My Devils Boyfriend 1: Oriel Punishment and school festival

"oo naman mas bagay sayo mas lalo kang gumanda" sagot ni Mephisto kay Katty na lalong namula ang muka ng dalaga at yumuko nalang eto para itago ang nararamdamang saya at hiya sa binata.

"sa...salamat" nahihiyang sagot ni Katherin kay Mephisto at lumakad na eto palayo para pumasok na sa klase.

"saan ka pupunta katty?" tanong ni Mephisto sa dalaga.

"babalik na ako sa klase natin sunod kana ah" nakangiting sagot ni katty kay mephisto at nag madaling lumakad eto pa balik ng classroom.

natapos ang araw na yun at habang nag lalakad pa uwi ang dalaga ay sinusundan sya ni mephisto at sinigurado nito na hindi sya mapapansin ng dalaga.

"ikaw ba si Katherine?" tanong ng isang lalaki kay Katherine na hindi kilala ng dalaga pero agad namang nakilala ni mephisto at eto ay ang isa sa alagad ni Oriel.

parang nahitmotismo ang dalaga na sunodsunuran sumama ang dalaga sa lalaking ngayon lang nito nakilala.

"ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni mephisto ng makapasok sila sa isang maliit na eskenita at ng masiguradong wala ng makaka kita sa kanilang tatlo.

"sino ka wag kang makialam at wala kang paki dito kung ako sayo umalis kana at hindi mo ako kilala" pag babanta ng anghel sa hindi nya kilalang si Mephisto.

"ANONG SABI MO!" galit na sinabi ni Mephisto sa anghel na gustong dumukot kay Katherine at dito nag sisimula ng balutin ng itim na liwanag ang paligid at mabilis etong naramdaman ng anghel.

kaya naman mabilis nitong inilabas ang kanyang espada at ang kanyang maliit na pakpak pero bago pa makasugod ang anghel ay dumating si michael at inawat ang muting tauhan para maiwasan ang pag kamatay nito.

"Michael! ano sa tingin mo ang ginagawa ng hanggal na tauhan mo?" galit na tanong ni Mephisto kay Michael dahil sa galit ay mabilis pag labas ng itinatago ni mephisto.

"ako na ang humihinge ng tawad sa ginawa ng tauhan ko Mephisto kaya pakiusap huminahon ka" nakaluhod na pag hinge ng tawad ni michael sa ginawa ng kanyang tauhan.

"ikaw lumuhod ka dahil kung hindi tatapusin ka ng isa sa hari ng impyerno" utos ni Michael sa anghel na agad namang sumunod sa utos ng kanyang pinuno.

nawala naman na ang hitmotismo sa dalaga kaya napilitang itago ni mephisto ang kanyang kapangyarihan dahil masama eto sa normal na tao puwede etong maging sanhi ng kamtayan ni katherine kung mapapabayaan.

"mephisto anong ginagawa natin dito?" tanong ni Katherine sa binatang classmate.

"diba gumulong dito ung coin mo kaya andito tayo para hanapin yun" nakangiting sinabi ni Mephisto kay Katherine na parang nakalimutan na ang tungkol sa lalaking nakausap nya.

"tara na wag na nating hanapin ung barya uwi na tayo" sinabi ni Katherine kay mephisto at mabilis na silang umalis sa lugar kung saan sila nandun ngayon.

"ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni michael sa anghel na dumukot kay katherine.

"napag utusan lang po ako" sagot ng anghel kay michael.

"sino ang nag utos sayo?" tanong ni michael at agad naman syang sinagot ng anghel na si Oriel ang nag utos sa kanya.

kaya naman walang sinayang na oras si Michael at pinatawag nito ang hangal na si Oriel at dinala sa kanilang Ama.

"totoo ba ang sinabi ni Michael Oriel?" tanong ng kanilang ama sa may salang si Oriel.

dahil sa kanyang sinumpaan na parating magiging tapat sa kanilang ama ay wala ng nagawa si Oriel kung hindi aminin na totoo lahat ng sinabi ni Michael.

"dahil sa nagawa mong kasalanan paparusahan kita at ang kaparusahan mo ay makakabalik ka lang dito sa langit tuwing babalik si Mephistopheles sa impyerno at hindi mo sya lalabanan bagkus ay tutulungan mo pa sya dahil sa iyong ginawa" mahigpit na utos ng kanilang ama sa anghel na si Oriel.

"masusunod po aking ama" sagot ni Oriel sa kanilang ama habang nakaluhod bilang pag bibigay galang.

at ilang sandali pa ang lumipas at isang liwanag ang kumain sa katawan ni Oriel at nagising nalang eto sa lupa at nasa isang bahay sya at may mga gamit eto na para magamit sya sa kanyang araw araw na pamumuhay.

kinabukasan sa paaralan kung saan pumapasok si Mephisto at Katherine at habang nag uusap ang dalawa para sa plano nila dahil nag karoon ng group project at nag kataong mag ka group silang dalawa.

