Chapter 9 - Purpose

Masarap na pakiramdam.

Tila kay gaan ng kanyang dibdib.

Napangiti si Ronron.

Parang nabura ang kanyang mga alalahanin sa mga oras na iyon.

Saglit nyang pinagmasdan ang kapaligiran.

Makulay, punong puno ng mga bulaklak.

Napakaraming magagandang halaman ang nakapalibot sa kanya.

Marahin ay ito ang nagbibigay sa kanya ng masayang pakiramdam.

..

Napagawi ang tingin ni Ronron sa harapan.

May isang nilalang ang nakatayo.

Dahan dahan syang lumapit.

Napangiti ng mas maluwang ng makilala ang nilalang.

"Angel. " tawag nya.

Nakatalikod ang dalaga.

Ngunit kabisado ni Ronron ang pigura nito.

Isa pa, mismong ang puso na nya ang nagsasabing si Angel ang nasa harap.

Lumakad sya palapit.

Pumwesto sa tabi ng dalaga.

Pinagmasdan ang malawak na taniman na syang pinagmamasdan din nito.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. " nakangiting bigkas ni Ronron.

Hindi tumugon ang kausap.

Naisip ni Ronron na maaring nahihiya ang dalaga kaya pinagpatuloy nya ang pagsasalita.

"Alam mo, dahil sa pagmamahal ko sa'yo, nagawa kong magpunta kahit na malayo itong bahay nyo. Okay lang naman kasi kasama ko si Rom. Syangapala, hindi pa kita napapakilala sa kanya. Pero pagpasensyahan mo na kung medyo pangit ang ugali nya ha ? Haha, ganyan talaga yan, pero maaasahan. " kwento nya.

Ngunit muli, walang tugon mula sa dalaga.

Napangiti ng kimi si Ronron.

Nakaramdam sya ng kaunting pagtatampo dahil nagmumukha na syang tanga na salita ng salita.

Nilingon nya ang dalaga.

Pero bigla syang nanigas sa nasaksihan.

Napuno ng sari saring katanungan ang isip ni Ronron.

"A-angel ? " tawag nya.

Nanlaki ang mga mata ng binata ng unti unting lumingon ang nilalang sa kanyang tabi.

Hindi.

Hindi ito ang kanyang katipan.

Mali ang kanyang tinabihan.

Isa itong bangkay.

Kalansay ng isang tao at hindi ang kanyang minamahal.

Sinubukan ni Ronron ang sumigaw.

Ngunit walang boses na namutawi sa kanyang bibig.

Eto na naman ang pakiramdam nuong minsang nanaginip sya na nilisan sya ng dalaga.

Nais nyang humingi ng saklolo ng mga oras na iyon.

Ngunit paano nya magagawa ? Kahit ungol ay hindi man lamang nya magawa.

Sinubukan nyang tumayo, ngunit tila pati ang kanyang mga paa ay natakot na sa nasa kanyang harapan.

Ayaw na nitong sumunod sa utos ng kanyang utak na tumayo at tumakbo palayo.

Ginalaw ni Ronron ang mga kamay.

Pero maging ito ay namanhid na sa takot.

Tinipon nya ang lahat ng lakas.

"G-galaw. Gumalaw ka !!. " sigaw ng binata sa isip.

Ngunit talagang ayaw sumunod ng kanyang katawan.

Hanggang sa bigla syang matigilan at napatingin sa nilalang na nasa kanyang harap.

Dahan dahan itong gumalaw.

Lumingon sa direksyon nya at unti unting lumalapit.

Napanganga si Ronron.

Sumigaw.

Nagwala.

Pero wala pa rin itong epekto.

Lumalapit pa rin ang nilalang.

Hanggang sa naisip nyang ibigay ang lahat ng kanyang lakas para sa isang huling sigaw.

"Hindeee !!!.. " ubod ng lakas na sigaw ni Ronron.

..

Napabalikwas ng bangon si Romeo ng biglang sumigaw ang nasa tabi nya.

Pagpihit nya sa kaliwa ay biglang nalaglag sya mula sa kama at lumagabog ang kanyang pwet sa sahig.

"A-aray nakup. Shit shit shit !. " reklamo ni Romeo.

Iinot inot syang muling umakyat sa kama.

Para lamang matigilan dahil nakanganga si Ronron at tila may tinatawag.

Nananatiling tulog ang binata.

Ungol ng ungol at pilit na pumipiglas kahit na natutulog.

Mabilis na nag isip si Romeo.

Inalog nya ang kaibigan.

"Pare, Ron, gising tangna ka. Binabangungot ka na !. " sigaw ni nya.

Ngunit patuloy pa rin sa pagpiglas si Ronron kahit na natutulog.

No choice si Romeo.

Tiim bagang nyang sinampal ang kaibigan.

