Karanasan ko nung first year college ako:

8am, excited ako noon sa aking unang klase, human resource management, isang subject sa aking kurso na Behavioral Science. Pag ring ng bell, sabay kaming mga mag-aaral na pumasok sa aming classroom. Dahil unang araw, medyo kabado ako. Pagpasok ng titser namin ay sabay kaming nagsitayo upang batiin siya. “Good morning Ma’am Nebres!” “Good morning everyone”! Una kong narinig ang magandang boses ng titser namin. Diretso niyang ini-introduce ang subject namin at walang pasikot-sikot sa kanyang pagpapaliwanag at sinabayan kaagad ng pagtatanong: What are the four functions of management? Dahil nag advanced study ako, mabilis akong nag volunteer: The four functions of management Ma’am are the following - Planning, Organizing, Leading & Controlling.

Mangha si Ma’am na nakasagot ako ng tama at nakarinig kaagad ako ng “very good” galing sa kanya. Kinuha niya ang name ko at may sinulat sa kanyang index card. Napabilib ako sa galing ni Ma’am na magturo. Kuhang kuha niya ang attention naming lahat. Walang dull-moment. Lahat kami nakatunganga at nakinig lang sa kanya. Dahil lahat kami ay nakatingin lang sa kanya, unti unti kong napansin ang kagandahan ni Ma’am. May tagong kaseksihan si Ma’am, balanse ang figura ng mukha, may konting lipstick ang mga labi, matangos ang ilong, makinis ang pisngi, at katamtamang laki ng suso na aninag sa kanyang suot na puting blusa.  Siya yung tipong sa unang tingin ay parang di mo mapansin. Pero pag nagsalita na siya at mapakinggan mo, mapatingin ka sa kanya at dun mo makita ang kagandahan niya.

Masugid ang tingin ko kay Ma’am, parang inusisa ang lahat ng detalye ng kanyang anyong pisikal. Malinis ang pangangatawan ni Ma’am. Halatang alagang alaga ang sarili. Naengganyo akong malaman kung dalaga pa ba si Ma’am.

“Goodbye Ma’am Nebres”! 

Sabay nagsilabasan ang klase namin. Nagpahuli akong lumabas ng classroom. Nilapitan ko si Ma’am.

“Ma’am, tulungan ko na po kayo diyan sa mga gamit ninyo.” 

Tumingin si Ma’am sa’kin at ngumiti.

“Oh thank you but don’t worry, I’m good.” 

“Sige na po Ma’am, bitbitin ko na po, mamaya pa naman klase ko.”

“Ok just get these…thank you.”

Habang naglalakad kami sa hallway ay tinanong niya ang buo kong pangalan at kong taga-saan ako. Mino-motivate din niya akong mag-aral ng mabuti. Pinuri ko rin si Ma’am dahil sa galing niyang magturo. Sinabi ko rin na mag-aral ng mabuti dahil na inspire ako sa klase niya. Nasa tapat lang ng building naka park ang kotse niya kaya mabilis kaming nakarating dun.

“Ok just put it there”.

“Opo Ma’am”.

Pagkalagay ko sa mga bitbit ko ay nagpapaalam na ako kay Ma’am.

“Sige po Ma’am. Ingat po kayo sa pagmaneho.”

“Oh sure, thank you. What time is your next class?”

“10:30 pa po Ma’am.”

“9 o’clock pa. Gusto mong mag snacks? Sumabay ka na.”

Para akong sinilaban sa saya nang niyaya niya ako. Mabilis akong umuo at sumakay sa kotse. Pumasok na sana ako sa likod pero sinabihan niya akong ‘wag ko naman siyang gawing driver kaya dun na ako umupo sa passenger’s seat katabi niya.

Kahit malamig sa loob ng kotse ay medyo pinapawisan dahil di ko alam kung anung sasabihin. Kinausap ako ni Ma’am kaya medyo na relax ako. Ramdam ko kasi ang kabaitan ni Ma’am. Marami na siyang tinanong sa’kin tungkol sa mga kapatid at parents ko. Pumarada kami sa may Wendys at dun na kami nag-snacks. Habang kaharap ko si Ma’am ay di ko maiwasang makasulyap sa dibdib niya lalo na’t medyo ma loosen ang blusa niya aninag ang makinis niyang dibdib. Mas lalo kong nasilayang ang kagandahan ni Ma’am. Maganda nga siya. Pero di ako nagpapahalata.

