Chapter 18 - The Heartbreaker's Broken Heart

"Dyan na lang ho sa tapat manong. " turo ni Ronron sa bukana ng sementeryo.

Ginilid ng driver ang tricycle bago tuluyang hininto.

"Dyan ka sa loob boy ? " tanong nito.

Tumango si Ronron habang nilalabas ang pera sa bulsa.

"Oho. " sagot nya sabay abot ng bayad.

Kinuha naman ng driver ang pera at pagkatapos ay muling binuhay ang makina.

"Condolence boy. " sabi nito.

Ngumiti si Ronron.

"Salamat ho. " sambit nya.

"Kaanu ano mo ? " tanong ulit ng driver.

Napahinga ng malalim si Ronro.

"Girlfriend ho. " sagot nya.

"Ah ganun ba ? Oh sige, mga anong oras ba kayo matatapos dyan ? Para makabalik ako't baka sumakay ka ulit. " wika ng driver.

"Ay di na ho siguro, may kotse po sila eh. " sagot ni Ronron.

"Sayang. Sya sige boy, condolence na lang ulit. " paalam ng driver at pinasibad na ang tricycle.

Saglit na pinagmasdan ng binata ang mabilis na pagpapatakbo nito.

Mabilis syang nakabalik mula eskwelahan hanggang sementeryo dahil sa kaskaserong driver na iyon.

Di nya maintindihan kung magpapasalamat ba sya o maaasar.

Sa huli ay pinili na lamang nyang magpasalamat dahil kahit papaano, di sila naaksidente ng ungas.

Napailing na lang si Ronron.

Pagpihit nya ay nagulat sya ng may biglang nagsalita.

"Kaanu ano mo kamo si Angel ? " tanong ng boses.

Agad na nilibot ni Ronron ang paningin.

Hanggang sa magtama ang mga mata nila ng isang matangkad at gwapong lalake.

Natigilan ang binata.

Kilala nya ito.

Si Aaron.

- -

Saglit na natahimik si Ronron.

Magkatitigan lamang sila ng lalake bago ito muling nagsalita.

"Anong nangyari sayo ? " tanong ni Aaron.

"H-ha ? " sagot ni Ronron.

Napailing ang lalake at marahang humakbang palapit sa kanya.

Iniwasan ni Ronron ang umatras.

Pilit nyang sinalubong ang mga mata nitong tila nanunuot sa bawat tingin.

"Ang sabi ko, kaanu ano mo si Angel ? " tanong nito.

Napalunok si Ronron.

Narinig pala ng lalake ang sinabi nya sa driver.

Mabilis syang nag isip.

Sasabihin nya ba ang totoong relasyon nya sa dalaga ?

Baka magkaroon ng kumplikasyon dahil isa din ang lalakeng ito sa itinuturing nilang suspect ni Romeo.

..

Napahinga ng malalim si Ronron at pinilit ang sariling ngumiti.

Tumingala sya at tinitigan ang lalake.

Pero mabilis din syang nag iwas ng tingin.

Halos baba lamang sya nito.

Nakaka-intimidate ang pagtitig ng binata kaya di nya maiwasang kabahan.

"Pare, anyare ? " tanong ulit ni Aaron.

Napalunok ng laway si Ronron.

Tila nanuyo ang kanyang labi.

"A-ah, w-wala. " utal na sagot nya.

Natawa ng mahina si Aaron at tinapik sa balikat ang binata.

"May masakit ba sayo ? Kung may nararamdaman ka, better go inside. Alam mo namang may naka ready na medic dyan if ever may mahimatay di ba ? " sabi nito.

Umilng si Ronron.

"I-i'm fine. " sagot nya.

"You sure ? " paniniyak ng lalake.

Ngumiti si Ronron.

"Yeah. " sambit nya.

Tila tiniyak pa ni Aaron kung nagsasabi sya ng totoo, bago ngumiti.

"Okay. Saan ka galing ? If you won't mind. " sabi nya.

Natigilan si Ronron.

Mabilis syang nag isip ng palusot.

