Ikinasa ng lalaki ang tangan nitong cal . 45 habang tumutulo ang mga luha ay dahan dahang itinutok ang nguso ng baril sa sentido. Umalingawngaw ang isang putok na dinig sa buong bahay. Napablikwas ang mag-asawang napapahinga sa mga oras na iyon at pinuntahan ang kanilang bodega. Naabutan nila ang duguaan kong anak na nakahandusay sa maruming sahig. Nasa tabi nito ang cal .45 na pistol at isang shell ng bala nito.

 

Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang sirena ng ambulansya...

 

Krrrrriiiiinnnnggggg!!! ang pagwawala ng isang tipikal na alarm clock na nagpagising sa diwa ng isang natutulog na binata. Nagmulat ito nga mga mata at umupo sa kanyang kama.

 

“Nak ng pusa oh! Kala ko totoo ang panagip ko.” ang pasimple nitong pagmumura.

 

“Teka umeepal na naman ang narrator ah. Layas narrator at ako na magkukwento. Guys hindi kayo namamalik mata. Yes it’s me Nicholas Patempzki. Pero inilibing ko na kasama ng puso ko ang nick name kong Kupz at kung maaari ayoko nang maririnig pa ito. Hindi ako multo. Oo nga at nangyari yung napaniginipan ko kanina pero eto ang totoong nangyari...”

 

Balak ko sana magpatiwakal gamit ang baril ni pappy dahil sa sakit na dulot ng ginawang paglalaro ni Maria Nieves sa damdamin ko. Kakalibitin ko na lang ang trigger nang maisip kong hindi pala ako makakabawi kapag namatay ako. Magiging masaya ang lekat na haliparot sa piling ng di ko nakilalang lalaki. Ano bale? Masaya sila.

 

Sa galit ko ay ipinutok ko ang baril sa paitaas na direksiyon. Tumama ang bala sa kahoy na nakasingit sa kisame ng bodega. Bumagsak ang may kalakihang kahoy ay jackpot na nasentro ang aking ulo na sanhi para pumutok ito at umagos ang dugo. Nahilo ako at nawalan ng malay. Siya namang pagdating ng aking mga magulang na nagdala sa akin sa ospital.

 

Sa ospital na ako nagkamalay. Makirot ang likod ng aking ulo nang magising ako ng bandang alas 11:30 ng tanghali. Ang concern na mukha ng aking ina ang aking namulatan. Pero seryoso at matiim na nakatingin sa akin si major pappy.

 

Unti unti namang lumambot ang expression ng aking ama dahil na rin siguro sa aking itsurang may benda sa ulo. “Sa susunod anak, wag mo na paglalaruan ang baril ko. Kung gusto mo mag firing sana sinabi mo para isinama kita sa kampo. Dun walang bayad.” ang sabi ni pappy.

 

“Kuh... Tigilan nyo yan at baka kayong mag-ama ang ma fire ko.” KJ na sawata ng aking ina. Nagkangitian kaming lahat dahil sa biro ng aking ina. Hapon na ng lumabas kami ng ospital. Di naman grabe ang tama ko sa ulo pero kelangan pa rin itong tahiin.

 

Hindi naman naapektuhan ng pangyayari ang aking pag-aaral. Bagkus lalo pa itong nagpatatag sa aking kagustuhang makatapos ng pag-aaral, makapag trabaho, yumaman at makaganti sa babaeng nanakit sa aking damdamin. Kung hindi man kay Marnie ako makaganti ay sa ibang babae na lang. Wala akong pakialam. Umiiyak kung iiyak. Masagasaan na at masaktan ang kahit na sinong babae. Dumadating ang oras na parang galit ako sa lahat ng babae pero naisip ko namang hindi ako pwedeng maging woman – hater. Paano ko mapapaamo ang mga babae kung galit ako sa kanila? Nagpasya akong pag-aralan ang mga ugali ng kababaihan. Mga ayaw at gusto nilang bagay. Niresearch ko ang lahat ng may kinalaman sa babae pati na ang pagpapaligaya sa kanila.

 

Nov. 2001.