"ikaw anong ginagawa mo dito?!" tanong ni mephisto ng makita nya si Oriel na nakasuot ng kanilang uniform at naka tayo ngayon sa harapan ng klase.

"mephisto kilala mo ba ang bagong transfer student nating si Oriel?" tanong ng guro kay mephisto at sa oras na eto ay pinag titinginan na sya ng buong klase.

nanahimik ang binata ang umupo nalang eto at walang sagot na ibinigay sa kanilang guro.

"kilala mo ba sya?" bulong na tanong ni katherine sa binatang ka group nya.

"hindi ko lang kilala kilalang kilala ko pa sya" galit na sagot ni mephisto sa dalaga habang masama ang tingin sa anghel na si Oriel habang nag papakilala eto sa buong klase.

natapos ang araw na yun at kung hindi dahil kay katherine ay nag wala na ang hari ng impyernong si mephistopheles at tinapos ang buhay ni Oriel.

hindi eto magawa ni Mephisto dahil ayaw nyang madamay si Katherine sa galit nya dahil pag nadamay eto mataas ang tyansang mamatay ang dalaga.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ni mephisto kay Oriel ng matapos ang buong araw at ng maihatid nya ang dalaga sa bahay nito.

"di ka pa ba masaya eto ang kaparusahan ko ng dahil sa pag dukot ko sa babaing kasama mo" galit na sagot ni Oriel kay mephisto.

"hehehehehe hahahahaha" malakas na tawa ang sinagot ni mephisto sa sinabi ng anghel sa kanya na lalong kinagalit ni Oriel.

"ano ang rules ng parusa mo" naka ngising tanong ni Mephisto kay Oriel at walang nagawa ang anghel kung hindi sagutin ang tanong nito.

"hahahahaha" malakas na tawa ang naging reaksyon ni mephisto sa narinig na kaparusahan ni Oriel.

"anong nakakatawa?!" tanong ni Oriel kay mephisto dahil hanggang ngayon ay hindi parin nya tanggap ang parusang naipataw sa kanya ng kanilang ama.

"wala masaya lang ako at may makakasundo akong kagaya kong hindi tao sa mundong eto" sagot ni mephisto habang nakangiti parin pero ngayon ay inabot nito ang kamay nya sa anghel.

hindi naman nag dalawang isip na kamayan ni Oriel ang bagong kaibigan nya dahil sa sinabi ng ama na hindi gagawa ng masama ang hari sa lugar kung saan nandun ang interest nya.

lumipas ang mga araw at sumama na si Oriel kay Katherine at Mephisto na agad namang kinasanayan ng mga kapuwa nila studyante.

si oriel ay isang matangkad na lalaki may kulay itim na buhok maputi at kung titignan mo si oriel ay may inosenting muka eto kabaliktaran ng kanyang ugali dahil isang mandirigma si oriel.

"okay class kailangan na nating mag handa para sa darating na school festival at dahil ang klase natin ay parating nahuhuli taon taon ay kailangan natin manalo ngayong taon at manguna dahil pag nanguna tayo ay bibigay ko sa inyo ang bagay na gustong gusto nyong lahat at yun ay ang siguradong pag pasa sa klase ko" nakangiting sinabi ng teacher sa klase na kanina lang ay parang walang paki sa school festival pero ngayon ay nabuhay ang mga loob lalong lalo na si Katherine.

"wag mong sabihing sasali ka katty?" tanong ni mephisto kay katherine ngayon ay buhay na buhay ang loob.

"oo naman dahil siguradong magiging mataas ang grades ko pag nanalo tayo" nakangiting sagot ni Katherine sa binata na napa kamot nalang ng ulo.

"sigurado ka bang yan ang gusto mo?" tanong ni Oriel kay mephisto na umamin kung bakit sya nasa mundo ng mga tao.

"oo at ano pang magagawa ko kung hindi ang sumali para siguraduhing hindi sya malulungkot at sasama ka sakin" nakangiting sinagot ni Mephisto ang tanong ni Oriel at dahil sabik sa pakikipag kompitensya ang anghel ay agad etong pumayag na tumulong.

lingid sa kaalaman ng mga mag aaral nya ay ginagawa eto ng teacher para makuha ang perang premyo sa mananalong klase o ang may pinaka malaking benta sa taong eto sa kadahilanang maraming binabayaran ang guro at kinakapos eto ng pang kain.

"yes ganyan nga mabuhayan kayo para masigurado ang pang gastos ko ngayon buwan" nakangising bulog sa sarili ng teacher na rinig na rinig ng dalawang binatang nasa tabi ni katherine.

natapos ang araw na yun at nag pasya ang buong klase na ang gagawin nila para school festival ay maid cafe dahil may nabibilang namang magagandang babae sa klase.

itutuloy.....