Chapter 13 - Aksidente

Gulat na napalingon si Angelo sa nagsalita.

Pagtingin nya ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Ronron sa pinto.

Maging ang binata ay napanganga ng maabutan ang ama ni Angel na tumatangis sa loob ng silid ng dalaga.

Parehas silang nabigla.

Ngunit walang nagsalita.

Walang nakapaglabas ng katiting na tinig man lang hanggang sa maramdaman ni Ronron ang pangangawit.

..

Tumikhim ang binata.

Tila galing sa bangungot si Angelo

Mabilis syang tumalikod para pahirin ang mga luha sa mukha pagkatapos ay pinilit ang sariling ngumiti bago hinarap ang binata.

"R-ronron, a-anong ginagawa mo dito ? A-alas tres pa lang ng madaling araw ah. " puna ng lalaki.

Napangiti ng kimi si Ronron at tuluyan ng pumasok sa loob ng silid.

Pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto.

Muli nyang naramdaman na parang may mabigat na bagay na nakapasan sa kanyang dibdib.

Huminga ng malalim si Ronron bago binalingan ang ama ni Angel.

"Naalimputangatan po ako hanggang sa di na ako makatulog. " sagot nya.

Tumango tango si Angelo.

"Ako naman, hindi pa natutulog. " natatawang sabi ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Bakit ho ? May insomnia ho ba kayo ? " tanong nya.

Umiling si Angelo.

"Wala naman. " matipid nyang sagot.

Natahimik sila pareho.

Hanggang sa di na napigilan ni Ronron ang sarili.

"H-huwag po kayong magagalit, p-pero bakit po kayo umiiyak ? " tanong nya.

Bumuntong hininga si Angelo bago ngumiti at marahang tumayo.

Naglakad sya patungo sa bintana.

"I c-cant stop thinking of my daughter. " pag amin nito.

Natigilan si Ronron.

Parehas sila ng lalaki.

Napatingin sya sa relos at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Alas tres na po pala. " sabi nya.

Tumango si Angelo.

"Pwede ka pang matulog iho, ipapagising na lang kita mamaya. " kanyang wika.

Ngunit umiling si Ronron at tuluyan ng napangiti.

"Actually Tito, namimiss ko po sya. " mahinang pag amin nya.

Napatingin si Angelo sa binata at nagulat sya ng makitang nangingilid na rin ang mga luha sa mga mata nito.

"N-naiintindihan kita iho. Alam kong nararamdaman mo. " sabi nya sabay lapit sa binata.

Inakbayan ni Angelo si Ronron na unti unti ng lumuha dahil sa hindi mapigilang emosyon.

Napakabigat ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon.

Pakiramdam nya ay isa syang basong punong puno na ng laman.

..

Nahabag si Angelo sa binata.

Alam nya ang pinagdadaanan nito kaya di maiwasang mangilid muli ang mga luha sa kanyang mga mata.

Tahimik na tumangis ang dalawa.

Maya maya ay natawa si Ronron ng bahagya.

Nagtaka si Angelo.

"W-what's funny ? " tanong nya.

Napangiti si Ronron.

"Three o'clock. Madalas nya kong tinatawagan ng alas ng madaling araw. Kaya medyo nasanay na ako na gising sa ganitong oras. Sinubukan kong ipabago sa kanya yung oras ng pag uusap namin sa phone pero ayaw nya. Di daw pwede. K-kaya pala. " muli na naman syang naiyak.

Napanganga si Angelo.

"T-three o'clock in the morning ? " tanong nya.

Pinunasan ni Ronron ang mga luha bago marahang tumango.

"Opo. Bakit po ? " balik tanong nya.

Napalunok si Angelo.

"A-alas tres namin nakita ang katawan nya. Sinugod namin sya sa hospital pero after 3 hours, b-binawian na sya ng buhay. Sabi ng doktor, 3 hours daw syang nasa state of coma hanggang sa mismong katawan na nya ang sumuko. " imporma nya.

Natulala si Ronron.

