You could have a change of heart, if you would only change your mind
Instead of slamming down the phone girl, for the hundredth time
I got your number on my wall, but I ain't gonna make that call

When divided we stand baby, united we fall

 

Got the time got a chance gonna make it
Got my hands on your heart gonna take it
All I know I can't fight this flame
You could have a change of heart, if you would only change your mind
Cause I'm crazy 'bout you baby, time after time

 

 

Without you
One night alone Is like a year without you baby
Do you have a heart of stone
Without you
Can't stop the hurt inside
When love and hate collide

When Love and Hate Collide (Def Leppard)

 

Nagising ang dalawang babae sa tabi ko dahil sa malakas na pagsara ni Ronald sa pinto.

 “Ay bastos!” sabay hagilap nila ng kumot para itakip sa katawan nila.

Pinalabas ko muna si Ronald para makapag-ayos ng sarili namin. Agad na lumabas ang ngising ngising si loko. Babangon na sana ang dalawang babae nang muli silang mapaupo sa kama na hawak ang kanilang mga ulo.

“Ouch. Putcha! Ang Sakit ng ulo ko sis.” ang sabi ni Angel.

“Ako din. Ang dami natin nainom kagabi.” ang sagot ni Precious.

“Nainom na ano?” ang nakangising hirit ko.

“Tse! Kasalanan mo ‘to.” ang taray ni Angel. “Joke lang. Good morning Nick.” sabay tayo at akmang susugod ng yakap sa akin.

 

Maagap na nahila ni Precious ang buhok ni Angel kaya napasunod itong bumalik sa kama. “Hep hep. Hmp. Expired na ang kasunduan. Umaga na oh. 7 am na kaya.” ang turo ni Precious sa wall clock ng silid.

 

“Eto naman... Kung makahila. Magte thank you lang ako sa kanya eh.” ang natatawang sabi ni Angel kay Precious. Tingin ko naging close sila mula kagabi.

“Eh di magte thank you ka nang walang yakap. Oi girl akin pa rin yang si Nick huh. Wag mo aaswangin yan, may usapan tayo.” ang nakangiting sabi ni Precious.

“Eh di sa’yo na... isaksak mo dyan sa malandi mong p*ke. Hihihi.” sabay kilitian ng dalawa.

“Ehem... Ako ang pinag-uusapan nyo. Andito lang ako. Bumangon na kayo dyan at magbihis. Magkape tayo, medyo maskit din ang ulo ko.” ang sita ko sa dalawang babae.

“Ulo saan, babe?” ang biro ni Precious.

“Taas o baba?” hirit din ni Angel.

“Pareho. Grabe kayo. Precious last na ‘to ah. Pinagbigyan ko lang ang trip mo.” ang kunwari kong sabi. Pero sa totoo lang ay ang sarap pala sa pakiramdam na dalawang babae ang ka sex, nakakapagod nga lang.

 

Nagsuot na ng mga hinubad nilang damit sina Angel at Precious. Ako naman ay nagsuot ng ibang shorts at black na sando. Kinuha ni Angel ang spare key kay Precious at uuna na daw siyang bumalik sa kwarto nila. Sumilip muna si Angel sa pintuan. Nang walang makitang tao ay patingkayad na sumibad palabas ng pinto at umakyat sa hagdan.

 

Ang kwento ni Angel :

Binuksan daw niya ang naka lock na pinto ng kwarto nila gamit ang susing bigay ni Precious. Pagpasok nya ng kwarto, muntik na siyang mapasigaw. Dahil may katabing lalaki sa kama si Kat at magkayakap pa. Magkasukob sa kumot ang dalawa kaya di niya alam kung may damit. Lantad lang na walang suot na damit pang itaas ang lalaki. Sinilip nya kung sino ito. Si Gov pala. Bukas din ang shower at dinig nyang may naghahagikgikan sa loob ng cr na parang nagkikilitian.

 

Di naman nagtagal. Narinig ni Angel na bumukas ang pinto ng cr. Lumabas ang bagong paligong si Shen at Ronald. Bigla daw namula ang dalawa pero nakabawi naman agad.

 

“Huli...” ang panggugulat ni Angel. Napalakas ang pagkakasabi niya kaya napabalikwas ng bangon si Gov. at Kat. May shorts naman palang suot si Gov at Kat. Kaso walang damit pantaas si Gov at si Kat naman ay maong shorts pero naka bra lang na kulay pula.

“Sus. Bakit ako mahihiya. Sis naman natin itong si Angel di ba?” ang sabi ni Shen.

