Chapter 14 - Mahiwagang Suman

Saglit ding nanatili si Ronron sa loob ng silid ni Angel kasama ang ama nitong si Angelo.

Bagama't pakiramdam nya ay parang nanlalaki ang kanyang ulo sa dagdag na impormasyong binigay nito, pilit nyang kinalma ang sarili.

Kailangan nyang maging malakas para sa ama ng kasintahang unti unti ng ginugupo ng pangungulila sa anak.

Ilang saglit lang ang lumipas, suminghot si Angelo sabay punas sa T-Shirt.

Natawa sila pareho.

Napangiti si Angelo at tinapik sa balikat ang binata.

"We we're so thankful to have you here. Kayo ni Romeo. Nagpapasalamat ako sa anak ko at mukhang ginabayan nya kayo patungo dito. Masama mang isipin to, pero ng mawala ang anak ko, parang gusto ko na ring sumunod sa kanya. Kaya lang ay kailangan kong magpakatatag para sa Tita Paloma mo. Sya ang lubos na naapektuhan dahil nagtalo pa sila ni Angel bago pumunta ang anak namin sa resort. " malungkot na kwento ng ama.

Ngumiti si Ronron, pero bigla syang natigilan.

"Wala pong anuman Tito. Uhm, if you don't mind. A-ano pong pinagtalunan nina Tita at Angel nung araw na yon ? " tanong nya.

Napaisip din si Angelo.

"I don't really know the details. The truth is, hindi ko yun inuungkat sa Tita mo. Kasi nakita ko kung paano nya sisihin ang kanyang sarili sa nangyari. Kaya sa tingin ko, kapag inungkat ko pa, baka lalo lang nyang sisihin ang sarili nya. " malungkot nyang sambit.

Marahang tumango ang binata.

"Ganun po ba? " tanong nya.

Tumango rin si Angelo.

"Yeah, hmm. So paano, sisilipin ko lang ang Tita Paloma mo. " paalam nito.

Ngumiti si Ronron.

"Sige po Tito. Uhm, pwede po bang dito muna ako saglit ? " tanong nya.

"Of course, feel free iho. " sagot ng lalaki.

Tiningnan muna ni Ronron ang papalabas na ama ni Angel bago muling nilibot ang paningin sa loob ng kwarto.

Huminga sya ng malalim.

Napatingin sya sa kama.

Lumapit at dahan dahang umupo.

Hinubad nya ang suot na tsinelas bago dahan dahang umatras at sumandal sa headboard.

Hinaplos ang malambot na kama ng dalaga.

"Hmm. " usal ni Ronron.

Dinampot nya ang isang unan.

Tinitigan ay masuyong niyakap.

"Mabuti pa itong unan mo, nayakap mo. Samantalang ako, waley. " bulong nya.

Napangiti sya ng tipid at lalong niyakap ang unan.

Pagkuwa'y pinikit nya ang mga mata at hinayaan ang sariling mangarap na kayakap ang dalaga.

..

Unti unting nagmulat ng mga mata si Ronron.

Sa di nya malamang dahilan, tila may nilalang na nakamasid na naman sa kanya.

Muli na namang nanumbalik ang pakiramdam na parang may kasama sya sa silid.

Mabilis syang nag isip.

Sinubukan nyang igalaw ang kanang braso para tingnan kung nananaginip na naman sya.

Ng masigurong naigagalaw ang kanan ay sinunod na agad nya ang kaliwa.

Inangat angat nya ang mga kamay na parang alien.

Napangiti si Ronron.

Sunod nyang tiningnan kung may boses ba sya.

"Uhm, mic test. Test mic. " bulong ng binata.

Muli syang napangiti.

Dahan dahang bumangon pero bigla syang natulala ng may makitang babaeng nakaupo sa dulo ng kama.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron.

Mabilis na gumapang ang takot sa kanyang katawan pero pinigilan nya nag sariling sumigaw.

"T-tita ? " gulat na bulalas ng binata.

Ngumiti ang ina ni Angel.

"Kamusta ang tulog mo iho ? " tanong nito.

Napalunok si Ronron.

Mabilis nyang hinamig ang sarili mula sa pagkabigla.

"A-ayos lang po. " sagot nya.

Ngumiting muli si Paloma.

"Nakatulog ka dito mismo sa kama ni Angel. " puna nito.

Napahiya si Ronron kaya dali dali syang bumaba mula sa kama.

"P-pasensya na po. " hinging patawad nya.

