Chapter 22 - Joker's Saddest Joke

"Whoa ! what's this ? " tanong ng boses.

Gulat na napatingin ang dalawa at tarantang nagkalas.

Si Earl.

Sabay silang tumalikod sa isa't isa.

Natawa ang binata.

"Oh, bakit hininto nyo ? Ang cute nyo kaya. " tukso nya.

Automatikong namula ang mga pisngi ni Jamaica.

"A-anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.

Ngumiti si Earl.

"Kakain na. Luto na yung steak. " sabi nya.

Nahihiyang tiningnan ni Jamaica si Ronron bago tumango at naglakad.

Nakayuko nyang nilampasan si Earl.

Hinatid lang ng tingin ni Ronron ang dalaga at pagkuwa'y binalingan ang bagong dating.

"Bad timing. " biro nya.

Natawa si Earl.

"Hmm, smells fishy bro. " sabi nya.

Napangiti si Ronron at umiling.

"No, no, no. Mali ka ng iniisip. " wika nya.

"Ano bang iniisip ko ? " tanong ni Earl.

Napangiti lang si Ronron.

"Ewan ko sayo. " sambit nya.

"Pero if ever, wala namang masama kung maging kayo ni Jam. I mean, taken ka na ba ? " tanong ni Earl.

Natigilan si Ronron at napayuko ng maalala ang kasintahan.

Mabilis na gumapang ang guilt sa kanyang sistema.

Itatwa man nya kay Earl, di naman nya maipagkakaila sa sarili na umabot sa puntong nakapag isip sya ng romantic thoughts patungkol kay Jamaica.

Di tuloy nya alam kung maiinis ba sya sa binata o magpapasalamat.

..

Napahinga ng malalim si Ronron at pinilit ang sariling ngumiti.

"O-oo. Taken na ako." pag amin nya.

Tila nalungkot naman si Earl.

"Aww, sayang naman. " sambit nya.

Ngumiti si Ronron at naglakad palapit sa binata.

"Tara na. Nagugutom na ako. " wika nya.

"Sige tara. " sabi ni Earl.

Bumaba sila sa burol at muling tinahak ang daang dinaanan nila ni Jamaica kanina.

Dahil pababa, naging mabilis ang pagbalik ng dalawa.

Malapit na sila ng huminto si Ronron.

Napahinto din si Earl at kunot noong nilingon ang binata.

"Why ? " tanong nya.

Seryosong tinitigan ni Ronron ang lalake.

"Uhm, favor pare. " sabi nya.

"Shoot. " wika ni Earl.

"Si Jamaica, walang namamagitan sa amin. Namiss nya lang si Angel dahil sa pwesto namin sa burol. Then naging senti sya ng kaunti kaya napaiyak. Eh alangan namang pabayaan ko lang di ba ? " sabi ni Ronron.

Nagsalubong ang kilay ni Earl.

"Sasabihin ko sa kanilang may relasyon kayo. " sabi nya.

Natigilan si Ronron sa narinig.

"A-ano kamo ? " tanong nya.

Biglang tumawa si Earl at tinapik ang balikat ng binata.

"Haha, biro lang no. Easy ka nga lang. " sabi nya.

Napahinga ng maluwang si Ronron.

"Phew, kala ko seryoso ka. " wika nya.

Ngumiti si Earl.

"Wala ka namang dapat ipaliwanag pare. Naiintindihan kita. Kung ako ang nasa posisyon mo, ganun din ang gagawin ko. Kaya chill lang. " sabi nya.

Ngumiti na din si Ronron.

"S-salamat naman kung ganon. " wika nya.

"No problem. Sa burol pala kayo nagpunta kaya antagal nyo. Kala ko nakatulog ka na sa banyo eh. " biro ni Earl.

Natawa si Ronron.

"Sinundan ako ni Jam eh. " sabi nya.

Natigilan si Earl.

"Ha ? Sinundan ? You mean, pinasok ka nya sa banyo ? Medyo wild pala si Jam ah. " wika nya.

Nagkandailing si Ronron.

"Tangek hindi ! Nasa labas na ako non. Tumitingin tingin lang ako sa palilid. Eh parang ganun din ang ginagawa nya, nagkasalubong lang kami. " paliwanag nya.

Muling natawa si Earl.

"Relax lang hoy. Di ka na mabiro. " wika nya.

