Chapter 17 - Oplan : Halungkat

"Thank you very much Mr. Demetrio. Mag iikot ikot na lang po muna kami ng kaibigan ko. " sabi ni Romeo.

Tumango ang Dean ng eskwelahan.

"Mag iingat kayong dalawa. Tulad ng napag usapan natin kanina, highly classified ang pagkamatay ni Angel Lacson. Halos walang nakakaalam ng nangyari dito sa school maliban sa mga malalapit nyang kaibigan at kaklase. " pahabol nya.

Tumango si Romeo at inabot ang kamay sa matanda.

"It's really nice to see you sir. If ever na kailangan namin ng tulong, babalik na lang po kami ulit dito. " wika nya.

Napasimangot ang Dean.

"Please, wag na kayong bumalik. " makaawa nito.

Bumungisngis si Ronron.

"Thank you po ulit sir. Alis na po kami. " paalam nya.

Tumango lamang ang matanda.

Hindi na sila nito nagawang ihatid sa pinto.

..

Paglabas ng magkaibigan ay lumayo muna sila ng kaunti bago nilabas ang kanina pa pinipigilang pagtawa.

Halos maglupasay na si Ronron sa sahig.

"Grabe, akala ko seryoso yung sinabi ng Uncle Gus mo. Yun lang pala yon ? " tanong nya.

Napangisi si Romeo.

"Yeah, Uncle Gus has his own way of torturing people. Aminado si Dad na talagang may kakayahan si Uncle na magpaamin ng tao lalo na at alam nilang may dapat itong isiwalat na sikreto. " kwento nya.

Hawak ni Ronron ang tyan at naglakad patungo sa isang bench.

Sumunod si Romeo.

Sabay pa silang naupo at saglit na nagpahinga.

"Pero paano kaya nalaman ng Uncle mo yung tungkol sa affair ng Dean sa isa nyang estudyante ? " tanong ni Ronron.

Napangisi si Romeo.

"Well, sa tingin ko wala talaga syang alam. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Wala ? Ano yun basta na lang syang nambintang ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Di naman siguro nambintang. Sa tingin ko ganito ang sinabi ni Uncle. "Are you the dean of this school ?" " ginaya nya ang boses ng tyuhin.

Napangisi si Ronron.

"Y-yes I am. " ginaya naman nya ang boses ng matandang Dean.

"I found some irregularities in your school. I sent two of my best to see if I'm right. " sabi ni Romeo.

Natawa si Ronron.

"And may I know what is this ? " tanong nya.

"Nalaman lang naman namin na may mga estudyante kang grumaduate ng kahina hinala. " sagot ni Romeo.

"Whaattt ? " boses matanda si Ronron.

"It's not clear sir. Kaya nga nagpadala ako ng mga tao ko dyan para pag aralan at alamin ang katotohanan sa likod ng mga hinalang ito. " sambit ni Romeo.

Napangiti si Ronron.

"Ganun ba talaga ang sinabi ni Uncle Gus mo ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Sort of. Kabisado ko si Uncle. Sa kanya ko natutuhan ang interrogating. Pero di yun eepekto kung wala kang alam sa bluffing. Yun naman ang natutuhan ko kay Dad. " sambit nya.

"Nakakabilib talaga ang pamilya mo pare. Pero mas nakakabilib ka kasi napagsama mo ang dalawa. " humahangang puri ni Ronron.

Napangisi si Romeo.

"Bata ka pa iho. Marami ka pang malalamang kamangha mangha sa katauhan ko. " pagyayabang nya.

Natawa si Ronron.

"So paano ? Saan tayo pupunta ? " tanong nya.

Nilibot ni Romeo ang tingin sa paligid.

"Sabi nung gurang na dean, may access na daw tayo sa lahat ng offices dito sa school. Basta daw ipakita lang natin itong card na to. I think it's some sort of a gate pass. " wika nya.

Kinuha ni Ronron ang maliit na card at tinitigan.

"Parang sa mga secret organizations eh no. " puna nya.

"Yeah. Kaya siguro sumuko agad sya sa pambabluff ni Uncle. Maraming tinatago ang eskwelahang ito. " wika ni Romeo.

"Pero wala tayong pakialam duon. Dapat tayong magfocus sa kaso ni Angel. " singit ni Ronron.

Tumango si Romeo.

"I know, i know. First things first. Pero I am sure na babalik ako sa lugar na to. " nakangising sabi nya.

"Isama mo ko ha ? Kapag natapos na itong kaso ni Angel. " sabi ni Ronron.

