Chapter 6 - Study First before Anything Else

Unang araw ng exam

Dalawang pagsusulit ang kailangan nilang i-take sa araw na iyon.

Una na rito ang English subject nila.

Walang problema kay Ronron ang nasabing subject dahil medyo magaling sya dito.

Hindi sya gaanong nahirapan sa pagsagot sa mga tanong kaya isa sya sa mga naunang natapos.

Pero hindi sya agad nag pakakampante.

Ang pangalawang pagsusulit ay major subject nila.

Dito sya medyo tagilid.

Hindi pa naman sya gaanong nakapag review dahil sa pakikipag usap kay Angel kaninang madaling araw.

Ng matanggap nya ang test questionaires, hindi na sya na gulat ng mabasa ang mga tanong.

Halos wala na syang matandaan sa mga nakikita nya.

Napangiwi si Ronron.

Unti unting kumabog ang kanyang dibdib sa kaba.

Ayaw nyang ibagsak ang exam na ito pero sa mga nakikita nyang mga tanong, mukhang hindi malabong mangyari ang kinatatakutan nya.

..

Pawisan na ang binata.

Apat pa lamang sa 50 questions ang siguradong sagot nya.

Karamihan sa mga ito ay puro hula lamang.

"Okay, 10 minutes left. " anunsyo ng prof.

Napahinga ng malalim ang binata ng mapansin na halos wala syang siguradong sagot sa pagsusulit na iyon.

Isa isa nyang binalikan ang mahihirap na tanong.

Ng biglang makaramdam ng tapik sa kanyang paa.

Napatingin si Ronron sa katabing si Aldrin.

Seryosong ang mukha nitong nakatingin sa kanya.

"Tapos ka na ? " pabulong na tanong ni Ronron.

Marahang tumango ang binata.

Nakaramdam sya ng inggit sa kaibigan.

Kimi syang ngumiti at muling pinagpatuloy ang exam.

Pero muling sinipa ni Aldrin ang paa nya.

"Baket ? " tanong ni Ronron.

Sinulyapan ni Aldrin ang guro na abala sa pag iikot sa buong classroom.

Ng sandaling tumalikod ito para sagutin ang isang katanungan ng kaklase nila, inabot ni Aldrin ang isang papel.

Kunot noong tinanggap ni Ronron ang binigay ng kaibigan.

Marahan nya itong binuklat at napanganga ng makita ang mga sagot ng binata.

Kinabahan si Ronron.

Nagtatanong ang mga matang napatingin sya kay Aldrin pero tumalikod na ito at humarap sa bintana.

Di na nagpakipot pa si Ron, mabilis nyang sinalin ang mga sagot na binigay ng kaibigan sa kanyang papel.

Nadismaya pa sya ng makitang 30 items lang ang binigay nito pero mas mabuti na ito kaysa mangulelat sya.

Hindi nya alam kung tama ba o hindi ang sagot pero hindi na nya ito pinansin.

Eksaktong nag bell ng matapos si Ronron sa pagkopya.

"Okay class, pass your papers forward. " utos ng proctor.

Marami ang labag sa loob na nagpasa ng papel.

Kabilang na si Ronron dahil nais pa nyang dagdagan ang mga sagot nya.

..

Maya maya ay umalis na ang guro.

Hinarap ni Ronron ang kaibigan at ngumiti.

"Salamat pre, tangna, kung di dahil sayo, bokya na ata ako." natatawang sabi nya.

Pero di natawa si Aldrin.

"Masaya ka na ? Masaya ka ng pasang awa na lang ? 30 items lang yon. Ni hindi ko nga alam kung tamang lahat yon. Pero di ko na talaga matiis yang itsura mo kanina. " sabi nya.

Natameme si Ronron.

Batid nyang hindi sya habang buhay na makakaasa sa kaibigan.

"Anyare sayo pare ? Wag mong sabihin na puyat ka pa rin ? " sarkastikong tanong ng binata.

