmok ka lang dyan sa condo mo? Sabado nights pa naman tol.”sulsol pa ni John.

“Sige tol. San ba?”pagpayag ni Jc.

“Yon! Ayos! Pupunta na lang kami dyan ni Jake sa condo then yun sasakyan mo nalang ang dalhin natin papuntang club. Para naman makapagkuwentuhan tayo sa biyahe. Iwan nalang muna namin sa parking ang sasakyan namin. Okay?”

“Okay.”maikli niyang tugon.

“O pano mamaya na lang.”paalam ni John at ilang sandali pa ang pagkawala ng kausap sa kabilang linya.

Muli niyang nilagyan ng tunog ang pinapanood pagdaka’y nakaramdam na ng paghapdi ng kanyang sikmura sa gutom. Nagpa deliver siya ng pananghalian. Balak niyang matulog na lang agad pagkakain kaya tinatamad siyang kumain sa labas.

Matapos kumain ay inantay matunawan saglit at nag umpisa ng matulog ng dalawin ng antok. Nagising na lang siya sa katok sa kanyang pinto. Tiningnan ang oras at pasado alas otso na ng gabi.

Malamang sina John.
Sabi niya sa sarili.

Bumangon siya at tinungo ang pintuan. Hindi nga siya nagkamali at sina John nga.

“O, bat hindi ka pa bihis?” bungad ni John sabay diretso pasok kasama si Jake at umupo sa sofa.

“Nakatulog ako pare. Kakagising ko nga lang sa katok mo.”pupungas pungas na sagot ni Jc.

“Halata nga pare. Tamang tama inom muna tayo ng kaunti dito habang inaantay ka.”sulsol ni Jake.

“Sige, kayo bahala. Kuha nalang kayo sa ref may mga beer pa don. Liligo lang ako.”sabi ni Jc.

Iniwan muna ni Jc ang dalawang kaibigan at inumpisahang maligo. Pagkatapos maligo ay sumali sa inuman ng dalawa. Bandang alas diyes na ng gabi ng mapagkasunduan na pumunta ng club.

Pagdating sa club ay nagpatianod na lang siya sa hilig ng dalawa. Kumuha ng tigi tigisang babae at isang vip room at sinimulang muli mag inom habang nag vivideoke. Laklak ang ginawa ni Jc dahil sa dinadamdam.

“Dahan dahan lang Jc baka hindi na tayo makauwi niyan.”sabay tawa ni John at lamas ng boobs sa kasamang babae.

Pagkatapos tamaan ng espiritu ng alak ay kanya kanya ng kuwarto ang tatlo para isakatuparan ang talagang pinuntan nila doon.

Napabagsak sa kama si Jc ng patihaya. Inalalayan ng kanyang napiling babaeng bayaran. Maganda ito at hindi basta basta babaeng bayaran lang. Kolehiyala at modelo subalit tumatanggap ng indecent proposal. Anumang dahilan nito kung bat ginagawa ang pagbebenta ng laman ay hindi na mahalaga sa lalaking kagaya nila nina Jake at John. Unang tingin ay walang lalaki na tatangi dito. Ang mga malalaking dibdib at mapuputing kutis pa lang ay kahinaan na ng maraming kalalakihan.

Lumuhod sa kanya ang babae sa gilid ng kama at kinalas ang kanyang sinturon. Inilabas ang kanyang ari na katamtaman ang laki at sinimulang hagurin at ng tumigas ay inumpisahang isubo. Magaling ang pagtsupa ng babae. Alam nito gamitin ang dila at ang paghagod ng bibig nito sa kanyang kahabaan. Mga ilang sandali na nakaramdam na si Jc ng init ay nagpaalam ang babae na maliligo.

“Ligo lang ako pogi ha.”

