Chapter 19 - Vanity

Tahimik na nakatingin sina Jamaica at Ronron sa puntod na nasa kanilang pagitan.

Nakaupo sila sa magkabilang gilid nito.

Parehong nahulog sa malalim na pag iisip.

Hanggang sa magsalita si Ronron.

"Can I ask you something ? " tanong nya.

Nag angat ng tingin si Jamaica.

"Sure. " sagot nya.

"Uhm, it's kinda private. " wika ni Ronron.

Natigilan si Jamaica.

Pagkuwa'y dahan dahang nagkibit balikat.

"Try ko. Baka naman sobrang private nyan eh. " sabi nya.

"It's about Angel. " wika ni Ronron.

Tumango si Jamaica.

"Okay. Go. " pagpayag nya.

Saglit munang tinapunan ng tingin ni Ronron ang puntod ng kasintahan bago muling binalingan ang bestfriend nito.

"Bukod sa akin, may naging boyfriend ba si Angel ? " tanong nya.

Napatingin din si Jamaica sa binata.

Tila namamangha ito.

"I really can't believe na nakakausap mo sya. And more, naging kayo pa. " sabi nya.

Nagkibit balikat si Ronron.

"Actually, di ko rin alam kung paano nangyaring minahal ko sya ng ganito. Siguro nakatakdang maging kami. " wika nya.

Ngumiti si Jamaica.

"Angel never had a boyfriend. Yun ang pagkakaalam ko. Siguro naman as a bestfriend, malalaman ko kung may update sa lovelife nya. " bungad nya.

"So you mean, wala bukod sakin ? " paniniguro ni Ronron.

Tumango si Jamaica.

"Yun ang pagkakaalam ko. Why ? " tanong nya.

"Wala lang. Di lang ako makapaniwala na sa ganda nya, wala man lang nagtangka. " sagot ni Ronron.

"Kung sa nagtatangka, marami. Napakaraming manliligaw ni Angel. Pero ewan ko ba sa bruhang yon. Sabi nya, may purpose daw. Hindi pa nga lang nya nalalaman. Kaya wala syang time sa mga boylets. " paliwanag ni Jamaica.

Napangiti si Ronron.

"Funny, yan din ang tingin ko sa kanya. " wika nya.

Saglit silang natahimik.

Maya maya ay napatingin si Ronron sa papalapit na babae.

Napakaganda nito sa suot na itim na bestida.

Si Irish.

"Jam. " tawag nito.

Lumingon si Jamaica sa nagsalita.

"Oy. " sagot nya..

"Uuwi muna ako. Babalik na lang ako mamayang gabi. " paalam ni Irish.

Tila nagulat si Jamaica.

"Akala ko dun na tayo hanggang bukas ? " tanong nya.

Tumango si Irish.

"Yup. Pero magpapaalam lang ako sa bahay. Then kukuha ako ng konting damit. " sagot nya.

Napatayo si Jamaica at niyakap ang kaibigan.

"Sige sis. Mag ingat ka sa pagmamaneho. " bilin nya.

"Yup. " sagot ni Irish.

Pagkuway bumaling kay Ronron ang dalaga.

"Ronron right ? " tanong nito.

Tumango ang binata.

"Yeah. " sagot nya.

Ngumiti si Irish.

"Do you know how to drive ? " tanong nya.

Napailing si Ronron.

"Sorry, di eh. " sagot nya.

Tila nanghinayang naman si Irish.

"Aww, sayang. Anyway, nice meeting you. " sambit nya.

Ngumiti lang din si Ronron at tumango.

Binalingan ni Irish ang kaibigan.

"So paano sis. Alis muna ako. Later na lang ha ? " paalam nya sabay halik sa pisngi ng dalaga.

Tumango si Jamaica.

"Sige. Wag kang magpapalate ha ? " paalala nya.

"Opo. Babush ! " landi ni Irish at naglakad ng pakendeng.

..

Natahimik ang dalawa.

Parehas nilang hinatid ng tingin ang magandang dalaga patungo sa kotse nitong nakaparada di kalayuan.

Umayos ng upo si Jamaica.

Pero natigilan sya ng makita ang humahangang tingin sa mga mata ni Ronron.

Di nya maiwasang mapailing.

"Tsk tsk. Boys will be boys. " sabi nya.

Natauhan si Ronron at tumingin sa dalaga.

"H-ha ? " tanong nya.

"Wala. Ang ganda ni Irish no ? " tanong ni Jamaica.