Natigilan si Ronron at muling napailing.

"Siraulo ka pare. Syempre ayaw kong may masabing iba si Jamaica sa akin. Baka sabihin nya kung anu ano ang kinwento ko sayo. " sambit nya.

"Di no. Di naman ako tsismoso. Pero kung pipilitin nya ako, uhmm. " biro ni Earl.

Napangiti si Ronron.

"Bahala ka na nga dyan, nagugutom na ako. " sabi nya.

Tarantang napasunod si Earl.

"Hey ! Wait lang ! " wika nya.

..

Natapos ang masaganang hapunan.

Ang mga lalake ang nakatokang magligpit habang ang mga babae ay nagsipasok sa kubo.

Maya maya ay nagsalita si Aaron.

"Mga tol, wala na bang kahoy ? Baka mamatay itong apoy natin. " puna nya.

Napatingin si Ronron at Earl sa siga.

Tama ang binata, malapit na ngang maubos ang gatong.

"Mga anong oras ba tayo dito ? " tanong ni Ronron.

"Alas sais. " sagot ni Earl.

Natigilan si Ronron at pilit na tumawa.

"Haha, patawa ka talaga. Di nga, anong oras tayo dito ? " tanong nya.

Pero di tumawa si Earl.

Bagkus ay nginuso nya si Aaron.

Tumango lang ang binata.

"Tama si Earl, hanggang mamaya pa tayo dito pare. " sabi nya.

Napanganga si Ronron at tumingin sa relos.

Mag aalas onse pa lamang ng gabi.

"S-sure kayo ? " tanong nya.

Tumango ang dalawa.

"Pero bakit ? Di nyo naman sinabi na overnight tayo dito. " wika ni Ronron.

Nagkibit balikat si Aaron.

Isa isa nyang dinampot ang paper plate at nilagay sa basurahan.

"Tatapon ko lang to. " sabi nya.

Naiwan ang dalawa.

Nilapitan ni Ronron ang binata.

"Pare sana naman pinagdala mo ako ng damit. Andaya nyo naman eh. " sambit nya.

Ngumiti si Earl.

Pero halata na hindi ito umabot sa mga mata.

"May spare clothes ako dyan pare. Hiramin mo na lang muna. " wika nya.

"Eh utensils ? Toothbrush ? Briefs ? Papahiramin mo ko ? " tanong ni Ronron.

Natawa ng mahina si Earl.

"Wag ka ng mag brief para malamig. " biro nya.

Natawa din si Ronron.

"Sira, paano nga ? Mangangati ako pare. Kaninang madaling araw pa ako naligo. " sabi nya.

Nagkibit balikat si Earl.

"Tiis na lang muna tol. Kung gusto mo di na lang din ako maliligo para fair. " wika nya.

Umiling si Ronron.

"Wag na pare. Magtitiis na lang ako. " sabi nya.

"No pare. Tama yung naisip ko. Kasalanan ko kung bakit ka nandito kaya dapat din akong magsakripisyo. " wika ni Earl.

"Ano ka ba ? Gusto ko rin naman eh. Nagpapasalamat nga ako at sinama nyo ko. Sige na pare, tama na to. Maghihilamos na lang ako mamaya. Peram na lang ng towel ha ? " tanong ni Ronron.

"Sure ka ? " balik tanong ni Earl.

Nakangiting tumango si Ronron.

"Yeah. " sabi nya.

"Eh wala rin naman akong dalang brief eh. " bunyag ni Earl.

Napanganga si Ronron.

"We ?? " tanong nya.

"Yeah. Haha. Wala talaga. " wika ni Earl sabay muling tinuloy ang paglilinis.

Natawa ng mahina si Ronron.

"Kadiri tayo nito. " sabi nya.

"Sshh, may makarinig sayo. Hawak natin ang lihim ng isa't isa. Kahit saktan ka nila, wag mong sasabihin na di tayo nagpapalit ng brief. " wika ni Earl.

Bumunghalit ng tawa si Ronron.

"Hahaha, siraulo ka talaga. " sabi nya.

Ngumiti si Earl.

"Tapos ka na ba dyan pare ? " tanong nya.

Nahinto sa pagtawa si Ronron at tumango.

"Yup, baket ? " tanong nya.

Nginuso ni Earl ang siga.

