Pang-Akit ng Probinsya (parte ika Labing-Siyam)
author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

-----------------------------------------------------

Ilang taon ang nakararaan...

"Hahahaha... Aswang! Aswang!! Wag mo kami kainin Aswang!!" sigaw ng mga batang

tiga-barrio rin.

Ang puntirya nang mga bata ay ang naglalakad na batang si Jasmine.

Sanay na naman siya sa mga tukso at pang-aasar nang ibang mga kabataang kasama nya sa eskwelahan.

Mahigpit na paalala nang Nanay nyang si Rina. Wag na wag gaganti at papatulan ang mga batang iyon.

Kaya pilit na hindi nalang pinapakinggan ni Jasmine ang mga panunudya sa kanya ng mga grupo nang kabataan.

Nang may nakita syang paparating... mabilis na sinalo agad yun ni Jasmine. Isang bato ang ipinukol sa kanya ng isa sa mga kabataan nang barrio.

"Arrrhhh..." lumabas ang mga ngipin ni Jasmine sa galit.

"WAAAHHH Aswang nga talaga!! Tingnan nyo oh! Galit na ang aswang!!" sigaw uli ng

mga kabataan.

Muntik na syang di makapag-pasensya... Gustong-gusto na nyang gantihan ang mga ito. Pero paulit-ulit na narinig nya sa isip ang mga bilin nang ina...

"Anak... Wag na wag kang papatol sa mga mas mahina sayo..."

"Pero Inay... sumusobra na po minsan sila..."

"Naiintindihan kita anak... pero tatandaan mo... kaya mo silang malubhang masaktan

pag ginantihan mo sila..."

"E yun nga po gusto ko mangyari Nay..."

"Nak! Hinde... Basta pangako mo sakin ha... Wag na wag..."

"Ehumm... Umm..." ang parang lumabas lang na hangin na sagot ni Jasmine.

Nang may maramdamang pitik nang sakit sya sa may noo nya.

May isang batong bumagsak sa lupa ang hindi nya napansin tumama sa kanya. Tumulo ang dugo sa may pagitan ng mga mata nya...

Sa nakitang dugo... Duon na naubos ang mahabang pasensya nang batang si Jasmine...

Pagka-pahid sa tumulong dugo...

Lagot kayo ngayon sakin!! Sabi sa isip nang batang babae.

Nang...

"HOY!!! Mga Wutanginang!!!" sigaw nang isang batang lalaki.

Nakita nalang ni Jasmine ang isang batang lalaki na sumugod sa mahigit Anim o Pitong batang tiga-barrio. Tumalon pa ito ere! Napa-wow sa isip si Jasmine.

Sinakyan agad ang isang batang mas malaki pa sa kanya.

Sinuntok nang sinuntok ang nadaganang bata.

"Umm!! UMM! Pati babae!!!" ang sigaw nang dumating na batang lalaki.

Sino yun ang bulong sa sarili ni Jasmine.

"Eehh!! Kuya!! Kuya!! Tama na Yan Kuya Romeo!!!" sigaw naman nang isang mas maliit

pang batang babae.

Pagtingin uli ni Jasmine sa batang lalaki, tinulak na pala ito nang batang nadaganan. Tumalsik na ito sa lupa.

Ngiie!! Ano ba yan! Susugod-sugod pa! Ang mga naiisip ni Jasmine.

Hinawakan pa nang mas matangkad na bata ang ulo nang tumulong na bata. Pero suntok pa rin nang suntok ang dayong bata kahit hindi maka-abot.

Humanga sya sa batang tumulong sa kanya. Kahit walang laban... kahit di gaano kalakihan. Buong tapang na sumagupa sa mga batang mas malaki... Matulungan lang sya!

Kaya nang... nang makitang tumalsik ang batang narinig nya ang pangalan ay Romeo...

Napa-takip nang mata si Jasmine... Ayy kawawa naman... Lalo na nang hinawakan nang dalawa pang bata si Romeo. Sumisipa-sipa pa rin ito!!

"Wag!! Kuya ko yan!! " sigaw uli nang batang babae.

Pero hindi ito pinansin ng mga batang barrio. Salit-salitan ang mga bata sa pagsapak sa dayong bata.

Pak! PAk!

"Ahahaha! Um! Um! Yan SAyo!! Pakialamero ka!!" sigawan ng mga batang lalaking tiga-

barrio.

Tutulong na sana si Jasmine... nang...

"HOY! Tama na yan!" Ang saway nang isang matandang lalaki sa barrio

Duon na nagsipagtakbuhan ang mga bata.

Naiwang nakahandusay ang batang si Romeo.

"Kuya! Kuya!! Huhuhuh" ang iyak nang batang babaeng kapatid ata nito.

Nakahiga pa rin ang batang lalaki... Nilapitan ito nang batang si Jasmine.

"Oi-Oi! Buhay ka pa ba ha Bata?" tanong ni Jasmine sa nakapikit pa ang isang matang si

Romeo.

Ang isang mata halos naka-pikit na dahil namamaga. Pilit tinitingnan ang mukha nang boses na tumatawag sa kanya...

Nahirapan makakita agad ang batang si Romeo... Malabo ang paningin...

Pero nang maaninagan nya ang mukha nang batang babaeng tinulungan nya...

Napalunok at natigilan ang batang lalaki. Tumibok ang musmos na puso. Mabilis na napaupo!

TagDagTagDag! Ang malakas na tibok nang puso nya. Di agad sya nakapagsalita.

"Ako nga pala si Jasmine! Sa-Salamat!! Ok ka lang?" ang biglang ngiti sa kanya nang

pina-cute at pinakamagandang batang babae na atang nakita nya.

"Ehehe... Wa-Wala Yon!" Kamot sa likod nang ulong si Romeo. Abot hanggan tenga ang

ngiti.

Pero ang totoo'y masakit talaga ang mukha at katawan dahil sa maraming suntok!
Pinipilit lang wag mapangiwi sa harap nang batang babaeng nakakahalina.

"Sigurado ka? E anlaki nang blackeye mo oh! Gusto mo hatid kita sainyo?" si Jasmine.