..

Unti unting nalanta ang mga magagandang bulaklak sa paligid ni Ronron.

Pati ang malawak at asul na karagatan ay biglang naging itim.

Ang maliwanag na kalangitan ay nagdilim at unti unting nagkaroon ng bitak.

Isang makapanginig laman na kulog at makabasag pandinig na kidlat ang sumunod.

Napaatras sya.

Dahan dahan, hanggang sa unti unting bumilis ang kanyang paghakbang palayo sa nilalang na wala syang kaide ideya kung sino at ano.

Ngunit sa kanyang patuloy na paghakbang palayo, hindi nya napansin na pati pala ang malawak na taniman ng bulaklak ay nahati.

Hanggang sa muling gumuhit ang isang malakas na kidlat na tila naging awit sa kanyang unti unting pagbalusok pababa sa di walang hanggang dilim.

..

Unti unting dumilat ang mga mata ni Ronron.

Una nyang napansin ang kaibigang si Romeo na nasa kanyang ibabaw.

Nakataas ang isang kamay nito at tila handa na para sa isang malakas na sampal.

Napabalikwas sya ng bangon ng mapagtantong sasampalin nga sya ng kaibigan.

"R-rom ? " tawag nya.

Ngunit halos mayanig ang kanyang sistema ng ituloy ng kaibigan ang pagdapo ng palad nito sa kanyang pisngi.

Wala ng nagawa si Ronron kundi malukot ang mukha at haplusin ang parteng tinamaan ng sampal ng binata.

Kunot noo si Romeo sa kanyang tabi.

"Gising ka na ? " tanong nito.

Napatingin si Ronron.

Mukhang hindi lamang isang beses ginawa ng kaibigan ang makabasag eardrum nitong sampal.

Magrereklamo sana sya ngunit natigil iyon ng biglang bumukas ang pinto at iluwa ang ama ni Angel.

"Anong nangyari ? " tanong nito.

Nagtaka si Ronron.

Ganun ba kalakas ang sampal ni Romeo at mukhang umabot ang tunog nito hanggang sa labas ng silid ?.

Napatingin sya sa kaibigan.

Bumaba ito sa kama at sinalubong ang bagong dating.

"Wala Tito, mukhang ayos na sya. " sabi ni Romeo.

Lalong nagtaka si Ronron.

Di nya napigilang isaboses ang mga tanong sa kanyang isip.

"A-ayos ? B-bakit Rom ? Ano bang nangyari sa akin ? Bakit mo ko sinampal ? " sunod sunod na tanong nya.

Napatingin sa kanya ang dalawang lalaki.

Ang ama ni Angel ang sumagot sa kanyang katanungan.

"N-narinig kong may sumigaw, kaya nagmadali akong pumanhik dito. Sino ba sa inyo ? " tanong nito.

Tinuro ni Romeo si Ronron.

Lalong kumunot ang noo ng binata.

"A-ako ? Sumigaw ? " tanong nya.

Tumango si Romeo.

"Binabangungot ka kanina. Di ko alam kung magpapasalamat ako na nilaglag mo ako sa kama. Dahil don nagising ako at ginising kita. " nakasimangot na sabi nya habang hinihimas ang pwet.

Di maiwasang mapangiti ni Ronron pero bigla syang natahimik ng muling balikan ang napanaginipan.

"B-bangungot ? P-pero pare, nakita ko si Angel. " sabi nya.

Tila nacurious ang dalawang lalaki.

Lumapit ang mga ito.

Naupo sa tabi nya ang ama ni Angel habang si Romeo ay tumayo sa harap ng bintana at pinagmasdan ang tanawin sa labas ng bahay.

"Come on iho, tell me. A-anong nakita mo ? " tanong ni Angelo.

Napatingin si Ronron sa ama ng katipan.

Tila malaki ang itinanda ng mukha nito sa orihinal na edad.

"M-malawak na hardin, sa tapat ng isang asul na karagatan. N-nuon ko pa lamang pong nakita ang lugar na iyon. Pero parang ang payapa po ng pakiramdam. Nandun si Angel, nakatikod sa akin at nakaharap sa dagat. T-tumabi ako sa kanya, nakipagkwentuhan. P-pero pagtingin ko sa mukha nya. P-pagtingin ko. " di na naituloy ni Ronron ang dapat sabihin.

Bumuhos na ang emosyon na tila naipon sa kanyang kalooban.

Mahigpit na niyakap ni Angelo ang binata.

Ramdam nya ang sakit na nararamdaman nito ngunit wala syang magawa.

Bakit nga ba naman ?, eh pareho lamang silang nararamdaman ng binata.

Masakit pa rin ang kanyang kalooban.

Hanggang ngayon, tila isa itong sugat na nananatiling bukas at hindi na ata maghihilom pang muli.