"Konti na lang ang pagkain nya. Kailangan nating mangaso para mabusog ang ating amo. " biro nya.

Napangiti si Ronron.

"Sige sige. Saan tayo kukuha ng panggatong ? " tanong nya.

"Dyan lang, mga tuyong sanga. " sagot ni Earl.

"Okay. " sabi ni Ronron.

..

Ilang saglit lang ay nasa gubat na ang dalawa.

Gamit ang mga cellphone bilang flashlight, inilawan nila ang dinadaanan para tumingin ng mga tuyong sanga.

"Nakakatakot dito sheettt. " wika ni Earl.

Natawa si Ronron.

"Wag kang maingay, mamaya pagtripan ka ng mga di mo nakikita eh. " pananakot nya.

Biglang tumabi si Earl sa kanya.

"Tama na to. " sabi nya.

Natatawang napailing si Ronron.

"Apat na piraso ? Tama na yan ? " tanong nya.

"Wala na akong makita eh. " palusot ni Earl.

"Hanap ka pa. Wala pa atang dalawang minuto yang panggatong mo eh. " biro ni Ronron.

Umirap si Earl at muling dumampot.

Napailing na lang si Ronron at pinagpatuloy na ang pangunguha.

..

Ilang minuto ang lumipas, bumalik mula sa gubat ang dalawa.

Agad silang sinalubong ng nakasimangot na si Jamaica.

"Bakit ang tagal nyo ? " tanong nya.

"Aba aba, parang ang daling maghanap ng panggatong ah. " sabi ni Earl.

"Hmmp, eh kung kanina mo pa kasi ginawa yan ng maaga. " wika ni Jamaica.

Napangiti si Ronron.

"Easy lang Jam. Yung wrinkles mo. Mababawasan ang ganda mo. " biro nya.

Natigilan si Jamaica at wala sa sariling napahawak sa pisngi.

Sumipol si Earl.

"Wow, natameme ang ale. " bulong nya.

Namula ang mga pisngi ni Jamaica at inirapan ang binata.

"Bilisan nyo nga ! Yung apoy mamamatay na oh . " turo nya.

Tatawa tawang naglakad palayo si Earl.

"Dyan na muna kayo. Ako'y kalabisan na sa eksena. " tukso nya.

Pero bigla syang napakaripas ng takbo ng ambaan ng kurot ni Jamaica.

Natatawang pinigilan ni Ronron ang dalaga.

"Hey. " awat nya.

Napahinto si Jamaica.

Ngumiti si Ronron.

"Hayaan mo na sya. " sabi nya.

Lumabit ang dalaga.

"Ang kulit kasi nya eh. " sambit nya.

"Masayahin lang talaga si Earl. Parang di mo naman sya kasama ng matagal. " wika ni Ronron.

"Kahit pa, lagi na lang nya akong inaasar. " sabi ni Jamaica.

"Baka may crush sayo. " wika ni Ronron.

Lalong sumimangot si Jamaica.

"Ewan ko sayo. Bilisan mo nga dyan. " sambit nya.

Nagpauna na syang bumalik sa kubo.

Napailing na lang si Ronron sabay tawa ng mahina.

..

"Anong tagalog ng maliit na kambing ? " tanong ni Earl.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Kid ? " sagot nya.

Akmang magsasalita si Aaron ng duruin sya ni Earl.

"Wag kang epal. Tagalog nga eh. " sabi nya.

Nag isip si Ronron.

Hanggang sa bigla syang bulungan ni Jamaica sa tabi.

"Kapiranggoat. " bulong nito.

Natigilan si Ronron at tinago ang pagkabigla.

Huminga sya ng malalim at nagsalita.

"Kapiranggoat. " sabiy nya.

Naghiyawan ang mga kasama nila.

Napanganga si Earl.

"Ay, alam mo pala eh. " sabi nya.

Sumingit si Irish.

"Ano ba naman kasi yang jokes mo Earl, outdated na. Wala bang bago ? 2013 na hoy ! " pang aasar nya.

Sumakay naman si Aaron.

"Oo nga pare. Nasa computer era na tayo. Facebook na ang uso, pang friendster pa yang joke mo eh. " biro nya.

Napasimangot si Earl at muling nag isip.

Hanggang sa muli syang mapangisi.