“How about you Ma’am. Kumusta naman po ang pamilya ninyo?” 

“Nasa probinsiya ang parents ko. When I started working here, dito na ako nakatira with my daughter.” 

“Ah ganun po. Siguro manang mana sa’yo ‘yung anak mo, maganda rin.”

“She’s still two.” 

“Ang swerte naman po ng asawa ninyo Ma’am, kasi maganda po kayo at matalino.”

“Really? You think so? Well, nasa Cavite siya at ako dito sa Manila. May konting di pagkakaintindihan.”

Nahalata kong ayaw niyang pag-usapan. Nakuha ko agad ang ibig sabihin ni Ma’am kaya di ko na tinuloy ang paksa na iyon. Iniba na namin ang usapan. Makwento si Ma’am kaya nagging panatag na rin akong magkwento sa kanya. Sa 45 minuto naming pag-uusap ay marami na kaming nalaman tungkol sa isa’t-isa.

Ganun na ang routine ng M,W,F classes ko. Palagi akong highest sa quizzes niya at nakakasagot sa mga tanong niya. Na challenge rin siya sa mga tanong ko sa subject namin. Pagkatapos ng klase, naging routine na naming magkasabay mag-snacks at masayang mag-usap ng maraming bagay. Puro intellectual discussions ang usapan namin kaya marami akong natutunan kay Ma’am. Hanggang umabot sa puntong, pinasabay na ako ni Ma’am sa apartment niya upang ipakilala sa’kin ang anak niya.

Nakapunta ako sa apartment ni Ma’am sa unang pagkakataon pero meron din akong di magandang karanasan.  Pagdating naming, malugod akong pinapasok at hinandaan ng meryenda. Maya’t maya ay lumabas ang yaya at karga ang anak ni Ma’am at pinakilala sa’kin. Dahil 2 years old pa lang siya, ngumiti lang ito sa’kin.

Habang nakaupo ako sa couch at nandun sa loob ng kwarto si Ma’am upang magbihis, biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang mama na may kalakihan ang katawan at medyo kulot ang buhok.  Matalas ang tingin sa’kin at nagtanong kung sino ako. Sinabi ko naman na estudyante ni Ma’am. “Ah ikaw pala!” Pagalit niyang sabi. Medyo kinabahan ako pero na touch din ang pride ko.  Lumabas ang yaya at sinabing “Hi, kuya Raul”!  Pumasok ang lalaki sa kwarto ni Ma’am. Sinabi ng yaya sa’kin na yun ang asawa ni Ma’am pero higit isang taon na silang di nagsama pagkatapos manganak ni Ma’am. Narinig namin ang sagutan nila sa loob ng room. Biglang lumabas ang lalaki at pinauwi ako. Medyo embarrassing pero para iwas-gulo ay umalis na akong di nakapagpaalam kay Ma’am.

Balisa ako at di makatulog ng gabing yun. Nakaramdam ako ng selos at galit dun sa asawa ni Ma’am. Para kasi akong nainsulto. Nag-research ako sa phone directory at tumawag dun sa apartment ni Ma’am. Matagal na nag-ring ang phone pero walang sumagot. After one hour, tumawag ako ulit. Si Ma’am ang nakasagot.

“Who’s this?” 

“Ako po ito Ma’am. Di kasi ako nakapagpaalam kanina kaya medyo nag-aalala po ako.” 

“Oh I’m sorry, buti naman tumawag ka. Wala kasi akong means to reach you. Are you ok?” 

“Yes po Ma’am, worry nga po ako sa inyo. Ok lang po kayo Ma’am?” 

“Yes, I’m good. We can meet and talk tomorrow.”

Masayang  masaya ako at excited para sa feeling kong ‘unang date’ namin ni Ma’am.  Sabi pa niya, dun raw kami sa magandang kainan.