Nahihiyang tumango si Ronron.

"Y-yeah. Pero loyal pa rin ako kay Angel. " depensa nya.

Duon natawa si Jamaica.

"Defensive ? " tanong nya.

"Of course not. Ayaw ko lang paghinalaan mo ko. " wika ni Ronron.

"Eh ano naman kung paghinalaan kita ? As if na importante sayo ang opinyon ko ? " tanong ni Jamaica.

"Syempre importante. Bestfriend ka ng girlfriend ko. " sagot ni Ronron.

Napailing si Jamaica.

"Ewan ko sayo. " sambit nya.

"Really, di ko naisip na ipagpalit si Angel kay Irish. Saka ang ganda non, di ako papansinin non. " natatawang sabi ni Ronron.

Tumitig si Jamaica sa binata.

"Actually, may something sa kanila. " sabi nya.

Natigil sa pagtawa si Ronron.

"W-what you mean, something ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Jamaica.

"Di ko alam kung may karapatan ba akong ikwento ang pangyayari. I think si Angel at Irish lang ang dapat mong tanungin. Pero since na wala na nga si Angel, kay Irish ka na lang magtanong. " sabi nya.

Napatingin si Ronron sa daang tinahak ng dalaga.

Pagkuwa'y tumango.

"Babalik ako. " sabi nya at nagmamadaling hinabol si Irish.

Tumango lang si Jamaica.

..

Pasakay na ng kotse si Irish ng abutan ni Ronron.

Ngunit di agad sya lumapit.

Mabilis syang nag isip nyang dahilan kung paano lalapitan ang dalaga.

"Shet, paano ko ba naman sya mapapakwento tungkol sa nakaraan ? " tanong nya.

Inis na sinabunutan ni Ronron ang sarili.

"Isip, isip. " bulong nya.

Hanggang sa mapaigtad sya ng makarinig ng busina.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron ng makita ang nguso ng isang kotse sa mismong harapan.

Napatingin sya sa driver nito.

Nakangiting nilabas ni Irish ang ulo sa bintana.

"Hey, bakit ka tulala ? " tanong nya.

Napakamot sa batok si Ronron at lumapit sa dalaga.

"A-ah. M-makikisuyo sana ako. " sagot nya.

Ngumiti ng matamis si Irish.

"Sure. Ano yon ? " tanong nya.

Mabilis na nag isip si Ronron.

"Ahh. B-bibili sana ako ng food. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Irish.

"Food ? Eh andaming food sa loob ? " tanong nya.

Napangiwi ng lihim si Ronron.

"Oo nga pala. " bulong nya.

Biglang ngumiti si Irish.

"Ahhm, wag ka ng gumawa ng kwento. Sakay na. " aya nya.

Napatingin si Ronron sa dalaga.

"H-ha ? " tanong nya.

Natawa si Irish.

"I said, hop in. Wag ka ng mag alibi. sagot nya.

Pinilit din ni Ronron ang matawa.

Dali dali syang umikot at sumakay sa kotse ng dalaga.

..

Habang nasa daan, tahimik lamang ang dalawa.

Pasimpleng nililingon ni Ronron ang dalaga.

Namamangha talaga sya sa kagandahan nito.

Unat na unat ang mahabang buhok.

Matangos na ilong at mga matang tila isang paraiso.

Pati na rin ang makipot na labi na binagayan ng natural na kulay pula.

..

Biglang humarap si Irish.

Mabilis na nagbawi si Ronron at binaling ang tingin sa daan.

Natawa ng bahagya ang dalaga.

Inabot nya ang stereo at nagplay ng isang kanta.

Pumaibabaw ang isang awitin.

"What you think of this song ? " tanong ni Irish.

Saglit na nakinig si Ronron.

Hindi pamilyar sa kanya ang awitin.

"Anong title nyan ? " tanong nya.

Ngumiti si Irish.

"A thousand mile. " sagot nya.

Tumango tango si Ronron at pinakinggan ang musika.

"Maganda. Pang babae. " puna nya.

Tumango si Irish.

"Yeah. Favorite namin yan ni Angel. " imporma nya.

Napatingin si Ronron sa dalaga.

Kita nya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.

Marahil ay dahil sa pagkawala ng isang mabuting kaibigan.

Ngumiti si Ronron.

Ito na ang hinihintay nyang pagkakataon.

"If you need someone to talk to. I'm just here. " sabi nya.

Napangiti si Irish.