"Naku... Para yun lang!! Ako nga pala si Romeo!! Hehehe!" pagpapakilala sa sarili ni Romeo.

Aba! Ibang klase rin tong batang to! Sa isip ni Jasmine. Kahit bulbog-sarado... Puro maga at pasa ang mukha... Nakatawa pa!!

Naapektuhan na ata ang utak nitong! Hihihi! Kung Makayabang!! Ahihihi! Ancute nya! Bungi!! Natanggalan ata isang ngipin nung nabulbog!!

"Ahahaha! Ahahaha! Hihihih!!" Ang tawa nang batang si Jasmine. Dito nalang ata uli sya

napatawa at napangiti nang husto.

Ang huli ata e nung buhay pa ang Tatay nya...

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------

Kasalukuyan....

Umalingawngaw ang malakas na hiyaw ni Jasmine sa buong kapaligiran. Ang hiyaw na parang isang mabangis na Hari nang mga hayop.

Nakakatakot!!! Nakakapanindig balahibo!! Dumidilim ang kapaligiran!!

Pinagpawisan nang malapot ang Mishring si Nia. May tumulong pawis sa may sentido.
Nanginginig ang katawan nyang hindi nya mapigilan!!

"Am I afraid?" tanong ni Nia sa sarili.

"No" sagot nang konsensiya nya.

Hindi sya natatakot dahil sa sya mismo ay natatakot!

Naapektuhan ang kaluluwan nya ng galit nang isang Aswang!! Ang galit ni Jasmine!!!

Ang Aura nang Galit nang isang Kalinara... Mula kay Jasmine maliban sa pagliyab nang Aura nang Kadiliman sa katawan...

May kung anung madilim na kulay mula sa Aswang ang kumakalat pabilog sa malawak na kapaligiran ilang metro ang lawak!

Lahat silang mga natitirang tao ay nasakop nito.

Kung normal na tao lang ang nasakluban nito at naabutan... maaring mamatay siguro!

Ang nakabalot lang sa kanyang Aura nang Banal, ang pumipigil na tuluyan syang maapektuhan...

Madalas ang mahinang pag-uga nang lupa!! ROGROROGROG!!

Ang mga alabok at bato ay gumagalaw!!

Nakakapuwing ang malakas na hangin na nagmumula sa pwersa ni Jasmine.

"SHIT!! When is she gonna stop!! Her power's still increasing!!" si Nia'ng hindi

mapigilang mapahanga at kabahan nang sabay.

Ang mga kamay ni Jasmine... Mula balikat... Kulay itim na! Patuloy na humahaba... Ang mga kuko tumutulis! Ang mahabang buhok nililipad pataas!!

The very definition of fear itself! Ang naiisip ni Nia.

Pagtingin ni Nia kay Herberto naka-dapa na ito sa lupa! Nakatakip ang mukha at tila nanginginig ang katawan,

------------------------------------------------------------

"Jasminee!!! Jasmine! Magpigil ka!! " sigaw naman ni Rachel.

Pero tila wala na naririnig ang kaibigang dalaga. Hindi makalapit sa kaibigan sa lakas nang pwersang nilalabas nito!

Si Richard... Ang apoy sa katawan ay halos pawala na! Parang isang maliit na sindi sa kandilang hinihipan ng isang malakas na hangin ang Liyab nya!

"Hinde Jasmine... Wag!! PAra lang sa Romeo na yun!? " Si Richard na nagtatagis ang

loob ng damdamin.

Napapadiin ang mga kamao sa Lupa sa nangyayari sa minamahal na dalaga.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

===============================

Alfredo...

Nakita nang bampirang si Alfredo ang nakakatakot na kapangyarihan ni Jasmine.

Nakaramdam sya nang panlalamig sa katawan! Eto!?! Eto na ba ngayon ang makakalaban nya!?

Napaatras ata sya nang isang hakbang. Tanging ang karangalan nalang nya ang nakataya bilang Guardian ang nagpapalakas sa lakas loob.

Tumayo nang direcho sa harap nang nakakatakot na nilalang na ito!

Parang walang sinumang nilalang ang makakapaghanda sa ganitong makakalaban!!

Isang Napakalaking Pagliyab nang Aura nang kadiliman!!

Nakita rin nya kung paanong tumalsik ang mga katawan ng dalawang walang malay na kasamahang si Max at Alberto sa lakas ng pwersang nanggagaling sa dalaga!

Napakalakas!!!

Naisip nang Bampirang... Ngayon nalang uli ata sya nakaramdam nang ganito matapos ang ilang daang-taon!! Natatakot?? Kinakabahan?? Nananabik?? Sabay-sabay na emosyon sa harap nang isang malakas na kalaban!!

Pilit nyang tinatandaan ang huling nakalaban nyang nakadama sya nang ganito.

Ahh... Yung nakalaban nyang Mishrin nuong mga Crusades. Ang Pangatlo sa mga pinakamalalakas na Mishrin nung medieval times!! Si Joana!!

Wait! Why Am I remembering the past now? Does that mean I'm gonna die?? Si Alfredong napapangiti sa sarili...

Nang...

TATATAG!!!

Ang tunog nang malakas na hakbang ni Jasmine sa lupa.

Sa isang iglap nasa harapan na nang bampira ang Aswang nang paghihiganting si Jasmine!!!

Isang nakakabulag na bilis!!! Ang mukha baliw na sa itsura nang pakikipaglaban!!!

Naka-handa nang sumipa ang kanang Paa!!! Naka-kasa sa may bandang likod... Sigurado nang bampirang buong lakas ang sipa na to!! May buwelo at puwersa!

Sumipa ang Aswang!!! Mabilis ang dating noon!!!

Pero mabilis din sya!! Itinaas agad ni Alfredo ang kaliwang kamay nya para sanggahin ang atake nang nagwawalang dalaga.

Laking gulat ni Alfredo nang... BRAAAKKKK!!

Ang tunog nang nabali ang kaliwang braso nyang pinansangga!!! Dumirecho tuloy ang paa nang Kalinara sa kaliwang pisngi nang mukha nya!!! BOWVZSS!!!!

