Chapter 24 - Reminiscing

Tulad ng napagkasunduan, sa papag natulog ang dalawang dalaga habang ang mga binata ay naglatag sa sahig.

Akmang isasara na ni Jamaica ang pinto ng awatin sya ni Earl.

"Teka lang Jams, yosi muna. " sabi nya.

Napasimangot si Jamaica.

"Dun ka sa malayo. " utos nya sabay tuluyan ng pumasok sa loob.

Napakamot na lang sa batok si Earl sabay marahang umiling.

"Ang sungit mo talaga, tatanda ka agad nyan. " biro nya.

"Okay lang, at least healthy. " katwiran ni Jamaica.

Natawa si Ronron.

"Hayaan mo na sya Jam. Tara pare, sasamahan na lang kita. " aya nya.

"Di ka pa inaantok ? " tanong ni Earl.

Umiling si Ronron.

"Ganitong oras, gising pa ko. " sabi nya.

Ngumiti si Earl.

"Parehas pala tayong norturnal. " puna nya.

Nagsimula syang maglakad lakad habang sinisindihan ang sigarilyo.

Nagkibit balikat si Ronron at umagapay sa paglalakad ng binata.

Muli silang lumapit sa ginawa nilang bonfire.

Naupo si Earl paharap sa dagat.

Gumaya si Ronron, naupo sya sa tabi ng binata.

Tahimik nilang pinagmasdan ang madilim na karagatan.

Dinadama ang malamig na dampyo ng hangin sa kanilang mga pisngi.

Maya maya ay nagsalita si Earl.

"Pare. Kamusta naman ang pag aaral mo ? " tanong nya.

Saglit na nag isip si Ronron sabay tawa ng bahagya.

"Ayun, sakto lang. " wika nya.

Ngumiti si Earl at humithit ng sigarilyo.

Kinapa nito ang bulsa at hinugot ang isang kaha sabay abot sa katabi.

Mabilis na umiling si Ronron.

"Hindi ako nag sisigarilyo. " sabi nya.

Ngumiting muli si Earl at tumango.

"Clean living ka rin ? " tanong nya.

Natawa ng mahina si Ronron.

"Sakto lang din. " sagot nya.

Napailing na lang Earl at muling tumingin sa dagat.

"Buti ka pa. Minsan gusto ko na ring tumigil sa pagyoyosi. Nagawa ko na yon minsan, pero di talaga kaya. Bigla na lang akong bumagsak. " sabi nya.

"Ang alam ko kasi sa mga ganyan, hindi binibigla. Baka naman binigla mo ang paghinto ? " tanong ni Ronron.

Ngumiti si Earl at muling humithit ng sigarilyo.

"Siguro nga. May pumilit kasi sakin eh. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Sino naman ? " tanong nya.

Napangiti ng kimi si Earl at saglit na natahimik.

Ilang sandali ang lumipas bago sya muling nagsalita.

"Si Angel. " sagot nya.

Natigilan si Ronron.

"S-sinabi nya ?" tanong nya.

Tumango si Earl at muling humithit.

"Yeah. Minsan kasi nabasa ko yung diary nya ng di sinasadya. " pag amin nya.

Nacurios naman si Ronron.

"Oh ? Anong nakalagay ? " tanong nya.

Napangiti si Earl.

"Wala lang. Mga daily activities nya lang. Tapos mga simpleng wishes at reklamo ng araw na yon. " sabi nya.

Napangiti din si Ronron.

"Typical diary pala. Naku, buti di nya nalaman ? " tanong nya.

Natawa ng malakas si Earl.

"Muntik na. " sagot nya.

"Really ? Tell me what happened. " sabi ni Ronron.

Napangiti ng maluwang si Earl sabay hithit ng sigarilyo.

Tumingin sya sa karagatan bago unti unting binalikan sa isip ang nakaraan na tila kahapon lamang nangyari.

- -

( Nakaraan )

"Go Aaroonnnn !! " sigaw nina Angel, Jamaica at Irish.

Kasalukuyang naglalaro ang kanilang kaibigang si Aaron ng basketball.

Masyadong mahigpit ang laban kaya todo cheer ang tatlo para sa kanilang kaibigan.