"Ah, hinatid ko lang yung friend ko. Namili kasi sya ng mga souvenirs. " palusot nya.

Tumango tango si Aaron.

Pasimple nitong hinimas ang tyan at tumingin tingin sa paligid.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"May hinahanap ka ba ? " tanong nya.

Alumpihit na napangiti si Aaron.

"Oo eh. Wala ka bang napansing 7/11 or Mini Stop on your way back here ? " tanong nya.

"Uhm sorry, di ko napansin eh. " sagot ni Ronron.

Tila nanghinayang ang binata.

Pero ngumiti pa rin ito.

"Ah ganun ba ? Sige, di pa naman siguro sila aalis no ? " tanong ni Aaron.

"Ang alam ko, hanggang hapon sila Tito Angelo dito. Why ? " balik tanong ni Ronron.

Muling hinimas ni Aaron ang tyan.

"Nagugutom na kasi ako. Balak ko sanang maglakad lakad dyan. Baka mayroong mabibiling pagkain. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Pero maraming pagkain sa loob. Bakit ka pa bibili sa labas ? " tanong nya.

"Ahh, I'm on diet eh. " sagot ni Aaron.

Muntik ng matawa si Ronron sa sinabi ng binata.

Pero ng maalala nya ang height nito ay nuon nya napagtanto na di ito nagpapatawa.

"Varsity ka ba ? " kunwaring tanong ni Ronron.

Ngumiti si Aaron at marahang tumango.

"Yeah, scholar ako sa school namin because of my talent. " sagot nya.

Napatango tango si Ronron.

"Kaya pala. Di ba pwede sayo yung mga nasa loob ? " tanong nya.

Nahihiyang napailing si Aaron.

"Sad to say, yes. Mahigpit si Coach sa diet ko. Kaya kahit nga ako lumabas eh, kasi naglalaway ako sa mga pagkain duon. " biro nya.

Napangiti si Ronron at nilingon ang pinanggalingan daan.

"Ano bang kakainin mo sana ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Aaron.

"Kahit Fita lang pwede na. Kumuha na ako ng mineral sa loob. " tinaas nya ang hawak na tubig.

"Ahh kung biscuit lang ang bibilhin mo, may nadaanan akong tindahan kanina. Kaso malayo layo ng konti. " turo ni Ronron.

"Oh it's okay. May sasakyan ako. " sambit ni Aaron.

"Okay na pala eh. Tahakin mo lang itong daan na to. Diretso lang naman yan eh. " wika ni Ronron.

Napakamot sa batok si Aaron.

"Uhm, p-pwede bang mag request ? " tanong nya.

"Sure ano yon ? " tanong ni Ronron.

"Pwede bang samahan mo ko ? Medyo bobo kasi ako sa directions eh. " biro ni Aaron.

Natigilan si Ronron.

Nais na sana nyang bumalik sa loob at magmasid, pero ng naalala nya na isa nga pala ang binata sa suspect.

"Sige, walang problema. " nakangiting sagot ni Ronron.

..

Tulad ng napag usapan, magkasamang nagtungo ang dalawa sa isang maliit na tindahan di kalayuan.

Pagkapark ni Aaron ng sasakyan ay agad silang bumaba at lumapit.

Ininspeksyon agad ng binata ang mga tinda.

"Manang, may Fita po kayo ? " tanong ni Aaron.

Umiling ang matanda.

"Ay nako iho, wala eh. " sabi nito.

Muling tiningnan ni Aaron ang mga paninda.

Sa malas ay kakarampot lamang ang mga ito.

"Ito na lang hong skyflakes. Ikaw pare ? Baka may gusto ka ? Sige kuha ka lang. " nakangiting wika nya.

Umiling si Ronron.

"Di ako mahilig sa mga biscuit kapag gutom. Rekta kanin. " biro nya.

Tila nainggit si Aaron.

"Buti ka pa. Ako, di na pwedeng mag rice sa gabi. Bwisit kasing diet to eh. " sabi nya.

