Chapter 21 - Newfound Friend

"Yan ang mismong lugar kung saan nakita namin ang katawan ni Angel. Wala ng buhay. " wika ni Jamaica.

Natulala si Ronron sa narinig.

Mabilis syang napalingon sa dalaga para kumpirmahin ang sinabi nito.

"W-what ? " tanong nya.

Tumingala si Jamaica.

Sinubukan nyang pigilan ang mga luhang nakaamba ngunit tila may may nakatakas na isa.

Naglandas ito pababa sa makinis na pisngi ng dalaga.

"Y-yes. " sagot nya.

Napalunok si Ronron.

Parang namanhid ang kanyang pandama.

Unti unting bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Mabilis nyang binaling ang tingin sa ibang direksyon.

Tinitigan nya ang dagat.

Kadiliman.

Walang katapusang dilim.

Ni mga bituin ay tila nakidalamhati ng gabing iyon dahil wala ni isa mang lumitaw para magbigay aliw.

..

Napasigok si Jamaica dahil sa pagpipigil nyang umiyak.

Ngunit bigo ang dalaga.

Tuluyan ng dumaloy ang luha sa kanyang mga pisngi.

Niyakap nya ang sarili sa kawalan ng makakapitan ng mga oras na iyon.

"I m-missed her. " bulong nya.

Mapait na ngumiti si Ronron.

Di sya nagsalita.

Ngunit batid nyang sa kanyang puso ay parehas lamang sila ng dalaga ng nararamdaman.

Muling nagsalita si Jamaica.

"F-follow me. " mahinang sabi nya.

Nagtaka si Ronron.

Magtatanong sana sya ngunit naglakad na ang dalaga palayo.

Dali dali syang umagapay dito.

..

Mabato ang daang tinahak nilang dalawa.

Maraming matataas na talahib ang nakaharang na kailangan pang hawiin.

Maya maya ay biglang huminto si Jamaica.

Nagtaka si Ronron at napatingin sa dalaga.

"B-bakit ka huminto ? " tanong nya.

Malungkot na ngumiti si Jamaica.

"H-here we are. " sagot nya.

Napatingin si Ronron sa tinitingnan ng dalaga at bigla syang natigilan.

"S-shit. " bulalas nya.

"Still the same as if it was only yesterday. " bulong ni Jamaica.

Naglakad ang dalaga pasulong.

Naiwan si Ronron na tulala.

Nilibot ni Jamaica ang paligid.

Hanggang sa mapansin nyang wala na ang binata sa kanyang tabi.

Paglingon nya ay di nya maiwasang magtaka ng makita itong tila natuklaw ng ahas.

"Come here. " aya nya.

Dahan dahang napatingin si Ronron sa binata.

Bakas ang pinaghalong gulat at pagkamangha sa mukha.

Tuluyan ng humarap si Jamaica.

"Why ? Takot ka sa heights ? " tanong nya.

Umiling si Ronron.

"H-hindi. " sagot nya.

"Then come here. " aya ni Jamaica.

Napalunok si Ronron at dahan dahang humakbang palapit sa dalaga.

Tinabihan nya ito.

Ngumiti ng malungkot si Jamaica.

Naglabas sya ng panyo at nilapag sa lupa.

Walang arte naupo.

Tiningala nya ang binata at tinapik ang bakanteng espasyo sa kanyang tabi.

"Sit here. " aya nya.

Wala sa loob na naupo si Ronron.

Eksaktong pag-upo nya ay umuhip ang malamig na hangin kung saan.

Di maiwasang mangilabot ng binata.

Pakiramdam nya ay may di nakikitang bagay na yumakap sa kanyang katawan.

..

Natawa ng mahina si Jamaica.

"Bakit parang natatakot ka ? " tanong nya.

Umiling si Ronron.

"H-hindi no. " sagot nya.

"Nilalamig ka ba ? " tanong ni Jamaica.

"H-hindi naman gaano. Ikaw ? " balik tanong ng binata.

Napangiti si Jamaica.

"Uhm, medyo. " pag amin nya.