Sanay na sanay ang babae kung paano pasasabikin ang isang lalaking kagaya ni Jc. Paglabas nito mula sa banyo ay nakatapis ng tuwalya. Humiga ito sa tabi ng binata sabay kinuha ang kamay at pinahimas ang kaselanan. Shave at makinis ang pagkakabae nito. Pinaikot ikot ni Jc ang kamay niya sa mga labi ng hiyas ng babae at unti unti itong nag lawa. Kinalabit kalabit ang tinggil ng gitnang daliri. Muli namang hinagod ng babae ang kahabaan ng binata sabay dumausdos pababa at marahas na isinubo. Ang mga laway ay napalibutan ang kahabaan ng binata. Ibinababa ng babae ang pantalon ni Jc hanggang sa mahubad. Pinaupo rin nito ang binata sa kama at inalis din ang suot na t shirt.

Inumpisahan halik halikan ng babae ang bayag ni Jc at kapagkuwan ay sinusubo. Pinapa ikot ikot pa nito ang dila sa loob ng magkabilang bayag. Ramdam ni Jc ang paglilibot ng dila ng babae sa kanyang bayag habang nasa loob ng bibig. Ang ginagawang iyon ng babae ay isa sa mga nakakapag pataas ng kanyang libido.

Bigla nalang hinatak ng binata pataas ang babae at pinatihaya. Mabilis pinatungan at itinutok ang burat sa bukana. Umulos ng kaunti at dahil sa napalibutan ng laway ng babae ang kanyang burat ay mabilis iyong pumasok. Medyo nagulat ang babae sa naging kilos ni Jc.

Bumilis ang balakang ng binata labas pasok sa kaselanan ng babae. Umpisa pa lang ay mabilis na ang taas baba.

“Dahan dahan lang pogi. Lalabasan ka agad niyan. Halikan mo muna ako dito. Romansahin mo muna ko.”sabay kalas ng tapis at bumungad kay Jc ang malulusog na dibdib nito. Ang mala rosas na utong at umaalog alog na dibdib sanhi ng ginagawa niyang pagbayo.

Parang aso naman si Jc na patuloy lang ang mabilis na pag kadyot sa ibabaw ng magandang babae. Parang nagmamadali na tapusin ang orgasmo. Ilang minuto lang ay lalabasan na ang binata at agad hinugot sabay tutok sa mukha ng magandang babae. Nahilamusan ng kanyang katas ang makinis na mukha ng katalik. Inubos ni Jc ang kanyang katas at pinalo palo pa sa may pisngi ng babae ang natitira niyang orgasmo hanggang sa humupa. Agad siyang humulagpos sabay kinuha ang pantalon at tshirt tapos isinuot. Pagkatapos ay bumunot sa pitaka ng limang libong tip ng babae sabay muling humiga sa kama at nag-umpisang matulog. Umiikot na din ang kanyang ulo sa kalasingan na bahagyang nawala dahil sa libog subalit ng labasan ay muli niyang naramdaman ang espiritu ng alak.

“Ganun lang yun? Para ka namang pato pogi.”wika ng babae habang pinupunasan ang mukha ng kumalat na tamod ni Jc. Napansin niya ang paghilik ng binata at napailing.

“Hindi ba ako maganda.?”sabi ng babae sa sarili sabay tayo at isinilid ang pera sa pouch. Nagkibit balikat na lang siya sa bilis ng pangyayari.

Naalimpungatan nalang si Jc at nagising sa sariling condo. Mabigat ang ulo niya sanhi ng hangover. Sinilip ang relo at alas diyes na ng umaga. Ang kanyang cellphone ay puro text ni John tungkol sa nangyari kagabi. Inihatid nalang pala siya ng kaibigan sa sobrang kalasingan. Nabasa niya rin ang tunay na dahilan ni John na sa text nalang nasabi. Nangungutang ito ng 200,000 pesos na kung hindi ay maiilit ng bangko ang naka sangla nitong bahay. Hindi niya pinansin ang text na iyon at ilang beses na nga ba niyang nabigo ang mga kaibigan sa tuwing nangangailangan ng pera. Tama nga si Alyssa at napaka selfish niya. Ang halagang iyon ay halos barya lang sa kanya. Sa likod ng kanyang utak ay nais niyang tulungan ang kaibigan subalit palaging may kakaibang puwersa na pumipigil sa kanya.