Maya maya ay sumipol na ang referee tanda ng pagtatapos ng half time.

Imbes na sa mga kasama, mabilis na lumapit si Aaron sa mga kaibigan.

"Ang iingay nyo. " biro nya.

Natawa si Earl at binigyan ng apir ang kaibigan.

"Pare, ang higpit ng bantay mo ah. " puna nya.

Tumango si Aaron at tinapunan ng tingin ang bantay na kalaban mula sa kabilang kupunan.

Di na sya nabigla ng makitang nakatingin din ito sa kanya.

Ngunit sa halip na mailang, nilabanan ng titig ni Aaron ang kalaban.

Nagbigayan sila ng masasamang titig hanggang sa sumuko ito.

Napangisi ang tatlong dalaga.

Gigil na sinabunutan nila ang kaibigan.

"Ang galing mo parekoy ! " sabi ni Jamaica.

"Yeah ! Grabe, tatlo na yung bumbantay sayo ! " hiyaw ni Irish.

"Syempre, si Aaron ata natin yan. Panis yang mga yannn !! " sadyang nilakasan ni Angel ang boses.

Natawa sina Aaron at Earl.

"Di ako natatakot sa kalaban, sa inyong tatlo ako natatakot. Mamaya mapaaway tayo dito huy. " awat nya.

Kasalukuyan kasi silang nasa lugar ng kalabang eskwelahan.

Pero imbes na tumigil, tila lalo pang nang asar ang tatlo.

"Bakit ? Masama bang mag cheer ? " tanong ni Jamaica.

"Oo nga no, alangan namang sabihin namin na matatalo kayo. Syempre sasabihin naming winner kayo ! " masiglang sambit ni Irish.

Bumungisngis si Angel pero bigla syang natigilan ng kumulo ang tyan.

"Ay, gutom na mga alaga ko. " sabi nya.

Nagtawanan ang mga kaibigan nya.

"Ano ba yan sis, kaganda mong babae, iskandaloso yang tyan mo. " pang aasar ni Jamaica.

Umirap lang si Angel.

"Pake ba nila ? Uhm, Earl ! " tawag nya.

Napabuntong hininga si Earl.

"Oo na, oo na. Akinang pera. " sabi nya.

Ngumiti ng matamis si Angel at inabot ang bag.

"Ikaw na kumuha, oy 100 lang ha ? " bilin nya.

Ngumisi si Earl at pabirong siniko si Aaron.

"Pare, starbucks ? " aya nya.

Ngumisi din si Aaron sabay tango.

"Tara lets. Kakatanggap lang ng allowance nyang bruhang yan. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Angel at akmang babawiin ang bag ng tumawa si Earl at nilayo ito.

"Biro lang no. Teka sasamahan nyo ba ko ? Di ko kabisado itong campus nila. " sambit nya.

Sumimangot lang ang dalaga at umirap.

..

Natapos na ang laro at tagumpay na nanalo sina Aaron.

Dahil dito, nagpasya ang coach ng team na ilibre ang mga players.

Nagkasundo silang mag convoy papunta sa pinakamalapit na fast food pero tumanggi ang binata.

"Sigurado ka bang ayaw mo Aaron ? Dapat nandun ka kasi ikaw ang dahilan kung bakit tayo nanalo. " sabi ng Coach.

Ngumiti si Aaron at pasimpleng napakamot sa batok.

Nilingon nya ang mga kaibigan na matyagang naghihintay sa gate.

"May kasama kasi ako Coach. Dala ko yung cheering squad ko. " biro nya.

Napangiti ang butihing coach at tumango.

"Oh sya sige. Bibigyan na lang kita ng pera. Treat them. Malaki din ang utang na loob natin sa mga kaibigan mo. Dahil sa malakas at walang takot nilang cheers, nabuhayan ng loob ang mga bata natin. Naitatak sa isip nilang hindi lang sila ang nandito para dumayo. May mga kasama silang schoolmates na sumusuporta at umaasa sa kanilang pagkapanalo. " paliwanag nya.

Napangiti ng maluwang ang binata.

