One Night Triple Stand - Pt. 1

Gusto ko lamang mag share ng aking experience na ang istorya ay puwedeng matulad sa mga nababasa ko mga istorya sa mga sites na may erotic or adult na tema. Hindi ko din akalain na may mangyayari pa sa akin na ganitong pagkakataon. Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Peter, 38 years old, may asawa, na tawagin nating Madel at tatlong anak. Hindi naman sa pagmamalaki ay bata pa akong tignan ... baby face nga ang tawag ng misis ko sa akin ... bukod doon ay napanatili ko ang maskulado kong katawan maski hindi na ako nag pupunta sa gym ... jogging na lang na may kasamang push ups at sit ups. Sa pakikipag sex naman ay basehan ko ang aking maganda at sexy pa ding misis, approved daw at wala pa syang masabi. Ang pinaka bisyo ko ay inom lang, at kung uminom ako ay kung may okasyon at drink moderately lang. Nangyari sa aking ang experience na ito ng ako ay umuwi sa Pilipinas galing sa isa sa mga bansa sa Middle East para sa aking taunang 30 days na bakasyon. Ang profesyon ko ay isang Inhinyero.

Tradisyon na sa pamilya ng asawa kong si Madel na pagsabay sabayin ang araw ng selebrasyon ng kaarawan ng aking biyenan na babae, ang aking bayaw na panganay sa pamilya nila at hipag na bunso sa pamilya dahil sa tig iisang araw lang ang pagitan ng kanilang mga kaarawan. Sa bahay ng aking mga byenan sa isang subdivision sa Pasig ginaganap lagi ito dahil malaki ang bahay at hardin nila. Laging alas singko ang umpisa ng handaan.

Anim lahat na magkakapatid sa pamilya ng misis ko na si Madel. Apat na lalaki at dalawang babae, pangalawa ang aking asawa sa magkakapatid. Lahat sila ay may asawa na puwera ang hipag ko na babae na bunso nila. Tuwing buwan ng hunyo nagaganap ito at kapag sa ganitong okasyon mula pa ng bagong kasal kami ng misis ko ay taon taon kami pumupunta, walang mintis lalo na ng malipat kami sa subdivision na malapit lang sa subdivision ng bahay ng aking mga byenan. Nag mintis lang ako ng nagpupunta na ako sa abroad bilang OFW, at ngayon ay nataon naman na nandito ako sa Pilipinas ulit sa buwan ng Hunyo 2013. Sariwang sariwa pa sa bakasyon dahil ikatlong araw ko pa lang mula ng dumating ako sa Pinas.

Para sa akin ay ordinaryong okasyon na lang ang tradisyon na ito dahil ang inaabangan ko lang naman talaga dito ay ang mga bisita ng aking hipag na babae. Tawagin natin si hipag sa pangalang Aileen, nasa 26 anyos, wala pang asawa dahil napakapili, pero maganda at sexy. Karamihan din ng mga barkada nya mula sa kolehiyo pa at mga kaopisina ay maganda at sexy, naglalaro ang mga edad nila sa 25 hanggang 27. Ang mga barkada at kaibigan ng aking hipag na si Aileen ang nagbibigay buhay sa akin sa mga okasyon na yun. Dahil sa mga nagdaang taon talaga naman nag iinit ang dugo ko at karamihan din sa mga lalaking bisita dahil naman sa sexy at magaganda ay mag susuot pa ng mga damit na magpapalitaw talaga ng kaseksihan nila. Syempre dahil kasama ko ang aking asawa sa mga okasyon na yun ay hanggang pasimpleng tingin na lang ako at pag iimagine.

Umpisahan natin ng mga alas syete na ng gabi, tapos na ang main dinner, nasa may wash room ako at nag cha-chop ng mga yelo para sa mga nag iinuman. Ganun lagi ang aking ambag sa okasyon na yun, mag asikaso ng mga kailangan ng mga nagiinuman. Sa wash room na ako nag chop ng mga yelo dahil busy ang mga tao sa kusina, sa paghuhugas ng mga gamit at mga niluluto pa na mga desert at pulutan. Ng makapaglagay na ako sa bucket at paatras akong lalabas hawak ang mga bucket ng may mabundol ang siko ko ... medyo malambot na malaking nakabukol, boobs na isang babae ...

