Chapter 5 - Baby Cake

Lumipas ang isang linggo mula ng unang tumawag si Angel sa cellphone na nadampot ni Ronron.

Isang linggo na rin silang diretsong nag uusap tuwing alas tres hanggang alas sais ng madaling araw.

Nuong una ay halos hindi makayanan ni Ronron ang pagbabago ng schedule ng tulog nya.

Pero dahil sa kagustuhang makilala ng lubos ang dalagang laging kausap, sinanay nya ang sarili sa panibagong routine.

Mula eskwela, diretsong umuuwi na si Ronron sa bahay at maagang kumakain ng hapunan.

Agad syang nagkukulong sa kwarto para matulog.

Mula alas sais ng gabi, natutulog ang binata hanggang alas tres ng madaling araw.

Ni hindi na nya kailangang mag alarm dahil eksaktong alas tres ay tumatawag na ang dalaga.

..

Marami na ang nakakapuna ng pagbabago ng binata.

Una na ang mga magulang lalo na ang kanyang inang si Sylvia.

Sinabihan na sya nito na hindi maganda ang kanyang ginagawa.

Ngunit tanging pagtango lamang ang ginagawa ni Ronron.

Hindi nya sinusunod ang payo ng ina at patuloy pa rin sa pakikipag puyatan kay Angel.

..

Araw ng lunes.

Alas tres ng madaling araw.

Tulad ng inaasahan, muling tumunog ang lumang cellphone.

Iinot inot na inabot ng binata ang aparato at agad na sinagot.

"H-hello. " sagot ni Ronron.

Napabungisngis si Angel sa kabilang linya.

"Ang husky naman ng voice mo. " biro nito.

Napangiti ng kimi ang binata.

Inayos nya ang pagkakahiga at inalis ang charge na nakakabit sa lumang cellphone.

"Kamusta ? " tanong ni Ronron.

"Uhm, eto. Ganun pa rin. Walang nagbago, ikaw ? " tanong ni Angel.

Nagkibit balikat ang binata.

"Same old me. Nagsimba lang kami ng family tulad ng nakagawian then kumain ng breakfast sa labas. Tapos namasyal ng konti sa mall then umuwi na rin. Medyo puyat nga eh. Pinapagalitan na ako ni Mama. " kwento nya.

"Aawww, paano yan ? Baka di mo na sagutin ang tawag ko ? " rinig ang malungkot na tono sa boses ng dalaga.

Napangiti si Ronron.

"Don't worry, kaya ko pa naman. Naninibago lang siguro ako. Daig ko pa ang call center agent eh. " biro nya.

"S-sorry. " tanging nasagot ni Angel.

"Don't say sorry. Ginusto ko rin naman. Masaya kang kausap kaya hindi ako nagsisisi na magpuyat. " pang aalo ni Ronron.

Natahimik ang kabilang linya.

Napabuntong hininga ang binata.

"Angel. Wag kang magworry saken. " sabi nya.

Nagulat si Ronron ng makarinig ng paghikbi.

"S-sorry talaga. Kung di dahil sa akin, hindi ka mapapagalitan ng Mama mo. Kasalanan ko talaga ito eh. " sabi nya.

"Ssshhh, ikaw naman. Naninibago lang din siguro si Mama. Pero wag kang mag alala. Masasanay din sya. Parang ako, nuong una nahihirapan ako sa oras ng pag uusap natin, pero look at me now. Medyo nasasanay na ang katawan ko. Hindi na ako masyadong drained sa school. Nakakasabay na ulit ako sa academics. " pagsisinungaling ng binata.

Ang totoo ay bumaba ng kaunti ang grades nya dahil lagi syang tila bangag sa droga kapag pumapasok.

Hindi nya rin masabi sa dalaga na may nakadrawing na eyebag sa ilalim ng kanyang mga mata.

..

"Uhm, basta alagaan mo ang sarili mo ha ? " bilin ni Angel.

Napangiti si Ronron.

"Uuyyy,, concern. " biro nya.

Natawa si Angel.

"Syempre, you're my friend. " sabi ng dalaga.

Natahimik si Ronron.

"Friend lang ? " malungkot na sabi nya.

Bumungisngis ang dalaga.

