My Devils Boyfriend 2 : The 3 Mythical Girl

nag simula na ang pag hahanda ng buong klase para sa dadating na school festival dahil para sa school ay isang tradisyon ang pag handaan eto.

ang dalawang bagong studyante ang inatasan ng buong klase na pasalihin ang ilan sa maiilap na babae sa kanilang klase dahil ayaw mga sumali ng iba nilang classmate sa festival.

ang una nilang nilapitan ay ang mailap na si lilith na ang buong akala ng dalaga ay hindi sya napansin ng hari ng impyerno na si mephisto dahil pilit nyang tinatago ang kanyang itim na enerhiya.

"magandang hapon lilith o mas maganda sigurong tawagin kitang lilibeth" nakangising sinabi ni mephisto sa babae habang nababalot ng itim na ilaw ang buong katawan ng binata.

"patawarin nyo po ako patawad mo wag nyo po akong tapusin" pag hinge ng tawad ni lilith sa haring kanyang iniiwasan.

isang malakas na pag tawa ang sinagot ni Mephisto at Oriel dahil sa ginawa ni Lilith at hinawakan ni mephisto ang ulo ng mumunting si lilith at ngumiti dito ang binata.

"wag kang mag alala lilith hindi kita tatapusin at hindi rin kita pipiliting bumalik pero sa isang condition alam kung kaya mong humatak ng maraming costumer para sa darating na festival ng school kaya sumali ka sana sa cafe ng klase natin" nakangiting sinabi ni Mephisto kay lilith na ang tanging naging sagot ay ang pag tango dahil ngayon lang muling may humawak ng ulo nya.

matapos makausap ang lilith na si Lilibeth ay sinunod naman nila ang dalagang si Marlyn at sa oras na yun ay si Oriel naman ang lumapit sa mahiyaing dalaga na nakaupo sa dulo ng library para makaiwas sa tao.

"Marlyn puwede ba kitang makausap?" tanong ni Oriel sa dalaga ng umupo sya sa tapat na upuan nito.

nakaramdam ng takot si Marlyn dahil para sa isang Fallen Angel na gaya nya ay kamatayan lang ang puweding maging kaparusahan at kayang kahinatnan.

"maawa ka sakin hindi ako gumagawa ng masama" takot na sinabi ni Marlyn kay Oriel dahil sa kilala ni Marlyn ang pinaka malaupet na general sa langit at yun ay si Oriel.

"wag kang mag alala wala akong karapatang parusahan ka at gawan ka ng masama dahil maski ako ay nakagawa din ng kasalanan sating ama kaya ako nandito" nakangiting sinabi ni Oriel kay Marlyn.

"tama ang narinig mo Marlyn naparusahan din yang si Oriel kaya nga andito sya at kasama ako" nakangiting sinabi ni Mephisto at hindi manlang napansin ng dalawa ang kanyang presensya at kanyang pag lapit sa kanilang mesa.

"mephisto anong ginagawa mo dito diba dapat nandun ka lang sa malayo" tanong ni Oriel kay Mephisto na nakaupo na at nag babasa ng isang libro.

"nainip ako ang bagal mo kasi kaya nakijoin na ako" nakangiting sagot ni mephisto at sa oras na yun ay titig na titig sa kanya si Marlyn at bakas ang pagka mangha sa pag kakakita nya sa isa sa haring ng impyerno na ngayon ay nakatabi sa kanyang kinauupuan.

"Mephistopheles? king of 13th hell?" tanong ni marlyn na ngayon ay nakangiti at parang nakakita ng artista.

"yes mam at your service" nakangiting sagot ni mephisto kay marlyn na dali daling kinuha ang notebook na dala dala nya.

"puwede mo po bang permahan etong notebook ko please" pakiusap ni Marlyn kay mephisto na napa ngiti at nag tanong sa kanya.

"bakit? para saan?" naka nigiting tanong ni mephisto kay marlyn na walang pag dadalawang isip na sumagot.

"dahil hinahangaan ko ang inyong mga nagawa simula ng mapatalsik ako sa langit kaya kung puwede po sana pakipermahan po ang notebook ko pakiusap" nahihiyang sagot ni Marlyn kay mephisto pero binaba ng binata ang notebook sa mesa.

"hindi na kailangan dahil simula ngayon gusto kung maging kaibigan ka para araw araw mo akong puweding kausapin at mephisto nalang ang itawag mo sakin" nakangiting sinagot ni mephisto kay marlyn.

"talaga salamat po ay mephisto pala" nakangiting sagot ni marlyn na parang ibang tao napa iling naman si Oriel dahil mas may humahanga pa sa demonyong si mephisto kaysa sa kanyang mga dakilang nagawa.

" ay oo nga pala balita ko magaling kang mag luto puwede ka bang tumulong sa klase natin sa school festival" nakangiting sagot ni mephisto at walang pag dadalawang isip na pumayag si Marlyn.

