KABANATA 1

THIRD PERSON POV

Isang munting salu-salo ang nagaganap sa bakuran ng mag-asawang Laguarte.

Kaarawan ni Rob at inimbitahan niya ang mga magulang na pumunta sa bahay niya at ng kanyang asawang si Callie para dumalo sa isang munting kainan kung saan ang lahat ng handa ay gawa ng kanyang maybahay na si Callie.

Naroon din ang kanyang step-brother na si Santi at ang kanyang sister-in-law na si Mitchie. Inimbitahan niya rin ang kanyang best friend na si Waldo. Ang nag-iisang ninang ng kanyang anak na si Olive ay inimbitahan naman ng kanyang asawa.

Rob: Tikman mo itong chocolate cake na gawa ni Callie, Papa. Siguradong masasarapan ka. One of the best.

Inabutan ni Rob ng isang platitong cake ang ama. Proud na proud siya sa galing sa pagluluto ng kanyang pinakamamahal na asawa.

Samuel: Hindi ba 'yan masyadong matamis, hijo? Hindi na maganda sa kalusugan ko ang mga pagkaing matatamis.

Three months ago nang ma-diagnose na may diabetes ang ama ni Rob. Sa ngayon ay nasa bahay na lamang nila ito at tanging ang kanyang inang si Sunday ang namamahala ng kanilang mga restaurants.

Rob: Minsan lang naman ho, Papa. Hindi ko po kayo pipilitin kung ayaw niyo po.

Sunday: Huwag mo nang ipilit ipakain sa ama mo 'yan, Rob. Maselan na siya sa mga pagkain ngayon. Hindi na siya pwede kumain ng kung anu-ano basta-basta.

Callie: Oo nga naman, Hon. Baka makasama pa kay Papa? Ialok mo na lang kay Waldo. Mukhang kanina pa siya takam na takam diyan.

Nagtinginan ang lahat sa best friend ni Rob na mukhang naglalaway na sa chocolate cake. Nagtawanan ang iba sa kanila.

Rob: Grabe ka, pare. Parang gusto mong lamutakin itong cake ni Callie. Hindi lang para sa 'yo ito, uy!

Waldo: Alam mo namang favorite ko lahat ng home-baked cakes and sweets ng misis mo, pare. Bakit kasi hindi na lang itong si Callie ang magluto sa mga restaurants niyo? Panigurado mas lalakas pa ang negosyo niyo. 'Di ba, Tito Samuel? Tita Sunday?

Rob: Para namang hindi mo kilala ang asawa ko. Mas gusto niya ang sumasali sa mga outreach programs kaysa gugulin ang buong araw sa pagkita ng pera. Kaya nga mahal na mahal ko ito.

Inakbayan ni Rob si Callie at hinalikan sa pisngi sa harap ng lahat ng bisita.

*mwah*

Namula naman si Callie at siniko ang matigas na tiyan ni Rob.

Callie: Bolero!

Mavie: Ang sweet nila Daddy at Mommy!

Nagtawanan ang ibang bisita sa biglaang pagsasalita ni Mavie na kanina pang nilalantakan ang maja blanca ni Callie.

Sunday: Ang cute talaga ng apo ko. Manang-mana sa kanyang Lola.

Samuel: Paanong magmamana 'yan sa 'yo? Eh, palagi kang nakasimangot.

Biglang napataas ang kilay ng ginang sa kanyang asawa at umirap ito.

Nilapitan ni Rob ang ina at niyakap sa leeg mula sa likod.

Rob: Of course, Mama. Sa iyo talaga magmamana si Mavie pagdating sa ka-cute-an.

Tinapik ni Sunday ng kanyang hawak na pamaypay ang kanang bisig ni Rob na nakapulupot sa kanyang leeg.

Sunday: Tama nga ang asawa mo. Bolero ka talaga, hijo.

Mitchie: This is so boring.

Napalingon ang lahat kay Mitchie. Kanina pa ito nakatutok sa screen ng cellphone nito. Hindi umaangat ang ulo nito para makipagkwentuhan sa kanila. Sanay na si Rob dito. Hindi niya gusto ito para sa kanyang kapatid dahil unang-una ay napakawalang-modo nito. Wala rin itong masyadong respeto sa kanyang mga magulang. Pero pinapakisamahan niya ito dahil asawa ito ng kanyang kapatid.

