Ka-affair ni khrazzy 7

Kinabukasan, medyo parang matamlay ako na di ko maintindihan. Siguro nanibago lang ako na di ko na nakikita si Joshua, somehow napalapit na kasi siya sa akin(haha xmpre ngkatikiman na hndi pb mpplapit yun? hehe).. So tuloy p din ang life pati ang work. Kami pa rin ni Juan pero parang nagkakalabuan na dahil lagi na kaming nag-aaway, dumarating na nga sa point na gusto ko na makipagbreak eh, ayaw nman niya.

Hanggang isang araw may may bagong batch na naman ng cashiers and baggers na pumasok. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko. Si Dhelvin. Siya kasi ang pinakagwapo sa batch nila at palangiti pa. Nang nkakasabay ko siya sa shift ay nalaman ko na mabait din pala siya. Hindi pa naman kami totally friends. Nagngingitian lang kapag nagkakasalubong until one time nung naglunchbreak ako, nakita ko siya nakatyo sa malapit sa locker room namin.


Me: O buddy (buddy or buds ang tawagan ng mga cashiers and baggers noon,) ano ginagawa mo jan?

Dhelvin: Ha, kasi lunch break na namin, alam mo naman na bago pa lang kami, naghahanap sana kami ng mahhiraman kahit 50 lang, bayaran na lang namin sa sweldo.

Me: ok wait mo ko jan

Kumuha ako ng pera sa locker ko at ibinigay sa kaniya ang hinihiram niya. Wala naman kaso sa akin yung ganun dahil naiintindihan ko naman sitwasyon niya. I've been there..hehe..

Dun na nagsimula na maging malapit kami sa isa't isa,
Sa Lane assignment ko:

Dhelvin: Buds, salamat ha, ang bait mo naman, di pa nga tayo masyadong magkakilala pinahiram mo n kagad ako ang pera.

Me: ok lang yun noh.. nagkataon na may extra naman akong pera, kaya ayun..

Dhelvin: Salamat talaga ha..

Me: Welcum..

Lumipas ang ilang linggo at naging super close na kami, parang kami na nga pero wala namang chance na magkasama kami bukod sa lane ko kasi hindi match ang schedule namin, kung opening kasi ako, closing siya, at kung closing siya opening naman ako. Wala ding usapan, M.U. na siguro kami that time.

Minsan nagtaka ako sa kanya nang mpwesto siya sa lane ko. Parang seryoso siya na di ko maintindihan.

Me: Huy ano ba problema mo?

Dhelv: Bakit ba ang iksi ng damit mo?

Me: Ha? E eto naman na talaga uniform ko simula pa lang ah, alangan magpatahi pa ako ng bago eh less than 3 months nlng contract ko dito. Ano bang nangyayari sayo?

Dhelv: naiinis kasi ako sa ibang mga bagger dito kung makatitig wagas parang gusto na lamunin legs mo eh nakakabadtrip!

Me: Hala? Paranoid ka lang siguro wala naman ako napapansin ah

Dhelv: Ikaw wala pero ako meron.. konting taas pa ng laylayan niyan kita na ang langit eh

Me: Grabe ka naman..(di ko maintindihan pero nag init ang pakiramdam ko nung sinabi nya un).. wag mo na lang pansinin di naman nila makukuha hanggang tingin lang naman sila...


Dhelv: yun n nga eh! Ako nga din hnggang tingin lang din tapos may mga kahati pa?

Napatulala ako sa sinabi niya..Tapos bigla na siyang umalis ng lane ko.

TBC..