Lalong natigilan si Ronron sa sinabi ng kaibigan.

Marahan syang napayuko.

"Oh paano ? Alis na ko. Marami pa akong gagawin eh. " paalam ni Aldrin.

Nag angat ng tingin si Ronron.

"P-pare, salamat. Ano bang exam natin bukas ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Aldrin.

"Di ko alam. " maiksing sagot nya.

Biglang pumasok si Lelay sa classroom.

"Oh heart, kamusta ang exam ? " tanong ng dalaga.

Nagthumbs up si Aldrin.

"Medyo hard heart, pero yakang yaka. So paano, nandun na ba sila ? " tanong nya.

Tumango si Lelay.

"Medyo maaga kaming natapos ni Krissing, nandun na sila ni Rhoi sa kubo. Tara na ? " aya nya.

Tumango din si Aldrin.

Sinulyapan nya si Ronron.

"Oh paano, alis na kame. Sa kubo muna kame. " paalam nya.

Tumango lang ang binata.

Napatingin si Lelay kay Ron.

"Hey, parang nalugi ka ah. " biro nya.

Napangiti ng malungkot si Ronron.

"Nasermunan ng jowa mo eh. " ganting biro nya.

Pero nagalit si Aldrin.

"Gago ka pala eh. Concern lang ako sayo. Kung hindi kita binigyan ng sagot, anong nangyari ? Major pa naman natin yon. Di sa nakikialam ako pare, pero kung ikakatwiran mo yang pagpupuyat mo dahil dyan sa babaeng yan. Tangna, wag ka ng mag aral. Magtelebabad na lang kayo maghapon. " madiing sermon nya.

Natahimik si Ronron.

Napahawak si Lelay sa braso ng katipan para awatin ito.

"Ron, gusto mo sama ka na lang sa amin sa kubo ? Okay lang ba heart ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron.

"A-anong ginagawa nyo sa kubo ? " tanong nya.

Ngumiti si Lelay.

"Ano pa ?, nag rereview. Group study kami dun every exam week. Di ba nasabi sayo ni Aldrin ? " tanong nya.

Umiling si Ronron.

Nagulat sya sa nalaman.

Ang akala nya ay happy go lucky lamang ang Kwadro Alas pero nag rereview din pala ang mga ito.

Bumaling ang tingin nya kay Aldrin.

"P-pare, pasabay naman. Para mamotivate ako. " request nya.

Umiling si Aldrin.

"Hindi ako pwedeng magdesisyon sa bagay na yan. Alam ni Lelay ang dahilan. " sabi nya.

Napatingin si Ronron sa dalaga.

Malungkot na tumango si Lelay.

"Si Romeo ang may huling pasya kung sino ang lalabas at papasok ng kubo. Pero heart, di ba majority wins sa inyo ? Baka mapapayag natin sina Rhoi at Darius since na for the good cause naman ang gagawin natin eh. " sabi nya.

Napaisip si Aldrin.

Binalingan nya ng tingin si Ronron.

"Actually heart, kung ako ang tatanungin, hindi ko na kailangan ng kasama para mag aral. Okay na tayong dalawa lang. Pero mas maganda kasi ang ambience kapag kasama ang tropa. " sabi nya.

Napatango si Lelay.

"Pero since na classmates kayo sa maraming subjects, baka pwede syang makapasok sa kubo. Kahit this exam week lang di ba? Di naman siguro aapela yung tatlo, lalo na yung girls. " sabi nya.

Nagkibit balikat si Aldrin.

"Just ask Romeo. Tutal nandun na yon malamang sa kubo. Tara na ? Para maaga tayong makauwi. " aya nya at inakbayan ang kasintahan.

Nilingon ni Lelay si Ronron.

"Tara na." aya nya .

Dali daling nagligpit ng gamit si Ronron at sumunod sa magsyota.

..

Tulad ng napag usapan.

Dumiretso ang tatlo sa kubo.