Nakanguso ang mapupulang labi nito habang kung anu-ano ang kinakalikot sa cellphone nito. Parang walang tao sa kanyang paligid at tanging ang cellphone lamang nito ang nag-e-exist.

Santi: Eat your food, Mitchie.

Tiningnan lang ni Mitchie ang asawa nito bago muling ibinalik ang paningin sa screen ng monitor nito.

Nagbuntung-hininga na lamang si Santi. Napailing naman si Rob.

Bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Callie si Rob. Nagsimula siyang magkwento tungkol sa teacher ni Mavie.

Rob: Alam niyo ba, Papa, Mama, na hindi gusto ni Callie ang teacher ni Mavie?

Biglang napalingon si Callie kay Rob.

Callie: Rob...

Rob: Kahit i-deny mo, Hon, nararamdaman ko kapag kinukwento mo ang teacher ni Mavie ay ayaw mo rito. Hindi ko pa man siya nakikita ay parang nakikita ko ng napakasungit niyang guro.

Sunday: Why is that, Callie?

Napatingin si Callie sa biyenan.

Callie: Uhm... Nagbibiro lang po si Rob, Mama. Okay po ako sa teacher ni Mavie. Minsan lang talaga ay masyado siyang strict.

Napayuko si Rob na tatawa-tawa. Siniko ito ni Callie.

Sunday: That's their job, hija.

Callie: I know, Mama.

Mula sa peripheral vision ni Rob ay kitang-kita niya ang pagyuko ng ninang Olive ni Mavie sa ilalim ng mesa. Nang umangat ito mula sa pagkakayuko ay may iniabot ito sa kanyang best friend na si Waldo. Mabilis itong kinuha ni Waldo mula sa nakakuyom na kamay ni Olive. Para itong manipis na tela. Ngiting-aso naman ang kaibigan niyang si Waldo.

Iniisip ni Rob kung ano ang pulang telang iyon.

----------

Sa apartment ng magkaibigang Roxy at Fiona...

Fiona: Kumusta naman ang pagtuturo mo, best friend?

Nagkibit-balikat si Roxy.

Roxy: Medyo boring. Makukulit ang mga bata. Pero natutuwa ako sa isa kong estudyante. Matalino siya. Parang ako.

Nag-flip hair pa si Roxy na ikinatawa ng kaibigan.

Fiona: Talaga lang, ha? Baka anak 'yan ni Callie, ha?

Napaismid si Roxy.

Roxy: Siya nga. Pero huwag na natin 'yon pag-usapan. 'Yong bago mong boyfriend ang pag-usapan natin. Si Waldo. Kumusta siya?

Fiona: Alam mo naman kung bakit ko ginawang boyfriend 'yon, 'di ba? Iba ang totoong target ko.

Roxy: 'Yong kaibigan niya.

Fiona: Yeah. Tingnan mo ito. Sobrang hot!

Sumilip si Roxy sa monitor ng laptop ni Fiona. Kitang-kita niya ang lalaking naka-topless. Tanging board shorts lamang ang suot. Sobrang gwapo ng mukha nito na napapalibutan ng maninipis na bigote at balbas. Nakakaakit ang mata nito. Lean ang type ng body. Mukhang masarap yakapin. Mukhang makinis at malambot ang balat. Mukhang mabango. Parang ang sarap-sarap.

Roxy: A-anong pangalan niya?

Fiona: Ano ba 'yan? Nakakita ka lang ng gwapo ay nabubulol ka na. Rob. Rob Laguarte.

Roxy: Laguarte?

Fiona: Oo. Alam mo bang maraming pagmamay-aring restaurant ang pamilya nito. Sobrang yaman nito. Kaya ito ang target ko. Gagamitin ko lang si Waldo. Ang problema ay may asawa na ito. Pero okay lang. Madali lang naman sa akin ang mang-agaw ng asawa ng iba. Haha!

Hindi napansin ni Fiona na hindi na nakikinig sa kanya ang kaibigan. Malalim ang iniisip nito. Iniisip ang apelyido ng lalaking ipinakilala ng kaibigan.

Sa isip niya ay familiar ang apelyido nito.

Laguarte... Laguarte... Aha! Mavie. Kathryn Maverick Laguarte.

----------

KABANATA 2

ROB's POV


Sa master's bedroom ng mag-asawang Rob at Callie...