At dahil sa pagdating ng binata, parang pakiramdam nya ay lalo pang lumala ang sugat na iyon sa kanyang puso.

Pero dahil din sa pagdating ng mga bagong kaibigan, nakahanap sya ng bagong karamay.

Karamay na pareho nyang nagdadalamhati sa paglisan ng mahal nila sa buhay.

..

Lumipas ang ilang minuto, muling nakatulog si Ronron.

Napatingin si Romeo sa kaibigan.

Banaag sa mukha nito ang pagod at sakit.

Imbes na gising, hinayaan na lamang nyang magpahinga ito.

Napatingin sya sa ama ni Angel.

Larawan ito ng kakisigan at katigasan, ngunit sa mga oras na ito, tila nabalutan ng ulap ang pagkatao ng lalaki.

Tila ito isang matayog na tore na gumuho sa isang iglap.

Napailing ang binata.

Muli nyang binaling ang tingin sa kanina pa pinagmamasdan.

Isang babaeng nakaupo sa upuan.

Tila walang malay sa nangyayari sa paligid.

Kumunot ang kanyang noo.

Maganda ang babae.

Pero tila may kung ano sa pagkatao nito ang pumupukaw sa kanyang kamalayan.

Ilang saglit pa, nawala ang atensyon ni Romeo sa tinitingnan ng makaramdam ng paggalaw.

Dahan dahang bumangon si Angelo at pinagmasdan ang tulog na si Ronron.

Hinaplos ang pisngi at masuyong kinumutan ang bagong kakilala.

Napangiti ng lihim si Romeo.

Muli nyang pinagmasdan ang babae sa labas ng bintana.

"Tito Angelo. " tawag nya.

Tumingin ang lalaki at marahang tumayo.

"Iho ? " tanong nito.

Tiim bagang na sinulyapan ni Romeo ang kausap.

"Alam kong hindi nyo pa kami kilala ng lubos ni Ronron, ngunit tinanggap nyo kami ng maluwag sa inyong pamamahay sa kabila ng katotohanang maaaring masasamang tao kami. " bungad nya.

Ngumiti si Angelo at tinapik ang balikat ng binata.

"I have lived my life long enough iho. Kaya ko ng sigurong malaman kung mabuting tao ba ang nasa pamamahay ko. " sabi nya.

Napangiti si Romeo.

Mabuting tao ang ama ni Angel sa kabila ng katigasang nakikita nya sa panlabas na anyo nito.

May kailangan syang malaman.

At iisa isahin nya ang impormasyon sa mga taong nakapaligid kay Angel.

"Tito, we came this far. Just for Angel. Pero hindi namin inakala na, na w-wala na sya. Believe me Tito, Angel and Ronron we're constantly talking to each other two weeks ago. " kwento nya.

Natigilan ang ama.

Napatingin sa binatang mahimbing na nakahimlay sa kama.

Bakas ang pighati sa mukha nito.

Nuon tila nagliwanag sa kanya kung bakit tila nagulat ang dalawang binata sa katotohanang tumambad sa kanila.

"H-how is that possible ? " tanong ni Angelo.

Maging si Romeo ay tila di alam ang isasagot.

"I really really don't know Tito. Pero may gusto po akong malaman. " sabi nya.

Napatitig sa kanya ang lalaki.

"A-ano yon ? " tanong ni Angelo.

Tumiim ang mga bagang ni Romeo at pinagmasdan ang natutulog na kaibigan.

"A-anong kinamatay ni Angel ? " tanong nya.

Natigilan si Angelo.

Bagama't alam nya ang kasagutan, tila ayaw na ng kanyang kalooban na alalahanin pa ang nakaraan.

Pero batid nyang hindi sasaya ang anak hangga't hindi sila nakikita nitong masaya.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Tinapik nya sa balikat si Romeo at marahang naglakad patungo sa pinto.

"Follow me. " aya nya sa binata at nagpauna ng lumabas.

..

"Romeo ? Pare ? " tawag ni Ronron.

"Nasa library sya sir, kasama ni SeƱor. " ang nasalubong na katiwala ang sumagot sa mga tanong nya.

Napakamot sa batok si Ronron.

"W-wag nyo na akong tawaging sir, Ronron na lang po. At isa pa, s-saan po yung library ? " tanong nya.

Ngumiti ang katiwala at minwestra ang isang direksyon.

"Dito ho. " sabi nito.

Sumunod si Ronron.

Saglit silang naglakad patungo sa isang pasilyo.

Hanggang sa huminto ito sa isang pinto.

"Dito. Kayo na ho ang bahala ha ? " tanong nito.

Ngumiti si Ronron.

"Salamat po. " sabi nya.

Ngumiti rin ang katiwala at nagpaalam na.

Naiwan si Ronron.