"T-tatlong oras ? M-meaning six in the morning, m-my God. " bulalas nya.

Napatingin si Angelo sa binata.

"B-bakit ? " tanong nya.

"From 3 am to 6 am ang usap namin. Lagi yon, minsan basta na lang napuputol ang tawag, sa gitna ng conversation namin. Sinusubukan ko syang tawagan pero o-out of coverage na sya. A-akala ko pinapatayan lang nya ako ng phone. " manghang sambit ni Ronron.

Maging si Angelo ay natulala sa kwento ng binata.

"B-bakit ginagawa yon ni Angel ? B-bakit di nya sinasabi sayo ang kondisyon nya ? " tanong ng ama.

Biglang may nagsalita sa pinto.

"Maybe she's preparing Ronron for something else. " sabi ng boses.

Gulat na napalingon sina Ronron at Angelo sa pinto at nakita nila si Romeo na nakasandal sa hamba.

"Rom !, gising ka na ? " tanong ni Ronron.

Nagtroll face si Romeo.

"Hindi, tulog pa ako. Monggoloid. " sabi nya.

Natawa si Angelo pero bigla ulit syang nagseryoso.

"P-preparing for what ? " tanong niya sa dalawa.

Nagkibit balikat si Romeo at pumasok na sa loob ng silid.

Ngumiti si Angelo.

"Iho, can you close the door ? Baka matakot yung iba kapag nakita nilang bukas itong kwarto ni Angel. " masuyong utos nya.

Tumango si Romeo at sinara ang pinto.

Naglakad sya patungo sa bintana at kumunot ang kanyang noo ng may mapansing kakaiba.

"Kaninong kwarto yun Tito ? " tanong ni Romeo.

Mabilis na tumayo si Angelo kasunod ni Ronron.

Sumilip din sila sa bintana at sinundan ang tinuturo ng binata.

"T-tha'ts Jamaica's room, Angel's bestfriend. " sagot nya.

"Bakit bukas ang ilaw ? " tanong ni Ronron.

Nagkibit balikaw si Romeo.

"Dalawa lang yan pare, it's either gising na sya o gising pa sya. " sabi nya.

Namangha si Angelo at napatingin din sa kwarto sa tapat ng kwarto ng anak.

..

Pasimpleng tumingin si Romeo kay Ronron.

Tumango ang binata at hinarap ang ama ni Angel.

"Tito, we want to know truth beyond truth. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Angelo.

"W-what you mean ? " tanong nya.

"Gusto po naming malaman ang totoong nangyari, 1 year ago. " lakas loob na sabi ni Ronron.

Ngumisi si Romeo at naupo sa bakanteng silya sa tabi ng study table ni Angel ngunit natigilan sya ng may mapansing kakaiba sa pinto pero pinili nya itong balewalain.

..

Ng marinig ni Angelo ang sinabi ni Ronron ay saglit syang natulala.

Marahan syang naglakad pabalik sa kama ng anak.

Nanatiling namang nakatayo si Ronron sa tapat ng bintana habang hinihintay ang isasagot ng lalaki.

Huminga muna ng malalim si Angelo bago marahang ngumiti at binalikan ang masalimuot na nakaraan.

"18 years ago. Masyado ng matagal pero naaalala ko pa ang lahat. Nagkaroon kami ng mainit na pagtatalo ni Paloma. Muntik ng humantong sa paghihiwalay ang pag aaway naming yon. Madalas kapag nagtatalo kami, sya ang umaalis ng bahay at pumupunta sa parents nya. Pero naisip kong masyado ng nadadamay ang mga magulang namin kaya for a change, ako naman ang lumayas. " napangiti ng kimi ang lalaki.

Nagkatinginan sina Romeo at Ronron ngunit nanatili silang nakikinig.

Muling huminga ng malalim si Angelo bago nagpatuloy.

