Chapter 20 - Nirvana

Nagmistulang robot si Ronron sa paglipas ng mga oras.

Tumatango, ngumiti at muling tumatango.

Paulit ulit nya itong ginagawa ng wala sa sarili.

Hanggang sa sumapit ang gabi.

Isa isa ng nag si-uwian ang mga taong dumalo sa anibersaryo ng kamatayan ni Angel.

Naiwan ang mag anak pati na ang malalapit na kaibigan ng dalaga.

..

Napatingin si Angelo kay Ronron.

Tahimik na nakaupo ang binata sa likod ng kotse at nakatingin sa kawalan.

Nais nyang magtanong.

Ngunit batid nyang tulad nya, nagluluksa pa rin ang binata.

Kaya pinili na lamang ni Angelo na pabayaan ito.

..

Lumipas ang mga oras.

Tahimik ang ang buong bahay.

Bagama't pagod at puyat, hindi nakuhang makatulog ni Ronron.

Nagtutumining pa rin sa kanyang isip ang mga salitang huling binitawan ng kaibigan si Romeo.

"She's pregnant. " sambit nito.

Mahina lamang ang pagkakasabi ng kaibigan sa mga katagang iyon, ngunit pakiramdam ni Ronron ay daig pa nito ang malakas na bomba.

Ni hindi na nya matandaan kung paano nakabalik sa sementeryo.

Ni hindi nga nya maalala kung ano ang mga nangyari pagkatapos nuon.

Basta ang natatandaan nya lamang ay ang sakit.

Dobleng sakit na mas higit pa sa pagkatuklas sa pagpanaw ng kasintahan.

..

Huminga ng malalim si Ronron.

Dahil sa dami ng bagay na bumabagabag sa kanyang isipan, di kataka takang nahihirapan syang hatakin ang antok.

Dahan dahan syang napahiga.

Di maiwasang mapangiti dahil sa santambak na unan sa kanyang paligid.

Wala pa ang kaibigan.

Kanina ay nakatanggap sya ng text na may aasikasuhin lamang itong importanteng bagay.

Di na sya nakapagtanong pa.

Ni hindi nya nga nagawang mag reply at sabihing mag ingat ito kung saan man ito tutungo.

Pakiramdam nya ay ubos na ubos ang kanyang lakas at tinatamad syang gumawa ng kahit anong bagay.

..

Muling napabuntong hininga si Ronron.

Pinikit nya ang mga mata at pinayapa ang sarili.

Bukas ay uuwi na sila ng kaibigan.

Ayaw man nya, kailangan nila itong gawin.

May naiwan syang buhay sa Maynila.

At masakit mang aminin, pero di kasama si Angel sa buhay na ito.

Sa muling pagsagi ng kasintahan sa kanyang isip ay di naiwasang maipon ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Mabilis na tumingala si Ronron at tumitig sa kisame.

Sinikap nya itong pigilan ngunit may isang pasaway na luhang tumakas at naglandas sa kanyang pisngi.

Agad na pinunasan ito ng binata.

Ngunit tila nagkaroon ng lakas ng loob ang iba pang mga luha at parang mga batang tuloy tuloy na nagpadulas ang mga ito.

Nawalan na ng kontrol si Ronron sa sariling emosyon.

Parang gripong nabuksan, tuloy tuloy na umagos ang kanyang mga luha.

"S-sinong hayup ang gumawa nito sayo mahal ko. " mapait na bulong nya.

Buong pait na nanangis ang binata.

Galit ang kanyang nararamdaman.

Galit para sa salarin.

Ngunit batid nyang mas lamang ang galit para sa sariling kawalan ng magawa.

..

Halos ilang minuto ring nanangis si Ronron ng bigla syang matigilan.

Tinalasan nya ang pandinig.

"A-ano yon ? " tanong nya sa sarili.

Mabilis nyang pinahid ang mga luha at tinakbo ang bintana.

Hinawi nya ang kurtinang tumatabing pero bigla syang napayuko ng may lumipad na bato kung saan.

Mabuti na lamang at may salaming nakaharang at maliit na bato lamang ang tumama rito.

Mabilis na gumapang ang takot sa katawan ni Ronron.

Saglit syang nakiramdam.

Tahimik ang paligid.

Tanging mga huni ng ibon at tunog ng mga night shift na insekto ang kanyang naririnig.