Mabilis na hinubad ni Ronron ang suot na sweater at binalabal sa katawan ng katabi.

"Bakit kasi naka T-Shirt ka lang ? " tanong nya.

Bumungisngis si Jamaica.

"You sound like her. Lagi nya akong pinagagalitan kapag nagpupunta kami dito. " sambit nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Her ? Nino ? " tanong nya.

"Si Angel. " wika ni Jamaica.

Natahimik si Ronron.

Maging si Jamaica ay natahimik.

Pinagmasdan nila ang madilim na karagatan at dinama ang malamig na dampi ng hangin.

..

Ilang saglit lang, narinig nila pareho ang kantahan.

Nilingon ng dalawa ang pinanggalingan at namangha si Ronron ng makitang halos nasa ibaba nya ang tatlo.

"Wow. " bulalas nya.

Ngumiti si Jamaica.

"Nice place no ? " tanong nya.

Tumango si Ronron.

"Yeah. Kita mo halos lahat. Pati yung mga kotse oh. " turo nya.

"Hulaan mo kung sinong nakadiskubre nito. " tanong ni Jamaica.

Ngumiti si Ronron.

"Si Angel. " sagot nya.

Natawa si Jamaica.

"Right. Bata pa lang kami, alam na namin ang lugar na to. Actually, private property ito. " sabi nya.

"Yeah. Nakwento na sakin nina Earl. " sambit ni Ronron.

Tumango si Jamaica.

"Yup. We tried to buy it to a certain Diwata. Pero namuti nakagraduate na kami't lahat sa highschool pero no show pa rin sya. Kaya ayun, naglakas loob na lang kaming angkinin itong lugar. " sabi nya.

"Well, it looks like you manage to take care of this area. Mukhang walang nagbabalak pumasok eh. " puna ni Ronron.

"Twice a month may nagpupuntang care taker dito to clean up. Hati hati kami sa bayad. " wika ni Jamaica.

"Nice. Taking care of some place you didn't own. " sabi ni Ronron.

Ngumiti si Jamaica.

"Well, this is just some place. It's our second home sabi nga ni Irish. Dito kami nagtatago if we did something bad or something bad happens. Or sometimes, we feel pressure over study. Kahit ano. Basta trip naming mag unwind at maging malaya, dito kami nagpupunta. " wika nya.

"You really cared about this place. " mahinang sabi ni Ronron.

Tumango si Jamaica.

"Yeah. A lot. Lalo na si Angel. In fact, look at those flowers. " turo nya sa isang sulok.

Napatingin si Ronron.

Nakita nyang may mga nakahilerang bulaklak sa gilid ng bangin.

"Why ? What about that ? " tanong nya.

"That's Angel's. " sagot ni Jamaica.

Bahagya na lamang nagulat si Ronron.

"Nice. " bulong nya.

"Yeah. Actually, this spot, ito talaga ang favorite ni Angel. Sabi nya, mabilis daw makarelax ang side na ito ng Nirvana. Well, di ko naman sya masisisi, it is indeed the nicest part of this place. Very refreshing talaga dito lalo na sa umaga. " kwento ni Jamaica.

Napangiti si Ronron.

"May sasabihin ako sayo. " wika nya.

Napatingin si Jamaica.

"Ano yon ? " tanong nya.

Tinitigan ni Ronron ang dalaga bago nagsalita.

"I've seen this place. " sagot nya.

Nagsalubong ang kilay ni Jamaica.

"Ows ? " tanong nya.

Marahang tumango ang binata.

"Yes. " sagot nya.

"When ? How ? " tanong ni Jamaica.

"In my dreams. " sagot ni Ronron.

Natigilan si Jamaica.

"Y-you're kidding me. " sambit nya.

Umiling si Ronron.

"Nope. In fact, ganitong ganito ang nasa panaginip ko. B-but . " putol nya.

"But what ? " tanong ni Jamaica.

Huminga ng malalim si Ronron at tumingin sa dagat.

Parang flashback na naalala nyang muli ang panaginip nya ng gabing iyon.