"Bakit ? Anong gusto mo ? , enemy ? " biro nya.

Napasimangot si Ronron.

"Kaw naman. Syempre beyond friends. " ungot nya.

Natahimik ang kabilang linya.

Kinabahan si Ronron dahil baka nasobrahan sya sa pagpaparinig.

"Uhm, b-biro lang. " maagap na sabi nya.

"No it's okay. Actually, I think, I'm beginning to like you . " pag amin ng dalaga.

Natigilan si Ronron.

"C-come again ? " tanong nya.

"I think I like you. " ulit ni Angel.

Napaubo ang binata.

"L-like lang ? " hirit nya.

Natawa si Angel.

"Anong gusto mo ? I-share ko pa ? " biro nya.

Natawa din ang binata.

"Ano yan ? Status ? Haha. " sagot nya.

"Gusto mo update natin status mo eh. " sabi ni Angel.

Natigilan si Ronron.

"A-anong ibig mong sabihin. " tanong nya.

Rinig nya ang hagikgik ng dalaga sa kabilang linya.

"I know you know what I mean. " pa cute na sabi ng dalaga.

Napangiti si Ronron.

Di nya itinago ang kasiyahang nararamdaman sa mga oras na iyon.

"Weee ? Di nga ? Y-you mean, from single, to In a Relationship ? Ganun ba? " paniniguro nya.

"Ayaw mo ? " biro ng dalaga.

"Anong ayaw ? , eh yan nga ang hinihintay ko. Weeeeee .. You mean tayo na ? " pangungulit nya.

"Ay hindi, sa Facebook lang gusto mo ? " taray ni Angel.

Natawa si Ronron.

"Ito naman, hindi mabiro. Basta tayo na ha ? " sabi nya.

"Ang kuliitttt.. " sagot ng dalaga.

Nagtawanan sila.

Pakiramdam ni Ronron ay umaapaw ang kaligayahang nararamdaman nya ng mga oras na iyon.

Gusto nya si Angel.

Hindi nya na ikakaila ang bagay na yon.

Sa pisikal na aspeto, kung totoong si Angel ang nasa litrato sa facebook account nito. Siguradong maihehelera nya ang dalaga sa mga naggagandahang chicks ng Kwadro alas.

Sa ugali naman ay masasabi nyang magkasundo sila ni Angel.

Kahit pa sabihing isang linggo pa lamang mula ng una silang mag usap, pakiramdam nila ay parang matagal na silang magkakilala.

Sa isang linggong pag uusap nila ni Angel, halos naikwento na nila ang background ng isa't isa.

Kaya masasabi nyang halos kilala na rin nya ang mga magulang nito base sa kwento ng dalaga.

"S-so, anong callsign natin ? " tanong ni Ronron.

Natawa si Angel.

"Callsign ? Kailangan pa ba yon ? " tanong nya.

Napakamot si Ronron sa batok.

"Syempre, terms of endearment. Lahat ng lovebirds may ganun di ba?" sabi nya.

"Uhm, mahal ? , honey ? Sweetheart ? " tanong ni Angel.

Napaisip si Ronron.

"Kahit alin dyan. " sabi nya.

"Parang ordinaryo na. Kapag nagkita tayo tapos tinawag mo ko ng mahal sa daan, baka may ibang lumingon. " sagot ni Angel.

Natawa si Ronron pero bigla syang natigilan.

"K-kailan nga pala tayo magkikita ? " tanong nya.

Natahimik ang nasa kabilang linya.

Nalungkot si Ronron dahil ang akala nya ay hindi lang hanggang telepono o internet ang relasyon nila.

"Ikaw. Sinong pupunta ? Ako o Ikaw ? " tanong ng dalaga.

Natiglan si Ronron.

Unti unti syang napangiti.

"A-ako na. Kapag natapos yung exam. Para wala na akong gagawin. N-next week. ? " nananantyang tanong nya.

Tila nag isip ang dalaga.

"Okay lang. Gusto mo ako na lang ang pumunta dyan eh ? Kahit bukas. " sabi ni Angel.

Napanganga si Ronron.

"Weeee ? Kaya mo ? " tanong nya.

"Yup. Sisiw. " biro ni Angel.

Napangiti si Ronron.