Pasimple nyang pinagmasdan ang kadiliman sa labas ng bintana.

Pero sa huli ay tinanggap na nya sa sariling di nya kayang tagalan ang takot na unti unting nararamdaman kaya nagpasya syang isara na kurtina.

Akmang babalik na si Ronron sa kama ng muli syang matigilan.

Muling na naman nyang narinig ang pagtama ng bato sa bintana.

Ngunit sa pagkakataong ito ay tila mas malaki na.

..

Napatingin si Ronron sa ilaw.

Saglit syang nag hintay kung mamamatay ba ang mga ito.

Sa awa ng Diyos ay di naman dininig ang kanyang hinala.

Ngunit napatingin pa rin sya sa bintana.

Muli na naman nyang narinig ang pagtama ng kung anong bagay dito.

Napalunok si Ronron at napatingin sa pinto.

Ngali ngaling takbuhin na nya ang kabilang kwarto at gisingin ang mag asawang Angelo at Paloma para makiusap na kung maaari ay sa gitna ng mga ito sya matulog.

Ngunit may huwisyo pa naman sya.

Siguradong magtataka ang mga ito.

Ano ang idadahilan nya kung sakaling magtanong ang dalawa ?

"Tito patulog dito, may nambabato kasi sa bintana ko eh. "

Pilit nilangkapan ng biro ni Ronron ang isip.

Kailangan nya ito para paglabanan ang takot na unti unti ng bumabalot sa kanyang pagkatao.

"Ayan na naman. " bulong nya ng muli na namang marinig ang pagtama ng kung ano sa bintana.

Napahinga ng malalim ang binata.

Naalala nya si Romeo.

Sa isip ay minura nya ang kaibigan dahil kung kailan kailangan nya ito ay saka naman wala.

..

"A-anong gagawin ko ? " taong nya sa sarili.

Tinapik ni Ronron ang pisngi.

Batid nyang hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandyan ang kaibigan.

Kailangan nyang magdesisyon para sa sariling kapakanan.

Huminga sya ng malalim.

Lumabas ng pinto at naglakad pababa ng hagdan.

Tulad ng inaasahan, tahimik na kadiliman ang sumalubong sa kanya.

Napalunok si Ronron ng sunod sunod.

"Bahala na." bulong nya at nag sign of the cross.

Dahan dahang naglakad ang binata patungo sa labas kung saan sa tingin nya ay nanggagaling ang bato.

Maingat syang humakbang.

Hanggang sa bigla syang matigilan ng may maramdamang gumagalaw.

Mabilis na nagtago si Ronron sa likod ng halaman.

Sinanay ang mga mata sa dilim at pilit na hinanap ang pinanggagalingan ng kakatwang tunog.

..

Hanggang sa matagpuan nya ang salarin.

Si Earl.

Napasimangot si Ronron.

Tahimik syang lumabas mula sa likod ng halaman at inis na lumapit dito.

Kita nya kung paano dumampot ng bato ang binata at akmang ibabato itong muli sa bintana ng kanyang kwarto ng bigyan nya ito ng malakas na batok.

"HOY ! " untag nya.

Napaupo si Earl sa gulat.

"Ay anak ng tipaklong. " sabi nya.

Imbes na matawa, inis na lumapit si Ronron sa binata.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ? " tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Earl.

"P-paano kang napunta dyan ? " balik tanong nya.

"Anong paanong napunta ? Syempre naglakad ako palabas ng gate. " turo ni Ronron sa pinanggalingan.

Napanganga si Earl.

"E-eh sino yung tao sa bintana ? " tanong nya.

Napatingin si Ronron sa bintana.

Pero muli syang napasimangot ng makitang blangko ito.

"Ano bang sinasabi mo ? " tanong nya.

Takot na tinuro ni Earl ang bintanang pilit nyang binabato.

"A-ayun oh. Yung may ilaw. A-akala ko ikaw yon. " wika nya.

"Oo nga, ako nga yon. Tapos naglakad ako pababa para hanapin kung sino yung hudas na nambabato. Alam mo bang muntik mo na akong patayin sa takot ? " tanong ni Ronron.

Ngunit tila nabatubalani si Earl.

"P-pero saan ka dumaan ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Ronron tanda ng pagkairita.

"Syempre sa pinto at gate ! " giit nya.