Mabilis ang pagtakbo ng panahon subalit para kay Jc ay parang kay bagal. Mag iisang buwan ng hindi nagpaparamdam si Alyssa simula ng mag away sila. Kinuha niya ang cellphone at dinial ang number ng kasintahan subalit out of reach ang phone nito. Nagkakaroon na siya ng agam agam at konting kaba dahil iyon na ang pinakamatagal na natiis nito ang kanilang relasyon. Kadalasan kasi ay tatlong araw lang ay nagkakaayos na sila.

Ikalawang linggo pa lang ng pag aaway nila ay naiisip na niyang puntahan ito sa pinagtatrabahuhang museo ngunit pinaninindigan pa rin niya ang desisyong binitiwan niya sa kasintahan. Subalit sa likod ng kanyang isipan ay may nag udyok sa kanyang pumunta sa kasintahan at sadyain upang kamustahin ang lagay.

Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng museo at agad pumasok. Naabutan niya ang isang katrabaho ni Alyssa sa museo na si Mabel na abala sa mga bagong antiques na ibinababa mula sa truck sa labas. Assistant ito ng kasintahan.

“Hello Mabel, Good Afternoon. Si Alyssa?”bungad ni Jc.

“Wala dito sir Jc. Hindi ba nag paalam sa inyo?”wika ni Mabel.

“What d’you mean wala?”balik niya.

“Nasa Madrid sila kasama si Sir Bong. Business trip para sa mga imported na items na bibilhin at ieexport na rin. 2 weeks na sila doon.”paliwanag ng babae.

Nagulat si Jc sa narinig at nakaramdam ng selos. Bagamat pamilyado na si Bong ay dama niya ang mga makakahulugang tingin nito sa kasintahan. Ramdam niya iyon bilang lalaki din. Hindi niya pinahalata sa kausap ang pinagdadaanan nila ng kasintahan.

“Kailan daw ang balik Mabel?”malungkot niyang tanong.

“Hindi ko po alam eh sir. Pasensya na. Pakilagay na lang doon.”sagot kay Jc ni Mabel sabay utos sa lalaking may mga dalang vase na antique na dumaan sa kanilang harapan.

“Ganun ba? Sige salamat.”paalam niya at bumalik sa pag iinventory ng gamit ang kausap. Nanatili siyang nakatayo at pinagmamasdan ang mga collectors items na ibat ibang coin na nasa isang kwadradong salamin. Ng magsawa ang kanyang mata ay nagpasya siyang lumakad palabas ng marinig ang isang malamyos na tinig ng isang babae.

“Juan!”

Napatingin siya muli sa likod at inaakala na si Mabel ang tumawag sa kanya subalit abala pa rin ito sa inventory. Juan Carlos ang buo niyang pangalan at kilala siya ni Mabel na Jc lang ngunit malinaw sa kanyang sarili na may tumawag sa kanyang pangalan. Wala namang ibang tao sa museo kundi ang mga nagpapasok ng gamit na nasa kalayuan at puro lalaki pa.

“Bakit Mabel?”tanong niya dito.

Napaangat ng ulo si Mabel na nakatitig sa logbook at napatingin sa kanya.

“Sir?” takang tanong nito.

“Nevermind.”sabi ni Jc.

Napailing ang babae.

Papalabas na sana ang binata ng mapadako ang mata niya sa isang painting na nakatayo sa isang sulok.

Kwadrado na halos kasing laki na ng pinto. Nabighani siya sa larawan ng isang babae na nakaguhit doon. Meron siyang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag kung ano. Lumapit siya sa larawan at sinuri. Buhay na buhay ang ganda ng isang babaeng pilipina na nakaupo sa isang magandang silya. Hinaplos niya ang frame na kahoy. Bagamat gastado na ay maganda pa ang kalagayan. Hinimas niya ang mukha ng babae sa larawan at maging ang salamin nito ay maganda pa ang lagay.

“Mabel, magkano to?”malakas niyang tinig para marinig ng babae na naiwan niyang nakatayo malapit sa pinto.

“Sorry sir. Hindi po for sale yan.”negatibong sagot ni Mabel.

“Bakit?”usisa pa ni Jc.