 

Pero nahiya pa rin si Ronald kahit na nahuli din niya kanina si Angel. Samantalang sila Gov at Kat ay nakatayo pa rin na hindi alam ang gagawin o sasabihin.

 

“Oi kayong dalawa. Para kayong shunga dyan. Maupo nga kayo at kwentuhan nyo naman ako. Mukhang marami akong namiss ah.” ang nakangiting sabi ni Angel.

“Bruha, ikaw ang magkwento. Kanino namang kwarto ka napadpad? Simula nang iwanan ko kayo ni Precious kagabi, ngayon ka lang lumitaw.” ang nakangiting sabi ni Shen.

“Ah eh... Dyan lang. Nag boy hunting. Sa basketball court, sa bilyaran, sa pool. Baka lagi tayong salisi kaya ganun.” ang palusot ni Angel.

“Di kaya ikaw ang sumalisi, Gel.” ang parinig ni Ronald.

“Heh. Tumahimik ka. Ikaw anong ginawa mo sa cr namin?” ang nakangiting sabi ni Angel.

“Inayos ko ang tubo, barado kasi.” nakangiting palusot ni Ronald.

 

Napuno ng tawanan ang silid. Binalingan nman ni Angel sina Gov at Kat. “Kayo namang dalawa Gov. Anong drama nyo ni pusa?

 

“Di ko nga alam eh. Si papa Nald ang katabi ko kagabi. Di ko alam kung paano naging si Kat na ngayong umaga. Kat panagutan mo ‘ko.” ang biro ni Gov.

“Ulul... Sige itanggi mo.” gigil na sabi ni Kat na may pinong kurot sa tagiliran.

“Aray! Joke lang Kat, eto naman.” ang nakangiwing sabi ni Gov.

 

Noon kami pumasok ni Precious. Nakayakap ang braso nya sa bewang ko at naka akbay naman ako sa balikat nya.

“Hey! Mukhang nagkakasayahan kayo ah? Sali naman dyan.” ang bungad ko.

“Kami nga ba o baka kayo ang nagkasayahan kagabi.” ang nakangiting pasaring ni Ronald.

 

Kinurot ni Angel ang hita ni Ronald kaya napa “Aray!” ito. Pinandilatan ito ni Angel ng mata na babala na wag maingay. Nakuha naman ni Ronald agad.

 

“Bakit ka umaray, Nald? tanong ni Shen.

“W-wala lang. May kumagat kasi sa ano... langgam yata.” palusot ni Ronald.

 

Napuno na naman ng tawanan ang buong kwarto. Nagbiruan na sa susunod daw ay wag na mag-assign ng mga roommates kasi di naman daw nasusunod. Isang malupit ngang swap ng roommates ang nangyari kagabi. Niyaya ko silang mag-almusal sa baba.

 

“Una na muna kayo.” sabi ni Gov.

“Anong balak mo?” tanong ni Ronald.

“Wala naman. Kakagising pa lang namin ni Kat. Maghihilamos lang at konting mumog.” ang sabi ni Gov.

“Hintayin na namin kayo dito. Baka matagalan pa kayo pag iniwan namin kayong dalawa.” ang sabi ni Shen.

“Ate Shen talaga, ang KJ.” natatawang sabi ni Kat.

“Sayang.” sabi ni Gov.

“Unggoy!” Tumabi ka nga dyan. Ako na unang gagamit ng cr.” ang sabi ni Kat kasabay ng isang pasimpleng pisil sa tagiliran ni Gov.

 

Lalong nag-ibayo ang asaran sa nakita naming gesture ni Kat. Ilang sandali pa ay bumaba na kaming lahat at masayang nagsalo salo sa masagang almusal na nakahain. Fried rice, omelet, sausages, bacon and ham plus robusta arabican brewed coffee.

 

Sa upuang pinag gigitnaan nina Precious at Angel ako nakaupo. Tahimik lang na kumakain at pinag-iisipan ko ang susunod kong hakbang. Nakuha ko na ang loob ni Precious. Nakita kong malaki ang pagkagusto sa akin ni Angel. Siya sana ang gagamitin para saktan ang damdamin ni Precious pero mukhang masisira ang plano ko. Hindi ko maintindihan ang nasa isip ni Precious kung bakit siya pumayag na ipahiram ako kay Angel at kasama pa namin sa aming pagtatalik si Precious.

 

Nasa ganun akong pag-iisip nang hawakan ni Precious ang kanan kong hita. “Babe, ok ka lang? Kanina ka pa tahimik dyan ah.” ang puna ni Precious.