"Oh no iho, it's ok. You can sleep here if you want. Ayos lang din daw sa kanya. " sambit ni Paloma.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"P-po ? Sinabi ni Angel ? " tanong nya.

Ngumiti ang babae kasabay ng pagtango.

"Yes iho. Kanina lang. Sya nga ang nagsabi na nandito ka daw. " sabi nito.

Natigilan si Ronron.

Di nya alam kung maaawa o matatakot sa sinasabi ng ina ni Angel.

Pinilit nya ang sariling ngumiti.

"G-ganun po ba? U-uhm, a-ano pa pong sinabi nya ? " tanong ni Ronron.

Tinalasan nya ang mga mata at pinagmasdan ang ina ng kasintahan.

Tumingin tingin ito sa paligid pagkuwa'y marahang lumapit sa kanya.

"Sssh, wag kang maingay. Baka marinig nya tayo. " mahinang sabi ni Paloma.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"M-marinig ? Nino po ? " tanong nya.

Takot na nilibot ni Paloma ang mga mata.

"Ng halimaw " bulong nito.

Natigilan si Ronron.

"S- sinong halimaw po ? " tanong nya.

Ngunit hindi na sumagot si Paloma, bagkus ay inayos nito ang buhok ni Ronron.

"Nakangiti sya kanina. Pero alam kong galit pa sya sa ginawa ko. " bulong nito.

Napalunok si Ronron.

"A-ano po bang ginawa nyo ? " tanong nya.

Nalukot ang mukha ng babae.

"Sabi ko sa kanya, di ko sya anak. Di ko naman talaga sya anak eh. " siwalat nya.

Napanganga si Ronron sa narinig.

"A-ano po ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Paloma.

"Ang sabi ko, hindi ko anak si Angel. Kaya galit sya sa akin kasi di ko tinuro kung sino ang tunay nyang Nanay !. " biglang lumakas ang boses nito.

Napaatras si Ronron sa lakas ng boses ng ginang.

Akmang magsasalita sana sya ng biglang bumukas ang pinto.

..

Pumasok si Angelo sa loob.

"Nandito ka lang pala eh. Iniwanan mo ko. " kunwaring nagtatampong sabi ng lalaki.

Napaatras si Ronron ng mabilis na tumayo si Paloma at tumakbo patungo sa bintana.

Para itong hayup na ayaw pahuli.

"Ayaw mo kasing maniwala sakin eh! Hindi si Angel ang anak natin! " singhal nito.

Nagitla si Ronron.

Pinagmasdan nya ang mukha ng lalaki.

Ngumiti ng kimi si Angelo.

Huminga ng malalim at nilapitan ang kabiyak.

"Mahal ko. Eto na naman tayo. Bakit mo ba sinasabing hindi mo anak si Angel ? Eh kamukhang kamukha mo sya. " mahinang paliwanag nito.

Napasimangot si Paloma.

"Kamukha! Eh mas kamukha sya ni Gelay! " sigaw nito.

Natigilan si Angelo.

Maging si Ronron ay tila napako sa kinatatayuan.

"P-paloma ? " tila di makapaniwala si Angelo sa narinig.

Tumawa na parang baliw si Paloma.

"Nagulat ka ? Akala mo di ko alam na pinagtaksilan mo ako ? Matagal ko ng alam yon Angelo. Matagal na. At alam kong hindi ko anak si Angel! Ilabas mong anak ko !. " sigaw nito.

Nahihiyang napatingin si Angelo sa binata.

"P-pasensya ka na iho. " sabi nya.

Tumango si Ronron.

"L-lalabas na po ako. " wika nya.

Ngumiti ng tipid si Angelo.

"Salamat. Pasensya na ulit. " pahabol nya.

Gumanti ng ngiti si Ronron at sinulyapan si Paloma.

Para itong batang hindi nabigyan ng laruan.

Nagsusumiksik sa sulok at matalim ang tingin sa asawa.

..

Tulad ng sinabi, lumabas nga ng silid si Ronron at hinatak pasara ang pinto.

Ngunit hindi nya ito ganap na sinara.

Pumwesto sya sa gilid ng pader at nakinig.

"Hindi ka na nahiya sa bisita natin. " bungad ni Angelo.

Tumawa ng sarkastiko si Paloma.

"Anong dapat nating ikahiya ? Di ba boyfriend sya ng anak mo ? Dapat nyang malaman ang baho ng pamilyang ito. " madiin nyang sagot.

"Anak mo rin si Angel. Wag mo syang itakwil !. " giit ni Angelo.

"Hah! Anak ? Sinong niloko mo ? Eh hindi ko nga kamukha si Angel !" singhal ng babae.