Inangat nya ang kamao para kumatok ng makarinig ng mumunting ingay.

Tila maliit na boses na tumatawag sa kanyang pangalan.

Sinantabi ni Ronron ang pagkatok.

Nagpasya syang sundan ang boses.

Diretso syang naglakad pabalik sa hagdan.

Paakyat.

Tila may sariling isip ang kanyang mga paa.

Konting lakad pa.

Hanggang sa makarating sa isang nakasaradong pinto.

Hindi pa ganuon kamanhid ang kanyang pag iisip.

Alam nya ang loob ng silid na ito.

Ito ang kwarto ni Angel.

Napalunok si Ronron.

Tumingin sya sa pasilyong pinanggalingan.

Nagtatalo ang isip kung babalik ba o ipagpapatuloy ang pagsunod sa nais.

Hanggang sa magwagi ang masidhing kagustuhan na masilayan ang silid na naging balwarte ng kanyang minamahal sa matagal na panahon.

Napangiti ng unti unti ang binata.

Hinawakan nya ang seradura at marahan itong pinihit.

Dahan dahan nyang binuksan ang pinto.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya.

Ngunit hindi lamang ito ang laman ng silid.

"Salamat sa pagpunta baby cake. " bati ng dalaga sa loob.

Lumawak ang ngiti ni Ronron.

Hinakbang nya ang paa para pumasok sa loob.

Ng makapasok ay wala sa loob na sinara nya ang pinto.

"Para sayo. " sagot ni Ronron.

Ngumiti ang dalaga.

Lalo itong gumanda sa suot na puting bestida.

Nakaupo si Angel sa gitna ng kama.

Binuka nito ang mga kamay.

"Payakap naman. " lambing ni Angel.

Napangiti si Ronron.

"Sure baby cake. " sabi nya at binuka rin ang mga kamay para ikulong sa mga bisig ang pinakamamahal na kasintahan.

..

Sa Library.

Sunod sunod na napalunok si Romeo sa nalaman.

Mahigpit syang napakapit sa upuan habang pinakikinggan ang salaysay ng ama ni Angel.

"Yun ang tanging nalalaman ko iho. " pagtatapos ni Angelo.

Napahinga ng malalim si Romeo.

Tila sasabog ang ulo nya sa sunod sunod na rebelasyon.

Hindi nya lubos maisip na nangyayari pala sa totoong buhay ang ganito.

Ang akala nya ay sa mga telenobela lamang at sa pelikula nagaganap ang ganitong tagpo ngunit nandito sya ngayon, nasa isang pamilya, nasa isang sitwasyon na kahit ang mataba nyang utak ay nahihirapang iproseso ang lahat ng datos na patuloy na dumarating.

Niyakap ni Romeo ang sarili.

Hindi sa takot, kundi sa pinaghalong dismaya at awa.

Para sa mga taong nakapaligid kay Angel.

"T-tito, may ginawa ho ba kayo para imbestagahan ang pagkamatay ng anak nyo ? " lakas loob na tanong nya.

Napangiti ang may edad na lalaki.

Sumandal ito sa swivel chair at hinilot ang sentido.

"Ilang batikang detektib na ang inupahan ko. Para lamang lutasin ang kaso sa pagkamatay ng anak ko, ngunit lahat sila ay bigo. " tila pagod na salaysay nito.

Umangat ang tingin ni Romeo.

"Tito, sa tingin ko kilala nyo ang tatay ko. Si Primero Di Carprio. " sabi nya.

Napatango si Angelo.

"Yes iho, habang natutulog kayo kanina, nag imbestiga ako. I have my connections pa rin naman kahit papaano. Sana wag kang magalit sa ginawa ko. " sabi nito.

Umiling si Romeo.

"No Tito, not at all. Pero yung pinsan ng tatay ko. Isa syang magaling na detektib. Matutulungan nya tayo. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Angelo.

"Sino ? " tanong nito.

"Si Jack Valentine, tyuhin ko ho sya. " pag amin ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Angelo.

"T-talaga ? May pinsan si Primero ? " tanong nya.

"Yes Tito, at maaari nya tayong tulungan. Isang tawag ko lang kay Uncle Gus at - " natigila nag pagsasalita ni Romeo ng makarinig ng katok.

Mabilis syang tumayo.

"Ako na ho. " sabi nya.

Binuksan ni Romeo ang pinto at tumambad sa kanila ang nag aalalang mukha ng katulong.

"Anong kailangan mo Miling ? " tanong ni Angelo.

"S-sir, si Ma'am ho. U-umiiyak na naman. " imporma nito.

Mabilis na tumayo si Angelo.

"Nasan sya ? " tanong nito.

"N-nasa tapat ho ng pinto ng kwarto ni S-senyorita. " sagot ng katulong.

Mabilis na kumilos si Angelo.