Pagkalipas ng tatlong buwan matapos ang insidente sa akin, masakit pa rin ang nangyari. Mabigat sa dibdib tuwing naaalala ko ito. Nilalabanan ko na lang sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aking kaalaman. Pagbabasa ng mga libro ang ginawa kong outlet ng sintimiyento ko sa pag-ibig. Nasa third year na ako ng kinuha kong course. Graduating na. Patapos na ang first semester noon at gagawa kami ng isang stage play para sa final project namin sa English.

 

Napagkasunduan namin magkakaklase na sa boarding house ng klasmeyt naming tinatawag na Gov na bumuo ng script. Kamukha daw nya ang noo’y gobernador ng Cavite na si Bong Revilla kahit ang totoo’y hindi naman nya talaga kamuka.

 

Tatlong minutong tumbling lang mula sa school namin ang inuupahan ni Gov. Ako ang script writer noon na napagkasuduan ng tropa dahil lahat sila ay mahina sa English. Ako ang medyo may nalalaman ng konti lang naman sa grammar. Makakatulong ko ang kaklase kong si Ronald sa paggawa ng script habang naghahanda ng chicha si Gov.  Kasama din namin ang pinsan ni Gov na si Moymoy. Kaklase ko din si Moy – maliit lang na binata. Parang naligaw lang na inutusang bumili ng suka at naligaw sa classroom namin nung una. Pero magaling ang kamay sa pag wewelding at oxy-acetylene. Sabi nga ay hayop sa kamay pero evil ang pagmumukha.

 

Sa labas ng pintuan kami gumawa ng script. Masikip kasi ang tinutuluyan ng magpinsan. Naglabas na lang mesa at silya para patungan ng sulatin at pagkain. Sa tapat ng pintuan ni Gov ay may mas malaking kwartong inuupahan ng schoolmate din naming si Arvin na first year sa Mechanica Eng’g. Di ako makapag concentrate sa ginagawa dahil ang ingay ng grupo sa tapat namin. Lumabas si Arvin at lumapit sa akin at humingi ng dispensa dahil nakakaabala daw sila sa pag-aaral namin.

 

Arvin : Pre, pasensya na kayo at maingay ang tropa. Birthday ko kasi. Tagay muna tayo. Gov, samahan mo kaya itong dalawa para di mahiya.

 

Kinabahan ako. Hindi pa kasi ako pinapayagang uminom ng alak. Lagot ako kay pappy o kay mama kapag naamoy nila ang alak sa hininga ko mamaya. Halos puno sa loob ng kwarto. May walong babae at 2 bakla na nagiinuman sa loob na kabarkada ni Arvin. Mga naka school uniform na pang nursing student mula sa kabilang college.

 

Pinakilala sa amin si Sheena (Shen) - chubby na makorte ang katawan at pangharabas ang bumper at pwet. Si Angelene (Angie) – matangkad na payat, maiksi ang buhok at mukhang bumbay. Si Katherine (Kat) – maliit na payat pero cute. Si Joanalyn (Joan) na kahawig, ka height at kasing katawan ni Kat kaya tinatawag silang kambal. Si Marjorie (Marj) – Singkit na petite. Si Mary Gail (Meg) – maganda at sexy pero boyish, parang tibo umasta. Si Debbielyn (Debbie) – gf ni Arvin, baby face, cute at sexy. May mayamang dibdib, makurbang baywang at maumbok na pwet sa kabila ng 5’2 na height. At si Precious (My Precious) – ang umagaw ng aking pansin. 5’3 lang ang taas pero matayog ang kabundukan, maubok ang hulihan at siguro ay malapad din ang kabukiran. Magaganda ang bilugang mga... mata, matangos ang ilong at pinkish ang makipot na labi. Maputi at makinis ang balat nya sa mukha, leeg, braso at binti. Ang dalawang barkada nilang bakla ay sina Arthur (Art) at Simpson (Sisoy).

 

Tinagayan ako ni Arvin ng gin pomelo na sikat noong panahong iyon. Nagulat ako at tila nagising sa magandang panaginip tungkol kay Precious. Napuna ito ni Arvin at tatawa tawang inabot ang baso. Kinabahan ako. Buti na lang sinagip ako ni Gov. “Yung tagay ni Nick eh sa akin mo na lang ibigay. Wala pang lisensya yan sa erpat nya.” at inabot ang baso.