Muling nilingon ni Earl ang bintana.

"P-pero bakit di kita napansin ? " tanong nya.

"Eh malamang busy ka sa pambabato. Bakit ka ba kasi nambabato ? Eh kung magising mo sina Tito at Tita ? " tanong ni Ronron.

Napakamot sa batok si Earl.

"Sinusundo kita. May usapan tayo di ba ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Usapan ? Anong usapan ? " balik tanong nya.

"Di mo na maalala ? Hala, ano yan memory gap ? " biro ni Earl.

Napasimangot si Ronron.

"Wag mo na akong inisin Earl. Maaga pang lakad namin bukas. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Earl.

"Saan ka pupunta ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Ronron.

Lumatay ang lungkot sa kanyang mukha ng maalala ang napipintong pag uwi kinabukasan.

"U-uuwi na kami. " mahinang sagot nya.

Natigilan si Earl.

"Uuwi ? Uuwi ka na di mo man lang nabibisita ang Nirvana ? " tanong nya.

Si Ronron naman ang natigilan ng marinig ang sinabi nito.

"A-ano kamo ? " tanong nya.

Ngumiti si Earl.

"Nirvana. Favorite place ni Angel. " sagot nya.

Napanganga si Ronron ng maalala ang lugar na iyon.

"P-paano mong nalaman yan ? " tanong nya.

Natawa si Earl.

"Why seem surprised ? Angel and I we're friends since highschool. Of course I knew it. All of us knew it. Because it's our favorite place too. " sagot nya.

Natigilan si Ronron.

"All of you ? " tanong nya.

Tumango si Earl.

"Yeah. All of us. Angel, Jamaica, Irish, Aaron and Me. " sagot nya.

Natahimik si Ronron.

Wala syang maisip na sabihin.

Hanggang sa muling magsalita si Earl.

"So, talagang nakalimutan mo na ang napag-usapan natin kanina. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"A-ano bang napag usapan yon ? " tanong nya.

Napangiti si Earl habang umiliing.

"Memory gap. " sagot nya.

"Ano nga ? " tanong ni Ronron.

"Sabi mo sasama ka. " sabi ni Earl.

"Saan ? " tanong ni Ronron.

"Sa Nirvana. " sagot ni Earl.

Natigilan si Ronron sa narinig.

Binuka nya ang mga bibig para sana magsalita ngunit walang boses na lumabas mula dito.

Hanggang sa natagpuan na lamang nya ang sariling sumasakay sa kotse ni Earl na nakaparada pala di kalayuan.

..

Tulad ng sa sementeryo, halos inabot din ng kalahating oras ang naging byahe ng dalawa.

Tahimik ang naging byahe.

Tila nakisama si Earl sa pagkakataong iyon dahil hinayaan nitong mamayani ang katahimikan.

At ito naman ang ipinagpapasalamat ni Ronron.

Nagkaroon sya ng pagkakataong asikasuhin ang sariling damdamin.

Tanging pagmamasid lamang sa paligid ang kanyang ginawa.

Hanggang sa mapansin nyang ihinto ni Earl ang sasakyan sa isang masukal na lugar.

"We're here. " sabi nito.

Nagtaka si Ronron.

Pinatay ni Earl ang makina at lumabas ng sasakyan.

Mabilis namang sumunod ang binata.

Pagbukas pa lamang nya ng kotse ay agad na tumama sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng hangin.

"N-nasan tayo ? " tanong nya.

Ngumiti si Earl.

"Nirvana. " sagot nya at naglakad patungo sa gubat.

Tarantang umagapay si Ronron.

Sa paglalakad ay napansin nya may dalawang kotse ang nasa di kalayuan.

"M-may kotse. " turo nya pero sya rin ay natigilan ng makilala ang mga ito.

"That's Aaron and Irish's " sagot ni Earl.

Tama ito, kotse ni Irish at SUV ni Aaron ang nasa di kalayuan.

"N-nandito sila ? " tanong ni Ronron.

Ngumiti si Earl at hinawi ang mataas na tahalib na humaharang sa kanilang daraanan.

Napanganga si Ronron.

Tumambad sa kanyang mga mata ang paraisong di nya akalaing makikita sa ganitong lugar.

"Holy Shit ! " bulalas nya.

Natawa si Earl.