"Bakit ka ba nagdi-diet ? May kakilala din naman akong player, pero sige lang sila lamon ng lamon. " biro ni Ronron.

Ngumiti si Aaron.

"Nagpapapayat kasi ako. " sagot nya.

Nagulat si Ronron sa narinig.

"Pero okay naman yang built mo ah. " puna nya.

Tumango si Aaron.

Naupo sya sa mahabang bangko sa harap ng tindahan.

Gumaya naman si Ronron at tumabi sa binata.

Sabik na binuksan ni Aaron ang biscuit at walang sabi sabing kumagat.

"Pasensya na pare ah, nagugutom na talaga ako eh. " sabi nya.

Ngumiti si Ronron.

"Oh no it's okay. Sige lang pare. " wika nya.

Ngumiti din si Aaron.

Binuksan nya ang dalang tubig at uminom.

Matapos lumagok ay muli nyang tinakpan ang bote at huminga ng malalim.

"Hmm. Yay kagutom na talaga. Hintayin nyo lang matapos itong school year. Lalafang talaga ako ng marami. " biro nya.

Natawa ng mahina si Ronron.

Nagpatuloy sa pagkukwento si Aaron.

"Yung sinabi mo kanina na okay naman ang built ng katawan ko, ngayon na lang to pare. Dati akong mataba. Sa maniwala ka o hindi, 223 pounds ako dati nung first year. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron.

"Weee ? " di makapaniwalang sabi nya.

Natawa si Aaron at marahang tumango.

Pinagmasdan nya ang bote ng mineral.

"Yeah. May sakit ako. Nakakahiya mang aminin. Hindi tama ang pagkain ko sa isang araw. Halos nahihirapan akong umakyat ng hagdan. Nahihirapan akong bumaba. Lahat mahirap. Pagkilos, pagsasalita, lalo na ang pakikipag kaibigan. " kwento nya.

Nanatiling tahimik si Ronron.

Muling nagsalita si Aaron.

"Lagi akong tinatawanan sa school. Para daw akong naglalakad na drum. Lagi nila akong tinatanong kung pwede daw ba akong gawing stuffed toy. Para daw akong si Buddha. Lahat ng panlalait sa mataba, naranasan ko, narinig ko. " malungkot na sabi nya.

"P-pare, kung ayaw mong ikwento, okay lang. " sabi ni Ronron.

Ngumiti si Aaron at umiling.

Muli syang kumagat ng skyflakes.

"No I'm fine. Sabi ng isang kakilala ko, mas masarap daw ikwento sa strangers ang mga problema mo at hang-ups. Kasi wala naman silang pakialam. " biro nya.

Natawa ng mahina si Ronron.

Wala syang masabing kahit ano dahil tama ito, wala syang pakialam.

Huminga ng malalim si Aaron at tumingala.

Napangiti.

"Wala akong kaibigan. Literal na iniilagan. Maliban sa isa. " sambit nya.

Tinalasan ni Ronron ang pandinig.

Pakiramdam nya ay masasabihin ito na kailangan nyang marinig.

"Sino ? " tanong nya.

..

Napangiti si Aaron.

Tila nangarap ng gising.

"Si Angel. " bulong nya.

Natigilan si Ronron.

"Bingo. " sa isip isip nya.

Muling napahinga ng malalim si Aaron.

Naglakbay sa nakaraan at masayang binalikan ang mga naganap.

"Napakaganda ni Angel. Maraming lalaki ang nagnanais na mapansin nya. Marami ding babae ang naiinggit at nagseselos sa kanya. Sikat na sikat sya sa buong school. Halos lahat ng mga boys gustong pumorma sa kanya. " kwento nya.

Ngumiti si Ronron.

"Maliban sayo ? " tanong nya.

Natawa si Aaron.

"Sort of. Si Angel ang super crush ko. Ahead ako sa kanya ng 1 year. Kumbaga, sya ang apple of the eye ng halos kalahati ng boys sa campus. At di ako nakaligtas sa charms nya. " sagot nya.

Napangiti na lang si Ronron.

Nakaramdam ng pagmamalaki sa katipan.