Nagitla si Ronron sa labas ng silid.

Tinakpan nya ang bibig para pigilan ang pagsinghap.

..

"Bakit ka ba ganyan ? Sinasaktan mo ang anak mo. " malungkot na sabi ni Angelo.

Tumahimik ang silid.

Lalo pang tinalasan ni Ronron ang pandinig ngunit hindi sya nakuntento.

Dahan dahan nyang tinulak ang pinto at sumilip sa loob.

Napansin nyang nakaupo na sa kama si Angelo samantalang nasa tabi pa rin ng bintana ang asawa nito.

Napatingin sya mukha ng ama ni Angel.

Tila lalo pang nadagdagan ang edad nito dahil sa dami ng iniisip.

Samantalang ang ina naman ng kasintahan ay para ng tinakasan ng bait.

O baka naman talaga hindi na matino ang Mommy ni Angel ?

Ang sabi nito kanina ay kinausap daw ito ng anak.

..

Biglang nanayo ang balahibo ni Ronron sa batok.

Base sa mga naranasan nya, posible ang sinasabi ng ginang.

Maaaring kinakausap din ito ng anak na matagal ng pumanaw.

At kung totoo ang sinasabi ng ina ni Angel, bakit tila hindi tumutugma ang kinwento ng ama nya ?

O maaaring hindi ito nagsisinungaling ngunit kulang ang impormasyong sinalaysay ni Angelo.

..

Napalunok si Ronron.

Tila lalo pang lumalalim ang problema.

Nagkakaroon pa ng panibagong mga tanong samantalang hindi pa rin nasasagot ang mga nauna.

Sino ba ang nagsasbi ng totoo ?

..

Natigila ang pag iisip ni Ronron ng mapansin nyang tumayo si Angelo at lumapit sa kabiyak.

Nakita nyang dahan dahan nitong binuka ang mga kamay para sa isang yakap.

"Mahal. Tama na, balik na tayo sa room para makainom ka na ng gamot. " masuyong sabi nito.

Tila nagdalawang isip si Paloma bago unti unting nagpaakay sa asawa.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron.

Dali dali syang umalis sa pinto at mabilis na bumalik sa silid na ginagamit nila ni Romeo.

Pagpasok nya ay hindi nya ganap na sinara ang pinto.

Inabangan nya ang paglabas ng mag asawa.

..

Di nga nagtagal, naunang lumabas si Paloma.

Sumunod naman si Angelo at napansin nyang sinara muna nito ang pinto bago muling inakay ang asawa patungo sa katabing kwarto.

Inabangan muna ni Ronron ang pagpasok ng dalawa bago nya ganap na sinara ang pinto.

Huminga ng malalim ang binata.

Napakarami pa talaga silang dapat malaman sa bahay na ito.

Dapat silang mag imbestigang mabuti ng kaibigan ngunit kailangan nilang maging maingat.

Sa pagkakaalala sa kaibigan, kumunot ang noo ni Ronron.

"Nasan na naman kaya yung unggoy na yon ? " tanong nya.

Di pa sya natatapos magsalita ay bumukas ang pinto ng banyo at niluwa ang hinahanap.

"O bakit ka nandyan ?" tanong ni Romeo.

"Pare, marami akong sasabihin sayo. " bungad ni Ronron.

Na curious si Romeo at mabilis na lumapit sa kama.

"Come here baby cake. Sit beside me. " landi nya.

Natawa si Ronron at sumunod naman sa utos nito.

Naupo silang pareho sa kama at sumandal sa headboard.

..

"Go. " sambit ni Romeo.

Bumuntong hininga si Ronron.

"Pare, marami pa talaga tayong di nalalaman sa pamilyang ito. " panimula nya.

Tumango tango si Romeo.

"Sa pananalita mo, mukhang may bago kang nalaman. " puna nya.

Namangha si Ronron pero napatango rin.

"Tama, alam mo bang may kapatid si Angel ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"Tapos ? " tanong nya.

"Pero wag ka, hindi kay Tita Paloma. Sa ibang babae. " dagdag ni Ronron.

"So tama nga ang hinala ko, may something kay Tito Angelo mo. ? " maasim na sabi ni Romeo.

Nagtaka si Ronron.

"You mean may hinala ka na ?" tanong nya.

Tumango si Romeo.

"Yeah, pero syempre, since na kwento mo to. Ipauubaya ko sayo ang pag iimbestiga. " katwiran nya.

Natawa si Ronron pero bigla rin syang sumeryoso.