Malayo pa lamang ay napansin na agad nila si Dannica at Darius na nag uusap sa bintana at nagtatawanan.

Di maiwasang mamangha ni Ronron sa tambayan ng Kwadro Alas.

Nasa gitna ito mismo ng eskwelahan.

Tipikal na kubo ang labas at may nakatatak na simbulo ng bawat Alas sa bawat dingding.

May nakapaligid na tubig sa palibot ng kubo at may tila tulay na nagsisilbing daan patungo sa pinto.

Malapit na sila ng mapatingin sa kanila sina Tabar at Ekang.

Kumunot ang noo ni Darius.

"Oh san yan pupunta ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron at napahinto sa paghakbang sa tulay.

"Makiki join sa group study. " si Lelay ang sumagot.

"Okay, pasok ka na. Ay wait. Wala pa si Rom. " sagot ni Ekang.

Dumungaw si Rhoi.

"Si Crimemaster Rhone pala yan eh. Anong meron ? " tanong nya.

Napangiti ng kimi si Ronron.

"S-sasali sana sa review nyo. " sabi nya.

Nagkatinginan sina Rhoi at Darius.

"Nuon si Marla, tapos ngayon si Ronron. Anyare Pot ? " biglang may nagsalitang boses sa likod ni Ronron.

Napalingon sila at nagulat ng makita si Romeo.

"Anong gagawin natin dyan ? " tanong ni Aldrin.

"Papasukin na natin sya Rom please ? Ako naman ang nagpapasok kay Marla nuon kaya wag mong sisihin si Potpot. " sabat ni Lelay.

Napatango si Romeo.

"Wala namang problema. Sige tuloy. Basta maghubad ng sapatos. " utos nya.

Napangiti ang lahat sa sinabi ng binata.

Excited na sumunod si Ronron kay Aldrin paakyat ng kubo.

Pagpasok pa lamang ay di na nya maiwasan ang mapanganga.

"Holy Shit. " di nya maiwasang sabihin.

Natawa sina Rhoi at Darius.

"Welcome to our den. Pag ingatan ang lahat ng gamit dahil primera klase ang mga yan. " biro ni Tabar.

Napalunok si Ronron sa narinig.

Unang mapapansin ang apat na upuan na may mataas na sandalan.

Nakatatak din dito ang simbolo ng bawat alas.

Pula para sa Heart.

Asul sa Diamond.

Berde sa Clubs at itim para sa Spade.

Pero hindi ang mga alas ang nakaupo, kundi ang mga girlfriends ng mga ito.

Tanging si Romeo lamang ang walang trono kaya di nya maiwasang magtanong.

"B-bakit si Rom lang ang walang girlfriend sa inyo ? " pabulong na tanong nya kay Aldrin.

Natawa ang binata.

"Mga utol. May tanong si Ronron. " anunsyo nya.

Napanganga si Ronron.

Tumingin ang lahat sa kanya.

"Ano yon ? " tanong ni Darius.

Napangisi si Aldrin.

"Bakit daw si Rom walang babae. " saad nya.

Natahimik ang lahat.

Napalunok si Ronron ng mapansin nyang tumayo si Romeo sa trono nito at sumilip sa bintana.

"S-sorry. " sabi nya.

Pero biglang nagtawanan ang tatlong alas.

"Sino bang tatagal sa gagong yan ? " sabi ni Rhoi.

"Oo nga, tangna, kahit sino basta maganda pinapatulan eh. " pang aasar ni Aldrin.

"Kahit may sakit hinahalikan nyan. Basta maganda. " banat ni Darius.

Napangiti lang ang mga dalaga.

Napanganga si Ronron at sinulyapan ang nakatalikod na si Romeo.

"Psst pare, tawag ka na sa canteen. " utos ni Darius.

"Tangnang to, di pa nga tayo nagsisimula, kakain ka na ? " tukso ni Aldrin.

"Ano bang inaasahan mo ? May butas nga yang tyan nyan ni Tabar. " dagdag ni Rhoi.