Halos matanggal ang bungo nya sa lakas!! Pakiramdam ni Alfredo nabasag na ata ang lahat ng mga buto nya sa kaliwang pisngi!! Ang buong bungo nya at utak nakalog nang husto! Parang may tumalsik na ilang piraso nang laman at Dugo!

Nanlabo ang mga paningin. Tumilapon sa malayo ang bampirang si Alfredo!!

"HOLY SHIT!!! Unbelievable!!! She's Fast!!! Lightning FAST!!!" si Nia.

Hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita ang Mishrin.

In an instant! Jasmine Girl is already in the front of Alfredo!! Like a Blur!! Even with her third-eye... She could barely see her physical body!

Faster then even me??! It might be Possible!! Could I beat her, If I go to my 100% percent of strength? Maybe? Maybe not?!

And the The Power!! Even when Alfredo tried to guard the attack... Its like... ITs nothing!! It's like watching a deer getting attacked by a lion!!

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

---------------------------------------------

Si Alfredo naman ngayon ang patila-tilapon sa lupa!! Bali-balikot ang katawan, ang ulo, mga binti at kamay. Kahit gustong pigilan nang bampira ang pag-tilapon nya... Hindi nya maggawa sa lakas nang suntok na yun nang dalagang tao!!!

Pakiramdam tuloy nang bampira na parang ibinalik sa kanya nang dalaga ang ginawa nya sa binatang si Romeo kanina!

Habang tumatalsik sa lupa si Alfredo...

Mabilis na Humahabol na pala ang Aswang sa kung saan sya titilapon!!!

TATATATATAG!!! Ang parang kidlat na mabibilis na mga yabag nang Kalinara!!

Wala pang ilang segundo, si Jasmine nasa sa may likuran na nya!! Sinipa sya nang ubod Lakas!!! BOG!!!

Talsik sa ere ang bampira!! Parang isang bola na sinipa nang buong lakas pataas!

Suka nang dugo ang bampirang si Alfredo!! Anlakas!! Halos madurog na ata ang katawan nya!! Sa tindi pati nang pwersa nang pagkakasipa sa kanya, parang syang rocket ngayon sa bilis pumaimbulong sa kalangitan!!

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-----------------------------------------------------------

Sigurado si Alfredo.... Di pa tapos ang pag-atake sa kanya nang dalaga.

Habang tumatalsik sya sa ere sa kaitaasan... Yung kakaunting natitirang kamalayan... Mabilis na inipon nya sa kanang kamao ang enerhiyang Aura nang Kadiliman. WEEEEEEEEEEE!!!!!

Malabo pero nakita nang bampirang malapit na naman sa harapan nya ang Mala-halimaw na dalagang tao!! Hinintay ni Alfredo ang pagkakataon...

"Right about now... GYAAAHHHHHH!!!!!" si Alfredo.

BOWWWWSSSHHHH!!!! Tumira nang isang napakalakas at malaking purong enerhiya nang Aura nang kadiliman ang Bampira sa direksiyon ni Jasmine!!

"Jasmine!!!!' sigaw ni Rachel sa pag-aalala.

Napangiti ang bampira...

Sa isip ni Alfredo... Kahit gaano ka pa kalakas... kahit gano ka pa katibay! Siguradong pag tinamaan ka nyan... Tapos ka!!!

Bago pa tamaan nang enerhiya nang kadiliman... biglang nawala ang Kalinara sa daraanan nang puwersang yun!!

"What!!! Where!!!?" si Alfredo.

"EYAAHHH!!!" Ang nakakatakot na hiyaw na parang isang mabangis na hayop!!

Mula sa may likod ni Alfredo, Anduon na pala uli si Jasmine!! Nanlaki ang mga mata nang bampira sa gulat!

TOGGSSH!!!! Isang malakas na sipa uling pababa ang tumama sa katawan nya galing sa dalaga!!

Pabulusok naman ngayon ng mabilis pababa ang bampira sa lakas ng pwersa ng sipa ni Jasmine!!

TAGRISSHHH!!!! Nang nabiyak ang lupa sa kung saan tumama si Alfredo! Sumabog ang mga bato at mga alabok sa tindi nang pagbagsak nang bampira! Talsikan Pataas!! Lumikha nang isang pabilog na hukay sa Lupa!!

"ARGHH AKKK!" ungol ni Alfredo. Duguan na ang bunganga sa dami nang naisukang

dugo!

Sugatan... gula-gulanit na ang Damit.

Kahit immortal... Nararamdaman pa rin ang sobrang sakit galing sa napakatinding mga atake nang dalagang Kalinara! Ang mga lamang loob nya, halos luray-luray na!!

Sa loob ng libong taon na sya'y nabubuhay... Dito palang ata sya nakaranas nang ganitong pahirap!!

Nakapikit na ang isang mata...

Pero hindi pa tapos...

Sumulpot muli ang Aswang na si Jasmine sa ibabaw ng nakahandusay na Bampira! Mabilis na sumuntok agad gamit ang kanang kamay!! POWG!!!!

Isang malakas na suntok ang tumama sa sikmura ni Alfredo galing sa nagwawalang Kalinara!! Napaluwa uli nang dugo si Alfredo! URK!!

Lumubog at nabiyak pa lalo ang lupa sa ilalim nang bampira sa Lakas!! Lumaki! Gumawa pa lalo nang isang pabilog na hukay! Ilang metro ang laki at lalim. KRAAGGSSHHH!!!!

Sinundan pa nang Isang Suntok!! Dalawa! Tatlo! Mabibilis!!! Sunod-sunod na!! Lahat sa katawan nang bampira!

TATATATATATATATATATAGGG!!!!

Rapidong mga suntok nang kaybangis na Aswang na si Jasmine! Ayaw tigilan ang pinanggigilang si Alfredo.

Hindi na tuloy makahabol ang self-regenerating powers nang bampirang si Alfredo sa mga walang tigil na pag-umbag nang Aswang!!

"URK!ULK!AK!!ARK!!U-ULK!!"

Ang kawawang si Alfredo sa mga mabibilis na mga suntok-sunod-sunod sa katawan nya nang dalagang tao. Bawat suntok... lubog lahat sa katawan nang bampira!!!

Unti-unting ring lumulubog at bumubuka ang lupa sa ilalim nang katawan ni Alfredo sa patuloy na pag-atake nang dalaga...