"Oh no. I'm, I'm f-fine. " wika nya.

Pero di nya napigilan ang pagpiyok ng tinig.

Binabagalan ni Irish ang pagmamaneho.

Ngunit tinuro ni Ronron ang isang tabi.

"Park ka muna don. " sabi nya.

Di na nakipagtalo pa si Irish.

Pinaandar nya ang kotse patungo sa tinurong bahagi ng binata.

Pagkarating nila ay saglit na pinatay ni Irish ang makina at bigla na lamang humagulgol.

Nakakaunawang inabot ni Ronron ang dalaga.

Di naman nagpatumpik tumpik si Irish.

Tila sya bata na nakahanap ng kakampi.

Buong pait syang umiyak sa balikat ni Ronron.

"I really missed Angel. Just like Jam, she's also my bestfriend. " naiiyak na sabi nya.

Tumango tango ang binata.

"It's okay. Sshh. Iiyak mo lang. " pang aalo nya.

..

Lumipas ang ilang minuto, nahihiyang kumalas sa pagkakayakap si Irish.

Napangiwi sya ng makitang basang basa na ang damit ng binata.

"Oops. Sorry. " sabi nya.

Ngumiti si Ronron.

"Wala to. Okay ka na ba ? " tanong nya.

Ngumiti din si Irish.

"Better. " sagot nya.

"Good. " wika ni Ronron.

"T-thank you. " pasasalamat ni Irish.

Ngumiti ang binata at umiling.

"Wala yon no. Basta friend ni Angel. " sabi nya.

Tila nacurious ang dalaga.

"Oo nga pala. Paano mong nakilala si Angeltot ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron.

Wala syang maisip na dahilan.

Hanggang sa muling magsalita ang dalaga.

"Well, it doen't matter na siguro. As long as na nandito ka at nakikidalamhati. " sabi nya.

Nakahinga ng maluwag ang binata.

"Ikaw rin naman eh. Biruin mo, umuwi ka pa from states para lang makapunta dito. " wika nya.

Natigilan si Irish.

Saglit syang natahimik.

"Naguguilty tuloy ako. " bulong nya.

"Why ? " tanong ni Ronron.

Muling humikbi si Irish.

"B-bago ako sya n-namatay, may pinag awayan pa kami. " sagot ng dalaga.

Natigilan si Ronron.

"This is it. " sambit nya sa sarili.

"S-sorry sa pakikielam ha ? P-pero ano bang pinag awayan nyo ? " tanong ng binata.

Napakagat labi si Irish.

Dumaloy ang luha sa mga mata kasabay ng nakaraan na mahirap kalimutan.

..

( 1 taon ang nakaraan )

"Angel wait ! " tawag ni Irish sa kaibigan.

Natatawang tumakbo pa si Angel palayo sa dalaga.

Dahil sa taas ng takong, hirap na makalapit si Irish sa kaibigan para pigilan ito sa binabalak.

"Angel ! Wag kaseeee. " tili nya.

Napatingin ang mga tao sa dalawa.

Di nila maiwasang mapangiti habang pinapanuod ang paghahabulan ng dalawa sa pinakamagandang babae sa campus.

Hawak ni Angel ang isang tila notebook.

"Ang bagal mo. Sayang yang long legs mo. " pang aasar nya pa.

Nakasimangot na hinubad ni Irish ang sandals at pagkatapos ay buong gilas na hinabol ang kaibigan.

Napatili si Angel ng makitang humarurot ang dalaga.

Bigla syang umatras dahilan di makita ang nakaharang na bato.

Ang resulta, lumagpak sya sa sahig.

"A-aray. " daing nya.

Nanlaki ang mga mata ni Irish at dali daling nilapitan ang kaibigan.

"Are you okay ? " tanong nya.

Ngumiwi si Angel.

Impit nyang hinaplos ang bukong bukong.

"M-masakit sis. " daing nya.

Hinimas ni Irish ang paa ng kaibigan.

Pero imbes na makaramdam ng ginhawa, tila lalo pang namilipit sa sakit si Angel.

"A-aray ! " reklamo nya.

Ngumisi si Irish.

"Oh loho. Digital na ang karma no ? " tanong nya.

"Bwisit ka. Wag mong pisilin ! " sabi ni Angel.

"Aba't ako pa ang bwisit ? Eh sino kayang kumukuha ng diary ng may diary ? " tanong ni Irish.

Napanguso si Angel.