Muling nagpatuloy si Aaron.

"Dumating yung panahon na hinding hindi ko malilimutan. " sabi nya at mabilis na sinalaysay ang nakaraan na tila kahapon lamang.

- -

( Nakaraan. 7 years ago )

Naiiyak na tumingala ang isang batang mataba.

Tila lalo pang dumidilim ang langit.

Muli nyang nilingon ang daan.

Kaunti na lamang ang naglalabasang mga estudyante mula sa eskwelahan.

Halos lahat ng mga ito ay may sundo, maliban sa kanya.

Hindi nya alam kung nasan na ang kanyang mga magulang.

Mukhang dahil sa pagiging abala ng mga ito sa trabaho, nakalimutan ng may anak na dapat sunduin ng mga oras na iyon.

..

Muling humikbi si Aaron.

Napaatras sya ng biglang kumidlat.

Nais na nyang tumakbo at bumalik sa silid aralan.

Pero natatakot syang tamaan ng kidlat.

Hanggang sa biglang may nagsalita sa kanyang tabi.

"Wag kang matakot. " boses ng babae.

Agad na napalingon si Aaron.

Ang nakangiting mukha ng isang batang babae ang bumungad sa kanya.

Natigilan ang batang mataba.

Pasimple nyang inayos ang mukha at pinilit ang sariling magsalita.

"H-hindi naman ako natatakot. " palusot nya.

Ngumiti ang batang babae.

Tumabi ito sa kanya ng upo.

"Wala kang sundo ? " tanong nito.

Umiling si Aaron.

"M-meron. Parating na yung Mommy ko. " pagpapalakas loob nya.

Tila nalungkot ang batang babae.

"Buti ka pa. " sabi nito.

Kumunot ang noo ni Aaron.

"Baket ? " tanong nya.

Ngumiti ang batang babae.

"Eh kasi ako, laging Yaya ko ang sumusundo. " sagot nito.

Napangiwi ng lihim si Aaron.

Katulad nya ang batang babae.

Laging mga katulong ang nagsisilbing magulang.

..

Saglit silang natahimik.

Pinagmamasdan ang malalakas na pagpatak ng ulan.

Mabuti na lamang at malaki ang waiting shed kung saan sila nakaupo.

Mga paa lamang nila ang nababasa.

Maya maya ay nagsalita si Aaron.

"W-wala bang susundo sayo ? " tanong nya.

Ngumiti ang batang babae.

"Meron, yung Yaya ko. Tumawag na ako sa bahay. " sagot nito.

Napatango tango si Aaron.

"Buti ka pa, alam mo yung number sa inyo. Ako di ko kabisado. " sabi nya.

Ngumiting muli ang batang babae.

Tila nakakita ng anghel si Aaron.

Saglit syang natulala.

Ilang saglit pa ay tumayo ito at kumaway.

"Dito po Yaya ! " sigaw ng batang babae.

Napatingin si Aaron sa isang may edad na babaeng papalapit sa kanila.

May bitbit itong kapote at payong na malaki.

"Bakit dito ka naghintay ? Sabi ko sa room ka lang mag stay eh. " agad na bungad nito.

Humagikgik ang batang babae.

"Eh ako na lang yung nandun eh. " sagot nito.

"Ay ganun ba ? Sorry ha ? Akala ko kasi mamaya ka pa lalabas eh. " sambit ng yaya.

"Okay lang po Yaya. Di na kasi nagturo yung last teacher namin kaya maaga kaming pinauwi. Baka daw po lalong lumakas yung rain kapag nagstay pa kami sa room. " paliwanag ng batang babae.

"Aahh kaya pala. Oh sya, halika na at baka magkasakit ka. Tatawag lang ako ng tricycle. " wika ng yaya.

Tumango ang batang babae.

"Okay po. " sabi nito sabay suot sa kapote.

Nanatiling tahimik si Aaron.

Naiinggit dahil makakauwi na ang bata.

Samantalang sya ay maiiwan na namang mag isa.