Pero tinanggihan nya ang alok nito.

"Wag na. Di ko papayagang bumyahe ka ng ganito kalayo. Baka mapahamak ka pa. Ako na lang ang pupunta. Pero tatapusin ko lang ang exam. " nakangiting sabi nya.

"Uuyyy, ang bait ng boyfriend ko. " masayang sabi ni Angel.

Tila idinuyan si Ronron sa narinig.

"B-boyfriend ? " tanong nya.

"Yes, anong gusto mo ? Girlfriend ? " biro pa ng dalaga.

Natawa ang binata.

"W-wala lang. Ang sarap palang pakinggan. " sabi nya.

"Well, masanay ka na. Pero ano nga ulit yung callsign natin ? " tanong ni Angel.

Nag isip si Ronron.

Hanggang sa unti unti syang mapangiti.

"B-baby Cake. " sagot nya.

Natahimik ang dalaga sa kabilang linya.

Akala ni Ronron ay naputol ang tawag pero bigla syang nakarinig ng tawa.

"Ahahahahaha.. " malakas na tawa ni Angel.

Nahiya si Ronron kaya agad nyang binawi ang sinabi.

"W-wag na pala. Baguhin natin. " sabi nya.

"No, I like it. Baby Cake. " sabi ng dalaga.

Napangiti si Ronron.

"Okay baby cake. I love yo. " sabi ng binata.

Natahimik si Angel.

Hanggang sa marinig ni Ronron ang inaasam na sagot.

"I love you too baby cake. Wag mo kong lolokohin ha? " tanong ng dalaga.

"Never. Aalaagaan kita. " taos pusong pangako ng binata.

Napangiti si Angel sa narinig.

..

Sa klase.

Exam na nga kinabukasan kaya maagang natapos ang lecture nina Ronron para sa araw na iyon.

Binigyan lamang sila ng pointers to review at iniwanan na ng guro.

Napansin nya ang kaibigang si Aldrin na tila idinuduyan sa alapaap.

Di nya masisisi ang kaibigan dahil sa napakaganda nitong nobya.

Kung sya ang magkaroon ng ganuong minamahal ay malamang na para din syang nasa cloud 9 araw araw.

Pero nuon yon.

Kahapon ay single pa si Ronron.

Pero hindi na ngayon.

Nakangisi syang tumingala sa kisame at inimagine ang maamong mukha ni Angel.

Hindi pa sya nakakalayo sa pangangarap nya ng maramdaman ang pagpitik ng kung sino sa kanyang tenga.

Nilingon ni Ronron ang may sala at napasimangot ng makita si Aldrin na nakangisi sa tabi nya.

"Ang aga mo namang mangarap ? " tanong ni Aldrin.

Napangisi si Ronron.

"Parang ikaw hindi ah, kanina ka pa nga nakakiti dyan na parang tanga. " biro nya.

Natawa si Aldrin.

"Inlove eh. " sagot nito.

"Alam ko. Halata sa mukha mo. " sabi ni Ronron.

Nagtawanan sila.

Pero tiningnan ni Aldrin ang kaibigan.

"Parang hindi lang ako ang inlove eh. " sabi nya.

Napangiti si Ronron.

"Sino pa ba ? " tanong nya.

Ngumiti si Aldrin .

"Denial pa pota. Sinong malas na babae yan ? Wag mong sabihing si May na naman at gugulpihin na kita. " banta nito.

Natawa si Ronron at umiling.

"Hindi po kuya, syempre di naman ako ganun katanga para makipagbalikan pa sa babaing yon no. Iba ang nagpapatibok ng puso ko. " matamis na saad nya.

Napangiwi si Aldrin.

"Tangna, inlove ka nga. Ganyang ganyan din ako kakorni. Pero sino nga yung babae ? O babae ba ? " tanong nya.

Lalong natawa si Ronron.

"Siraulo, natural babae yon. Tinulad mo naman ako kay Romeo na habulin ng bading ? " ganting biro nya.

Nagtawanan sila.

"Eh sino nga ? Anong pangalan ? " tanong ni Aldrin.

"Angel. " mabilis na sagot ni Ronron.

Napangisi si Aldrin.