"Yeah. Makukulit talaga yang mga yan. Pero maaasahan po sila Coach. " sabi nya.

Tumango tango ang Coach at hinugot ang wallet.

Naglabas sya ng isang libong piso.

"Tama na ba to ? " tanong nya.

Tumango si Aaron.

"Naku Coach, sobra na yan. Pizza na lang kami at drinks. Alam nyo namang on diet ako. " wika nya.

Ngumiti ang Coach at tinapik ang balikat ng matangkad na binata.

"Baka masyado mo namang pinaparusahan ang sarili iho ? Mukha namang okay na yang katawan mo eh. Wag kang masyadong magpapayat at baka maitulak ka lang ng iba. " sabi nya.

Tumangong muli si Aaron.

"Opo Coach. " sagot nya at kinuha ang pera.

"Oh sya. Alis na kami at nagugutom na rin ako. See you tomorrow. " paalam ng Coach.

"Opo. Ingat sa daan Coach. " sambit ng binata.

Tumango lamang ang matanda at kumaway na rin.

..

Nagkasundo ang magkakaibigan na palipasin na ang maghapon sa paborito nilang tambayan.

Malapit ito sa dagat na talaga namang nakakarelax.

Tabi tabi silang naupo sa buhanginan.

Nasa pagitan nila ang dalawang lalaki habang ang tatlong babae ay nasa gitna.

Nilalantakan ang tatlong box ng pizza na binili ni Aaron at Earl gamit ang perang binigay ng Coach.

"Ang sarap ng ganito no ? Sana lagi tayong ganito. Sana yung mga magiging anak natin, maging friends din like us. " nangangarap na sabi ni Jamaica.

Ngumiti si Aaron at pasimpleng tiningnan si Angel.

"Wala pa nga akong syota, anak na agad. " biro nya.

Natawa si Irish at kumuha ng pizza.

"Bakit kasi di ka maghanap ng girlfriend ? Marami naman dyan eh. " parinig nya.

Umiling si Aaron.

"Busy pa ako sa basketball at school. Pero malay natin. " sabi nya sabay tingin kay Angel ng palihim.

Napansin ito ni Jamaica.

Pero di sya nagsalita.

Binalingan nya si Earl na kanina pa tahimik.

"Hoy. Ano na namang niluluto mo ? " tanong nya.

Natawa si Earl at napakamot sa batok.

"Baket na naman ? " ganting tanong nya.

Nafocus ang atensyon ng lahat sa binata.

"Oo nga, kanina ka pa tahimik ah. " sabi ni Angel.

Napangiti ang binata.

"Kapag maingay ako, nagrereklamo kayo. Ngayong tahimik ako, nagrereklamo pa rin kayo. Anyare ? Saan ba ako lulugar ? " biro nya.

Nagtawanan ang lahat ng batukan ni Angel si Earl.

"Drama mo. San mo nilagay yung bag ko ? " tanong nya.

Natigilan si Earl at nag isip.

"H-hala. Naiwan ko ata sa canteen ng school. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Angel at kinwelyuhan ang binata.

"Umayos ka Earlvyn ! Papatayin kita kapag may nakakuhang iba ng bag ko ! " singhal nya.

Natawa ang lahat.

Imbes na awatin ay aliw na pinanuod pa nila ang pagbabangayan ng dalawa.

"Sapakin mo Angel ! " sulsol ni Irish.

"Eto kutsilyo pare, tuluyan mo na. " biro ni Aaron.

Tawanan lang sila ng tawanan hanggang sa mapagod sa kakaharutan.

..

Dahil sa magkapitbahay at on the way, hinatid na ni Earl sina Angel at Jamaica.

Malapit na sila sa bahay nina Angel ng ilabas nya ang bag nito.

Pabiro nya itong nilagay sa basurahan.

"Angel, nandito pala yung bag mo eh. " biro nya.

"Dam Earl ! Madumihan yung bag ko ! " sigaw ni Angel.

Inis na lumpit ang dalaga at inagaw ang bag.

Pero dahil sa ginawa nya, nabuksan ito at nagtalsikan ang mga gamit.

Natulala si Angel.