“Oo nga Nick. Napansin ko rin nga. May masakit ba sa iyo?” ang concern na sabi ni Angel.

“Wala naman. Pero kakausapin ko kayong dalawa mamaya pagkakain.” ang seryoso kong sabi sa kanila. Wala kasi talaga akong idea sa tinatakbo ng isip ng dalawang babae. Tatanungin ko sila mamaya para malaman ko ang susunod kong hakbang.

 

Nagkatinginan lang sina Precious at Angel sabay kibit balikat lang. Natapos na kaming mag agahan at niyaya ko ang dalawa sa may mga bangko na malapit sa basketball court. Sinabi kanina ni Debbie na mamaya pang tanghali ang uwi nila dahil siguradong tatanghaliin ng gising ang karamihan dahil sa pagod, puyat at hang over. Narating namin ang lugar na nasasapinan ng Bermuda grass at may ilang di kataasang mga puno. Magkatabi pang naupo sa bangko sina Angel at Precious samantalang ako ay nanatiling nakatayo lang.

 

“Mukhang seryoso itong pag-uusapan natin ah.” ang bungad ni Angel.

“Ano ba kasi yun?” ang tila inip na si Precious.

“Gusto ko lang malaman ang balak nyong dalawa? Pagkatapos kagabi... Hindi pala maganda sa pakiramdam na para akong gamit na pinaghihiraman. Hindi na lang kasi ako makaatras nung time na yun dahil gusto ko rin maranasan ang threesome. Sa porn movie ko lang iyon nakikita. Pero naranasan ko kagabi lang. Sa kabila ng sarap na dinanas ko ay nakakatakot ang kumplikasyon paghupa ng l*bog.” ang paliwanag ko sa dalawa.

 

“Ah eh... Babe. I’m sorry kung yun ang naramdaman mo. Noong una talaga selos ang nararamdaman ko pag naiisip kong anytime ay gagawa ng paraan si Angel na maagaw ka sa akin. Ang totoo childhood best friend ko itong bruhang ito. Nagkagalit lang kami noon dahil sa akin nagka gusto ang crush nya. Yung kinukwento kong ex boyfriend ko. Mas lalo pang tumindi ang gap namin nung minsang hindi ko pinagbigyan sa... alam mo na ang ex ko. Virgin ako nun eh. Natatakot pa ako noon. Nagsawa na siguro ang loko sa yakap at halik lang kaya nakakita ng pagkaataon ang luka-lukang ito. Ang hindi ko naibigay, binigay ng talanding ito. Nahuli ko sila isang beses sa bahay ng ex ko. Pagkatapos noon hindi na nagpakita ang walanghiyang lalaking iyon. Ginawa ko yung kagabi kasi mahal kita, babe. Ayoko nang maulit pa ang nangyari dati.” ang paliwanag ni Precious.

 

“Tama lahat ng sinabi nya. Nagka ayos lang kami nang kausapin nya ako tungkol sa iyo. Nagpaliwanagan. Nabigla nga ako nang maunahan nya ako sa iyo. Hindi na pumayag ang bruhitang ito na maagwan pa kaya naging maagap na. Binigay na agad ang lahat lahat sa’yo kahit di siya sure na seseryosohin mo siya. Para iparamdam niya na mahal ka niya. Gaga nga lang itong si Precious na hindi pala sinabi sa iyong virgin sya. Pero mahahalata mo naman yun di ba? Pati na ang pagpayag na tumikim ka ng iba pero may kundisyon na dapat ay alam at kilala nya ang babaeng makakasama mo. Ganun ka kamahal ng girlfriend mo. At swerte naman ako kasi ako ang napili nyang hatian ng “grasya” hihihi.” ang dagdag pa ni Angel.

 

“Oo babe. At isa pa, wag na wag kang makakabuntis ng iba at wag na wag mo akong hahawaan ng sakit. Mahal na mahal ko pala ang bestfriend ko.” ang sabi pa ni Precious.

“Oh I am so happy for you best. Sana kayo na ang magkatuluyan ni papa Nick.” sabay yakap ng mag bestfriend sa isa’t isa na kapwa umiiyak na.

 

Tulala ako sa nakakatulig na rebelasyon. Agad ko rin namang binawi ang kabiglaan. “T-teka nga lang. Moment ko ito ah. Bakit inagaw nyo? Eh paano na ngayon ang set up natin?” ang nalilito ko pa ring tanong. Parang naglaho na ang plano ko na pasakitan ang dalawang ito. Parang ako pa ang maiipit sa sitwasyon.