"Angel was there. " wika nya.

"Really ? Great ! " sambit ni Jamaica.

Ngumiti ng malungkot si Ronron.

"N-not that great. " wika nya.

"Why ? " tanong ni Jamaica.

"S-she's, uhm. I-i've seen her, uhm. " putol putol na sagot ng binata.

Hinarap ni Jamaica si Ronron.

"You've seen her what ? " tanong nya.

Napatiim bagang si Ronron at muling huminga ng malalim.

Pilit nyang pinayapa ang nagririgodon na damdamin bago nagsalita.

"I-i've seen here body. R-rotting. Body is not the word I guess. It's, it's her corpse. " mahinang sagot nya.

Napanganga si Jamaica.

"T-that's not a dream. " wika nya.

Tumango si Ronron.

"Y-yeah. It's a nightmare. At first, nakita ko ang napakagandang mukha ni Angel. Then sunddenly, as sun slowly showing himself, s-she, s-she, she began to change. U-unti unting naagnas ang mukha nya. Dahan dahan. Nagsimula sa noo, sa pisngi, hanggang sa mawala na ang magandang mukha ng mahal ko. " mahinang kwento nya.

Unti unting tumulo ang luha sa mga mata ni Ronron.

Parang nakikita nya pa ang itsura ni Angel sa paligid.

Wala sa sariling niyakap nya ang sarili.

Hindi dahil sa lamig ng kinalalagyan kundi sa tindi ng takot na mabilis na bumabalot sa kanyang pagkatao.

..

Nakaramdam ng awa si Jamaica sa binata.

Kita nya sa mukha nito ang takot sa nasaksihan.

Akala nya ay nagbibiro lamang si Ronron sa kwento nito, ngunit sa nakikita nyang reaksyon ng katawan at mukha ng binata, masasabi nyang nagsasabi ito ng pawang katotohanan.

Umangat ang kamay ni Jamaica.

Hinawakan nya ang braso ng binata pero bigla itong napaigtad.

"R-ron. " tawag nya.

"A-angel ? " tanong ni Ronron.

Ngumiti si Jamaica.

Akala nya ay wala ng titindi pa sa pighating kanyang nararanasan.

Pero sa nakikita nyang paghihirap ni Ronron, mukhang ito ang mas kailangan ng kalinga sa mga oras na iyon.

Kalingang handa syang ibigay alang alang sa matalik na kaibigan.

..

Hinaplos ni Jamaica ang pisngi ng binata.

Marahang syang umiling.

"No. It's me Jam. " bulong nya.

"J-jam ?, J-jamaica ? " tanong ni Ronron.

Ngumiti si Jamaica at marahang tumango.

"Yes. " bulong nya.

Hinatak nya ang binata at kinulong sa mga bisig.

Di na sya nagulat ng maramdaman ang pangangatog ng katawan nito.

"Sshhh, it's okay now. " wika nya.

"I m-missed Angel. " bulong ni Ronron.

"I missed her too. We both missed her. " ganting bulong ng dalaga.

Mahigpit na niyakap ni Jamaica ang binata.

Pilit nyang pinaramdaman dito na hindi ito nag iisa.

..

Maya maya ay unti unti ng nakalma si Ronron.

Napansin nya ang kinalalagyan kaya dahan dahan syang kumalas.

Saglit pa silang nagkatitigan ng dalaga bago biglang nagbawi ng tingin.

"T-thank you. " bulong ng binata.

Nag iinit ang mga pisnging ngumiti si Jamaica.

"It's n-nothing. " sagot nya.

Ngumiti din si Ronron.

"Gusto kong magpasalamat sayo. " sabi nya.

"Sabing wala yun eh. " wika ni Jamaica.

Umiling si Ronron.

"No. Di lang yung kanina, kundi sa mga kasayahang binigay mo kay Angel nuong nabubuhay pa sya. " sabi nya.

Natigilan si Jamaica at napatingin sa binata.

"H-ha ? " tanong nya.

