My Devils Boyfriend 4: Festival Guest.

pero hindi natuloy ang dapat na pag halik ni mephisto sa kamay ni Katherine dahil sa pag pasok ng buong klase sa loob ng classroom.

at dahil dito ay bigo si Lilith at Marlyn na pag solohin ang dalawa dahil sa kagagawan din ni Camilla dahil kahit nag lagay sila ng barrier para walang makapasok sa classroom na normal na tao.

pero dahil kay camilla ay natanggal eto kaya nagawang makapasok ng buong klase sa classroom.

"hoy anong ginagawa nyong dalawa jan?" tanong ng buong klase sa dalawa dahil kitang kita nila na hawak ni mephisto ang kamay ni katherine at malapit na nitong mahalikan ng binata.

"ah eh wala wala nag prapractice lang sya ng sasabihin nya" sinabi ni Katherine sa buong klase matapos nyang hatakin ang kamay nya mula sa kamay ng binata.

lumipas ang mga araw at natapos na ng klase nila ang pag aayos sa classroom at sumapit na ang mismong araw ng School Festival.

at dumagsa ang mga tao mula sa iba't ibang lugar at school para dumalo sa school festival ng school nila at alam ni Mephisto na kahit hindi tao ay dumadagsa sa kanilang school dahil sa nakita nyang onin.

"welcome back mistress napagod kaba?" tanong ni Oriel sa babaing pumasok sa kanilang cafe na ng makita sya na suot ang puting tuxedo ay natulala na.

"welcome home master napagod ka ba master gusto mo ba ng masahe" nakangiting salubong ni lilith sa mga lalaking costumer kasama nya si Camilla at ang iba pang succubus.

"good day my mistress maligayang pag babalik anong maipag lilingkod ko sa inyo" pag bati naman ni mephisto sa costumer nila.

"sa.... salamat" nakangiting sagot ng babaing inassist ni Mephisto habang namumula ang muka.

masama naman ang titig ni katherine sa mga babaing inaassist ng kanyang baong kasintahan dahil dito nalaman ng mga classmate nya na selosa pala ang mabait na si katherine.

mabilis kumalat ang balita na merong magagandang babae at magagandang lalaki na nag seserve sa isang cafe sa school festival.

naging abala ang lahat sa klase nila katherine dahil sa dami ng tao at tuwang tuwa naman ang guro nila dahil sigurado na ang pagka panalo nila dahil sa dami ng tao.

"anong ngyayari bakit wala ng tao?" tanong ng isa sa mga mag aaral sa isang klase na kalaban nila mephisto.

"hindi ko alam pero nasa cafe lahat ng tao at pati mga classmate natin nandun susunod na nga ako" sagot ng classmate nito sa kanya.

habang nag kakagulo ang lahat sa cafe nila mephisto ay isang hindi inaasahang panauhin ang dumating sa kanilang muting school festival.

at ang bisita ay naka upo sa isang upuang gawa sa hindi pa natutukoy na materyal kung eto ba ay ginto na tunay o kahoy lang at binubuhat eto ng mga lalaking nakasuot ng maskara.

mga lalaking naka suot ng maskara at may mga malalaking katawan at napapalibutan sila ng mga lalaking may hawak na kung anong sibat at ang iba ay may hawak na sandata naka suot din ng maskara ang bawat isa at iba ang maskara ng may hawak ng sibat at espada sa bumubuhat ng upuan ng bisita.

"sino sya sino sya?" tanong ng ibang mga bisita dahil halos sakupin na ng bagong dating ang buong daan.

naka suot din ng maskara ang babaing nakaupo sa upuang dala ng mga lalaki at hindi eto kumikilos na animoy manikin lang pero amoy ng lahat ng bisita ang pabangung gamit nito na tumatawag ng attensyon ng lahat.

"marlyn lilith si katerine" sinabi ni Mephisto sa dalawa kaya agad nilapitan ng dalawa ang kasintahan ng binata at pinasuot ang isang kwentas na pinag taka naman ng dalaga.

huminto sa pag andar ang upuan ng bagong dating na bisita at lumapit ang dalawang babae na nakasuot din ng maskara at hinubad ang maskara ng babaing nakaupo sa upuan.

isang magandang babae ang nakasuot ng maskara na may maputing balat mahabang kulay itim na buhok at maamong muka na kayang akitin ang lahat ng lalaki.

na agad namang ngyari at ang bawat lalaki may kasama mang kasintahan o wala tao man o ibang nilalang ay nakatitig sa bagong dating na bisita.

"Chione" sinabi ni mephisto at biglang huminto ang lahat ng tao sa pag galaw dahil ng mga oras na yun ay binuksan ng isa sa alagad ni Chione ang isang baul na may lamang sand hour glass na naka tayo at tinagilid eto ng alagad ni Chione.