"I drove my car fast. Sa sobrang bilis, hindi ko na napansin na may makakasalubong pala akong another car. And then boom !, an accident happened. Paggising ko, nasa loob ako ng isang barung barong. Luckily, galos at minor headache lang ang inabot ko. Two days akong nagpahinga sa bahay na yon. Kasama si Gelay. " kwento nito.

Kumunot ang noo ng dalawang binata.

"Who's Gelay Tito ? " tanong ni Ronron.

Ngumiti ng kimi si Angelo.

"27 years old ako that time, whent I met Gelay. Sya ang nakakita sa akin at nangalaga ng wala akong malay. 6 days na pala akong tulog. Yung kubo na tinuluyan ko, sa tyuhin nya yon. May palaisdaan sila malapit dun sa pinangyarihan ng aksidente at swerteng namamasyal sya ng mga oras na yon. " dagdag impormasyon.

Tumaas ang isang kilay ni Romeo ngunit hindi sya nagkomento.

Pero si Ronron ay di nakapag pigil.

"Anong kinalaman ni Gelay sa istorya Tito ? " tanong nya.

Natawa ng mahina si Angelo.

"Bata ka pa nga iho, masyado kang mainipin. May lakad ka ? " sabi nya.

Natameme si Ronron at napatingin sa kaibigan na kampanteng nakikinig sa isang tabi.

..

"H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito, o kung dapat ko pa bang sabihin. Akala ko mananatili sa pagitan namin ang lihim na ito ngunit talagang binabagabag ako ng aking budhi. N-nawala na't lahat ang anak ko ng hindi ko man lang naipagtatapat sa kanya ang katotohanan. " nangilid ang luha sa mga mata ni Angelo.

Pumiyok ang boses nya at ilang saglit lang ay di na napigilan ang pagtangis.

Mabilis na lumapit si Ronron sa ama ni Angel.

Marahan nyang hinagod ang likod nito para kahit papaano ay maiparamdam ang kanyang presensya.

Nanaghoy si Angelo ng ilang minuto.

Sari saring emosyon ang sumasakop sa kanyang damdamin kaya di nakapagtatakang bumigay na ang kanyang puso.

Matapos ang ilang sandali, unti unting humina ang pag iyak ng lalaki.

Sa pagitan ng paghikbi, sinikap nyang ipagpatuloy ang kwento.

"S-si Gelay. Malambing sya at maalaga. Halos hindi na ako kumilos ng mga panahong yon dahil lahat na ng kailangan ko ay inaabot nya. Lagi pa syang nakangiti at masayahing kausap. Punong puno ng buhay. P-parang si Angel ko. " humihikbing sabi ni Angelo.

Tumikwas ang isang kilay ni Romeo.

Naningkit ang mga mata ngunit hindi sya nagsalita.

Bagkus ay tumayo ang binata at nagpaalam sa dalawa.

"San ka pupunta pare ? " tanong ni Ronron.

"I've to make some calls. Don't mind me, babalik ako. Ituloy nyo lang ang tsismisan. " nakangising sabi ni Romeo sabay titig kay Angelo.

Tumiim ang mga bagang nya at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng silid.

..

Nagtaka si Ronron sa ikinikilos ng kaibigan ngunit mas inuna nyang asikasuhin ang ama ni Angel.

"Kung di nyo na kayang magkwento pa Tito, pwede naman siguro yan mamaya ? " tanong nya.

Napailing si Angelo.

"No I'm fine. N-nasan na ba ko ? " tanong nya.

Ngumiti ng tipid si Ronron.

"Kay Gelay. " sagot nya.

Napatango si Angelo at muling sinariwa ang nakaraan.

"Magkaibang magkaiba sina Gelay at Paloma. Para silang araw at buwan. Kung si Paloma ay tahimik at madalas na seryoso, lagi namang nakangiti si Gelay. Yun ang isa sa mga katangian nya na nagustuhan ko. " kwento nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"N-nagustuhan ? P-pero Tito, may asawa po kayo. " paalala nya.

Tumango si Angelo.

