Chapter 16 - First Step

"A-aray ! " angil ni Ronron sabay hawak sa ulo.

Agad syang lumingon sa paligid para hanapin ang siraulong bumato sa kanya..

Nuon nya nakita si Romeo na nagtatago sa gilid ng kotse.

"Ano na naman kayang pakulo ng gagong to ? " tanong nya sa sarili.

Tinaas ni Romeo ang kamay at sumenyas na lumapit sya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

Nagtaka kung bakit sya pa ang kailangang lumapit gayong abala sya sa pagbabantay ng mga pagkain.

..

Ngunit mukhang walang balak lumapit ang kaibigan.

Kaya nagpasya syang maghanap ng kapalit.

"Earl ! " tawag ni Ronron.

Lumingon ang binatang may hawak ng plato.

"Oy ! " sambit ni Earl.

Ngumiti si Ronron.

"Pwedeng ikaw muna dito ? May titingnan lang ako. " pakiusap nya.

Ngumiti rin si Earl at mabilis na tumango.

"Sure sure. Go ahead. Kanina ka pa rin dito, ako naman. " sagot nito.

"Uy salamat ha. Sige. " paalam ni Ronron sabay tapik sa balikat.

..

Nakasimangot na si Romeo paglapit ni Ron.

"Tang ina mo rin eh no ? Bakit ambagal mong kumilos ? " tanong nya.

Natawa si Ronron.

"Tangek, eh kita mong nagbabantay ako oh. Naghanap pa ako ng kapalit ko. " katwiran nya.

Nilingon ni Romeo ang binatang pumalit sa pwesto ng kaibigan.

"Sino yon ? " tanong nya.

Napatingin din si Ronron.

"Ah, that's Earl. Friend ni Angel. Mabait yan pare saka joker din. " sagot nya.

Naningkit ang mga mata ni Romeo.

"Sinabi ko na sayo, wag kang magtitiwala sa iba. Ang tigas ng ulo mo. " pangaral nya.

Natigilan si Ronron.

"M-mukha namang mapagkakatiwalaan eh. S-saka kaibigan sya ni Angel. " katwiran nya.

Umiling si Romeo.

"You are so gullable pare. Napakadali mong papaniwalain. Sundin mo ang instructions ko kung ayaw mong parehas tayong hindi na makauwi sa Maynila. " banta nya.

Nagulat si Ronron sa seryosong ekspresyon sa mukha ng kaibigan.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Romeo.

"Follow me. " sabi nya sabay lakad palayo.

Tarantang sumunod si Ronron.

..

"S-saan tayo pupunta pare ? " tanong nya.

Tinuro ni Romeo ang mga magulang ni Angel.

"Magpaalam ka sa kanila, sabihin mo mamimili tayo ng pasalubong sa pag-uwi natin. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Anong pasalubong ? Sinong uuwi ? Tayo ? Pare di pa tayo pwedeng umuwi ! " giit nya.

Tumiim ang mga bagang ni Romeo.

"Punyeta Ronron ! Di ako sanay ng kinukwestyon. " madiing sagot nya.

Napaatras si Ronron.

"P-pare naman. Di pa tayo pwedeng umuwi. " mahinang sabi nya.

Napahinga ng malalim si Romeo at inakbayan ng kaibigan.

"Alam ko pare. At wala akong sinabing uuwi na tayo. Ang sabi ko, magpaalam ka sa kanila na mamimili tayo ng pasalubong para sa pag uwi natin. Bilisan mo na. " malumanay na utos nya.

Napatingin si Ronron sa mukha ng kaibigan.

Poker face pa rin ito tulad ng unang kita nya.

"S-sige pare. Saglit lang. " paalam nya at naglakad palapit sa mga magulang ni Angel.

Paalis na sana sya ng muling magsalita si Romeo.

"Pre. Kapag tinanong nila kung saan tayo pupunta, sabihin mo sa bayan lang. Wala ka ng ibang sasabihin. " sambit nya.

Nagtataka man, pinili na lang ni Ronron ang manahimik at marahang tumango.

..

"Oh iho, kumain ka na ba? Nasan si Romeo ? " tanong ni Angelo.

Napakamot si Ronron sa batok.

"T-tapos na po Tito. Uhm, magpapaalam lang po sana ako. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Angelo.

"Saan ? " tanong nya.

"Sa bayan po sana. Mamimili lang ng pasalubong. " sagot ni Ronron.

Natigilan si Angelo.

"Uuwi na kayo ? A-akala ko . " putol nya.

Agad namang nahulaan ni Ronron ang nais sabihin ng lalaki.