Wala nang maggawa ang bampira kung hindi ang mag-intay na lang nang katapusan na ba nya?

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

----------------------------------------------------------------

Lahat naman nang nanunuod ay nanatiling natahimik sa nasaksihan.

Si Herberto... nanatiling tulala sa panunuod. Hindi nato tao... Hindi na to Aswang lang. Isa na itong Halimaw sa Pakikidigma!!!! Ang Lahing Kalinara!!

"Oh my Gosh!!"

She's gonna kill him... She's gonna finish Alfredo!! Destroy an Ancient Immortal Guardian

Class Vampire just like that!! " ang napalunok na si Nia.

"NIAAH!!!"

Tumingin si Nia sa pinanggalingan nang boses... Si Rachel!

"Tulungan mo ako!! Kelangan natin pigilan si Jasmine! PArang awa mo na!!"

Di agad nakapag-react ang Mishrin.

Why? Why would we stop Jasmine when we're winning?

"Naririnig mo ba ako?? Tulungan mo akong Pigilan sya!!"

"Wha-what? What are you saying Rachel?"

"Miss Nia, palagay ko, alam ko ang sinasabi ni Miss Rachel..." si Herberto.

"Spill it Herbertow"

Bumulong si Herberto sa Mishrin pang numero Anim.

"WHATTT!? Why didnt you tell me earlier??

Umiling lang si Herberto.

We gotta stop her!! Rachel are you ready?!"

"Kanina pa!"

Sabay nagliyab ang mga kanya-kanyang Aura nang dalawang babae...

Ang maitim na may halong kaunting berdeng kay Rachel...

At ang napakaliwanang na liyab nang Aura nang Banal galing ka Nia...

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-----------------------------------------------------------

"AAAAAAHHHHHH!!!!!!!" ang sigaw sa sakit ni Alfredo.

BISLARRRKK!!! Nang bumaon ang isang kamao ni Jasmine sa loob ng katawan nya! Talsikan ang mga dugo!! Napaluwa nang dugo ang bampira.

"HEEHEEHEEHEE!!!!" ang nakakatakot na pagtawa nang Aswang na Kalinara.

Ang noong dating magandang mukha nang dalaga... Hindi na halos ito makilala! Wala na ang mga itim sa mata!! Naka-usong nang kaunti ang nguso... Lahat ng mga ngipin... Matatalas at matulis na!

Isa na ngayong nakakatakot na nilalang.

Ang ma-Alamat na Aswang! Ang kinatatakutan nang mga tao, mula noong unang panahon hanggan ngayon!

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------

BUSHLAWK!!!! Bumaon ang kamao nang Kalinara loob ng katawan nang Bampira!!!

"WA-UUUUUURKKK!!! " si Alfredo nang hilahin nang Aswang ang isa sa mga lamang

loob nya. Lumuwa nang dugo!!

Mas-Nakakakilabot ang mga susunod na pangyayari... Itinaas-nilagay nang halimaw ang nakuhang duguang lamang loob na yun nang bampira sa lumaking bunganga!!

"Ngarsh...Ngersh... HEEHEEHEEHEE!!!!" Ang Aswang habang parang nasisiyahan ito sa

nginunguya.

"NO!! MY Lhourd!! This is... this is madness... " si Nia napatakip nang mukha.

Is this... Is this the quiet and shy girl from before? So Brutal!!

Kahit si Alfredo na isang bampira ay kinilabutan habang nakikitang kinakain ang sarili nyang laman. Sarap na sarap ang dalaga... ang Halimaw!

Pero di pa tapos.... BUSSHLURKK!!!

"Aagghhh!!! " si Alfredo nang bumaon muli ang kanang kamay nang halimaw sa loob

nang katawan nya... may nahila na naman itong duguan lamang loob.

Ki-kill me... nasabi sa isip ni Alfredo. Am I asking for mercy? Me? Alfredo? I couldnt
Remember for the life of me... begging for my life.

How could he ask for mercy... The Vampires... They are on the top of the Food Chain... Second to no one... Even Werewolves are beneath them...

Until... until this Girl... this species... They didnt know...

There was another Superior Supernatural being at the top!

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-------------------------------------------

Napanganga ang lahat sa nasasaksihan... Ang kaibigan nilang si Jasmine... Isang nakakakilabot na mala-halimaw na!

Si Herberto, Si Nia, si Rachel... lalo na si Richard. Natahamik habang piping mga saksi sa Isang Halimaw na walang-awa! Brutal, purong instinkto lang nang isang mabangis na nilalalang!

Pikit ang isang matang pinapanuod ni Richard ang kababata... Wala syang maggawa... habang ang minamahal na dalaga ay nagwawala. Napapaluha... Pinangako sa SAriling... magpapalakas pa...

Ang isa pang binata sa buhay nang dalaga... si Romeo.

Nakikita lahat yun nang binata... nabigla... napalunok... si-Si Jasmine ba yun??

NGayon lang nya nakita ang kabilang pagkatao ng dalagang nagpapatibok ng puso... ang walang-awang Jasmine!!

Lahat na nang nakakalungkot na pakiramdam sabay-sabay pumapasok sa damdamin nang Binata.

Sinisisi tuloy ang SArili...

E Ikaw eh! Ikaw ang may kasalanan nito!! Mahina ka kasi Romeo!! Mahina KAA!! Kung hindi ka lang mahina... hindi magkakaganyan si Jasmine!!

"Ja-Jasmine.... Wag Jasmiine wag... hindi ka ganyan Jasmine... huhu" ang desperado

nang si Romeo habang nakahandusay pa rin sa Lupa. Tumulo ang ilang patak ng luha sa

lupa nang hindi sinasadya...

Nag-higpit ang kamao... Pangako ko... Pangako ko Jasmine...

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

------------------------------------------------------------------

Nang parrang nag-sawa na ang Halimaw na Kalinara...

Sinakal na nang Aswang na si Jasmine ang bampirang lalaki...

"AAKKK!!" Si Alfredo.

Walang kahirap-hirap na itinaas nang Aswang ang Bampira sa ere...