"Binibiro ka lang naman eh. " sabi nya.

Natawa si Irish at tinabihan ang kaibigan.

Sumalampak din sya ng upo sa semento.

"So paano na yan ? Kaya mo bang lumakad ? " tanong nya.

Kagat labing tumayo si Angel.

Pero muli din syang napaupo dahil mabilis na gumapang ang kirot sa kanyang paa.

"H-hindi ko kaya. Ouch ! " daing nya.

Tila naalarma si Irish sa sitwasyon ng kaibigan.

"Naku sis. Baka mamaga yan. Tawag na tayo sa clinic. " sabi nya.

"N-no. " tarantang sabi ni Angel.

Sumimangot si Irish.

"Gaga, di ka naman tuturukan ng karayom don no. " sabi nya dahil alam nyang takot sa karayom ang dalaga.

Napakagat labi si Angel.

"B-basta ayaw ko don. Iuwi mo na lang ako. " utos nya.

Pinaikot ni Irish ang kaliwang braso sa bewang ng kaibigan.

Nag ipon sya ng pwersa at sinubukan itong buhatin.

Ngunit muntik lang silang makaupong muli.

Imbes na magalit, natawa lang si Angel.

"Lampayatot. " pang aasar nya.

Natawa din si Irish.

"Gaga, ikaw nga itong natapilok tapos ako pa ang sasabihan mo ng lampa. Di kita kaya sis, tawag na lang tayo ng mag bubuhat sayo. " sabi nya.

"Sige. Pero baka naman basta ka na lang manghatak dyan ah. Yung pogi naman. " biro ni Angel.

Bumungisngis si Irish.

Nilibot nya ang tingin sa paligid para maghanap ng lalaking bubuhat sa kaibigan.

Pero biglang may nagsalita sa kanilang likod.

"What the hell happened here ? " tanong ng boses.

Automatikong napalingon ang dalawa.

Napahiyaw si Angel.

"Aaron ! Come come. Buhatin mo ko. " utos nya.

Nangislap ang mga mata ni Irish.

Namawis ang kanyang mga palad dahil muli na naman nyang nasilayan ang lihim na minamahal.

Tama.

Matagal na syang may pagtingin sa binata.

Nuon pa.

Hindi pa ito varsity sa school ay malaki na ang pagtingin dito ni Irish.

..

Lumapit si Aaron at inakbayan ang dalaga.

"Hi I. " bulong nya.

Nanayo ang mga mumunting balahibo sa batok ni Irish.

Pinilit nya ang sariling ngumiti at pasimpleng siniko ang binata.

"San ka na naman galing ? " tanong nya.

"Sa gym. Nag practice. Saan pa ? " sagot ni Aaron.

Nalukot ang cute na ilong ni Irish.

"Kaya pala amoy pawis ka. Nag shower ka ba ? " tanong nya.

Natawa ng mahina si Aaron at inamoy ang sarili.

"Di naman ah ? Sa bahay na lang. " sagot nya.

"Eeewwww. Kadiri ka talaga. Baboy ! " pang aasar ni Irish.

"Oy di na ako baboy no. Macho gwapito na to. " pagsakay ni Aaron.

Patuloy na nag asaran ang dalawa.

Pero bigla silang napahiyaw ng may maramdamang masakit na bagay sa kanilang binti.

Pagyuko ng dalawa ay kita nilang tinutusok ni Angel ang kanilang mga paa ng stick.

Natatawang lumayo si Aaron.

"Napraning ka na naman ? " tanong nya.

Sumimangot si Angel.

"Saka na kayo mag labing labing. Iuwi nyo na muna ako ! " singhal nya.

"Selos ka lang. Ano ba kasing nangyari sayo ? " tanong ni Aaron.

"Selos your face. Ito kasing si Irish eh. Hinabol habol ako. " sumbat ni Angel.

Inalis ni Irish ang tingin kay Aaron at nilingon ang kaibigan.

"Di kita hahabulin kung wala kang kinuha no. " sambit nya.

Lumabi si Angel.

"Iuwi nyo na kasi ako. Puro kayo tsismisan eh. " utos nya.

"Aba't demanding itong bruhang to. Tara na nga Papa Aaron. Mag date na lang tayo at iwan yang babaeng yan. " pang aasar ni Irish.

Pero ang totoo ay yun naman talaga ang nais nyang mangyari.

Napakamot sa batok si Aaron sabay tawa.