 

Noo’y inagaw ng may tama nang si Angie ang baso ng gin pomelo at lumapit sa akin.”Kapag di mo ito ininom... ili lips to lips kita sa harap nila.” ang banta ni Angie.

 

Agad kong kinuha ang baso at tinungga. Hidi sa takot akong mahalikan sa oras na iyon kundi parang nahamon ang pagkalalaki ko. Sila ngang girls and gays umiinom eh, ako pang lalaki ang hindi. Ang pakla ng lasa pero pinilit kong wag ma twist ang mukha ko. Mainit sa lalamunan at sikmura. Inabot ang lechong manok na pulutan at medyo nawala ang lasa ng alak at juice.

 

“Sayang...” ang bulong ni Angie. “Yosi?”ang alok nya sa akin, hawak ang bawas nang pakete ng lucky strike.

“No, thank you.” ang tanggi ko.

“Isa! Hahalikan kita!” ang banta muli ni Angie. “Anong name mo?” ang tanong ni Angie sa akin.

“Nicholas Patempzki. Nick na lang.” ang sagot ko sa kanya sabay kuha ng isang stick sa kaha.

“Paano ba ito?” ang tinutukoy ko ay ang hawak kong stick ng luckies.

 

Kumuha si Angie ng isang stick sa hawak niyang kaha ng luckies. Isinubo sa bibig at sinindihan ang dulo gamit ang lighter mula sa bulsa ng uniform. Humits ng isang malalim at maarteng ibinuga sa gilid ang puting usok. Ginaya ko ang proseso. Si Angie ang nagsindi ng yosi ko sa bibig. Unang malalim na hits ay di ko na naibuga dahil sabet. Dinalahit ako ng ubo. Tatawa tawang hinimas ni Angie ang likod ko.

 

“Ano Nick? Ok ka lang?” ang tanong sa akin ni Angie. Hindi ako makasagot agad. Ansakit pala sa lalamunan pag nasamid ka ng usok. Napapailing na tatawa tawa ang mga barkarda ni Angie. Pero hindi si Precious na seryoso lang na nakatitig sa akin. Kita ko ang concern sa kanyang mata. Himitit ng isang malalim si Precious sa hawak niyang Marlboro green sabay buga ng usok papaitaas na nakatitig pa rin sa akin.

 

Tuloy lang ang pag-ikot ng tagay ng gin pomelo, subo ng pulutan at nakakahilong usok ng yosi. Nagkukwentuhan, naghaharutan at nagkakantahan ang tropa ni Arvin. Samantalang kami ay chill lang na kakwentuhan si Arvin. Panakaw kong sinulyapan si Precious na nahuli kong nakatingin din sa akin. Biglang lingon sa kabilang direksiyon ang magandang mukha ng dalagang nursing student.

 

Si Precious ang pinaka bet ko sa lahat ng girls dun. First round pick ko. Yun ang sabi ko kay Arvin. Best friend daw yun ng gf niyang si Debbie. Ilalakad nya daw ako kung gusto ko. Tinanggihan ko ang alok nya. Masyado pang maaga para lumandi ako ulit. Hindi pa ako tapos sa mga research ko tungkol sa mga babae. Sinabi ni Arvin na malakas ang tama ni Angie sa akin. Hindi daw ito basta basta nalapit sa lalaki kung di nito type. Mag-ingat daw ako dahil player daw si Angie. Maraming pinaiyak at pinaikot na lalaki. May pinag-away pa.

 

Naiiling na lang ako sa sinabi ni Arvin. Kaya pala ang lakas ng loob na magbantang hahalikan ako kanina. Kaya pala halos tunawin ako sa titig. Kulang pa din ako sa pandama sa ganitong klase ng babae. Nag-isip ako ng plano kung paano ang gagawin kung sakaling gumawa ng move itong si Angie.

 

Malakas na ang tama ng alak kay Angie. Ayaw na paawat sa paglapit sa akin sa kabila ng pagpigil sa kanya ng bff na si Art.

 

 “Oi Nik Nok. Marunong ka bang maglaro ng bilyar?” ang tanong ni Angie sa akin.

“Naku eto na. Kawawa naman itong si Nick. Mukhang may bagong laruan na nakita si Angie.” ang bulong ni Sisoy kay Art. Bulong na umabot sa pandinig ko.