"I thought you would say that. Yan din ang sinabi ko nung una kong makita ang lugar na to. " sabi nya.

Mabilis na lumapit si Ronron sa binata at ginala ang mga mata sa paligid.

Tumingin sya sa malayo.

Wala syang makita kundi kadiliman sa ibabaw ng malawak na dagat.

Sa itaas ay di mabilang na bituin.

Sa paanan ay buhahin.

"A-ano to ? Private resort ? " tanong ni Ronron.

Ngumiti si Earl.

"Nope. Actually, we tried to buy things area. Pero walang may ari eh. " sagot nya.

"Panong walang may ari ? " tanong ni Ronron.

Nagkibit balikat si Earl.

Akmang sasagot sya ng may biglang magsalita sa gilid.

"Earl's right. We tried to buy this area pero wala kaming mapagbilhan. Nag research kami tungko sa history ng lugar na ito. It seems that a certain Diwata owns this place. " sabi ng boses.

Napatingin ang dalawa sa pinanggalingan ng tinig at nakita nila si Aaron na may bitbit na cooler.

"Help me will you ? Mabigat kaya to. " sabi pa ng binata.

Natatawang lumapit si Earl sa kaibigan.

"May softdrinks ? " tanong nya.

Tumango si Aaron.

"Syempre. Ako pa. " sagot nya.

Nagtawanan ang dalawa.

Kunot noong lumapit si Ronron.

"A-ano yan ? " tanong nya.

Napangiti si Aaron at Earl.

Nilapag nila ang hawak at binuksan.

Tumambad sa mga mata ni Ronron ang sari saring inumin.

"A-anong meron ? Camping ? " tanong nya.

Nagkatinginan ang dalawa sabay nagtawanan.

Nakaramdam ng inis si Ronron.

"Tama yan, pagtawanan nyo ko. " sagot nya.

Tinapik ni Earl sa balikat ang binata bago muling sinara ang cooler.

"Loosen up will you ? " payo nya.

Magkaagapay na naglakad ang dalawa patungo sa kung saan.

Mabilis na sumunod si Ronron.

"Loosen up ? How can I ? Eh ni wala akong kaide - ideya kung nasan tayo. " sabi nya.

"Nasa Nirvana ka nga. Mula sa punong iyon, hanggang sa bangin na yon, Nirvana. " lumamlam ang boses ni Aaron.

Napangiti ng kimi si Earl at tinapik ang balikat ng kaibigan.

"Nasan yung dalawa ? " tanong nya.

"Nandun na sa kubo. " sagot ni Aaron.

..

Akmang magtatanong si Ronron tungkol sa kubo ng makarinig sila ng salita.

"Anong ginagawa nya dito ? " tanong ng boses.

Napatingin ang lahat.

Si Jamaica.

Nagkatinginan lamang sina Earl at Aaron ngunit nagpatuloy sila sa paglalakad.

Inis na humarang ang dalaga.

"Bingi ba kayo ? Anong ginagawa nya dito ? " tanong nya.

Binaba ng dalawa ang hawak at nilingon si Ronron.

"May masama ba ? " tanong ni Earl.

Umikot ang mga mata ni Jamaica tanda ng pagkairita.

"May masama ? Hello Earl. This area was supposed to be private. For us. And when you're using the word private, it means strangers are not allowed. " madiing sabi nya sabay tingin kay Ronron.

Napangiti si Aaron.

"He's Ronron. He's not stranger. " katwiran nya.

Tumango si Earl.

"Yeah. Tama si A, wag kang harsh sa kanya J, alangan namang pauwiin natin sya. " wika nya.

Sumang ayon naman si Aaron.

Muli nilang binuhay ang cooler at naglakad patungo sa kubo.

Napasimangot si Jamaica at nilapitan si Ronron.

"You shouldn't come. " bulong nya.

Nagtaka si Ronron.

"W-why ? " tanong nya.

"Because it's private. " giit ni Jamaica.

"P-pero. Di na ako iba Jam. You know me. Angel knows me. Boyfriend nya ako at girlfriend ko sya. " paalala ni Ronron.

"But that's not enough. You're not one of us. " bulong ni Jamaica at tumalikod na.

Naiwan si Ronron na tulala at di nakapagsalita.

..

Tulad ng sinabi ni Aaron, nanduon na rin si Irish sa kubo.