Maging si Jamaica ay di natigilan ng sumabog ang mga gamit ng kaibigan.

"Hala ka Earl. " pananakot nya.

Napangiwi si Earl at agad na pinagdadampot ang mga gamit ng dalaga.

Ng masigurong nahakot na nyang lahat at alumpihit nya itong inabot.

"S-sorry Angel. " bulong nya.

Tiim bagang na tumango si Angel.

"Ang likot mo kase. Wala ako sa mood makipag asaran ngayon. " sabi nya at hinablot ang bag.

Dire diretso syang pumasok sa loob ng gate.

Naiwan ang dalawa sa labas.

Napayuko si Earl.

Lumapit si Jamaica sa binata at tinapik ang balikat ng kaibigan.

"Hayaan mo na sya. Baka meron kaya ganyan. " pagpapakalma nya.

Ngumiti ng malungkot ang binata.

"Pasok ka na rin Jam. " sabi nya.

"Okay ka lang ba ? " tanong ni Jamaica.

Marahang tumango si Earl.

"Yeah. " sambit nya.

"Are you sure ? " tanong ng dalaga.

"Oo naman. Sige na at gabi na. Baka hinahanap ka na rin ng parents mo. " sagot ng binata.

Ngumiti si Jamaicaa at tumango.

Marahan syang naglakad patungo sa gate nila.

..

Muling naiwan si Earl.

Sinulyapan nya ang bintana ni Angel.

Kita nyang nagbukas na ito ng ilaw.

Napabuntong hininga sya ng malalim at ngumiti ng malungkot.

"Bye Angel. See you tomorrow. " sabi nya.

Nagsimula na syang maglakad ng may matabig ang kanyang mga paa.

Yumuko ang binata at dinampot ang tila libro.

Binuklat nya ito at unti unting nanlaki ang kanyang mga mata.

"D-diary ni Angel. " bulong nya.

- -

( Kasalukuyan )

Napatingin si Ronron sa katabi.

"A-anong nakasulat pare ? " tanong nya.

Ngumiti si Earl.

"Di ko binasa lahat pre. " sagot nya.

Tila di makapaniwala si Ronron.

"Weee ? " sabi nya.

Natawa si Earl at tumango.

"Promise. Pero may nabasa naman ako. Konti nga lang. Dun ko nabasa na ayaw nya sa mga naninigarilyo. " kwento nya.

"Ah, talaga ? Ano pa ? " tanong ni Ronron.

Nagkibit balikat si Earl.

"Wala na talaga akong nabasa. Ilang beses kong sinubukan pero sa twing bubuksan ko na yung diary, parang nakikinita ko yung mukha ni Angel na malungkot at nakatingin sa akin. Parang sinasabi ng mga mata nya na, bakit mo yun ginawa Earl ? Pinagkatiwalaan pa naman kita. " sabi nya.

Tumango tango si Ronron.

"Yeah. Masama talaga ang magbasa ng diary ng may diary. Private property yun eh. " sambit nya.

"I know, kaya nga di ko na sinubukan. May respeto pa rin ako kay Angel. " wika ni Earl.

Napangiti si Ronron.

Pero bigla syang may naalala.

"Teka, paano mong naisauli ? " tanong nya.

Ngumiti din si Earl.

"Ahh, kinabukasan na. PE namin yon. Sinaktuhan kong nasa labas ang lahat then bumalik ako. Sabi ko may nakalimutan lang ako. Dun ko binalik yung diary sa bag nya. Pero muntik na akong mahuli kasi bumalik din sila Angel at Irish. " sambit nya.

"Buti di ka nahuli pre ? " tanong ni Ronron.

Natawa ng mahina si Earl ng maalala ang kapilyuhan.

"Buti nga hindi eh. Kung nagkataon, siguradong magagalit si Angel. Baka nga di na nya ako kausapin eh. Hayyyy. " sagot nya.

Napangiti na lang din si Ronron at tumingin sa karagatan.

Nagpalipas muna sila ng ilang saglit bago sila nagpasyang bumalik sa kubo.

Pagpasok nila ay naabutan nilang tulog na ang lahat.

"Bagsak na. " biro ni Earl.