Di inaasahang napalaingon sa kanya ang batang babae.

Kumunot ang noo nito at tila nag isip.

"Wala pa ba yung Mommy mo ? " tanong nito.

Ngumiti ng malungkot si Aaron.

"W-wala pa eh. " sagot nya.

Muling natahimik ang batang babae.

"Sige, ganito na lang. Ihahatid ka na lang namin ni Yaya. Tapos uuwi kami. Okay lang ba sayo ? " tanong nito.

Mabilis na napalingon si Aaron.

"T-talaga ? " balik tanong nya.

Ngumiting muli ang batang babae.

"Oo. Oh ayan na si Yaya. Sakay na tayo. Wala ka bang raincoat ? " tanong nito.

Umiling si Aaron.

"W-wala nga eh. " sabi nya.

Ngumiti ang batang babae.

"Ah, sorry ha ? Isa lang kasi itong sakin eh. " wika nito.

"Uy okay lang. Buti nga isasabay nyo ko. Salamat ha, ah." sambit ni Aaron.

"Ay ako nga pala si Angel. " pakilala ng batang babae.

Napangiti ng maluwang si Aaron.

"Ako naman si Aaron. Salamat ulit Angel. " sabi nya.

- -

( Kasalukuyan )

Napangiti si Ronron.

"Mabait pala talaga si Angel. " wika nya.

Tumango tango si Aaron.

"Yeah. She's so kind to helpless people. Mula nuong pagkikita naming yon. Madalas na kaming nagsasabay sa recess. Nauna akong grumaduate sa kanya. Akala ko duon na matatapos ang pagiging magkaibigan namin, pero nung sinabi nya sa aking nag enroll din sya sa parehong high school kung saan ako nag enroll, sobrang saya ko talaga. " dagdag nya.

"Di ko alam na ganun pala kabait si Angel. " bulong ni Ronron.

Napatingin si Aaron sa katabi.

"Hey pare. Wag mo sanang mamasamain itong tanong ko, pero paano mo nakilala si Angel ? I mean, we almost grew up together. Di nga lang tulad ni Jam, pero halos nakikilala ko rin yung mga nagiging friends nila. So bakit parang ngayon lang kita nakita ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron.

Mabilis syang nag isip.

Pagkuwa'y pinilit nya ang sariling ngumiti.

"Aahh, sa Manila kasi ako nakatira. Sa Facebook ko sya nakilala. " pag amin nya.

Napatango tango si Aaron.

"Oh really ? Then nagpunta ka na pa rin dito ? Pano mo nalaman na w-wala na sya? " tanong nito.

Napangiwi ng lihim si Ronron.

Dapat pala ay nag ensayo sya ng mga sagot sa ganitong mga tanong.

"W-we used to talk. Sa phone. Y-yeah, nagtatawagan kami. Then one day, si Tito Angelo ang nakasagot. Tapos ayun, nasabi nya sa akin yung nangyari. " palusot nya.

Natahimik si Aaron.

Maging ito ay tila nag isip.

"How come na ngayon ka lang nagpakita ? I mean, bakit nung lamay at burol eh wala ka ? " tanong nya.

Napangiwi lalo si Ronron.

Naisip nyang magsinungaling dahil siguradong maguguluhan ang kausap kapag sinabi nyang ngayon lang nya nalamang patay na si Angel.

"A-ah. L-lately ko lang nalaman yung tungkol dito. Syempre, may kanya kanya kaming buhay. Nawalan kami ng time to contact each other. Then nitong lately ko lang ulit naalala si Angel. Buti na lang nakasave pa itong number nya sa phone ko. Then, ito na nga. Nandito na kami ng friend ko. " pinilit nya ang sariling ngumiti.

Ngumiti din si Aaron.

Inubos na nya ang kinakain at pagkatapos ay muling lumagok ng tubig.

"Yeaahhh. Better. Tara na ? " aya nya.

Tumango si Ronron.

Pasimple syang nakahinga ng maluwang dahil nakalusot na naman.

..

Pagbalik sa sementeryo.