Muli silang nagtawanan.

Maya maya ay umupo na si Romeo sa trono nito.

Tinitigan nito si Ronron.

"Bakit nandito yan ? " tanong nya.

Natahimik si Ron, tila hindi na nya kilala si Romeo sa mga oras na iyon.

Si Aldrin ang sumagot sa tanong ng kaibigan.

"Mukhang babagsak yan. Puro pagpupuyat ang inaatupag. " sambit nya.

Natahimik ang lahat.

"Kasalanan naman pala nya eh. " sabi ni Rhoi.

"Kahit na bes, kaya ata sya sumama kina Lelay para magpatulong. " sabi ni Krissing.

"Pero bakit kailangan pa nya ng tulong ? " tanong ni Darius.

"Sshh. Just let him study here guys. " saad ni Ekang.

"Yan nga ang sinasabi ko. Since na almost the same sila ng subject ni Pot, bakit di na lang sila magsabay na mag review di ba? " suggestion ni Lelay.

Napatango ang mga babae.

Pero hindi kumbinsido ang mga lalake.

"Ang punto kasi dito, bakit ka ba nagpupuyat ? " tanong ni Romeo.

Napakamot si Ronron sa batok.

Napabuntong hininga si Romeo.

"Yan ang sinasabi ko. Nag aaral ka pero mas inuuna mo ang pagsosyota. Karamihan talaga sa kaedad natin ngayon ganyan ang inaatupag sa buhay. " sabi nya.

Sinikap ni Ronron na ipagtanggol ang sarili.

"S-syempre, inspirasyon. " sabat nya.

Napaismid si Romeo.

"Ispirasyon ? Tapos nandito ka para ano ? Magpatulong ? " sumbat nya.

Natameme si Ronron.

Nagpatuloy si Romeo.

"Hindi ko nilalahat ang mga estudyante ngayon. Kasi tingnan mo yang tatlong unggoy na yan. May mga jowa pero mas inuuna nila ang pag aaral. Nagtutulungan sila para walang bumagsak dahil unang una. Nakakahiya. Pangalawa. Nakakahiya. At Pangatlo. Eeewww, sobrang nakakahiya. " pangaral nya.

Nagtawanan ang tatlo.

Maging si Ronron ay di maiwasang mapangisi.

Nagpatuloy pa si Romeo.

"Imbes na mag aral, pagbubulakbol at pagbibisyo ang inaatupag. Yung iba, nag o-over the bakod para lang makapasok sa loob. Ang akala nila astig na sila kapag ginawa nila yon. Tapos kapag nakapasok na. Mag oover na naman palabas. Tangna. Sinasayang nila ang pawis at sakripisyo ng mga magulang nila para lamang matustusan ang pag aaral nila. Tangna talaga. Parang yung nakita ko don kanina bago ako pumasok. Hiphop ata mga tol, wala naman akong galit sa mga hiphop. Kaso mag cucutting lang pala ! Kuntodo porma pa ! Diretso sa computer shop ampota ." asar na kwento nya.

"Ulol !, parang ikaw hindi ka katingero !. " sumbat ni Darius.

Nagtawanan ang iba.

"Alam ko nagcucutting ako. Pero nabalitaan nyo na ba bumagsak ako o bumaba ang grades ko ? Pakshet talaga. Nakakapanginig laman yong mga yon. Di ko sinasabing sobrang tino ko. Ang akin lang, study first before anything else. Ah bwisit. Sa baranggay na nga lang ako magrereklamo. " tumatawang dagdag nya.

Napangiti na lang ang sila sa binata.

..

Kinalabit ni Aldrin si Ronron.

"Kinabahan ka no ? " tanong nya.

Nagtaka ang binata.

"S-saan ? " tanong nya.