"May limang ibon sa sanga, binaril ko ang isa. Ilan ang natira ? " tanong nya.

Natigilan ang lahat maliban kay Ronron.

"Apat. " sagot ni Jamaica.

"Eeeeehh, mali. " wika ni Earl.

Kumunot ang noo ni Irish at napaisip.

"Wala ? " tanong nya.

Napangisi si Earl.

"Bakit wala ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Irish.

"I don't know. Nasabi ko lang. " sabi nya.

"Dapat may reason kung bakit. " wika ni Earl.

Napangiti si Ronron.

Naalala nya si Romeo kaya sya ang sumagot.

"Wala. " sabi nya.

Ngumisi si Earl.

"Bakit nga wala ? Explain mo din. " wika nya.

Saglit na sinulyapan ni Ronron ang lahat bago muling nagsalita.

"Eh ikaw ba naman binaril na yung nasa tabi mo, di ka pa ba tatakbo ? " tanong nya.

Natahimik ang lahat bago bumunghalit ng tawa.

Maliban kay Earl na nakasimangot.

"Tama pare ? " tanong ni Ronron.

Napatingin ang lahat kay Earl.

Malungkot itong tumango.

Muling naghiyawan ang lahat at pinag kaisahan ang binata.

Biglang tumayo si Earl.

Natahimik ang lahat.

"Pare, wag kang mapikon. " awat ni Ronron.

Ngunit tila walang naring ang binata.

Dire diretso itong naglakad palayo.

"E-earl. " pigil ni Ronron.

Ngumiti ng malungkot si Earl.

"Okay lang ako pare. Hayaan nyo na ako. " sabi nya.

Natahimik ang lahat.

Tumayo si Irish.

"Earl, sorry na. " wika nya.

Kumaway lang si Earl at naglakad palayo.

Natahimik ang lahat.

"Nasobrahan ata. " sabi ni Aaron.

Napahinga ng malalim si Jamaica.

Nilingon ni Ronron ang tinahak ng binata.

Natigilan sya ng makitang tumigil ito di kalayuan.

Ilang saglit lang ay nanginig ito.

Muling bumalik si Earl.

Seryoso pa rin at tahimik.

Inakbayan ni Aaron ang kaibigan.

"Pare, di ka naman siguro napikon ano ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Earl.

"Napikon ? Saan ? " tanong din nya.

"Eh pinag kakaisahan ka namin. " sagot ni Ronron.

Umiling si Earl.

"Sanay na ko don no. May ginawa lang akong importante. " sabi nya.

Nagtaka ang lahat.

"Ano ? " tanong ni Irish.

Tinuro ni Earl ang pribadong parte sabay ngisi.

"Tawag ng kalikasan. " sabi nya.

Napanganga ang lahat.

"U-umihi ka ? " tanong ni Jamaica.

Tumango ang binata.

"Yeah, why ? " tanong ni Earl.

Bigla syang binatukan ni Irish.

"Siraulo ka talaga ! Akala pa naman namin nagtampo ka na. " sabi nya.

"Nagtampo ? Bakit ako magtatampo ? " tanong ni Earl.

"Eh bigla ka na lang umalis eh ! " sabi ni Jamaica.

Natawa ng malakas si Earl.

"Ah yun ba, sinadya ko talaga yon para may dramatic effect. Oh ha. " sabi nya.

Pero bigla syang napangiwi ng pingutin ng sabay nina Jamaica at Irish sa magkabilang tenga.

Wala namang nagawa sina Ronron at Aaron kundi tumawa na lamang.

..

Lumipas ang gabi na puro tawanan at biruan sa pangunguna ni Earl.

Likas na mapagbiro ang binata at sa nakikita ni Ronron, masayahin talaga ito.

Pasimple nyang pinagmasdan ang apat na kasama.

Kahit na saglit na panahon lamang nyang nakasama ang mga ito, parang di nya maatim na maaaring isa sa apast na ito ang salarin.

Huminga sya ng malalim at tila napansin ito ni Jamaica.

"Why ? " tanong nya.

Ngumiti ng malungkot si Ronron.

"Nothing. " bulong nya.

Ngumiti din si Jamaica.

"Okay. Relax ka lang. We're here to relax. " sabi nya.

"Sino kaya ang di nagrerelax ? Eh ikaw itong laging nakasimangot. " biro ni Ronron.

