My Devils Boyfriend 3 : The Innocent and the Demon King

"salamat sa pag tangkilik saming store gusto nyo po bang ipadeliver nalang namin sa school nyo ang mga pinamili nyo?" tanong ng nag titinda kay Mephisto at Katherine.

"hindi na ako ng bahala dito" sagot ni mephisto bago pa makapag salita si Katherine ay binuhat ni mephisto ang pinamili nila na dapat ay apat na tao ang kailangan para mabuhat eto.

natulala ang bantay ng store sa ginawa ni mephisto na parang hindi manlang nabigatan sa kanyang dala dalang pinamili nila.

"salamat po sa pag bibigay ng discount samin sa uulitin po" nakangiting sinabi ni katherine sa bantay ng store bago nya sinundan si mephisto na nag aantay na sa labas.

"mabigat ba?" tanong ni Katherine kay Mephisto dahil nag aalala din ang dalaga na nahihirapan ang binatang kasama nya.

"nope pakiramdam ko nga wala akong dala dala" sagot ni mephisto kay Katherine nagulat naman si mephisto sa sunod na ginawa ng dalaga dahil yumakap eto sa kanyang braso na parang kasintahan nya.

"ah Kath anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ni Mephisto sa dalaga na nakapikit lang at parang binibigay ang buong tawala nya sa binata.

"diba sinabi mo na may gusto ka sakin mephisto?" tanong ni Katherine sa binata na pinamula ng muka ng binata ng maalala nya eto.

"oo nasabi ko nga sayo yun bakit?" balik na tanong ng binata sa dalaga dahil hindi rin maintindihan ni mephisto ang ginagawa ni Katherine.

"wala lang tara na baka inaantay na nila tayo" nakangiting sinabi ni Katherine kay mephisto at nauna na etong mag lakad.

napailing nalang ang binata dahil hindi nya maintindihan ang ginawa ni Katherine pero mas lalong hindi maintindihan ni Mephisto ang kanyang nararamdaman sa ginawa ng dalaga.

at hindi nga nag tagal at nakabalik na ang dalawa sa school at nag simula na ang kanilang pag aayos sa kanilang klase.

nandun na ang tatlong babae si Lilith ay abala sa pag tahi ng mga isusuot ng kanyang mga classmate kasama pa ang ibang succubus na sumama sa kanya ng pumunta sila sa mundo ng mga tao.

at si marlyn naman ay abala namang nag susulat kung anong menu nila sa darating na school festival kasama ang iba pang classmate nyang naka tukang mag luto para sa darating na school festival.

si carmilla naman ay abala sa pag tulong sa kanyang mga classmate sa pag dedecorate ng classroom dahil sa loob ng ilang araw ay mag sisimula na ang ilang araw na school festival.

"anong ngyari sayo bakit tulala ka?" tanong ni Oriel sa nakatulalang si Mephisto habang nakaupo sa upuan sa labas ng school nila.

"wala may iniisip lang ako diba dapat tumutulong ka sa loob?" tanong ni mephisto kay oriel.

"hindi na daw ako kailangan dahil ng mapapayag lang daw natin ang tatlong yun ay malaking tulong na sa kanila" sagot ni Oriel sa tanong ni mephisto.

"ako naman ang mag tatanong ano ang iniisip mo?" tanong ni Oriel kay mephisto.

"hindi ko alam kung bakit ganun si katherine kanina at kung bakit ganito ang nararamdaman ko" sagot ni Mephisto kay Oriel at dahil sa sagot na eto ni mephisto ay parang alam na nya ang problema ng binata.

"ano ba ang ginawa nya at anong nararamdaman mo?" tanong ni Oriel kay Mephisto dahil sa oras na yun ay umiral ang kanyang pagiging anghel at hindi nya nakikita si Mephisto bilang isang kalaban kung hindi isang nilalang na naguguluhan.

"habang nag lalakad kami kanina yumakap sya saking braso at pinaalala nya sakin na gusto ko sya at ng tanungin ko kung bakit ay wala lang ang sagot nya sakin at natuwa ako sa ginawa nya pero hindi ko maintindihan ang ngyayari" sagot ni mephisto kay Oriel.

"pasensya na pero may tanong ako sayo alam mo ba kung pano ang umibig?" tanong ni Oriel kay Mephisto at mabilis etong sumagot sa mamagitan ng pag iling.

"ano naman ang kinalaman nun sa nararamdaman ko?" tanong ni mephisto kay Oriel.

"sa maniwala ka o hindi yun ang nararamdaman mo mephisto iniibig mo ang dalagang si Katherine at wala na akong magagawa kung hindi ang ipaalam sayo na ikaw ay umiibig at natuto kang mag mahal" sagot ni Oriel kay Mephisto na ngayon ay napangiti dahil sa narinig na sagot ni Oriel.