"Kawawa naman ito kapag iniwan natin. Tara na nga. Irish pahold naman nitong gamit ko. " inabot nya ang dalang bag.

Sumimangot si Irish pero kinuha nya rin ang inabot ng binata.

"Ughh, ano bang laman nito ? Bato ? " tanong nya.

Natatawang umiling si Aaron.

"Grabe ka naman. Mga gamit lang yan saka damit. Tara na Angel. " sabi nya.

Yumakap si Angel sa kaibigan at hinayaan itong buhatin sya.

Dahil sa laki ng katawan at sanay sa mabibigat na ensayo, naging parang papel lang kay Aaron ang dalaga.

Pagbuhat nya ay nilingon nya si Irish.

"Tara na. " aya nya at nagpauna na sa paglalakad.

Nakangiting tumango ang dalaga.

Ngunit pagtalikod ng mga ito ay nabura ang kanyang ngiti at napalitan ng lungkot.

"Kailan mo kaya ako bubuhatin ng ganyan ? " bulong nya.

Muling lumingon si Aaron.

"Hoy Irish ! " tawag nito.

Tarantang dinampot ni Irish ang notebook na pinag aagawan nila ni Angel kanina at dali daling sumunod sa binata.

..

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Marso at kasalukuyang nasa resthouse ang magbabakarda.

Pinagmamasdan ni Irish ang napakagandang paglubog ng araw ng may maramdaman syang presensya sa kanyang tabi.

"Bakit ka nag iisa ? " tanong ni Aaron.

Ngumiti lamang ang dalaga.

"Wala lang. " bulong nya.

"Hilig mo talagang pagmasdan ang sunset no ? " tanong ni Aaron.

Tumango ang dalaga.

"Yeah. Ang cute kasi eh. Saka nakakar reminisce " sagot nya.

Ngumiti si Aaron at lumagok ng beer.

Sabay nilang pinagmasdan ang papalubog na araw ng makarinig ng pagtili na sinabayan ng tawanan.

Lumingon ang dalawa at nakita nila sina Angel at Jamaica na tumatakbo.

Sa likod ng mga ito ay ang nakapiring na si Earl.

Napangiti si Aaron.

"Sali tayo sa kanila. " sabi nya.

"Kaw na lang. Tinatamad akong kumilos eh. " sagot ni Irish.

"Oh come on. Wag kang KJ. Let's go. " aya ulit ni Aaron.

Umiling si Irish.

"Maya maya na A. Medyo nahihilo kasi ako sa naimon natin. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Aaron at muling naupo.

"Are you okay ? " tanong nya.

Tumango ang dalaga.

"Yup. " sagot nya.

Muling nakarinig ng tawanan ang dalawa.

Ngunit di na lumingon si Irish.

Muli nyang tinitigan ang paglubog ng araw.

Maya maya ay nakarinig sya ng buntong hininga.

Nilingon ng dalaga ang katabi.

"Oh para saan naman yon ? " tanong nya.

Ngumiti ng malungkot si Aaron.

"W-wala. " sagot nya.

"Oh come on A. Parang di tayo magkaibigan. " sabi ng dalaga.

Muling napangiti si Aaron at nilingon si Angel na matamis na humahalakhak.

Sa pagkakataong ito, si Jamaica naman ang nakapiring at kakapa kapa.

Tila nagets na ni Irish ang nais iparating ng binata.

Mapait syang ngumiti at tinapik ang balikat nito.

"I think, mas makabubuting sabihin mo na sa kanya ang feelings mo. " sabi nya.

"You know I can't. " bulong ni Aaron.

"And why is that ? " tanong naman ni Irish.

"Kapag nag fail, baka masayang yung friendship namin. Natin. Magkakaroon ng ilangan. " sabi ng binata.

Tumango si Irish.

"Ganun talaga. At least you've tried. Kesa naman puro what if's ka. " wika nya.

Natahimik lang ang binata at tila nag isip ng malalim.

Hanggang sa tumayo ito at dumampot ng maliit na bato.

Buong pwersa nyang binata sa dagat ang nadampot.

"You think na may pag asa ako sa kanya ?" tanong nya.

Ngumiti si Irish.

"Why not ? Gwapo ka, mabait at mayaman. Mga characteristics na gugustuhin ng isang babae. Ideal boyfriend ka na eh. " bulong nya.

Pero sa sarili nya ito sinasabi.

Ngumiti si Aaron at tinabihang muli ang dalaga.