Napangisi si Romeo.

"Dapat kay Uncle Gus ka sumama hindi saken. Sya ang detective at hindi ako. " wika nya.

Natawa si Ronron.

"Bata pa lang ako, pangarap ko ng maging detective. Kaya nga na-amaze ko ang malaman kong tyuhin mo si Jack Valentine. " sabi nya.

Tinitigan ni Romeo ang kaibigan.

"Tell me honestly, ginagawa mo ba ang mga bagay na ito para kay Angel ? O dahil sa pangarap mong maging isang detective ? " tanong nya.

Nagkandailing iling si Ronron.

"No pare ! Don't get me wrong. Mahal ko si Angel. Sa maiksing panahon na nagkakilala kami, alam na alam ko na ang feelings ko. Sa kanya ko palang naranasan ang ganitong pakiramdam. Hinding hindi ko naisip na gamitin sya para magkaroon ng experience sa ganitong mga bagay. No pare. Wag mo kong pag isipan ng ganyan. " sabi nya.

Tumango si Romeo.

"I am just asking you. Wag kang masyadong defensive. Anyway, let me get this things straight. Ang kaso ni Angel ay 1 year old na pare. Marami sa mga ebidensyang kailangan natin maaring nawala na o may nakakita ng iba. Kaya doble o maaaring triple ang hirap ng gagawin natin. " paliwanag nya.

Tumango rin si Ronron.

"Naisip ko na nga rin yan tol. Pero meron tayo na wala ang mga naunang nag-imbestiga. " sabi nya.

"Yun ay direkta kang kinakausap ni Angel mismo. " sagot ni Romeo.

Ngumisi si Ronron.

"Yeah. Kaya may malaki tayong advantage sa kasong ito. Basta ang alam ko lang, tayo ang napili ni Angel na lumutas ng kaso. " wika nya.

Tumayo si Romeo at nag-inat.

"Okay okay. Time to work. Next stop, registrar. Let's go. Don't interrupt me while I'm talking okay ? " tanong nya.

Ngumiti si Ronron sabay tumayo na rin.

"Sure boss. " sagot nya.

..

Nakangising inabot ni Romeo ang card na mula sa Dean.

"Pinabibigay ni Dean. " wika nya.

Kinuha ng may edad na babae ang card at pinakatitigan.

Pagkuwa'y muling binalik sa binata.

"Anong kailangan nyo ? " tanong nito.

Ngumisi si Romeo.

"I want all the records of Ms. Angel Lacson. 4th year student last year. " sagot nya.

Natulala ang babae.

"C-come again ? " tanong nya.

Sumingit si Ronron.

"Angel Lacson po Ma'am. Kailangan po naming makita ang mga records nya last year. Last year lang ba tol ? " tanong nya.

Tumango si Romeo.

"Sapat na yon. " wika nya.

Saglit na natahimik ang babae.

Pagkuwa'y muli silang tinitigan.

"A-anong gagawin nyo sa records nya ? " tanong nito.

Akmang magsasalita si Ronron ng awatin ni Romeo.

"Wala na ho kayong pakialam don Ma'am. It's a private matter. " seryosong sagot nya.

Naningkit ang mga mata ng babae.

Padabog itong tumayo at pumasok sa isang pinto.

Siniko ni Romeo ang kaibigan.

"Sinabi ko ng wag kang magsasalita muna eh. " saway nya.

Napangiti si Ronron.

"Eh gusto ko ngang matuto di ba ? Hayaan mo na ako. " sambit nya.

"Okay okay. Basta wag kang magsasalita sa mga di natin kakilala. Maaaring may tinatago ang mga yan. " bulong ni Romeo.

"Sure. Pero sa tingin mo, bakit kaya parang natulala sya ng sabihin natin ang name ni Angel ko ? " tanong ni Ronron.

Nagkibit balikat si Romeo at nilibot ang tingin sa registrar office.

"I don't know. Siguro may kinalaman ito sa sinabi ng Dean kanina. Highly classified ang kaso ni Angel. Tulad din ng sinabi nya, walang ibang nakakaalam ng tungkol sa nangyari maliban sa mga malalapit na kaibigan at kaklase. " sagot nya.

"So you mean, pinangangalagaan nila ang sikretong iyon ? Para saan ? Para di malaman ng iba na may namatay na estudyante dito ? " tanong ni Ronron

Sasagot sana si Romeo ng muling bumukas ang pinto.

Lumabas ang babae na may dalang isang folder.

Pabagsak nitong nilapag sa harap ng dalawa.

"Ayan. " taray nito.