"ganito pala ang umibig" nakangiting sagot ni Mephisto kay Oriel.

nag paalam na si Oriel para bumalik sa klase nila at para malaman kung may maitutulong sya dito.

"mabuti naman Oriel at nandito kana may gusto sana akong ipasukat sayo teka nasan na nga pala si Mephisto?" sinabi at tanong ng dalagang si Katherine kay Oriel.

"nasa baba nakaupo" sagot ni Oriel kay Katherine na nag pangiti sa dalaga at agad etong nag paalam sa mga kasama nya sa naisip nilang plano na patulungin ang mga lalaki para sa mga babaing costumer ng kanilang naiisip na cafe.

"kayo ng bahala kay Oriel tatawagin ko lang si Mephisto sa baba" nakangiting paalam ni Katherine kay Lilith at sa iba pa nitong kasamang succubus.

"teka ano etong uniform na eto teka teka wag nyong sabihing?" tanong ni Oriel at dahil sa reaksyon ng mga babae ay alam na ni Oriel ang gustong mangyari ng mga eto kaya napahawak sya sa kanyang muka at kinuha ang uniform para isukat.

"mephisto!" pag tawag ni Katherine sa nakatayong si mephisto sa tapat ng entrance ng kanilang school nakatalikod at hinahangin ang buhok.

"katherine ikaw pala alam mo bang iniisip ko palang na puntahan ka" nakangiting sinabi ng binata sa dalagang si Katherine dahilan para mamula ang muka ng dalaga dahil mas lalong lumutang ang pagiging magandang lalaki nito.

ng malapit na si Katherine kay Mephisto ay hinarap sya ng binata at laking gulat ng dalaga ng biglang lumuhod sa harap nya ang binatang si mephisto.

"Katherine alam ko mabilis ang lahat at malamang malito ka at maguluhan pero..." putol na sinabi ng binata sa dalaga na nag pataka dito.

"pero ano?" kinakabahan si Katherine sa mga susunod na sasabihin ni Mephisto dahil parang nahuhulaan na nya ang mga susunod na salitang lalabas sa bibig ng binata.

"Katherine will you go out with me?" matapang na tinanong ng hari sa dalagang kanyang napupusuan.

napayuko ang dalaga at napangiti at hinawakan ang kamay ni mephisto na may hawak na isang pirasong itim na rosas at kinuha eto ng dalaga.

"akala ko hindi na mangyayari eto ang akala ko hindi mo na itatanong ang tanong na yan syempre i will go out with you" nakangiting sagot ni katherine sa binata at niyakap nya eto mula sa pag kakaluhod nito.

"oi mamaya na yang lambingan nyong dalawa may gagawin pa tayo" sigaw ng buong klase sa dalawa na hindi nila namalayang kanina pa sila hinahanap at narinig ang lahat ng kanilang pinag usapan.

"ah oo nga pala bago tayo bumalik sa classroom" sinabi ng isa sa classmate nila.

"CONGRATULATIONS SA INYONG DALAWA!" sabay sabay na sinabi ng lahat ng classmate nila pero sa muka ni Camilla ay bakas ang pag tataka dahil hindi sya makapaniwalang puwede palang mangyari ang ganung bagay.

namula muka ni Katherine dahil hindi nya akalaing malalaman agad ng buong klase nila ang pag tatapat ni mephisto at ang binata naman ay napakamot nalang sa kanyang batok habang nag papasalamat sa pag bati ng mga classmate nya.

"wag mong ibahin ang usapan sumunod ka sakin at ang lagay ba ako lang ang mag susukat ng isusuot nating sa festival" sinabi ni Oriel kay Mephisto at hinatak ni Oriel si mephisto papasok ng school at papunta ng classroom.

nakasunod agad si Katherine sa dalawa at nakasunod naman kay katherine si Marlyn na sinabihan ni mephisto na bantayan ang dalaga kasama nya si Lilith.

pag pasok ng dalawa sa classroom ay agad ibinigay ni Oriel ang uniform na isusuot nilang dalawa sa festival mabilis namang sinuot eto ng binata at sa pag pasok ni Katherine ay natulala sya dahil ang bumungad sa kanya ay isang mephisto na nakasuot ng butler uniform.

"welcome back mistress napagod kaba?" tanong ni mephisto kay katherine na hindi na inalintana ang mabilis na pag papalit ng damit ng binata.

"o.... oo nandito na ako " parang lutang ang isip na sinabi ng dalagang si katherine sa kanyang bagong kasintahan nyang si Mephisto.

"tara at umupo ka muna mistress katherine" sinabi ni mephisto sa dalagang kasintahan.

at sa pag upo ni katherine sa upuan ay inabot ng binatang si mephisto ang kamay ng dalaga na kinagulat ni katherine at dahan dahang lumalapit ang muka ni Mephisto sa kamay ng dalaga.

itutuloy....