PArang eto na... hinintay nalang nang Bampira ang katapusan. Wala na syang maggawa... napakahigpit nang pagkakasakal sa kanya nang dalaga o tao pa ba to?

"HEEE!HEEE!HEEE! HEEE!" ang pagkakangisi nitong nakakakilabot!

Sa isa pang kamay ni Jasmine... Mabilis na naiipon ang Aura'ng Madilim!! WWWIEEEEEEEEEEHH!!!!!

Muling nanginig ang lupa!! Muling sumiklab ang kapangyarihan nang Kalinara! Palaki nang palaki na naman Aura nang kadiliman!! Eto na ang pangtapos ni Jasmine!!

Pumikit nalang si Alfredo... Wala na kong Ligtas dito naisip nang Bampira...

So this is how you will meet youre end ei Alfredo?

Nang may makitang maliwang na nakakasilaw si Alfredo... Is That the light at the end of the tunnel that you see when youre about to die??

Probably... Maybe... Ahh.... not so bad... the warmth... I like to sleep... to rest... after a thousand years? Why not.... Ang sumuko na sa kapalarang Bampirang si Alfredo.

BISSLAANGKKK!!! Isang malakas na tunog!!

Nabitawan sya nang Halimaw na dalaga!!

I caught a glimpse of the Light... Ahh... so beautiful... I thought I saw Little Girl... Little GIRL??!

She came to save me?? Si Alfredo...

Inatake pala ni Nia si Jasmine gamit ang MAgellia!!! Pero mabilis na nakailag ang Kalinara. Tumalon pataas sa ere!

"JASMINE!!! Get a grip GIRL!! It's time to stop!!" sigaw ni Nia Wohlenger.

HEE!HEE!HEE!HEE!!!" tawa nang parang baliw ni Jasmine. Parang walang naririnig.

Mabilis na sumunod din sa ere si Nia.

Eto na ba ang pagtatapat nilang dalawa? Naisip ni Nia.

I would very much like to fight Jasmine someday. But not like this...

WABANGK!! BABABABABANGK!!!

Nang magtagisan sa ere ang dalawa sa mga pinakamalalakas na babae! Si Jasmine at si Nia!

WOOOVSSH!!! WOOVSS!!! WWOOMMSSS!! Ang mga hanging likha nang pagtatagisan nang mga armas nang Kalinara at Mishrin!!

Ang mga matatalas na kuko ni JAsmine laban sa espadang MAgellia ni Nia!!

WABANGK!! BABANGK!!!

NOWWW!!! sigaw nang Mishring pang-anim sa pinakamalalakas sa buong mundo.

Sa likod ni Jasmine mabilis na lumitaw si Rachel...

Di agad naka-malay ang Kalinarang Aswang...

"Sorry Jasmine! Naku!" si RAchel.

WAMMPP!!! PAWAAMP!!! Nang inatake nang lahing Galeya ang kaibigan. Sapol nang mga pinatalas na mga buhok na balot sa Aura nang Kadiliman ang katawan nang Kalinara.

WAMP!! PAPAMP! PAPAMP!!! Sunod-sunod!!

Nabigla... bumulusok pabagsak sa lupa si Jasmine!! BRAGGSH!!!! Lamsikan ang mga lupa at alabok sa lakas ng pagbagsak nang kalinara sa kalupaan!

Mabilis na sumunod si Rachel!! Di pa to Tapos!! Di lang ganung basta-basta matatalo si Jasmine....

Sa paglinaw nang mga alabok... NAgulat si Rachel na nakatayo na pala uli ang kaibigan!! PArang binalewala lang pala nito ang mga atake nya.

Ngayon na!! Habang hindi pa nya ako nakikita!!! Mabilis na napuluputan ni Rachel ang isang kamay ni Jasmine nang mga buhok nya!!

Unting-unting hinihigop ang Aura nang Kadiliman nang kaibigan!!

"Sorry Jasmine!!! Ginagawa ko lang..."

Di natapos ni Rachel ang sasabhin. Hinila sya nang kaibigan gamit lang ang isang kamay... ang kamay kung saan naka-pulupot ang mga buhok nya.

BRAAGSSH!!! Ibinalibag sya nang kababata sa Lupa!!

Tumama una ulo!!! Agad na nanghina!!

"Ri-Richard... Bilis!" sigaw ni Rachel sa isa pang kababata, habang duguan ang may ulo.

Si Richard!! Tumatakbo na ngayon ang binata papunta kay Jasmine... Patungo sa
sinisintang dalaga!

"A-Akong bahala!!" sigaw pa ni Richard.

Tumatakbong nag-aapoy ang katawan mabilis! Ke-kelangan nya pigilan si Jasmine!!! Inipon muli sa kanang kamay ang malaking bola nang apoy na pang-atake!!

Papasugod sa kaliwang bahagi ni Jasmine.

"Pa-patawad Jas..." si Richard nang malapit na sa dalaga.

Pero nang malapit na malapit na si Richard kay Jasmine... Nasulyapan ni Richard ang mukha nang matagal nang minamahal... Nagdalawang isip...

Tangina!! Di ko Kaya!! Di ko kayang saktan si Jasmine!!!

Ang ilang segundong yun na nag-alinlangan si Richard...

BAG!!!! Ang malakas na sapak ni Jasmine sa mukha ni Richard... gamit ang likod ng kamao!!

"UGH!!" si Richard nang tumalsik... halos mabali ang leeg sa lakas nang pagkakasapak

sa kanya ni Jasmine! Tumilapon sa malayo!

"Here's my Chance...." ang sabi nang isa pang mandirigma!

Mula sa kanan naman ni Jasmine, mabilis sumulpot para umatake ang Mishrin!!

Napakaliwanag nang Espadang Magellia!!! Duon naipon ang halos lahat nang Aura nang
banal ni Nia Wohlenger!!! WWWEEEEEEEWWWWW!!!!

NAkita yun ni Herberto... Ang pormang yun!!! Ang Pangtapos ni Miss Nia!!!

Bihira lang yun makita ni Herberto gamitin ni Miss Nia. Pero pag-ginamit na yun nang Mishrin! Siguradong tapos na ang Kalaban!!