Mabilis syang lumingon sa pwesto ni Romeo.

Nakatitig din pala sa kanya ang kaibigan at bigla itong umiling ng dahan dahan.

Napahinga ng malalim si Ronron.

Sinikap nyang ngumiti.

"O-opo. Di ko namin yon nakakalimutan Tito. Mamimili lang po kami. " sambit nya.

Unti unting napangiti si Angelo.

"Salamat anak. Sige mag iingat ka. Teka nasan ba si Romeo ? " tanong nito.

Tinuro ni Ronron ang kaibigan.

Agad namang kumaway si Romeo sa kanila.

Napangiti si Angelo.

"Ah nandun pala. Sige iho. Magpasama na lang kayo sa driver natin. " sabi nya.

Pero umiling si Ronron.

"It's okay Tito. Mag co-commute na lang po kami. " wika nya.

Tumango tango si Angelo.

"Sige, kayo ang bahala. Mag iingat kayo. Teka may pera ba kayo ? " tanong nya sabay akmang huhugot ng pera sa bulsa.

Ngunit mabilis syang pinigilan ni Ronron.

"Naku wag na ho. May budget po kami. " pigil nya.

"It's okay pare. Salamat po Tito. " biglang singit ni Romeo.

Nagulat silang dalawa.

"Kelan ka pa nakalapit ? " tanong ni Ronron.

Natawa si Romeo.

"Ngayon lang. Ang tagal nyo eh. Sakto na po yang limang libo Tito. Salamat po. " sabi nya sabay kuha ng pera.

Napangiti si Angelo.

"Mag iingat kayong dalawa. Wag kayong masyadong magpapagabi sa daan at hindi nyo pa kabisado itong lugar namin. Kung sakaling maligaw kayo, tumawag na lang kayo ha ? " bilin nya.

Napangisi si Romeo.

"Sureness Tito. Alis na po kame. " sabi nya.

Tumango si Angelo.

"Sige sige. " nakangiting sagot nito.

Nakangising naglakad palayo si Romeo habang naiiling na sumunod si Ronron sa kaibigan.

..

Sa labas ng sementeryo, nilabas ni Romeo ang wallet at sinilid ang limang libo.

"Grabe ka pare. Nagulat ako sayo ah. " natatawang sabi ni Ronron.

Ngumisi si Romeo.

"Props to. Kailangan natin ng pera nya. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Bakit ? " tanong nya.

"Simple lang. Para di sya maghinala na di naman talaga tayo mamimili. Since na binigyan na nya tayo ng pera, tara na at magshopping. " nakangising sagot ni Romeo.

Natigilan si Ronron.

"Oh akala ko ba may gagawin tayo ? " tanong nya.

"Ay oo nga. Sige unahin na muna natin yung nasa plano. " sagot ni Romeo.

"A-anong plano ? " tanong ulet ni Ronron.

Nilabas ni Romeo ang cellphone at nagbasa ng text.

"Pumara ka ng tricylcle pare. " utos nya.

Dali daling hinabol ni Ronron ang dumaang tricycle.

"Eto na. " sigaw nya.

"Saan kayo boss ? " tanong ng driver.

"Sa university boss. " sagot ni Romeo.

Kumunot ang noo ng driver.

"Saang university ? Dalawa kasi ang malapit dito eh. " tanong nito.

Natigilan si Romeo at mabilis na nag isip.

"Kung saan malapit ang dagat. " sagot nya.

Tila nag isip din ang driver at pagkuwa'y napangiti.

"Ah sa Laguna Central ba ? " tanong nitong muli.

Napatroll face si Romeo.

"Aba malay ko kung anong pangalan non manong. Kase kung alam ko, di sana sinabi ko na agad ng diretso sa inyo. Basta college school na malapit sa dagat. " sagot nya.

Napakamot sa batok ang driver at binuhay na ang makina.

"Suplado. " bulong nito.

..

Habang nasa daan, hinarap ni Ronron ang kaibigan.

"Pare, saan tayo pupunta ? " tanong nya.

"Ewan ko, di mo ba narinig yung sinabi ko ? Sa eskwelahan na malapit sa dagat. " sagot ni Romeo.

Napasimangot si Ronron.

"Saan ka ba galing kanina ? " tanong nya.

Natawa si Romeo.

"Ano ka ? Nanay ko ? " tanong nya.

"Gago ayos naman pare. " inis na sambit ni Ronron.

Napangisi si Romeo at umiling.

"Nasa bahay lang ako. Na late ako ng gising. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Eh hinahanap kita kanina sa kwarto, bakit di kita nakita ? " tanong nya.