"Kay Rom, nung seryoso yung mukha nya. Haha. Ganyan talaga mantrip yan. Pero asahan mong maaasahan yan. Di ako naniniwalang di ka nya patutuluyin dito sa loob kanina. Pero tulad ng sinabi ko. Alam mo dapat ang priorities mo once na pumasok ka dito sa kubo. Ang mag aral. " bulong ni Aldrin.

Napatango si Ronron.

Tila nagkaroon sya ng bagong lakas para mag aral.

"Ngapala pare, salamat ulit kanina sa mga sagot mo. " sabi nya.

Ngumiti lang si Aldrin.

"Sige lang. Pero wala ka ng aasahan sa susunod. Matuto kang mag isa. " sabi nya.

Ngumiti si Ronron at napatango.

"Oo pre. Pasensya na. Salamat sa concern. Di na muna ako magpupuyat. Tara aral na !. " sabi nya.

"Easy. Kain muna. " sagot ni Darius.

Nagtawanan sila.

"Dahil sa bago ka dito. Ikaw na ang tumawag sa canteen Crime Master Rhone. " pang aasar ni Rhoi.

Napanganga si Ronron.

"A-anong sasabihin ko ? " tanong nya.

Natawa si Romeo.

"Itanong mo kung anong kulay ng panty nung cashier. " sabi nya.

Muli silang nagtawanan.

..

Matapos ang masaganang hapunan.

Nagtuloy na ang Kwadro Alas kasama si Ronron sa pag aaaral.

Hindi makapaniwala si Ronron sa nakikita nya sa mga alas.

Nawala ang pagiging makukulit ng mga ito.

Napangiti si Ronron at napatingin sya kay Romeo.

Tanging ito lang ang hindi nagrereview.

Naglalaro lamang ang binata ng PSP.

Ito pa ang isa sa ikinamamangha ni Ronron sa loob ng kubo.

Kung sa labas ay tipikal na kubo lamang, sa loob ay ibang iba.

Moderno pala ang disenyo sa loob.

May malaking flatscreen TV sa dingding at may katabi itong computer.

Apat ang electric fan ang gumagana sa mga oras na iyon kaya naman kahit na mainit ang panahon ay hindi nila ramdam.

Napakasarap palang tumambay sa loob ng kubo.

Napailing na lamang sya at pinagpatuloy ang pag aaral.

Marami pa syang dapat na malaman sa Kwadro Alas pero may mas dapat syang unahin bukod dito.

..

Alas tres na ng hapon ng isa isang sumuko ang Kwadro Alas.

Nakatulog na si Romeo sa paghihintay sa mga kaibigan.

Maya maya ay nagpasya na silang mag uwian.

Isa isa silang lumabas ng kubo at nagtaka si Ronron dahil ni hindi man lang nag abalang isarado ng mga ito ang kubo.

"Pare, di ba kayo natatakot na mawala yung mga gamit nyo don ? " tanong nya kay Aldrin.

Umiling ang binata.

"Antagal na nyang nakatayo dyan. Isang taon na rin mahigit, pero bakit nandyan pa rin ? At kung sakali mang manakawan kami. Fine, palitan na lang ng bago. Si Tabar naman ang sponsor ng mga gamit dyan eh. " biro nito.

Napangiti na lang din si Ronron at sumabay na sa pag uwi ng mga ito.

..

Gabi.

Nasira ang routine ni Ronron.

Hindi sya nakuntento sa ginawa nilang pag aaral kasama ang mga kaibigan kaya nagsarili sya ng gabing iyon.

Alas diyes ng gabi ng katukin sya ng ina.

"Anak, matulog ka na. " sabi ni Sylvia.

Napangiti si Ronron.

"Yes Ma, after this. Medyo mahirap kasi yung subject namin tomorrow. Kailangang makakuha ng mataas na grade. " sabi nya.

Napangiti si Sylvia.

Tumango ito at lumabas ng kwarto.

Maya maya ay bumalik ang ina na may dalang isang baso ng gatas at sandwich.

"Para sa masipag kong anak. Mag aaral kang mabuti dahil yan lang ang tanging kayaman ng isang tao na hinding hindi mananakaw ninuman. " sabi nya.