Naningkit ang mga mata ni Romeo.

"Why do I have this feeling na ayaw mo sa amin ? Ano bang ginawa namin sa inyo Ma'am ? " tanong nya.

Sumimangot ang babae.

Hindi itinago ang inis.

"Ng dahil sa babaeng yan, napariwara ang anak ko. " sabi nya.

Natigilan ang magkaibigan sa narinig.

"E-excuse me ? " tanong ni Ronron.

Ngunit ipinagtabuyan na sila ng babae.

"If you'll excuse me, marami pa akong gagawin. " sabi nito.

Magsasalita pa sana si Ronron ng awatin na sya ng kaibigan.

"Tara na pare. Wala tayong mapapala dito. One sided yan. " bulong nya.

Tumango si Ronron at nagpatangay na lang kay Romeo.

Sabay silang lumabas ng opisina, bitbit ang folder na naglalaman ng records ng dating section ni Angel.

..

Matapos sa registar, nagpasyang magtungo sa library ang dalawa.

Bukod sa tahimik, kailangan nila ng pribadong lugar para pag aralan ang nakuhang mga dokumento.

Pagkaupo pa lamang nila ay agad ng binuksan ni Ronron ang folder.

Tumambad sa kanila ang dating records ng kasintahan kasama ang dati nitong section.

"IV - Magnolia, S.Y. 2012 - 2013. Adviser, Mr. Anselmo Ang. " basa nya.

Dinampot ni Romeo ang class picture at pinakatitigan ang mga estudyante.

"Pare, nasan si Angel dito ? " tanong nya.

Saglit na tinitigan ni Ronron ang litrato, pagkuwa'y napangiti ng makita ang magandang kasintahan.

"There. Sya yan. " sambit nya.

"You sure ? " tanong ni Romeo.

Tumango si Ronron.

"Definitely. Oh, that's Jamaica. And this is Earl. " turo nya.

Tahimik na pinagmasdan ni Romeo ang larawan.

"This one, itong gwapings, sino to ? " tanong nya.

"I think that's Aaron. Varsity daw yan ng basketball dito sa school nila. Halata naman sa built ng katawan. " sagot ni Ronron.

Muling nagmasid si Romeo.

"Ito pare, chicks to. " turo nya.

Tiningnan ni Ronron ang tinuro ng kaibigan.

Pagkuwa'y napangisi ng makita si Irish.

"Langya pare, wala ka kasi kanina. Si Irish yan. Parang model ng bikini. " kwento nya.

"Ah, yung matangkad na naka ponytail ? Yung naka mini skirt at bag na leather ? " tanong ni Romeo.

Natulala si Ronron.

"P-paano mong nalaman ? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"I've been watching you. Nasa malayo lang ako, sapat para makita ka at yung mga taong nasa paligid mo. " sagot nya.

Napasimangot si Ronnron.

"Tangna ka, di mo man lang ako tinutulungan sa pagseserved ng pagkain. " asar na bulong nya.

"Pake ko don ? Di naman natin trabaho yon, ikaw lang itong nagpapakabayani. Haha. " natatawang palusot ni Romeo.

Napailing na lang si Ronron at muling pinakatitigan ang larawan ng kasintahan.

"Talagang maganda ka mahal ko. Sayang, di tayo nagkaroon ng pagkakataong magkasama. Promise baby cake, huhulihin namin ang may gawa nito sayo. " bulong nya.

Ngumiti si Romeo at tinapik ang balikat ng kaibigan.

"Easy. Now, kailangan nating makausap ang taong nandyan. Or kahit yung malalapit lang kay Angel. " sabi nya.

Tumango si Ronron.

"Di mas madali kung alamin natin kung sino yung mga kasama ni Angel nung araw na mangyari yung trahedyang yon ? " tanong nya.

Umiling si Romeo.

"Bago natin alamin kung sinu sino ang magkakasama ng oras na iyon, alamin muna natin ang ugali ng bawat isa. At malalaman lang natin yon kapag nakasalamuha natin yung mga malalapit sa kanila. Dapat yung hindi muna involved sa kaso. Para makapag imbestiga tayo ng mabuti ng hindi naalarma ang totoong may sala. " paliwanag nya.

"Aahhh, oo nga no. So sinong uunahin natin ? " tanong ni Ronron.

Dinutdot ni Romeo ang isang estudyante sa larawan.

"Sya. " turo nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Bakit sya ? " tanong nya.

"Obviously, sya ang observant sa grupo. " sagot ni Romeo.

"Paano mong nalaman ? " tanong ni Ronron.