Napasimangot si Romeo.

"Kinatok mo ba ko sa banyo ? " balik tanong nya.

Natigilan si Ronron.

Bigla syang natawa ng malakas.

"You mean nasa CR ka lang ? Haha, kala ko nauna ka ng bumangon sakin. " sabi nya.

Umiling si Romeo.

"Pagkatapos kong magdownload sa kubeta, nakatulog ulit ako. Maliwanag na ng magising ako. " maasim na sabi nya.

Napabungisngis si Ronron.

"Yan kase, kukupad kupad ka. Ngapala, anong gagawin natin sa pupuntahan natin ? " tanong nya.

"Kahapon ko pa hinanda to. Kung tama ang hinala ko, pupuntahan natin ang eskwelahan ni Angel ngayon. " sagot ni Romeo.

Natigilan si Ronron.

"Y-you mean pare. Mag iimbestiga na tayo ? " tanong nya.

"Matagal na tayong nag iimbestiga. Mabagal lang ang naging pag usad ng kaso. This is our first step." sagot ni Romeo.

Natahimik si Ronron.

"Pare. Dumami ang suspects natin. " imporma nya.

Tumango tango si Romeo.

"Alam ko. Nakausap ko na si Grace. " sambit nya.

"Grace ? yung maid ? " tanong ni Ronron.

Tumangong muli si Romeo.

"Oo. Marami syang alam. Tulad ng inaasahan ko. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Pero paanong nangyari yon ? Eh halos isang taon pa lang daw sya sa pamilya ? " tanong nya.

"Dalawa lang yan. It's either tsismosa sya at mahilig makealam sa buhay ng may buhay. O, may purpose kung bakit marami syang alam. Either way, makakatulong sya sa paglutas ng kaso. Wag ka lang magpapahalata. " sagot ni Romeo.

Hinawakan ni Ronron ang sentido at marahang hinilot.

"Sumasakit ang ulo ko. Shet. " sambit nya.

Natawa si Romeo.

"Wala pa yan. Siguradong marami pa tayong malalaman sa pupuntahan natin. Manong malayo pa ba? " tanong nya.

"Malapit na boy. Paglikod na lang sa kanto. " sagot ng driver.

Siniko ni Romeo ang kaibigan.

"Look at that. " turo nya.

Agad namang tiningnan ni Ronron ang tinuturo nito.

"Wow. Ang ganda ng dagat. " manghang sabi nya.

Marahang tumango si Romeo nagkasya na lang sila sa pagmamasid sa tanawin.

..

"Salamat manong. " binayaran na ni Romeo ang driver.

"Salamat sa limang pisong tip ha. " nakangising sabi nito.

Natawa si Ronron.

"Salamat din manong. " singit nya.

Pinagmasdan na lamang nilang umusad palayo ang tricycle tiningala ang arko kung saan nakalagay ang pangalan ng eskwelahan.

"Laguna Central College. Hmm, parang pang mayaman pare. " puna ni Ronron.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Ewan ko. Pero kadalasan sa mga pang mayamang eskwelahan, pangalan ng tao ang nakalagay o kaya private name. Tulad ng Ateneo at La Salle. Pero ewan ko. " sagot nya.

Napatango tango si Ronron.

"Sabagay. Tara tanong tayo sa guard. " sabi nya.

Tumango si Romeo at naglakad sila palapit sa nakatayong gwardya.

..

"Magandang umaga ho manong . " magalang na bati ni Ronron.

Ngumiti ang matandang gwardya.

"Magandang umaga mga pogi. Anong atin ? " tanong nito.

Napangisi si Romeo.

"Marunong maka-appreciate ng kagwapuhan itong si Manong. " sabi nya.

Natawa si Ronron.

"Ah, mag iinquire lang ho sana kami. " sabi nya.

"Ah ganon ba ? Penge na lang ng ID nyo. " wika ng gwardya.

Natigilan ang dalawa.

"P-paano to Rom ? School ID ang dala ko. " bulong nya.

"Eh ano ? Mag iinquire lang naman tayo. Ibigay mo na yan. " sabi ni Romeo sabay nilabas ang sariling ID.

Kumunot ang noo ng guard.

"Akala ko mag iinquire kayo ? Eh estudyante pala kayo eh. " tanong nito.

Ngumiti si Romeo.

"Bakit manong ? Di ba pwedeng mag transfer ? " balik tanong nya.

Natigilan ang gwardya.

"Pwede naman. Sige pirma dito. " turo nya.

Agad na pumirma sa logbook ang dalawa.

Napanganga si Ronron ng makita ang pirma ng kaibigan.