 

Natatawang nagpunas ng luha ang dalawang babae bago sumagot si Precious.

“Babe, ako ang girlfriend mo. Mamahalin kita, ‘til death do us part pa. Ibibigay ko sa’yo lahat, lalong lalo na pagdating sa sex. Except kapag my “period” ako at dun papasok si Angel. Kesa naman mabakante ka at makaisip na humanap ng iba, para iwas sakit na rin, sa best friend ko na lang. Basta tayong dalawa lang ang pwedeng mag sex nang couple. Pag si Angel ang nangati dapat andun ako.” ang nakangiti nang sabi ni Precious.

 

Ngayon ko lang narealize. Ang mahirap kong pagpasok kay Precious. Ang napunit na hymen na dumugo, umagos sa kubre kama at nagmantsa. Ang mga kalmot sa likod ko dala ng matinding kirot. Palatandaang virgin pa nga si Precious noon kaya pala duda na ako sa kwento nya nang nakita ko lahat ng palatandaang iyon.

 

Niloko mo lang pala ako Precious. Iyon ang nasa isip ko sa oras na ito. Di ko maisip bakit kailangan niya pang itago? Para sa akin nagmukha akong tanga. Pilit kong tinatakpan ng galit ko noon kay Marnie ang damdaming sumisibol na mahalin na ng tuluyan si Precious. Nagawa kasi nitong mag lie. Pero ginawa nya lang ito para paligayahin ako.

 

Gusto kong baliwalain ang ginawa nya para sa akin. Pero gusto ko rin siyang mahalin. Gusto kong saktan ang damdamin nya. Pero may nagsasabi sa aking suklian ko ang pagmamahal nya. Arggh! Litong lito na ako. Ang hirap pala kapag nagkagiyera sa loob mo ang pagkamuhi at pagmamahal. Sabi nila manipis na harang lang ang pagitan ng love and hate. Paano kung nawala ang harang na iyon at magbanggaan? Terible! Yun ang nararamdaman ko. Masakit sa bungo. Masakit sa dibdib.  Lahat ng katanungan sa isip ko ay itinanong ko kay Precious. Gusto kong malinawan. Madilim na ang expression sa mukha ko.

 

Kahit takot na, pilit nagpaliwanag si Precious. Noon nya nakita ang madilim kong aura. “Noong una, akala ko attracted lang ako sa’yo. Ang pagsama ko sa motel ay bilang one night stand lang sana dahil na rin sa nainom kong alak. Nakipag paligsahan ako kay Angel para gumanti. Noong nagse sex tayo nakaramdam ako ng espesyal na damdamin para sa iyo. Ayoko sana dahil masakit pa rin ang nangyari sa akin before. Inisip ko na lang na epekto ng alak ang nararamdaman ko. Pero nung mawala na ang epekto ng alak dama ko pa rin ang damdaming naramdaman ko noong magkasama. Napakasaya ko. Magaan sa pakiramdam. Maraming nakapuna na blooming ako kinabukasan na noon lang nila nakita. Ganoon kadali pero mahal na pala agad kita, babe. Please... wag kang magalit. Wag mo ko iiwan. Mahal na mahal kita Nicholas.” ang mahabang paliwanag ni Precious sabay sugod ng yakap sa akin.

 

Umiiyak si Precious na nakasubsob sa dibdib ko. Napaluha na rin si Angel. Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa amin. Masuyo niyang hinahaplos ang likurang ng kaibigan. Pinapayapa. Tiningnan ako ni Angel. Mata sa mata. Tila nakikiusap na wag na akong magalit at suklian ko ng pagmamahal ang kanyang kaibigan. Nagsalita si Angel.

“Kung noon, ako dahilan kung bakit siya nasaktan... sana matulungan ko siya ngayon na ipaintindi sa iyo kung gaano ka kamahal ng girlfriend mo. Please Nick, paligayahin mo si Precious. Masydo siyang nasaktan noon. At ngayon nasasaktan na naman siya.” ang paki usap ni Angel.

 

Napabutung hininga ako nang malalim. Nangingibabaw ang pagiging pusong mamon ko. Unti unti nang natutunaw ang harang na tila gawa lang sa yelo para tuluyang mahalin ko si Precious. Pinaglipat lipat ko ang tingin sa dalawa. Ang expressive eyes nila ang tila bumubuwag sa aking depensa. Isa pang malalim na buntong hininga.

 

“Haiiiizzz. Paano ka Angel? Pagkatapos nito? Paano kung mabuntis kita? Aampunin mo ba babe ang anak namin ni Angel?” nagbiro na ako para gumaan na ang eksena.