Nilampasan nya si Romeo at dire diretso sa ikalawang palapag ng bahay.

Agad namang sumunod si Romeo sa lalaki.

Patakbo syang umakyat sa hagdan at naabutan nya ang ina ni Angel na nakahandusay sa sahig.

Mahigpit na niyakap ni Angelo ang kabiyak.

"Mahal ko, ano bang ginagawa mo dito ? " masuyong tanong nya.

Tila batang nakakita ng kakampi ang babae at yumakap sa asawa.

"S-si Angel, parang masaya sya. Masaya ang anak mo Angelo. " sabi nito.

Napangiti ng masuyo ang ama at pinangko ang kabiyak.

"Sshhh, syempre. Nakita siguro nya kanina na inubos mo yung pagkain mo. Talagang sasaya ang anak mo sa ginawa ng Mommy nya. Di ba sabi ko naman sa'yo ? " kwento nya.

Nabaghan si Romeo sa nakikita.

Nakaramdam sya ng hindi masukat na pagmamahal sa katauhan ng mga magulang ni Angel.

"T-tito, saan ho ang room nyo ? " tanong nya.

Ngumiti si Angelo at nginuso ang isang silid.

Agad na lumapit si Romeo at binuksan ang pinto.

Pumasok ang mag asawa.

Masuyong binaba ni Angelo ang asawa sa kama at hinaplos ang pisngi nito.

"Kaya dapat, magpapalakas ka ha ? Para lalo mong mapasaya ang anak mo. " sabi nya.

Tumango tango ang babae.

"Aalis ka ? Dito ka lang ? Wag mo kong iwan ha ? Para hindi na magalit ang anak mo. Ayaw nya kasing nakikitang nag aaway ulit tayo eh. " sabi nito.

"Oo naman, hindi na tayo mag aaway. Mamahalin kita hanggang sa dulo mahal ko. Hindi ito para sa anak mo, kundi para sa pagtupad sa sinumpaan ko ng ikasal tayo. " nakangiting sabi ni Angelo.

Napangiti ng maluwang ang babae.

Parang batang nagsumiksik ito sa dibdib ng asawa at pinikit ang mga mata.

Masuyo namang niyakap ni Angelo ang kabiyak.

..

Marahang pinunasan ni Romeo ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata.

Tila bigla nyang namiss ang mga magulang sa nasaksihang tagpo.

Base sa ikinwento ng ama ni Angel, madalas daw itong magtalo nuon. Dahil na rin sa laging abala sa negosyo ang lalaki.

Hindi na raw nya maharap ang mag ina at ito ang nagiging mitsa ng lagi nilang pagtatalong mag asawa.

Ngunit nuon iyon.

Lumipas na ang panahon na naging pabayang asawa si Angelo.

Binawasan na ng lalaki ang negosyo nito at namalagi na lamang sa piling ng mag ina.

At hindi naman daw nagsisi ang lalaki.

Nakita nito ang kahalagahan ang pamilya ng makasama nito ang kabiyak at ang anak.

Hanggang sa tila napansin daw ni Angelo na may problema si Angel.

Naging tahimik ang dalaga.

Nagsimulang magkulong sa kwarto na parang may mabigat na dinadala.

Napansin din ng mag asawa na tila nahulog ang katawan ni Angel.

Pumayat ito at nanlalalim ang mga mata.

Kapag tinatanong naman nila ang dalaga, lagi itong umiiwas.

Nagkukulong sa silid at nagbabantang hindi kakain.

Pinalipas ng mag asawa ang mga katanungan.

Dumating ang araw na akala nila ay magpapabalik sa kasiyahan ng anak.

Inaya daw ito ng mga kaibigan na mamasyal sa tabing dagat kung saan naruon ang rest house nilang pamilya.

Agad na sumang-ayon ang mag asawa.

Bakit nga ba naman hindi ? Maaaring magpabalik ito sa dating sigla ng anak.

Kaya agad silang pumayag dagdag pa na kasama nito ang mga malalapit na kaibigang babae.

Pero hindi nila naisip na iyon na pala ang huling sandali na masisilayan nila ang anak.

Natagpuan si Angel na walang buhay sa ilalim ng bangin.

..

Pinilig ni Romeo ang ulo.

Tila sumakit ang kanyang sentido sa dami ng mga impormasyong naglalaro sa kanyang utak.

Sunod sunod na tanong na kapag sinasagot nya ay napapalitan pa ng mas maraming tanong.

Napahinga sya ng malalim.

Kinalma nya ang sarili at nag isip ng mas tamang solusyon sa mga ganitong problema.

Tinandaan nya ang laging sinasabi ng ama nuong bata pa sya kapag nasusuot sa mga ganitong mahihirap na desisyon.

Lagi nitong sinasabi na umatras muna ng ilang hakbang, para makita nya ang mas malaking imahe.