"Yung mga happy moments na kasama ka nya. Alam ko, di sya tututol dito sa sinasabi ko. Nagpapasalamat sya at meron syang bestfriend na gaya mo. " sagot ni Ronron.

Muling nag init ang mga pisngi ni Jamaica.

Mabilis syang nag bawi ng tingin at pinilit ang sariling tumawa.

"W-wag mo nga akong bolahin." sabi nya.

Natawa si Ronron.

"Di ako nambobola. Nakakainggit ka. Kasi kahit papaano, nagkaroon kayo ng time na magsaya. Samantalang ako, though phone lang. " wika nya.

"At least nagkausap pa kayo. " sambit ni Jamaica.

Tumango si Ronron.

"Yeah. At least nagkausap pa nga kami. Kahit na sa mga oras na iyon, multo na pala sya. " biro nya.

Napangiti si Jamaica.

"Yan naman ang kinainggitan ko sayo. Siguro kung malalaman ito ng iba, marahil ay maiinggit din sila. " sabi nya.

"Anong nakakainggit sakin ? " tanong ni Ronron.

"Yan, yang pagpaparamdam ni Angel sayo. Alam mo nagtatampo ako sa babaeng yon eh. Almost a year na akong humihingi ng chance na magparamdam sya sa akin. I mean, kahit man lang sa panaginip. Pero wala eh. " biro ni Jamaica.

Natawa ng mahina si Ronron.

"Believe me, you wouldn't want to experience that. Halos maihi na ako sa takot no. " kwento nya.

Natawa din si Jamaica.

"Yeah, kita ko nga. Nanginginig ka eh. " biro nya.

"Haha. Nakakahiya. " sabi ni Ronron.

"Oy walang nakakahiya don no. Kahit ako siguro ang magkaroon ng ganuong experience, manginginig din ako. Pero just the same, I want to see Angel again. At least kahit ikwento nya man lang or ipakita kung anong nangyari bago namin sya nakita sa ibaba nitong bangin. " sambit ni Jamaica.

Natigilan si Ronron.

Wala sa loob na niyuko nya ang ibaba.

Rinig nya ang paghampas ng dagat sa batuhan.

"Y-yeah. Ano kayang nangyari. " sabi nya.

Natahimik si Jamaica.

Maging sya ay tila nahulog sa malalim na pag iisip.

"I really don't believe Angel would take her own life. " wika nya.

"Maski ako. Wala sa karakas nya ang mag suicide. I mean, kahit sa phone ko lang sya nakilala, alam kong di nya gagawin yon. She's so cheerful sa mga conversations namin. Puno ng buhay at sigla. Ni hindi ko akalain na w-wala na pala sya. " sambit ni Ronron.

..

Napangiti ng malungkot si Jamaica.

Sinulyapan nya ang mga kaibigang nagkakantahan sa gilid ng kubo.

Bagama't nasa mukha ng mga ito ang ngiti, batid nyang tulad nya, namimighati din ang mga ito sa pagkawala ng isang matalik na kaibigan.

Huminga ng malalim si Jamaica.

Nagulat sya ng humarang kamay ni Ronron sa kanyang line of vision.

Automatikong napaatras sya bilang instinct.

"Relax. " nakangiting wika ng binata.

Hinaplos nya ang pisngi ng dalaga.

Nagulat si Jamaica ng maramdamang basa ang kamay ni Ronron.

Pero nagkamali sya, dahil pisngi pala nya ang basa.

Basa ng luha.

"S-sorry. " wika ng dalaga.

Tarantang pinahid nya ang mga luha.

"Bakit ka nagsosorry ? " tanong ni Ronron.

"K-kasi umiyak ako. " sagot ni Jamaica.

"At ano naman ang mali sa pag iyak ? " tanong ulit ng binata.

Natahimik si Jamaica.

Tumitig sya sa karagatan at huminga ng malalim.

"Ron. " tawag nya.

"Yeah ? " tanong ng binata.

"Sorry. " wika ni Jamaica.

"Sorry na naman ? Para saan naman yan ? " tanong ni Ronron.

Tumingin si Jamaica sa mga mata ng binata.