Ngumisi si Romeo.

"That's what you called instincts. Sya ang higit na malayo kumpara sa iba. Meaning, pinangingilagan sya. Itsura pa lang nya, nerd na. At kadalasan sa nerd, hindi naglalalapit sa maraming tao. Di sila madalas makihalubilo at mas nanaisin pa nilang magmasid kesa makisali. " paliwanag nyang muli.

Napangiti si Ronron.

Pero bigla syang napangiwi.

"I think kailangan natin ng isang taong kasama mismo sa picture na ito. Hindi natin kilala ang lahat ng yan eh. " sabi nya.

"That's what I'm telling you next. Sino nga ulit yung bestfriend ni Angel ? " tanong ni Romeo.

"That's Jamaica. Jam for short, why ? " tanong ni Ronron.

Tumango tango si Romeo.

"Sya ang pagtanungan mo. " sagot nya.

"Bakit sya ? Di kami ganun ka - close eh. Saka isa sya sa suspect natin remember ? " paalala ni Ronron.

"Yeah, I know. Pero wala na tayong choice eh. " sambit ni Romeo.

Ngumiti si Ronron.

"Meron pa pare, si Earl. Mabait sya. Saka palabiro. Masakit din sa kanya ang pagkawala ni Angel. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"I think mas mabuting si Jam na lang. No questions okay ? Please pare. " sabi nya.

"Galit galit kami ni Jam eh. Ikaw na lang kaya ang kumausap ? " tanong ni Ronron.

"Nope pare, may sasaglitin lang ako sa presinto. You better go home na. " utos ni Romeo.

"Anong gagawin mo don ? Teka kala ko magkasama tayong pupunta don ? " tanong ni Ronron.

Sumandal si Romeo sa upuan.

"I don't know. Pero parang may mangyayari sa cemetery na dapat mong imbestigahan. I think nagiging pabaya tayo sa ginagawa nating ito pare. Malaki ang tsansang nasa sementeryo mismo ang salarin. At alam mong dadalawa lang tayong nag iimbestiga ng lihim. Anong makukuha natin kung nandito tayo pareho ? " tanong nya.

Napaisip din si Ronron sa sinabi ng kaibigan.

"Y-yeah, I think you're right. Pero okay ka lang ba sa presinto ? " tanong nya.

Ngumiti si Romeo.

"I'm okay. Wag mo kong intindihin. " sambit nya.

Niligpit na ni Ronron ang mga dokumento at pagkatapos ay sabay na silang lumabas ng library.

Nilakad nilang muli ang patungong gate.

Naghintay sila ng tricycle.

"Pare, mag iingat ka sa pupuntahan mo ha ? " bilin ni Ronron.

Ngumiti si Romeo.

"Wag mo kong intindihin. Sige na, ayan na yung tric. " turo nya.

Tumango si Ronron at tinapik ang kaibigan.

"Sige pare, balik muna ako. " sambit nya.

Tatalikod na sana si Ronron ng hawakan ni Romeo ang kanyang kamay.

Kunot noong napatingin ang binata.

"Baket ? " tanong nya.

Nawala ang ngisi sa mukha ni Romeo.

"Mag iingat ka pare. Pwedeng isa sa mga nanduon ay yung mismong may sala. Wag kang magsasalita about sa ginagawa natin. Kahit kanino, kahit sa mga magulang ni Angel. " bilin nya.

Natigilan si Ronron.

"B-bakit ? " tanong nya.

"Wag ka ng maraming tanong. Alam mong dalawa lang tayong nag iimbestiga at mas maganda kung wala silang nalalaman sa ginagawa natin. Para na rin hindi sila maalerto. Please, wag kang makipag usap tungkol dito sa kung kanino man duon. " pakiusap ni Romeo.

Tumango si Ronron.

"Oo pare. Don't worry. Mag iingat ka sa presinto. " wika nya.

Tumango si Romeo.

"Go. Remember, si Jamaica lang ang pagtatanungan mo. At wag na wag mong ipapakita ang mga nakuha natin okay ? " tanong nya.

"Sige. " sagot ni Ronron.

Ngumiti si Romeo at pinagmasdan ang kaibigan na sumakay ng tricycle.

Kumaway pa sila sa isa't isa bago tuluyang umandar ang sasakyan.

Saglit na pinagmasdan ni Romeo ang paglayo ng kaibigan bago muling pumihit pabalik.

"May something sa registrar na yon. " bulong nya at tinahak ang daan pabalik sa Dean's Office.

ITUTULOY !!!