 

Di ko na kasi kaya. Konting konti na lang at maluluha na rin ako sa bigat ng sitwasyon. Mahirap magmatigas lalo na at pagmamahal ang nilalabanan. Noon ko na inamin sa sarili na susugal pa rin ako sa sinasabing pagmamahal ni Precious. Pero hindi ko muna ibubuhos lahat sa kanya. Mahirap na masaktan ulit. Durog na naman ako pag nagkataon.

 

“Hindi mo mabubuntis yang si Angel. Baog kasi yan.” ang may luha pa rin pero nakangiti na si Precious.

“Putcha! Hindi ako baog noh. Gumagamit ako ng pills. Nursing student kaya kami. Pero hindi pa nagamit yang si Precious. Ngayon pa lang.” ang sabi ni Angel.

“Paano kung makabuo tayo dahil sa nangyari nung makalawa? ang kinakabahan kong tanong kay Precious.

“Ayaw mo nun? Magkaka baby na tayo?” ang ngiti ni Precious hanggang tenga.

“Estudyante pa lang tayo. Paano ko kayo bubuhayin nyan? Wala pa akong trabaho. Ojt pa lang ako sa December.” tila histerikal na ako. Lagot kasi ako sa mga magulang ko.

“Relax ka lang babe. Joke lang yun. Bilang ko yun sa calendar. Nasa safe period ako nun.” ang nangingiting sabi ni Precious.

“Pew!” ang hinga ko nang malalim. “Oh eh paano na nga itong si Angel?” ang ulit ko sa tanong.

 

“Pwede babe... Mahalin mo rin siya?” seryosong paki-usap ni Precious

“K-kayong dalawa? P-paano? Bakit?” talagang gulat ako.

 

“Tatapusin lang ni Angel ang school year na ito. Pupunta na siya ng Canada para doon mag-aral. Pag-aaralin sya ng tita nya dun. Gusto sana niyang baunin ang pagiging mag boyfriend-girlfriend nyo, kaso, hindi na pwede kasi andito na ko sa buhay mo. Kaya ang sabi ko, kahit di ako sure na papayag ka... Baka pwede mo siyang ituring na special friend with benefits? Yun na lang ipabaon natin sa kanyang pag-alis. Please babe...” ang pakiusap ni Precious.

 

“Paano yun?” ang tanong ko. Pakiramdam ko ay ang shunga ko na naman. Bago yun sa akin. Friend with benefits.

“Gusto kong maging memorable ang natitirang days ng pag stay niya rito sa bansa. Kung magde date tayo, isasama natin siya. Sa lahat. Sana kung paano mo ako itrato ay ganun din sa kanya. Kung magse sex tayo...” ang bitin ni Precious sa sasabihin pa.

“Isasama natin siya?” ang nananantiyang dugtong ko.

“Ang l*bog mo babe. Nag enjoy ka kagabi noh?” ang natatawang sabi ni Precious.

Kakamot kamot ako ng ulo sa pagkapahiya. “Payag na best!” ang agaw ni Angel.

“Tse! Sige na nga. Five months lang naman. Hindi na ako magdadamot sa iyo best. Nag-enjoy din tayo ng sobra kagabi.” ang pagpayag ni Precious.

“Oo nga best. Feeling ko nasa langit ako kagabi.” tila kinilig si Angel.

 

Nakangiti na ako nun. Mukhang mahirap ang hinihingi ng babe ko pero susubukan ko. Sabi nga ni pappy... “Obey First, Before You Complain”. Army - No Retreat, No Surrender. Navy - No Pain, No Gain. Marines - No Guts, No Glory. SG (Security Guard) - No ID, No Entry. Hehehe.

 

Masuyo kong niyakap si Precious - ang aking babe. Inakbayan ko naman si Angel - ang bago kong bestfriend. Sabay nila akong hinalikan sa aking magkabilang pisngi... Pampa buenas.

 

“Yun!” ang sabay sabay na sigaw ng mga klasmeyts namin sa di kalayuan na kanina pa pala nanonood sa drama namin. “Boy, swapang ka! Penge ng isa!” ang sigaw ni Gov. Napa-aringkingking ang loko. Nakurot kasi ni Kat sa tagiliran. Natawanan ang mga nakakita sa reaksiyon ni Gov. Magin kaming tatlo ay natawa. Binigyan ko lang ang tropa ng isang malutong na dirty finger.

 

Magsisimula na ang panibagong mga pangyayari sa buhay ni Nicholas Patempzki.

 

 

Wakas.