Ngumiti si Ronron.

"Inaantok na rin ako. Sige pare, mamaya na lang ulit. " wika nya.

Tumango si Earl at nahiga sa tabi ni Aaron.

"Goodnight pare. " sabi nya.

"Good morning. " pagtatama ni Ronron sabay sinara ang pinto.

Tumabi na rin sya ng higa sa kabilang gilid ni Aaron.

Natawa si Earl.

"Yeah. Good Morning. " wika nya.

..

Malalim na ang gabi ng maalimpungatan si Ronron.

Pakiramdam nya ay may nakatingin sa kanya ng mga oras na iyon.

Mabilis na umakyat ang takot sa kanyang sistema.

Alam nya ang pakiramdam na ito at kahit na natatakot, ito ang hinihintay nyang pagkakataon.

.

Napatingin ang binata sa pinto.

Natigilan sya ng makitang bukas ito.

Kaya pala pakiramdam nya ay may nakabukas na aircon.

"S-sinara ko ba to kagabi ? " tanong nya sa sarili.

Sinilip ni Ronron ang mga katabi.

Tulog na tulog ang mga ito.

Napatingin sya sa kama at pati ang mga dalaga ay mukhang mahimbing ding natutulog base sa nakikita nyang kampanteng paghinga ng mga ito.

Muling napatingin si Ronron sa pinto.

Labag man sa loob, tumayo sya para isara ito.

Akmang ilalapat na nya ang pinto ng mapatingin sya sa direksyon ng dagat.

Natulala ang binata.

Bagama't madilim, kitang kita nya ang isang pigura.

Nakaupo ito at nakatingin sa madilim na karagatan.

Napalunok si Ronron ng sunod sunod.

Dumoble na rin ang bilis ng tibok ng kanyang puso kumpara kanina.

Mabilis syang nag isip.

Nagtalo ang kanyang sistema kung gigisingin nya ba ang mga kasama o hahayaan na lamang ang mga ito sa mahimbing na pagtulog.

Hanggang sa mapanganga sya ng makitang gumalaw ang pigura.

Tumayo ito.

Sa tama ng liwanag ng buwan, kitang kita ni Ronron ang pigura ng nilalang.

Babae.

Tinatangay ng hanging ang mahaba nitong buhok.

Ngunit natigilan si Ronron ng may mapansing kakaiba.

Tila may hawak ang babae na kung ano.

Saglit nitong tiningnan ang hawak at pagkatapos ay dahan dahang binaba sa buhangin.

Pagkatapos ay naglakad patungo sa dagat.

..

Nanlaki ang mga mata ni Ronron.

Kung hindi sya nagkakamali, magpapakamatay ang babaeng iyon.

Di na sya nakapag isip pa.

Dali dali syang lumabas ng kubo.

Halos liparin na nya ang distansya ng babae pero kahit anong bilis nya ay nagulat pa rin sya ng walang abutan.

Tila nilamon ng madilim na karagatan ang nilalang.

Napaupo na lamang si Ronron sa buhanginan dala ng pinaghalong pagod at pagtataka.

Hanggang sa matigilan sya ng may maramdamang kakaiba.

Mabilis na tumayo ang binata at inalam ang bagay na kanyang naupuan.

Napakunot ang kanyang noo.

"A-ano to ? Libro ? " tanong nya.

Dinampot ni Ronron ang nasabing libro at dahan dahang binuklat

Pero muntik na nya itong mabitawan ng mabasa ang pangalan ng may ari sa harap.

"M-my Diary. A-angel Lacson. " bulong nya.

Tulalang napatitig si Ronron sa hawak.

Di sya makapaniwalang ang mismong diary ng kasintahan ang nasa kanyang mga kamay.

Kanina lamang ay pinag uusapan nila ito ni Earl.

Pero ngayon ay hawak na nya.

Napalunok si Ronron at muling napatingin sa karagatan.

"Paano kaya ito napunta dito ? At sino kaya yung babaeng yon ? " tanong nya.

Pero bigla syang natulala ng maalala ang hawak na diary.

"D-di kaya si Angel yon ? " tanong nyang muli.

ITUTULOY !!!