Hawak nang dalawang kamay... Nakabuwelo nang maigi ang Magellia... Ang lakas nang inipong Aura nang banal sa espada!!

Pina-lakas din nang ilang daang beses ang Bilis ni Miss Nia sa Pag-Generate nang napakaraming Aura nang Banal sa Katawan!!

Eto na!!

Ang GHODSPEED SLASH!!!!! Isa sa mga kapangyarihan nang Generator type manipulator of Aura na si Nia Wohlenger!! PArang isang Spring na inipon... sabay buong lakas papakawalan!!!

Ang Isang hiwa lang na simbilis na halos na liwanag ng ilaw!!

Pe-pero teka... ibig sabihin ba tatapusin na ni Miss Nia si Miss Jasmine??

"NO!! MISS NIA NOHH!!!" sigaw ni Herberto para pigilan ang sinasamahang Mishrin.

Napansin yun nang napakatalas na pakiramdam ng Aswang...

Sa kanang kamao inipon ang napakalakas na kapangyarihan nang Aurang Dilim!! WEEEVVVOMMSSSS!!!!!

"HEE!! HEE!! HEE!!!" Patawa-tawa pa ang mala-halimaw nang si Jasmine.

MAgsasabayan ang dalawa sa mga pinakamalakas na babae sa buong Mundo!! Ang pagtatapat nang liwanag at dilim!!

Nang biglang hindi makakilos ang Aswang...

Pagtingin ng Kalinara sa mga kamay at paa, napalaputan na pala ito nang sobrang higpit nangg buhok ng kaibigang si Rachel.

Galit na galit ang Kalinara sa pumigil sa paggalaw nya... Nanlilisik ang mga matang napatingin kay Rachel.

"So-Sorry Jasmine! Sorry Talaga" si Rachel.

BAANGGKKK!!!!! Doon na tumama ang paghiwa nang Magellia sa Aswang!! Sapol si

Jasmine sa pag-atake ni Nia.

"UGUK!" napa-igik nalang si Jasmine. Ang mga mata napapikit... Agad na nawalan ng

malay.

Napatakip naman ng mga mata si Herberto. Tinuluyan na ata ni Miss Nia si Miss Jasmine ah!!??

"Bakit Miss Nia??? Kala ko ba?" si Herberto nag-aalala.

Tumimbawang sa lupa ang tila wala nang buhay na Kalinara sa lupa. Una mukhang bumagsak... Tahimik na nakadapa ngayon ang Walang malay na Aswang sa kalupaan.

Lumiwanag uli ang kapaligiran. PArang yung naalis ang mga makakapal na madilim na ulap sa kalangitan. Lumabas na uli ang Haring-Araw.

Sa tabi ni Jasmine nakatayo na ang Mishring si Nia Wohlenger....

"Miss Nia!!! Bakit!!" ang parang napaiyak na si Herberto...

"You Idiot!!! Stop that!! She's not dead!"

"Enghh? Wha-What?" si Herberto. Tinigilan ang pag-singhot. Pinahid ang luha.

Sa isang segundo bago tumama ang Magellia kay Jasmine... naiikot pa ni Nia ang Espada!! Ang walang talim na parte nang Magellia ang tumama sa Aswang!!

Nilapitan ni Nia ang nawalan nang Malay na si JAsmine... bumalik na naman ang itsura nito sa kaygandang mukha na pamilyar sa kanila.

"You gave me a lot of trouble huh..." sabi ni Nia sa nakahigang Aswang. Ibinaba-isinara

na uli ang pangatlong mata sa isang porsyento lang... bigla ang paghingal nang

Mandirigmang Mishrin...

Si Jasmine ngayon pAra lang itong natutulog... Ang mga suot na damit nito... wasak-wasak na... Sumisilip ngayon sa mga punit ang kagandahan nang katawan ng Dalagang probinsyana.

"I cant believe it... this beautiful girl... is a fierce... powerful monster... Ironic..."

Napangiti si Nia habang pinagmamasdan ang maamo na uling mukha nang Kalinara...
Isinabit uli sa may sukbitan sa likod ang malaking espadang MAgellia. WASHLANGK!
Pinahiran ang mukha ni Jasmine, ang paligid nang bibig na puno nang tuyong dugo... dugo ni Alfredo...

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

----------------------------------------------

"Miss Nia!" tawag bigla ni Herberto. May itinuro...

Si Alfredo!!! Ang Bampira!

Nawala na sa isip ni Nia si Alfredo...

Nakatayo na ito ngayon! Nagulat ang Mishrin sa tibay ng Bampira. Matindi ang tinamong mga sugat nito nito sa mga pag-atake ni Jasmine. Malalalim at malubha pero eto ngayon nakabangon na agad at naglalakad pa.

Napahawak uli si Nia sa sandata nyang Magellia.

Tatapusin na ba nya dito? NAisip nang Mishrin... Ang bampirang ito ay isa sa mga tiga-bantay ni Vladeria.

Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Nia sa dulo nang hawakan ng espadang Magellia!

NAglalakad si Alfredo... duguan... Gula-gulanit-wasak-wasak na ang pormal na suot. May mga pumapatak na dugo sa lupa habang naglalakad ito.

Napatakip nang bibig ang Mishrin... Mga parte nang lamanloob ba yun??

Naawa si Nia sa Bampira. Kitang-kita sa paglalakad nito ang hirap. Papunta sa kanya!

Biglang pumaibabaw ang pusong babae sa nakita... NAtalo ang pusong mandirigma sa loob nya...

Nang makalapit na si Alfredo kay Nia...

"You can kill me now litttle Girl..."

"No..."

"I might endanger your life later... Kill me..."

"No... I cant..."

"Why? You got to... You know it's the right thing to do... "

Hindi na muli nakapagsalita ang Mishrin... hinaplos na nang bampira ang pisngi nya... Napapikit si Nia...

"I'm sorry little girl... for everything..." si Alfredo sabay tumalikod.

Napaluha si Nia... Bakit hindi nya kayang tapusin ang lalaking yun?

Sa isip nang dalaga, Kill Her Nia... Kill her, it's youre sworn duty as a Mishrin... Pero habang malamyos na hinahaplos ni Alfredo ang gilid ng mukha niya... parang nahuhulog lalo ang loob ng dalagang Mishrin.