"Pare. Meron pa. " dagdag nya.

"Gora mo lang. " landi ni Romeo.

Natawa si Ronron sabay iling.

"Seryoso kasi. " sabi nya.

"Oy gago ganito talaga ako. Bilisan mo na. " kumbinsi ni Romeo.

Tumango si Ronron at napatingin sa pinto.

Mabilis syang bumaba mula sa kama at nilock ito.

Kumunot ang noo ni Romeo sa ginawa ng kaibigan pero hindi sya nagkomento.

..

Muling bumalik si Ronron sa tabi ng kaibigan.

"Baka may makarinig ng sasabihin ko." sabi nya.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Bilisan mo kasi. " madali nya.

"Excited ? " landi ni Ronron.

Nag troll face si Romeo.

"Wag mo ng ikwento, matutulog ulit ako. " sabi nya.

Natawa si Ronron.

"Tampo naman agad. Eto na pare. Di ko napansin, nakatulog pala ako kanina. Teka, kung nakaidlip ako. Anong ginawa mo dito sa kwarto ? " tanong nya.

Napaisip si Romeo.

"Kanina, tumawag ako kay Uncle. Tapos bumaba ako kasi akala ko may tao, pero napigil ako kasi sumakit yung tyan ko. Kaya tumae ako. Tapos bumaba ulit ako. Pagdating ko sa kusina, nakakita ako ng suman. Ayos nga pare, nagbawas ako tapos may nakaready na agad na foods. Ayun tinira ko na agad, pero after 10 minutes, sumakit yung tyan ko, ayun, balik trono. " nakangising kwento nya.

Napanganga si Ronron.

"Kanino yung suman?" tanong nya.

Nagkibit balikat si Romeo at hinimas ang tyan.

"Putris nga eh. Hanggang ngayon, masakit pa rin itong tyan ko. " reklamo nya.

Sumabog sa tawa si Ronron.

"Yan ang napapala mo. Nang nenenok ka ng pagkain eh. Baka mamaya patibong pala sa daga yon, tinira mo agad. Tanong tanong din pag may time ha ? " biro nya.

Natawa din si Romeo.

"Ewan ko ba, parang kinakausap ako ng suman eh. Binubulungan ako dito sa tenga ko ng "romeoooo, kainin mo akooo. " ungol nya.

Lalong natawa si Ronron.

"Bwisit ka pare, nakakahiya sa kanila kapag narinig nilang nagtatawanan tayo. " sabi nya.

"Sira, baka mandiri pa nga sila. Baka isipin nila naghaharutan tayo. " landi ni Romeo.

Natawa si Ronron at pinunasan ang luha sa mata.

"Hayy, sakit na rin ng tyan ko. Pero pare, balik tayo sa kwento ko. " sabi nya.

Tumango si Romeo.

"Gora mo. " landi nya.

Napangisi si Ronron.

"So yun nga pare, nakaidlip ako tapos pagkagising ko, nakita ko si Tita Paloma sa paanan ko mismo. Nagulat ako pero di ko pinahalata. " kwento nya.

"Anong ginagawa nyo sa iisang kwarto? Di nyo na iniisip ang sasabihin ng tao kapag nakita kayo. " nakangising biro ni Romeo.

"Gago ka. Seryoso na kase. So yun nga, nagulat ko ng makita ko sya kanina pero di ako nagpahalata. Tapos tinanong nya ko kung kamusta daw ang tulog ko. Syempre sumagot ako. Tapos pare, pinuna nya yung pagtulog ko sa kama ni Angel. Nag sorry ako pero pare, sabi nya okay lang daw. Pwede ko daw gamitin yung kama anytime, kasi pumayag daw si Angel. " dagdag ni Ronron.

Nawala ang ngisi ni Romeo.

"Nakausap nya si Angel ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Ronron.

"Ewan ko pare. Hindi sa hindi ako naniniwala, alam mong nagpaparamdam sa panaginip ko si Angel. Kaya saglit lang akong nagulat dun sa sinabi nya. Tapos pumasok si Tito Angelo. Biglang umatras si Tita Paloma na parang natatakot sa kanya. " puna nya.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"What you mean? " tanong nya.

"Ganun nga pare. Parang natatakot si Tita Paloma kay Tito Angelo. Napaatras sya bigla sa bintana ng pumasok si Tito sa kwarto. " kwento ni Ronron.

Nagtaka si Romeo.

"Bakit sya aatras ? Teka, may sakit ba si Tita Paloma ? Ano bang sakit nya? "sunod sunod na tanong nya.