"Naks, pangalan pa lang maganda na. Eh yung mukha ? Hindi naman sa nanlalait ako. Pero may itsura ka naman pare, hindi nga lang kasing pogi ko. Pero kahit na. Makakabulag ka na ng magaganda eh. " biro nya.

Natawa si Ronron at siniko ang kaibigan.

"Gago, kahit na ganito itsura ko. Masasabi kong pwedeng itabi si Angel sa Lelay mo. " maangas na sabi nya.

Napangisi si Aldrin.

"Kung ganun maganda nga. Aber aber, patingin nga ng picture ? Meron ka ba dyan ? " hamon nito.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Ronron at nilabas ang cellphone.

Pinakita nya ang isang picture ni Angel na kinuha nya mismo sa facebook account nito.

Pagkakita ni Aldrin sa picture ay inakbayan nya ang kaibigan ay kinurot sa nipple.

"Haneeppp ka bata. Maganda nga. Wag mo ng pakawalan at baka mauntog yan. Biglang matauhan. " biro nya.

Dahil sa sanay na sya sa kaibigan, hindi nakaramdam ng pagkainsulto si Ronron.

Bagkus ay kinurot nya rin ang nipple ni Aldrin.

"Ang sabihin mo, kapag si Lelay ang nauntog, kawawa ka. Patay na patay ka pa naman don. " biro ni Ronron.

Niliyad ni Aldrin ang dibdib.

"Hah !, sinong patay na patay ? Baka baliktad pre ? Sya nga itong habol ng habol sakin eh " pagyayabang nya.

Napangisi si Ronron.

"Di nga ? Ibig mong sabihin, mas baliw na baliw si Lelay sayo ? " paulit ni Ronron.

Tumango si Aldrin.

"Sinabi mo pa !, di nga makatulog yon na di ako nakakausap eh. " maangas na deklara nya.

Pero bigla syang natigilan ng mapansin ang nakangising mukha ni Ronron.

"Sigurado ka na ba talaga sa sinasabi mo ? " tanong nito.

Napalunok si Aldrin at mabilis na binawi ang lahat ng sinabi.

"H-hindi pre, ako nga ang baliw na baliw sa kanya eh. " bawi nya.

Pero napahiyaw na lang sya ng biglang may bumatok sa likod nya.

Agad na lumingon si Aldrin at tama nga ang hinala nya.

Nakapameywang na si Lelay sa likod nya at base sa ekspresyon ng mukha nito, narinig nito ang mga pinagsasasabi nya kanina.

"Anong sabi mo heart ? Patay na patay ako sayo ? nakataas ang isang kilay na tanong ng dalaga.

Napangiwi si Aldrin.

"B-baliktad heart, ako nga ang patay na patay sayo eh. " sabi nya.

Pero napahiyaw na lang ang binata ng kurutin ng dalaga ang nipple nya.

Tawa naman ng tawa si Ronron.

..

Dahil sa maagang pinauwi, naisip ng Kwadro Alas na tumambay sa Computer Shop ni Eric.

Sumama si Ronron sa mga ito dahil nais nyang i-update ang status nya sa facebook.

"Yeah, from single to in a relationship. " sabi nya sa sarili.

Pero natigilan sya ng makita na nauna na si Angel na gawin ang binabalak nya.

Napangiti na lang si Ronron.

Inaccept nya ang relationship invitation ni Angel at napangiti ng makita sa newsfeed nya ang status update.

Agad na ni-like ni Ronron ang status nya.

Nag comment na din sya "I Love you " sa status na iyon para pag online ng dalaga mamaya ay makita agad nito ang comment nya.

Nagpasyang mag research saglit si Ronron ng mga posibleng itanong sa darating na exam.

Nag open sya ng new tab at nagtungo sa google.

Ilang saglit lang ay abala na sa pagba-browse sa internet ang binata ng mapansin nya ang facebook na may 10 bagong notifications.

Napakunot ang noo ng binata dahil kani kanina lang ay wala naman syang notifs.

Pagkatingin nya ay ganun na lang ang simangot nya ng makitang ginawa ng chatroom ng Kwadro Alas ang relationship status nila ni Angel.

..

"Hoy !, kung wala kayong magawang matino, magsuicide na lang kayong apat !. " inis na sabi ni Ronron.