“Ang sabi sakin ni Sir Bong, kapag kumalat na dito sa museong ito nabili ang painting na yan eh kasiraan daw po sa pangalan ng museo dahil sa wala daw value yan at hindi kilala ang artist. Bukod pa doon ay wala ring espesyal sa painting na yan. Itatago na nga lang po yan sa bodega. Ipinalagay ko muna sa sulok para hindi sagabal sa ibang gamit na ipapasok. Nakasama lang yan sa biniling Century House ni Sir.”paliwanag ng babae.

“Bibilhin ko. Magkano?”pilit na tanong ni Jc.

“Hindi po talaga pwede sir. Bilin na bilin ni Sir Bong. Masisira daw po ang pangalan ng museo kapag nagbenta ng walang value na antiques.”pakli ni Mabel.

“Tawagan mo si Bong, sabihin mo na bibilhin ko.” pangungulit niya.

“No phone calls daw sir eh. Baka daw kasi nasa deal sila.”

“Yung asawa niya, si Claire. Hindi ba family business naman to. May karapatan naman siyang mag authorized di ba?”suhesyon niya.

“Sige po sir. Wait lang kakausapin ko.”sabay alis ni Mabel at pumunta sa opisina. Nakita niya mula sa salaming partisyon ang pakikipagusap nito sa landline. Mayamaya pa ay bumalik ito sa kanya.

“Sorry sir ayaw po talaga nila eh. Ayaw po nilang malagay sa alanganin ang kredibilidad ng museo.”balita sa kanya ng kausap.

Nakaramdam ng bugnot si Jc at gustong gusto niya maaangkin ang larawan. Muli niyang pinagmasdan mula taas hanggang baba ang painting at sa ilalim ng larawan ay ang isang pirma ng gumuhit.

de Villa 1896

Cursive na sulat ng gumuhit pati ang taon na ipininta. Parang may bumalot na malamig sa kanyang katawan. Parehas ng apelyido niya ang pintor. Muli niyang hinarap si Mabel.

“Magkano ang pinaka mahal niyong painting?”tanong niya.

“Sir?” gulat pa si Mabel sa bigla niyang pagtanong.

“800,000 pesos sir. Why?”dagdag pa nito.

“Babayaran ko ng 1 million pesos ang painting na ito. Tawagan mo uli si Claire. Kapag napapayag mo sa iyo na ang 200,000.”alok ni Jc.

“Sigurado kayo Sir Jc?”hesitanteng wika ni Mabel.

“Oo. Sige na.”walang gatol na sagot niya sa kausap.

Muling tumalikod si Mabel at bumalik sa opisina at dumial muli sa landline. Maka ilang sandali pa ay bumalik ito.

“Okay daw sir.”nakangiting wika ni Mabel.

“Good. Eto ang cheque.”sabay abot sa chekeng nagkakahalaga ng isang milyong piso.

“Wala ka bang napapansin sa painting?”dagdag niya na patanong kay Mabel.

Mga ilang saglit na minasdan ni Mabel ang larawan at kapagkuwan ay nagsalita.

“Wala eh sir.”

“Kamukha siya ni Ma’am Alyssa mo di ba?”sabi niya sa kausap.

Napa kibit ng balikat si Mabel at pilit hinanap ang sinasabi ni Jc.

“May pagkakahawig.”maikling tugon nito.

“Ipapakahon ko lang sir.”sabi ni Mabel sabay tawag sa iba pang tauhan at pinagtulungang balutin ng kahon ang larawan.

Isinakay niya sa likuran ng kanyang sasakyan na kulay itim na GM Hummer H2. Kagaya niya ang kanyang sasakyan na maskulado at makisig kahit medyo luma na ay hindi niya pinapalitan.

Ano bang naisip ko at binili ko ang painting na ito ng isang milyong piso?
Naglalaro sa isipan ni Jc habang nagmamaneho pabalik ng condo.

Nagpatulong siya sa pag buhat sa guwardiya para maiakyat ang painting. Pagdating sa loob ng condo ay kinuha niya ang portable drill at bumutas ng isa sa bandang gitna ng pader na malapit sa lugar kung saan siya madalas mag ukit. Bandang kanan pagpasok ng pinto ng condo. Ibinaon ang tox screw ngunit inilitaw ng konti ang ulo para pagsabitan ng larawan.