"mephisto kamusta na ang pag hihikayat mo sa tatlong klasemate natin" tanong ni Katherine sa kanya na nagulat din dahil kasama na ng dalawa si Marlyn ang classmate nilang walang makalapit dahil sa sobrang mahiyain.

"hi marlyn ako na pala si Katherine" inabot ng dalaga ang kanyang kamay na agad namang kinamayan ni marlyn.

"ah mephisto puwede mo ba akong samahan kausapin natin ung huling babae sa listahan nyong dalawa ni Oriel" nakangiting sinabi ni Katherine kay Mephisto.

"teka sino ba yung huling tao sa listahan nyo?" tanong ni Marlyn kay Oriel na nag bago nag timpla ng muka dahil ang huling pangalan sa listahan nilang dalawa ay ang pinaka delikado sa lahat.

" si Carmilla Vlad ang huling pangalan sa listahan" sagot ni Oriel kay Marlyn na agad nakaramdam ng takot dahil si Carmilla ang Vampire na kilalang kilala sa history matapos mamatay ng Count Dracula.

at habang palayo si Katherine at Mephisto sa dalawa ay napansin ni Oriel at Marlyn ang pag papakawala nito ng itim na enerhiya at sinimulang ibalot sa katawan ni Katherine dahil alam ni mephisto na puweding masaktan ang dalaga.

"hello Car.........." nahintong pag sasalita ni Katherine dahil sa ginawa ni Carmilla at agad etong lumapit sa dalaga para uminom ng dugo mula sa kanyang bagong biktima.

pero ng kakagatin na ni Carmilla ang leeg ni Katherine ay hindi nya etong magawang ituloy dahil sa enerhiyang binalot ni Mephisto sa katawan ng dalaga.

"napakalakas ng loob mo para abalahin ako sa pag kain ko!" galit na sinabi n Carmilla kay mephisto na nakatayo sa likuran nya.

"at ikaw napakalakas ng loob mo para tangkaing saktan si Katherine" galit ding sagot ni mephisto na ngayon ay nanlilisik ang mata sa galit.

matapang humarap si Carmilla kay mephisto para alamin kung sino ang nag mamay ari ng malakas na itim na enerhiyang nag proprotekta kay Katherine.

nagulat si Carmilla ng makilala nya ang binatang nakatayo sa likuran nya ang hari ng 13th hell na si Mephistopheles ang demonyong nag pataw ng batas kung pano lang puweding buhayin si Dracula.

"totoo pala ang balitang nasa mundo ka ng mga tao anong kailangan mo?" tanong ni Carmilla kay mephisto na ngayon ay masama parin ang titig kay Carmilla.

"andito ako para utusan kang sumama sa darating na School Festival Carmilla Vlad at wala kang karapatang tumanggi dahil kung hindi ka mag papakita tatapusin kita at ang kaluluwa ng sinasamba mong panginoon ipakakain ko sa alaga ko" sagot ni Mephisto kay Carmilla na ngayon ay nakaramdam ng takot sa kauna unahang pag kakataon.

wala ng nagawa si Carmilla kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ng isang mas makapang yarihang nilalang sakanyang harapan.

at sa ising pitik ng daliri ni mephisto ay muling nakagalaw si Katherine at napaupo nalang si Carmilla sa upuan at tahimik na pinakingan ang naiutos na sakanya ni mephisto na hihilingin ni katherine ngayon bilang isang classmate.

"ah Carmilla puwede ba kitang maaya para sumali sa Maid Cafe na gagawin ng klase natin?" tanong ni Katherine kay Carmilla na walang pag dadalawang isip na pumayag dahil ramdam parin nya ang nanlilisik na titig ni mephisto sa kanya.

"syempre naman puwede kaso puwede bang isa nalang ako sa maid di kasi ako magaling mag luto" nakangitign hiling ni Carmilla sa dalaga.

"syempre namang kung yan ang gusto mo" nakangiting sagot ni Katherine kay Carmilla at agad namang umalis ang dalaga dahil kailangan pa nilang bumili ng marterial para sa gagawin nila sa school festival.

"tara na mephisto kailangan pa nating bumilli ng gagamitin para sa decoration ng classroom at ikaw ang mag bubuhat" nakangiting sinabi ni Katherine kay Mephisto na narinig ni Carmilla ang pag payag ni mephisto sa hiling ng dalaga.

"si....sino ba yung babae na yun at nagagawa nyang utusan ang hari ng 13th hell" tanong ni Carmilla sa sarili nya na ngayon palang nakakahinga ng maluwang dahil sa takot.

"sya ang taong interest ni Mephisto kaya kung ako sayo wag mong hahawakan o susubukang saktan ang babaing yun" sagot ni Marlyn kay Carmilla at sa tabi ni Marlyn ay si Lilith at silang dalawa ay ang buong pusong gumagalang sa haring si Mephistopheles.

itutuloy....