Walang mangyayari kung makikipag siksikan sya sa crime scene, matuto daw dapat syang magmasid ng tahimik.

Para walang istorbo.

Para walang kumplikasyon.

Mas madali at mas epektibo.

..

Napangiti si Romeo.

Dahil sa matamis na samahang nakikita nya sa mga magulang ni Angel, naalala nya tulog ang ama't ina.

"Tawagan ko nga yung mga gurang. " biro nya sa sarili na ang tinutukoy ay ang sariling mga magulang.

Kinapa nya ang bulsa, pero wala ang cellphone.

Nuon nya naalala na nasa bag nga pala ito.

Sinulyapan ni Romeo ang magkayakap na magulang ni Angel, bago nagpasyang tahimik na lumabas ng pinto at marahan itong isara.

Nagtungo sya sa silid na pinaokupa ni Angelo sa kanilang magkaibigan.

Tamang pagkakataon na rin ito para kamustahin si Ronron.

Baka binabangungot na naman ang kanyang kaibigan.

Pagpihit nya ng pinto ay kumunot ang noo ng binata.

"Nasan ka na namang ungas ka ? " tanong ni Romeo sa sarili.

Wala si Ronron sa silid.

Dahil sa pag aalala, sinara nya ang pinto at mabilis na bumaba sa hagdan.

"A-ahm, psst. Nakita mo si Ronron ? " tanong ni Romeo sa babaeng una nilang nakita ng tumuntong sila sa bahay na ito.

Sumimangot ang katiwala.

"Di psst ang pangalan ko. Grace !. " pagtatama nito.

Pinigilan ni Romeo ang mainis.

"Oh sige na, Grace na kung Grace, nakita mo ba si Ronron ? Yung kasama ko ? " tanong nya.

Tinuro ni Grace ang library.

"Teka, hinatid ko sya sa library kasi hinahanap ka nya. Di kayo nagkita ? " takang tanong nito.

Nag troll face si Romeo.

"Kung nakita ko ba , itatanong ko sayo ? " pang aasar nya.

Pero nagulat si Romeo ng mag troll face din ang babae.

"Eh kung upakan kita ? " banta nito.

Imbes na mainis, napangisi pa si Romeo.

Natulala ang babae.

"Oh loko, eh di natuklaw ka rin ng charms ko ? " sabi ni Romeo sa sa isip.

Tila natauhan si Grace at sinimangutan si Romeo.

"Hmmp, dyan ka na nga. Kala mo gwapo. " sabi nito at mabilis na nagsuot kung saan.

Natawa na lang si Romeo.

Pero natigilan sya ng maalala si Ronron.

Lumabas sya ng bahay at nag ikot ikot para hanapin ang kaibigan.

Hanggang sa mapagod at maasar.

Tumingala si Romeo.

Para lamang matigilan ng maaninag ang isang pigura sa isang silid.

"R-ronron ? " takang tanong nya.

Mabilis na tumakbo si Romeo papasok sa bahay.

Diretso syang umakyat sa ikalawang palapag.

Naabutan nya pang marahang lumalabas ng silid si Angelo.

"Oh iho, bakit ka humahangos ? " tanong ng lalaki.

Di sumagot si Romeo.

Binuksan nya ang silid na ginagamit nila ni Ronron at bilinang ang bintana.

"Tatlong binata sa isang kwarto, nasa ikaanim si Ronron. M-meaning, nasa kwarto sya ni Angel. " wala sa loob na sabi nya.

Narinig ito ni Angelo at mabilis na pinuntahan ang silid ng anak.

Ngunit sa kasamaang palad ay nakalock ang pinto.

"P-paano syang nakapasok ? Iisa lang ang susi dito at hawak ko to. Iniwan kong nakalock itong kwarto kanina bago tayo magpunta sa library. " takang tanong ni Angelo.

"W-wag na po kayong magtanong, pakibuksan po. " utos ni Romeo.

Agad na tumango ang lalaki at kinapa ang bulsa sa pantalon.

"Shit !, nasa desk ko sa library. Saglit lang iho. " sabi nito.

Tila bumata ang lalaki at maliksing tumakbo.

Kinatok ni Romeo ang silid.

"P-pare, a-alam kong nandyan ka. P-pakibuksan mo naman itong pinto oh. G-gusto ko ring makapasok dyan. " pang uuto nya sa kaibigan.

Ngunit walang sumasagot.

Dinikit ni Romeo ang tenga sa pinto.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Narinig nyang nagsasalita si Ronron na tila may kausap.

Napalunok sya.

Nagsimulang kabahan.

"T-tito Angelo !. " sigaw ni Romeo.

Humahangos na pumanhik si Angelo.

"E-eto na iho. " abot nito sa bungkos ng susi.