“Laruan pala ah? Sige makikipaglaro ako sa iyo Angelene Santos.” ang bulong ng isip ko.

 

Sumagot ako. “Konti lang ang alam ko sa bilyar. Bakit mo natanong?” balik tanong kong sagot kay Angie.

 

“Bilyar tayo dun sa kabila. Kapag natalo kita babayaran mo ang mesa at alipin kita in one month. Ihahatid sundo mo ako na libre mo ang pamasahe, bibigyan ng chocolates or kahit anong food basta masarap at yosi. Plus susunod ka sa lahat ng utos ko.” ang mayabang niyang sabi, lasing na kasi.

 

Kahit asar ako ay nagpaka kalmado lang. Excited ako sa larong papasukin. “Eh paano kung ikaw ang matalo ko.” ang tanong ko sa kanya.

 

“Jowa mo na ko mula ngayon pag natalo ako. Pwede mo na akong dalhin kahit saan at sarguhin kung gusto mo. Iyon ay kung ako ang matatalo.” ang sabi Angie.

 

“Angie?..”ang awat ni Art sa best friend.

“Hayaan mo na ako best. Hindi ako matatalo. Pagbigyan mo na ako. Type ko kasi si Nick kaso mukhang suplado eh.” ang bulong ni Angie

 

Alam nitong magaling si Angie sa bilyar pero lasing na ito. Walang dapat ipag-alala dahil andun lahat silang magbabarkada na aawating sumama sa akin si Angie. Pero nahihiya siya sa inaasal ng bff dala ng kalasingan. Kahit natulala ako ng sandali dahil sa kundisyon at premyo ng mananalo ay pumayag akong labanan si Angie. Kahit wala akong praktis sa bilyar ay llmado ako dahil may tama ang kalaban ko.

 

Napasunod na lang sila sa kabilang pwesto kung saan nakalagay ang dalawang billiard table. May Naglalaro pero nakiusap ang mga girls na kasama ko na kami muna ang maglalaro kasi may pusta. Napangiti ang lalaking kinausap ni Shen nang malaman ang premyo ng mananalo. Pinagbigyan kaming maglaro.

 

Nine-ball ang laban. Best of three, raise to two ang kasunduan. Ladies first na lang. Sumargo si Angie at maganda ang kalat ng bola, nahulog pa ang tres. Si Angie ulit ang tira. Inasinta ang uno at left corner, prepare na tutok sa dos. Bolang singko lang ang naihulog ko. 1 – 0 in favor of Ms. Angie.

 

Looser’s break kaya ako ang sasargo. Kahit tatlong shots pa lang ako ng gin pomelo ay umiikot na ang tingin ko. Tila malilikot ang mga bolang nakaayos sa mesa. Binigyan ko ng isang makabasag cue ball na break. Buenas – hulog agad ang nueve. Ang lakas ko noon kay Alah. As in Alah Tsamba. Taas kilay ang di makapaniwalang si Angie.

 

Si Angie na ulit ang titira. Maganda ang pagkaka break at kalat ng mga bola. Pasok ang green ball (six). Naihulog ni Angie mula uno hanggang siete. Maganda ang tumbok ni Angie pero kinulang sa lakas ang tira at di nahulog ang otso pero nakabingit sa side. Pinahaginan ko ang nakabingit na itim na bola at nahulog sa side pero dahil sa hina ng tira ay hindi man lang bumanda ang cue ball para maprepare nang malapit sa nine ball. Straight nga ang position ng dalawang bola pero malayo naman – parehong malapit sa corner. Kelangan kong mapapunta sa pakanang direksiyon ang nueve dahil mas malapit ang right corner pocket. Bahala na si Chin Chan  Zu, sabi ko.

 

Tinira ko nang malakas ang cue ball para ihulog ang nueve sa right corner pocket, sumakay ka pa. Laglag ang panga ng mga nanonood ng hindi tamaan ng cue ang nueve. Maliwanag naman pero sablay. Wala na sana akong pag-asa nang bumanda ang cue ball at bineltukan ang nueve na diretsong nahulog sa corner na malapit sa kinatatayuan ko. Niligtas ako ni Chin Chan Zu – ang bathala ng tsamba.