Napangiti ito ng makita si Ronron.

Agad na lumapit ang dalaga at sinalubong ng yakap ang binata.

"Hey Ron ! Namiss kita. I never thought na pupunta ka. " wika nya.

Umismid si Jamaica.

"Me too. I never thought. " bulong nya.

Napailing si Aaron at tinapik ang balikat ni Earl.

"Oy, magsiga ka na. " utos nya.

"Ako na naman ? " tanong ni Earl.

Natawa si Aaron.

"As is na di mo alam. Ikaw lang sa atin ang may kakayahang gumawa ng apoy from kahoy no. " sambit nya.

Napasimangot si Earl.

"I'm doomed with my talent. " sabi nya.

"At least you have talent. " biro ni Aaron.

Natawa si Earl.

"Okay okay, handa na ba yung mga kakainin ? " tanong nya.

"Of course, yun naman ang talent ko right ? " pagyayabang ni Aaron.

Napangiti si Earl.

"Yeah. And Angel love your cooking. " bulong nya.

Natigilan si Aaron.

"Earl. " sabi nya.

Umiling si Earl at tumawa.

"Oops, my bad. Teka, nasan na ba yung musician natin ? " tanong nya.

Ngumiti si Irish.

"Wala akong dalang gitara. " sabi nya.

Napaungol ang dalawang binata.

"Memory gap. " sabi ni Earl.

Napatingin si Ronron kay Jamaica.

Nag iwas ito ng tingin.

Napailing na lang ang binata at binalingan si Irish.

"Magaling ka bang kumanta ? " tanong nya.

Namula ang mga pisngi ng dalaga.

Tila lalo itong gumanda sa tama ng apoy na ginawa ni Earl.

"Slight. " sabi nya.

Sumingit si Aaron.

"Asuss. Gusto nya pa atang sabihin namin na twice na syang nanalo sa singing contest. " wika nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron.

"Really ? Wow. " manghang sabi nya.

Napangiti ng kimi si Irish ngunit di sya nagsalita.

"Oy Irish, kanta na. " sabi ni Earl.

Tumango si Aaron.

"Oo nga. " pag sang ayon nya.

"Okay okay. Anong song ? " tanong ni Irish.

"Since na first time ni Ronron na marinig ang sintunado mong boses, let him choose a song. " biro ni Earl.

Nagtawanan ang lahat maliban kay Jamaica.

Binalingan ni Irish si Ronron.

"Sige Ron, anong request mo ? Wag yung mahirap ha ? Saka mababa lang. " sabi nya.

Natawa si Earl.

"Nag parequest ka pa. Sabihin mo na lang din yung title ng song para di na sya mahirapang mag isip. " biro nya.

"Shut up Earl. " natatawang wika ni Irish.

Napangiti si Ronron.

Napaisip sya ng kanta hanggang sa may sumagi sa kanyang isip.

Ito ang kanyang minsang kinanta ni Angel sa phone.

Ngunit di nya maalala ang title.

"I don't know the title. Pero gandang gana ako sa kantang ito. " wika nya.

Napangiti si Irish.

"Come on, try mong kantahin kahit a few lines lang. Malay mo, alam ko or alam ng isa sa amin. " sabi nya.

Napangiti si Ronron at pinikit ang mga mata.

Pilit inalala ang mga salitang binanggit ng kasintahan.

"When you're down and troubled, and you need a helping hand, and nothing, whoa nothing is going right. Yun ata yung start. " sabi nya sabay dilat ng mga mata.

Pero natigilan si Ronron ng makitang tila natuklaw ng ahas ang apat.

Nagkatinginan sina Aaron at Earl.

Maging sina Jamaica at Irish.

Nagtaka si Ronron.

"B-bakit ? M-mahirap ba yung song ? " tanong nya.

Umiling si Earl.

"You've got a friend ang title nyan. " bulong nya.

Napapitik si Ronron.

"Oo nga ! Tama you've got a friend nga. Galing mo Earl. " sabi nya.

Ngumiti lang si Earl pero di nagsalita.

Napatingin si Ronron kay Irish.

"Kaya mo ? " tanong nya.

Napalunok si Irish at tumango ng marahan.

Nagsimula syang kumanta.

Napangiti si Ronron.

"Wow, you have a wonderful voice nga. " puri nya.