"Yeah. Pero alam naman nating hindi lang duon tumitingin si Angel. Maraming nanliligaw sa kanyang kaparehas ko. Ano bang dapat kong gawin para mahalin nya ? Tulungan mo naman ako I. " pakiusap nya.

Nagkibit balikat si Irish.

Unti unti na nyang nararamdaman ang sakit.

Akala nya ay wala ng mas matindi pa sa naramdaman ng malaman ang feelings ni Aaron para sa kaibigan.

Pero mas masaklap pa pala ang pakiramdam na hingan ka ng tulong.

Para na rin nitong sinabi na hiwain nya ang sariling pulso at lagyan ng kalamansi.

Napahinga ng malalim si Irish.

"S-susubukan ko. P-pero di ako nangangako. " bulong nya.

Napangiti ng maluwang si Aaron.

Wala sa loob na niyakap nya ang dalaga bilang pasasalamat.

"Thank you, thank you. Hulog ka talaga ng langit. Maganda na, saksakan pa ng bait. " sabi nya.

Ngumiti lang si Irish.

"Tama na ang pang uuto. Kung gusto mong sumali sa kanila, go. " wika nya.

"Eh ikaw ? " tanong ni Aaron.

"Ok lang ako. Medyo nahihilo nga ako eh. " sagot ng dalaga.

Ngumiti si Aaron at dinampian ng halik ang pisngi ni Irish.

"Thank you ulit. " sabi nya at excited na sumali sa laro ng kaibigan.

Malungkot na hinabol ng tingin ni Irish ang binata.

Wala sa loob na hinaplos nya ang pisnging dinampian ng halik nito.

"Kailan mo ba ako mapapansin tulad ni Angel ? " tanong nya.

..

Lumipas ang mga araw.

Ayaw man ni Irish ideya, dahil sa pagmamahal kay Aaron, pikit mata nyang ginawa ang pakiusap nito.

Gumawa sya ng paraan para mapaglapit ang dalawa.

Mula sa malayo, pinagmasdan nya ang minamahal na magmahal ng iba.

At masaklap, kaibigan pa nyang matalik ang pinagbalingan nito.

Kitang kita nya effort ng binata para lamang mapalapit kay Angel.

Pinipilit na lamang nyang ngumiti kapag kasama ang mga ito.

Pero ang kanyang puso ay durog na durog.

Dahil sa nakikitang matamis na pagtitinginan ng dalawa, sinikap ni Irish na ilayo ang atensyon sa mga ito.

Nag entertain din sya ng mga manliligaw.

Kung dati ay sarado ang kanyang isip na maaaring sa ibang lalaki sya nakatadhana, ngayon ay bukas palad nyang tinanggap ang mga ito.

Kabi kabila ang kanyang naging dates.

Halos linggo linggo ay iba iba ang kanyang kasama.

Wala na syang pakialam kung pumangit man ang tingin sa kanya ng mga tao.

Ang mahalaga ay matakpan ang malaking butas sa kanyang puso.

Ngunit nagkamali ang dalaga.

Ang inaakala nyang gagamot sa kanyang sugatang pag ibig ay wala palang silbi.

Lalo lamang nitong pinalaki ang kahungkagang kanyang nararamdaman.

Sa bawat lalaking makakasama, tanging ang mukha ni Aaron ang kanyang nakikita.

Hanggang sa makapagdesisyon sya na iisa lamang ang dapat nyang gawin.

Ang lumayo.

- -

( Kasalukuyan )

Tahimik na nakikinig lamang si Ronron.

Di nya alam ngunit ramdam nya ang hirap na dinanas ng dalaga sa sitwasyon nito.

Ni hindi nito nasabi ang tunay na nararamdaman sa minamahal.

"Are you okay ? " tanong nya.

Ngumiti si Irish.

"Fine. Maybe. " sagot nya.

Ngumiti din si Ronron.

"Well, what can I say. Di ko talaga maisip na sa ganda mong yan, parang di mo deserve ang umiyak ng dahil lamang sa iisang lalaki. " wika nya.

Natawa ng marahan ang dalaga.

Pinunasan nya ang mga luhang naglandas sa pisngi.

"Tao lang din naman kami. Nararamdaman din namin ang nararamdaman ng iba. Di ko naman sinasabi na sobrang ganda ko. " sabi nya.

"Still, you deserved to be happy. Wala na si Angel. At sa tingin ko, di sya matutuwa kung nakikita nyang ganyan ang bestfriend nya. " wika ni Ronron.