"Tito !, hindi ko alam kung alin dito !. " tarantang sabi ni Romeo.

Inagaw ni Angelo ang mga susi at hinagilap ang para sa silid ni Angel.

Dahil sa taranta, nahirapan syang hanapin ang susi.

Pero bigla silang natigilan ng makarinig ng pagclick ng lock.

Unti unting bumukas ang pinto.

Tumambad sa kanila ang nakangiting si Ronron na tila galing sa isang masayang panaginip.

Dire diretso itong naglakad palabas na parang hindi sila nakikita.

"P-pare ? " tawag ni Romeo.

Ngunit tila walang narinig si Ronron.

Hinarang ni Romeo ang kaibigan.

Pero hinawi sya nito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hagdan.

Hanggang sa mainis si Romeo at pinigilan nya sa braso ang kaibigan.

"Ron !. " sigaw ni Romeo.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Pare bitawan mo ko. Baka maiwan ako ni Angel " sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ni Angelo at Romeo.

Nagkatinginan sila.

"Iho, saan ka pupunta ? " tanong ni Angelo.

Napatingin si Ronron sa ama ni Angel at ngumiti.

"Sa Nirvana po. Nauna na si Angel don, sumunod na lang daw ako. " sabi ni Ronron.

Nanlaki ang mga mata ni Angelo.

Pumiglas si Ronron sa pagkakahawak ni Romeo at ngumiti.

"Ay, nakalimutan ko. Dalhin ko nga pala daw yung phone nya. " sabi ni Ronron at muling bumalik at pumasok sa silid ni Angel.

Napansin ni Romeo na tila nanginig si Angelo.

"T-tito ? B-bakit po ? " tanong nya.

Umangat ang tingin ni Angelo sa binata.

"Ang Nirvana na sinasabi ni Ronron ay ang paboritong lugar ng anak ko. " sabi nya.

"Ah ganun ho ba ? B-bakit parang natatakot kayo ? " tanong ni Romeo.

Niyakap ni Angelo ang sarili.

"H-hindi ko alam Romeo, pero may kutob akong hindi maganda. Sa N-nirvana natagpuan si Angel. Wala ng buhay. P-paano nalaman ni Ronron ang pangalan ng lugar na iyon ? " tanong nito.

Napalunok si Romeo.

Natameme.

Walang maisagot sa tanong ng lalaki.

..

Ilang saglit lang ay nakangiting lumabas ng silid ni Angel si Ronron.

Bitbit sa kamay ang isang cellphone na nuon lamang nya nakita.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Angelo.

"P-paano mong nakita yan ? N-nakalock ang drawer ng mga gamit ng anak ko !. " sambit nya.

Ngumiti si Ronron.

"Binigay ni Angel, Tito. Sige po at susunod na ako sa kanya. " sabi nya.

Pero hinarang ni Romeo ang kaibigan.

"Hindi ka aalis pare. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Pare, wag kang KJ. Magagalit ako sayo eh. " sabi nya.

Ngunit hindi natinag si Romeo.

"Hindi !. " mahinang sabi nya.

Nanlisik ang mga mata ni Ronron.

Nawala ang mahinahong mukha.

Tinabig nya ang kamay ni Romeo at pilit na inaalis sa daan.

"Pare !, putsa. Umalis ka dyan !. " sigaw nya.

Narinig ng ilang kasambahay na tila may nagtatalo sa ikalawang palapag ng bahay.

Nakita nilang nagpapambuno sa bukana ng hagdan ang dalawang binata.

"Kapag sinabi ko, sinabi ko. Walang makakabali ng sinabi ko na. " matigas na pahayag ni Romeo.

Napangisi si Ronron.

"Huh ? The mighty Romeo ? Tangina mo pare. Di mo ko mapapasailalim sa kalokohan mo !. Ginagawa mong tau - tauhan ang lahat ng nakapaligid sayo ! Hindi mo lang alam pare, hindi ka na sinusunod ng tatlong alas. Wala ka pare, wala ka !. " dinutdot ni Ronron ang dibdib ni Romeo.

Ngunit imbes na gumanti, nanatiling kalmado ang binata.

Nainis si Ronron.

Buong pwersa nyang tinulak ang kaibigan.

Napasigaw ang mga tao ng mawalan ng balanse si Romeo at dire diretsong nahulog sa hagdan.

"Romeo !. " sigaw ni Angelo.

Mabilis nyang nilampasan ang tulalang si Ronron at sinaklolohan ang binata.

Pero nagulat si Angelo ng tumayo si Romeo at pinagpag ang pwet.

Muli syang umakyat para harapin ang kaibigan.

"Hindi ko tau - tauhan ang Kwadro Alas. Mga kapatid ko sila. Laitin mo na ako at ang buong pagkatao ko. Wag lang ang mga mahal ko. " gigil na sabi nya at biglang inundayan ng malakas na suntok si Ronron.