Ngunit di ngumiti si Irish.

Nagulat si Ronron ng sumabay si Jamaica.

"You just call out my name, and you know wherever I am " sabi nya.

Magsasalita sana si Ronron ngunit sumunod na kumanta si Earl.

"If the sky above you should turn dark and full of clouds " wika nya.

Matapos nito ay si Aaron naman ang sumunod.

Walang masabi si Ronron.

Palipat lipat na lang ang tingin nya sa apat.

Maging ang mga ito ay tila di alam ang ginagawa.

Hanggang sa dumating na sa dulo ang kanta.

Sabay sabay na nagsalita ang apat.

"You've got a friend. " sabi ng mga ito.

Napayuko sina Earl at Aaron habang naiiyak na nagyakap sina Jamaica at Irish.

Gulong gulo si Ronron.

Pakiramdam nya ay nakagawa sya ng di maganda sa magkakaibigan.

Hanggang sa malungkot na napangiti si Aaron at tinapik ang kanyang balikat.

"S-sorry pare. " bulong nito.

"A-ako nga ata ang dapat mag sorry. Mukhang nakagawa ako ng di maganda eh. " nahihiyang sabi ni Ronron.

Umiling si Aaron.

"No. It's not you. It's about the song. Yan kasi ang theme song namin. Angel chose that. Mula ng mawala sya, bihira na naming kantahin yan. Pero nung kasama pa namin sya, lagi namin yang kinakanta. " imporma nya.

Natigilan si Ronron.

"G-ganun ba ? S-sorry ha ? " sabi nya.

Ngumiti si Aaron at tumango.

"It's okay. I think luto na yung steak. Tara kain na tayo. " aya nya at tumayo.

Tahimik na gumalaw ang lahat.

Nahihiyang napatingin na lamang si Ronron sa magkakaibigan.

Pakiramdam nya ay nakagawa sya ng kasalanan.

Di nya natiis ang sarili.

"A-ahm. San pwedeng umihi ? " tanong nya.

Tinuro ni Earl ang Cr.

"There. " turo nya.

Naglakad si Ronron patungo sa tinuro ng binata.

Di naman talaga sya naiihi, nais nya lamang takasan ang akward situation na hinatid nya sa mga ito.

Nagpalipas na lamang sya ng sandali bago nagpasyang bumalik sa kubo.

Paglakad nya ay muli syang napatingin sa dagat.

Wala sa sariling naglakad lakad sya patungo sa batuhan.

Napakatahimik.

Tila malayo ka sa problema.

Huminga ng malalim si Ronron at nagpasyang pagmasdan ang kagandahan ng tanawin.

Hanggang sa may magsalita sa kanyang likuran.

"Nice one there. " sabi ng boses.

Napalingon si Ronron.

Nakita nya si Jamaica di kalayuan.

"S-sorry. " wika nya.

Nagkibit balikat si Jamaica.

"It's okay. Sabi nga ni Aaron. Di mo naman siguro alam na yun ang theme song ng grupo. " sabi nya.

Tumango si Ronron.

"Yeah. Kung alam ko lang, di ko na sana yon ipaparequest. " mahinang sabi nya.

Natahimik si Jamaica at tumingin sa binata.

"Anong ginagawa mo dito ? Ang layo ng Cr ah. " tanong nya.

Ngumiti si Ronron.

"Wala lang. Para kasing nanghihigop itong lugar na ito. Di ko mapigilan ang sarili kong magpunta dito. " sagot nya.

Natahimik si Jamaica.

"I didn't think it's coincidence. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Come again ? " tanong nya.

Ngunit di nagsalita si Jamaica.

Tumingin ito sa lugar na kinatatayuan ng binata.

"Siguro nga lahat ng bagay ay may purpose. " sabi nya.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong ni Ronron.

"The place that you are standing right now. Turn around. " sabi ng dalaga.

Tumalikod si Ronron at tiningnan ang sinasabi nito.

Nakita nya ang ilang batong tila inayos at pinagpatong patong.

"Why? " tanong nya.

Matagal bago sumagot si Jamaica.

Ng magsalita ito ay nangingilid na ang mga luha sa mata.

"Yan ang mismong lugar kung saan nakita namin ang katawan ni Angel. Wala ng buhay. " sagot nya.

ITUTULOY !!!