Tumiim ang mga bagang ni Irish.

"Yeah. Wala na si Angel. May chance na kami ni Aaron. " bulong nya.

Natigilan si Ronron sa narinig.

"H-ha ? " tanong nya.

Ngumiti lamang ang dalaga.

"Gusto mo bang ihatid na kita pabalik ? " tanong nito.

Umiling si Ronron.

"Di na siguro, di naman tayo masyadong lumayo eh. Lalakarin ko na lang. " sagot nya.

"Sure ka ? " tanong ni Irish.

"Y-yeah. " sagot ni Ronron.

Ngumiti ang dalaga at yumakap.

"Thank you talaga sa pakikinig. Matagal tagal na rin akong di nakaiyak ng ganon. " sabi nya.

Ngumiti lang ng kimi si Ronron.

"Anytime. Sige, ingat ka sa daan ha ? " bilin nya.

"Yup. You are so kind Ronron. Kung sakaling nakilala kita nuon, malamang na naging tayo. " biro ng dalaga.

Natawa si Ronron.

"Masyado kang maganda para sakin. Marunong naman akong makibagay. " sabi nya.

Nawala ang ngiti ni Irish.

"Pero kahit anong ganda o gwapo ng isang tao, di lahat ng gusto nya ay makukuha. Lesson learned. " bulong nito.

Natigilan si Ronron.

Ngumiti lang muli si Irish at kumaway.

"See yah. " sabi nito at pinausad na ang sasakyan.

Hinatid na lamang ni Ronron ng tingin ang papalayong dalaga.

Pinag isipang mabuti ang mga nasabi nito at kinonekta sa kaso.

Hanggang sa unti unti syang mapanganga.

"May motibo si Irish na gawan ng masama si Angel. Para masolo nya si Aaron. Oh shet. " bulalas nya.

Napahawak si Ronron sa ulo.

Pakiramdam nya ay napakaraming datos ang pilit na nagkakasya sa loob.

"Aaahhhh. " sigaw nya.

Mabuti na lamang ay walang gaanong tao sa parteng iyon.

Kundi ay mapagkakamalan syang baliw na basta basta na lamang sumisigaw.

Biglang tumunog ang cellphone ni Ronron.

Dali dali nya itong sinagot.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang pangalan ng magulang sa screen.

"Mommy ! " sagot nya.

"Bwisit kang bata ka ! Bakit di ka man lang kumokontak ? " agad na sabi ng ina.

Napangiwi si Ronron at marahang nilayo ang gadget sa tenga.

"I'm so sorry Mom. Tatawag na sana ako sa inyo, kaso wala akong mapaloadan dito. Buti na lang po at tumawag kayo. " sabi nya.

"Ano bang sinasabi mong walang mapaloadan ? Nasan ka ba ? Sa bundok ? " tanong ng ina.

Natawa si Ronron.

"I love you Mom. I missed you po. " pag iwas nya sa tanong.

"I love you too. Nasan ka ba ? " tanong ulit ng ina.

"Laguna po. " sagot ni Ronron.

"San sa Laguna ? Susunduin ka na namin ng Daddy mo. " sabi ng ina.

Nagkandailing iling si Ronron.

"Mom. Nag eenjoy pa po ako. B-baka po bukas umuwi na kami ni Rom. " wika nya.

"Rom ? Sino yon ? " tanong nito.

"Ahh, friend ko po. Remember nung kinwento ko sa inyo na nagalit sakin kasi di ako nagreview ? Sya po yun. " sagot ni Ronron.

Tila natahimik ang ina.

"Ganun ba ? Okay lang ba kayo dyan ? " tanong nito.

"Opo naman Mom. Sorry po kung di agad ako nakapag text or nakatawag ha ? Wala kasing loading station dito eh. Tapos di ko pa po nadala yung charger ko kaya tinitipid ko itong battery ko. " palusot ni Ronron.

"Aww, kawawa naman ang anak ko. May pera ka pa ba ? Padadalhan kita. " sabi ng ina.

"Oh okay lang po ako Mommy. Wala rin akong paggamitan nyan. " natatawang wika ni Ronron.

"Hay nako kang bata ka. Basta mag iingat ka lang dyan ha ? Pakisabi na rin sa friend mo na salamat at mag iingat din. Umuwi na kayo. " utos nito.

"Opo Mom. I love you pooo. " sambit ni Ronron.

"I love you too anak. Basta lagi kang magpray ha ? " paalala nito.