"Ooops kuya ... sorry ha ..."

Si Kate, isa sa best friend at kaklase pa mula kolehiyo ni Aileen. Isa sya sa mga paborito kong kabarkada ng aking hipag, sexy, makinis at lalo pa atang gumanda.

"Naku sorry din Kate ha, paatras kasi akong lumabas, hindi ko nakitang may papasok."

"Okay lang kuya, puwede bang maghugas ng kamay sandali" sabi ni Kate.

"Sige ikaw muna at pagkatapos mo na lang kukunin ko ang ibang bucket."

Pumasok si Kate pero hindi sinarado ang pinto dahil maghuhugas nga lang siguro. Naka tube sya na blouse at fit na fit na maong na pantalon. Halatang halata ang mabukol nyang puwet at bilugang mahahabang hita. Nakatali ang mahaba nyang buhok, kitang kita ang itaas na likod nya, napakakinis parang gusto ko ng haplusin ng oras na iyon. Habang tinititigan ko ang likod nya ay hindi ko napansin na nakatingin sya sa akin sa salamin. Para hindi makahalata ay kinausap ko siya ...

"As usual na naman ang papel mo dito ano Kate, tumulong sa pag luto at pag aasikaso ng mga bisita ni best friend mo."

"Syempre naman kuya ... taon taon yan, di tulad mo na hindi ka yata nakapunta dalawang taon na yata dahil nag abroad ka ... tulungan na kitang magdala ng yelo kuya ... yan din ang pinunta ko dito sa loob ng kusina."

Habang naglalakad kami ay ...

"Wala ka pang asawa Kate?" ...

"Wala pang nagkakamali kuya" sabay tawa nya ...

"Naku yang ganda mong yan walang magkamali ... kung binata lang ako ay ako ang magtatama ng walang magkamali" biro ko kay Kate ...

"Yan ang mga na miss namin sa iyo kuya ... ang mga bola at patawa mo" ... at napakatamis na ngiti ang sinukli sa akin.

Naghiwalay na kami at pumunta sa kanya kanyang umpukan.

Pagkabigay ng yelo sa umpukan ng inuman ng aking bayaw ay inikot ko muna ang aking paningin ... sa lugar ng umpukan ng mga bisita ng aking hipag na si Aileen. Ang dami na namang maganda na view sabi ko sa isip ko ... talaga namang wala kang itulak kabigin sa mga ganda at sexy ng bisita ni hipag, pero para sa akin ay si Kate ang numero uno. Naisip ko ng sumama sa umpukan ng aking mga bayaw. Pagkaupo ko ay may mga bisita pang dumating. Tatlong babae at isang lalaki ... nakuha ang atensyon ko ng isang babae, parang ngayon ko lang nakita ... napaka sexy, slim na slim, may hitsura din at tsinita... naka fit na blouse at mini na maong na palda ... makinis, napakaganda ng hugis ng binti at bilog ang mga hita ang aking nakita ng dumaan sa may tapat ko.

Napansin ko din na karamihan ng kalalakihan ay napatingin din. Ng matapos silang kumain sa loob ay nakita ko na sumama sa umpukan ng aking hipag na babae. Pagkaupo ay mabilis naman akong lumapit at nagtanong kay hipag kung iinom sila. SMB Lights daw sa mga babae at Pilsen doon sa lalaki. Hindi din maiwasan na halos panakaw na tingin ang mga kalalakihan doon sa babaeng naka mini na palda ng nakaupo na, mas lalong lumitaw ang mga hita. Ng ihatid ko naman ang beer nila ay hindi ko din maiwasang hindi mapatingin sa hita ng babae ng inaabot ko na ang bote, alam kong nahalata ng babae at ngumiti na lang. Biglang nagsalita si hipag ...

"Kuya Peter, mga officemate ko" ...

Doon ko nalaman na Ellen ang pangalan nya. Kinamayan ko pa sila pero hinigpitan ko ang kamay kay Ellen, napakalambot ng kamay. Alas otso ng gabi ay marami na ding mga bisitang umaalis, lalo na yung sa bisita ng byenan kong babae. Sumenyas na din ang aking misis na ihatid ko na silang mag iina dahil may sinat ang bunso kong anak at bumalik na lang daw ako. Sumakay na kami sa aming kotse, ng maihatid ko sila sa bahay ay sinabihan pa ako ng aking asawa na kung marami daw akong maiinom ay huwag na akong umuwi at para may makatulong din daw doon sa bahay ng aking byenan para sa pagliligpit.