"Pare, ipapark ko lang ito ha ? " sabi ni Aaron.

"Sure pare. Balik lang ako kina Tito. " paalam ni Ronron.

"Oh sure, salamat ulit sa pagsama pre. Ang bait mo. " nakangiting wika ni Aaron.

Ngumiti din si Ronron.

"Sus wala yon. " sabi nya.

Nagkangitian pa sila.

Pagkatapos ay sinara na ni Ronron ang pinto.

Pinausad naman ni Aaron ang sasakyan patungo sa parking area ng sementeryo.

Saglit na pinagmasdan ni Ronron ang pag-andar ng sasakyan nito bago nagpasyang bumalik sa pwesto ng mga magulang ni Angel.

Nakakailang hakbang pa lamang sya ng may magsalita sa kanyang likuran.

"Kung ako sayo, di ako makikipag kaibigan sa kanya pre. " sabi ng boses.

Agad na lumingon si Ronron.

Pagtingin nya ay ang seryosong mukha ni Earl ang kanyang nakita.

"Bakit naman ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Earl at humakbang palapit sa binata.

"I don't know how to say this. Pero you have to stay cautious when Aaron is around. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Ronron ng maulinigan ang seryosong boses nito.

"Bakit nga ? " tanong nyang muli.

Tinapunan ni Earl ng tingin ang sasakyan ni Aaron.

Kita nilang bumaba ng van ang binata at pinunasan ang windshield.

"He's madly inlove with Angel. " sagot nito.

Napanganga si Ronron sa narinig.

"H-ha ? " tanong nya

Ngumiti si Earl.

"Yeah, di naman nakakagulat yon. Angel is so stunning. Plus napakabait at matulungin. Mahilig pa sa sports. Member si Angel ng volleyball team like Irish. " kwento nya.

"Ohhh, pero anong kinalaman ni Aaron dito ? " tanong ni Ronron.

Napahinga ng malalim si Earl.

"Last year, I noticed Angel's sudden mood changes. Madalas syang nagugulat sa mga simpleng bagay. Madali na rin syang mapikon sa mga pranks at jokes ko kaya naisip naming magbabarkada na there's something wrong with her. Obviously, since na sa Jamaica ang pinakamalapit sa kanya, sya ang naglakas loob na magtanong. " sabi nya.

Nacurious si Ronron.

"Then anong nangyari ? " tanong nya.

"I think you have to ask Jam directly. Itanong mo yung tungkol sa cinonfess ni Angel about Aaron. Sa tingin ko kasi, wala akong karapatang magkwento. Atleast si Jam, sya yung bestfriend at direktang sinabihan ni Angel. " suhestyon ni Earl.

Natahimik si Ronron.

"N-nasan si Jam ? " tanong nya.

Ngumiti si Earl at tinapik ang balikat ng binata.

"Nasa grave ni Angel. Please pare, wag mong sabihin kay Aaron ang sinabi ko. B-baka kasi gulpihin nya ko. " takot na sabi nito.

Naningkit ang mga mata ni Ronron at tinapunan ng tingin si Aaron na tumatawa kausap ang isang magandang bisita.

"Sure. Akong bahala. " sagot nya.

Napangiti si Earl at tila nakahinga ng maluwang.

"Oh great. So paano pare ? Magseserve lang ako ng foods ha ? " paalam nito at tuluyan ng naglakad palayo.

Tumango si Ronron.

Mabilis syang naglakad patungo sa puntod ni Angel.

Nilampasan nya si Aaron at diretsong tinungo ang pakay.

Di naman sya nagkamali.

Tama nga si Earl sa sinabi nito.

Nakaupo sa tabi ng puntod ni Angel ang bestfriend nitong si Jamaica.

Malungkot na nakatitig sa mga letrang nakaukit sa lapida.

..

Mabilis na lumapit si Ronron at pumwesto sa tapat ng dalaga.

Saglit lang syang tiningnan ni Jamaica pero di ito nagsalita.

Tumikhim ang binata.

Di na nagpaliguy ligoy pa.