 

Nagdiwang ang kasama kong mga ungas. Ang galing ko daw tsumamba – ang pang-aasar nina Gov at Ronald. Hindi ko nagawang makidiwang sa kanila dahil ang premyo ko ay tila nawalang parang bula. Nakatulog na sa kalasingan si Angie at sigurado ako di sya umaarte. Talagang tambay (sapul) siya at laglag na ang tuka.

 

Agad inalalayan ng mga tropa niya si Angie para makapagpahulas ng tama sa tinutuluyan ni Arvin. Sumunod kami nina Gov at Ronald sa kanila. Hindi ko ipinahalatang asar-talo ako nang nagpaalam sa mga nakainuman. Gusto ko nang umuwi dahil sa sama ng loob. “P*KE NA, NAGING BATO PA”. Nagpaalam ako kay Gov at niyaya si Ronald na umuwi. Sinabi kong bukas na lang namin ituloy ang ginagawang script. Wala na ako sa mood mag-isip. Okupado na ni Precious ang utak ko at ang asar ko sa nangyaring pagkapanalo. Oo nga at tsamba pero panalo pa rin. Kaso wala akong nakuhang premyo dahil tinulugan ako.

 

Paalis na kami nang habulin kami ni birthday boy Arvin. Tawag daw ako ni Angie. Pumunta naman ako. Naabutan kong nagkakape siya. Lumabas ang tropa para bigyan kami ng privacy sa utos ni Angie. Sinara na niya ang pinto at nilock.

 

“Pwede mo nang makuha ang prize mo. Ibibigay ko sa’yo ngayon.” ang malambing na sabi niya sa akin.

 

“Angie... Gagawin ko na lang ang pinag-usapan natin kapag walang alak ang utak mo. Baka sabihin ng mga kaibigan mo na sinasamantala ko ang sitwasyon. Bukas mo na lang ako kausapin at sabihin mo ng sinabi mo ngayon kung matatandaan mo pa. At sa itsura mo ngayon parang di mo na kayang lumaban. Pahinga ka na lang muna. Ok?” ang mahaba kong paliwanag kay Angie.

 

Tulala siya sa narinig pero dagling ding napangiti. Napahanga ko daw siya sa pagkamaginoo ko. Bihira daw ang lalaking ganito sa ngayon. Binigyan nya ako ng isang maalab at may katagalang halik sa labi kasabay ng isang “I Love You, Beb”. Lahat ng ito ay pakagat ko lang. Bahagi ng pagganti ko sa kasawiang sinapit ng aking puso. Di nya makikita na sa kabila ng pagkamaginoo ko ngayon ay ang pangil na handang sumila sa kanyang laman kapag napalapit siya sa akin.

 

“Pag-isipan mo ngayon at bukas tatanungin kita ulit tungkol dito.” ang sagot ko sa “I love you” nya.

Tumawag na ng tricycle si Ronald. Humabol na naman si Arvin.

“Dito na lang kaya ako tumira? Ayaw mo yata akong pauwiin.” sita ko kay Arvin.

“Ah eh Nick last na to.Kung pwede sasabay na daw sa inyo si Precious.” ang sabi ni Arvin.

“Taga saan ba si Preciousa?” ang tanong ko kay Arvin.

 

Nalaman kong taga bayan lang pala si Precious at dadaan din kami ni Ronald dun bago maghiwalay ng jeep na sasakyan. Pumayag akong sumabay sa amin si Precious. Tinapik ako ni Arvin sa balikat at kumindat sabay sabing...

 

“Ingatan mo ang maganda at seksing best friend ni Debbie ko ha.” sabay ngiti.

 

Tumango na lang ako sa tila pasaring ni Arvin. Tinawag na nya si Precious. Inalalayan namin nina ni Debbie at Arvin na makasakay ng tricycle bago ako naupo sa loob ng side car. Si Ronald ang nasa back ride. Nakapikit ang mga mata ni Precious at nakasandal sa upuan namin. Malamig na noon ang simoy ng hangin dahil mag papasko. Naramdaman kong sumubsob si Precious sa aking balikat at niyakap ang aking kaliwang braso. Nilingon ko siya kung tulog ba talaga pero di ko makita dahil medyo madilim ang tryke. Hinayaan ko na lang siyang magpahinga kahit di ako mapakali sa kanyang kabanguhang nahahaluan ng amoy ng alak.