Binaklas ni Jc ang kahon na balot ng larawan at isinabit. Tamang tama lang ang laki ng painting at tatlong pulgada mula sa sahig na puti ang layo ng ilalim ng painting. Muli niyang tinitigan ang larawan at dama niyang buhay na buhay ang kulay nito at parang nakatitig sa kanya. Tuwing titigan niya ay hindi niya naiisip na isang milyon ang ginastos niya para lamang mapasakanya ang larawan. May kung anong bagay na nag uudyok sa kanya na angkinin ang larawan bukod pa sa kahawig na kahawig ito ng kasintahan na si Alyssa. Hinimas niyang muli ang kahoy na frame ng larawan at sa bandang kanan ay parang may nahila siya at nagkaroon ng siwang.

Bumukas ang larawan na parang isang pinto at nakita niya ang loob nito na may isang dingding na kulay itim.

“Weird painting.”wika niya sa sarili at bahagya niya itong isinara ngunit hindi naglapat.

Umupo siya sa stool habang nakatitig pa rin sa larawan na hindi nailapat sa pagkaka sara. Pag daka ay kinuha ang cellphone at nag dial.

“Bigyan mo ako ng molave.”diretso niyang sabi sa kausap sabay ibinababa ang cellphone.

Plano niyang iukit ang larawan at ang pag gamit niya ng magagandang uri ng kahoy na hindi basta basta nasisira ng panahon at anay ang nagpapamahal sa kanyang obra. Puno ng narra, molave, kamagong ang karaniwan niyang ginagamit sa pag ukit na nagbibigay sa kanya ng challenge dahil sa tigas ng kahoy nito.

Napadako ang mata niya sa wall clock at alas sais na ng hapon. Pumunta siya sa kwarto upang magpalit ng pambahay na damit. Dahil sa init ng panahon sa labas ay plano niyang mag babad sa kanyang bath tub.

“Mahal kong Juan. Salamat at nagtagpo muli tayo.” wika ng isang babaeng ikinulong sa dimensyon ng larawan. Lumakad ito palabas sa aksidenteng nabuksan ni Jc na pinto ng larawan.

Paglabas muli ng binata ay laking gulat niya ng makita ang nakatayo sa may gilid ng mahabang sofa. Isang babae na nakasuot ng makalumang baro’t saya subalit elegante ang disenyo. Nakapusod ang mahaba nitong buhok. May dala itong ilang pirasong pulang rosas.

“Honey! Alyssa!? Akala ko nasa Madrid ka?”sabay lapit ni Jc sa inaakalang kasintahan at niyakap ng mahigpit.

“Bakit ganyan ang suot mo? I’m so sorry honey sa kasalanan ko.” bulong niya sa tainga ng babae sabay yakag maupo sa sofa.

Tumayo si Jc at tinungo ang closet at inilabas ang pambahay na naiwan ng kasintahan. Nakalagay ito sa isang paper bag.

“Umattend ka ba ng isang exhibit kaya ganyan ang suot mo. Eto may naiwan ka pang damit. Magpalit ka muna. Maliligo lang ako saglit.”paalam ni Jc.

“Hindi ako magtatagal mahal ko.”wika ng babae.

“Bakit? Honey?”tanong ni Jc na nagtataka sa inaakalang kasintahan.

“Babalik na ako, Magagalit si Senior.” tugon ng babae.

“Senior? Si Sir Bong mo ba? Bakit parang maputla ang kulay mo? May sakit ka ba? Teka ikukuha kita ng paracetamol.”sabay tayo ni Jc at tinungo ang cr kung san nandoon ang Medicine cabinet.

Pagbalik niya ay wala na ang babae at tanging isang bungkos ng mga rosas na naiwan sa sofa. Wala na rin ang paper bag na naglalaman ng pambahay na damit ng kasintahan. Kinuha niya ang mga rosas at inilagay ito sa vase.

“Maraming salamat mahal kong Juan at tinupad mo ang pangako mong babalikan ako.” wika ng babae habang nakamasid kay Jc sa loob ng larawan.

Site Footer

Sliding Sidebar

error: Content is protected !!