"Jam, can I ask you something ? " bungad ni Ronron.

"Anything for Angel. " sagot ng dalaga.

Nagulat si Ronron.

"P-paano mong nalaman ? " tanong nya.

Ngumiti si Jamaica.

"I have this feeling na hindi mo ko lalapitan unless na di ito tungkol kay Angel. Lagi namang ganito eh, sya yung maganda at ako yung bestfriend ng maganda. " bulong nya.

Napanganga si Ronron.

"But you are also pretty ! " giit nya.

Natawa si Jamaica.

"Anong itatanong mo ? " tanong nito.

Huminga ng malalim si Ronron at tinitigan ang mga mata ng dalaga.

"It's about Aaron. " sabi nya.

Natigilan si Jamaica.

Tila naguluhan ito ng saglit pero mabilis ding nakabawi.

"W-what about him ? " tanong nya.

Una sa lahat, naisip na itanong ni Ronron kung tama ba ang kwento ni Aaron sa kanya.

"Totoo bang mataba sya dati ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Jamaica.

"Yeah. Nagbago lang sya ng hamunin ni Angel. " sagot nito.

Si Ronron naman ang napakunot noo.

"H-hamunin ? Anong hamon ? " tanong nya.

"Hinamon sya ni Angel nung first year kami. Sabi ni Angel, kapag naging macho daw si Aaron, baka maging magsyota sila. " sagot ni Jamaica.

Natigilan si Ronron.

"Magsyota ? You mean naging sila ? " tanong nya.

Umiling si Jamaica.

"Nope. " sagot nya.

"Pero naging macho na si Aaron. Naging varsity pa nga sya oh ! " puna ni Ronron.

"I know. Naging heartrob pa nga sya dahil sa nangyari eh. " wika ni Jamaica.

"See ? Eh bakit hindi naging sila ? " tanong ulit ni Ronron.

Nagkibit balikat si Jamaica.

"I don't know. " sagot nya.

"Di mo alam ? Eh ikaw ang bestfriend nya. " giit ni Ronron.

Natawa ng mahina si Jamaica.

"Tulad ka rin nila. Akala nila, iisa ang isip namin ni Angel. Porke bestfriend nya ako, dapat alam ko na ang lahat ? " tanong ng dalaga.

Napanganga si Ronron at napahiya.

"S-sorry. " sabi nya.

Tinitigan ni Jamaica ang puntod ng kaibigan.

"It's okay. Sanay na ako. Halos lahat ng lalake sa school, nilalapitan ako. Masaya na sana eh, kasi sikat ako. Pero di naman sila sa akin interesado. Lumalapit sila sa akin para magpatulong na mapalapit kay Angel. " kwento nya.

Natahimik si Ronron.

Nakaramdam sya ng awa para sa dalaga.

Nais nya itong yakapin ng mga oras na iyon pero natatakot syang maibalibag na naman sa semento.

Saglit na namayani ang katahimikan.

Hanggang sa di na sya nakatiis, kailangang masagot ang kanyang tanong.

"Anong nangyari sa kanila ni Angel ? " tanong ni Ronron.

Ngumiti si Jamaica.

"Angel broke Aaron's heart. " sagot nya.

Napanganga si Ronron.

"B-binasted ni Angel si Aaron ? " tanong nya.

Tumango si Jamaica.

"Yup, infront of so many people. Mapilit kasi si Aaron. Akala nya, porke gwapo sya at sikat, makukuha na nya ang lahat. Nakalimutan nyang kaibigan lang ang tingin sa kanya ni Angel simula pa lang. Kaya mula nun, kabi kabila na ang naging babae nya. " sagot ng dalaga.

Napailing na lang si Ronron at tinapunan ng tingin si Aaron di kalayuan.

May tatlong babae ang nakikinig sa sinasabi nito at halatang nag papaimpress sa binata.

"So, he's the Heartbreaker now huh ? " tanong nya.

Tumango si Jamaica.

"Yeah. He's the Brokenhearted Heartbreaker. " sagot ng dalaga.

ITUTULOY !!!