'I know that. Alam na alam ko ang bagay na yan. Kaya nga after two days, nagpasya na akong umalis at bumalik kay Paloma. Pero di pa duon natapos ang pagkikita namin ni Gelay. " dagdag nya.

Lalong kumunot ang noo ni Ronron.

"You mean Tito, nag karoon kayo ng affair sa ibang babae ? " gulat na tanong nya.

Marahang tumango si Angelo.

Kita sa mukha nito ang labis na pagsisisi sa ginawa.

"Di lang yon may nangyari sa amin at dumating ang panahong nagbunga ito. Natakot ako ng sobra. Kasabay din ng mga panahong yon, nag dalatang tao din si Paloma. " saad nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron.

Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang boses na namutawi sa kanyang mga labi.

Nagpatuloy pa si Angelo.

"Alam kong kasalanan ko. Gusto ko na sanang ipagtapat kay Paloma ang lahat pero binalaan ako ng doktor tungkol sa kundisyon ng pagbubuntis nya. Mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan ni Paloma kaya dapat akong mag ingat at doblehin pa ang pag aalaga. Hindi ko na nagawang aminin pa sa kanya. Natakot ako, hindi lang para sa reaksyon nya kundi para sa kalusugan nya mismo at ng magiging anak namin. " muling syang naluha.

Napahinga ng malalim si Ronron.

Nagugulat sya sa mga rebelasyon ng ama ni Angel ngunit kailangan nyang panatilihin ang huwisyo.

..

Marahang pinahid ni Angelo ang mga luha at tinuloy ang kwento.

"Pero di ko makalimutan ng tuluyan si Gelay dahil nasa sinapupunan nya ang bunga ng aming pagtataksil. Mahal ko rin ang bata, pero tinapat ko na si Gelay na mahal ko ang asawa ko. Nuon biglang nagbago ang kanyang ugali. Lumabas ang totoo. Ginamit nya ang bata para i-blackmail ako kasabwat pa ang tyuhin nya. " napatiim ang bagang ng lalaki.

Nagpatuloy sya sa pagsasbi ng nakaraan at nanatili lamang na tahimik si Ronron.

"Sa kabila ng masamang balak at takot na rin sa maaari nilang gawin, sinunod ko ang gusto ng magtiyo. Binigyan ko sila ng puhunan para paunlarin pa ang kanilang negosyong palaisdaan. Dagdag pa ang scholarship ng bata at pera sa bangko na sadya kong pina time deposit para hindi nila magamit. Maaari lamang makuha ang perang iyon kapag dumating na sa tamang edad ang bata. Malaki laking halaga rin yon dagdag pa ang interes. Pero hindi ko na iyon iniisip dahil mas mahalaga sa akin ang magiging kinabukasan ng anak ko. " saad ni Angelo.

Napalunok si Ronron.

"Y-you mean, may kapatid si Angel ? " tanong nya.

Marahang tumango si Angelo.

"Mas matanda ng isang buwan kay Angel. " sagot nya.

"P-pero, w-what happened Tito ? " tanong ni Ronron.

Napayuko si Angelo.

"M-maselan ang naging kondisyon ni Paloma. N-nawalan ako ng pagkakataong alamin kung anong naging kalagayan ng anak ko kay Gelay. Isang buwan, bago ang takdang panganganak ni Paloma, nagpasya akong mamalagi na kami sa ospital. Pero sa di inaasahang pagkakataon, ipinanganak si Angel ng mas maaga. Premature sya ng isilang ni Paloma kaya naging maselan ang kanyang kondisyon. Ilang buwan din kaming nagtagal sa ospital. Lahat na ng santo natawag ko. Di ko akalain na tama pala ang sinasabi ng mga magulang ko. Darating pala sa puntong luluhod at magmamakaawa ako sa Panginoon para lamang buhayin nya si Angel. Kahit na buhay ko ang maging kapalit, ayos lang. Wag lang ang anak ko. " naiiyak na sabi nya.

Maging si Ronron at nangilid ang mga luha.

Suminghot si Angelo at natawa ng mahina.