Dahil nasa kalapit na subdivision lang ang bahay namin ay nakabalik ako ng alas otso treinta sa bahay ng byenan ko ... nag umpisa na ding lumakas ang ulan kaya ang ibang umiinom sa hardin ay nagpunta sa loob ng bahay at yung iba sa garahe. Sa loob ng bahay ang mga bisita ni hipag at ibang bisita pa ng byenan ko, sa may garahe naman ang bisita ng aking bayaw. Dalawang bote pa lang ng beer ang naiinom ko at itinigil muna ang pag inom dahil lagare ako sa asikaso, kasama ko ang bunso sa mga bayaw ko na lalaki na si Dennis. Nag usap kami na sya na lang bahala sa garahe at ako sa loob ng bahay.

Marami din kalalakihan na bisita ang hipag ko na si Aileen pero doon ako naupo sa mga kalalakihan ng bisita ng byenan ko na babae. At pag sinuwerte ka naman eksato ang puwesto ko ... sa di kalayuan ay tapat ko na anggulo ang kinauupuan ni Ellen. Hindi halata kung tumingin tingin ako sa hita nya. Dahil iyong ibang kalalakihan ay nahihirapang sumimple dahil kalapit lang nila si Ellen. May dalawang pagkakataon ng inalis nya ang de kwatro ng paa nya para tumayo dahil may tawag sa cellphone, at pag buwelo ng tayo at mapapabuka ng konti ang hita nya at kitang kita ko ang puting panty nya. Ng ikatlong pagkakataon na tatayo sya ay alam ko na nahuli nya akong nakatingin sa may hita nya ... inalis ko na lang ang tingin ko dahil sa hiya at parang napaso ako sa titig nya sa akin. Tumayo muna ako at pumunta sa may pinto ng bahay upang silipin ang umpukan sa may garahe ... wala pa ding tigil ang pag ulan.

Habang nakatayo, mula sa likod ay kinalabit ako ni Aileen at sa likod nya ay si Ellen...

"Kuya Peter, marami ka na bang nainom? ...

"Mga tatlong bote pa lang naman sis "...

"Magpapahatid sana itong si Ellen sa may sakayan Kuya" ...

"O ang aga naman aalis ni Ellen, alam ko isa siya sa mga huling dumating" ngiti kong sagot ...

"Pinilit lang nyang makadalo sa okasyon na ito kahit may kailangan pa syang gawin Kuya" ...

"Okay no problem ... halika na Ellen" sabi ko.

"O ayan Ellen ha wala ng problem, mabait talaga yang kuya ko na iyan." sabi ni hipag ...

Sumakay na kami ni Ellen sa sasakyan ko, lumabas na kami ng subdivision at pagdating sa may sakayan ay mas lalo pang lumakas ang ulan.

"Kuya ... sige dito na lang ako maghihintay ng sasakyan ... dyan na lang ako sa may 7-11 sisilong muna" sabi ni Ellen.

"Naku dito ka muna sa kotse ... mukhang wala na masyadong dumadaan na bus, jeep o taxi. Saan ba kasi ang bahay mo Ellen?" ...

"Sa Project 6 ako nakatira pero pupunta ako sa Medical City sa may Ortigas para palitan ang asawa ko sa pagbabantay sa byenan ko na babae."

"Ha ... may asawa ka na ba ... akala ko dalaga ka pa Ellen."

"May isa na din akong anak Kuya" sagot nya.

"Mga 20 minutes lang ang Medical City dito, hatid na lang kita" ...

"Naku kuya, kakahiya naman sa iyo at naabala na nga kita" ...

"Okay lang iyon, kapag hindi kita hinatid ay mas hindi ako makakainom sa kaiisip kung nakasakay ka at nakarating sa Medical City Ellen" ...

"Naku si kuya ang sweet naman ... pero okay lang talaga na ihatid mo ako" ...

"No problem Ellen" ...

"Thanks kuya ha" ... at napakatamis na ngiti ang nakita ko sa kanya na lalong nagpasingkit sa tsinita nyang mata.

Itutuloy ....