"Finish it Little Girl..." sabi ni Alfredo.

"Noow..." si Nia humikbi.

"Its alright... I will find again you in my other life...." ngiti nang bampirang may

kagwapong mukha.

Nanginginig na hinawakan ng dalagang mandirigma si Magellia.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------

"No you wont..." Ang sabi nang isang boses na lalaki.

WWAAAWWWMMM!!! Biglang may di nakitang puwersa, tumilapon si Nia mula sa Bampira.

"What??!" si Alfredo.

Isa lang ang may kapangyarihan ganito. Si Johannes!!

"Miss Nia!!!" sigaw ni Herberto

Tumilapon... Bumagsak sa malayo si Nia Wohlenger.

"What happened Alfredo... You cant take care of this band of young girls and boys...."

Hindi nakasagot si Alfredo.

"Let's Go... The Queen is looking for you... " si Johannes.

May ilang lalaki at babae mga teenager na mukhang mga foreigner ang nagsidatingan.

MGa nakasuot nang pormal. Dalawa ang pumunta para kunin si Max. Dalawa rin ang kumuha kay Alberto.

May isang binata at dalaga rin ang tumabi kay Alfredo. Mga bampira rin ang mga to!

"Sir..." sabi nang dalagang bampira.

"No... I can walk by myself..."

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-------------------------------------------------------------

"Vampires...." si Nia... Nagsisimula na namang maggalit.

Biglang tumabi si Herberto sa sinasamahang Mishrin.

"Miss Nia Wag... marami sila... at marami ka na ring naggamit na enerhiya... Isa pa...

theyre First bornes..." bulong-pigil sa kanya nang Accompanist.

Tiningnan ni Nia ang mga itsurang dalaga at binata na mga bampira...

Mga First Born na Bampira... Mas malakas ang mga ito sa mga pangkaraniwang bampira. Nakakalakad din sa ilalim ng sinag ng Araw. Hindi katulad nang mga bampirang, hinawaan lang.

Kaya nya ang tatlo o Apat na mga to, pero kung lagpas sampu at sa kalagayan nya ngayon...

Herberto is Right... My arms are shaking... and I'm wounded. I used up a lot of my Aura fighting.

Besides... My friends are in no condition to fight. Romeo is down, Richard is slumped, Rachel is lying on the ground and Jasmine too is unconscious.

Binitawan nang Mishrin ang Espada... There's a time to fight another day...

Tumingin pa si Alfredo sa kanya bago tuluyang umalis ang grupo ng mga Bampira. Malungkot ang mga mata. Ganun din naman si Nia... parang kumakabog ang puso nya na malalayo si Alfredo... Hindi nya alam kung bakit.

Sumakay sa ilang magagarang mga sasakyan ang mga lagpas sampu atang bampira.
Na-alarma ang Mishrin. Why are there a lot of vampires in this place?

But one thing is for sure... Vampires gathering in one place is not a good sign...

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

------------------------------------------------------

Unti-unting luminaw ang lugar nang unang sagupaan.

Tahimik na ang malawak na harap ng peryahan. Sakto lang ang pagka-imprenta ni Herberto sa mga memorya nang mga posibleng saksi.

Ang kasinungalingang pinakalat nyang hypnotic mental suggestion, dumaan daw ang isang malakas na buhawi! GAgana lamang ito sa mga normal na tao. Pero alam ni Herberto maaring hindi ito gumana sa ibang tao na may malalakas na pag-iisip at sa mga nilalang na kakaiba.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-----------------------------------------------------

"Aray koh... " si Rachel.

"Miss Rachel! Ok ka lang?" hangos si Herberto para tulungan ang Galeya.

"Pakitayo mo nga ako..."

Nang makatayo si Rachel... "A-asan si Jasmine? "

"Here..." si Nia, buhat-buhat nito ang kaibigang dalaga. Dahan-dahang ibinaba.

"Jasmine... jasmine... ok kalang... " Si Rachel.

Hinimas-himas ang mukha nang kaibigang natutulog.

"Te-teka... Si... Si Romeo???" ang pag-aalala nang dalagang hottie.

"I dunnow, Yeah... Where is he by the Way?" si Nia.

"Ayun oh! Teka... sino yun..." Turo ni Herberto sa di kalayuan.

"Saan? SAan? Pogie WAIT!! Anjan na ako! " si Rachel na nagmamadaling tinakbo kung

saan ang binatang si Romeo.

Maliksi at Mabilis kumilos ang Galeyang Aswang, saglit lang at nasa tapat na sya nang binata.

"POGIE!!!" nang matagpuan si Romeo naka-higa pa rin, pero hindi mag-isa ang binata.

"Ayiie! Ayie!!"

Na-shock si RAchel sa nadatnan.

Si Romeo naka-higa sa hita nang isang dalagang pagka-ganda-ganda. Walang ata itong saplot.

Mahaba ang kay-itim at kaygandang buhok. Ang buhok lang nito ang tumatabon sa kahubaran.

"Ro-Romeo?? Si-Sino yang babaeng yan!??! " ang nagulat na si Rachel.

"Di-di ko alam... bigla nalang sya lumitaw..." kahit si Romeo ay di rin alam kung

saan nanggaling ang dalagang hubot-hubad

Ilang saglit lang... Dumating si Nia inaalalayan ang tulog na si Jasmine kasama si Herberto.

Nang makita ni Romeo si Jasmine... pilit nagtumayo ang binata... pero dahil Sugatan at
maraming bali sa katawan...

"Ahhhh!! " Bagsak-napahiga muli sa mga hita nang dalagang hubo.

"Ayyiiieee" ang sabi naman nang di kilalang babae.

Tila nag-aalala para kay Romeo. Hinaplos-haplos ang noo nang binata.

"What the HELL!! Where did that pretty girl come from HotShot!!?" si Nia nang makita

ang di kilalang babae.

"Romeo!! Wow!! Yikes!! " si Herberto nang makitang walang saplot ang dalagang

marikit.

"And She's Naked!! My goodness!!! Hotshot!! What did you do to her!!" ang malakas na

boses nang Mishrin.