"Salamat sa Panginoon. Kinaawaan nya ako, gumanda na ang kondisyon ni Angel at ito ang naging hudyat ng pagbabago naming mag asawa. Mas minahal ko si Paloma ng higit pa kasama na syempre si Angel. Pero di ko pa rin inaalis sa alaala ko ang naging anak namin ni Gelay. Mahal ko rin ang bata. Kapantay ni Angel. " pag amin nya.

"H-hindi nyo sya hinanap ? " tanong ni Ronron.

Napahinga ng malalim si Angelo.

"Malaki na ang nagastos ko sa paghahanap sa kanila. Isang buwan ang lumipas, ng masiguro kong maayos na si Paloma at Angel, nagpunta ulit ako sa lugar nina Gelay. Pero wala na silang magtyuhin. Nabenta na rin ang palaisdaan nila at iba na ang nag mamay ari. Pati yung kubo. Wala na talaga. Wala ring makapagsabi sa lugar nila kung saan nagtungo ang dalawa. Pero syempre, hindi ako huminto ng dahil lamang doon. Umupa ako ng private detective para hanapin ang tatlo. Pero eto, hanggang sa ngayon, wala pa ring resulta. N-nawawalan na ako ng pag asa. " pag amin nya.

Napailing si Ronron.

"Wag po kayong mawalan ng pag asa. Baka ito rin ang gusto ni Angel kaya nya kami pinapunta dito. Para tulungan kayo sa paghahanap. Hindi ko po alam kung ano ang rason nya pero dahil nandito na rin kami, pwede namin kayong tulungan. " sambit nya.

Napangiti ng kimi si Angelo.

"S-salamat kung ganon. " taos pusong sabi nya.

Tumango si Ronron.

Pero bigla syang napangiwi.

"W-wala po ba kayong palatandaan na anak nyo sya ? Kahit na balat or something ? " pahabol na tanong nya.

Napaisip si Angelo.

"W-wala akong alam tungkol sa balat dahil hindi ko pa sya nakikitang talaga. Ni hindi ko nga rin alam kung babae o lalaki ang anak ko. Pero may isang bagay akong iniwan kay Gelay nuong nandun pa kami sa kubo. " sagot nya.

Nagliwanag ang mga mata ni Ronron.

"Ano po ? " sabik na tanong nya.

Pinikit ni Angelo ang mga mata.

"K-kwintas ? Tama kwintas nga, gawa yon sa purong ginto. Minana ko pa sa Mama ko. " sambit nya.

Napatango tango si Ronron.

"May idea kayo kahit papaano. Basta alam nyo kung anong itsura ng kwitas. " nakangiting sabi nya.

Napangiti ng kimi si Angelo at huminga ng malalim.

..

Lumipas ang ilang minuto.

Natahimik ang dalawa.

Pakiramdam ni Angelo ay nabunutan sya ng tinik dahil sa wakas ay naisiwalat na rin nya ang mga mga nangyari matapos ang aksidenteng naganap.

"M-marami akong kasalanan kay Angel at sa anak ko kay Gelay, pero higit sa lahat ay kay Paloma. Pinagtaksilan ko sya. Nagsisisi na ako sa ginawa ko. Marahil ay ang pagkawala ni Angel ay isa sa mga karma ko. Di ko maiwasang magalit. B-bakit si Angel ang nagdusa ? . D-dapat ako na lang ang namatay !. " mapait na sabi nya.

Malakas na napahagulgol si Angelo.

Agad namang dinaluhan ni Ronron ang ama ng kasintahan.

Marahan nyang hinaplos ang likod nito.

Nais nyang payapain ang loob ng lalaki ngunit wala syang maapuhap na sabihin.

Nanatili lamang syang tahimik sa pagitan ng pag iyak ni Angelo.

..

Mula sa kabilang kwarto, tumawa si Romeo.

"Wag ka ng magpacute Uncle Gus, kailangan ko na yon mamaya eh. " sabi nya.