Napangiti si Ronron.

Nuon nya naramdaman ang gutom ng makita ang dala ng ina.

"Thanks Ma, promise ko po. Mataas ang score ko sa exams. " sabi nya.

Ngumiti si Sylvia at hinalikan sa noo ang anak.

"Di mo kailangang mangako anak. Naniniwala ako na gagawin mo ang lahat para sa exam na yon. Di naman kasi para sa akin yang pag aaral mo. Para din yan sa kinabukasan mo at ng magiging pamilya mo. " sabi nya.

Napatango si Ronron.

"Opo. " sagot nya.

"So paano, matutulog na ako. Kailangan ko ng mag beauty rest. Matulog ka na rin mamaya. Wag masyadong magpuyat. Mababalewala ang pagrereview mo kung puyat ka. " bilin ng ina.

"Opo Ma. " sagot ni Ronron.

"Mag aral kang mabuti. Wag kang tutulad dun sa isa mong pinsan. Akala ng Tita mo pumapasok. Pero nagbubulakbol pala at nagkikipagbarkada. Kaya ikaw, wag kang makikipagbarkada ." pangaral ni Sylvia.

Napangiti si Ronron.

"May barkada na po ako Ma. " bunyag nya.

Natigilan ang ina.

"A-anak. Di naman masamang makipag kaibigan. Pero sana ay mabuting barkada ang piliin mo. Malaki ka na. Alam mo na siguro ang masamang impluwensya sa mabuti. " sabi nya.

Napangisi si Ronron.

Naalala nya ang Kwadro Alas.

"Nakagalitan nga nila ako Ma. " kwento nya.

Nagtaka ang ina.

"Bakit ? " tanong nya.

Natawa ang binata.

"Eh kasi, alam nilang hindi ako nagreview kahapon. Kaya nahirapan ako sa exam kanina. Kaya ayon. Nagalit sila sa akin at pinag sabihan ako. Sabi nga nung isa, wag na daw akong mag aral kung di ko naman seseryosohin. Sayang lang daw ang pang paaral ng magulang ko. " kwento nya.

Na amaze ang ina sa kwento ng anak.

"Really ? Mababait naman pala yang mga kaibigan mo anak eh. One time dalhin mo sila dito, tambay kayo dito minsan. " imbita ng ina.

Natawa si Ronron.

"Ni hindi mo nga alam kung mabuti silang tao Ma. " sabi nya.

Napangisi ang si Sylvia.

"Anak, matanda na. Alam ko na kung mabuti ba o masamang implunwensya ang kaibigan. Base sa kwento mo, masasabi kong mabubuti sila. Dahil kung hindi, wala silang pakialam sa studies mo. " sabi nya.

Napangiti si Ronron.

"Yes Ma, actually. Ako nga ang dumikit sa kanila. Nakakinggit kasi parang ang tibay tibay ng samahan nila. " dagdag nya.

Lalong namangha ang ina.

"That's really something. Bihira yang mga ganyan anak. " sambit nya.

Napatango si Ronron.

Ngumiti ang ina at muling hinalikan sa pisngi ang anak.

"So magsleep na ako. Matulog ka na rin after nyan. I love you anak. " paalam ni Sylvia.

"Love you lots Ma. Salamat po sa gatas. " sagot ni Ronron.

"Anything for you anak. " sabi ng ina at lumabas na ng kwarto.

Napangiti si Ronron at muling pinagpatuloy ang pagbabasa.

Nais nyang makakuha ng mataas na marka ng hindi umaasang muli sa mga kaibigan.

Ayaw nyang madismaya ang mga ito pati na ang pamilya nya.

Pero sa huli ay nabatid nyang mas ayaw nyang madismaya sa sariling kakayahan.

Magdamag syang nag aral.

Alas dose na bago sya nagpasyang matulog.

Nawala na sa isip ang pagtawag ni Angel.