"Ano yan pre ? Parang binaboy mo naman eh. " bulong nya.

Napatroll face si Romeo.

"That's art pare. Yan ang mga pirma ng henyo at gwapo. Kita mo sayo, maayos, meaning di ka henyo at gwapo. " sagot nya.

"Ganon ba yon ? " tanong ni Ronron.

"We ? " singit ng gwardya.

Napasimangot si Romeo.

"Mukha ba kong sinungaling ? " tanong nya.

Nagkatinginan ang gwardya at si Ronron.

"OO " sabay nilang sagot.

..

Nilibot ng dalawa ang paningin sa paligid.

"So, saan tayo mag sisimula ? " tanong ni Ronron.

"We have to know kung saan ang room ni Angel. " sagot ni Romeo.

"Hmm, sa registrar ? " tanong ni Ronron.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Mas mabuti kung rerekta na tayo sa Dean's Office. " sabi nya.

Napanganga si Ronron.

"Dean agad ? Di ba natin kailangan ng appointment don ? " tanong nya.

"Ewan. Sa guidance kaya ? " tanong ni Romeo.

"Eh ang lawak nito, nasan naman kaya ang guidance ? " tanong ni Ronron.

"Bopols, try mo ring magtanong sa mga dumadaan. " sagot ni Romeo.

Eksaktong may dumaang lalaki.

"Ahem, excuse me pre. " untag ni Ronron.

Tumigil ang lalaki at lumingon.

"Yes ? " tanong nito.

"Saan yung Dean's Office ? " tanong ni Romeo.

Tinuro ng lalaki ang isang direksyon.

"Sa Likod ng management building. Fourth Floor. " sagot nito.

Ngumisi ang dalawa.

"Salamat. " sagot ni Ronron.

Ngumiti din ang lalaki at nagpaalam na.

..

Ilang sandali din ang nakalipas bago narating ng dalawa ang Dean's Office.

Bago pa man makalapit, hinawakan ni Ronron ang braso ng kaibigan.

"Pare, sure ka bang sa Dean na agad tayo ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"Kung may gusto kang malaman, kausapin mo ang pinaka mataas dahil sya ang pinakamaraming alam. Sa sitwasyong ito, ang Dean ang pinuno so obviously sya ang pakay natin. " sagot nya.

Napakamot sa batok si Ronron.

"Pero pare, di ba parang kabastusan yon ? Papasok tayo dyan ng walang appointment ? " tanong nya.

Napangisi si Romeo at hinimas ang mukha.

"Sapat na ang dala ko para asikasuhin nila tayo. " biro nya.

Napangiti si Ronron pero alumpihit pa rin sya.

"Pare. Alam mong di tama ang gagawin natin. " sabi nya.

Tumango si Romeo.

"Yup. Pero trust me. " sabi nya sabay katok sa pinto.

Huminga na lang ng malalim si Ronron at ipinaubaya na sa kaibigan ang pagharap sa Dean.

..

Nakaapat na katok si Romeo bago dahan dahang nagbukas ang pinto.

Dumungaw ang isang may edad na lalake.

"Yes ? " tanong nito.

Pasimpleng nagtago si Ronron sa likod ng kaibigan.

Tumikhim si Romeo at inalis ang ngisi sa mukha.

"Nabasa ko po na ito ang Dean's Office. Are you the Dean of this school ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng lalake.

"And may I know why ? " ganting tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"I have some questions regarding the safety of this school. " sagot nya.

Natigilan ang lalake.

"What you mean ? " tanong nya.

Muling napangiti si Romeo.

"I mean, that we have some questions. " sabi nya.

"Yes I heard that clear. But before that, may I know if you have an appointment ? " tanong ng lalake.

Napahawak sa damit ng kaibigan si Ronron at pasimpleng bumulong.

"Ayan ang sinasabi ko pare. Wala tayong appointment. " bulong nya.

"Tumahimik ka gago. " ganting bulong ni Romeo.

Nilabas nya ang cellphone at nagdial.

Ilang saglit lang ay may nagsalita na sa kabilang linya.

"Uncle Gus, may gustong kumausap sa inyo. " sabi nya.

Nagulat ang lalaki ng biglang ibigay ng binata ang cellphone nito sa kanya.

"A--anong gagawin ko dito ? " tanong nya.

"Please sir, my uncle wants to talk to you. ' sagot ni Romeo.

Atubiling tinapat ng lalaki ang cellphone sa tenga nito.

"H-hello ? " bungad nya.

Hanggang sa unti unting nanlaki ang kanyang mga mata sa mga susunod na narinig.

ITUTULOY !!!