Nagtawanan ang Apat na Alas sa tabi nya.

"Grabe na to. Si Ka Ronron, binata na. " sabi ni Darius.

Nagtawanan ang tatlong alas kasama na ang mga nobya nila.

"Pero infairness pare, maganda itong chickababes mo. Anong nakain nito at pinatulan ka ? " pang aasar ni Rhoi.

Natawa si Aldrin.

"Yan nga din ang sinabi ko kanina. " sabi nya.

Napasimangot lalo si Ronron.

Pinagtanggol naman sya ng mga dalaga.

"Bakit ? , cute naman si Ronron ah. Di ba girls ? " tanong ni Ekang.

Tumango sina Lelay at Krissing.

"Pampalubag loob. " biro ni Aldrin pero kinurot lang sya ni Lelay.

..

"Wag lang poser. " singit ni Romeo.

Natigilan si Ronron.

"P-poser ? " tanong nya.

Tumango ang binata.

"Poser, yung gumagamit ng ibang pictures para sa benefits nila. For example, isang bading, magkokolekta sya ng magagandang pictures para sabihin na sya yon. Syempre maraming mag a-add sa kanya. " sabi ni Romeo.

"Oo nga, maraming poser ngayon. Minsan naman, hindi kagandahan yung girl o boy. Pero gumagamit sila ng gwapong o magandang mukha para manloko ng kapwa. " sabi ni Aldrin.

Natahimik si Ronron sa narinig.

"Pero minsan naman hindi lang panloloko ang motibo ng iba. Kasi masyadong mapanghusga ang lipunan natin ngayon. Kaya hindi natin masisisi yung iba kung bakit sila nagtatago sa ibang mukha. " singit ni Rhoi.

Inakbayan ni Aldrin ang kaibigan.

Napahinga ng malalim si Ronron.

"P-paano ko ba malalaman kung hindi poser si Angel ? " tanong nya.

Ni hindi pumasok sa isip nya na maaari syang lokohin ng dalaga.

Masyado ng lumalim ang nararamdaman nya para dito kaya masakit sya kanya kung sakaling totoo ngang poser si Angel.

..

Natahimik ang lahat.

Hanggang sa magsalita si Romeo.

"Well, wala namang ibang paraan kundi video chat. Skype , YM o kahit ano basta pwede kayong mag video call . O di kaya magkita kayo. Ganun kasimple. " sabi nya.

Napangiwi si Ronron.

"M-malayo sa kanila eh. Laguna pa. " sabi nya.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Video call na lang. " sabi nya.

Natahimik na lang si Ronron.

"Ask mo na lang sya pare. Siguro naman hindi ka nya niloloko. " pang aalo ni Aldrin.

"Marami kasing mapagsamantala sa online world pare. Hindi naman sa sinasabi kong poser yang girlfriend mo pero di naman siguro masamang mag ingat ka di ba? Bago ka pa mahulog ng todo sa kanya. Mas mabuting siguraduhin mo munang sya nga yung nasa pictures. " payo ni Romeo.

Bumuntong hininga si Ronron.

"S-sige pre, uuwi na ako. Naiwan ko kasi yung isa kong phone sa bahay eh. " paalam nya.

Natahimik ang lahat.

Hanggang sa ihatid na lamang nila ng tingin si Ronron habang lumalabas ng computer shop.

..

Hindi nakatulog si Ronron tulad ng nakagawian.

Iniisip nya ang sinabi ni Romeo na baka niloloko lamang sya ng dalaga.

Aminado syang iba na ang nararamdaman nya para kay Angel kaya hindi nya alam ang gagawin kapag malamang hindi pala ito nagsabi sa kanya ng totoo.

Lumipas ang ilang oras.

Nanatiling nakatitig lamang si Ronron sa lumang cellphone.

Hinihintay ang tawag ng dalaga.

Kanina pa sya tawag ng tawag gamit ang kanyang cellphone pero talaga hindi sya makakonek.

Hanggang sa sumapit ang alas tres.

Napaigtad ang binata ng marinig ang pagtunog ng lumang cellphone.

Agad nyang sinagot ang tawag.

"Baby Cake. " bungad ni Angel.

Napapikit si Ronron.