"teka anong ngyari bakit parang huminto silang lahat?" tanong ni Katherine ng makita nya na huminto sa pag kilos ang lahat ng classmate nila.

"wag kang mag alala katherine nanaginip kalang sabi ni Marlyn kay katherine at pinatulog na ni lilith ang dalaga gamit ang isang pulbos na mabilis nag pawala ng malay ng dalaga.

"bantayan nyo ang si katherine may kakausapin lang ako" sinabi ni mephisto kay Marlyn at Lilith at sa mga succubus na kasama ni lilith.

si carmilla naman ay napilitang sumama sa dalawa dahil naramdaman nya ang enerhiya ng mortal na kaaway ng mga lahi nya ang galing sa nile.

"anong ginagaw mo dito Chione?" tanong ni Oriel na nauna na kay mephistong lumabas dahil sa naramdaman nyang enerhiya ng nile.

sa pag dilat ni Chione ay napaluhod si Oriel dahil sa pag bigat ng buong katawan nya na parang dinadaganan ng isang bagay na wala sa mundo ng mga tao.

"hindi ko dapat sagutin ang tanong ng isang nilalang na gaya mo isang anghel na pinatapon sa lupa" ang sinagot ni Chione sa anghel na si Oriel na hirap pag labanan ang enerhiyang dumadagan sa kanyang katawan.

"siguro naman sasagutin mo ang katanungan ko the Daugther of Nile" tanong ni Mephisto kay Chione na ngayon ay nasa kanyang kasuotang hari ng 13th hell.

hindi sumagot si Chione pero lumapit ang alagad nitong naka suot ng anubis na maskara para atakihin si mephisto pero pinigil ni mephisto ang baston na hawak ng anubis gamit ang kamay nya at tinitigan ng masama si Chione.

"sumagot ka Chione?" galit na tanong ni mephisto na naging dahilan para maging patuloy ang pag kalat ng itim na enerhiyang tinatago nya para maging normal na tao.

"mephistopheles kayo ang naunang lumapit sakin andito ako para makisalamuha sa mga tao kayo ang unang umattake gusto ko lang mag saya" sagot ni Chione kay mephisto dahilan para muling bumalik sa pagiging mahinahon ang binata.

"bakit kailangan mo pang pahintuin ang oras?" tanong ni Mephisto kay Chione dahil un ang dahilan kung bakit inatake sya ni Oriel.

"hindi ako puweding mag palit ng aking kasuotan sa gitna ng maraming tao na makikita ako dahil pag nakita nila ang aking katawan ay kailangan ko silang tapusin lahat" sagot ni Chione at agad syang nilapitan ng dalawang alalay nya na may suot na maskara ng pusa ng itaas nya ang kamay nya agad namang tumalikod si mephesto.

"ano ba yan bakit bigla bila kang nag bibihis alam mong lalaki ako" sagot ni mephisto kay Chione.

"pero hindi ka tao" sagot ni chione at nawala ang lahat ng kasama nyang lalaki at ang tanging natira lang ay ang dalawang babae na may suot na maskara ng pusa pero ngayon ay bracelet na may muka ng pusa ang natira.

bumalik na ang dalawa sa classroom nila at muling sinuot ang uniform nila bago pa maibalik ni Chione ang lahat.

ilang oras ang lumipas at buong akala na ng dalawa ay matatahimik na ang kanilang buong school festival dahil sa pag alis ni Chione.

"welcome home mistress napagod po ba kayo?" ang pag bungad ni Mephisto sa nag bukas ng pintuan na babaing costumer at hinawakan ang kamay nito.

"aaaaahhhh hindi naman ako ganung napagod" nahihiyang sagot ni Chione sa tanong ng binatang naka suot ng tuxedo at dahil nakilala ng binata ang boses ng babae at laking gulat nya ng makita nyang si Chione ang babae na kayang hinawakan ang kamay.

inalalayan ni Mephisto si Chione sa pinaka malapit na upuan nag iba naman ang tono ng pag sasalita ni Chione dahil ngayon ay mahinhin na eto at parang isang normal na babae.

"gusto kita puwede ba kitang gawing kasintahan?" tanong ni Chione kay mephisto ng makaupo eto sa upuan na para sa costumer.

nagulat ang lahat at mas lalong nagulat si katherine dahil sa narinig ng pag tatapat ng isang magandang babae sa kanyang kasintahan aminado si katherine na mas maganda sa kanya si Chione kaya agad nya etong nilapita.

"teka anong sabi mo?" pasigaw na tanong ni katherine ng lapitan nya si Chione na dahilan para agad namang tumayo ang dalawang alagad na babae ni Chione pero hindi naman nag pahuli si Marlyn at Lilith para protektahan si Katherine.

itutuloy....