 

Patay malisya kong sinamyo ang kanyang buhok. Kahit nasa biyahe kami at mausok ay nangingibabaw ang shapoo na ginamit doon. Inaamin kong type ko si Precious pero di ko sya mahal. Type ko lang maging gf at ikama ng madming beses. Pagsawaan bago palitan. Narating namin ang highway. Nagpatawid kami sa tricycle sa kabilang kalsada dahil madaming sasakyan. Mahihirapan kaming itawid si Precious.

 

Ginising ko ang nakatulog na magandang babae. Pupungas pungas pa ito kaya inalalayan kong tumayo, inakay sa waiting shed at pinaupo sa konkretong upuan. Pinasamahan ko siya saglit kay Ronald at binalikan ko ang tricycle driver para bayaran ang pamasahe. Balik ako agad kay Prescious sa shed.

 

“Fresh?...” tawag ko kay Precious.

“Hmmmm...” ang malambing nyang himig na pasagot sa akin.

“Ihahatid ka na namin ni Ronald sa inyo.” aang sabi ko sa kanya.

“Ikaw na lang ang maghatid sa akin. Wag kang mag-alala malapit lang kami sa gate ng subdivision. Tsaka baka may “lakad” pa si Ronald di ba?” ang baling niya sa kasama ko. Idiniin pa talaga ang salitang lakad.

 

Nakuha naman ni Ronald ay ibig sabihin ni Precious at sinabing...

 

“Oo nga pala boy. May Pinapabili pang gamot ang nanay ko sa akin. Kaya mo na yan. Uuna na akong umuwi.” ngingiti ngiting pumara ng jeep sabay sakay.

 

Hinarap ko na si Precious. Tinanong ko ang direksiyon ng paghahatiran ko sa kanya. Pumara siya ng jeep na may sign board na kagaya ng sinakyan ni Ronald. Sumunod na lang ako sa kanya at naupo sa tabi nya. Ipinatong niya ang kamay ko sa kanyang hita at niyakap ang braso ko. Para kaming mag jowawers sa mata ng kahit sinong makakakita.

 

“Bakit mo pinauna si Ronald eh pareho lang pala saksakyan natin.” usisa ko sa kanya.

 

Istorbo lang daw si taba. MH kung baga. As in Malaking Hadlang. Bumaba kami sa bayan. Nagyaya si tisay sa 7-11 at nagugutom daw siya. Mukha nga gutom si Precious. Ang dami kasing biniling pagakain. Bumili din siya ng bottled water, juice at... red bull supreme? Ah siguro supplies nya sa bahay. Mahilig sa chips si tisay, sexy dahil siguro di kumakain ng kanin puro bread lang. Tinulungan ko siyang magdala ng pinamili.

 

“Taralets.” ang yaya ni Precious sabay hatak niya sa akin papunta terminal ng tricycle.

 

Sa terminal si Precious ang hinayaan kong makipag-usap sa driver. “San kayo boss, mam?” ang tanong ng driver.

 

“Ahm... ** Lodge po kami manong.” ang diretsong sagot ni Precious.

 

Saglit na natigilan ang driver. Nguniti sa akin at tumango. Agad na pina start ang makina ng tryke at dahan dahang pinausad pabalik sa highway. Nag-usisa ako kay Precious.

 

“Preciousa, tama ba narinig ko? ** Lodge? Motel yun ah... anong gagawin natin dun?’ pa eklat kong tanong.

“Alam mo na kung anong dapat gawin sa loob nun di ba pwera na lang kung virgin ka pa or kung gusto mong lagyan ako ng make up at i-curl mo ang buhok ko.”mataray niyang sabi.

 “ Sure ka bang doon mo gustong mag stay?” naniniguro kong tanong.

“Gusto mo o ayaw mo? Sagot!” mataray niyang tanong.

“Gustong gusto ko.” ang nakangiti kong sagot.

“Yan! Mabait ka naman pala eh.” sabay hilig niya sa aking balikat na may yakap sa aking katawan.

 

 

itutuloy ko na lang...