Ilang segundo rin syang natahimik bago muling nagsalita ang dalaga sa kabilang linya.

"Baby ? What happened ? bakit ayaw mong magsalita ? Still there ? " sunod sunod na tanong ng dalaga.

Napalunok si Ronron at marahang nagsalita.

"A-angel. " tawag nya.

"Huh ? Angel lang ? Bakit ? " tanong ng dalaga.

Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Ronron.

Di nya maatim na ang posibilidad na maaaring niloloko lamang sya ng dalaga.

"M-may itatanong sana ako sayo eh. " sabi nya.

Natahimik ang nasa kabilang linya.

Maya maya ay tumawa ng mahina si Angel.

"Don't tell me nagdudududa ka sa akin ? " tanong nito.

Natigilan si Ronron.

"P-paano mong nalaman ? " tanong nya.

"Wild guess. Tell me, di ka ba naniniwala sa akin ? " tanong ulit ni Angel.

Natahimik si Ronron.

"H-hindi naman sa ganun. Gusto ko lang makasiguro. B-baka mali kasi ako ng taong minamahal. " bulong nya.

"M-mahal ? " tanong ni Angel.

Napahinga ng malalim si Ronron.

"Sinabi ko na nga sayo kagabi di ba? I love you. Maybe it's too early, pero di naman siguro ako nagkakamali sa feelings ko. Gusto ko lang makasiguro na hindi mo ko niloloko . " sabi nya.

"A-anong gusto mong gawin ko ? " tanong ni Angel.

Natahimik si Ronron.

"Anong gusto mong gawin ko ? "ulit na tanong ni Angel.

"S-skype ? " tanong ng binata.

Natahimik ang nasa kabilang linya.

Kinabahan si Ronron.

"A-angel ? " untag nya.

"S-sorry. Pero wala akong cam. Baka sabihin mo na nagdadahilan lang ako. Pero may mas maganda akong solusyon dyan sa paghihinala mo. " sabi ni Angel.

Nagtaka si Ronron.

"A-ano ? " tanong nya.

"Magkita tayo. Bukas na bukas, nandyan na ako. " determinadong sabi ng dalaga.

Napanganga si Ronron sa narinig.

"P-pero. T-teka. " tarantang sagot nya.

"See ? Ayaw mo naman eh. " sabi ni Angel.

"D-di naman sa ganun, pero nakakahiya. At the same time nag woworry ako na baka mapaano ka sa byahe mo. " sabi ni Ronron.

"Wag mo kong intindihin. Ang mahalaga ay maalis ko yang paghihinala mo saken. " malungkot na sabi ni Angel.

Nahiya si Ronron.

"S-sorry, sige okay na. Di na ako magdududa. Naniniwala na ako sayo. " sabi nya.

"Sus, sinasabi mo lang yan kasi ayaw mo kong magpunta dyan. " sabi ni Angel.

Napailing iling si Ronron.

"No baby cake. Nag woworry lang talaga ako sa layo ng byahe. Ganito na lang. After exams, pupunta ako dyan. Magkita tayo. " aya nya.

"Sure, kelan ang tapos ng exams nyo ? " tanong ng dalaga.

Nagkwenta si Ronron sa isip.

"Sa Friday " sabi nya.

"Okay, wag kang bumyahe ng gabi, saturday morning ka umalis dyan para nandito ka na sa hapon. Dito ka na rin matulog. " aya ng dalaga.

Napangiti si Ronron.

"Really ? " tanong nya.

"Hoy mister !, sa salas ka matutulog. Hindi sa kwarto ko. " sita ni Angel.

Natawa si Ronron.

"Baka makalusot lang. " sabi nya.

"Hmmp. Di ko akalaing paghihinalaan mo ko. " sabi ng dalaga.

Napakamot si Ronron sa batok.

"S-sorry na talaga. Promise. Sa sabado nandyan na ako. " sabi nya.

"Promise ha ? " paniniguro ng dalaga.

"Yes Baby cake. " malambing na sagot ni Ronron.

"I love you baby cake " sagot ng dalaga.

"I love you more baby cake. " mabilis na sagot ni Ronron.

Napangiti sila ng sabay.

Kahit na sa malayong distansya.

Ramdam ni Ronron na hindi sya niloloko ng dalaga.