Napangiti si Jamaica.

"Ganito talaga ako eh. Parang lambing ko na lang sa kanila yon. Saka yung dalawang ungas lang naman ang tinatarayan ko. " sabi nya.

Natawa si Ronron at pinagmasdan ang tatlo pa.

Kasalukuyang nagkukwento si Earl ng karanasan nito sa ibang eskwelahan.

Hanggang sa bilang huminto ang binata at mapatingin sa dalawang dalaga.

"Sayang pare, kung dati ka pa sana namin kasama. " sabi nya.

Nawala ang tawa ng lahat at napalitan ng malungkot na ngiti.

Maging si Ronron ay napangiti din.

"Oo nga eh. Pero ano pa bang magagawa ko ? Nandito na eh. Kesa magreklamo, mag eenjoy na lang ako sa mga bagong kaibigan. " wika nya.

Tumango ang lahat.

"Tama si Ron, ayaw din naman ni Angel na maging malungkot tayo right ? " tanong nya.

Ngumiti si Aaron at tumingala.

"Kung nandito yon, siguradong bugbog ka na pare. " sabi nya.

Natawa ng mahina si Earl at tumango.

"Yeah, naalala ko pa nga nung muntik ng madislocate itong braso ko kakasuntok nya saken. " wika nya.

"Bakit ka naman nya sinusuntok ? " tanong ni Ronron.

Natawa si Jamaica.

"Di ka nya susuntukin kung di mo sya laging kinukulit. Inaasar mo kasing tomboy yung tao eh. " sambit nya.

"Totoo naman eh. Bakit, may nabalitaan na ba kayong naging boyfriend nya ? " tanong ni Earl.

Napailing ang lahat maliban kay Jamaica.

Pasimple syang ngumiti kay Ronron.

Ngumiti lang din ang binata.

"Di naman porke walang boyfriend, tomboy na. " sabi nya.

"Oo nga, nandun na ako. Pero may babae bang ang hilig panuorin ay UFC ? " tanong ni Earl.

Natawa ang lahat maliban kay Ronron.

"Bakit ? " tanong nya.

"Lagi kasing nanunuod ng UFC si Angel. Tapos after nyang manuod, lagi nyang hinahanap si Earl. " biro ni Aaron.

Natawa ng malakas si Ronron.

"Parang nakikinita ko na pare ang silbi mo kay Angel. " biro din nya.

Mangiyak ngiyak na tumango si Earl.

"Buti alam mo. Amasona yung babaeng yon. " daing nya.

Nagtawanan ang lahat.

Ilang minuto din silang nagpakaligaya bago napangiti si Earl.

"I missed her kahit na lagi nya akong binubugbog. " bulong nya.

Napangiti na lang ang iba.

"Yah. " wika ni Irish.

"Right. " sabi ni Jamaica.

"Sinabi mo pa pare. " bulong ni Aaron.

Ngumiti lamang si Ronron.

Tumingala si Earl at ngumiti sa langit.

"Angelita, kung nanunuod ka sa amin, wag kang magagalit ha ? Pero kailangan kong sabihin ito sa kanila. " sabi nya.

Naurious ang lahat.

"Ano yun pare ? " tanong ni Aaron.

Ngumisi si Earl.

"Nakita ko si Angel na tuloy laway ng minsang natutulog sya. " sagot nya.

Nagtawanan ng malakas ang lahat.

Maging si Ronron ay natawa din sa narinig.

"Sabi nya pare, pawis daw yon. " dugtong ni Earl.

Muling naghagalpakan sa tawa ang lahat.

Hanggang sa mapahiga na sila sa buhanginan sa kakatawa.

Napangiti na lamang sila at pinagmasdan ang langit.

"Yari ka talaga don pre. Siguradong bugbog ka don. " sabi ni Aaron.

Ngumiti ng malungkot si Earl.

"Gagawin kong lahat ng pang aasar pare, bumalik lang sya sa atin. Kahit na ang kapalit non ay malumpo ako kakasuntok nya. Okay lang. Bumalik lang sya. " bulong nya.

Natigilan ang lahat sa narinig.

Bagama't biro lamang iyon para sa binata, batid nilang may halong pait at emosyon ang sinabi nito.

Sa lahat ng biro ni Earl, ito na ang pinakamalungkot.

ITUTULOY !!!