Tumawa si Gustavo sa kabilang linya.

"Siraulo ka talagang bata ka. Anong ginagawa mo dyan sa Laguna ? " tanong nito.

Napahagikigik si Romeo.

"Tsismoso. Sige na kasi Uncle, bigyan mo ko ng access sa presinto saka sa school dito sa Laguna, please please please. " pacute nya.

Napabuntong hininga si Gustavo.

"Ano ba kasing gagawin mo don ? Saka bakit ikaw lang mag isa ? Nasan yung tatlong alas ? " tanong nya.

"Mamaya tatawagan ko na nga para makasunod dito. May naaamoy akong mabaho dito eh. " seryosong sabi ni Romeo.

Natawa si Gustavo.

"Ligo ligo din pag may time. " biro nito.

Bumungisngis si Romeo.

"Dali na kase. Gusto mong isumbong kita kay Ate Camille ? " pananakot nya.

Natahimik ang nasa kabilang linya.

Lalong natawa si Romeo.

"Oh loko. Natameme ka ? " natatawang sabi nya.

"Bwisit ka, dapat talaga di kita sinama dun eh. Oh sya sya, mamaya tatawagan ko yung hepe dyan. Matahimik ka lang. " maasim na sagot ni Gustavo.

Lumawak ang pagkakangisi ni Romeo.

"Yan ang uncle ko !, sige uncle matulog ka na ulit. Sorry sa abala. Love love. " biro nya.

Pero di tumawa si Gustavo.

"Ayos ka lang ba dyan ? " tanong nito.

Sumeryoso din si Romeo.

"I don't know Tito, tulad ng sinabi ko kanina, maraming loopholes sa kwento. Di ko alam kung kaning storya ang paniniwalaan ko pero may kasama naman akong detektib dito. " nakangiting sabi nya.

"Sino ? " tanong ni Gustavo.

"Si Crime Master Ron. " nakangiting sagot ni Romeo.

Natawa si Gustavo.

"Siraulo. Basta siguraduhin nyo lang na safe kayo. Tawagan mo kami kapag may problema ha ? Please Romeo, wag nyong solohin yan kung alam nyong delikado. Alam mo na naman ang rules di ba ? " paalala nito.

Tumango si Romeo.

"Yes Tito, don't worry, ayos lang kami. So far. " landi nya.

"Romeo Di Carprio !. " sigaw ni Gustavo.

Napangiwi si Romeo.

"O-opo. " sagot nya.

"Good, sige matutulog na ako. Mamaya may access na kayo sa mga presinto at eskwelahan dyan. Pero wag manggugulo ha ? " paalala ni Gustavo.

Tumango tango si Romeo.

"Yes sir !. " biro nya.

Nagtawanan na lang sila bago binaba ng binata ang cellphone.

Nag inat si Romeo ng katawan pagkatapos ay hinimas ang tyan.

"Nakakagutom pala makipag chismisan sa panget mong uncle. Makapag kape nga muna. " bulong nya at binuksan ang pinto ng dahan dahan.

Biglang natigilan si Romeo ng may mahagip ang dulo ng mga mata nya sa parteng hagdan.

Mabilis syang lumabas ng kwarto at hinabol ang nakita pero wala na ito.

Kumunot ang noo ni Romeo.

Napatingin sya sa likod at nuon nya naalala ang bukas na pinto sa silid ni Angel.

"Kung ganon, naisara ko nga yung door pagpasok ko. Pero pag upo ko kanina, nakabukas na. Hmm. " bulong nya.

Tumiim ang mga bagang ni Romeo bago dahan dahang bumalik ng kwarto.

Ang mababagal nyang hakbang ay unti unting bumilis.

Determinado ang mukha ng binata ng buksan nya ang isa pang pinto sa loob ng silid.

Pumasok sya sa kwarto at sinigurong nakalock ang pinto.

Pagkatapos ay hinubad ang shorts at naupo sa trono.

"Aaah. " ungol ni Romeo habang nagbabawas.

ITUTULOY !!!