Nagkibit balikat si Ronron.

"Ewan ko pare, pero parang may tinatago si Tito Angelo satin. " sabi nya.

"Talagang meron, hindi yon basta magsasabi ng buong kwento. Kahit naman sino. Pero nakapagtataka ang naging reaksyon ni Tita Paloma. Anyway, mamaya samahan mo ako sa presinto. " sabi ni Romeo.

"Magpapakulong ka ? " biro ni Ronron.

"Oo, pero bago yon, papatayin muna kita. " ganting biro ni Romeo.

Tumawa si Ronron.

"Joke lang pare. Anong gagawin natin don ? " tanong nya.

"Mag mimiryenda. Basta, feeling ko may malalaman tayo don. Saka sa eskwelahan ni Angel. Kailangan nating mainterview yung mga kaklase nya at ang pinaka importante, yung mga kasama nya ng mangyari ang krimen. " paliwanag ni Romeo.

"K-krimen talaga? Hindi na talaga to suicide ? " tanong ni Ronron.

"Pare, maliwanag pa mata ng bulag, pinatay si Angel. Ang kailangan na lang nating malaman, ay kung sino, paano at bakit nya ginawa. " sambit ni Romeo.

"May suspek na ba? " tanong ni Ronron.

"Lahat sila. " sambit ni Romeo.

Napatango si Ronron.

"Yeah, lahat. " sagot nya.

"Nag aaway pa kaya sila ngayon? " tanong ni Romeo.

"Yung mag asawa ? Sa tingin ko hindi na pare, nakalma na ni Tito Angelo si Tita Paloma. Ang sabi nya, papainumin na daw ng gamot. " sagot ni Ronron.

Bigla silang nagkatinginan.

"Alam mo na siguro ang gagawin. Alamin mo kung anong gamot ang pinapainom kay Tita Paloma at may gagawin ako. " seryosong sabi ni Romeo.

Tumango si Ronron.

"Sige pare, mamaya. Hihintayin ko lang na makaalis si Tito Angelo tapos papasok ako sa kwarto nila. Bahala na. Para to kay Angel. " madiing sabi ni Ronron.

Napangiti si Romeo.

"Sige, kailangan ko na itong gawin dahil hindi na nito kayang makapaghintay. " seryosong sabi nya.

"Ano ba yon ? " tanong ni Ronron.

Pero di na sumagot si Romeo.

Mabilis itong tumayo at muling bumalik sa banyo.

Sukat doon ay biglang napahalakhak si Ronron.

"Yan ang napapala mo ! Basta basta ka nalang kasing dumadampot ng pagkain eh. " pang aasar nya.

"Pakyu !. " sigaw ni Romeo sa loob ng banyo.

Lalong natawa si Ronron.

Napailing na lang sya at nagpasyang lumabas ng kwarto.

"Pare, baba muna ako at nagugutom ako. " sigaw nya.

"Pakyu !. " muling sigaw ni Romeo.

Natawa si Ronron at lumabas na nga ng silid.

Sinulyapan nya muna ang kwarto ng mag asawa bago nagpasyang bumaba sa hagdan.

Dumiretso agad sya sa kusina sa pagbabaka sakaling may pagkain ng bigla syang matigilan ng makita si Grace na may hawak na platito.

"Ang Mahiwagang Suman. " sambit ni Ronron.

Kumunot ang noo ni Grace.

"Ano yon ? " tanong nya.

"Anong gagawin mo dyan sa suman ? " tanong ni Ronron.

Napatingin si Grace sa pagkain.

"Itatapon, panis na to eh. " sabi nya.

Biglang napatakip ng bibig si Ronron.

"P-panis ? Ahh, sige. Timpla lang ako ng kape. " sabi nya at pilit na tinatago ang pagtawa.

Kumunot ang noo ni Grace.

"Sige timpla ka lang dyan. Itatapon ko lang to sa labas. Uhm, alam mo nakakagtaka talaga. " puna nya.

"Bakit ? " tanong ni Ronron.

"Kanina, nung nilabas ko to sa ref. Buo pa to, tapos nung binalikan ko na, bawas na. Anyare ? " tanong ng dalaga.

Halos mapaubo si Ronron sa kakapigil ng tawa.

"Baka may dagang lumantak nyan. " sagot nya.

Nagkibit balikat si Grace.

"Baka nga. Sige labas muna ko, tapon ko lang to. " paalam nito.

Napangiti si Ronron at tumango.

Iiling iling na tinuloy na ang balak na pagtitimpla ng kape.

ITUTULOY !!!