"Kung medyo harsh ako sayo kanina. " wika nya.

Ngumiti si Ronron.

"Ah yun ba ? Wala yon. Syempre naiintindihan kita. Private para sa iyo ang gabing ito at ayaw mong may estrangherong makiepal. " biro nya.

"Pero tama ka, di ka na iba. Boyfriend ka ni Angel. Dapat lang kasama ka namin. " sabi ni Jamaica.

Muling napangiti si Ronron.

"Wala yon. " sambit nya.

Nilahad ni Jamaica ang kamay.

"Friends ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron at napatitig sa kamay ng dalaga.

Unti unti syang napangiti ng maluwang at inabot ito.

"Friends. " sagot nya.

Napangiti din si Jamaica.

Pakiramdam nya ay nakahinga sya ng maluwag.

Masaya sya dahil nadagdagan na naman ang kanyang kaibigan.

Bagama't bago pa lamang nyang kakikilala sa binata, batid nya mula sa kaibuturan ng kanyang puso na malinis ang intensyon nito.

..

Natahimik silang pareho.

Hanggang sa biglang may maalala si Ronron.

Nilingon nya ang dalaga.

"Jam, there is something I want to tell you. " wika nya.

Nakangiting lumingon si Jamaica.

"What is it ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron.

Tila nuon lang nya natitigan ang dalaga.

Maliit na ilong, magagandang mata at makipot na labi.

Maganda si Jamaica.

Walang duda.

Mabilis syang napailing.

"Focus. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Jamaica.

"Huh ? " tanong nya.

Pinilit ni Ronron ang matawa.

"W-wala. " sagot nya.

Ngumiti si Jamaica at muling tumingin sa dagat.

"Okay. " wika nya.

Asar na nagbaling ng tingin si Ronron at palihim na pinagalitan ang sarili.

"Ano ka ba ! Nakakahiya ka ! Bestfriend yan ng girlfriend mo ! Focus ! " bulong nya sa sarili.

Muling napatingin si Jamaica.

"Ron, nababaliw ka na ba ? " tanong nya.

Natawa si Ronron at mabilis na umiling.

"Wag mo kong pansinin, nahahawa na ata ako sa friend ko. " sagot nya.

"Friend ? Yung kasama mo kaninang umalis ? " tanong ni Jamaica.

"Nakita mo kami ? " tanong ni Ronron.

Tumango si Jamaica.

"Yeah. Papunta kasi ako sa CR non then nakita kitang kausap sina Tito Angelo. Tapos may lumapit na guy sa inyo. " sabi nya.

"Ahh, yeah friend ko yon. Si Romeo. " wika ni Ronron.

"Sya yung sinasabi mong friend mo na kasama mong nagpunta dito ? " tanong ni Jamaica.

Tumango si Ronron.

"Yup. Pogi no ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Jamaica.

"Yeah. " wika nya.

"Yeah lang ? " tanong ni Ronron.

"Why ? Ano pa ba dapat ang sabihin ko ? " tanong ni Jamaica.

"Di ka man lang nagwapuhan sa kanya ? " tanong ni Ronron.

"Pogi nga sya. " sagot ni Jamaica.

"And ? That's it ? Wala ng iba ? " tanong ni Ronron.

Kumunot ang noo ni Jamaica.

"Meron pa ba ? Uhm, matangkad. Ano pa ? " tanong din nya.

Nagkibit balikat si Ronron.

"Wala lang. Kadalasan kasi, nawawala na sa sarili kapag nakikita yung ungas na yon. " sagot nya.

Natawa si Jamaica.

"Ahh, halata naman eh. Gwapo nga sya, in fact, mas gwapo pa sya kay Aaron, pero that's it. " sambit nya.

"What can I say ? Mukhang immune ka sa charms ng unggoy na yon. " biro ni Ronron.

Natawang muli si Jamaica.

"Di mo pa nga ako ganun kakilala. Di ako madaling mabulag sa pisikal na anyo. Ugali ang tinitingnan ko sa guy. " sambit nya.

Napangiti si Ronron.