"Te-teka lang... Teka!! NGayon ko lang sya nakita!" pilit paliwanag nang binata.

"Umamin ka Romeo!! Bakit mo ko pinagtaksilan huhuhu" si Rachel.

"AYieeee... " ang hindi maintindihang sabi nang di-kilalang dalaga. Sabay umakap nang

mahigpit, dalawang kamay palibot sa may leeg nang binata.

"Aba't!!!" ang nanlisik sa selos na si Rachel.

"Gulp!!" si Herberto napalunok.

"Mi-miss-Miss... teka lang..." ang namumula namang mukha nang binatang si Romeo.

Paano'y dikit na dikit ang kahubaran nang mainit na katawan nang di-kilalang dalagang
hubad sa likod nya.

"Looks like she LIKES you Hotshot! Hihi!! " tawa rin ni Nia Wohlenger.

Parang kinakabahan naman ang di-kilalang nilalang sa mga nakapaligid na tao.

Lalong humigpit ang akap nang dalaga sa binata. Ang magandang mukha idinikit sa pisngi ni Romeo.

"Hoy!!" ang malakas na boses ni RAchel sa pagseselos nang makitang nilalamakos nang

di kilalang dalaga si Romeo.

Lalo namang nanginig ang babaeng walang saplot sa takot kay Rachel...

"Aayyeeee... YaYiieeYeeYee... " ang umiiyak na palang dalagang naka-yakap kay

Romeo.

"W-wait... Stop scaring her... Look... Ah-I think she's about to cry..." saway ni Nia

sa lahat.

Pagpatak ng ilang luha ng dalaga sa mukha ni Romeo... naging solido ang mga ito! Hugis bilog at kayputi! Kumikinang sa bawat tama ng liwanag nang Araw!!

"Herberto!! Look!" si Nia.

"Mi-miss Nia! Ang mga luha nya! " Si Herberto namamangha sa mga

nakikita.

"Isnt that a pearl!" si Nia.

"Mmmmm... Mmmm... mmm... " habang kinikiskis nang sirena ang magandang mukha

nito sa mukha ni Romeong nagsisimula nang mamula.

"Ahehehe... Te-teka lang Miss! May kiliti ako diyan!!" si Romeo pilit sinasaway ang

dalagang nilalambing sya.

"Ayiee!!!"

"What the!! " nagulat ang Mishrin sa nakita...

Nagliliwanag na ngayon ang Katawan ng dalagang yakap-yakap si Romeo. Nakapikit ang mata nito. Hinahaplos-haplos ang mukha nang binata.

Isang Aura nang liwanag na kulay Asul!!!

"Look Miss Nia!! Ang Aura nya! " si Herberto.

"Yup!! If I am in the right... I'd say that's a Water Type of Aura..." si Nia.

"Miss Nia!! Ibig sabihin... Isa syang... Isa syang!!" ang namamanghang si Herberto.

Pagkawala nang aura nang kulay asul mula sa di-kilalang dalaga...

"Ayiiieee!"

Ngumiti kay Romeo ang kaygandang dalagang hubo't-hubad.

"What!!???? HOLY FUR!! I thought they were extinct?!!!"

"Miss Nia... Hindi lang sila nagpapakita sa mga tao... pero wala pang ebidensyang

extinct na sila."

"Te-Thank you Miss!! Parang gumaan... gumaan ang pakiramdam ko ah!! A-Anong

pangalan mo?" tanong ni Romeo.

"Ayiiiee! Ayieee!!" sagot nang dalagang di kilala.

"Ano Daw?" si Rachel.

Nang...

"ROMEOO!!!!!!" ang malakas na tawag ng isang boses.

"Ja-Jasmine!!! Gi-gising ka na pala!!!" ang nagulat na si Romeo.

NAgkamalay na ang dalagang Kalinara!! Huling-huli si Romeo sa aktong hinahaplos-

haplos nang di-kilalang babae ang mukha nya!!

Nagsisimulang mabalot muli nang Aura nang Kadiliman ang katawan nang Kalinara.

Oops!! I Think... I'm outta here!! Si Nia na pasimpleng lumayo.

"Ja-Jasmine!! SANDALI! Maghunos dili ka!! Hayaan mo na muna ako magpaliwanag!!!" si

Romeo nang makitang lumiliyab na uli palaki ang Aura nang dalagang si Jasmine.

"Anong kaguluhan to??" siyang dating naman ni Richard.

May isang malaking bukol sa kanang parte nang mukha pikit ang isang mata. Gawa nang malakas na suntok ni Jasmine.

"Ayieee!!" Sa takot... Yumakap uli ang di-kilalang naka-Bold na dalaga sa likod ni

Romeo.

"IKAW!! Ginagalit mo talaga ako ha!!" si Jasmine, ang mukhang nagsisimula na namang

magalit, mag-sungit, sumuplada! Lahat na!!

"Jasmine!!! Anong nangyayari sayo!? Wala nang kalaban!" si Richard.

"Mi-Miss! Miss!! Bitawan mo ko! Bilis! Bilis!!" si Romeo, pilit tinatanggal ang

pagkakayakap sa kanya nang dalagang hubad. Pero lalo lamang naghigpit ang yakap

nang di-kilalalang babae.

"Wag Jasmine! WAG! Magpigil ka!!" nahintakutan si Rachel nang makita muli ang

kababata.

"Pigilan nyo siya!! Parang awa nyo na!! Mi-Miss Nia!!?? Miss NIA???" si

Herberto.

Paglingon-hanap sa Mishrin. Nakita nalang ni Herbertong nasa malayo na pala si Nia.

Bumubungisngis!

Duon biglang sumabog ang Napakalakas na Aura ng Kadiliman ni Jasmine!!!

Talsikan ang lahat nang nasa paligid nang Dalaga!!

Kitang-kita sa isang ligtas na distansya ni Nia, kung paanong magtalsikan sina Romeo,
Richard, Herberto, Rachel at ang di kilalang dalaga sa ere!!

"Hihihihi!!!" patawa-tawa pa ang Mishrin.

"Miss NIAA!!!!" sigaw ni Herberto nang tumilapon sa ere.

Ipagpapatuloy...

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.