"Yes Mom. Di ko po nakakalimutan. " sagot ni Ronron.

Tuluyan na nyang tinapos ang tawag.

Muli nyang binulsa ang cellphone.

Dahil sa ginawang pagtawag ng ina, bigla syang inatake ng guilt dahil sa nagawang pagsisinungaling dito.

"Sorry Mommy. " bulong nya.

Nagsimula na syang maglakad pabalik sa sementeryo ng muling tumunog ang kanyang cellphone.

Napangiti si Ronron.

"Kulit kulit ni Mom. " sabi nya.

Agad nyang kinuha sa bulsa ang gadget at diretsong sinagot.

"Mommy. Okay lang po ako. " agad nyang sagot.

"Tarantado wala pa akong anak. " bungad ng boses.

Natigilan si Ronron at agad na tiningnan kung sino ang tumatawag.

Bigla syang natawa ng makita ang pangalan ni Romeo sa screen.

"Haha, sorry tol. Kakatawag lang kasi ni Mom eh. " wika nya.

"Ge ge, nasan ka ? " tanong ng binata.

"Pabalik na sa sementeryo. " sagot ni Ronron.

"Pabalik ? Eh di ba nandyan ka na ? " tanong ni Romeo.

Tumango si Ronron kahit na di nakikita ng kausap.

"Oo, kaso sinamahan ko si Irish. Yung sinabi ko sayong parang model. " paalala nya.

"Hoy, san kayo nagpunta ? Tangnang to, kala ko nagtatrabaho. " sumbat ni Romeo.

Natawa si Ronron.

"Siraulo. Wala kaming ginawa. Medyo nagkaroon lang ng kwentuhan. At ito ang malupit pare. Nalaman ko na dati palang may love triangle ang grupo. Si Angel, si Aaron at Irish. " kwento nya.

"Oh ? Sinong may gusto kanino ? " tanong ni Romeo.

"Si Irish, may gusto sya kay Aaron pero si Aaron, si Angel ang gusto nya. Tinulungan ni Irish na maglapit yung dalawa kahit na masakit ito para sa kanya. " sagot ni Ronron.

Natahimik sa kabilang linya.

Akala ni Ronron ay naputol ang tawag ngunit pagtingin nya ay tuloy tuloy pa naman ito.

"Pare ? " untag nya.

"So may motive si Irish para gawan ng masama si Angel. " sambit ni Romeo.

"Yeah. Meron. Si Aaron, binasted ni Angel, meron din sya. " sagot ni Ronron.

"Maliit na bagay yon para gumawa ka ng masama. Para basted lang eh. " wika ni Romeo.

Nagkibit balikat si Ronron.

"Sabagay tama ka. Oy nasan ka na ba ?" tanong nya.

"Bakit miss mo na ako ? " tanong din ni Romeo.

Natawa si Ronron.

"Gago. Nasan ka na nga ? " tanong nya.

Natahimik si Romeo.

"I just found something lang. Mas malala sa natuklasan mo. " sagot nito.

Natigilan si Ronron.

"A-ano yan pare ? " tanong nya.

"Angel was drugged. Ayon sa autopsy. " sagot ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron.

"Whaatt ? " bulalas nya.

"Yeah. Pero di pa ito ang mas nakakabigla. " sambit ni Romeo.

"M-meron pa ? A-ano yon pare ? " tanong ni Ronron.

Rinig nya ang pagbuntong hininga ng kaibigan sa kabilang linya.

"Si Angel. She's carrying a child. She's pregnant. " sagot ni Romeo.

Natigilan si Ronron sa narinig.

Umawang ang kanyang mga labi at akmang magsasalita.

Ngunit walang boses na namutawi sa kanyang mga labi.

"Pare. Mag iingat ka sa paggalaw mo dyan. Maaaring isa sa mga nakakasalamuha mo ay ang mismong pumatay kay Angel. Payong kaibigan lang, hindi, payong kapatid, wag na wag mong sasabihin ang ginagawa natin. Kahit kay Tito Angelo o kay Jamaica. Oras na madulas ka, katapusan mo na. Matutupad na ang pangarap mong makita si Angel. Sa kabilang buhay nga lang. " banta ni Romeo.

Lalong natulala si Ronron.

Nais nyang sumagot ngunit wala talaga syang maapuhap na boses.

Wala sa sariling napaupo sya at nabitawan ang cellphone.

ITUTULOY !!!