Nakahiga na kami ngayon sa kama ng misis kong si Callie matapos ang birthday celebration ko. Umuwi na rin sina Papa at Mama. Nagpaiwan na sina Santi at Mitchie. Sa sobrang kalasingan ay hindi na kinaya pang magmaneho ng sasakyan ni Santi. Ang sabi ko ay ihahatid ko na sila, pero tumanggi si Santi. Kaya nandoon sila ngayon ni hipag sa guest bedroom.

Si Waldo naman ay sumama sa condo ni kumareng Olive. Ang sabi ay may ipapaayos lang daw si Olive sa bahay nito. Technician kasi ang best friend kong si Waldo. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano 'yong pulang manipis na telang iniabot ni kumareng Olive sa kaibigan kong si Waldo.

Rob: Thank you so much, Hon, para sa lahat ng effort mo ngayong birthday ko. I really appreciate it. One of the best birthdays I've ever have. I love you!

Hinalikan ko ng masuyo sa labi ang asawa kong si Callie. Hinding-hindi ako magsasawang gawin ito sa kanya. Mahal na mahal ko siya.

Callie: I love you too, Hon. Alam mo namang para sa ikasisiya mo ay gagawin ko. Para sa iyo at kay Mavie.

Rob: Ang swerte-swerte ko naman sa misis ko. Pa-kiss nga ulit.

Sa pagkakataong ito ay mas lumalim ang halik ko sa asawa ko. Punung-puno ng pagmamahal. Napakasarap ng mga halik ng asawa ko sa akin. Nakapikit na siya ngayon at ninanamnam ang bawat sandali. Pumikit na rin ako at sinundan na lamang ang aking instinct sa mga pagkakataong ganito.

Niyakap ko ang kanyang baywang at hinapit palapit sa akin. Magkadikit na ngayon ang aming katawan. Mas umiinit na ang aming halikan. Nararamdaman ko ang marahang paghimas ni Callie sa aking dibdib. Unti-unting bumababa ang nakapalibot kong kamay at bisig sa kanyang baywang patungo sa kanyang puwitan. Pinisil ko ito.

Callie: Nnnggghhh...

Sandaling bumuka ang maliit na bibig ni Callie at sinamantala ko ang pagkakataon. Ipinasok ko ang aking dila sa loob ng bibig ni Callie. Tinanggap naman niya ito at nakipaglingkisan ang kanyang dila sa aking dila. Senswal at napakarahan ng aming paghahalikan. Punung-puno ng emosyon.

Muli kong pinisil ang puwitan ni Callie. Napakapit ang dalawa niyang bisig sa balikat ko paikot sa aking leeg. Nararamdaman kong may mangyayari sa amin ngayong gabi nang mag-ring ang phone ni Callie.

Na-distract si Callie. Tumigil siya sa paghalik sa akin. Napabukas ang nakapikit na mga mata. Bumitaw siya sa pagkakapit sa aking leeg. Mabilis na napalingon sa kanyang phone na nasa side table.

Napaungol ako. Medyo nabitin ako. Nararamdaman ko ang paninigas ng aking alaga sa loob ng aking boxer shorts. Napadiretso ako ng higa at napatingin sa kisame. Napabuga ng hangin. Hindi ko alam kung dahil nainis ako sa sobrang pagkabitin.

Callie: Hello? Olive? What? Wait, I don't understand. Okay. Okay. Sure. Sige. Don't worry. Papupuntahin ko si Rob diyan.

Napalingon ako sa aking asawa nang marinig ko ang pangalan ko. Ibinalik na niya sa side drawer ang kanyang cellphone.

Callie: Rob, tumawag si Olive.

Rob: Oh. Bakit daw?

Callie: Baka raw pwede kang pumunta sa condo niya ngayon para sunduin si Waldo?

Rob: What? What happened?

Callie: Nag-inuman daw ulit silang dalawa pagdating sa condo ni Olive. Naparami ang inom ng kaibigan mo. Sa sobrang kalasingan daw ay hindi makatayo si Waldo para mag-drive pauwi. Hindi rin naman nagda-drive si Olive. At panghuli, hindi pwedeng maabutan ng boyfriend ni Olive si Waldo sa condo niya. Kaya kung pwede raw ay ikaw sana ang maghatid pauwi kay Waldo sa bahay niya.