Tumalsik sa pader ang binata.

Tumilapon sa malayo ang cellphone na hawak nito.

Dahil sa lakas ng suntok ni Romeo, agad na umagos ang dugo sa bibig ni Ronron.

Ngunit imbes na maawa, parang sinaniban ng demonyo na hinawakan nya sa kwelyo ang kaibigan at sinalya sa pader.

"MAKINIG KA !. " sigaw ni Romeo.

Tulalang napatitig si Ronron sa galit na kaibigan.

"P-pare. " takot na sabi nya.

Unti unting kumalma si Romeo.

Ngunit ang galit ay nasa mukha pa rin nya.

"Hindi ako nagagalit sa ginawa mo sa akin pare, kundi sa ginagawa mo sa sarili mo. " saad nya.

Natigilan si Ronron.

Tila nanuot sa kanyang sistema ang sinasabi ng kaibigan.

"Tinawagan mo ako sa kalagitnaan ng tulog ko. Nakarinig ka ba ng reklamo ? " tanong ni Romeo.

Marahang umiling si Ronron.

"P-pasensya na pare. " sabi nya.

Tumango si Romeo.

"Walang kaso sa akin pare, kahit na hindi pa ako kumakain, kahit na naliligo ako, kahit na natutulog ako !. Kaibigan kita, isang tawag nyo lang sa akin, darating ako. Pero masakit na sabihin mo sa mukha ko na ginagawa kong lang tau tauhan ang mga kapatid ko. Hindi totoo yan pare, at alam ng tatlong alas yan. Kaya kong isugal ang buhay ko mailigtas ko lang kayo. " madiing sabi nya.

Naiyak si Ronron.

"P-pare, alam ko. Alam ko pare, patawarin mo ko. " humahagulgol na sabi nya.

Unti unting nakalma si Romeo.

Alam nya sa sarili na hindi si Ronron ang nagsasalita kundi ang galit na nasa puso nito sa pagpipilit nitong iwasan ang katotohanan.

At ang katotohanang iyon ang magiging susi para muling bumalik sa dati ang kaibigan.

"Pare, makinig ka. At gusto kong makinig kang mabuti !. " sabi ni Romeo.

Tumango si Ronron.

Dahan dahang binatawan ni Romeo ang kwelyo ng kaibigan.

"Hindi aksidente ang pagpunta mo dito. May dahilan ang lahat. At alam kong alam mo na kung ano yon. " sabi nya.

Napalunok si Ronron.

"P-pare. Si A-angel. " sabi nya.

Muling sinalya ni Romeo sa pader ang kaibigan.

"Wala na si Angel. Tanggapin mo ang katotohanan. Kinakausap ka nya hindi para maging miserable. Alam mo ba kung bakit ka nya kinontak ? " tanong nya.

Marahang tumango si Ronron.

"Gusto nyang tulungan natin sya. " sabi nya.

Umiling si Romeo.

"Wala akong kinalaman sa inyo. Nandito ako para sa back-up mo. Ikaw ang dapat na lumutas kung bakit sya namatay. Hindi aksidente ang pagkamatay ni Angel pare. Pinatay sya !. " giit nya.

Napanganga si Angelo na kanina pa pala nakikinig sa dalawa.

"R-romeo ? " tanong nya.

Tumango si Romeo.

Tinitigan nya ang ama ni Angel.

"Yes Tito, hindi aksidente ang lahat. Si Ronron ang magiging tulay para sa ikakapanatag ni Angel. At ikaw namang gago ka, wag mong ipakita sa kanya na mahina ka. Labanan mo ang lungkot pare. Pakawalan mo sa pighati ang mga naiwan ni Angel. Lutasin mo ang misteryo ng pagpanaw nya. Alam kong kaya mo to. " bulong ni Romeo.

Natulala si Ronron.

Di nya akalain na set up ang lahat.

Napatingin sya sa ama ni Angel.

Bakas sa mukha nito ang pighati sa pagkawala ng anak.

Sukat duon, mabilis syang nagpasya.

"Pare, alam ko na ang purpose ko sa pagpunta dito. " sabi nya.

Tumango si Romeo.

Niyakap ni Ronron ang kaibigan.

"P-patawarin mo ako sa mga nasabi ko pare. " taos pusong sabi nya.

Tumango si Romeo at tinulak ang kaibigan.

Nagtaka si Ronron.

"P-pare ? G-galit ka pa ? " tanong nya.

Umiling si Romeo at mabilis na pinunasan ang damit.

"Favorite shirt ko to, nabahiran ng sipon mo. Gago. " saad nya.

Napanganga si Ronron at Angelo.

Pero bigla silang bumunghalit ng tawa sa sinabi ng binata.