"Okay. " wika nya.

Napatingin si Jamaica sa binata.

"Ano bang sasabihin mo sana ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron ng maalala ang nais sabihin.

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nais sana nyang isikreto ang natuklasan ni Romeo ngunit karapatan ni Jamaica na malaman ang katotohanan.

"Actually, I don't know kung alam mo na to. Pero sasabihin ko pa rin ang natuklasan ni Romeo. " sambit nya.

Tila nacurious si Jamaica sa narinig.

"Ano yon ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Ronron bago nagsalita.

"Sa tingin ko, sa lahat, tayo lamang tatlo ang naniniwalang di nagpakamatay si Angel right ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Jamaica.

"I don't know. I guess. " sambit nya.

"Well, may natuklasan kaming di namin akalaing matutuklasan namin. " wika ni Ronron.

"Ano yon ? Please wag mo kong bitinin. " sabi ni Jamaica.

Tumango si Ronron.

"Si Angel, buntis sya. " wika nya.

Natigilan si Jamaica.

Unti unting nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pagbuka ng bibig.

"H-hindi. " bulong nya.

"Yes. Nagpunta si Romeo sa presinto para tingnan ang autopsy record ni Angel. And that's what he found. " sambit ni Ronron.

Mabilis na dumaloy ang mga luha sa mata ni Jamaica.

"K-kung ganun, hindi ako nananaginip lang ng panahong yon. " bulong nya.

Akmang magsasalita pa si Ronron pero bigla syang natigilan ng marinig ang sinabi nito.

"H-ha ? Ano yon ? " tanong nya.

Luhaang napatingin si Jamaica sa binata.

"Angel was raped ! " giit nya.

"A-alam ko. Yun ang lumabas sa autopsy. Pero di sinabi sa amin ni Tito Angelo. " sambit ni Ronron.

Nagkandailing si Jamaica.

"Oh God. Why ? " naiiyak na tanong nya.

Mabilis na niyakap ni Ronron ang dalaga.

"Sshhh, you have to be strong. For Angel. " bulong nya.

Humagulgol si Jamaica sa balikat ng binata.

Masakit na masakit sa kanyang ang nalaman.

Nilapastangan ang kanyang kaibigan.

At wala syang nagawa para ipagtanggol lamang ito.

..

Ilang minuto ang lumipas.

Unti unting huminto si Jamaica sa pag iyak.

Hinagod ni Ronron ang likod nito bilang pagdamay.

"Jam. " tawag nya.

Luhaang tumingala ang dalaga.

Marahang pinahid ni Ronron ang mga luha nito gamit ang mga daliri.

"You have to be strong. " bulong nya.

Impit na nagsalita ang dalaga.

"W-wala man lang akong nagawa. " wika nya.

Ngumiti ng malungkot si Ronron.

"Dahil wala kang alam. Kung alam mo ang kalagayan nya, malamang na ginulpi mo na kung sino mang demonyo ang gumawa nuon sa kanya. " sambit nya.

Muling napaiyak si Jamaica.

"She's so helpless. " bulong nya.

"Sshh. That's why we have to strong for her. Kailangan nating hanapin kung sino ang may sala at papanagutin. " bulong din ni Ronron.

Unti unting natigila sa pag iyak si Jamaica.

Napangiti ng marahan si Ronron.

"That's it. Good. Now, I want you to promise me this. Wala kang pagsasabihan ng nalalaman natin ha ? " utos nya.

"B-but they have to know it. " bulong ni Jamaica.

Umiling si Ronron.

"We have to be very careful sa mga pagsasabihan. Nagtitiwala lang ako sayo kaya ko sinabi yon. Now, kailangan mong ilihim ito hangga't di nabibisto kung sino ang salarin. Got it ? " tanong nya.

Alumpihit na napatango si Jamaica.

Muli silang nagyakap para bigyang lakas ang isa't isa.

Pero biglang may nagsalita.

"Whoa ! what's this ? " tanong ng boses.

Gulat na napatingin ang dalawa at tarantang nagkalas.

ITUTULOY !!!