Rob: Sandali lang. Akala ko ba ay may ipapaayos lang si Olive sa condo niya? Eh, bakit nagkainuman? Tapos ngayon aabalahin tayong dalawa. Nabitin na nga ko, penirwisyo pa.

Napangiti si Callie. Kumapit sa braso ko at paniguradong maglalambing na naman ito.

Callie: Hon, dali na. Kawawa naman si kumare natin. Baka isipin ng boyfriend niyon ay kung sinu-sinong lalaki ang pinapupunta niya sa condo niya? Konsensya ko pa kapag naghiwalay sila.

Lumabi pa si Callie. Ang cute talaga ng asawa ko. Sa sobrang gigil ko ay pinisil ko ang kanyang ilong.
Rob: Ang cute-cute talaga ng misis ko. Kaya mahal na mahal kita, eh.

Callie: Bolero!

Ilang minuto lang ay nakabihis na ko. Nagpantalon lang ako at puting sando. Naninigas pa rin si junior ko. Lagot sa akin mamaya si Callie pagbalik ko. Binitin niya ko.

Humalik muna ko kay Callie bago lumabas ng master's bedroom. Pagdating ko sa garahe ay nandoon ang hipag kong si Mitchie. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o talagang nakasuot siya ng see-through lingerie. Sa ilalim nito ay isang maliit na black bra at manipis na itim na...T-back? Hindi ako sigurado dahil nakasandal siya sa likod ng kotse ko. Pero ang sigurado ay sexy talaga ang hipag ko. Busy na naman sa kanyang cellphone.

Marahil ay naramdaman niya ang presensya ko at napaangat siya ng tingin sa akin. Napadiretso siya ng tayo.

Mitchie: Kuya? Bakit gising ka pa?

Rob: Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo niyan.

Bigla siyang napasimangot.

Mitchie: Si Santi kasi, eh. Nakatulog sa sobrang kalasingan. Binitin na naman ako. Lagi na lang niya 'tong ginagawa sa akin. Binibitin ako sa ere! Buwisit!

Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Pareho pala kaming nabitin sa sex ng hipag ko. Ang pagkakaiba nga lang ay tinulugan siya ng kapatid ko. Napailing na lang ako.

Rob: Kaya sa sobrang inis mo ay nagpahangin ka na lang dito para mawala 'yang init sa katawan mo?

Nakangisi ako sa kanya.

Nahihiya siyang tumango sa akin habang kagat-kagat ang ibabang labi. Napatawa ako.

Rob: Well, wala akong magagawa diyan. Pupunta ko ngayon sa kumare namin ni Callie. Susunduin ko si Waldo. Kaya tumabi ka muna diyan.

Pagkaupo ko ng driver seat ay nagulat ako nang bumukas ang pinto sa kabilang gilid. Sumakay sa kotse ko si hipag.

Mitchie: Sama na lang ako sa 'yo, Kuya. Pampawala lang ng init. Mas mahangin sa labas, eh.

Napailing ako. Hindi ko naman kasi close ang babaeng ito.

Rob: Paano ang asawa mo? Baka magising si Santi at hanapin ka?

Mitchie: Hindi 'yon. Daig pa niyon ang tulog-mantika kapag nakainom. Kainis talaga siya. Argh!

Natawa ulit ako. Kitang-kita kasi ang inis sa mukha ni Mitchie. Sa edad nitong twenty-one kumikilos pa rin ito na parang bata.

Rob: Ikaw ang bahala.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ni Mitchie nang naramdaman namin ang init sa loob ng kotse ko. Nasira pala ang aircon. Buwisit!

Binuksan namin ang mga bintana. Pero mainit pa rin kahit may pumapasok na hangin sa loob.

Mitchie: Ibang init yata itong nararamdaman ko. Init ng pagkabitin pa rin yata ito.

Napatingin ako kay Mitchie nang yumuko siya. Pero sandali lang dahil nagda-drive ako. Nang biglang may napansin akong nalaglag sa gilid ko. Tiningnan ko ito at halos mawala ako sa concentration ng pagda-drive nang makita ko ang T-back ni Mitchie sa lapag.

Mitchie: Sorry, Kuya. Ang init, eh.

Napatingin ako sa kanya at kitang-kita sa mukha at mata ng batang ito ang libog. Halatang nabitin sa sex. Halatang nag-iinit.

----------

to be continued...